Q1 ESP Summative

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

PANGHULING PAGSUSULIT PARA SA UNANG MARKAHAN

ESP 9

Name: ___________________ Grade/Section: _________ Score:_____

PANUTO: Ang bahaging ito ay pwede niyo nang sulatan ng inyong mga sagot. (hindi
na kailangang gumamit ng intermediate pad.)

LAYUNIN: Nasusukat ang kaalaman ng mga mag-aaral sa mga ibinahaging


Modyul para sa unang markahan.

GAWAIN 1
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang
titik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang tunay na layunin ng lipunan?


a. kapayapaan c. katiwasayan
b. kabutihang panlahat d. kasaganaan
2. Ano ang kabutihang panlahat?
a. Kabutihan ng lahat ng tao
b. Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan
c. Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan
d. Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi
nito
3. Ito ay nagmula sa salitang ugat na “lipon” na nangangahulugang pangkat.
a. lipunan c. communis
b. komunidad d. panlipunan

4. Ito ay indikasyon ng pagkakaroon ng kabutihang panlahat, ang katatagan


at seguridad ng makatarungang kaayusan.
a. kapayapaan c. katiwasayan
d. paggalang d. paggalang

5. May kapayapaan kapag __________


a. iginagalang ang bawat indibidwal
b. umiiral ang katarungan
c. iginagalang ang bawat indibidwal at umiiral ang katarungan
d. may katahimikan at kapanatagan
6. Ang mga sumusunod ay elemento ng kabutihang panlahat maliban sa:
a. Kapayapaan
b. Katiwasayan
c. Paggalang sa indibidwal na tao
d. Tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng lahat
7. Ang salitang komunidad ay galing sa salitang Latin na communis na
nangangahulugang __________.
a. common o nagkakapareho c. pangkat
b. komon o nagkakapareho d. sagot a at c

8. Ang mga sumusunod ay mga katangian na dapat taglay ng isang matiwasay na


lipunan, maliban sa______
a. pagkakaisa c. pagtutulungan
b. maunlad d. kanya – kanya

9. Ayon kay _____________ ang kabutihang panlahat ay ang pangkalahatang


kondisyong pantay na ibinabahagi para sa kapakinabangan ng lahat ng kasapi ng
isang lipunan.
a. John Rawis c. Jacques Maritain
b. Sto. Tomas de Aquino d. Dr. Manuel Dy

10. “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para sa iyo, kundi
itanong mo kung ano ang magagawa mo para sa iyong bansa.” Ang mga katagang ito
ay winika ni:
a. Aristotle c. John F. kennedy
b.Sto. Tomas de Aquino d. Dr. Manuel Dy

11. Ano ang tawag sa proseso ng paghahanap ng kabutihang panlahat at pagsasaayos ng sarili at ng
pamayanan upang higit na matupad ang layuning ito?
a. Lipunang Politikal b. Pamayanan
c. komunidad d. Pamilya

12. Ano ang tawag sa nabuong gawi, tradisyon, paraan ng pagpapasya, at mga hangarin ng isang
pamayanan?
a. kultura b. relihiyon
c. batas d. organisasyon

13. Alinsa sumusunod ang hindi nagpapakita ng Prinsipyo ng Subsidiarity?


a. pagsasapribado ng mga gasolinahan
b. pagsisingil ng buwis
c.pagbibigay daan sa Public Bidding
d. pagkakaloob ng lupang matitirikan para sa pabahay.

14. Alin sa sumusunod ang maaaring ihambing ang isang lipunan?


a. pamilya b. barkadahan
c. organisasyon d. magkasintahan

15. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng Prinsipyo ng Solidarity?


a. sama-samang pagtakbo para sa kalikasan
b. pagkakaroon ng alitan
c. bayanihan at kapit-bahayan
d. pagkakaroon ng panahon sa pagpupulong

16. alin sa sumusunod ang maaaring ihambing ang isang lipunan?


a. Pamilya b. Barkadahan
c. Organisasyon d. Magkasintahan

17. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng mahusay na pamamahala?


a. may pagkilos mula sa mamamayan patungo sa namumuno
b. may pagkilos mula sa namumuno patungo sa mamamayan
c. may pagkilos mula sa mamamayan para sa kapuwa mamamayan lamang
18. Sino ang may tungkulin na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan at kinabukasan ng
pamayanan?
a. Batas b. Kabataan
c. mamamayan d. Pinuno
19. Ano ang tawag sa proseso ng paghahanap sa kabutihang panlahat at pagsasaayos ng
sarili at ng pamayanan upang higit na matupad ang layuning ito?
a. Lipunang Politikal b. Pamayanan
c. komunidad d. Pamilya
20. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng Prinsipyo ng Solidarity?
a. sama-samang pagtakbo para sa kalikasan
b. pagkakaroon ng alitan
c. bayanihan at kapit-bahayan
d. pagkakaroon ng panahon sa pagpupulong
21. Paano masisiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa Lipunang Pang-
ekonomiya?
a. Nagbibigay ng tulong pinansyal ang pamahalaan sa mga mahihirap na
pamilya.
b. Sa pangunguna ng estado, napangangasiwaan at naibabahagi ng patas ang
yaman ng bayan.
c. Sinisikap ng estado na mabigyan ng trabaho ang bawat mamamayan kahit
hindi angkop sa kakayahan.
d. Tinutulungan ng estado ang mga manggagawa na makahanap ng
hanapbuhay sa ibang bansa.
22. Bakit mas epektibo ang patas kaysa sa pantay?
a. Sa pamamagitan nito, mas isaalang-alang ang kakayahan at
pangangailangan ng bawat isa.
b. Walang kakayahang magpasiya para sa sarili at sa iba pang mamamayan.
c. Karapatan ng bawat mamamayan na mtanggap ang nararapat sa kaniya.
d. Hindi pantay-pantay ang mga tao, ngunit may angkop para sa kanila.
23. Paano maipakikita ang tamang ugnayan ng tao sa kaniyang pag-aari?
a. Sa pagbibigay ng higit na mataas na pagpapahalagang kaniyang mga ari-
arian kaysa kaniyang sarili?
b. Sa pagmamayabang sa mga kaklasi at kaibigan ang dami ng naimpok na
salapi.
c.Sa pagpapakita na may kakayahan siyang pumili ng mga mamahaling gamit.
d. Sa pag-iwas na matali ang kaniyang halaga bilang tao sa kaniyang pag-aari.
24. Bakit magkaugnay ang pag-unlad ng sarili sap ag-unlad ng bayan?
a. Nakikilala at sumusikat ang mga taong umuunlad.
b. Malaki ang maitutulong sa bansa kung maraming pera ang bawat tao.
c. Ang bawat mahusay na paghahanaybuhay ng tao ay may mabuting dulot sa
pag-unlad ng bansa.
d. Nagkakaroon ng maraming oportunidad sa hanapbuhayang taong mahilig
paunlarin ang sariling kakayahan.
25. “Ang tunay na mayaman ay ang taong nakikilala ang sarili sa bunga ng kaniyang
paggawa. Hindi sa pantay-pantay na pagbabahagi ng kayamanan ang tunay na
kayamanan. Nasa pagkilos ng tao sa anumang ibinigay sa kaniya ang kaniyang
ikayayaman.” Ano ang kahulugan ng pahayagna ito?
a. Ang tunay na mayaman ay hindi takot gumastos para sa mga hilig niya.
b. Naipakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa husay niya sa paggawa.
c. Mahusay ang taong may kakayahang makabili ng lahat ng kaniyang naisin.
d. Maipagmamalaki ng tao ang kaniynag sarili sa mgakagamitan na mayroon
siya.
GAWAIN 2

Panuto: Paghambingin ang mga salita sa Hanay A sa salitang


kasingkahuluhan nito sa Hanay B. Titik lamang ang isulat.

Hanay A Hanay B

_______1. kabutihang Panlahat a. lipon na ang ibig sabihin ay pangkat


______ 2. Lipunan b. kabutihan ng lipunan na nararapat
bumalik sa lahat ng ng mga ksapi nito.
______ 3. Layunin ng lipunan c. kabutihang panlahat
______ 4. Elemento ng kabutihang
panlahat d. common o nagkakapareho
______ 5. Communis e. kapayapaan, paggalang, katarungan

GAWAIN 3

Panuto: isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay tama at MALI naman
kung ito ay mali.

______1. Ang tunay na tunguhin ng lipunan ay ang kabutihang panlahat


ng komunidad na nararapat na bumalik sa lahat ng indibidwal na kasapi
nito.
______2. Sa pamamagitan lamang ng lipunan makakamit ng tao ang
layunin ng kanyang pagkakalikha.
______3. Sa lipunan, nagkakaroon ang tao ng pagkakataong maipakita ang
pagmamalasakit, ang tumulong at matulungan sa panahon ng
pangangailangan.
______4. Ang kapayaaan ay resulta ng pagkakaroon ng katahimikan,
kapanatagan, at kawalan ng kaguluhan.
______5. Ang kabutihang panlahat ay hindi lamang nangyayari ng kusa.

BINABATI KITA !

INIHANDA NI:
ANALYN B. ROBLES
Subject Teacher

You might also like