Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

PAGE 2

PAGBABAGO NG KLIMA NG PANAHON, IKINABAHALA NG


DEPED
PMPMP nagpatupad ng blended learning
Bilang solusyon sa nararanasang matinding init dulot ng El Nino Phenomenon,
nagpatupad ng ‘Blended Learning’ ang Pambansang Mataas na Paaralang Mariano
Ponce (PMPMP) sa pagpasok ng buwan ng Mayo.

Alinsunod sa Department of Education (DepEd) Order No. 14 s. 2021 at Division of


Bulacan Memorandum No. 173 s. 2023, ipinasiya ni G. Erwin Santos CESE,
Punongguro IV, na gawing ‘alternate’ ang pasok ng mga mag-aaral na pang-umaga
at panghapon.

Kaugnay nito, nagsagawa ng pagsasaayos ng palitan ng iskedyul kung saan mula


ika-6 ng umaga hanggang 12:40 ng hapon ang pasok ng mga mag-aaaral.

Dagdag pa nito, ang pasok ng mga pang-umaga ay tuwing Lunes at Miyerkules


habang Martes at Huwebes ang mga panghapon, samantalang salitan naman ang
araw ng pagpasok tuwing Biyernes maliban sa Science Technology Engineering
(STE) na araw-araw ang klase.

Ayon kay Maria Socorro Japone, Ulong Guro VI Kagawaran ng Filipino, upang
patuloy ang pagkatuto ng mga mag-aaral, bibigyan sila ng modyul na sasagutan sa
kanilang tahanan sa araw na walang pasok.

Nilimitahan rin ang pagsasagawa ng mga aktibidad sa labas ng silid-aralan na


maaaring makapagdulot ng sakit dala ng bsobrang init na panahon.

Samantala, pinahihintulutan naman ang mga Poncenians na magsuot ng


komportableng damit tulad ng putting t-shirt at pamalit na blouse o polo.
Sa kabilang dako, nagbigay rin ng tulong ang paaralan sa pamamagitan ng
paglalagay ng ‘water station’ sa bawat departamento at canteen na libreng
ibinibigay sa mga mag-aaral.( Savea Yuquimpo)
Page 2

Page 2
Magandang Balita
SHS ng paaralan magbubukas sa darating na pasukan

Mas magandang oportunidad para sa mga Poncenians ang alok ng Pambansang Mataas na
Paaralang Mariano Ponce (PMPMP) sa pagbubukas ng Senior High School (SHS) sa taong
panuruan 2023-2024.

Ilan sa mga strands na bubuksan ng paaralan ang Science Technology Engineering


Mathematics (STEM), Accountancy Business Management (ABM), at Technical Vocational
Livelihood (TVL).

“Isa tayo sa public school na magkakaroon kasi ang oportunidad ay ito, meron tayong STE
which means we have the facilities, we have the teachers ,we have the experties of
resources,” ani G. Erwin Santos CESE, Punongguro IV ng paaralan.

Dagdag pa nito, limitado pa ang pasilidad at mga guro kung kaya’t maglulunsad ng masusing
screening ang paaralan para sa mga mag-aaral na nais magpatala.

“If everybody choose to stay, that would be 20 sections and we cannot accommodate them
all, pero kasi sa STEM Program may cut-off. Kailangan ang general average mo ay 85, kung
hindi ito 85, hindi ka pwede tanggapin ganoon din sa ABM at TVL,” paglilinaw ni G. Santos.

Ayon kay Maria Socorro Japone, Ulong Guro VI Kagawaran ng Filipino, gagamitin ang apat na
palapag ng building sa paaralan at tinatayang papalo sa 200 ang bilang ng mga SHS students sa
darating na pasukan.

Samantala, bagamat ngayon pa lamang bubuksan ang SHS, siniguro ni Gng. Japone na
mabibigyan ng dekalidad na edukasyon ng PMPMP ang mga mag-aaral.

“Qualified yung mga teachers na ilalagay sa Senior High School at well trained siyempre! Hindi
naman po basta bastang teachers ang ilalagay doon,” pahayag ng Ulong Guro . (Savea Yuquimpo)
Page 2

Para sa mas maigting na pag-iingat


10 faucet handwashing facility handog ng BWD
Bilang pagtugon sa panganib na dulot ng COVID nagkaloob ng isang
handwashing faucet ang Baliwag Water District (BWD) sa Pambansang Mataas na
Paaralang Mariano Ponce (PMPMP).

Isinagawa ang naturang proyekto sa Public Relation Sector sa ilalim ng


pamamahala ng Corporate Planning Department na sinimulan nang Oktubre at
natapos nang Nobyembre.

Nagmula ang pondo ng 10 faucet handwashing facility sa internal funds ng


BWD, na nanggagaling sa ibinabayad sa water bills.

Ayon kay Eloisa Ramos, Department Manager Corporate Planning Department,


ginawa ang pagbibigay ng handwashing facility, bilang pagdiriwang na rin sa Global
Handwashing Day.

“Adbokasiya ng Baliwag Water District ang Water Utility na Water Sanitation


and Hygiene (WASH) na kung saan nakasaad ang mga proyektong makakatulong sa
komunidad na nais naming ibigay,” dagdag pa ng Department Manager.
Bukod sa PMPMP, anim pang paaralan ang hinandugan nila ng handwashing
facility, kabilang ang Tilapayong, Paitan, Hinukay, Baliwag South Central, San
Roque at Sulivan.

Sa pagpili ng paaralang bibigyan ng handwashing facility, kinuha ang populasyon


ng bawat paaralan upang matukoy kung sino ang nangangailangan.

Samantala, pinaghahandaan ng BWD ang kanilang susunod na proyektong


Plastic Up Cycling Project na kung saan ay katuwang nila ang mga paaralang
publiko sa Baliwag. (Miavelle Maxene Acman)
Grap ito

3,205 kabuuang populasyon ng PMPMP

Nakapagtala ng 3,205 na populasyon ang Pambansang Mataas na Paaralang


Mariano Ponce (PMPMP) sa taong panuruan 2022-2023.

Bagama’t bahagyang bumaba ng 10.26% o 346 ang bilang ng enrollment


ngayong taon, patuloy pa rin ang paghahatid ng mataas na kalidad ng edukasyon
para sa mga Poncenians.

Tinatayang 342 lalaki at 312 babae ang bilang ng mga mag-aaral mula sa ika-7
baitang, na may kabuuang 654 Poncenians.

Habang nasa 781 ang kabuuang populasyon ng mga mag-aaral mula sa baitang
8 na may 388 lalaki at 393 babae.

Umabot naman ang bilang ng mga mag-aaral sa baitang 9 sa 897 na binubuo ng


409 kalalakihan at 488 kababaihan.

Mayroon namang 873 mag-aaral na may 435 kalalakihan at 438 kababaihan na


nagmula sa baitang 10.

Isa sa dahilan ng pagbaba ng bilang ng mga mag-aaral ay ang zoning o ang


paglipat ng mga mag-aaral sa mga paaralang mas malapit sa kanilang tirahan.
Samantala, sa kasalukuyan patuloy ang pagsasagawa ng mga intervention bilang
pangmatagalang solusyon para maiwasan ang bilang ng dropouts sa paaralan.
(Miavelle Maxene Acman)

You might also like