Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

GAMIT NG MGA BANTAS

1. Tuldok o Period (.)


2. Pananong o Question Mark (?)
3. Padamdam o Interjection (!)
4. Kuwit o Comma (,)
5. Kudlit Apostrophe (‘)
6. Gitling o hyphen (-)
7. Tutuldok o Colon (:)
8. Tutuldok-Kuwit o Semicolon (;)
9. Panipi o Quotation Mark (“ ”)
10. Panaklong o Parenthesis ( )
11. Tutuldok-tutuldok o Elipsis (…)

1. TULDOK (.) - Ang tuldok ay ginagamit na pananda:


A. Sa katapusan ng pangungusap na paturol o pasalaysay at pautos.
Halimbawa: Igalang natin ang Pambansang Awit.
B. Sa pangalan at salitang dinaglat
Halimbawa: Si Gng. A.A. Jose ay mahusay magturo.
Si Bb. Macarayan ang kanilang guro sa asignaturang “Basic Christian Living”.
C. Sa mga titik o tambilang na ginagawang pamilang sa bawa’t hati ng isang balangkas, talaan. Halimbawa: A. 1.

 2. PANANONG (?) - Ginagamit ang pananong:


A. Sa pangungusap na patanong.
Halimbawa: Ano ang pangalan mo? Sasama ka ba?
B. Sa loob ng panaklong upang mapahiwatig ang pag- aalinlangan sa diwa ng pangungusap. Halimbawa:
Si Manuel Roxas ang ikalawang (?) pangulo ng Republika ng Pilipinas.

3. PADAMDAM (!) - Ang bantas na pandamdam ay ginagamit sa hulihan ng isang kataga, parirala o pangungusap na
nagsasaad ng matindi o masidhing damdamin.
Halimbawa: Mabuhay ang Pangulo!
Uy! Ang ganda ng bago mong sapatos.
Aray! Naapakan mo ang paa ko.

4. PAGGAMIT NG KUWIT (,) - Ginagamit din ang kuwit sa paghihiwalay ng isang sinipi
A. Sa paghihiwalay ng magkakasunod na salita at lipon ng mga salitang magkakauri.
Halimbawa: Kumain ka ng itlog, gulay at sariwang bungang-kahoy.
Shana, saan ka nag-aaral ngayon?
B. Sa hulihan ng bating panimula at bating pangwakas ng isang liham- pangkaibigan.
Halimbawa: Mahal kong Marie, Nagmamahal, Sa iyo kaibigang Jose, Tapat na sumasaiyo,
C. Pagkatapos ng OO at HINDI.
halimbawa: OO, uuwi ako ngayon sa probinsiya. HINDI, ayaw niyang sumama.
D. Sa mga lipon ng salitang panuring o pamuno.
Halimbawa: Si Andres Bonifacio, ang ama ng Katipunan, ay isinilang sa Tondo.
Si Pastor Arias, isang mahusay na tagapagtanggol, ay isang Manobo.
`5. PAGGAMIT NG KUDLIT(‘) - Ginagamit na panghalili ang kudlit sa isang titik na kina- kaltas:
Halimbawa: Siya’t ikaw ay may dalang pagkain.
Ako’y mamayang Filipino at may tungkulin mahalin at pangalagaan ang aking bayan.
6. 2PAGGAMIT NG GITLING(-) - Ginagamit ang gitling (-) sa loob ng salita sa mga sumusunod na
pagkakataon:
A. Sa pag-ulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat.
Halimbawa: araw-araw isa-isa apat-apat dala-dalawa sari-sarili kabi-kabila masayang-masaya
B. Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa patinig na kapag
hindi ginitlingan ay magkakaroon ng ibang kahulugan
Halimbawa: mag-alis nag-isa nag-ulat pang-ako mang-uto pag-alis may-ari tag-init pag-asa
C. Kapag may katagang kinaltas sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama.
Halimbawa: pamatay ng insekto - pamatay-insekto kahoy sa gubat - kahoy-gubat humgit at kumulang -
humigit-kumulang lakad at takbo - lakad-takbo bahay na aliwan - bahay-aliwan dalagang taga bukid -
dalagang-bukid
Subalit, kung sa pagsasama ng dalawang salita ay magbago ang kahulugan, hindi na gagamitan ng gitling
ang pagitan nito.
Halimbawa: dalagangbukid (isda) Bahaghari

You might also like