Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Rasha T.

Dayrit
Gr. 5 St. George
Balitaan - Araling Panlipunan

Low Pressure Area malapit sa Cagayan maaaring maging bagyo — PAGASA

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang isang low pressure area o LPA sa silangan ng
Cagayan, bagay na posible maging bagyo sa mga susunod na araw.

Ang naturang LPA ay nasa 570 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan kaninang
Miyerkules nang madaling araw, sabi ng state weather bureau sa kanilang ulat panahon.

Tatawagin itong bagyong "Goring" kung sakaling maging tropical depression sa loob ng


Philippine area of responsibility.

Dahil sa LPA, binanggit na magdadala ito ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na


pag-ulan sa Cordillera at Cagayan Valley at may epekto pa rin ang Habagat sa bansa na
magdadala ng maulap na kalangitan na may malaking tiyansa ng pag-ulas sa Visayas,
Mindanao, MIMAROPA, Bicol Region, at bahagi ng Bataan at Zambales.

Walang nakataas na Gale Warning o babala sa pagpalaot ng mga bangka at magiging


banayad hanggang katamtaman ang pag-alon ng mga karagatan sa bansa na maaaring
maging mapanganib sa mga thunderstorms.

Mga tanong:
1. Ano ang ibig sabihin ng LPA?
Sagot: low pressure are
2. Ano ang magiging epekto ng pagpasok ng bagyo sa ating bansa?
Sagot: magdadala ito ng maulap na kalangitan at pag-ulan, at lalakas ang pag-alon
ng karagatan na mapanganib sa mga mangingisda, mga papalaot at nakatira
malapit sa baybaying dagat.

You might also like