Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

GAMITIN ANG LAHAT NG TAGLAY MO PARA LUWALHATIIN ANG DIYOS

Paalaala sa tagapagsalita:
Ipaliwanag kung bakit dapat nating luwalhatiin ang Diyos at kung paano ito dapat makaapekto sa buhay natin.
Tulungan ang mga baguhan na makitang hindi dapat itaas ng mga miyembro ng kongregasyon ang sarili nila
at hindi rin sila dapat maghanap ng kaluwalhatian para sa sarili nila

KARAPAT-DAPAT SI JEHOVA NA LUWALHATIIN (6 min.)


Ang pagluwalhati sa Diyos ay “pag-uukol sa kaniya ng pagsamba na may kasamang papuri, pagpaparangal,
at pasasalamat”
Ang Diyos na Jehova ang pinakakarapat-dapat maluwalhati [Basahin ang Apocalipsis 4:11]
Buong pusong ibinibigay ng makapangyarihang mga anghel ang kaluwalhatian kay Jehova (Apo 7:11, 12)
Lalo nang dapat ibigay ng mga tao ang kaluwalhatian sa Diyos! (Aw 8:3-9)
Karamihan ng tao ay binulag ni Satanas, ang diyos ng makasariling mundong ito (2Co 4:4)
Sa halip na luwalhatiin ang Diyos, gusto ng marami na maitaas sila at luwalhatiin ng iba (Ju 12:43;
Ro 1:20, 21)
Paano natin maibibigay sa Diyos ang kaluwalhatiang nararapat sa kaniya? (Aw 96:7, 8)
TULARAN ANG HALIMBAWA NI JESUS SA PAGLUWALHATI SA DIYOS (12 min.)
Tularan ang kapakumbabaan ni Jesus (Fil 2:5-8)
Hindi ginusto ni Jesus na mapunta sa kaniya ang kaluwalhatian, kahit pa tinukso siya ni Satanas (Mat 4:5-10;
w11 5/15 18 ˚10-11)
Kinilala ni Jesus na ang Ama niya ang Pinagmumulan ng kaniyang mga itinuturo at makapangyarihang mga
gawa (Ju 7:16; 14:10)
Dapat lang na ibigay natin kay Jehova ang papuri dahil sa ating mga abilidad at nagagawa (1Co 4:7)
Handang gumawa si Jesus ng mabababang gawain para sa iba (Ju 13:3-5)
Tularan ang pag-ibig ni Jesus sa katuwiran (Heb 1:9)
Gusto ng maraming tao na masunod ang sarili nila kaya tahasan nilang binabale-wala ang mga kautusan
ng Diyos sa moral (Ro 1:24, 28, 32; 2Pe 2:10)
Pinararangalan natin si Jehova kapag kinikilala natin ang karapatan niyang hubugin tayo at kapag
sinusunod natin ang mga utos niya (Isa 64:8)
Naluluwalhati si Jehova kapag pinupuri tayo ng iba dahil sa magandang paggawi (1Pe 2:12)
Tularan ang buong-kaluluwang debosyon ni Jesus sa Diyos (Ju 4:34; 8:28, 29)
Gamitin ang iyong buhay para gawin ang kalooban ng Diyos, hindi ang sa iyo (Mat 16:24; Ro 12:1, 2;
w06 4/1 23 ˚9)
Ibahagi sa iba ang mabuting balita ng Kaharian [Basahin ang Juan 15:8] (Mat 28:19, 20)
Kapag gumagawa tayo ng mabuti sa iba, puwede silang mapakilos na luwalhatiin din ang Diyos
(Mat 5:16; w08 5/15 4-6 ˚12-16)
KUNG PAANO LULUWALHATIIN ANG DIYOS GAMIT ANG LAHAT NG TAGLAY NATIN (8 min.)
Dapat tayong mapakilos ng pag-ibig natin kay Jehova na gamitin ang lahat ng taglay natin para luwalhatiin
siya [Basahin ang Marcos 12:30]
Bawat isa sa atin ay may iba’t ibang taglay na magagamit para luwalhatiin ang Diyos, gaya ng talento,
edukasyon, lakas, karanasan, panahon, o materyal na bagay (Kaw 3:9)
Marami man o kaunti ang taglay natin, ang mahalaga ay kung paano natin ito ginagamit para luwalhatiin
si Jehova (Luc 21:1-4)
Alam ni Jehova ang kalagayan at limitasyon ng bawat indibidwal (Aw 103:14)
Kung may pagkakataon kang gumawa nang higit sa gawaing pangangaral o tumanggap ng mga atas sa
kongregasyon, gamitin iyon para makinabang ang iba at maluwalhati si Jehova
Huwag na huwag yayabang dahil sa mga abilidad o pribilehiyo; huwag ding maghanap ng kaluwalhatian
para sa sarili (Kaw 16:18; 25:27)
Iwasang itaas ang sarili at huwag magpokus sa posisyon (Mat 23:10-12)
PINAGPAPALA ANG MGA LUMULUWALHATI SA DIYOS (4 min.)
Ang mga pagsisikap mong maluwalhati ang Diyos ay gagantimpalaan
Makadarama ka ng kasiyahan dahil sa pagluwalhati sa Diyos, na “lubhang marapat na purihin” (Aw 145:3)
Dahil diyan, lalapit sa iyo si Jehova at luluwalhatiin ka niya (Aw 73:23, 24; 138:6; w13 2/15 25-26 ˚2-5)
Magkakaroon ka ng pagkakataong luwalhatiin si Jehova magpakailanman (Aw 86:12)
[Huwag lumayo sa outline, at sundin ang ipinakitang oras sa bawat bahagi. Hindi kailangang basahin
o komentuhan ang lahat ng nabanggit na teksto. Tingnan ang aklat na Paaralan Ukol sa Ministeryo,
pahina 52-55, 166-169]

Blg. 17-TG 4/18 SASAKLAWIN SA 30 MINUTO


˘ 2018 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania

You might also like