Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

AP REVIEWER

HEOGRAPIYA NG MUNDO AT ASYA


I. Mga kontinente sa Mundo
A. Asia
B. Africa
C. North America
D. South America
E. Antartica
F. Europe
G. Australia

II. Mga rehiyon sa Asya


A. Hilagang Asya: May kabuuan na sukat na 4milyong kilometro kwadrado, ito ay
napapalibutan ng Russia sa Hilaga, Turkey sa kanluran, Iran/Afganistan sa Timog
at Tsina/Mongolia sa silangan. Kilala sa dating tawag na central or inner Asia at
binubuo ng mga bansang dating Soviet Union. Dito matatagpuan ang Ural
mountain at Lake Baikal na pinakamalalim na lawa sa daigdig. Mahaba ang tag
lamig sa rehiyon na ito.
1. Yamang lupa: Trigo, palay, barley bulak, gulay, tabasko, sugar beet, sibuyas,
ubas at mansanas nag produkto ng bansang ito. Pag aalaga ng hayop tulad ng
baka at tupa naman ang isa pa sa kinabubuhay ng mga tao sa rehiyon na ito
2. Yamang gubat: Troso mula sa Siberia
3. Yamang tubig: Caviar (itlog ng sturgeon)
4. Yamang mineral: Metalikong mineral (ginto Uzbekistan/Krygyzstan). Mineral
na panggatong/uling (natural gas Russia). Mineral ng Phosphate (Tajikistan)

B. Timog Silangan Asya: Isang malaking rehiyon sa asya mayroon itong kabuuang
sukat na halos 5milyong kilometro kwadrado. Australia sa timog at Karagatang
Pasipiko sa silangan. Ang klima sa lugar na ito ay tropical sapagkat malapit sa
equator. Ang East Timor ang pinaka huling nagging estado sa rehiyon na ito.
Kabilang ang Pilipinas sa rehiyon na ito.
1. Yamang lupa: Palay, niyog, kopra, gulay, pag aalaga ng kalabaw, baka,
baboy, kabayo , kambing at manok
2. Yamang gubat: Kagubatan Teak (Myanmar): Narra, yakal, kamagong, ipil,
mayapls.
3. Yamang tubig: Malalaking ilog na pinanggagalingan ng hydroelectric power.
Bangus, tilapia, hipon at Tuna
4. Yamang mineral: Langis at natural gas (Indonesia), liquified gas (Malaysia)
C. Timog Asya: May kabuuan na sukat na 5.2milyong kilometro kwadrado,
napapalibutan ito ng Tsina sa hilaga, dagat Arabia at kanlurang Asya sa Kanluran
at karagatang Indian sa timog. Tinatawag din na sub-continent ang India na
ksama sa rehiyon na ito sapagkat sa loob nito ay mayroong mga bansang
matatagpuan. Ang Himalayas na pinakamalaking bulubundukin ang nag sisilbing
hanggangan ng timog asya. Iba-iba ang klima sa loob ng isang taon.
Mahalumigmig (June-Sept), Taglamig (Dec-Feb), Tag-init at tagtuyo (March-May).
1. Yamang lupa: Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay sa rehiyon na ito.
Palay , trigom tubo at mga gulay ang pinakamahalagang likas yaman dito.
Tanyag sa lugar ang Opyo sa Afghanistan na isa sa bansa ng Timog Asya.
2. Yamang gubat: Mahogany at ibat ibang palm (Sri Lanka), Ebony at Satinwood
(hilaga at silangang bahagi) at evergreen (mataas na lugar)
3. Yamang tubig: Indian ocean ang tagapagtustos na ibat ibang yamang dagat.
4. Yamang mineral: Batong apog, bakal, karbon, natural gas, langis, tanso, asin
at gypsum ang pangunahing mineral sa lugar na ito.

D. Silangang Asya: May kabuuan na sukat na 12milyong kilometro kwadrado,


napapalibutan ito ng Russia sa hilaga, gitnang asya sa Kanluran at karagatang
pasipiko sa silangan. Napapaligiran dn ito ng mga likas na hangganan gaya ng Sea
of Japan at Korea Strait. Matatagpuan sa rehiyong ito ang mga pinaka
industriyalismong bansa ang Japan. Ang pinakamalakaing bansang asyano at
pinaka malaking populasyon sa daigdig ang China. Makikita sa kanluran nito ang
Himalayas.

E. Kanlurang Asya: ito ay pinagtatagpuan at hangganan ng kontinente sa daigdig


tulad ng Africa, Asya at Europe. May kabuuang sukat na 5.5 milyong kilometro
kwadrado. Mayroon dalawang tangway (Arabian Peninsula at Anatolia Peninsula)
at malalaking anyong tubig (Mediterranean Sea, Aegean at Black Sea). Makikita
din sa rehiyon na ito ang pinakamalaking deposito ng langis at natural gas. Mainit
ang temperaturang nararanasan sa buong rehiyon at dito matatagpuan ang
malalawak na disyerto tulad ng (arabian desert, Syrian at negel desert).
1. Yamang lupa: Pag tatanim ng trigo at barley sa Oasis. Palay bulak, mais at
tabako(iran), Dalandan (Israel)
2. Yamang gubat: Pag hahayupan sa lugar na bulubundukin at disyerto.
3. Yamang tubig: Wala.
4. Yamang mineral: Langis at petrolyo ang pinaka malaking industriya (Saudi
Arabia), natural gas, tanso,zinc, magnesium, phophaste at iba pa.
III. Ang globo at mga terminolohiya nito
A. GLOBO- modelo ng mundo. Sa globo makikita ang kabuuang larawan kung saan
nakalagay o nakapuwesto ang bawat bansa, mga karagatan, at mga kontinente.
B. Ekwador - ito ang humahati sa globo sa dalawang magkasinlaking bahagi - ang
hilaga at timog hatingglobo. Matatagpuan ang ekwador sa panuntunang 0°. Ito
ang tinuturing na pinakamahaba sa lahat ng latitud. Ang ekwador ang bahagi na
pinakamalapit sa araw kung kaya't mainit sa panig na ito ng daigdig.
C. Latitud - (o latitude) ito ang mga guhit na paikot sa globo na kahanay ng
ekwador. Ang mga guhit na ito ay kanluran papuntang silangan. Ginagamit din
ito sa pagsukat ng layo ng isang lugar, pahilaga at patimog mula sa ekwador.
D. Longhitud - (o longitude) ito ang mga patayong guhit na naguugnay sa pulong
hilaga at pulong timog. Kahanay ito ng punong meridyano at ginagamit sa
pagsukat ng layo ng isang lugar pasilangan at pakanluran mula sa punong
meridyano.
E. Punong Meridyano –(prime meridian) matatagpuan ang guhit na ito sa
panuntunang 0°. Tinatawag din itong Greenwich dahil naglalagos ito sa
Greenwich,South Villa Catalunan Grande
F. Internasyunal na Guhit ng Petsa (International Date Line) - matatagpuan sa
180° meridyano. Sa bahaging ito nangyayari ang pagpalit ng petsa at oras.
G. Grid o Parilya - ito ay nabubuo kapag pinagsama o nagkatagpu-tagpo ang guhit
latitud at guhit longhitud.
H. Hilagang Hating Globo - ang itaas na bahagi ng ekwador.
I. Timog Hating Globo - ang ibabang bahagi ng ekwador.
J. Tropiko ng Kanser -guhit sa 23 ½˚ hilaga ng Ekwador. Ito ang pinakahilagang
latitud kung saan maaaring magpakita ang araw ng diretso sa ibabaw sa tanghali.
K. Tropiko ng Kaprikorn- Minamarkahan nito ang pinakatimog na latitud kung saan
maaaring tuwirang lumitaw ang araw sa dagat o sa lupa (soil) tuwing gabi.

IV. Mga anyong lupa


A. Kapatagan — isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at
pantay ang lupa rito. Maaaring itong taniman ng mga palay,mais,at gulay.
B. Bundok — isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi at hamak
na mas mataas kaysa sa burol.
C. Bulkan — isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay
maaaring lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig
D. Burol — higit na mas mababa ito kaysa sa bundok.
E. Lambak — isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok. Marami ring
mga produkto tulad ng gulay, tabako, mani, mais, at palay ang maaaring itanim
dito.
F. Talampas — patag na anyong lupa sa mataas na lugar. Maganda ring taniman
G. Baybayin — bahagi ng lupa na malapit sa tabing dagat
H. Bulubundukin — matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at sunud-
sunod.
I. Pulo — mga lupain na napalilibutan ng tubig.
J. Yungib — mga likas na butas na may sapat na laki at lawak na maaaring pasukin
ng tao at hayop.
K. Tangway — pahaba at nakausling anyong lupa na naliligiran ng tubig.
L. Tangos — mas maliit sa tangway.
M. Disyerto — mainit na anyong lupaMga anyong tubig

V. Mga anyong lupa


A. Karagatan -Ang karagatan ay ang pinakamalawak at pinakamalalim na anyong-
tubig. Maalat ang tubig nito. (Kabilang sa mga kilalang karagatan ay ang
Karagatang Pasipiko, Karagatang Atlantiko, Karagatang Indian, Karagatang Artiko,
at ang Karagatang Southern.)
B. Dagat - Ang dagat ay malawak na anyong-tubig na mas maliit lamang ang sukat
sa karagatan. Maalat ang tubig ng dagat sapagkat nakadugtong ito sa karagatan.
C. Ilog - isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong dagat.
Nagmula ito sa maliit na sapa o itaas ng bundok o *burol.
D. Look - Ang look ay anyong-tubig na nagsisilbing daungan ng mga barko at iba
pang sasakyang-pandagat. Maalat din ang tubig nito sapangkat nakadugtong ito
sa dagat o sa karagatan.
E. Golpo - bahagi ito ng dagat.
F. Bukal - tubig na nagmula sa ilalim ng lupa.
G. Lawa - isang anyong tubig na napapaligiran ng lupa.
H. Talon - matarik na pagbaba ng tubig sa isang sapa
I. Batis - ilug-ilugan o saluysoy na patuloy na umaagos.
J. Sapa - anyong tubig na dumadaloy.

VI. Vegitation Cover: uri o dami ng mga halaman sa isang lugar tulad ng pagkakaroon ng
kagubatan o damuhan ay epekto ng klima nito.
A. Steppe – may ugat na mabababaw o shallow – rooted short grasses. Maliliit na
damuhan. Makikita ito sa Mongolia, Manchuria at Ordos Desert
B. Prairie – lupaing may damuhang matataas na malalalim ang ugat o deeply –
rooted tall grasses. Makikita ito sa Mongolia, Manchuria at Russia
C. Savanna – pinagsamang mga damuhan at kagubatan. Makikita ito sa Myanmar
at Thailand
D. Taiga – coniferous ang mga kagubatan bunsod ng malamig na klima dahil sa
presipitasyon na maaaring nasa anyong yelo o ulan. Makikita ito sa Siberia
E. Tundra – halos walang puno sa lupaing ito dahil sa malamig na klima. Makikita
ito sa Siberia, Russia at nasa baybayin ng Arctic Ocean
F. Rainforest – kagubatan. Makikita ito sa Timog – Silangang Asya

You might also like