Rebisyon NG Pangunahing Papel - Modyul 7 (Diskusyon) - BORJA

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pangunahing Papel para sa ika-pitong Modyul sa Wika-1

Ang unang babasahin sa ikapitong modyul ay ang “Ilang Tala sa Estado at Direksyon ng
Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino” ni Galileo S. Zafra. Ang modyul na ito ay nakasentro sa
kung ano ang intelektuwalisasyon- ang nagawa nito sa wikang Filipino at ang mga dapat pang
gawin.

Habang binabasa ko ang teksto ay may mga nagustuhan akong mga punto. Ang una na rito
ay ang intelektuwalisasyon sa konteksto ng pagpapaunlad ng wikang Filipino. Dito pinakita kung
paano sinimulang maging intelektuwalisado ang ating wika, at ito'y sinimulan sa pagpili sa
Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa, na naging Pilipino, at kalaunan ay naging Filipino
noong 1987. Pagkatapos ay sinimulan naman ang estandardisasyon sa pamamagitan ng
paglalathala ng mga bilingguwal at multilingguwal na word list. Panghuli, ay pormal nang
pinalaganap ang wikang pambansa at ginamit bilang wikang panturo na ginamit rin sa ibat-
ibang anyo ng midya tulad ng telebisyon, radyo at iba pa. Dahil dito'y napaisip ako, na kung
ating babasehan sa ating nakikita sa panahon ngayon, masasabi ba nating ganap nang
intelektuwalisado ang wikang Filipino batay sa mga pinagdaanan na nito? Sa totoo lang ay
maganda ang mga nagawa ng mga dalubhasang ito bilang unang hakbang upang maging
intelektuwalisado ang ating wika, ngunit masasabi kong ito ay hindi pa lubusang ganap na
naipatupad ngayon. Dahil una, sa kahulugan palang nito na inihayag ni Santiago(1990), sinasabi
na "Ang intelektwalisasyon ay proseso upang ang isang wikang di pa telektwalisado ay maitaas
at mailagay sa antas na intelektwalisado nang sa gayo'y mabisang magamit sa mga
sopistikadong lawak ng karunungan", at kung mapapansin natin ay wala tayong mga libro sa
agham, teknolohiya at iba pang larang na nakalimbag sa wikang filipino. Hindi tulad ng sa ibang
bansa gaya ng Indonesia, Africa, at Singapore na may mga aklat sila sa ibat ibang larang na
nakasulat sa kani-kanilang mga wika. Dahil kapag ang isang wika ay ginagamit na sa ibat-ibang
larang sa akademya, ay saka nating masasabi na ang isang wika ay isang ganap nang
intelektuwalisado. Ang isang importanteng rason kung bakit mas maganda na may mga libro
tayo sa ibat-ibang larang na nasa wikang Filipino, ay upang maunawaan ito pati ng mga Pilipino
na hindi marunong sa wikang Ingles at mga hindi nakapag-aral. Dahil kung papaniwalaan man
natin o hindi, may mga pinoy parin na mahilig magbasa ng aklat. Na kahit hindi sila nag-aaral ay
may namumukudtanging interes parin sila sa pagbabasa, at ang patunay diyan ay ang ibang
mamamayan sa amin partikular na ang mga matatanda, kung saan ay nagbabasa sila ngunit pili
lamang, dahil ito'y mga nasa wikang Filipino lamang dahil ito lang ang kanilang naiintidihan. At
kung ating susubukan na gawan ng pagsasalin ang iba pang larang tulad sa siyentia, medisina,
arkitektura at iba pang ispesyalisadong larangan ay malaking tulong ito sa atin at sa iba, upang
mapalawak pa ang ating mga kaalaman. Na habang lumalawak ang ating kaalaman ay siya ding
pagyabong ng ating wika dahil sa mga bagong termino na madadagdag sa ating mga
bokubularyo. Alam kong mahirap itong gawin dahil kailangan natin ng mga eksperto sa ating
sariling wika na gagawa ng mga termimo pero alam ko na kaya rin natin ito tulad nang sa ibang
bansa.

Isa rin na aking nagustuhan ay "Ang mga nagawa na para sa intelektuwalisasyon ng Filipino".
Sa parteng ito ay namangha ako na may mga aklat na palang nailimbag sa ating sariling wika
tulad ng UP Diksiyonaryong Filipino at Gramatikang Filipino (na may kaugnayan sa
estandardisasyon ng wika). Tesis at Disertasyon sa Filipino at Paglalathala ng mga
Monolingguwal (sa Filipino) at Bilingguwal (sa Filipino at Ingles) na Journal(na may kaugnayan
sa pagbubuo ng korpus sa wika). Bilang pagbuo ng register ng Filipino sa ilang disiplina ay may
artikulong nagawa na pinamagatang "The Parameters of Intellectualization-Applications to
Filipino" na masusing binahagi rito ang proseso ng pagbubuo ng mga termino sa isang salita.
Itong mga halimbawa ay mga magagandang hakbang sa pagkamit ng intelektuwalisasyon ng
wikang Filipino, ngunit ang nakikitang kong isang problema bakit hindi pa nagiging ganap na
intelektuwalisado ang wikang Filipino ay dahil ang mga aklat o ang mga nailimbag na ito ay
hindi pa masyadong naipapakilala sa lahat. Tulad na lamang ng UP Diksiyonaryong Filipino,
nandirito ang mga pagsasalin ng mga ibang salita ngunit hindi parin ito masyadong kilala ng
mga kabataan ngayon dahil kulang ang publikasyon at desiminasyon nito, lalo na sa mga
paaralan. Kulang ang pagpapalaganap ng mga akdang nakasulat sa Filipino na sadyang nagiging
dahilan ng mabagal na pag-usad ng pagiging intelektuwalisado ng ating wika. Kung ako ang
tatanungin, mas maganda kung na-aakses ito ng lahat, tulad ng paglalathala nito sa online at
kung pwede pa nga ay gawan ng app(kung hindi man ito maililimbag sa isang aklat mismo) ang
mga ito tulad ng UP diksunaryong Filipino. Nakakalungkot lang na isipin, na may nagawa na
pala ang iba sa atin na kontribusyon sa pag iintelektuwalisado ng ating wika, ngunit ito'y hindi
naibabahagi at napapasa sa mas malawak na saklaw na mga Pilipino.

Ang huling punto na aking nagustuhan ay tungkol sa "Ilang usapin tungkol sa diskurso ng
intelektuwalisasyon ng wika" dito inilahad ang mga maaaring dahilan kung bakit napakahirap at
mabagal ang pag-usbong proseso sa pag intelektuwalisa ng wikang Filipino, at may isang
dahilan na tumatak sa akin at ito ay, ang tunguhin raw ng intelektuwalisasyon sa atin ay may
pagkiling lalo na sa wikang Ingles. Kung ating mapapansin, ay may mga naisasalin nang ibang
akademikong larang tungo sa ating wika, at ang halimbawa nito ay ang ekonomiks na paksa.
Ang paksang ekonomiks ay tinuturo na sa hayskul at kasiya-siya na ito ay nakasalin sa ating
sariling wika, ngunit hindi ba natin naisip kung bakit ang iba pang mga larang (tulad ng siyentia,
matematika, at iba pa) ay walang sumusubok na isalin ito sa ating sariling wika? O kung meron
man, bakit hindi ito nailalahad sa lahat? Kung atin ding mapapansin, itinuturo ang wikang
Filipino sa Germany, USA, UK, Australia, China, Japan (upang pangalanan ang ilan) at sa paraang
ito ay nagiging ganap na intelektuwalisado pa ang kanilang mga wika dahil may naidadagdag na
namang mga termino sa kanilang bokubolaryo, na siya namang nagiging dahilan ng pag-usbong
ng kanilang wika.

Kung ating gagayahin ang ibang bansa sa mga proseso nila, ay alam kong makakamit din natin
ang ating hangarin sa intelektuwalisasyon ng ating wika. Ang kulang sa ngayon ay ang unang
hakbang. Alam ko na kung may tumutol man o mahirapan man tayo sa una, ay makakaya rin
nating tanggapin ang mga ito at maisapuso ang lahat ng mga pagbabagong nagaganap sa ating
pag-aaral sa wika. Kailangan lang nating magkaisa, matutunan, at isipin na ang mga
pagbabagong ito ang magiging daan sa mas mayabong at mayaman na wikang Filipino.

You might also like