Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Paaralan CALOOCAN CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL Baitang 3

Guro MARICEL D. CRUZ Asignatura FILIPINO

I. LAYUNIN:
Pamantayang Pangnilalaman Pagkatapos ng Ikatlong Baitang, inaasahang maipamamalas ang kakayahan sa
(Content Standard) mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan.

Pamantayan sa Nasasabi ang pangunahing diwa ng tekstong binasa o napakinggan at


Pagganap nakapagbibigay ng kaugnay o katumbas na teksto, nagagamit ang mga kaalaman
(Performance Standard) sa wika at nakababasa nang may wastong palipon ng mga salita at maayos na
nakasulat gamit ang iba’t ibang bahagi ng pananalita upang maipahayag at
maiugnay ang sariling ideya, damdamin at karanasan sa mga narinig at nabasang
mga teksto ayon sa kanilang antas o lebel at kaugnay ng kanilang kultura.

Kasanayan Nagagamit ang tamang salitang kilos/ pandiwa sa pagsasalaysay ng mga personal
na karanasan (F3WG-IIIe-f-5)

Layunin Ang mga mag-aaral ay inaasahang natutukoy ang mga aspekto ng pandiwa,
napahahalagahan ang mga taong may kapansanan at nagagamit ang tamang
salitang kilos/ pandiwa sa pagsasalaysay ng mga personal na karanasan.

II. PAKSA
ARALIN 6 Ang Musika sa Lumang Bahay
Aspekto ng Pandiwa

Integrasyon: Araling Panlipunan, Edukasyon sa Pagpapakatao at MAPEH

III. KAGAMITAN SA PAGTUTURO


Sanggunian: 1. Kagamitang Pangmag-aaral: 203 – 221
2. Iba pang Sangunian: You Tube (Social Media)
https://www.youtube.com/watch?v=A-iHLYk3N6I
https://wordwall.net/tl/resource/25061448/aspekto-ng-pandiwa
https://www.youtube.com/watch?v=d_IvS7qrrPE

Kagamitan: Powerpoint, tarpapel, video clips, flash drive, projector, pentel pen, sagutang
papel, mikropono, mga larawan, task card

IV. PAMAMARAAN
PANIMULANG GAWAIN

Pagbati (Babatiin ng guro ang mga mag-aaral.)

Pagdarasal (Iimbitahan ng guro ang mga mag-aaral na tumayo upang magdasal.)

Pamamahala ng (Ipasisilip ang ilalim ng mga upuan kung may kalat at ipapupulot ito.
Silid-Aralan
(Ipaaayos ang linya ng mga upuan.)

Pagtse-tsek ng mga (Ipauulat ang liban at hindi liban sa klase.)


lumiban at hindi lumiban

Pagsasanay (Magpapanuod ng balita na may pamagat na:


(PWD na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya, muling nakabangon sa
pamamagitan ng pagtitinda ng cake.)

https://www.youtube.com/watch?v=A-iHLYk3N6I

Mga gabay na tanong:

1. Tungkol saan ang balita?


2. Ano ang ginawa niya upang siya ay makabangon muli sa pandemya?
3. Meron ba kayong kilala na katulad ng inyong napanood?
Balik-aral sa nakaraang Tukuyin ang pang-uri o mga pang-uri na ginamit sa pangungusap.
aralin/pagsisimula ng bagong 1. Ang aking nanay ay mabait at masipag.
aralin 2. Malaki at malinis ang bahay ni lola.
3. Ang bunga ng atis ay matamis at masarap.
4. Ang bulaklak na rosas ay mabango at maganda.
5. Si Ana ay may itim at mahabang buhok.

Paghahabi sa layunin ng aralin (Magpapanuod ng video ng “Kung Ikaw ay Masaya” patayuin ang mga bata
(Pagganyak) upang sabayan ang kanta at mga galaw.)
https://www.youtube.com/watch?v=d_IvS7qrrPE

(Magtatanong kung anong mga galaw ang kanilang ginawa at napanuod sa


video.)

Magpapakita ng mga larawan ng mga PWD at magsasabi kung anong mga kilos
ang ipinapakita ng mga ito.

Pag-uugnay ng mga halimbawa (Ipababasa ang buod ng kwento ng “Ang Musika sa Lumang Bahay”.)
sa bagong aralin
“Ang Musika sa Lumang Bahay”

Araw-araw dumaraan si Camille sa lumang bahay na ni ayaw


niyang tingnan kapag nadaraan siya sapagkat kanya itong kinatatakutan.
Twina ay dumaraan siya rito at nakaririnig siya ng tunog ng piano mula sa
bahay. Nakarinig muli siya ng tugtog na nagmumula sa lumang bahay
katulad ng narinig niya kahapon ngunit hanggang sa makilala niya ang
yaya ng tumutugtog. Siya si Yaya Ising. Isang araw, ipinakilala ni Yaya
Ising si Camille kay Jessica, isang batang di nakalalakad pero mahusay
tumugtog ng piyano. Naging mabuting magkaibigan ang dalawang bata
hanggang sa maisipan uli ni Jessica na bumalik sa paaralan. At mula nga
noo’y mabibigyan na muli siya ng pagkakataon na makabalik nasa
paaralan sa hinaharap.

(Magtatanong ukol sa kwento.)

1. Ano ang dahilan at laging nagmamadali si Camille kapag napapadaan siya sa


tapat ng lumang bahay?

2. Ano ang naramdaman niya nang una siyang makarinig ng tugtog na


nagmumula sa lumang bahay? Kung ikaw si Camille, makararamdam ka rin ba
nang ganito? Bakit

3. Sino ang tumutugtog? Bakit hindi siya pumapasok sa paaralan?

4. Paano natulungan ni Camille si Jessica?


5. Kung makakausap mo so Jessica, ano ang sasabihin mo sa kanya para hindi
siya matakot na muling magbalik sa paaralan?

(Ipalilista ang mga kilos na narinig sa kwento.)

dumaraan
ipinakilala
nakarinig
mabibigyan

(Itatanong kung kailan naganap ang kilos.)

dumaraan - araw-araw
ipinakilala - isang araw
nakarinig - kahapon
mabibigyan – sa hinaharap

PPST Classroom Observable Indicator 1: Applied knowledge of


content within and across curriculum teaching areas.

Pagtalakay ng
bagong konsepto at paglalahad “Basahin ang graphic organizer ng “Aspekto ng Pandiwa”.
ng bagong kasanayan #1

Graphic Organizer:

Naganap Nagaganap Magaganap

Natapos na o nagawa na Kasalukuyang ginagawa Gagagawin pa lamang

PPST Classroom Observable Indicator 3: Applied range of teaching strategies to develop critical and creative
thinking as well as other higher-order thinking skills.

Pagtalakay ng Direksyon: Kumuha ng isang bunga mula sa puno at basahin ng malakas ang
bagong konsepto at paglalahad nakasulat sa likod nito. Tukuyin kung anong aspekto ng pandiwa at gamitin sa
ng bagong kasanayan #2 pangungusap.

Paglinang sa kabihasaan PANGKATANG-GAWAIN


Hatiin ang klase sa apat (4) na grupo at pangalanan itong Pangkat 1, Pangkat 2,
Pangkat 3, at Pangkat 4. Ang gawain ay tatapusin sa limang minute.

(Magtatanong ng mga panuntunan ukol sa pangkatang-gawain.)


1. Panatilihin ang katahimikan at kaayusan habang isinasagawa ang pangkatang
gawain.

2. Tapusin ang gawain sa itinakdang oras.

3. Makilahok sa pangkatang gawain.

4. Linisan at iligpit ang mga kagamitang ginamit.

5. Ipaskil ang inyong gawa sa pisara.

(Ipakita at babasahin ang mga pamantayan na gagamitin sa pagmamarka ng


bawat presentasyon.)

Pangkat 1: Sumulat ng 3 salita na nasa ASPEKTONG NAGAGANAP


(Pangkasalukuyan) at gamitin sa pangungusap.

Pangkat 2: Gamitin ang limang salita na nasa ASPEKTONG NAGANAP sa


pangungusap (Pangnagdaan). Ipagawa ito sa ilang miyembro ng pangkat.
(tumalon, sumayaw, naglakad, pumalakpak, kumanta)

Pangkat 3: Magsulat ng 3 salitang maaari mong gawin upang pahalagahan ang


mga may kapansanan. Siguraduhing nasa APEKTONG MAGAGANAP
(Panghinaharap) ang mga salita.

Pangkat 4: Sumulat ng tatlong pangungusap na nasa ASPEKTONG


NAGANAP tungkol sa sariling karanasan.

PPST Classroom Observable Indicator 4: Managed classroom structure to


engage learners, individually or in groups, in meaningful exploration, discovery
and hands-on activities within a range of physical learning environments.

PPST Classroom Observable Indicator 6: Used differentiated,


developmentally appropriate learning experiences to address learners' gender,
needs, strengths, interests and experiences.

Pag-uulat ng bawat pangkat (Tatawagin na ang bawat pangkat upang mag-ulat.)

Paglalahat ng Aralin (Magtatanong sa mga mag-aaral kung ano ang pandiwa at ang bawat aspekto
nito.)

Ang pandiwa ay nagsasaad ng kilos o galaw.


Ang tatlong aspekto ng pandiwa ay naganap, nagaganap, at magaganap.

Pagtataya ng Aralin https://wordwall.net/tl/resource/25061448/aspekto-ng-pandiwa

Karagdagang Gawain Maglista ng 2 pandiwa na nasa iba’t ibang aspekto ng pandiwa at gamitin sa
pnagugusap.

Halimbawa:

Naganap Nagaganap Magaganap


Sumayaw Sumasayaw Sasayaw

V. REMARKS

You might also like