Professional Documents
Culture Documents
Adyenda Lucino 160523
Adyenda Lucino 160523
ADYENDA
Petsa: Hunyo 3, 2023 Oras: 9:00 am-11:20 am
Mga Dadalo:
1. Cecelia M. Lucino (konseho ng mga pangasiwaan)
2. Pres. Raymond Delada (Presidente)
3. Atty. Abrincel M. Lucino (Principal)
4. Engr. Rubylyn Rose Walijie (Inhinyero)
5. Rojean P. Lucino (pinuno ng pananalapi)
6. Alfredo C. Lucino (principal)
7. Lt. Angel Alexa Venice G. Saura (Secretary)
8. Engr. Gabreavem Lucino (Akademikong coordinator)
9. Dr. Anna Dela Cruz (Doctor)
10.Engr.Justine Eunice Lucino (Geodetic)
11. Aika Yunice Pino (Head Master)
12. Jeevein Villamor (Kalihim ng Edukasyon)
1. Badyet sa
pagpapatayo ng mga Engr. Rubylyn Rose 30 Minuto
gusali para sa Walijie
Paaralang Sining
2. Loteng kailangan sa
pagpapatayo ng gusali Engr.Justine Eunice 30 Minuto
Lucino
3.Kurikulum ng Pres. Raymond Delada,
Paaralan Jeevein Villamor 30 Minuto
REPLEKTIBONG SANYSAY
SEVEN SUNDAYS
Ang pelikulang Seven Sundays ay tungkol sa pamilyang Bonifacio, Si Mel
Bonifacio ay mayroong apat na anak, sina Allan, Bryan, Cha, at Dec. Si Mannel ay
dating kapitan ng kanilang barangay at simula noong yumao na ang kanyang asawa
ay siya na lang at ang kanyang kasa-kasama na si Jun ang nakatira sa kanilang
bahay. Sa araw ng kanyang kaarawan, hindi nakapunta ang kanyang mga anak sa
iba't ibang kadahilanan at nakapagdulot ng matinding kalungkutan sa kanya, bang
gabi, punonta ang kanyang kaibigang doctor sa kanilang bahay upang ipaalam sa
kanya na mayroon siyang nage 4 Lung Cancer at mayroon na lamang siyang ilang
buwang mabuhay. Agad niya isang pinaalam sa kanyang mga anak at pilit siya
nitong ipa second opinion at ipagamot ngunit hindi siya pamayag at humiling na
lamang na magsamasama vila ng Seven Sundays upang masin niya ang kanyang
nalalahing araw na buhay pa siya. Hindi man naging masaya ang saging aning salo-
salo, pero naging maayos din naman ito. Masayang masaya siyang minamasdan
ang kanyang mga anak at apo na nakatipon sa isang bahay na naglalaro,
nagkwekwentuhan at iba pa. Isang araw, bumbia ulit ang kanyang kaibigang doctor
upang sabihin na nagkamali ng resulta sa kanyang medikal. Tuberculosis at hindi
Kanser sa Baga ang kanyang sakit. Nalaman ito ng kanyang panganay na mak na si
Allan ng magka-usap siku ng doctor. Kinopinia ni Allin sa kanyang ama at hindi ho
tumanggi. Homiling si Manoel na itago muna ito dahil kapag nalaman ng iba na wala
siyang kamer ay magiging malungkot nú naman siya at magiging walang kabahay
bahay ang kanyang bahay. Isang gabi, hindi nagkasundo ang magkakapatid at
nagsilahasan ang mga hinanakit sa isa't isa. Dito rin napag-alaman na walang sakit
na kanser ang kanilang ama. Nagulat ang lahat at napiahsan, Napagantom Allan na
silang lahat ay may kamaliang nagawa kaya't sinimulan niyang pangunahang hain ar
ayosin ang pamilya. Pinuntahan niya si Bryan at nagkapatawaran sila at sunod
naman nilang pinuntahan ang iha pa nilang mga kapatid. Nang maging maayos na
sila, pinuntahan nila ang kanilang ama at nagkasundong lutasin ang suliraning
kinakaharap
Ang pelikulang ito ay nag bibigay mulat sa mata sa lahat, lalong lalo na sa
mga anak Nakakalungkot isipin na totoong nangyayari ang mga ginseng bagay sa
isang pamilya. Pinakita dito na naiiwanan at nawawalan na ng oras ang isang tao sa
taong nagpalaki nito kapag ito ay may sariling pamilya na. Masakit sa parte kung
saan naging mapanigurado ang kanilang ama kaya't pilit nitong tinago ang totoo
niyang sakit dahil kapag napagalaman na hindi naman ito sobrang malubha ay mag
isa na naman siya at magiging malungkot. Masakit pero totoo na nabibigyan lang ng
importansya ang isang tao kapag ito ay may nararamdamang masama sa katawan o
ito ay papunta na sa kamatayan o ito ay nabawian na ng buhay. Tagos sa puso ang
minsaheng binigay ng pelikulang ito sa akin dahil naranasan ko na rin ang ganitong
pangyayari. Hindi ko nabigyan ng oras ang aking pinsan tuwing gusto niya akong
kausapin at kamustahin. Maraming dahilan para lang hindi ko siya makausap pero
lahat ng iyon ay talagang talagang pinagsisihan ko, dahil sinayang ko ang mga
pagkakataon na sana ay nakapag usap kami bago siya namatay. Tuwing napapaisip
ako tungkol sa kanya ay hindi ko mapigilang maiyak at pagsisihan lahat ng
pagkukulang ko bilang isang pinsan. Sana man lang ay napaglaanan ko siya ng oras
at nabigyan ng importansya noong siya'y buhay pa at baka hindi ako sisingsisi
ngayon. Nakita't naramdaman ko rin sa pelikulang ito na dapat maging matibay ang
pagmamahalan ng isang pamilya at huwag itong kalimutan. Sa lahat ng
pagkakataon, hindi palaging masaya, may mga problema talagang mararanasan ang
isang pamilya, at ang susi upang ito'y manatiling matibay ay ang matinding
pagmamahalan ng isa't isa.
Napagtanto ko sa pelikulang ito na dapat ay bigyan ng halaga ang mga tao
lalo na ang iyong pamilya habang sila ay buhay pa. Huwag iparamdam sa kanila na
sila ay nag-iisa na lang sa buhay at bigyan sila ng oras na makasama ka. Natutunan
ko rin na ang pamilya mo ang tanging mayroon ka kapag may mapait na mangyari
sayo, sila ang mga taong hindi ka iiwan, papabayaan at mamahalin ka ng buong
buo. Huwag mawalan ng pag-asa sa pamilya at tandaan na kahit ano man ang
mangyari ay nandiyan sila para sa iyo upang umalalay at sumuporta. Nagsisimulang
matutunan ang pagmamahal sa pamilya at kung wala ka nito ay hindi mo alam kung
paano ang magmahal sa iba pang tao dahil ang pagmamahal sa pamilya ay
kumbaga tinatawag na basic love at upang maging eksperto sa pagmamahal ng
ibang tao ay dapat marunong ka nito.
Pangalan: Abrincel M. Lucino Section: XII-Confucius
Guro: G. Apolonio T. Bustillo Jr. Petsa: Mayo 24, 2023
Iskor:______
POSISYONG PAPEL
“Internet dapat limitahan sa mga mag-aaral”
Bilang isang mag-aaral pribilehiyo naming mag-aral sa isang maayang
kapaligiran. Nakung saan magiging epektibo ang paraan ng pagkatuto. Alinsunod
madaliang paglawak at pagbabago ng teknolohiya, hindi maipagkakaila na ito ay
lubos na makakatulong sa pagkuha ng mga makabagongimpormasyon. Mula sa
lumang konsepto na nasa libro nagbago ito sa mga kagamitang mas
makapagpapadali ng pagkalap ng impormasyon sa isang click. Isa ang Internet sa
pangunahing dahilan ukol dito. Kasabay sa aking nalalaman, ang mag-aaral na
walang personal na gadgets upang makapag-internet ay magsisislbing hadlang sa
epektibong pagturo sa panahon ngayon.
Hindi natin maitatangi na lubos na makakatulong ang Internet sa pakalap ng
nilalaman ngunit aking lubos na isusulong ang paglimita nito sa mga mag-aaral. Ang
dahilan kung bakit dapat limitahan ang paggamit ng Internet ay upang magkaroon ng
patas at sabay-sabay na pagkatuto at mas lalong mapupukaw ang pansariling
kaalaman at hindi binabase sa internet. Ang internet ang dahilan kung bakit
tinatamad ang mga estudyante sa pagbuo ng sariling konsepto. Ang pagkakaroon
ng hindi limitadong internet ang magdudulot ng pangongopya ng ideya sa ibang
awtor. Mas pinagtutuunan din nila ng halaga ang mga ideya sa internet kaysa sa
kanilang sariling kaalaman at kakayahan.
Ang paglimita ng internet sa mga mag-aaral ang makakatulong upang
makapaglikha at makabuo ng bagong epektibo na mga lider na may paniniwala sa
sarili at hindi theoretical-basedna katalinuhan. Hindi man tayo makakagawa ng
makabagong Einstein, Hawking, Galileo at iba pa ngunit sa maiging pag-aaral at
pagtitiwala sa sariling ideya makakabuo tayo na mas magandang konsepto na
walang internet. Ang paglilimita ng internet ay makakatulong sa mga mag-aaral
upang maging dynamic at sistematiko sa pagbuo at pagtuklas ng kakayahan upang
panatilihan ang kapayapaan at kaunlaran sa bansa
Pangalan: Rubylyn Rose Walijie Section: XII-Confucius
Guro: G. Apolonio T. Bustillo Jr. Petsa: Mayo 24, 2023
Iskor:______
POSISYONG PAPEL
“Malayang Paggamit ng Internet at Social Medial sa Pag-aaral at
Pagpapahayag”
Sa kasalukuyang panahon, ang teknolohiya ay isa sa pinakamalaking ambag
sa pagbabago ng mga gawain ng mga tao. Isa rito ang pagkakaroon ng Internet at
Social Media. Ang mga ito ay madalas gamitin ng mga magaaral sa pag-aaral pati
na rin sa pagpapahayag ng kanilang mga opinion at saloobin. Ngunit sa kabila ng
mga positibong hatid ng Internet at Social Media, hindi maiiwanag may mga taong
umaabuso sa paggamit ng mga ito, o kaya nama’y hindi wasto ang paggamit ng mga
ito.
Ang malayang paggamit ng Internet at Social Media sa pag-aaral at
pagpapahayag ay malaki ang naitutulong sa mga indibidwal na mas mabilis matuto
gamit ang pagkalap ng impormasyon ng mabilisan gamit ang internet. Sa kabilang
banda naman, ang paggamit ng Internet at Social Media ay nagsisilbi ring mabisang
plataporma para sa mga taong gusting maglabas ng kanilang opinion at saloobin sa
pamamagitan ng pagsasapubliko sa Social Media. Sa paraang ito, mabilis
maipalaganap ang nasabing impormasyon, gaya ng pagpapahayag ng mga balita na
maalagang malaman ng sambayanan.
Ang mga nasabing positibong hatid ng paggamit ng Internet at Social Media ay
totoo base sa mga taong responsible sa paggamit ng mga ito. Ngunit mayroong ilan
na ginagamit ang Internet at Social Media sa mga masasamang gawain tulad ng
panloloko, pagnanakaw, paninira sa kapwa at marami pang iba. Ang paggamit rin ng
Internet at Social Media sa malayang pagpapahayag ay maaaring masubok ang
seguridad ng isang indibidwal lalona’t madalas nitong isapubliko ang kanyang
pamumuhay.
Sa kabila ng lahat ng mga nabanggit na positibo at negatibong hatid ng Internet
at Social Media sa Pag-aaral at Pagpapahayag, ang lahat ay nakasalalay sa isang
tao kung paiiralin nito ang pagiging responsible sa lahat ng bagay na ginagawa nito
lalong lalo na sa pamamagitan ng paggamir ng Internet at Social Media. Maging
mapanuri at matalino sa paggamit nito upang hindi mabiktima, o kaya naman ay
maiwasang mambiktima n
TRENDS MODULE 2A