Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

NEWS 1

Ang Sim Card Registration Act ay naipasa noong 2022. Ito ay isang batas na naglalayon na
maproktektahan ang sambayanan laban sa fake accounts at scammers na gumagamit ng
cellphones o telepono upang gumawa ng hindi maganda sa kapwa, manloko at ng iba pang
krimen.

Ayon sa batas na ito, ang lahat ng sim card prepaid man o postpaid ay dapat irehistro upang
matiyak na lahat ng taong gumagamit ng telepono ay lehitimo at may sapat na pagkaka kilanlan

Ang mga taong kasalukuyang gumagamit ng sim card ay dapat irehistro ang kanilang mga sim
cards 180 na araw mula nang maipasa ang batas.

Sa mga bago namang gagamit ng sim card, kailangan muna itong marehistro bago ito magamit.

Kapag hindi narehistro ang mga sim card sa takdang panahon, ito ay madede-activate o
mawawalan ng gamit.

Noong Abril 28, 2023 nakatakda ang deadline ng pagrehistro ng sim card ngunit pinalawig o
pinahaba ito sa 90 pang araw o halos tatlong buwan. Dahil dito mas mahaba na ang panahong
ibinigay para sa mga Pilipino para mairehistro ang kanilang sim card.

Marami ang nagkukwestiyon kung tama at legal ba ang pagrehistro ng mga sim cards. Marami
ang nangangamba na ito ay lumalabag sa data privacy ng bawat Pilipino. Marami rin ang
nagkkwestiyon kung ito nga ba ang solusyon sa dumaraming kaso ng pangloloko online.

NEWS 2

Nakakaranas ngayon ang Pilipinas ng El Ninyo. Ang El Ninyo ay isang pangyayari kung saan
mayroong hindi pangkaraniwang pag-init ng tubig sa Pacific Ocean. Dala na rin ito ng climate
change. Kamakailan lamang, inanunsyo ng PAG ASA na ang Pilipinas ay makararanas ng El Nino.
Dahil dito, makakaranas din ang Pilipinas ng matinding tag-tuyot at init.

Ayon sa PAG ASA, papalo ang init na mararanasan mula sa 35 degrees Celsius hanggang 44
degrees Celsius.

Ang mga temperaturang ito ay delikado o nasa Danger Heat Index. Maaari itong magdulot ng
hindi magandang epekto sa kalusugan ng tao tulad ng heat stroke, pagkahilo at dehydration.
Hindi rin maganda ang epekto nito sa pananim ang mga alagang hayop. Magiging madalang na
rin ang pag-ulan na kailangan sana ng mga tanim na gulay at bigas sa bukid.

Sa katunayan, inaasahan na tatagal ang mainit na panahon hanggang sa susunod na taon.


Pinaaalalahan ang lahat na magdala ng paying, uminom ng maraming tubig at kaagad na
magpatingin sa doktor kapag may hindi magandang nararamdaman sa katawan .

NEWS 3

Isa na namang paalala na hindi pa natatapos ang laban ng mundo sa Covid 19. Ngayong araw,
May 12, 2023, nakapagtala ang Department of Health ng 2,114 na bagong kaso ng Covid 19 sa
Pilipinas. Ito na ang pinakamataas na tala mula nung nakaraang anim na buwan. Ito na rin ang
pang-siyam na sunod sunod na araw na nakapagtala ng higit sa isang libong bagong kaso ng
Covid 19.

Dahil dito, may naitatalang 15, 114 na aktibong kaso ng Covid 19 ngayon sa ating bansa.

Ang mga lugar na nakapagtala ng mataas na bilang ng Covid 19 ay ang National Capital Region
na may higit sa walong libong aktibong kaso ng Covid 19. Sumunod ang Calabarzon na may higit
sa apat na libong aktibong kaso ng Covid 19. Sumunod ang Central Luzon na may higit sa isang
libong kaso, ang Western Visayas na may higit sa siyam na raang aktibong kaso at ang Bicol
Region na may higit sa anim na raang aktibong kaso.

Sa ngayon, halos dalawampung porsiyento ng mga ospital ang okupado na.

Pinaaalalahan ang tao na hindi pa natatapos ang Covid 19 kung kaya’t kailangan ipagpatuloy pa
rin ang mga health protocols tulad ng paggamit ng face mask sa mataong lugar, ang pag inom
ng bitamina at ang pag social distancing sa mga matataong lugar.

You might also like