Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

Republic of the Philippines

CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY


Science City of Muñoz, Nueva Ecija

PAG-AARAL SA MGA NAIDUDULOT NG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA SA MGA


UGNAYAN O RELASYON NG MGA MAG-AARAL SA CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY

IPINASA KAY:
MA’AM EVELYN VILLANUEVA

BILANG ISANG KAHILINGAN SA PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO


TUNGO SA PANANALIKSIK

ERNESTO RAMOS
REYMAR GAVINA
MELHIZEDEK GONZALES
LANCE FAUSTINO

Central Luzon State University


College of Engineering
Bachelor of Science in Information Technology
June 2023
PAMAGITANG PAHINA
TALAAN NG NILALAMAN:

 KABANATA 1: ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO


 PANIMULA
 RASYONAL/LAYUNIN

 KABANATA II: MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

 KABANATA III: PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

 KABANATA IV: PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

 KABANATA V: LAGOM KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON


 LAGOM
 KONGKLUSYON
 REKOMENDASYON

 TALAAN NG MGA SANGGUNIAN


A. HANGUANG PRMARYA
B. HANGUANG SECONDARYA
C. HANGUANG ELEKTRONIKO

 APENDIKS

1

KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

PANIMULA

Sa tuloy-tuloy na pagpasok sa modernong panahon mula sa simpleng panahon na kung

saan ay may simpleng komunikasyon, hanggang sa unit-unting umusbong ang ibat-ibang teknolohiya sa

pakikipagkomunikasyon.

Sa pagdaan ng panahon tila nilalamon na tayo ng mundong teknolohiya. May mga tao na

rin ang nagsasabing hindi nila kayang mabuhay ng walang internet at cellphone. Parami nang

parami at palawak nang palawak ang mga naiimbentong mga teknolohiya para sa mga tao. Pero ano nga ba

ang teknolohiya? Ang salitang teknolohiya ay nanggaling sa salitang griyegong "technologia" na ang ibig

sabihin ay "sistematikong pagturing sa sining." At ayon sa wikapedia, “Kadalasang iniuugnay ang katagang

teknolohiya sa mga imbento at gadget na ginagamit ang kailan lamang natuklasang na proseso at

prinsipyong maka-agham.”.

Cellphone, laptop at computer, isa lamang ito sa mga gadgets na ginagamit sa pakikipag

komunikasyon araw araw. Facebook, twitter, messenger at sms, mga application na ginagamit sa pakikipag

komunikasyon sa tao sa iba’t ibang lugar. Ginagamit din ito upang makapamahagi at makasagap ng ibat-

ibang mahahalagang impomasyon. Ito ang naging daan para mas mapadali at mapabilis ang komunikasyon

sa isa’t isa. Text o Chat, isa sa pinaka basic na paraan ng komunikasyon, para maparating mo anong iyong

mensahe sa iba gamit ang cellphone.


2

Layunin ng Pag-aaral

Ang pamanahong-papel na ito ay nagbibigay ng impormasyon hinggil sa pag-aaral sa mga

maidudulot ng makabaging teknolohiya sa isang relasyon at naglalayong matugunanang mga sumusunod na

tanong:

1. Anu-ano ang mga magagandang naidudulot ng teknolohiya sa isang relasyon?

2. Paano naaapektuhan ng paggamit ng teknolohiya ang isang relasyon?

3. Anong kadalasang ginagamit na teknolohiya ng mga may karelasyon sa kanilang pakikipag usap o

komunikasyon?

4. Paano nakatutulong ang teknolohiya sa pagpapanatili ng magandang relasyon sa

magkasintahann?

KABANATA 2

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Pinaniniwalaan na ang abacus ay matuturing na isang computer noong unang panahon sapagkat ang

layunin nito ay mapadali ang kalkulasyon ng mga mangangalakal. Sa kasalukuyan, ang abacus ay hindi na

maituturing na computer sapagkat napakalayo na ng agwat ng kakayahan nito at mga nagagawa nito sa

kasalukuyang computer. Napaganda, napabilis, napaayos at napadali ng ilang siglong pag-aaral ang

mekanismo ng teknolohiya. Ang versatility nito ay isang resulta ng pagiging malikhain at matiyaga ng mga

tao.

Naituring ang computer na isa sa pinakamagandang nalikha ng tao sapagkat isa itong makapangyarihang

aparato na nagpapatakbo sa halos lahat ng bahagi ng mundo upang maging mas maayos at madali ang

buhay. (Florentino, D., 2009)


3

Tinatalakay ni David Kirkpatrick (1994) sakanyang pag-aaral mula sa facebook na ito ay ito ay mas

higit na ginagamit sa pananaliksik, sapagkat ito ay napakadaling gamitin. Naniniwala siya na ang

teknolohiyang ito ay mas lalawak pa at mas magiging mas pakipakinabang, at ayon sakanya na ito ay lubos

na ginagamit upang makakonekta sa iba pang lugar upang kumilanlan at makipagkomunikasyon.

Ayon kay Danah Boyd (2007), ginagamit ang internet upang makalikha ng liham o mensahe upang

makagawa ng isang kumunikasyon. Ayon sa kanya na ang kadalasang ginagamit sa pakikipagkumunikasyon

ay ang facebook, sa kadahilanang madali itong gamitin.

Ayon kay D. Chandler (2000) ang teknolohiya ay may positibo at negatibong epekto sa sosyalidad.

Sinasabi niya na ang pakikipagkomunikasyon gamit ang teknolohiya ay isa sa makabagong paraan upang

mapadali ang ugnayan ng bawat isa. Ngunit, ito ay nakakapagpababa din sa kakayahan ng isang katauhan

upang malinang ang kanyang personal na pakikipagkomunikasyon sa kapwa.

Ayon naman kay Fraser Matthew (2008) na gumagamit ng mga sosyal na pakikipagkumunikasyon ay

nabago daw nito ang estado ng kanyang buhay, nakahanap siya ng magandang trabaho at madali itong

nakikipagkumunikasyon sa ibang tao.

Ayon naman kay Marc Prensky (2001) na hindi lamang damit ang mabilis na nagbago, maging ang

paraan na din ng pakikipagkumunikasyon. Ayon sa kanya na kahit bata pa lamang ay nakakayanan ng

gumamit nito, sapagkat sadyang madali itong gamitin.

Ayon sa artikulo ni Michael A. Fuoco ng Pittsburgh Post-Gazette, sa Pampublikong Paaralan ng

Pittsburgh, ang Science and Technology Academy nila ay may kasabihan na ganito, “Dream, Discover,

Design.” Ito ang naging batayan ni US Sen. Bob Casey na hikayatin ang ibang paaralan para tularan ito.
4

Ang batas na tinatawag na Computer Science Education Act ay naglalayong pagtibayin ang K-12

computer science education upang maihanda ang mga mag-aaral para sa mataas na kita sa trabaho ng

kompyuting. Ang batas na ito ay magbibigay ng dalawang-taon na grant kaya maaaring pag-aralan ng mga

estado ang inaalok sa mga paaralan at bumuo ng isang plano upang taasan at palakasin ang kanilang

kakayahan upang mag-alok ng epektibong edukasyon sa computer science. Pagkatapos nito, ang limang

taon mapagkumpitensya grant ay inaalok para sa pagpapatupad ng epektibong plano. Sinabi din ni Mr.Casey

na sa taong 2018 ay tataas pa ang bilang ng trabahong nangangailangan ng sapat na kaalaman sa computers

science. Sa pampubliko at pribadong pag-aaral ay nagpapahiwatig na mas kaunti sa 40,000 mga tao ay

nagtapos na may bachelor degree sa computer science noong 2009, ngunit halos 140,000 trabaho ay

inaasahang para sa bawat taon sa pagitan ng 2008 at 2018.

Ang pagaalok ng introductionsa kurso ng computer science ay nabawasan ng 17 porsyento mula

noong 2005 at bumaba ng 33 porsiyento ang bilang ng Advanced Placement course sa computer science.

Isinulong ni Sen. Casey ang batas na naglalayong palawakin ang pag-aaral ng computer science

(Wereschagin, 2011).

Ayon kay Benedict Anderson sa kanyang Imagined Communities (2001), ang pagkakaroon ng

pagkaka-isa sa isang ideya o idiyolohiya ay nagiging batayan sa pagkakaroon ng mga komunidad na ito.

Kaya para sa isang gumagawa ng isang personal na webpage, langawin man ang kanyang website, ay meron

pa rin siyang isang ideya ng isang mambabasa sa batayan na meron at merong makaka-relate sa kanyang

pagbuo ng sarili na naganap sa website. Dahil na rin sa isang imagined audience, kahit na sinasabi ng mga

indibidwal na kanilang totoong sarili ang kanilang binubuo, meron pa ring nagaganap na self-censoring o

tailoring. Merong iba na meron ng tinatawag na “virtual alter-egos.” Ang istilo ng komunikasyon ay maaring

hindi nagkakalayo sa istilo ng komunikasyon ng kanilang real-life ego, ngunit meron pa ring self-conscious

articulation of that tailor-made self-identity.


5

Ang isang website na binuo para sa sarili, na ngayon ay kinikilala bilang isang “blog,” at ang

pinakamalaking isyu sa papel nito, ay isang website na ginagawa ng indibidwal mismo. Nagiging isang

repleksibong pagprepresenta at pagkukwento ng sarili ang nangyayari. Ito ay biglang nabibigyang kahulugan

ng midyum na ginagamit, at sa isang ideya ng imagined audience.

Ayon kay Susan Dumedres (1993), ang mga pamilyang Pilipino, tulad ng karamihan sa Asya,

ay pumipigil sa indibdwalisasyon dahil sa pagkakamalapit ng mga magkakamag-anak (o ang tinatawag na

close family ties). Ang mga bata ay parating tumitingin sa kanilang mga magulang bilang batayan ng

paghubong ng kanilang sarili. Kung ikukumpura sa mga kanluranin na katumbas (counterparts), mas

dumedepende ang mga kabataang Pilipino sa kanilang mga magulang dahil madalas ay ang mga magulang

mismo ay may matataas na ekspektasyon sa kanikanilang mga anak. Kanonisado na sa maraming akda ang

pag-asa ng mga magulang sa kanilang mga anak na makapagtapos ng pag-aaral para maiahon ang buong

pamilya sa kahirapan.

Nandyan din ang pag-asa ng mga magulang na sumunod sa kanilang mga yapak ang kanilang

mga anak. Dahil dito, mahirap ang pag-forge ng self-identity ng mga kabataang Pilipino dahil nasanay na

sila sa kultural na pandidikta ng kanilang mga magulang sa kanilang dapat gawin, dapat asalin.

Subalit ayon sa isang pag-aaral ng McCann-Erickson Philippines noong 1993, sa mga panahon

ngayon (kung ikukumpara sa panahon na ginawa ang pag-aaral nila Mendez at Jocano), mas mataas na ang

lebel ng parental absenteeism. Ang mga magulang ay nagiging careeroriented o kaya’t abala sa

pamamalakad ng kabahayan (household management), kaya’t hindi na masyadong nabibigyan ng buong

pansin ang kani-kanilang mga anak. Nasanay na tuloy ang kabataan sa isang independent na inquiry, at

umaasa na rin sa kanyang mga kaibigan at sa midya para sa patnubay at awtoridad. Kahit papaano, meron pa

rin namang ginagampanan ang mga magulang, ngunit nagiging hati nga ito, dahil marami sa kanila ay

umaasa na lang sa iba’t ibang mga sistema dahil iba na nga naman ang panahon. Maraming sa mga kabataan

na nasasanay naman sa ganito, basta hindi hati ang pamilya, dahil halos lahat rin siguro ng kanilang mga
6

kaibigan ay may mga sitwasyon na ganoon na nga. Andun ang kanilang magulang, ngunit hindi

sa lahat ng pagkakataon.

Ayon kay Chris Borgan, sa librong Social Media and Social Networking Starting Points

(2010), For you, it’s mostly a question of whether you have the community in place and are looking for a

targeted place within your platform to offer them tools and resources to connect and cross- communicate.

One of the current best-of-brees examples of this is FastCompany.com, who turns their online property into

a social network around their magazine’s points of interest instead of rehash of their magazine. Sinasabi sa

artikulo nito ang pagkilala sa mga social networking sited bilang isa makabagong paraan na maaring

makatulong upang magkaroon ng koneksyon sa iba’t ibang komunidad sa iba’t ibang lugar. Ito rin ay

masasabi upang isang mabilang paraan upang makipaguganayan sa mga tao at makakuha ng isang mabuting

malilikuman na impormasyon. Mapapakita sa pag-aaral na ito kung paano nababago ng mga

social networking sites ang paraan ng pamumuhay ng isang komunidad sapagkta sa pamamagitan ng mga

social networking sites, pinapakita na mas napapadali ang pamamaraan at proseso nito. At dahil sa dahilan

na ito kaya napapabilis ang paraan na ito.

Ayon kay Deanna Zandt sa librong Share This!: How you will Change the World with Social

Media (2010), The difference between old ways of communicating and what’s happening on the internet

now is the digitization of our relationships and networks. Social networks are not a new Phenomenon people

have belonged to numerous networks since the beginning of humanity. Think of your own social spheres,

which may include work friends, family members, and neighbors. Now picture them just as isolated from

one another in our minds, but also as overlapping at some points, and connected in public through you.

We’re sharing information about ourselves and our networks online, which leads to more connections with

other people and other networks.

Ayon kay Turkle, sa librong Alone Together: Why We Expect More from Technology and Less from

Each Other(2011), Sinasabi na ang aklat na ito ay nagsasalaysay ng mga epekto ng teknolohiya sa
7

interpersonal na ugnayan, naglalagay ng pagsalungat sa ideya na ang teknolohiya ay nagpapabuti sa mga

ugnayan. Kaya ang paggamit ng makabagong teknolohiya, tulad ng mga social media at mobile

communication devices, ay maaaring magdulot ng malawak na konektibidad ngunit nagiging dahilan rin ito

ng pagkaantala at pagkaabala sa tunay na mga ugnayan. Sa halip na maglaan ng oras para sa mga personal

na pakikipag-usap at mga interaksyon sa totoong buhay, ang mga tao ay mas nagpapasya na magtuon ng

pansin sa kanilang mga gadgets at teknolohiya.

Samakatuwid, ang aklat na "Alone Together" ni Turkle ay naglalayong magpahiwatig na bagamat

ang teknolohiya ay nag-aambag sa pagkakaroon ng koneksyon, hindi ito sapat upang punan ang

pangangailangan ng tao sa tunay at malalim na interpersonal na ugnayan. Mahalaga pa rin na maglaan ng

oras at pansin sa mga taong mahalaga sa ating buhay at iangkop ang teknolohiya sa isang balanseng paraan

upang mapanatili ang tunay na koneksyon at relasyon.

Makabagong teknolohiya, tulad ng online dating at social media, ay nagdudulot ng mga malalim na

pagbabago sa paraan ng pagtukoy ng mga tao sa mga kaibigan, kasintahan, at mga potensyal na partner. May

mga positibong aspekto ngunit maaari rin itong magdulot ng mga isyu sa personal na ugnayan.

Ayon kina Rosenfeld at Thomas na ipinamagatang “Searching Mate”:The rise of the internet as a

social intermediary(2012),ipinakikita kung paano nagbago ang paraan ng mga tao sa paghahanap ng mga

kasintahan at mga potensyal na partner sa pamamagitan ng paggamit ng online dating sites.

Ang mga online dating sites ay nag-aalok ng mga plataporma kung saan ang mga indibidwal ay

maaaring maghanap ng mga potensyal na kasintahan o partner sa pamamagitan ng pag-upload ng kanilang

mga profile at pagkakaroon ng access sa mga profile ng ibang mga gumagamit. Ipinapakita ng pag-aaral na

ang paggamit ng online dating sites ay nagbibigay ng malawak na pagkakataon para sa mga tao na

magkakilala at magkaugnay na hindi maaaring makuha sa tradisyunal na paraan ng paghahanap ng mga

kasintahan.

Ang pag-aaral ay nagpapakita na ang paggamit ng online dating sites ay nagdaragdag ng mga

pagkakataon para sa mga indibidwal na makahanap ng mga tao na may mga katangiang nagkakatugma sa
8

kanila. Sa pamamagitan ng mga algorithm at filters na inilalagay ng mga site, maaaring magkaroon ng mas

malawak at pinatutugmang paghahanap ng mga potensyal na partner batay sa mga preferensya, interes, at iba

pang mga kinakailangang katangian.

Bukod pa rito, ang online dating ay nagbibigay ng mga pagkakataon para sa mas malalim na

pagkakakilanlan bago ang personal na pagkikita. Sa mga platform na ito, maaaring maganap ang mga

interaksyon tulad ng mga online chat, video calls, at pagpapalitan ng mensahe, na nagbibigay sa mga

indibidwal ng pagkakataon na mas makilala ang isa't isa bago sila magpasya na magkita sa personal.

SINTESIS

Ang paggamit ng makabagong teknolohiya , tulad ng mga social media at mobile communication

devices, ay may malaking epekto sa mga ugnayan at relasyon ng mga indibidwal. Ang mga ito ay

nagdudulot ng mas malawak na konektibidad ngunit maaari rin silang magdulot ng mga problema at hamon

sa interpersonal na komunikasyon.

Ang pagkakaugnay ng mga tao sa pamamagitan ng teknolohiya ay maaring magdulot ng

pagkakaroon ng "pseudocommunity," kung saan maaaring makaranas ang mga indibidwal ng pakiramdam

ng konektado sila sa iba pero hindi naman talaga malalim at tunay na ugnayan ang nabubuo. Ang mga social

media platforms ay nagbibigay sa mga tao ng kakayahang maghimpil ng mga virtual na kaibigan at

tagasunod, ngunit hindi ito nangangahulugang mayroon silang malalim at totoong koneksyon sa mga ito.

Bukod pa rito, ang pagiging labis na konektado sa teknolohiya ay maaaring magdulot ng pagkabahala

sa pag-aaral at pag-unawa sa mga emosyon at ekspresyon ng kapwa. Ang hindi pagkakaroon ng tunay na

mga personal na ugnayan ay maaaring magdulot ng kalungkutan, pag-iisa, at kawalan ng kasiyahan sa kabila

ng pagkakaroon ng maraming koneksyon sa online na mundo.


9

KABANATA V

LAGOM, KONGKLUSYUN, AT REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng lagom ng pananaliksik, mga natuklasan atkasagutan sa mga

tanong, mga na buong konklusyon at sa pamamagitan nito ay nakabuo ang mga mananakiksik ng

rekomedasyon.

LAGOM

Sa kabuuan, ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang mga epekto ng makabagong teknolohiya

sa mga ugnayan o relasyon ng mga mag-aaral sa Central Luzon State University (CLSU). Pinag-aralan ang

mga aspeto ng komunikasyon, pakikipagkapwa, at interaksyon na maaaring maapektuhan ng paggamit ng

teknolohiya, partikular na ang mga social media platforms at iba pang online na mga kagamitan. Ginamit

ang mga pamamaraang pangangalap ng datos tulad ng mga survey, panayam, at pagsusuri ng mga datos

upang malaman ang mga pananaw, karanasan, at pag-uugali ng mga mag-aaral.


10

Nakita sa pag-aaral na ang paggamit ng makabagong teknolohiya ay may malaking impluwensiya sa

mga ugnayan at relasyon ng mga mag-aaral sa CLSU. Ang mga resulta ay nagpapakita ng mga sumusunod

na punto:

1. Komunikasyon: Ang paggamit ng teknolohiya ay nagdudulot ng mas madaling pagkakaroon ng

komunikasyon, lalo na sa pamamagitan ng social media at mga mensahe ng text. Gayunpaman, nabawasan

din ang personal na pag-uusap at pakikipagtalakayan sa totoong buhay. Ito ay nagdulot ng posibilidad ng

pagsasama-sama ng mga mag-aaral, ngunit maaring makaapekto rin sa kanilang kakayahang makisalamuha

nang personal.

2. Pakikipagkapwa: Ang paggamit ng teknolohiya ay nagdulot ng iba't ibang epekto sa pakikipagkapwa ng

mga mag-aaral. Sa isang banda, nagkaroon sila ng mas malawak na network ng mga kaibigan at iba pang

mga tao sa pamamagitan ng online na mga platform. Sa kabilang banda, ito ay maaaring humantong sa

pagkawala ng malalim na ugnayan at pagsasama-sama ng mga mag-aaral. Ang mga resulta ay nagpapakita

na ang paggamit ng teknolohiya ay maaaring maging sanhi ng pagkakawatak-watak at pagkakabahagi sa

mga tradisyonal na pag-uugali ng pakikipagkapwa.

3. Interaksyon: Ang paggamit ng teknolohiya ay nagdulot ng mga pagbabago sa paraan ng mga mag-aaral na

mag-interaksyon sa isa't isa. Sa pamamagitan ng mga online na platform, nagkaroon sila ng mas maraming

pagkakataon upang makipag-ugnayan at makipag-komunikasyon sa kanilang mga kapwa mag-aaral.

Gayunpaman, may mga kahinaan din ang teknolohiya sa aspekto ng interaksyon, tulad ng pagkabawas ng

mga mahahalagang hindi berbal na cues at pagsasama-sama ng personal na karanasan.


11

KONGKLUSYON

Bilang konklusyon, ang pag-aaral na ito ay nagpakita ng malalim na impluwensiya ng makabagong

teknolohiya sa mga ugnayan at relasyon ng mga mag-aaral sa Central Luzon State University. Bagaman may

mga benepisyo ang teknolohiya sa aspekto ng komunikasyon at pagkakaroon ng malawak na network ng

mga kaibigan, mayroon ding mga negatibong epekto nito, tulad ng pagkawala ng personal na ugnayan at

pagsasama-sama ng mga mag-aaral. Ang paggamit ng teknolohiya ay maaaring makaapekto sa tradisyonal

na mga pag-uugali ng pakikipagkapwa at maaaring magdulot ng pagkakawatak-watak. Sa aspeto ng

interaksyon, ang teknolohiya ay nagbibigay ng mga oportunidad ngunit may mga kahinaan din nito.
12

REKOMENDASYON

Batay sa mga natuklasan ng pag-aaral na ito, nararapat na isagawa ang mga sumusunod na

rekomendasyon upang mapangalagaan at mapabuti ang mga ugnayan at relasyon ng mga mag-aaral sa

Central Luzon State University:

1. Edukasyon sa paggamit ng teknolohiya: Mahalagang bigyan ang mga mag-aaral ng edukasyon at

kamalayan tungkol sa maayos at responsable na paggamit ng teknolohiya. Dapat nilang maunawaan ang mga

epekto nito sa mga ugnayan at relasyon, at kung paano ito maiiwasan o mabawasan.

2. Pagsasagawa ng mga aktibidad sa totoong buhay: Mahalagang maglaan ng oras at pagsasagawa ng mga

aktibidad sa totoong buhay upang hikayatin ang personal na pag-uusap at pagsasama-sama ng mga mag-

aaral. Ito ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng mga club, organisasyon, o proyekto na naglalayong

maghatid ng mga mag-aaral sa mga aktibidad na nakakatulong sa pagbuo ng malalim na ugnayan.

3. Pagtataguyod ng positibong kultura ng paggamit ng teknolohiya: Dapat itaguyod ang paggamit ng

teknolohiya na nagtataglay ng positibong epekto sa mga ugnayan at relasyon ng mga mag-aaral. Ito ay

maaaring isagawa sa pamamagitan ng mga kampanya, seminar, at iba pang aktibidad na nagpapahalaga sa

malusog na paggamit ng teknolohiya.

4. Pagsasagawa ng pagsusuri at pag-aaral: Mahalagang patuloy na pag-aralan ang mga epekto ng

makabagong teknolohiya sa mga ugnayan at relasyon ng mga mag-aaral. Ang mga natatanging

pangangailangan at konteksto ng mga mag-aaral sa CLSU ay dapat isaalang-alang sa mga susunod na pag-

aaral upang mas maiunawa ang mga isyu at mahanap ang mga solusyon.
13

Sa pangkalahatan, ang pag-aaral na ito ay nagbibigay ng pansin sa malawak na impluwensiya ng

makabagong teknolohiya sa mga ugnayan at relasyon ng mga mag-aaral sa Central Luzon State University.

Sa pamamagitan ng mga rekomendasyong nabanggit, inaasahan na maibibigay ang mga hakbang upang

mapangalagaan at mapabuti ang mga ugnayan at relasyon ng mga mag-aaral sa gitna ng teknolohiyang

patuloy na umuunlad.

You might also like