Esp10 q2 Exam

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Balbalayang National High School

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT S.Y. 2022-2023


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO-10

Pangalan: ________________________ Baitang at Seksyon: ________________ Iskor: _____


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng iyong sagot at
isulat sa patlang.
Guro: Meriam Puegan-Pacalso

____1. Anong uri ng kilos ang isinagawa ng tao nang may kaalaman, malaya at kusa?
A. Kilos ng tao C. Moral na kilos
B. Makataong kilos D. Mapanagutang kilos
____2. Anong uri ng kilos ang mga kilos na nagaganap sa tao ayon sa kaniyang
kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at kilos loob?
A. Kilos ng tao C. Moral na kilos
B. Makataong kilos D. Mapanagutang kilos
____3. Alin sa mga sumusunod ang kumakatawan sa pag-ibig, pagkamuhi, katuwaan,
pighati, pagnanais, pagkasindak at pagkasuklam?
A. Gawi B. Kamangmangan C. Masidhing damdamin D. Takot
____4. Ano ang mga gawain na paulit-ulit na isinagawa at nagging bahagi na ng sistema
ng buhay sa araw-araw?
A. Gawi B. Kamangmangan C. Masidhing damdamin D. Takot
____5. Ano ang nagbibigay sa tao ng kakayahang pumili at maging mapanagutan sa
piniling pasya?
A. Kalayaan B. Katarungan C. Katatagan D. Katuwiran
____6. Alin sa mga sumusunod ang isa sa mga malaking hamon sa tao?
A. Magpakabait B. Magpakatao C. Magpakumbaba D. Magparaya
____7. Anong proseso ang makatutulong sa iyo kapag dumadaan ka sa proseso bago ka
magsagawa ng pagpapasiya?
A. Pagsasalita B. Pakikinig C. Pakikiramdam D. Panunuod
____8. Kanino mas dapat tayo umaasa at humingi ng gabay at kagalingan sa
pagsasagawa ng pagpapasiya?
A. Diyos B. Kaibigan C.Kasintahan D. Kapitbahay
____9. Ilang yugto ang yugto ng makataong kilos?
A. 5 B. 9 C. 10 D. 12
____10. Alin sa mga sumusunod ang Ikalawang Yugto ng Makataong Kilos?
A. Nais ng layunin B. Bunga C. Intensyon ng layunin D. Pinili
____11. Ano ang kilos ng tao na di gaanong kinakailangan ang pagpapasya dahil ito ay
tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na aspeto?
A. Makataong kilos C. Kilos ng Kaibigan
B. Kilos ng Kapwa D. Kilos ng Tao
___12. Alin ang halimbawa ng kilos ng tao (acts of man)?
A. Pag-aaral B. Paghikab C. Paglilinis D. Pagkanta
___13. Ano ang panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit ang
layunin?
A. Layunin B. Kahihinatnan C. Paraan D. Sirkumstansiya
___14. Ano ang tumutukoy sa panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilos-loob?
A. Layunin B. Kahihinatnan C. Paraan D. Sirkumstansiya
___15. Ano ang tumutukoy sa tao na nagsasagawa ng kilos o sa taong maaaring
maapektuhan ng kilos?
A. Ano B. Kailan C. Saan D. Sino
___16. Ano ang tumutukoy sa mismong kilos, gaano ito kalaki o kabigat?
A. Ano B. Kailan C. Saan D. Sino
___17. Alin sa mga ito ang HINDI maituturing na gawi?
A. Paglilinis ng ilong C. Pagsusugal
B. Pagpasok nang maaga D. Maalimpungatan sa gabi
___18. Alin sa mga ito ang kilos na nagawa dahil sa takot?
A. Ang pagnanakaw ng kotse
B. Ang pagsisinungaling sa tunay na sakit
C. Ang pag-ilag ni Manny Pacquiao sa suntok
D. Ang pag-iingat ng isang doctor sa pag-oopera
___19. Ano ang pinakawastong paglalarawan sa salik na kamangmangan?
A. Ito ay tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng kaalaman na dapat taglay ng tao.
B. Ito ay mga gawain na paulit-ulit na isinasagawa at naging bahagi na ng sistema
ng buhay sa araw-araw
C. Ito ay ang pagkabagabag ng isip ng tao na humaharap sa anumang uri ng
pagbabanta sa kaniyang buhay o mga mahal sa buhay.
D. Ito ay ang pagkakaroon ng panlabas na puwersa upang pilitin ang isang tao na
gawin ang isang bagay na labag sa kaniyang kilos-loob at pagkukusa.
___20. Alin sa mga sumusunod na kilos ang bawas ang pananagutan dahil sa masidhing
damdamin?
A. Pagnanakot sa kaklase
B. Nakasanayang pagsasalita ng masama
C. Pagbatok sa barkada dahil sa biglaang panloloko
D. Pagkuha ng pagkain ng mas nakakabatang kapatid
___21. Ano ang dalawang bagay na binigay ng Diyos sa atin upang gamitin sa
pagsasagawa ng mabuting pasiya at kilos?
A. Isip at puso C. Isip at kilos-loob
B. Kilos-loob at pakikinig D. Konsensya at kilos-loob
___22. Anong mabuting pasiya ang gagawin mo kung nahaharap ka sa isang sitwasyong
nakakalito at maaring makagawa ka ng hindi mabuting kilos?
A. Humingi ng payo C. Kilatisin nang Mabuti ang sitwasyon
B. Magpadala nalang sa sitwasyon D. Hindi nalang tutugon
___23. Paano mo itatama ang mga maling kilos na nagawa mo?
A. Humingi ng tawad C. Maging maingat sa susunod
B. Wala na akong magagawa pa D. Wala sa nabanggit
___24. Ang sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng kahulugan ng kahihinatnan
ng kilos MALIBAN sa ______.
A. Ang bawat kilos ay dapat pag-isipan bago ito isagawa
B. Ang kilos ay dapat makita sa layunin ng taong nagsasagawa nito
C. Ang lahat ng ginagawang kilos ng tao ay may dahilan, batayan, at kaakibat na
pananagutan
D. Ang kilos ay kailangan ng sapat na pagpaplano upang makita ang mga bagay na
dapat isaalang-alang
___25. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pagiging “sino” ng isang
sirkumstansiya?
A. Gamit pa rin ang sitwasyon sa itaas, ang perang iniipon ng ina ay pambili sana
niya ng bigas.
B. Nakita ni Shane kung saan itinatago ng kaniyang ina ang pera nito. Isang araw ay
kinuha ni Shane ang pera sa lagayan ng kaniyang ina ng walang paalam.
C. Sa loob ng simbahan, pinag-uusapan ng magkaklaseng si Eden at Belle ang
kanilang kaklaseng diumano’y karelasyon ng kanilang guro.
D. Nasunugan ang isang pamilya sa lugar nila Mike. Sa halip na tulungan ay
sinamantala niya ang pagkakataon upang makapagnakaw sa pamilya.
___26. Dapat bang ang mabuting gawa ay gawin sa lahat ng pagkakataon?
A. Hindi, dahil walang obligasyon ang tao na gawin
B. Oo, dahil ito ang dapat para sa kabutihan ng lahat
C. Oo, dahil ang hindi nito pagsakatuparan ay isang maling gawain
D. Hindi, dahil ang mabuting kilos ay kailangan lamang gawin kung ang hindi
pagsasakatuparan nito ay magdadala ng isang maling bunga
___27. Mayroon kang mahabang pagsusulit ngunit hindi ka nakapag-aral dahil ginabi
ka nang umuwi galing sa kaarawan ng iyong lola. Nakikita mo ang sagot mula sa papel
ng iyong katabi. Tama ba o mali na kopyahin mo ito?
A. Tama, dahil ang talagang layunin ko naman ay makapasa.
B. Mali, dahil hindi aq nagpaalam sa kanya na mangongopya ako
C. Mali, dahil kung ano lamang ang laman ng isip ang dapat na isagot.
D. Tama, dahil hind ko naman hiningi ang kaniyang sagot, kusa naman niya itong
ipinakita.
___28. Si Ryan ay isang doktor. Siya ay maingat sa pagbibigay ng mga gamot na
nararapat sa kaniyang mga pasyente dahil alam niyang hindi lahat ng gamot ay may
magandang idudulot sa mga pasyenteng iinom nito. Alin sa mga salik na nag-uugnay sa
makataong kilos ang ipinakita ni Ryan?
A. Layunin B. Kahihinatnan C. Kilos D. Sirkumstansiya
___29. Maaari bang maging makataong kilos ang kilos ng tao?
A. Hindi, dahil isinakilos na ito
B. Oo, dahil parehong kilos naman ang ginawa
C. Hindi, dahil kilos lamang ito na hindi makatao
D. Oo, kapag ito ay ginamitan na ng isip at kilos – loob
____30. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang ginamitan ng isip at kilos-loob?
A. Paghikab dahil inaantok na
B. Pagsasalit habang natutulog
C. Pagtanggi sa alok ng barkadang uminom ng alak
D. Paghampas sa likod ng kaklaseng nanggulat sa kanya
____31. Paano mo pananagutan ang mga kilos sa araw-araw?
A. Palagi kong babasahin ang 12 na yugto ng makataong kilos
B. Kung anuman ang gagawin ko ay gagawin ko para sa sarili ko
C. Gagawin ko ang nais kong gawin dahil ako naman ang makikinabang
D. Maging mabuti sa kilos at palaging isipin ang kahihinatnan ng mga ito
____32. Kung ikaw ay nakagawa na ang isang pasiya at may nagsabi sayong pag-isipan
at palitan mo dahil hindi iyon ang nakabubuti, ano ang gagawin mo?
A. Hindi ko susundin dahil pasiya ko naman iyon
B. Susundin ko nalang para hindi siya magtampo
C. Hindi ko susundin dahil wala naman siyang kinalaman sa pasiya ko
D. Pag-iisipan ko ng Mabuti at maaari kong sundin kong mapagtanto kong tama siya
____33. Kung ikaw ay nakagawa na ng isang pasiya at may nagsabi sayong pag-isipan at
palitan mo dahil hindi iyon ang nakabubuti, ano ang gagawin mo?
A. Hindi ko susundin dahilpasiya ko naman iyon
B. Susundin ko nalang para hindi siya magtampo
C. Hindi ko susundin dahil wala naman siyang kinalaman sa pasiya ko
D. Pag-iisipan ko ng Mabuti at maaari kong sundin kong mapagtanto kong tama siya
____34. Bakit mahalagang magkaroon ng isang gabay sa pagpapasiya?
A. Upang malaman ang tama at mal isa pasiyang gagawin
B. Upang mas mapabuti pa ang pasiya at hindi magkakamali
C. Upang may masisisi kung ang pasiya ay hindi magtatagumpay
D. Upang may kasama kang mapapahamak kung ang pasiya ay hindi matagumpay
____35. May babae na nagustuhan at minahal ni Ogie ngunit ang babaeng ito ay
mayroon ng asawa. Sa kabila nito, ipinagpatuloy pa rin niya ang pagmamahal sa babae
at nagkaroon sila ng relasyon. Anong prinsipyo ang sumasakop sa sirkumstansiya ng
kilos ang makikita sa sitwasyon?
A. Ang sirkumstansiya ay hindi maaaring gawing mabuti ang masama.
B. Ang sirkumstansiya ay maaaring gawing mabuti ang masamang kilos.
C. Ang sirkumstansiya ay maaaring lumikha ng mabuti o masamang kilos.
D. Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng kakaibang kilos ng mabuti o
masama.
____36. Masipag at matalinong mag – aaral si Andrea. Siya ang palaging nagtataas ng
kamay sa mga talakayan at mga gawain. Dahil dito, nagging paborito siya ng kaniyang
mga guro at lagi siyang nabibigyan ng papuri sa magaganda niyang ginagawa. May
pananagutan ba si Andrea kung bakit nasa kaniya ang paghanga at mataas na
pagtingin ng kaniyang mga guro?
A. Wala, dahil talagang may kumpetisyon sa isang klase
B. Wala, dahil ginagawa niya ang tama bilang isang mag – aaral
C. Oo, dahil hindi niya pinagbibigyan ang ibang kaklase upang sumagot
D. Oo, dahil siya na lamang ang parating nagtataas ng kamay upang sumagot
____37. Habang naglalakad pauwi si Amanda, biglang may humablot sa kaniyang pitaka
at gamit sa pang-eskwela. Anong salik ang nakaapekto sa kilos ni Amanda?
A. Gawi B. Karahasan C. Kamangmangan D. Masidhing damdamin
____38. Ano ang maaring mangyari kung sakaling gagawa tayo ng pagpapasiya ng
padalos dalos at hindi na dumadaan sa tamang proseso?
A. Walang epekto ang mangyayari
B. Matutuwa ang mga taong nakapaligid sa iyo.
C. Magiging matagumpay ang gagawing pagpapasiya
D. Malaki ang posibilidad na hindi magiging mabuti ang resulta
____39. Bakit kailangan ng maingat na pagtitimbang sa kung ano ang dapat piliin at
kung anong kilos ang dapat gawin?
A. Upang makatulong para maging mabuting tao.
B. Upang magamit ang talinong ipinagkaloob ng Diyos.
C. Upang makita kung ang pipiliin ay nakabatay sa makataong kilos.
D. Upang maipamalas ang kakayahang gumawa ng matalinong pagpapasiya
____40. Bakit hindi maaaring paghiwalayin ang panloob at panlabas na kilos?
A. Dahil hindi magiging maganda ang kalalabasan ng lahat ng kilos
B. Dahil maaaring madaig ng panlabas na kilos ang panloob na kilos
C. Dahil kung ano ang kilos ng panlabas ay nagmumula sa panloob na kilos
D. Dahil kung masama ang panloob, magiging masama rin ang buong kilos, kahit
mabuti ang panlabas
____41. Nasaksihan mo ang pananakit ng isang bully sa iyong kaklase sa loob ng
klasrum. Dali – dali kang tumakbo para hanapin ang iyong guro. Tama ba ang iyong
ginawa?
A. Oo, dahil gusto kong masaksihan ng aming guro ang pambubully
B. Oo, dahil kailangang maparusahan ang nambubully sa kaklase ko
C. Hindi, dahil may pagkakataon pa namang magbago ang nambubully
D. Hindi, dahil natakot lang naman ako at baka ako ang susunod na mabully
____42. Bakit ang paghimas ng tiyan kung ikaw ay gutom ay walang pananagutan?
A. Dahil wala naming mawawala sa paghimas lang ng tiyan
B. Dahil walang kinalaman ang pagiging gutom sa magandang asal
C. Dahil ito ay kilos ng tao at hindi kabilang bilang isang kilos loob
D. Dahil ito ay nangahuhulugan lang naman na ang isang tao ay gutom
____43. Sa sobrang saya dahil nanalo sina Carlos sa patimpalak, bigla niyang nayakap
ang kaniyang kaklase na si Romina. May panangutan ba si Carlos sa nagawa niyang
kilos?
A. Mayroon, dahil nasaktan si Romina
B. Mayroon, dahil mali ang kanyang kilos
C. Wala, dahil naimpluwensiyahan lamang siya ng kaniyang damdamin
D. Wala, dahil nagawa lang niya ang kilos dahil sa masidhing damdamin
____44. Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon sa pagpapasiya ang tao?
A. Upang magsilbing gabay sa buhay.
B. Upang magsilbing paalala sa mga gagawin.
C. Upang magkaroon ng sapat na pamantayan sa pipiliin.
D. Upang mapagnilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili.
____45. Bakit kailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang naidudulot ng
pasiya?
A. Dahil ang bawat kilos ay may batayan, dahilan, at pananagutan.
B. Dahil ito ay magsisilbing gabay niya sa pang-araw-araw na buhay.
C. Dahil ito ay nagdudulot sa tao ng kaseguruhan sa kaniyang pagpili.
D. Dahil ito ay makatutulong sa tao upang magkaroon ng mabuting kilos.
____46. Kailangan mo bang maging mapanagutan sa bawat kilos mo? Bakit?
A. Oo, dahil may masasaktan kapag mali ang inasal
B. Hindi, dahil kilos ko naman yun at walang pakialam ang iba
C. Hindi, dahil ang kilos ko lang naman ay para sa aking ikakabuti
D. Oo, dahil ang bawat kilos ay maaring magdala ng kapahamakan sa kapwa
____47. Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataong bigyang pamagat ang iyong buhay
na may kinalaman sa pagpapasiya at paggamit ng makataong kilos, alin sa mga
sumusunod ang pinakamainam na pamagat?
A. Pasiya ko, Panagutan ko C. Ang kwento ng buhay ko
B. Ang layunin ng buhay ko D. Ang aking pagtatagumpay
____48. Sa sobrang saya dahil nanalo sina Carlos sa patimpalak, bigla niyang nayakap
ang kaniyang kaklase na si Romina. Kung ikaw si Romina sa sitwasyong nabanggit, ano
iyong gagawin?
A. Magsisigaw ako ng malakaw
B. Magagalit ako kay Carlos dahil nabastosan ako sa ginawa
C. Isusumbong ko sa may awtoridad upang siya ay magtanda
D. Pagsasabihan ko nalang siya dahil naiintidihan ko naman ang kaniak kilos
____49. Kung ikaw ang magdedesisyon sa isang araw kung ano ang gagawin at walang
maaaring makapigil sayo, ano ang gagawin mo? Bakit?
A. Gagawa ako ng kalukuhan upang masulit ko ang isang araw
B. Matutulog nalang maghapon dahil buhay ko naman ito
C. Maglalakwatsa nalang para lumayo ako sa bahay at hindi mapag-utusan
D. Gagawin ko ang gusto kong gawin na nakabubuti sa akin tulad ng pagpapabuti
ng aking kaalaman, habits o pisikal na hitsura
____50. Bilang isang estudyante, masasabi mo bang kaya mo nang magpasiya ng tama
at kusa?
A. Maaaring hindi pa dahil bata pa ako
B. Oo dahil nasa tamang edad na ako at nakakapag-isip na
C. Oo dahil wala naman sa estado ang pagkakaroon ng abilidad para magpasiya
D. Maaaring nangangailangan pa ako ng patnubay at gabay ng magulang at
nakakatanda sa akin

=====================================WAKAS=============================
Prepared by:

MERIAM PUEGAN-PACALSO
Subject Teacher

Checked by:

MAURICIO B. SAO-AN Noted by:


Master Teacher-I CARMELITA P. DANGLE
Principal II

You might also like