Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 35

PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA

Tongco Street, Maysan, Valenzuela City

KORPUS NG MGA SALIN SA WIKANG FILIPINO NG MGA SALITANG TEKNIKAL


NA GINAGAMIT NG MGA 26-45 ANYOS NA MANGGAGAWA SA MGA
SITYONG PANGKONSTRUKSYON SA VALENZUELA

Isang Pananaliksik na Iniharap sa Kaguruan


ng Filipino Kolehiyo ng Edukasyon
Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela
Tongco Street, Maysan, Valenzuela City

Bilang Bahagi ng Pangangailangan sa Kursong


FIL2: Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina ng
Batsilyer sa Agham sa Inhenyerang Sibil

BARANDON, NEIL Q. PACIO, JESTER C.

CABANIG, MAY ANGELIE E. PEDRALVEZ, GODWIN B.

D. SANTOS, ALEXANDRA JOYCE G. TESORERO, RAMIL VINCENT B.

LIBAO, NAYOMI CLARE S. VITTO, JOYCE ANGELINE C.

NICOLAS, IAN JOSHUA B.

Hunyo, 2023
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
Tongco Street, Maysan, Valenzuela City

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Ang inhenyerang sibil ay ang isang pag-aaral na nagtuturo sa mga indibidwal kung

paano magdisenyo, magtayo, at mapanatili ang mga istruktura ng mga gusali sa natural

na kapaligiran. Umiikot ang larangang ito sa mga teknikal na sistema at wastong pagpili

ng mga materyales upang matiyak ang kahusayan at mataas na antas ng kaligtasan, at

maging sa pagsubaybay rin sa mga detalye ng istruktura at kapaligiran ng proyekto sa

oras na magsimula at matapos ang proseso ng konstruksyon.

Halimbawa na lamang sa mga saklaw ng larangang ito ay ang asignaturang

Building System Design (BSD). Ayon sa pag aaral ni Pe (2022), ang BSD ay ang

pangunahing asignatura sa inhenyerang sibil sapagkat direktang nakaugnay ito sa

pagpapanatili ng integridad ng isang istruktura at maging sa katibayan nito. Dito,

kinakailangang gumamit ng iba’t ibang konsepto, prinsipyo, at patakaran na makatutulong

sa pagbuo ng isang disenyong istruktural upang matiyak na ang katatagan at kaligtasan

ng isang istraktura ay natutugunan (Encinas, 2022) at ang pagsunod nito sa mga

pamantayang nakapaloob sa National Building Code (CHED, 2017). Sa asignaturang ito,

ipinapakilala ang mga salitang teknikal na ginagamit sa propesyunal na setting, na siyang

nagbibigay-indetipikasyon sa mga katawagan sa mga bagay-bagay na may iisang

sistema o pagkakapakahulugan.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
Tongco Street, Maysan, Valenzuela City

Ang mga salitang teknikal o terminolohiya ay tumutukoy sa mga salitang ginagamit

ng isang indibidwal sa espisipikong larangan, karera o disiplina (Motiso, 2023), na kung

saan ay pinagbabatayan ang espesyal na kasanayan ng isang tao o manggagawa, tulad

ng mga nasa teknolohiya, agham, inhenyero, at medisina. Ang mga terminolohiyang ito

ay madalas ding natatagpuan sa mga tekstong nagbibigay-kaalaman, tulad ng mga fact

file at ulat. Kung kaya’t walang alinlangan na tinutulungan tayo ng mga terminolohiyang

ito upang lubos na maunawaan ang mga partikular na paksang natatagpuan sa

akademiko at propesyunal na setting.

Sa katunayan, ang mahusay nga na paggamit ng mga terminolohiya ay

makatutulong sa mga taong may iba’t ibang lebel ng kasanayan na magkaintindihan at

bagkus ay maging mabisa ang kanilang pagtatrabaho sa kinabibilangang larangan. Ayon

sa Mayra Leon (2020), ang mahusay na pagpapakahulugan sa isang terminolohiya ay

nagbabawas ng kalabuan na isa sa mga mahahalagang kalidad tungo sa maayos na

pagkakaintindihan. Ngunit, kung ang mga salitang teknikal na ito ay magmumula sa

wikang Ingles at ginagamit ng mga taong may ibang lebel ng pinag-aralan at kasanayan

sa naturang lenggwahe, malaki ang pagkakaroon ng posibilidad na magbibigay lamang

ito ng kalituhan sa mga nasabing taga-tanggap na humahantong sa pagbuo sa isang

sitwasyong salungat sa hinahangad ng mga terminolohiyang ito (Patoko at Yazdanifard,

2014). At sa kabutihang palad, ang isa sa mga natagpuan na solusyon ng mga indibidwal

na ito, na nahaharap sa kahirapan dulot ng kanilang pagdanas sa nasabing sitwasyon,

ay ang proseso ng pagsasalin.


PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
Tongco Street, Maysan, Valenzuela City

Tunay na mahalaga ang pagsasasalin sa pagpapayaman ng kulturang Pilipino.

Daan ito upang makilala ang mga dakilang bagay na nagmula sa mga banyaga tungo sa

ating wika at kultura, partikular sa pagpapayaman din ng mga pagpapakahulugan ng mga

salitang teknikal na hindi lamang bago sa mga lokal kundi pati na rin sa mga hindi

propesyonal na may ibang lebel ng edukasyon ngunit may natatangi na kasanayan sa

pagtatrabaho. Kaugnay nito ang pinag-aralan ni Acedera noong 2018, na siyang

nagpapakilala sa wikang Ingles bilang isang wikang banyaga sa mga Pilipino ngunit ang

lenggwaheng natatangi sa lahat. Habang ang wikang Ingles ay nananatiling wikang

panturo sa ating paaralan, ito ay nagiging daluyan din ng mga paniniwala, kaisipan, at

kulturang nagmula sa banyagang taga-kanluran. Kung kaya’t, tunay na hindi maiiwasan

ng isang bihasa o amateur na tagapagsalin na maharap sa suliraning nakaugat sa

pagkakaiba ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin, partikular sa paghahanap ng

mga perpektong katumbas na salin ng bawat isa. Dito, nasusumpungan ng naturang

indibidwal ang isang problemang nabuo dahil sa pagsasalin ng mga ekspresyong

idyomitikong nakabuhol sa mga kulturang nakapaloob sa orihinal na wika, lalo na kung

napakaraming taon na ang namamagitan sa isinalin at pagsasalinang-wika.

At dahil nga sa pagkakaiba ng ginagamit na terminolohiya sa pagitan ng mga

inhenyerong sibil at manggagawa, na isa sa mga tinitignang problema namamagitan sa

kanilang maayos na pagkilos konstruksyon (Matullah et. al., 2021), makikita na ang mga

salitang teknikal na napagaralan ng mga inhenyerong sibil ay hindi lahat batid ng mga

manggagawa sa konstruksyon kung kaya't, gamit ang prosesong pagsasalin, sila ay

nakakabuo rin ng mga sarili nilang terminolohiya na ginagamit sa pagtatrabaho. Nabatid


PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
Tongco Street, Maysan, Valenzuela City
din ng mga mananaliksik na ang problema na ito ay matagal nang laganap sa mga sityong

pangkonstruksyon at larangan ng inhenyeriya, ngunit wala pang sinuman ang nakakaisip

ng epektibo at panmatagalang solusyon para rito. Kaya naisipan ng mga mananaliksik

na bumuo ng isang korpus bilang solusyon sa suliraning nakita sa pag-aaral na ito. Ito ay

ang isang materyal na lalamanin ng mga Filipinong salin ng mga salitang teknikal na

umiiral sa nabanggit na larangan, na siyang nakaugnay sa mga ideya at kaisipang

nakapaloob sa kahulugan ng mga terminolohiyang ito.

Kaya bilang inaasahang resulta ng mga mananaliksik sa gagawin na pag-aaral,

nagnanais lamang sila na makabuo ng naturang materyal na magagamit ng mga

inhenyerong sibil at manggagawa na siyang pinaniniwalaang makakalutas sa kalabuang

dulot ng paggamit ng mga magkaibang lenggwahe sa pag-uusap. Maliban pa rito,

magiging input din na ito ng mga mananaliksik sa pagtuturo ng asignaturang BSD nang

sa gayon ay mas mapadali ang pag-aaral at pagkatuto ng mga inhenyerong estudyante

sa mga salitang teknikal na nakapaloob dito, na siyang magreresolba din sa naturang

problema sa ganitong punto.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay may pangunahing layunin na makabuo ng isang korpus

na naglalaman ng mga salin ng mga salitang teknikal na nasa wikang Filipino, na siyang

umiiral sa larangan ng inhenyerang sibil. Dito, ang mga salitang ito at salin nito ay

maiuugnay ng mga mananaliksik upang mapagkaisa ang kanilang kaisipan at bagkus

masolusyunan ang hindi pagkakaintindihan ng mga inhenyerong propesyunal at

manggagawa. Kaugnay nito, narito ang mga tiyak na suliraning sasagutin ng pag-aaral:
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
Tongco Street, Maysan, Valenzuela City

1. Ano-anong mga salitang teknikal sa inhenyerang sibil ang nakakapagdulot ng hindi

pagkakaintindihan sa pagitan ng mga propesyunal at manggagawa sa naturang

larangan?

2. Ano-anong mga salitang nasa wikang Filipino ay may katumbas o malapit na salin sa

mga terminolohiyang nabanggit, na siyang umiiral din sa mga naturang manggagawa?

3. Naipapahayag ba ng mga saling ito ang kahulugan o konsepto ng mga naturang

terminolohiya?

4. Ano-ano ang mga isasaalang-alang sa pagbuo ng isang korpus upang maiugnay ang

mga salitang teknikal sa inhenyerang sibil at mga salin nito sa wikang Filipino, base

sa kanilang pagpapakahulugan?

Layunin ng Pag-aaral

Layunin ng pag-aaral na ito na makalikha ng isang korpus na lalamanin ng mga

salin ng mga salitang teknikal na nasa wikang Filipino. Ang mga terminolohiyang ito ay

umiikot sa mga konseptong kailangan matutuhan ng isang inhenyerong estudyante

upang sila ay makapagtayo ng bahay at magkaroon ng maayos na pamamahala sa isang

sityo. Sa pamamagitan ng paghahanap sa mga saling nito ay mapagkakaisa ng mga

mananaliksik ang mga kaisipan sandig ng mga inhenyerong sibil at manggagawa sa

konstruksyon. Bagkus, masosolusyunan nito ang nabanggit na suliraning nakita ng mga

mananaliksik sa pag-aaral. Kaugnay dito, narito ang mga espisipikong layunin na

sasagutin ng papel na ito:


PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
Tongco Street, Maysan, Valenzuela City

1. Matukoy ang mga salitang teknikal sa inhenyerang sibil na nakakapagdulot ng hindi

pagkakaintindihan sa pagitan ng mga propesyunal at manggagawa sa naturang

larangan.

2. Matukoy ang mga salitang nasa wikang Filipino bilang katumbas o malapit na salin sa

mga terminolohiyang nabanggit, na siyang umiiral din sa mga naturang manggagawa.

3. Malaman kung napapahayag ba nito ang kahulugan o konsepto ng mga naturang

terminolohiya.

4. Malaman ang mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagbuo ng korpus sa paraang

maiuugnay nito ang mga salitang teknikal sa inhenyerang sibil at mga salin nito sa

wikang Filipino, base sa kanilang pagpapakahulugan.

Balangkas ng Pag-aaral

Balangkas Teoretikal

Ang teoryang gagamitin ng mga mananaliksik sa pag-aaral ay ang Translation

Theory ni Houbert noong 1998. Sa teoryang ito ay ipinakilala ang pagsasalin bilang isang

proseso tungo sa epektibong komunikasyon. Kung saan, ang isang mensaheng nagmula

sa pinagmulang lenggwahe (Source Language) ay isinasalin ng isang indibidwal tungo

sa wikang maiintindihan ng mga taga-tanggap nito (Target language). Kung kaya’t sa

pamamagitan ng paggamit nito sa pakikipag-usap, hindi na kakailangan ng tagasalin na

sanayin pa ang kaniyang sarili sa pinagmulang lenggwahe upang ipaintindi lamang ang

mensaheng ninanais na sabihin nito sa kaniyang kausap. Sa katunayan, ang naturang

pagsasanay na ito, ayon sa naturang awtor, ang siyang nagiging balakid tungo sa
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
Tongco Street, Maysan, Valenzuela City
pagiging maayos ng komunikasyong nagaganap sa mga indibidwal, na madalas, ay

sanay at gumagamit ng magkaibang wika.

Kung kaya’t sa pamamagitan ng teoryang ito ay maipapaliwanag ng mga

mananaliksik ang paggamit ng pagsasalin sa pagitan ng mga manggagawa sa

konstruksyon. At ito ay upang mapalitan nila ang mga salitang teknikal, na hindi nila

naiintidihan, ng mga salin na nasa wikang Filipino at siya ring mas naiintindihan ng mga

naturang indibiwal. Ito ay hindi rin naiiwasang gamitin ng isang manggagawa sapagkat

nakatutulong ito sa mas epektibo nitong pakikipagkomunisyon sa kapwa manggagawa.

Ngunit, nakita ng mga mananaliksik na dahil sa pag-iral ng proseso ito ay kalakip ang

isang problemang nabuo dahil sa pagkakaiba ng mga lenggwaheng ginagamit ng mga

inhenyerong sibil at naturang manggagawa, na siya ring nagresulta sa kanilang hindi

pagkakaintidihan sa kasalukuyan. Kung kaya’t, sa pamamagitan ng paglikha ng korpus,

na makakapag-ugnay sa mga salita at salin nito, ay malulutas ng mga mananaliksik ang

naturang problema ng dalawang magkaibang sangay tungo sa pagkakaroon nila ng mas

epektibong komunikasyon at maayos na pagkilos sa konstruksyon.


PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
Tongco Street, Maysan, Valenzuela City

Balangkas Konseptuwal

Input Proseso Awtput

• Ang mga salitang teknikal • Paggamit ng obserbasyon “Korpus ng mga salin sa wikang
na magmumula sa libro ng at panayam bilang paraan Filipino ng mga salitang
asignaturang BSD, na ng pangangalap ng datos. teknikal na ginagamit ng mga
ginagamit ng institusyon. 26-45 anyos na manggagawa
• Paggamit ng Keyword sa mga sityong pang
• Mga katangiang tataglayin Analysis bilang paraan ng konstruksyon sa Valenzuela”
ng mga manggagawang pagsusuri ng datos.
taga-tugon:
• Paggamit ng teorya ni
o May edad na 26 hanggang Houbert (1998) bilang
45 anyos pantulong sa metodong
o May 3 hanggang 7 years ginamit sa pagtatasa.
na working experience
o Nagtratrabaho sa isang
pribadong kumpanya
o May sapat na kaalaman sa
inhenyerang konsepto at
pagtatayo ng bahay

Pigura 1. Konseptwal na Balangkas ng Pag-aaral

Ang konseptuwal na balangkas ng pag-aaral ay gagamitan ng Input-Process-

Output (IPO) model. Pagmumulan ng mga salitang teknikal na gagamitin ang isang

reperensiyang libro ng BSD, na manggagaling sa institusyon. Ang mga salitang ito ay

hahanapan ng mga katumbas na salin sa wikang Filipino na makakalap ng mga

mananaliksik sa mga manggagawa sa konstruksyon bilang respondente ng pag-aaral na

ito. Ang mga manggagawa ay may mga tataglaying katangian na siyang kakailanganin

sa pananaliksik at pangangalap ng datos sa pamamagitan ng pakikipanayam at


PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
Tongco Street, Maysan, Valenzuela City
obserbasyon sa loob ng mga sityong pangkonstruksyon. Matapos makalap ang mga

datos ay gagamitan naman ito ng keyword analysis, kasama ng Translation Theory ni

Houbert (1998), upang masuri ang pagpapakahulugan ng mga naturang katawagan at

maiugnay ang mga ito sa mga salitang teknikal na umiiral sa inhenyerang sibil. Ang mga

mauugnay na salitang teknikal at katawagang Filipino ay aayusin at itatala sa isang

korpus, na siyang magiging awtput ng pag-aaral.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang naturang pananaliksik ay mapapakinabangan ng mga sumusunod:

Manggagawa sa Konstruksyon at Inhenyerong Sibil. Sa pamamagitan ng paglikha ng

isang korpus, makakatatag ito ng matibay na ugnayan sa pagitan ng mga teknikal na

salita na umiiral sa inhenyerang sibil at mga salin nito sa wikang Filipino. Dahil dito, higit

na magkakaroon ng malalim na pagkakaintindihan ang mga naturang indibidwal ukol sa

mga ninanais nilang sabihin sa isa’t isa, bagkus, ay mas mapapadali ang kanilang

pakikipag-usap at magiging mas mabisa ang kanilang pagkilos sa konstruksyon.

Mag-aaral ng Inhenyerang Sibil. Maliban sa nabanggit na benepisyaryo, ang bubuoing

korpus ay maaari ring maging gabay ng mga mag-aaral ng inhenyerang sibil tungo sa

lalo nilang pagkatuto sa mga salitang teknikal na nakapaloob sa asignaturang BSD. Sa

pamamagitan ng paglikha nito ay hindi na kakailanganin ng mga mag-aaral, na sanay sa

wikang Filipino, na isalin pa ang mga naturang salitang na nasa wikang Ingles upang

maintindihan lamang ito. Ang mga salitang teknikal ay magkakaroon na rin ng direktang
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
Tongco Street, Maysan, Valenzuela City
depinisyon sapagkat ang mga ilalagay na paliwanag sa korpus ay nakasulat na sa

nabanggit na wika.

Tagapagturo ng Inhenyerang Sibil. Bilang mga tagapagturo, mahalaga na mapaintindi

nila ang kanilang mga ituturong konsepto, prinsipyo at terminolohiya nang maayos sa

kanilang mag-aaral. Sa katunayan, ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi ito nagiging

imposible sa karaniwang setting ay dahil sa pagkakaiba ng mga lenggwaheng ginagamit

ng mga guro sa pagpapaliwanag at ng mga estudyante tungo sa pagproproseso ng mga

itinuturong impormasyon. Bagkus, naghahangad na makakatulong ang korpus ng

pananaliksik na ito upang malunasan ang nabanggit na problema, at para mapadali rin

ang pagpapaliwanag ng mga inhenyerong guro sa mga salitang teknikal na nakapaloob

sa asignaturang BSD.

Building System Design (BSD). Ang bubuoing korpus ay makatutulong rin sa

paglalawig ng mga nalalaman ng mga inhenyerong indibidwal sa mga salitang teknikal

na nakapaloob sa asignaturang ito sapagkat sa pamamagitan ng paglikha ng isang

korpus, mapapalawak ng asignaturang BSD ang mga lenggwahe ginagamit nito sa

pagpapaliwanag ng mga naturang salita. Bagkus, hindi na lamang makukulong ang mga

nilalamang nakasulat sa libro nito sa wikang Ingles at makakapagbukas din ito ng

maraming oportunidad upang gumawa ng iba pang korpus na magsisilbing input ng

asignaturang ito, na siyang naglalaman din ng mga salin ng mga naturang salita na

magmumula sa iba’t ibang lenggwahe.


PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
Tongco Street, Maysan, Valenzuela City

Disiplinang Filipino. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, magkakaroon ng

pagkakataon ang mga mananaliksik upang maipakita sa mga mambabasa ang

kahalagahan ng disiplinang Filipino sa larangan ng inhenyerang sibil. Makikita ang

kalahagahan nito sa paggamit ng mananaliksik sa naturang korpus upang masolusyunan

ang suliraning pangkomunikasyon ng mga inhenyerong sibil at manggagawa sa

kontruksyon. Maliban pa rito, ang pag-aaral na ito ay makakapagbukas din ng maraming

oportunidad upang mapalawig ang bokabularyong Filipino sa paraan na mapapakilala ng

mga mananaliksik sa mga dalubwika, madla at publiko ang mga salitang lalamanin ng

korpus, na hindi rin pamilyar sa mga hindi nagtratrabaho sa konstruksyon. Kung kaya't,

magkakaroon din sila ng kabatiran ukol sa pag-iral ng mga salitang ito at maaaring

maging opisyal na ang paggamit nito, hindi lamang sa konstruksyon, kundi maging sa

labas ng naturang larangan, mapa akademiko man o propesyunal ang setting.

Mananaliksik sa hinaharap. Ang pag-aaral na ito ay maaaring maging gabay din ng mga

mananaliksik sa hinaharap upang gamitin ang mga konsepto, teorya, metodo maging ang

mga konsiderasyong isinaalang-alang sa paggawa ng korpus sa sariling larangan. Hindi

rin lamang nakukulong ang paggawa nito sa larangan ng inhenyerang sibil sapagkat

makakatulong ang korpus sa pag-ugnay ng mga salitang na nasa magkaibang rehistro o

antas ng wika o maging sa magkaibang lenggwahe. Maaari rin ito magamit sa susunod

na pananalisik, na makakaresolba ng suliraning pangkomunikasyon sa ibang setting at

konteksto.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
Tongco Street, Maysan, Valenzuela City

Saklaw at Delimitasyon

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa paghahahanap ng mga salitang Filipino bilang

katumbas na salin sa mga salitang teknikal na nakapaloob sa asignaturang BSD, na

siyang kukunin sa isang reperensiyang librong magmumula sa institusyon. Ang

asignatura ito ay naglalaman ng iba’t ibang konsepto, prinsipyo at batas, na nagtuturo sa

mga estudyante ng inhenyerang sibil ng wastong pagtatayo ng bahay, sa aspektong

istruktural, at pamamahala sa konstruksyon. Kung kaya’t, hindi na kabilang sa pag-aaral

ang mga salitang teknikal na walang kaugnayan sa mga konsepto at kaisipang

nakapaloob sa nabanggit na asignatura.

Kaugnay sa mga salin ng mga terminolohiyang ito, ito ay hahanapin sa

pamamagitan ng paggamit ng obserbasyon at pakikipanayam sa 26-45 anyos na

manggagawang nakadestino sa iba’t ibang sityong pankonstruksyon sa Valenzuela. Ito

ay upang makalap ang kanilang iba’t ibang perspektiba at sapat na pamilyaridad sa mga

naturang terminolohiya, na siyang makakapaghatid sa mga sagot na ninanais ng mga

mananaliksik.

Kung kaya’t, nililimitihan din ang pag-aaral sa pagkuha ng mga manggagawang

nanggaling sa mga pribadong sityong pangkonstruksyon, na nakatuon lamang sa

pagtatayo ng mga residensyal na gusali at maging sa mga istruktura nito. Upang

makakalap ng sapat na datos, kinakailangan ng mga mananaliksik na makakakuha ng

limangpung (50) katao ng mga indibidwal na ito na may 3 hanggang 7 taon na working

experience. Mapa babae o man lalaki, layunin lamang mga mananaliksik na maglimita
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
Tongco Street, Maysan, Valenzuela City
upang masigurado ang pagiging pamilyar ng mga indibidwal na ito sa mga salitang

teknikal na ginagamit ng mga inhenyerong propesyunal at makakuha ng sapat at

mapagkakatiwalaan na kaalaman, na makatutulong sa pagtugon sa mga

pangangailangan ng pag-aaral na ito.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Building System Design. Ang asignaturang makakapagturo sa mga estudyante ng

ihenyerong sibil sa pagtatayo at pagdidisenyo ng mga gusali, kabilang ang paggawa ng

planong arkitektural, sibil, mekanikal, at elektrika maging ang pagdidisenyo ng mga

balbula at proteksyon ng mga gusali laban sa sunog (Luceña, 2020). Bilang asignaturang

sandig ng pananaliksik, dito magmumula ang mga salitang teknikal na hahanapan ng

mga saling makakapagpahayag sa kahulugan nito at magiging bahagi rin ng bubuoing

korpus ng mga mananaliksik.

Inhenyerong Sibil. Ito ay isang sangay ng inhenyeriya na may kinalaman sa

pagdidisenyo at pagsasaayos ng mga kalsada, tulay, prinsa, at similar na istruktura

(Oxford Dictionary, 2023). Sa pag-aaral, ito ang mga indibidwal na nasanay sa mga

salitang teknikal na hindi naiintindihan ng mga manggagawa sa konstruksyon at bagkus,

naging dahilan sa pag-usbong ng problemang nakita sa pag-aaral.

Konstruksyon. Ito ay tumutukoy sa proseso ng paglikha ng partikular na istruktura tulad

ng tulay at gusali (Cambridge University Press, 2023). Pagmumulan ito ng mga salitang

teknikal na nakasalin sa wikang Filipino at ginagamit sa pagitan ng mga manggagawa


PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
Tongco Street, Maysan, Valenzuela City
tungo sa pagkakaintindihan ng kanilang grupo. Sangay din ito ng inhenyerang sibil na isa

sa mga magiging saklaw ng pag-aaral.

Korpus. Ito ay isang koleksyon ng mga nakasulat o sinasalitang lenggwahe, na

ginagamit sa pag-aaral nito at sa pagsusulat ng mga diksyunaryo (Cambridge University

Press, 2023). Ito ay ang kabuuang talaan din ng mga makakalap na salitang Filipino

bilang saling panumbas sa mga teknikal na terminolohiya sa larangang inhinyerang sibil,

kung saan ito ay nakakategorya.

Salitang Teknikal. Ito ay tumutukoy sa mga salitang ginagamit ng isang indibidwal sa

tiyak na karera, larangan o disiplina (Motiso, 2023). Ito rin ang mga salitang kukuhain sa

reperensiyang libro sa asignaturang BSD, upang mahanapan ng mga salitang Filipino

bilang salin sa mga salitang ito.


PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
Tongco Street, Maysan, Valenzuela City

KABANATA II

KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ang Paggamit ng Mga Salitang Teknikal ng Mga Propesyunal

Hindi mapagkakailang kinikilala na ang kahusayan sa wikang Ingles ay isa sa mga

prayoridad ng mga pribadong kumpanya sa pagpili ng potensyal na empleyado. Ayon sa

pag-aaral nina Yasin et al. (2010), ang kakulangan sa kahusayan sa wikang Ingles ay

isang malaking balakid mula sa pagkakatanggap ng mga manggagawa sa isang

pribadong sektor. Maliban pa rito, nagiging pangamba rin ang nasabing problema para

sa gobyerno dahil hindi nasusustentuhan ang pagpapahusay ng mga estudyante sa

wikang Ingles bago pa man tumuntong sa kolehiyo ang mga pangangailangan na ito. Sa

kolehiyo, kada propesyon ay may kani-kaniyang salitang teknikal na kadalasan ay hango

mula sa wikang Ingles at ang pagkakaroon ng kasanayan rito ang kanilang nagiging

pundasyon para sa kanilang pagkakaintindihan.

Ang salitang teknikal ay mahalagang parte ng isang propesyon dahil ito ay may

ispesipikong kahulugan at nabuo sa paglipas at katagalan ng panahon. Nakasalalay ang

kahalagahan ng hanay ng mga terminolohiyang ito sa paraan ng pagpapaikli ng

impormasyon na nagbubunga sa isa o dalawang salita (Perelman, Barrett, Paradi, w.t.).

Katulad na lamang sa kursong Inhenyera, marami ang salitang teknikal ang buhat mula

sa wikang Ingles na walang direkta o may barayti ng translasyon tungo sa wikang Filipino.

Kung kaya’t sa isang pakikipag talakayan ng parehong inhenyero ay mas komportable

ang paggamit ng Ingles (Reyes, 2021) dahil napapadali nito ang pagtukoy sa mga bagay-
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
Tongco Street, Maysan, Valenzuela City
bagay sa paggamit ng mga salitang teknikal. At ang mga terminolohiyang ito ay

pinapahapyawan na mula pa lamang sa unang dalawang taon sa pag-aaral ng Inhenyera.

Isa pang dahilan na nabanggit ukol sa kahalagahan ng salitang teknikal, ay

tumutukoy ito sa espesyalisasyon ng mga propesyonal sa isang larangan ng pag-aaral at

kadikit nito ang mataas sa pagpapahalaga ng lipunan sa isang mataas na propesyon. Sa

kadahilanang ito ay nagiging eksklusibo lamang ang kanilang trabaho sa mga

propesyonal na naaayon sa kanilang lebel (Rebrina at Generalova, 2018). At hindi

nabibigyang pansin ang kalabuan ng komunikasyon mula sa mga propesyonal tungo sa

kanilang mga manggagawa. Bagaman, nakakatulong ang paggamit ng salitang teknikal

sa mga propesyonal, ang pag-iral ng iisang wika lamang walang unibersal na salin ay

nagbubunga sa hindi pagkakaintindihan o kalabuan sa natatanggap na impormasyon. Sa

kadahilanang hindi pantay pantay ng kaalaman ang bawat isa sa mga trabahong

pinapasukan, nahihirapan mag-buklod ang mga kasapi sa isang proyekto kung walang

magbibigay ng daan upang humantong sa pagkakaintindihan ng bawat isa.

Ang Kahalagahan ng Pagsasalin sa Komunikasyon

Sa propesyonal na setting kagaya na lamang sa lugar ng konstruksyon, ay

mayroon at mayroong makakasalamuha ang bawat isa na may ibang pinanggalingan

bukod sa kinalakihang likas na pagkatao. Hindi lamang ito tumutukoy sa pagkakaiba ng

lugar na pinagmulan ngunit pati na rin sa mga tinatamasang pribilehiyo sa kaalaman. Sa

pag-aaral nina Patoko at Yazdanifard (2014), mayroong malaking epekto ang hindi

pagkakaintindihan ng empleyado at namumuno sa pag-unlad ng organisasyon at pati na

rin sa kanilang personal na relasyon kaya’t importante ang kalinawan sa komunikasyon.


PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
Tongco Street, Maysan, Valenzuela City
Isang suliranin nga sa komunikasyong ito ay ang madalas na pag-gamit ng jargon ng

mga namumuno na hindi gaano naiintindihan ng mga manggagawa dahil sa kaibahan ng

lebel sa pinag-aralan na nagiging sanhi ng gap sa komunikasyon. Dito ay nagkakaroon

ng pakiramdam na panliliit ang ibang empleyado o hindi kaya’y ang iba ay na-aagrabyado

naman. Bagaman, hindi intensyonal ang mga pangyayaring ito ay wala namang aksyon

na ginagawa upang maisayos ito. Bagkus ay dapat pinupuna agad ang ganitong

pangyayari upang hindi na ito lumaki pa. Sa parehong pag-aaral ay isang suhestiyon ang

nabuo upang hindi maging hadlang ang gap na ito, ay ang pagpapa-simple ng mga salita

o pagbibigay-salin sa mga ito.

Sa artikulo ni Bravo (2021), sinabi niyang isang uri ng komunikasyon ang

translasyon o pagsasalin. Ang pagsasalin, ayon dito, ay isang proseso ng komunikasyon

mula sa awtor ng tekstong isasalin patungo sa interpretasyon ng pagsasalin habang

binibigyang konsiderasyon ang kulturang pinagmulan nito. Sa pamamagitan nito ay

nagkakaroon ng tulay sa ibabaw ng mga hadlang sa hindi pagkakaintindihan ng wika.

Isang pahayag nga ni Attila (2012) na nasa panahon na tayo ng pagsasa-lokal ng

globalisasyon at hindi na maiwawaksi at laganap na ang pagsasalin sa ating buhay. At

hindi ito dahil sa wala tayong pagpipilian, bagkus ito ang ating tyansa na nagpapalawak

pa sa wikang Filipino at nabibigyang-espasyo ang wikang ito sa larangan na

kinabibilangan ng pag-aaral, tulad ang kursong Inhenyera.

Ang Paggamit ng Korpus Bilang Materyales Tungo sa Mas Epektibong Pag-unawa

Ang paggamit ng korpus bilang isang materyales sa pag-unawa ay isang

mahalagang hakbang tungo sa mas malalim at epektibong pang-unawa sa wika at iba't-


PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
Tongco Street, Maysan, Valenzuela City
ibang larangang pangkomunikasyon. Sa pamamagitan ng pag-aaral at pagsusuri sa mga

teksto na matatagpuan sa korpus, nagkakaroon tayo ng mas malawak at malalim na

kaalaman sa wika o lenggwahe.

Ang pagsasalin ng wika ay isa sa mga nagpapakita kung paano nagiging mas

epektibo ang pag-unawa ng mga indibidwal sa wika. Ang paggamit ng korpus bilang

batayan sa pagsasalin ay nagbibigay-daan sa mga mag-aaral na masuri ang iba't-ibang

kahulugan at paggamit ng mga salita sa iba't-ibang sitwasyon. Napatunayan ito ng pag-

aaral ni Bausela (2016), na kung saan ay nabanggit ng awtor dito na naniniwala siya na

ang korpus ay nakatulong sa mga mag-aaral na magkaroon at mapaunlad ang kanilang

kasanayan sa pagsasalin. Higit pa dito, ang resulta ng pagsasalin nila ay perpektong

tumutugon sa pangangailangan ng isang dalubhasang tagasalin.

Ito rin ay sinang-ayunan naman ni Cruz (2023), lalo na’t kung makakagawa ang

isang indibidwal na bilinggwal korpus na naglalaman ng mga salitang may katumbas na

salin sa orihinal at patutunguhang wika at kung magiging baliktad man ang kanilang papel

sa mangyayaring pagsasalin. At sa pamamagitan nito ay maisasakatuparan ang

paggamit ng korpus bilang pantulong sa paggamit din ng pagsasalin bilang isang proseso

tungo sa epektibong komunikasyon, lalo na’t ito ay gagamitin sa mga sitwasyong katulad

lamang ng pag-uusap na may nasasangkot na dalawang magkaibang wika.

Ang paggamit ng korpus bilang materyales sa pag-unawa ay hindi lamang limitado

sa pagsasalin. Maaari rin itong magamit bilang isang materyales sa pag-aaral. Ayon kay

Parker at Ozcan (2017), epektibo ang paggamit ng korpus bilang materyales sa pagtuturo
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
Tongco Street, Maysan, Valenzuela City
ng bokabularyo dahil napagkukunan ito ng mga halimbawa ng aktwal na paggamit ng

salita sa iba't-ibang konteksto. Sa pamamagitan ng pagtuturo gamit ang korpus, ang mga

mag-aaral ay nagkaroon ng mas malalim na pag-unawa sa kahulugan at paggamit ng

mga salita. Ito naman ay sinang-ayunan din nina Qing at Fang noong 2011 at Girgin

noong 2019 sa kani-kanilang pag-aaral, na siyang naglalahad sa pakinabang ng korpus

kung lalagyan ito ng mga tamang salita, gagamitan ng tamang uri, at kung gagamitin ang

buong potensyal nito, partikular sa pagtuturo ng mga salita o katawagan at maging ang

mga mahihirap na bahagi ng pananalitang lalamanin ng isang lenggwaheng kasangkot

sa bubuoing korpus. Sa pamamagitan nito ay makakaranas ang isang mag-aaral, na

gagamit nito, ng mas mataas na antas na pagkatuto, na hindi rin nito makukuha kung

dedepende lamang ito sa mga tradisyunal na materyal tulad ng mga libro.

Sa kabuuan, ang paggamit ng korpus bilang materyales sa pag-unawa ay

nagbubukas ng pintuan para sa mas malalim at epektibong pang-unawa sa wika. Ito ay

nagbibigay ng mga halimbawa na nagsisilbing gabay sa wastong paggamit ng wika sa

iba't ibang konteksto.

SINTESIS NG KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Mula sa mga nakalap na literatura at pag-aaral para sa pananaliksik na ito,

makikita na mahalaga ang bawat aksyong ginawa ng mga inhenyerong sibil at manggawa

tungo sa pagkakaintindihan ng kani-kanilang grupo, na siya ring humantong sa isang

problemang namamagitan sa kanilang komunikasyon bilang mga grupong naiiba base sa

kani-kanilang lebel ng kaalaman at kasanayan sa pagtatayo ng bahay at pamahahala sa

konstruksyon.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
Tongco Street, Maysan, Valenzuela City

Makikita sa mga artikulo nina Reyes, Rebrina, at Generalova na kung gaano na

lamang kahalaga ang paggamit ng mga salitang teknikal sa propesyunal na setting, lalo

na sa konteksto ng mga inhenyerong sibil na nagtratrabaho sa mga sityong konstruksyon.

At inilahad na ginagamit lamang nila ang mga salitang ito sapagkat dito sila komportable,

nasanay mula sa maraming taon na pag-aaral, at sapagkat nahaharap din sila sa isang

setting na kung saan ay pinapairal lamang ang paggamit ng wikang Ingles, na siyang

pinaggalingan din ng mga salitang teknikal na kanilang ginagamit sa nabanggit na

larangan at maging kanilang pakikipag-usap din sa kapwa inhenyerong sibil.

Sa kabilang banda ay hindi naman din naiiwasan ng mga inhenyerong

manggagawa na gumamit din ng prosesong pagsasalin sapagkat, katulad na lamang ng

ibang manggagawa o empleado na nasangkot sa pag-aaral nina Patoko at Yazdanifard,

ay nahaharap din sila sa isang gap na nabuo dahil sa hindi nila pagiging pamilyar sa mga

jargon o terminolohiyang ginagamit ng mga propesyunal, na hindi makakaila na mas

maalam sa mga salitang ito. Kung kaya’t, humantong na lamang sila sa paggamit ng

pagsasalin upang mapalitan ang mga terminolohiyang ito ng mga salita na nakasalin sa

lenggwaheng kanilang nakasanayan at naiintindihan nang madalian.

At dahil na lamang sa mga aksyong nabanggit ng mga mananaliksik ay nagawa

nga nilang malutas ang mga problemang umiiral sa kani-kanilang grupo, ngunit, sa

kasamang palad, naging sanhi pa rin ito upang umusbong ang isang problemang

nakaugnay sa hindi nila pagkakaintindihan sa isa’t isa. At ito ay dahil sa pagkakaiba ng


PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
Tongco Street, Maysan, Valenzuela City
mga kanilang ginagamit na lenggwahe sa komunikasyon, na nakakatulong sa kanila

tungo sa mas mabisa at maayos na pansarili nilang pagkilos sa konstruksyon.

Kung kaya’t makikita mula sa mga tekstong sinulat kung bakit nailagay ng

mananaliksik ang mga artikulong nagtatalakay sa kahalagahan ng korpus tungo sa mas

mataas na pag-unawa ng isang indibidwal. At ito ay dahil para maipakilala nila ang

korpus, hindi lamang sa kahalagahan nito, ngunit bilang isang inaasahang solusyon din

ng mga mananaliksik sa hindi pagkakaintindihan ng mga inhenyerong sibil at

manggagawa sa trabaho. Sapagkat sa pamamagitan lamang ng pagbuo nito ay

magagawa ng mga naturang indibidwal na maugnay ang mga umiiral na salitang teknikal

sa inhenyerang sibil at salin nito base sa kanilang pagpapakahulugan. At mula rito ay

maaaring maisagawa ang pagkakaisa sa mga nilalaman nilang ideya, kaisipan, at

konsepto, na siya makakapagdala sa kanila upang mabisang solusyunan ang

problemang kinakaharap ng kasalukuyang pag-aaral at maging sa paglutas nito sa mas

maagang punto, sa pamamagitan ng paggamit ng korpus bilang input sa pagtuturo ng

asignaturang BSD sa mga mag-aaral ng inhenyerang sibil.


PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
Tongco Street, Maysan, Valenzuela City

KABANATA III

METODOLOHIYA NG PAG-AARAL

Disenyo ng Pananaliksik

Napili ng mga mananaliksik na gamitin ang Deskriptibong-Kwalitatibong disenyo

ng pananaliksik. Ang deskriptibong pananaliksik ay isang imbestigasyon na naglalarawan

at nagbibigay-kahulugan sa isang bagay o paksa. Sa kabilang banda, ang kwalitatibong-

deskriptong pananaliksik naman ay isang paraan ng pag-aaral na nakatuon sa pag-

unawa sa isang penomena sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga katangian nito, sa halip

na ipaliwanag lamang ang mga pinagbabatayang sanhi o mekanismo (Regionel, 2023).

Ginagamit rin ang ganitong uri ng pananaliksik sa tuwing may ninanais na tuklasin ang

isang indibidwal na isang paksang hindi pa napag-aralan nang malalim, o kung ninanais

nitong makakuha ng nasa mas mahusay na pag-unawa sa isang paksang pinag-aaralan

ngunit gumagamit ng ibang pananaw.

Pinili ng mga mananaliksik ang ganitong uri ng disenyo upang mapabatid nila sa

mga mambabasa na ang kanilang pag-aaral ay ukol sa kanilang paksang napili. Kaugnay

din nito, mas madali at malinaw ang magiging pananaliksik kung gagamitin ang ganitong

uri ng pag-aaral sapagkat isa sa layunin ng pamamaraang ito ay makapagbigay ng

impormasyon sa suring mambabasa. Naniniwala rin ang mga mananaliksik na angkop

ang disenyong ito para sa pag-aaral na ginawa sapagkat mas mapapadali ang

pangangalap ng mga datos mula sa mga napiling respondente. Ang mga mananaliksik

ay dumaan sa madaming proseso ng pagsasagawa ng mga tungkulin ng pag-aaral na


PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
Tongco Street, Maysan, Valenzuela City
ito. Nagbasa ng mga iba’t ibang reperensiya at sinuring mabuti ang bawat linya at paksa.

Ito ay ginawa upang masustentuhan ang impormasyong kinakailangan sa pag-aaral,

sapagkat limatado lamang ang bilang ng mga magiging kalahok ng pag-aaral na ito.

Ngunit, ang uri ng disenyong ito ay hindi lamang nakadepende sa dami ng sumagot sa

mga talatanungan. Kung kaya, lubos na nauunawaan ng mga mananaliksik na

nababagay ito sa pag-aaral kung saan maaari ring magsagawa ng pakikipanayam tungo

sa pangangalap ng mga karagdagang datos at impormasyong bubuo sa korpus ng

pananaliksik.

Setting ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay gaganapin sa mga sityong pangkonstruksyon sa

Valenzuela. Nag-tataglay ang Valenzuela ng maraming atraksyon at lugar na maaaring

puntahan. Ayon sa Cities and Municipalities Competitiveness Index noong 2022,

nagkaroon ng statistikong graph sa mga urbanisadong lungsod, kung saan kabilang ang

Valenzuela sa ika-10 na lungsod na may mataas kompetensi pagdating urbanisado nito

maging pagdating sa dami ng mga imprastrakturang nakatayo.

Sa pag-aaral na ito, gagamitin ng mga mananaliksik ang nabanggit na

impormasyon upang ituon ang setting ng pananaliksik sa naturang lungsod na, kung

saan, pupuntahan nila ang mga iba’t ibang sityong pankonstruksyong nakadestino rito

upang mapadali ang pagkuha sa mga manggagawang magiging respondente ng pag-

aaral. Pinili ang setting na ito upang maging madali ang pagkuha ng datos para sa mga

mananaliksik. Sila ay hihingan ng mga importanteng datos na makakatulong sa paglutas

ng mga problemang kinakaharap ng kasalukuyang pag-aaral.


PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
Tongco Street, Maysan, Valenzuela City

Kalahok ng Pag-aaral

Ang mga sample na mga kalahok sa pag-aaral na ito ay ang limampung (50)

manggagawa mula sa sityong pangkonstruksyon sa Valenzuela. Mula sa mga artikulo at

aklat na nakalap ng mga mananaliksik, nirekomenda ng mga ito ang 5 hanggang 50 na

kalahok bilang sapat na bilang ng mga respondente sa isang sample, na gagamitin sa

isang kwantitatibong pag-aaral (Dworkin, 2012). Ang mga kwalipikasyon para sa mga

kalahok ay (1) ang pagiging manggagawa sa Valenzuela, (2) nabibilang sa edad na 26-

45 anyos, (3) may tatlo hanggang pitong taong kasanayan sa konstruksyon, at (4) isang

karpintero, piyon, kantero, soldador, o kapatas. Ginamit ng mga mananaliksik ang

Purposive Sampling upang makuha ang sample na mga kalahok sa pag-aaral na ito. Ang

Purposive Sampling ay nagsasangkot ng pagkilala at pagpili ng mga indibidwal o grupo

ng mga indibidwal na may lubos na kaalaman o nakaranas ng isang kababalaghan na

interes (Cresswell at Plano Clark, 2011). Sa kabilang banda, ang uri naman ng Purposive

Sampling Technique na ginamit para sa pagkalap ng mga naturang respondente ay ang

Expert Sampling, kung saan humihingi ang mga mananaliksik ng pahintulot sa mga

eksperto o kilalang ekspertong nabibilang sa isang larangang saklaw ng pag-aaral, at

sinisimulan ang proseso ng pagkolekta ng kanilang impormasyon nang direkta mula sa

indibidwal o grupo ng mga taong ito (Etikan at Bala, 2017).

Ang mga mananaliksik ay pumili ng kwalipikasyon sa edad marahil ayon sa journal,

ang isang pag-aaral ay isinagawa upang matukoy ang hanay ng mga edad ng mga

manggagawa sa konstruksiyon at ang 26-45 na hanay ang lumabas na may

pinakamataas na bilang ng manggagawa (Samanta at Parida, 2013). Maliban pa rito,


PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
Tongco Street, Maysan, Valenzuela City
sinubukan din ng mga mananaliksik na siyasatin kung gaano katagal ang kinakailangan

upang maging isang dalubhasa ang anumang indibidwal sa partikular na larangan. Mula

sa librong Peak Performance, ang minungkahi ay humigit-kumulang 20,000 hanggang

25,000 na oras na kasanayan o may katumbas na 2 hanggang 3 taon (Ericsson, 2017).

Instrumento ng Pananaliksik

Sa pananaliksik na ito, ang unang instrumentong gagamitin sa pag-aaral upang

makakuha ng mga datos ay ang interbyu o pakikipanayam. Ayon kina Creswell, J.W. at

Creswell, J.D. noong 2018, ito ay isang proseso na kung saan ang mga mananaliksik ay

nakikipag-usap at nagtatanong sa mga respondente upang makakuha ng kanilang mga

karanasan, opinyon, at kaalaman na makakatulong sa paglutas ng mga suliranin ng isang

pag-aaral.

Sa kabilang banda, ang non-participant na obserbasyon ang pangalawang

instrumentong gagamitin sa pag-aaral. Kapag ang mananaliksik ay nagmamasid sa isang

grupo ng mga indibidwal nang pasibo mula sa malayo nang hindi nakikilahok sa mga

aktibidad ng naturang grupo, ito ay maaari matawag na non-participant observation, na

kung saan ay laging naroroon ang mananaliksik ngunit hindi ito nakikilahok (Choudhury,

2015). Ang paraan ng pagkolekta ng datos sa isang obserbasyon ay maaaring may

kasamang panonood, pakikinig, pagbabasa, pagdama, at pagtatala ng mga gawi at

katangian ng isang penomena.

Gagamitin ng mga mananaliksik ang mga naturang instrumentong ito upang

mapadali ang paghahanap nila ng mga salitang Filipino bilang salin sa mga salitang
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
Tongco Street, Maysan, Valenzuela City
teknikal na umiiral sa inhinyerong sibil. Sa unang pangangalap ng datos ay gagamitin

muna ng mga mananaliksik ang obserbasyon upang makakalap ng inisyal na datos, tulad

na lamang ng mga halimbawa sa paggamit ng mga salin nito sa karaniwang pag-uusap,

na maaaring ipunin at kumpirmahin sa paggamit ng pakikipanayam sa mga

manggagawa. Ang uri ng interbyung gagamitin ay isang semi-structured na pakikinayam

na kung saan ito ay naglalaman ng mga open-ended questions (Doyle, 2022), na akma

sa impormasyong kakailanganin sa pag-aaral. Sa pamamagitan ng paggamit ng ganitong

klaseng interbyu, makakuha at makakapagbigay ang mga respondente ng mga iba't

ibang pagpapakahulugan o interpretasyon sa mga salitang teknikal na ginagamit sa

naturang larangan, na siyang makakapagdala rin sa kasagutang hinahanap ng mga

mananaliksik.

Hakbang sa Pangangalap ng Datos

1. Ang paksang nabuo ng mga mananaliksik ay ipapaaprubahan sa kanilang gurong

tagapayo sa pananaliksik at sa asignaturang Filipino sa iba’t ibang Disiplina.

2. Ang mga mananaliksik ay lilikha ng pamantayan tungo sa pagpili ng mga salitang

teknikal na hahanapan ng mga salitang salin sa Filipino sa konteksto ng konstruksyon.

Ito ay magbabase sa pangangailangan ng pag-aaral at kinakailangang maaprubahan

ng kanilang gurong tagapayo.

3. Isang pinagtibay na reperensiyang libro sa asignaturang BSD ang pagmumulaan ng

mga naturang terminolohiyang gagamitin sa pag-aaral.

4. Ito ay gagawin sa mga sityong pankonstruksyon na matatagpuan sa Valenzuela City.

Naghanda ang mga mananaliksik ng mga sinang-ayunang pamantayan upang

malaman kung sila ay kwalipikado na maging kalahok.


PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
Tongco Street, Maysan, Valenzuela City

5. Ang mga mananaliksik ay magsasagawa na ng obserbasyon sa mga karpintero,

piyon, kantero, soldador, at kapatas tungo sa paghahanap ng mga saling katumbas

sa mga terminong ito.

6. Matapos ito, isasagawa naman ang pakikipanayam, ipinahayag ng mga mananaliksik

ang layunin ng kanilang pakikilahok sa panayam at binigyan sila ng form ng pahintulot.

Upang mapapayag ang mga kalahok sa pakikipagpanayam ay nagkaroon ng munting

raffle kung saan maaaring manalo ang tatlong tao ng papremyong salapi. Pagkatapos

nitong sumang-ayon, ang lahat ng pag-uusap na magaganap sa pagitan ng mga

mananaliksik at respondente ay i-record sa pamamagitan ng paggamit ng teleponong

selular para sa tumpak at malinaw na pagsusuri ng datos.

7. Ang mga datos na nakoleta ng mga mananaliksik ay gagamitin sa pagsusuri, sa

pagkuha ng resulta ng pag-aaral, at sa pagbuo ng korpus ng pananaliksik.

Pagsusuri ng Datos

Matapos makuha ang mga datos sa isasagawang panayam at obserbasyon, ito ay

isasayos upang mabigyang interpretasyon. Ang mga mananaliksik ay gagamit ng Keyword

Analysis bilang metodo sa pag-aanalisa ng mga makukuhang datos. Sa metodong ito,

binibigyang-halaga dito ang semantika bukod sa bilang ng mga paulit-ulit na lumalabas na mga

salita (Halsey, 2021). Ang resulta ng mga naturang instrumento ay ang interpretasyon ng mga

manggagawa sa teknikal na salita, na hango mula sa reperensiyang libro na ginagamit sa

asignaturang BSD. Ang kanilang pagpapakahulugan ng mga naturang terminolohiya ayon sa

kanilang karanasan sa pagtatrabaho kasama ng mga inhenyerong sibil, at pakikisalamuha sa

iba’t ibang manggagawa na may maraming karanasan, ay tutukuyin at ikukumpara sa totoong

kahulugan ng mga nasabing salita gamit ang Keyword Analysis na kung saan kukunin bilang salin
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
Tongco Street, Maysan, Valenzuela City
ang mga terminolohiyang paulit ulit na lalabas sa mga datos. Matapos ang pagsusuring

magaganap ay isasagawa na ang pagbuo ng korpus ng mga teknikal na salita at ituturing salin

nito sa wikang Filipino ang mga resulta ng pag-aanalisa ng mga datos, na siyang magiging input

din sa pagtuturo ng asignaturang BSD.

Salitang Teknikal na Umiiral sa Salin sa Wikang Filipino

Inhenyerang Sibil (Hango sa mga Manggagawa)

Salita 1 Salin 1

Hal. “Lorem ipsum dolor sit amet.” Hal. “Lorem ipsum dolor sit amet.”

Salita 2 Salin 2

Hal. “Lorem ipsum dolor sit amet.” Hal. “Lorem ipsum dolor sit amet.”

Salita 3 Salin 3

Hal. “Lorem ipsum dolor sit amet.” Hal. “Lorem ipsum dolor sit amet.”

Salita 4 Salin 4

Hal. “Lorem ipsum dolor sit amet.” Hal. “Lorem ipsum dolor sit amet.”

Salita 5 Salin 5

Hal. “Lorem ipsum dolor sit amet.” Hal. “Lorem ipsum dolor sit amet.”

Talahanayan 1. Anyo ng Korpus ng Pag-aaral


PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
Tongco Street, Maysan, Valenzuela City

Talasanggunian

Acedera, M. M. et. al. (2018). ILANG BATAYANG ANG KONSEPTO AT KAALAMAN SA

FILIPINO AT PAGSASALING-WIKA. Academia. Halaw noong Mayo 10, 2023, mula sa

https://www.academia.edu/35364443/ILANG_BATAYANG_ANG_KONSEPTO_AT_KAA

LAMAN_SA_FILIPINO_AT_PAGSASALING_WIKA.

Attila, M. (2012, Enero). COMMUNICATION THROUGH TRANSLATION. Research Gate. Halaw

mula sa https://www.researchgate.net/publication/287890275_COMMUNICATION_THR

OUGH_TRANSLATION.

Bausela, M. (2016). The importance of corpora in translation studies: a practical case. New

perspectives on teaching and working with languages in the digital era, 363-374. Halaw

noong Mayo 31, 2023, mula sa https://research-

publishing.net/manuscript?10.14705/rpnet.2016.tislid2014.448.

Bravo, J. (2021, Disyembre 17) Why is communication important in translation? Translate Day.

Halaw noong Mayo, 30, 2023, mula sa https://www.translateday.com/why-is-

communication-important-in-translation/.

Cambridge University Press (2023). Construction. Cambridge Dictionary. Halaw noong Mayo 10,

2023, mula sa https://dictionary.cambridge.org/us/dictionary/english/construction.

Cambridge University Press (2023). Corpus. Cambridge Dictionary. Halaw noong Mayo 10, 2023,

mula sa https://dictionary.cambridge.org/us/dictionary/english/corpus.

Choudhury, A. (2015, Setyembre 2). Participant Observation and Non-Participant Observation.

Your Article Library. Halaw mula sa https://www.yourarticlelibrary.com/social-

research/data-collection/participant-observation-and-non-participant-observation/64510.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
Tongco Street, Maysan, Valenzuela City

Cities and Municipalities Competitiveness Index (2022). 2022 Rankings. CMCI. Halaw noong

Mayo 30, 2023, mula sa https://cmci.dti.gov.ph/rankings.php.

Commission on Higher Education (2017, Oktubre 24). POLICIES, STANDARDS, AND

GUIDELINES FOR THE BACHELOR OF SCIENCE IN CIVIL ENGINEERING (BSCE)

PROGRAM EFFECTIVE ACADEMIC YEAR (AY) 2018-2019 [PDF]. Commission on

Higher Education Region - I. Halaw mula sa https://chedro1.com/wp-

content/uploads/2019/07/CMO-92-s.-2017-BS-Civil-Engineering.pdf.

Creswell, J. W. at Clark, V. L. (2011). Designing and Conducting Mixed Method Research.

Administration and Policy in Mental Health and Mental Health Services Research, 42 (5).

Halaw noong Mayo 22, 2023, mula sa https://syr.us/b1U.

Creswell, J. W. at Creswell, J. D. (2018). Interviews. Deakin University Library. Halaw noong Mayo

22, 2023, mula sa https://deakin.libguides.com/qualitative-study-designs/interviews.

Cruz, J. T. (2023, Abril 27). How Do You Use Bilingual Parallel Corpora to Improve Your

Translation Quality and Efficiency? LinkedIn. Halaw mula sa

https://www.linkedin.com/advice/0/how-do-you-use-bilingual-parallel-corpora.

Doyle, A. (2022, Mayo 28). What is a Semi-Structured Review? The Balance Money. Halaw

mula sa https://www.thebalancemoney.com/what-is-a-semi-structured-interview-

2061632#:~:text=A%20semi%2Dstructured%20interview%20is,format%20encourages%

20two%2Dway%20communication.

Dworkin, S. L. (2012). Sample Size Policy for Qualitative Studies Using In-Depth Interviews.

Archives of Sexual Behavior, 41 (6), 1319–1320. Halaw noong Mayo 30, 2023, mula sa

https://doi.org/10.1007/s10508-012-0016-6.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
Tongco Street, Maysan, Valenzuela City

Encinas, J. (2022, Enero 7). Why is Structural Design in Civil Engineering So Important?

ASDIP: Structural Engineering Software. Halaw mula sa

https://www.asdipsoft.com/importance-of-structural-design/#:~:text=Structural%20design

%20is%20important%20in,meet%20all%20the%20safety%20requirements.

Ericsson, A. (2016). Peak: Secrets from the new science of expertise. Houghton Mifflin Harcourt.

Etikan, I. (2017). Sampling and Sampling Methods. Biometrics & Biostatistics International

Journal, 5 (6). Halaw noong Mayo 30, 2023, mula sa

https://doi.org/10.15406/bbij.2017.05.00149.

Girgin, Ü. (2019). Perceptions of Turkish students of English language education towards learning

phrasal-prepositional verbs through corpus-based materials. Language Teaching and

Educational Research. Halaw noong Mayo 23, 2023, mula sa

https://doi.org/10.35207/later.526730.

Halsey, L. (2021, May 23). Qualitative Keyword Research: How to Invest 10 Minutes into Your

Content Marketing Process & See Your Content Rise to the Top of Google. Crowd

Content. Halaw mula sa https://www.crowdcontent.com/blog/seo/qualitative-keyword-

research-how-to-invest-10-minutes-into-your-content-marketing-process-see-your-

content-rise-to-the-top-of-google/.

Houbert, F. (1998). Translation as a Communication Process. Translation Journal, 2 (3). Halaw

noong Mayo 30, 2023, mula sa https://translationjournal.net/journal/05theory.htm.

Luceña, B. (2020, Agosto 25). Building System Design: Course Orientation. Scribd. Halaw

mula sa https://www.scribd.com/presentation/473570370/BUILDING-SYSTEM-DESIGN-

Course-Orientation.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
Tongco Street, Maysan, Valenzuela City

Mayra Leon (2020). The Importance of Terminology and Terminology Management.

LeonTechTrans. Halaw noong Mayo 10, 2023, mula sa

https://leontechtrans.com/importance-of-terminology-and-terminology-management/.

Matullah, K.F. et. al. (2021). Investigating communicative barriers on construction industry

productivity in Malaysia: An overview. International Journal of Evaluation and Research in

Education (IJERE), 10 (2), 476-482. Halaw mula sa

https://files.eric.ed.gov/fulltext/EJ1299322.pdf.

Motiso, D. (2023, Pebrero 17). 70 Technical Terms in Technology: Definitions and Usage. Indeed.

Halaw mula sa https://www.indeed.com/career-advice/career-development/technical-

terms#:~:text=What%20are%20technical%20terms%3F,%2C%20personnel%2C%20sof

tware%20or%20processes.

Oxford Dictionary (2023). Civil Engineers. Google. Halaw noong Mayo 10, 2023, mula sa

https://rb.gy/t9h2c.

Parker, T. at Ozcan, Y. E. (2017). The Effectiveness of Using Corpus-Based Materials in

Vocabulary Teaching. International Journal of Language Academy, 5 (14), 62-81. Halaw

mula sa https://www.researchgate.net/publication/315348372_The_Effectiveness_of

_Using_Corpus-Based_Materials_in_Vocabulary_Teaching.

Patoko, N., Yazdanifard, R. (2014). The Impact of Using Many Jargon Words, while

Communicating with the Organization Employees. Scirp. Halaw noong Mayo, 30, 2021

mula sa https://www.scirp.org/html/1-2120357_50661.htm.

Pe, J.E. (2022). Why Is Structural Design in Civil Engineering Important? ASDIP. Halaw noong

Mayo 31, 2023, mula sa https://www.asdipsoft.com/importance-of-structural-

design/#:~:text=Structural%20design%20is%20important%20in,meet%20all%20the%20

safety%20requirements.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
Tongco Street, Maysan, Valenzuela City

Perelman, L. C., Barrett, E., Paradis, J. (w.t). Mayfield Electronic Handbook of Technical &

Scientific Writing. MIT. Halaw noong, Mayo 30, 2023, mula sa

https://web.mit.edu/course/21/21.guide/techterm.htm#:~:text=Technical%20terms%20ar

e%20an%20essential,by%20means%20of%20technical%20language.

Qing, M. at F., M. (2021, Setyembre 6). A Literature Review of Corpus Tools for Vocabulary

Teaching and Learning. De Gruyter. Halaw mula sa

https://www.degruyter.com/document/doi/10.1515/jccall-2021-2008/html?lang=en.

Rebrina, L. N., Generalova, L. M. (2018) Professional jargon units in workplace communication

(by the example of professional languages of miners, oilmen, railway workers, and

ambulance doctors). Research Gate. Halaw noong Mayo 30, 2023, mula sa

https://www.researchgate.net/publication/331905784_Professional_jargon_units_in_wor

kplace_communication_by_the_example_of_professional_languages_of_miners_oilmen

_railway_workers_and_ambulance_doctors.

Regoniel, P. A., PhD. (w.t.). Water Demand Management: Ensuring Sustainable Water Use for a

Brighter Future. Simply Educate. Halaw noong Mayo 24, 2023, mula sa

https://simplyeducate.me/author/patsem/?_gl=1*inw8vm*_up*MQ..*_ga*MTcyOTQzMjg5

MC4xNjg0ODYyNDQw*_ga_TWKB5R2G2M*MTY4NDg2MjQ1MS4xLjAuMTY4NDg2Mj

Q1MS4wLjAuMA&fbclid=IwAR2bmQBIJP9hsnhFCmtijHyZEvW6OMZba73O8GSWsLr_5

HbyWVvD1_l15Cw.

Reyes, D. (2021, Mayo 27). LIST: Most Commonly Used Construction Terms Translated in

Tagalog. Engineer Dee. Halaw noong Mayo 30, 2023, mula sa

https://engineerdee.com/construction-terms/
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
Tongco Street, Maysan, Valenzuela City

Samanta, R. & Parida, A. Ijraset. (2022). Socio-Economic Status of Construction Workers.

IJRASET. Halaw noong Mayo 30, 2023, mula sa https://www.ijraset.com/research-

paper/socio-economic-status-of-construction-workers.

Yasin, A. Y. M., et al. (2010). The English Proficiency of Civil Engineering Students at a Malaysian

Polytechnic. CiteSeer. Halaw noong, Mayo 30, 2023, mula sa

https://citeseerx.ist.psu.edu/document?repid=rep1&type=pdf&doi=29fcd8ade8554c826d

c27ddc9399d3933976c6d1.

You might also like