Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 39

Filipino -1

(Ikatlong Markahan)

Epiko
Modyul 3.3

PANITIKAN: Elemento ng Epiko (Tauhan)


“Maragtas” (Epiko ng Visayas)

GRAMATIKA/RETORIKA: Mga Pang-angkop na na at ng

I. TUKLASIN ang Iyong Pag-unawa

Hindi ka makapapasok sa pintuang ito nang


di ka nagpapakilala at sinasabi kung ano ang
Siya ang bantay
pakay mo?...
sa pintuang iyan.
Siya rin ang
kasama natin sa
pagtahak natin
Sino dito.
siya?

1
a. Gawin sa sagutang papel.

Ako ay
aysi...
si...
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________

b. Batay sa iyong karanasan o kaalaman, ano- ano ang


katangian at kayang gawin ng isang ‘di pangkaraniwang
tao na may taglay na supernatural o ‘di pangkaraniwang
kapangyarihan? Isa-isahin mo ang iyong kasagutan sa
web. Isulat sa sagutang papel. Gayahin ang pormat.

2
Katangian kapangyarihan

A. Mahahalagang Tanong
Sagutin ang
mahahalagang tanong.

1. Bakit may taglay na supernatural


o ‘di pangkaraniwang kapangyarihan
ang mga pangunahing tauhan sa
epiko?

2. Bakit mahalaga ang paggamit ng


pang-ugnay na na at ng sa
pangungusap?

3
Isulat ang iyong sagot sa mga kuwadrong nakasabit. Gawin sa sagutang papel.
Gayahin ang pormat.

1.

2.

Tingnan at basahin ang


pag-aaralan mo sa
araling ito. elemento
ng epiko
mga uri ng (tauhan) pang-
tunggalian angkop na
na at ng

1.tao vs 4. tao vs
tao lipunan

2. tao vs 3. tao vs
kalikasan sarili

4
B. Isagawa mo…
Sila ang ilan sa tinaguriang bida sa panahon ninyo,
‘di ba? Mga karaniwang tao pero may taglay na
kapangyarihan at pambihirang lakas. Gaya ko rin
sila sa panahon namin. Ilarawan ang katangian ng
dalawang paboritong superhero na gusto mo.
Sundin ang tsart sa ibaba. Gawin sa sagutang
papel. Gayahin ang pormat.

1.

Napiling superhero o bida

Katangian Katangian
Ugali Itsura Isipan Ugali Itsura Isipan

Misyon Misyon

5
2. Gumawa ng isang comics strip upang ipakita ang buhay ng iniidolong superhero at
ang pambihirang lakas na kaya niyang gawin. Gawin sa sagutang papel.

1 2

3 4

5 6

6
3. Kung sakaling isasalin sa iyo ang tatlong kapangyarihan ng iniidolo mong superhero
o bayani, karapat-dapat ka kaya o hindi? Bakit?

Ano-anong kapangyarihan ang gusto mong tanggapin at paano mo ito gagamitin?


Gawin sa sagutang papel. Gayahin ang pormat.

Ako ay karapat-dapat Ako ay di karapat-


dahil… dapat dahil…

Gusto kong… Gusto kong… Gusto kong…

7
C. Inaasahang Pagganap

Sa dulo ng araling ito ay narito ang


inaasahang produkto na isasakatuparan
mo,kaibigan. Sa pagpapatuloy ng araling
ito ay mauunawaan mo kung paano mo ito
isasagawa.

Pagsulat ng Talambuhay
ng isang tao na itinuturing
na bayani sa kasalukuyan
na may katulad na
katangian ng piling tauhan
sa epiko.

A. Pagtataya sa kaalaman (knowledge)

Paano ba maituturing na bayani ang isang karaniwang tao? Isulat ang mga
pamantayan na dapat niyang taglayin. Gawin sa sagutang papel.

Rubriks sa pagmamarka:

10- tapat, makatotohanan, naglalahad ng sariling

pananaw, napaninindigan ang sariling pananaw

9- taglay ang tatlong elemento ng pagmamarka

8- taglay ang dalawang elemento ng pagmamarka

7- taglay ang isang elemento ng pagmamarka

5- hindi taglay ang isa man sa mga elemento ng pagmamarka


8
II. LINANGIN ang Iyong Pag-unawa

A. Ang epikong ito ay tumatalakay sa


katauhan ng bida. Kaya basahin at
suriin ang nilalaman nito.

MARAGTAS
(Ang Kasaysayan ng Sampung Datu ng Borneo)

Sinugbuhan, isang pulo sa Panay na ang


nakatira ay ang mga Ita, pinamumunuan ni Datu
Pulpolan. Sa katagalan ng panahon at dahil na rin
sa kaniyang katandaan upang pamahalaan ang
isang pulo, napagpasiyahan niya na isalin ang
kaniyang kapangyarihan sa kaniyang anak na si
Datu Marikudo. Tinataglay ng kaniyang anak ang
mga katangian ng isang datu kaya’t ito naman ay
sinang-ayunan ng lahat. Isang kaugalian nila na
bago manungkulan ang isang datu, nararapat na
siya ay pakasal. Sa dami ng babae na
naghahangad sa kaniya, ang mahirap na si Maniwantiwan ang kaniyang pinakasalan.
Ang mga Ita sa Sinugbuhan ay
nabubuhay sa pamamagitan ng pagtatanim
at pangingisda. Ang kanilang paboritong
pagkain ay usa, baboy-ramo, butiki, pusa,
isda at iba pang pagkain na matatagpuan sa
gubat at ilog.

Hindi sila nahihiyang lumakad na


walang damit, subalit nang may dumating sa
kanila na ibang tao na dala ang mga bagay
na wala sa kanila, natuto silang magtakip ng
katawan, tulad ng dahon, balat ng kahoy o
9
hayop. Naiiba ang uri ng pag-aasawa ng mga Ita. Ang babae ay dinadala sa bundok at
pinatatakbo lamang. Kung siya ay aabutan ng lalaki saka lamang sila ikakasal. Ang
isang babae naman na malapit nang magsilang ay dinadala sa bundok na ang tanging
nagbabantay ay ang lalaki at kung ito ay nataon sa tag-ulan, ang lalaki ay nagtatayo ng
kubong masisilungan upang sila ay malayo sa panganib. Ang pangalan ng bata ay
pinangangalanan ng kahoy na malapit sa pinagsilangan.

Sila ay naniniwala na ang sinumang


magkasakit sa kanila ay gawa ng masamang
espiritu, kaya’t upang ang may karamdaman
ay gumaling agad, naghahandog sila ng
pagkain sa masasamang espiritu. Kasamang
ibinabaon sa Itang namatay ang isang bagay
na mahalaga sa kaniya sapagka’t lubha daw
nag-aalala ang namatay kung ito ay maiiwan.
May ibang paraan sila ng paglilibing. Sa loob
ng ilang araw, ito’y patayong nakabaon sa lupa
nang may salakot bago ito tabunan ng lupa.
Sinasabi rin na ang lupang pinagbaunan ng
isang patay ay mabisang lupang dapat
pagtaniman.

Ang mga Ita ay magagalang sa bawa’t isa. Walang inggitan at ang Datu ang
siyang lumulutas ng lahat ng alitan o suliranin ng bawa’t isa. Ang sinumang magkasala
ay pinarurusahan tulad ng pagpapatapon sa dagat o pagpapabaon ng buhay.

Ang mga nabanggit ay kultura ng mga Ita bago dumating ang Sampung Datu
buhat sa Borneo, na tumakas kasama ang kanilang mga asawa, mga katulong at mga
ari-arian upang iwasan ang pagmamalupit ni Datu Makatunaw. Ang sampung datu ay
sina:
1. Datu Puti;
2. Datu Sumakwel;
3. Datu Bangkaya;
4. Datu Paiburong;
5. Datu Paduhinogan;
6. Datu Domongsol;
7. Datu Lubay;
8. Datu Dumangsil;
9. Datu Domalogalog; at
10. Datu Balensuela

Galit at pagkamuhi ang nadama ng mga Ita nang dumaong ang mga Datu sa
Panay, subalit sa maayos at makataong pakikipag-usap na ginawa ng mga dayuhan
kay Datu Marikudo, sila’y nagkasundo at ang unang lupang natapakan ng dayuhan at
10
napagkasunduan ay ibinigay sa pamamagitan ng pagpapalitan. Nagkaroon ng
malaking kasaysayan ang pangyayaring ito. Ang mga Ita ay naghanda ng pagkain at
dahil sa ipinakitang kagandahang-loob ng mga Ita, hinandugan ng makukulay na
kuwintas, at mga gamit sa pakikidigma ang mga Ita.
Bilang kabayaran sa lugar na
napagkasunduan, binigyan ni Datu Puti si
Datu Marikudo ng isang gintong salakot at
isang batyang ginto na may timbang na
limampung bas-ing. Isinuot ni Datu Marikudo
ang salakot sa kasayahan.

Malandog ang pangalan ng napiling


lugar ng mga dayuhan na ayon kay Datu Puti,
ang laki ay sapat na upang sila ay magtanim
para sa kanilang ikabubuhay at malapit sa
ilog upang doon kumuha ng ibang makakain.
Umalis si Datu Puti na batid na niyang mabuti ang kalagayan ng kaniyang mga
kasamahan. Bumalik siya sa Borneo sapagka’t ayon sa kaniya ay kaya na niyang
tagalan ang pagmamalupit ni Datu Makatunaw. Pitong Datu ang naiwan sa Panay sa
pamamahala ni Datu Sumakwel, sina Datu Dumangsil at Datu Balensuela ay nagpunta
naman sa Luzon.

Si Datu Sumakwel ay isang matalino at


mabagsik na Datu. Ang sinumang nagkasala
ay pinarurusahan, pinuputol ang kamay ng
sinumang magnakaw at ang mga tamad ay
ipinagbibili na isang alipin o kaya’y pinagagawa
sa ibang lupa. Masasabi ring ang mga
dayuhan ay magagalang at mapagmahal.
Bulalakaw ang pangalan ng kanilang diyos na
matatagpuan sa Bundok ng Madyas.

Ang kanilang pag-aasawa ay naiiba


sa mga Ita. Bago tanggapin ng babae ang
lalaki, sila ay nagbabaon ng pana sa
paligid ng bahay at ito ay tatanggalin kung
may kapahintulutan na ang kalalakihan, at
sa lugar na pinag-alisan ay ilalatag ang
banig upang paglagyan ng mga pagkain.
Habang nag-uusap ang dalawang pangkat,
ang babae ay pansamantalang nakatago.

11
Pinaiinom ng alak ng paring magkakasal ang dalawa sa gitna ng karamihan,
pinangangaralan at hinahangad ng magkaroon ng malulusog, matatapang, magaganda
at marurunong na anak.

Bago mamatay ang isa sa kanila ay pinaliliguan ng katas ng mababangong


bulaklak, binibihisan ng magagandang damit na may gintong pera sa bibig sapagka’t
isang paraan daw ito upang ang patay ay ’di mabulok. Pagkatapos ng anim na araw
na pagbabantay, ang patay ay inilalagay na sa kaban na may iba’t ibang uri ng pagkain
at kung ang namatay ay isang mayaman, isang katulong ang sa kaniya’y isasama
upang magbantay daw sa kabilang buhay. Kung ang namatay ay nag-aari ng isang
bangka, ang bangkay ay hindi ibinabaon, sa halip ay inilalagay sa bangka ang
maraming pagkain at papaanurin sa dagat. Ang mga mauulila naman ay nagsusuot ng
puting damit bilang pagluluksa.

Ang mga nabanggit ay ilan sa mga kaugalian at paniniwala ng mga dayuhan na


dumating sa Panay, subalit isang pangyayari sa buhay ni Datu Sumakwel ang nagdulot
sa kaniya ng kapighatian at kalungkutan.

Lumipas ang maraming taon na paninirahan sa Malandog. Naisipan ni Datu


Sumakwel na magpunta sa bundok na kinalalagyan ng kanilang diyos na si Bulalakaw.
Umalis siya na iniwan ang kaniyang mga gamit sa pangingisda, bahay at asawa, na
ipinagbilin niya kay Gurung-gurung na kaniyang pinagkakatiwalaan. ’Di niya batid na si
Kapinangan na kaniyang asawa ay may gusto kay Gurung-gurung.

Nakapansin ng pagbabago si Datu Sumakwel nang dumating siya sa kanilang


lugar at tahanan. Kaya’t upang mapatotohanan, nagbalak siyang umalis sa kanila,
ipinahanda ang lahat ng kaniyang kailangan sa paglalakbay, na ’di batid ng kaniyang
asawa na iyon ay isa lamang pakana. Nagkataon naman kinabukasan, ipinatawag ni
Kapinangan si Gurung-gurung upang utusan daw, subalit sa bahay siya ay nakahiga na
at talagang hinihintay ang pagdating ni Gurung-gurung. Subalit ang kaniyang balak ay
’di nagkaroon ng katuparan sapagkat patay na bumagsak si Gurung-gurung na may
tama sa likod. Ganoon na lamang ang pagdadalamhati ni Kapinangan, naisaloob niya
na mabuti pa ang kaniyang asawa ang namatay sa oras na iyon. Pinagputol-putol niya
ang kamay at paa at ibinalot ng kumot upang di-gaanong mapansin.

Dumating si Datu Sumakwel na nagbalatkayong bagong dating, siya ang


pumatay kay Gurung-gurung sa pamamagitan ng sibat habang siya ay nakatago sa
kisame. Pinagluto niya si Kapinangan. At sinabing siya’y gutom na gutom. Nagtaka
siya nang magreklamo si Kapinangan nang sabihin niyang putol-putulin ang isda na dati
rati’y kaniyang ginagawa.

12
Upang hindi parisan ng mga kababaihan, ipinatapon niya ang kaniyang asawa sa
gitna ng dagat, subalit ang kaniyang inutusan ay nagdalang habag, kaya’t dinala na
lamang niya si Kapinangan sa malayong pook at doon nila iniwan.

Sa pangalang Alayon, nakikilala si


Kapinangan sa lugar na kaniyang narating, at
siya’y sinambang diyosa dahil sa taglay niyang
kabaitan.

Lumipas ang maraming taon, subalit ang


nangyari kay Sumakwel ay ’di rin niya
nalilimutan. Minsan siya ay naglalakbay upang
maghanap ng mga pananim, at sa di-
inaasahang pangyayari ang narating niyang
lugar ay ang kinalalagyan ni Kapinangan. ’Di na
niya nakilala si Kapinangan sa tagal ng
panahong pagkakalayo. Naging mahusay ang
pagtanggap sa kanila sa nasabing lugar at sa
loob ng ilang araw na pananatili doon, si Alayon
at Datu Sumakwel ay nagkagustuhan, subalit sa
tuwing sasagi ang nangyari sa kaniyang buhay,
parang ayaw na niyang makipagsapalaran.

Aalis siya sa lugar upang iwasan si


Alayon. Si Alayon ay lumuluha dahil sa
napipinto niyang pag-alis, subalit ’di
nagkaroon ng pagkakataong umalis si Datu
Sumakwel sapagka’t sila’y pinaglapit ng
kanilang mga kasamahan at humantong sa
kasalan. Nagsama at namuhay nang
matiwasay ang dalawa. Hanggang sa kahuli-
hulihang sandali ng kanilang buhay, ay ’di
nakilala ni Datu Sumakwel na ang kaniyang
muling pinakasalan ay si Kapinangan na dati
niyang asawa.

13
Ang pangunahing tauhan sa epiko ay karaniwang nagtataglay ng
supernatural o mahiwagang kapangyarihan.

Pagkasilang pa lamang ay maaari nang magtaglay ng mahiwaga at hindi


kapani-paniwalang kakayahan o birtud ang pangunahing tauhan sa epiko.
Maaaring sanggol pa lamang ay marunong na itong magsalita at makipag-usap.
Lumalaki itong madalas ay may kahanga-hangang pisikal na kaanyuan, lubos na
katalinuhan at makapangyarihang tinig. Karaniwan din sa kanila ang pagmamay-
ari ng mahihiwagang bagay, hayop o kaibigang espiritu na nagbibigay sa kanila ng
kakaibang kapangyarihan ng mga gabay at payo.

Ang pangunahing tauhan sa mga epiko ay itinuturing na bayani dahil sa


kanilang pambihirang lakas at kagitingan, husay sa pakikipaglaban, katatagan,
pagmamalasakit, tiyaga, paniniwala sa sarili, at magandang pananaw sa buhay.

Isang epiko ng mga Ilokano ang nalikha bago pa man dumating ang mga
Español sa Pilipinas. Ang epikong “Ang Buhay ni Lam-ang (Biag ni Lam-ang)”, ay
nagsaling-bibig sa maraming henerasyon bago ito isinulat sa wikang Samtoy ni
Pedro Bukaneg noong 1640. Binubuo ng 1,000 taludtod, ang orihinal na anyo ay
nasusulat sa paraang patula, ngunit ito ay binuod na sa aralin.

14
Ang Tauhan at ang Tunggalian

May apat na tunggalian na maaaring gamitin sa pagpapaigting ng suliranin


hindi lamang sa epiko kundi sa anumang anyo ng kuwento. Narito ang sumusunod:

1. Tao Laban sa tao. Ito ay isang uri ng tunggalian na ang suliranin ng


pangunahing tauahan ay dulot ng kapwa niya tao.

2. Tao laban sa sarili. Ito ay nagaganap kung ang suliranin ng pangunahing


tauhan ay sa sarili niya mismo nagmula.

3. Tao laban sa kalikasan. Ang tunggaliang ito ay nagaganap sa pagitan ng


pangunahing tauhan at ng puwersa ng kalikasan katulad ng pagbaha, paglindol,
sunog, tagtuyot, at iba pa.

4. Tao laban sa lipunan. Ito ay tungkol sa pakikipaglaban ng pangunahing


tauhan laban sa suliraning ibinunsod ng lipunan o kapaligiran.

B. Paglinang ng Talasalitaan
1. Isulat sa puzzle pieces ang kaugnay na kasingkahulugan o kaisipan mula sa
salitang datu. Gupitin ang puzzle piece at idikit sa larawan na akma sa hugis
nito. Gawin sa isang maikling coupond bond. Kopyahin sa sagutang papel
ang puzzle.

15
Paunawa ! Mag-
ingat sa paggamit
ng gunting.

H L D R E U E P B S N S O P
T U A T B N D U M S M I Y E
M A N I W A N T I W A N B S
D Y O R A O T M B S E A N G
A I G S T K L I M O R U O K
O G U R U N G G U R U N G Y
R A S U M A K W E L M G R I
E Y O P L D B M P S W I U S
I T O D T L M S W A E B N Y
K A P I N A N G A N Y U E W
U P A N A Y I N K L M H O R

16
2. Hanapin at bilugan ang mga salitang ginamit sa epiko at isulat sa tsart ang
naging papel nito sa epikong Maragtas.

Maaari mong makita ang mga salitang ito sa


pahalang, pababa, at palihis na pagkakaayos na
katulad ng crossword puzzle.

Mga salitang ginamit sa Epiko Kaugnayan sa Epiko

C. Sa Antas ng Iyong Pag-unawa


17
1. Iulat ang kaibahan ng mga Ita noon sa Ita ng makabagong panahon ayon sa nakalap
na mga impormayon mula sa pakikipanayam,silid-aklatan o internet. Ilahad gamit ang
factstorming web. Idikit ang larawan at bumuo ng paglalagom. Gawin sa oslo paper.

Larawan (Bago dumating ang Tradisyon


mga Datu)
Wika kaugalian

Bago pa dumating
ang mga Datu

Sining Relihiyon

Kasuotan

Larawan (Panahong Dumating


Tradisyon
ang mga Datu)

Wika
kaugalian

Panahong
dumating
ang mga
Datu
Sining Relihiyon

Kasuotan

18
Larawan (kasalukuyan)
Tradisyon

Wika
kaugalian

Kasalukuyang
panahon

Sining Relihiyon

Kasuotan

___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________

2. Nakatulong ba ang impluwensiya ng mga Datu sa pagtungo sa Panay?


Pangatuwiranan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

OO HINDI

__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________ 19
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
3. Alin sa mga kaugalian o tradisyon ang nabanggit sa epiko na hanggang sa ngayon
ay patuloy na isinasagawa bagaman nagkaroon ng pagbabago. Alin naman ang hindi
na isinasagawa? Isulat sa sagutang papel. Gayahin ang pormat.

Kapag may nagkakasakit… Kapag may nagkasala… Kapag gusto ng mag-asawa,


ang babae o lalaki…

Kapag may lakad o Kapag may namatay…


pupuntahan…

Kapag may nanganak… Kapag kakain na… Kapag may problemang


kinakaharap …

4. Dapat ba o di dapat isagawa sa bansa natin ang pagpaparusa na isinasagawa noon


ng Datu sa sinumang mapatunayang nagkasala? Pangatuwiranan. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Ipatapon sa
dagat! Ibaon ng buhay!

Bilang kabataan, ano


20
ang masasabi mo
tungkol dito? Isulat
sa sagutang papel.
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________

5. Sa iyong palagay, ano ang kabutihan at hindi-kabutihan ng walang isasagawang


eleksiyon sa pagpili ng tagapamuno dahil ang Pinuno ang siyang pipili ng kaniyang
magiging kahalili mula sa kaniyang angkan kung sakaling hindi na niya kayang
mamuno? Ano-ano naman ang kabutihan at hindi-kabutihan ng pagsasagawa ng
eleksiyon sa bansa.

Kabutihan (Walang Eleksiyon) Di- kabutihan (Walang Eleksiyon)

Kabutihan (May Eleksiyon) Di- kabutihan (May Eleksiyon)

21
6. Kapanayamin ang iyong guro sa Araling Panlipunan tungkol sa buhay ng sumusunod
na Datu sa bansa na nagkaroon ng malaking bahagi sa kasaysayan ng Pilipinas sa
tulong ng bubble chart. Gawin sa sagutang papel.

Datu Sumakwel at Datu Lapu-Lapu

Naging Bahagi sa Kasaysayan ng Pilipinas Naging Bahagi sa Kasaysayan ng Pilipinas

22
7. Patunayan sa pamamagitan ng pagpili ng bahagi ng binasa na naging bayani ang
ilang pangunahing tauhan sa epiko na nagtataglay ng hindi-pangkaraniwang katangian
(supernatural). Ipaliwanag kung bakit ito ang napili mong bahagi bilang pagpapatunay.
Gamitin ang discussion web na ito sa pagsagot.

Mga Bahagi ng Binasa


Bilang Patunay

Piliin ang bahagi sa


binasa na
makapagapapatunay
na naging bayani
ang ilang
pangunahing tauhan
sa epiko na
nagtataglay ng hindi
pangkaraniwang
katangian.

Paliwanag

23
8. Sagutin ang hinihinging mga sitwasyon batay sa nilalaman ng epikong Maragtas.
Isulat ang kasagutan sa blangkong kahon. Gawin sa sagutang papel.

Ano ang naging damdamin


mo sa ginawang pagtataksil
ni Kapinangan sa kaniyang
asawa?Kung ikaw ang nasa
kalagayan ni Datu
Sumakwel, ganoon din ba
ang gagawin mo? Bakit?

Bakit kaya nagawa


ni Kapinangan na
magtaksil sa
kaniyang asawa?
Makatuwiran kaya
na ’di niya bigyan ng
pagkakataon si
Kapinangan at
parusahan agad?

Bilang mag-aaral, sumulat ng


dalawang liham na nagpapayo
batay sa mga tanong na ito:

a. nag-away ang iyong mga


magulang, at
b. taong nabigo sa pag-ibig
Gawin sa sagutang papel.
Gayahin ang pormat. 24
9. Bakit may taglay na kapangyarihan o supernatural ang mga pangunahing tauhan sa
epiko? Gamitin ang list all factors strategy.

Mga dahilan

1.

2.

3.

25
4.
10. Itala ang mga patunay mula sa epikong “Maragtas” ang iba’t ibang uri ng
pakikipagtunggali na nabasa at ihanay kung anong uri ng tunggalian ito nabibilan
Gawin sa sagutang papel. Gayahin ang pormat.

PATUNAY

tao sa tao tao sa kalikasan tao sa sarili tao sa lipunan

11. Isa-isahin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng tunggalian sa epiko o kuwento.


Isulat ang sagot sa sagutang papel.

26

Kahalagahan
12. Sino sa mga datu na tauhan sa epikong binasa ang itinuturing mong bida o lider
na nakaakit sa iyo na dapat tularan? Gawin sa sagutang papel. Gayahin ang
pormat.

Pangalan ng datu:

Mabubuting Katangian

Pangyayaring nagpapatotoo 1: Pangyayaring nagpapatotoo 2:

Pangyayaring nagpapatotoo 3: Pangyayaring nagpapatotoo 4:

27
13. Maghanap ng dalawang kuwento na taglay ang iba’t ibang uri ng tunggalian at
ibuod ang mga ito gamit ang pormat sa ibaba. Gawin sa sagutang papel.
Gayahin ang pormat.

Pamagat ng Kuwento:____________________Uri ng Tunggalian:________________


Buod ng Kuwento:
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
Sanggunian:________________________________________________________

Pamagat ng Kuwento:____________________ Uri ng Tunggalian:________________


Buod ng Kuwento:
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
Sanggunian:________________________________________________________

28
14. Paano makatutulong sa mga mambabasa at mag-aaral ang halaga ng pag-alam
sa katauhan ng pangunahing tauhan sa epiko at ang mga tungglian na kaniyang
kinaharap?

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

B. Pagtataya sa Proseso at Kasanayan (Process and Skills) ng mga mag-aaral

Paano mo hihikayatin batay sa mensaheng nasa ibaba ang mga karaniwang


mamamayan na maging bayani?

Saang sulok ng daigdig ka man naroon, kabayan,


BAYANI kang ituturing ng iyong Inang Bayan!

Rubriks sa pagmamarka:

10- tapat, makatotohanan, taglay ang orihinalidad, masining, at malikhain

9- taglay ang apat na elemento ng pagmamarka

8- taglay ang tatlong elemento ng pagmamarka

7- taglay ang dalawang elemento ng pagmamarka

5- taglay ang isa sa mga elemento ng pagmamarka

29
III. PALALIMIN ang Iyong Pag-unawa

a. Pagmasdan at pag-aralang
mabuti ang nasa larawan.

B. Sagutin ang sumusunod na katanungan: Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.

1. Paano nakatutulong ang tulay sa dalawang lugar na pinag-uugnay nito?

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

2. Ano ang mangyayari kung mawawala ang mga tulay na nag-uugnay ng dalawang
pasigan, dalawang bayan o dalawang pulo?

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
____________________________________________________________

30
Sa loob man ng pangungusap ay mayroon ding
mga “tulay” na nag-uugnay ng mga salita, mga
ideya at kaisipan at mga pahayag. Ito ang mga
pang-angkop. Basahin at unawain ang mga
impormasyon tungkol dito upang maging
mabisa ang gagawing produkto sa pagtatapos
ng araling ito.

Paggamit ng Pang-angkop na na at ng

• Ginagamit ang ng kapag nagtatapos sa patinig ang unang salitang iniuugnay sa


kasunod na salita.

Halimbawa:
1. Tatlong araw makalipas ang kamatayan ni Richie, idinaos
ng kaniyang pamilya’t kaibigan sa Pilipinas ang kaniyang
libing.
2. Natuto siya ng panibagong wika.

• Ginagamit naman ang na kung nagtatapos sa katinig ang unang salitang


iniuugnay sa kasunod.

Halimbawa:
1. Dalawampu’t anim na taong gulang si Richie nang siya’y
mamamatay.
2. Apat na araw lamang bago ang pangyayaring iyon,
sumulat si Richie ng isang mahabang sulat kay Totet
Banaynal, isang kaibigang Jesuita.

Subuking basahin at alamin ang


mahahalagang bahagi ng buhay ng
taong ito. Mula dito ay pag-aaralan
mo kung paano ito makatutulong sa
paggamit ng pang-angkop at pagsulat
mo ng talambuhay.

31
C. Basahin at unawain.

Efren G. Penaflorida Jr., Bayaning Guro


(Sinaliksik ni Ericson L. Nepomuceno)

Si Efren Geronimo Peñaflorida Jr. o


mas kilala sa tawag na “Kuya Ef” ay
ipinanganak noong Marso 5, 1981 sa
Lungsod ng Cavite. Panggitna sa tatlong
anak nina G. Efren Peñaflorida Sr. na isang
traysikel drayber at Gng. Lucila
Geronimona, isang butihing maybahay. Ang
kanilang pamilya ay naitaguyod ng isang
maliit na negosyo na pagtitinda ng pansit na
nagtustos sa kanila ng pangangailangan sa
araw-araw. Lumaki si Efren sa isang lugar
ng mga dukha malapit sa isang bukas na
tambakan ng basura sa siyudad ng Cavite.
Naranasan niyang maglaro sa gitna ng
basura at maligo sa maruming tubig.
Madalas din siyang inaapi noong siya’y musmos pa lamang. Siya ay isa sa mga iskolar
ng World Vision noong mga panahong yaon. Sa kasalukuyan, guro siya sa pribadong
paaralan ng Imus Palm Ridge School sa Imus, Cavite.

Nakapagtapos si Peñaflorida ng elementarya at sekundarya sa tulong ng iskolarsip at


tulong pinansiyal mula sa World Vision. Madalas din siyang magkamit ng ilang mga
parangal at pagkilala sa klase sa paaralan. Taong 2000, nagtapos siya ng kolehiyo sa
San Sebastian College - Recoletos na may digri sa Teknolohiyang Pangkompyuter na
may mataas na karangalan. Ipinagpatuloy naman niya ang kaniyang ikalawang kurso
sa Cavite State University, kung saan nagtapos siya bilang cum laude noong 2006 sa
kursong edukasyon.

Itinatag niya ang Dynamic Teen Company (DTC) noong siya’y 16 na taong gulang pa
lamang. Nagsimula ang kaniyang grupo sa bilang ng 20 kasapi. Ang kanilang
pangunahing layunin ay ang pagbibigay sa mga kabataan ng mga proyektong
pangkamalayan, talento, pag-unlad ng mga gawain, at mga serbisyo. Sila ay
nakipagtulungan sa Club 8586 na isa ring pribadong organisasyon na may parehong
layunin sa kanilang lugar.

Ang DTC ang nagpasimuno at


nagsimula ng ideyang “kariton klasrum”, kung
saan ang kariton ay ginawang lagayan ng mga
materyales sa paaralan tulad ng libro, panulat,
mesa, at upuan. Lumalakad sila tuwing sabado
upang ilapit sa kabataang kalye ang ideya at
32
ideyolohiya ng paaralan sa mahihirap na lugar sa Cavite tulad ng mga nakatira sa
sementeryo o malapit sa tambakan ng basura. Hanggang kasalukuyan, ang kariton
klasrum ni Kuya Ef ay patuloy na nagtuturo sa mga batang lansangan ng pangunahing
karunungan ng pagbabasa at pagsusulat.

Si Efren ay inirekomendang ilahok para sa nominasyon ng mga Bayani ng CNN


ng Club 8586, ang grupo ng kabataan na sumagot sa pag-aaral niya ng elementarya at
hayskul. Matapos ang mabusising pagpili sa mahigit 9,000 mga nominado mula sa
humigit 100 mga bansa, napusuan ng Blue Ribbon Panel ng CNN si Peñaflorida bilang
isa sa 28 na semi-finalist ng mga bayani ng 2009. Noong Oktubre 1, itinanghal si
Peñaflorida bilang isa sa mga sampung natitirang nominado. At naganap nga ang
pinakaaasam ng lahat noong Nobyembre 22, 2009, hinirang siyang Bayani ng Taon ng
CNN para sa taong 2009 at ginanap nga ang “CNN Heroes: All-Star Tribute” sa Kodak
Theater sa Hollywood. Kalakip ng parangal ang 100,000 dolyar na pera para
ipagpatuloy ang kaniyang gawain sa Dynamic
Teen Company hindi lamang sa Lungsod ng
Cavite kundi sa iba pang karatig lugar ng bansa.

Sa kabutihan at karangalang kaniyang


nagawa para sa bansa, ginawaran siya ng
parangal na tinatawag na Order of Lakandula.
Pinakamataas na parangal para sa isang
Pilipino, na iginagawad lamang ng Pangulo ng
Pilipinas.

Si Kuya Efren Geronimo Penaflorida Jr. ay isang


mabuting halimbawa ng lahing Pilipino.
Maraming tao ang kaniyang natulungan hindi
lamang sa pagtuturo sa mga bata, kundi sa
by Sikat Ang Pinoy on December 2, 2009
pagbibigay ng inspirasyon sa buong mundo.
http://www.google.com.ph/imgres?q=efren+penaflorida&hl=en&gbv=2&biw=1366&bih=598&tbm=isch&tbnid=RRby3xz0sJsapM:&imgrefurl=
http://www.philnews.com/2009/26a.htm&docid=O_ogMgos5t72OM&w=292&h=249&ei=eqaTTrKqKeyJmQX8pq3cBg&zoom=1&iact=hc&vp
x=556&vpy=282&dur=5816&hovh=149&hovw=175&tx=119&ty=91&page=11&tbnh=114&tbnw=136&start=223&ndsp=24&ved=1t:429,r:19,s:22
3

Ngayong nalaman mo ang kuwento ni Efren Geronimo


Peñaflorida, aalamin ko naman sa iyo sa pamamagitan ng
iyong mga sagot kung naunawaan at magagawa mong
ilapat ang iyong mga natutuhan mula sa mga gawaing
ipagagawa ko sa iyo. Bago mo simulan ang pagsagot,
basahin mo muna ang karagdagang impormasyon na
magsisilbing gabay mo sa pagsasagawa ng inaasahang
produkto.

33
B. Alam ’mo ba…

Talambuhay
Ang talambuhay ay isang palarawang pagsasalaysay ng mahahalagang
pangyayari sa buhay ng isang tao patay man o buhay, karaniwan man o bantog sa
lipunan. Layunin ng akdang ito ang magbigay ng mga impormasyon tungkol sa
isang tiyak na tao.
Mauuri sa dalawa ang talambuhay: ang pang-ibang taong talambuhay
at pansariling talambuhay. Pang-ibang tao ang talambuhay kapag may may-akda
o awtor ang sumusulat ng buhay ng ibang tao. Taglay nito ang batayang
impormasyon gaya ng pangalan, kapanganakan, mga magulang at kapatid, pinag-
aralan, trabaho, natamo sa buhay at iba pa. Ang pansariling talambuhay naman ay
pagtatala ng mahahalagang detalye ng may-akda o awtor. Higit na detalyado at
malapersonal ang daloy ng paglalahad ng ganitong uri ng talambuhay.
Nagtataglay ng tatlong bahagi ang talambuhay:
a. Panimulang bahagi. Nilalaman nito ang pangunahing detalye o
pagkakakilanlan ng taong ginawan ng talambuhay.
b. Katawan o Panggitnang bahagi. Taglay nito ang pinakamalaking bahagi ng
talambuhay sapagkat detalyadong inilalahad sa bahaging ito ang
mahahalagang pangyayari ng buhay ng taong binibigyang impormasyon.
c. Wakas o Katapusang bahagi. Nilalaman nito ang kinahinatnang kalagayan
ng taong may talambuhay.

1. Hanapin ang mga pangungusap na nagtataglay ng mga pang-angkop. Isulat


ang mga pangungusap at bilugan ang mga pang-ugnay na ginamit dito.
Isulat sa sagutang papel.

Mga Pangungusap na may pang-angkop


1.
2.
3.
4.
4.
5.
6.
7.
34
2. Punan ng tamang pang-angkop ang bawat patlang sa talataan upang
mabuo ang diwang inihahayag ng talata.

Sila, ang mga Ita, ang nagtataglay ____kaluluwa ng mga tunay


____Pilipino. Sila’y hindi itinaboy ng kawalang-kaalaman kundi ng kawalang
kakayahang ipagtanggol ang kanilang karapatan. Ngunit sila’y nagpatuloy sa
tahimik ___ _pamumuhay _____ matapat at walang pag-iimbot sa kapwa.
Walang paghahangad sa hindi kanila; walang paghahangad ______ nagtutulak sa
panlalamang sa iba. Sukat ang makipagtagisan sila sa panahon sa halos hindi
maramdamang pakikipaglaban ____ kanilang karapatan _____ mabuhay nang
may dignidad bilang tao. Sa kanilang layunin___ mabuhay nang payapa; walang
namiminsala at walang pinipinsala.

Sa kabila ng kadahupan ng buhay at pagwawalang-bahala ng mga higit


_____ nakapag-aral at higit ____ sibilisado, ang mga Ita’y nanatiling nabubuhay
nang may dignidad sa sarili nilang payak ____ pamamaraan.

(Sipi mula sa “Ang mga Ninunong Pilipino” ni Ligaya Tiamson-Rubin)

3. Kaugnay ng binasang talambuhay, patunayan ang kasabihang “Hindi hadlang


ang kahirapan sa pagtatagumpay sa buhay”. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
_________________________ 35
4. Kung ikaw ay itinuring na bayani sa kasalukuyan, ano ang magiging
damdamin mo? Isulat ang sagot sa sagutang papel.

36
C. Pagtataya sa Pag-unawa (Understanding) ng mga mag-aaral:

Sumulat ng isang maikling testimonya kung paano magiging matagumpay sa buhay


gamit ang mga pang-angkop na iyong napag-aralan. Isulat sa sagutang papel.

TESTIMONYA
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________

Rubriks sa pagmamarka:

10- kaisahan ng mga salita, pangungusap, at talata; kaangkupan ng mga salitang


ginamit; tapat, makatotohanan, at kaugnayan sa paksa

9- taglay ang apat na elemento ng pagmamarka

8- taglay ang tatlong elemento ng pagmamarka

7- taglay ang dalawang elemento ng pagmamarka

5- taglay ang isa sa mga elemento ng pagmamarka

37
IV.ILAPAT ang Iyong Pag-unawa

Sa inyong lugar sino ang kakilala mo na


itinuturing na bayani o superhero sa
kasalukuyan kahit wala siyang kapangyarihan
at pambihirang lakas subalit may katulad na
katangian ng piling tauhan sa epiko.Patunayan
mo nga kaibigan sa pamamagitan ng pagsulat ng
kanyang Talambuhay. Makatutulong na sundin
ang balangkas sa ibaba upang maging gabay.

Gabay sa pagsulat ng Talambuhay.

38
Kung nagawa mo na ang gawain, maaari mo na
itong isulat nang buo at may sining. Gawin sa
sagutang papel.

D. Paglilipat ng Pag-unawa (Product and Performance) ng mga mag-aaral

Pagsulat ng Talambuhay ng isang tao na itinuturing na bayani sa kasalukuyan na may


katulad na katangian ng piling tauhan sa epiko.

Rubriks sa pagmamarka:

10 - may pagkakatulad sa tauhan ng epiko, pagtataglay ng mga katangian ng anekdota,


at kawastuan ng pagkakagamit ng mga pang-angkop na na, at ng

9- taglay ang tatlong elemento ng pagmamarka

8- taglay ang dalawang elemento ng pagmamarka

7- taglay ang isang elemento ng pagmamarka

5- hindi taglay ang isa man sa mga elemento ng pagmamarka

http://www.google.com.ph/imgres?q=native+warrior+cartoons&hl=en&gbv=2&biw=1366&bih=598&tbm=isch&tbnid=Vo4e_CqfgbHiXM:&imgrefurl
=http://www.123rf.com/clipart-vector/indian_warrior.html&docid=C7T6vaAh6
y7xM&w=135&h=168&ei=BpqTTraALMGhmQWb7O30Bg&zoom=1&iact=hc&vpx=354&vpy=209&dur=47&hovh=134&hovw=108&tx=91&ty=67&page
=2&tbnh=116&tbnw=93&start=27&ndsp=27&ved=1t:429,r:10,s:27

39

You might also like