Professional Documents
Culture Documents
Mga Pangyayaring May Kaugnayan Sa Buhay Ni Elias
Mga Pangyayaring May Kaugnayan Sa Buhay Ni Elias
Sinalaysay ni Elias ang buhay ng kaniyang nuno. Animnapung taon na ang nakaraan, may
nuno si Elias na isang tenedor de libro (bookkeeper) sa bahay-kalakal ng isang negosyanteng
Kastila. May asawa ito at isang anak na lalaki. Nasunog ang bahay-kalakal. Pinagbintangan ang
nuno ni Elias at isinakdal sa hukuman. Dahil sa walang maibayad sa manananggol, siya’y
hinatulang paluin sa pampublikong daan. Itinali siya sa isang kabayo at ipinapalo sa bawat tao sa
panulukan ng daan. Nang himatayin siya sa hirap at sakit ng mga palo, siya’y kinalag sa kabayo at
pinalaya. Ang kanyang asawa ay nagpalimos sa bahay-bahay upang maitaguyod ang may sakit
na asawa at anak (may dinadala pa siya noon sa sinapupunan). Walang nahabag sa babae
sapagkat asawa raw siya ng isang manununog. Ang babae’y napilitang humanap ng ikabubuhay
sa isang paraang ‘di kanaisnais (ibenta ang katawan). Siya’y sa kagubatan ng lalawigan tumira.
Nanganak ang babae ng sanggol na pulos sugat at sakit. Namatay ang sanggol. Nagkasakit ang
babae.
Nagbigti ang nuno ni Elias. Ibinintang sa asawa ang pagkamatay ng lalaki. Nahatulang
paluin ngunit buntis muli ang babae. Dalawang buwan pagkapanganak saka siya pinalo. Umalis
sa lalawigan ang babae at ang dalawang anak. Nagtungo sa kalapit na lalawigan – muhi sa kapwa
at kinamumuhian ng lahat. Lumaki ang unang anak na nakaalaala ng mga kapaitan sa buhay na
nagsimula sa kariwasaan at nauwi sa kasawian. Naging tulisan itong kakila-kilabot, si Balat.
Naging mabait ang bunso. Nabuhay sa anumang makukuha sa gubat at nagdamitt ng ano mang
basahang maitapon sa kanila ng kahit sinong napararaan. Nadakip si Balat. Nawala ang ina.
Hinanap ito ng bunso na noo’y binate na. Nakita ang matanda na duguan ang mga daliri sa
pagkayod sa lupa sa dilat ang matang nakatingin sa itaas. Sinundan ng tingin ng binata ang mata
ng ina. Sa itaas ng puno ay nakabitin ang pugot na ulo ni Balat. Tumakas doon ang binata.
Nakaabot sa Tayabas. Naging isang karpentero at nakaipon. Ang bunsong anak ay umibig at
naibig naman sa isang anak-mayaman. Nang ikakasal na sila’y natuklasan ang pagkatao ng
binata. Ipinabilanggo ang lalaki. Namatay sa panganganak ang asawa nito sa kambal – isang
lalaki, si Elias at isang babae. Namuhay na mariwasa ang kambal. Sinabing patay na ang kanilang
ama at namuhay kapiling ang nuno sa kanilang nanay. Nag-aral sa Ateneo si Elias at sa La
Concordia naman ang kambal. Namatay ang nuno. Namana nila ang kayamanan ng nuno. Naging
mariwasa’t maligaya ang kambal na may utusang matandang lalaki bukod sa marami pang alila.
May nakagalit si Elias sa isang malayong kamag-anak. Inihayag nito ang magusot na buhay ng
mga ninuno. Ang matandang utusan na pinagmamalupitan nilang magkapatid ay ama pala nila.
Nawalan ng kasintahan ang kakambal na babae. Namatay sa hirap ng loob ang matandang ama.
Nagpakalunod ang kambal ni Elias. Matapos ang salaysay, muling hinimok nito si Ibarra na
pamunuan ang naaaping bayan. Tumanggi si Ibarra. Kung maghihimagsik daw ang bayan ay
papanig siya sa pamahalaan laban sa maghihimagsik. Ipinampang ni Elias si Ibarra. Muling
nagsagwan si Elias patungo sa isang kagubatan. Isang tauhan ni Kapitan Pablo ang naghihintay
roon. Ipinasabi dito ni Elias na siya’y bigo kay Ibarra at sa sandalling ipatawag siya ni Kapitan
Pablo ay sasanib na siya sa mga ito.
KABANATA LIV – Walang Lihim na ‘Di Nabubunyag at Walang Nagkasalang ‘Di Nagkamit-
Parusa
o Tumutugtog ang orasyon (Angelus). Maraming nagdarasal ngunit si Padre Salvi ay matuling
naglalakad patungo sa bahay ng Alperes.
o Nag-usap ang dating magkagalit. Sinabi sa Alperes na sa tulong ng isang babaeng
nagungumpisal ay natuklasan niyang may isasagawang paghihimagsik ang bayan. Humingi ng
kawal ang kura at pinapaghanda ang Alperes.
o Sa kabilang dako, si Elias ay mabilis na nagtungo kina Ibarra. Pinagsabihan ni Elias ang
mayamang binata na ipagtatago o pagsusunugin ang mga kasulatan na maaaring gawing
pampahamak sa binata.
o Ipinagtapat ni Elias na natuklasan niya ang pag-aalsa na ipinanabing si Ibarra ang may
panukala o balak.
o Tinulungan ni Elias si Ibarra sa pagpili ng mga kasulatan sisirain, may lagdang nabasa si Elias –
Pedro Eibarramendia. Nanginginig ang tinig ni Elias kay Ibarra nang itanong kung kilala nito ang
kaanak ng taong iyong matagal na niyang pinaghahanap. Sinabi ni Ibarra na iyon ay kanyang
nuno. Inihayag ni Elias na pananagutin niya si Ibarra sa lahat ng kawasian ng kanyang pamilya
dahil sa nuno ng ama ni Ibarra.
o Kumuha si Elias ng dalawang balaraw (patalim) sa isang taguan at naisip niyang gamitin iyon
kay Ibarra. Ngunit bigla siyang natauhan. Binitawan niya ang hawak na balaraw at tulirong
tumingon nang tuwid kay Ibarra at saka mabilis na pumanaog ng bahay.
o Nagtaka si Ibarra. Itinuloy niya ang pagsunog sa mahahalagang papeles at dokumento.