Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A (CALABARZON)
CITY SCHOOLS DIVISION OF BACOOR
LONGOS ELEMENTARY SCHOOL
ZAPOTE V, CITY OF BACOOR

August 29, 2023 Tuesday


Edukasyon sa Pagpapakatao 2
6:00- 6:30
I. Layunin
A. Content Standard
Naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng pagkilala sa sarili at pagkakaroon ng disiplina tungo sa
pagkakabuklodbuklod o pagkakaisa ng mga kasapi ng tahanan at paaralan.
B. Performance Standard
Naisasagawa nang buong husay ang anumang kakayahan o potensyal at napaglalabanan ang
anumang kahinaan.
C. Most Essential Learning Competency
Naisakikilos ang sariling kakayahan sa iba’t ibang pamamaraan:
1.1. pag-awit
1.2. pagguhit
1.3. pagsayaw
1.4. pakikipagtalastasan
1.5. at iba pa. (EsP2PKP- Ia-b – 2)

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Pagsasakilos ng kakayahang Taglay
B. Sanggunian: PIVOT 4A Modyul p 6-12, MELC p. 65
C. Kagamitan: Down loaded video, slide presentation, modyul
D. Integrasyon: PE
E. Pagpapahalaga: pagpapahalaga sa kakayahang taglay

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Bible Verse
Kaya't ibig ko sana, na ang lahat ng tao ay maging gaya ko. Nguni't ang bawa't tao'y mayroong kanikaniyang kaloob na
mula sa Dios, ang isa'y ayon sa paraang ito, at ang iba'y ayon sa paraan yaon.
- 1 Corinto 7:7
2. Balik-aral
May mga magagalang na pananalita kayong natutuhan sa Unang Baitang tulad ng paggamit ng “Po” at “Opo,”
“Maraming Salamat po,” “Wala pong anoman,” “Makikiraan po,” at iba pa.
May mga magagalang na pagbati rin kayong natutuhan na maaari ninyong gamitin sa mga taong
nakasasalubong ninyo. Ano ang sinasabing pagbati sa mga sumusunod na
oras ng araw:
a. umaga
b. tanghali
c. gabi
3. Pagganyak
Tingnan ang mga larawan. Ano ang masasabi mo dito?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ang kakayahan o talento ay isang espesyal na katangian. Ito ay ang kakayahang gawin ang isang bagay nang mahusay.
Maaaring ito ay katulad ng sa iba. Posible ring ikaw lamang ang mayroon o kakaunti kayong nagtataglay nito.
Ilan sa mga kakayahang mayroon ang batang tulad mo ay ang kahusayan sa pag-awit, pagguhit, pagsasayaw at pakikipag-
talastasan o pakikipag-usap sa iba. Maliban dito, maituturing ding kakayahan ang pagtugtog ng mga instrumentong pang-musika,
pag-bigkas ng tula, pagra-rap, beatbox, at marami pang iba.
Ano ano nga bang kakayahan ang meron ka? Maaari mo bang ibahagi ang mga ito?
2. Ginabayang Pagsasanay
Pagtambalin ang Hanay A at Hanay B Piliin ang letra ng kakayahang tinutukoy nito.

3. Malayang Pagsasanay
Ayusin ang mga titik sa loob ng panaklong upang mabuo ang mga kakayahang tinutukoy sa bawat pangungusap.
___________1. Ito ay kakayahang gumamit ng iba’t ibang pangkulay o pintura. (hitpaggu)
___________2. Ang kakayahan na nagbibigay ng inspirasyon upang kumilos at umindak, maaari ding
gawing ehersisyo. (yawsapag)
___________3. Isang likhang sining na gumagamit ng inspirasyon at imahinasyon. (patagpni)
___________4. Ang inspirasyon ng bawat tao na nagbibigay-kulay sa buhay at gumagamit ng iba’t ibang
musika. (witapag)
___________5. Ang pagsasayaw ay nakatutulong upang mapanatiling malakas ang katawan laban sa COVID-19.(yawsapag)
4. Paglalahat
Bawat batang tulad mo ay nagtataglay ng iba’t bang kakayahan o talento. Ang mga ito ay biyayang mula sa Panginoon na
nagiging dahilan upang maisagawa mo ang mga bagay-bagay. Habang ikaw ay lumalaki, patuloy na nadaragdagan o mas
humuhusay ang iyong mga kakayahan lalo na’t ginagamit o ipinakikita mo ang mga ito.

IV. Pagtataya
Isulat ang tama kung ang isinasaad ng pangungusap ay nagpapakita ng kakayahan wasto at
mali kung hindi.
________1. Si Adelao ay magaling sa larangan ng pagsasayaw.
________2. Si Sarah Geronimo ay magaling sa pagpipinta ng mga tanawin.
________3. Kilala sa larangan ng pag-arte at pag-awit ang ama ni Mayor Vico na si G.Vic Sotto.
________4. Namana ni Mayor Vico Sotto ng galing sa pamumuno ng kanyang tiyo.
________5. Magaling sa pagpipinta ng tanawin si G. Fernando Amorsolo.

V. Takdang Aralin
Magdikit ng larawan sa kaliwang kahon ng kakayahang naibigan mo. Isulat sa kanang kahon kung
paano mo ito pauunlarin.
Index of Mastery:
5x
4x
3x
2x
1x
0x

English 2
6:30- 7:20
I. Learning Objectives
A. Content Standard
Demonstrates understanding of the letter-sound relationship between Mother Tongue and English for effective transfer of
learning.
B. Performance Standard
Effectively transfers the knowledge of letter-sound relationship from Mother Tongue to English.
C. Most Essential Learning Competency
Classify/Categorize sounds heard (animals, mechanical, objects, musical instruments, environment, speech). (EN2PA-Ia-
c-1.1)
II. Learning Content
A. Topic: Classifying Sounds
B. Reference/s: MELC p. 179, BOW p. 87, PIVOT 4A Learner’s Material pages 6-10
C. Materials: pictures, charts for the lesson, real objects, paper and pencil, flashcards/show me board.
D. Subject Integrated: Filipino
E. Values: Appreciation

III. Learning Activities


A. Preparatory Activities
1. Daily Routine
Phonics
Read the following words with sounds“a” sound.
van can pan man fan
van ran tan
2. Motivation
What sound does it make?

A. arf! arf! Arf! B. meow! meow! meow!

A. beep! beep! beep! B. chug! chug! chug!

A. ding-dong! B. tic-tac!

A. boom! boom! B. kleng! kleng!

A. meee-meee! B. mooo-mooo!

B. Activity Proper
1. Presentation
Learning to classify or categorize sounds heard is an important skill. It help us identify and distinguish the sounds heard
in the environment. Knowing how sounds are produced will help us determine and produce the sounds of the letter of the English
Alphabets.
2. Modeling
There are sounds that we can hear in our environment, and these sounds may be produced in various ways. Some of these
are animal sounds. Animals produce distinct sounds. These sounds help us identify the animals producing them. Their sounds
could be loud or soft.
Musical instruments have different sounds. Some musical instruments produce loud or soft sounds.
Sounds in the environment and transportation differ from one another. They can be loud or soft sounds.
3. Guided Practice
Read the sound. Repeat the sound. Choose the letter of the sound heard.
1. hiisssss....hiisssss...hiisssss

2. neigh......neigh.....neigh....neigh

3. cooo...cooo...cooo...cooo.....

4. grunt....grunt....grunt...grunt
5. oink...oink...oink...oink... oink..

4. Independent Practice
Group Activities
Group I- Which of the following produce Animal sounds? Encircle the letter of the correct answer.

A. B. C. D. E. F. G. H.

Group II- Do the following:


1. Describe one animal found at home.
2. Draw the animal.
3. Describe the sound this animal makes.
4. Tell whether the sound is loud or soft
Group III- Put a cross (x) to mark objects that make loud sounds and check ( / ) for those that make soft sounds. Write your
answer in your notebook.
_____ 1. airplane 
_____ 2. bird
_____ 3. Tiger
_____ 4. cat
_____ 5. Fire truck
5. Generalization
All sounds come from vibrating objects. Sounds may come from animals, mechanical objects, musical instruments, and
environment. We can describe different sounds as loud or soft.and we can use these characteristics of sounds to identify types of
of sounds and their sources.

IV. Evaluation
Look at the animals below. Mimic the sound produced by each animal. Classify each animal according sound as to loud
sound or soft sound. Write your answers in your notebook.

Animal- Loud Sound Animal -Soft Sound


1.________________ 1. _______________
2.________________ 2. _______________
3.________________ 3. _______________
V. Assignment
Classifying sounds choose the correct word the correct category.
Index of Mastery:
5x
4x
3x
2x
1x
0x

Mathematics 2
7:20- 8:10

I. LEARNING Visualizes and represents numbers from 0-1000 with emphasis on numbers 101 – 1 000
COMPETENCIES using a variety of materials. (M2NS-Ia-1.2)
II. LEARNING Inaasahang nailarawan at naipakita ang mga bilang mula 0 -1000 na nakatuon sa bilang
OBJECTIVES 101-500 gamit ang mga ibat-ibang mga bagay.
III. LEARNING CONTENT
TOPIC Paglalarawan at pagpapakita ng mga bilang mula 0 -1000 na nakatuon sa bilang 101-500 gamit
ang mga ibat-ibang mga bagay.
SKILLS Paglalarawan ng mga Bilang mula 0-1000
REFERENCES 1. MELC page. 200
2. PIVOT SLM p. 6-7
MATERIALS 1. Drill Cards
2. Flash Card of Numbers
SUBJECTS Math1 (Visualizes,represents and counts numbers from 0
INTEGRATED to 100 using a variety of materials and methods. M1NS-Ia-1.1)
Filipino2 (Nabibigkas nang wasto ang tunog ng patinig, katinig, kambal-katinig,
diptonggo at kluster. F2PN-Ia-2)
VALUES Accuracy
FOCUSED
A. PREPARATORY ACTIVITY
1. DAILY ROUTINE
A. Panalangin
B. Paalaala para sa health protocol
C. Pagtatala ng liban sa klase
D. Kamustahan
E. Balik-Aral
Pagbilang simula 1 hanggang 100.

2. MOTIVATION
Drill Cards of numbers. Counting and naming of numbers.
B. ACTIVITY PROPER
1. PRESENTATION/INTRODUCTION
(relating to previous lesson and explaining the importance of the lesson)
Noong unang panahon, gumagamit ang tao ng iba’t ibang bagay upang mailarawan ang mga bilang. Gumagamit
noon ng mga likas na yaman tulad ng maliliit na bato at kahoy.
Tingnan at pag-aralan ang halimbawa sa pahina 6 ng modyul.

2. MODELLING (I DO)
Alamin ang katumbas na bilang ng mga sumusunod. Isulat ang tamang sagot sa iyong ku-waderno.
3. GUIDED PRACTICE (WE DO)
Bilangin ang mga bungkos ng stik. Isulat ang tamang bilang sa patlang. ( ang bawat bungkos ay ka-tumbas ng 100).
Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

4. INDEPENDENT PRACTICE (YOU DO)


Isulat ang kabuuang bilang sa patlang. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
1) 600 + 100 + 100 + 20 + 3 = ________
2) 300 + 200 + 100 + 50 + 6 = _______
3) 400 + 80 + 1 + 1 + 1 + 1 +1 = _______
4) 100 + 100 + 100 +100 + 30 + 4 = ________
5) 500 + 100 +100+ 100 + 50 +10+10+10 = ___________
6) 800 + 100 + 100 +100 + 50+10+10+10 = ___________
5. GENERALIZATION
Sa paglalarawan at pagpapakita ng mga bilang lagging tandan na:
 Ang sampung tig-iisa ay katumbas ng sampu (10)
 Ang sampung tig-sasampu ay katumbas ng isang daan (100)
 Ang sampung tig-iisang daan ay katumbas isang libo (1000)
 Sa pagsusulat ng kabuuang bilang kailangan pagsamahin ang ti-iisa, tig sasampu at tig –iisang daan.
C. EVALUATION
Unawaing mabuti ang mga larawan at isulat ang kabuuang bilang sa patlang. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

1. 4.

2.
10 10 10
3. 5.
D. ASSIGNMENT
Ibigay ang katumbas na bilang ng mga sumusunod sa inyong kwaderno.
1. 1000 + 600 + 40 + 3 = _____
2. 900 + 20 + 2 = ______
3. 800 + 50 + 9 = ______
4. 70 + 8 = _____
5. 500 + 30 + 7 = ______
Index of Mastery:
5x
4x
3x
2x
1x
0x

MTB- MLE 2
8:10- 9:00
I. Layunin
A. Content Standard
Possesses developing language skills and cultural awareness necessary to participate successfully in oral communication in
different contexts.
B. Performance Standard
Uses developing oral language to name and describe people, places, and concrete objects and communicate personal
experiences, ideas, thoughts, actions, and feelings in different contexts.
C. Most Essential Learning Competencies
Participate actively during story reading by making comments and asking questions using complete sentences. (MT2OL-
Ia-6.2.1)
I. Layunin
Nakikinig at nakikilahok sa talakayan ng pangkat o klase tungkol sa tekstong napakinggan.
II. Paksang Aralin
A. Paksa: Pakikinig at Pakikilahok sa Talakayan
B. Sanggunian: PIVOT Learning Material sa MTB-MLE 2, p. 6-7
K to 12 MELCS, p. 370
C. Kagamitan: Power Point Presentation, telebisyon, tsart
D. Integrasyon: Filipino, English
E. Pagpapahalaga: pagiging magalang
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Padikatang Pagsulat
1. Ang bata ay masaya.
2. Mabait na bata si Ana.
2. Pagganyak
Bilugan sa mga sumusunod na salita ang naiiba sa pangkat.
1. paaralan paraan paaralan paaralan
2. masigla masigasig masigla masigla
3. tulungan tuluyan tuluyan tuluyan
4. babae bababa babae babae
5. magulang magalang magalang magalang
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Basahin ang diyalogo.
Nagkasalubong sa paaraalan sina Lina at Marlon. Narito ang usapan nila.
Lina: Magandang umaga, Marlon.
Marlon: Magandang umaga rin naman sa iyo Lina.
Lina: Kumusta ka ?
Marlon: Mabuti naman. Maraming salamat. Ikaw, kumusta ka?
Lina: Mabuti rin naman.
Marlon: Paalam na Lina.
Lina: Paalam, Marlon
Sagutin ang mga tanong:
Ano-anong pagbati ang ginamit sa diyalogo?
Kailan natin ginagamit ang magandang umaga? Kumusta ka? Paalam? Salamat?
Bakit kailangan nating gamitin ang mga ito?
Ano-ano pang pagbati ang ginagamit natin?
Halimbawa ay sa hapon? Sa tanghali? Sa gabi?
Kapag di sinasadya ay nakasakit ka ng kapwa?
Ano naman ang sinasabi kapag binigyan ka ng isang bagay o regalo?
Kapag may nag-uusap at dadaan ka sakanilang pagitan? Ano-ano ang pananalitang ito?
May mga magagalang na pagbati at pananalita na ginagamit sa iba’t ibang sitwasyon tulad ng:
1. Magandang umaga/tanghali/hapon/gabi
2. Kumusta ka?
3. Maraming Salamat.
4. Wala pong anuman.
5. Makikiraan po.
6. Paalam na po.
2. Ginabayang Pagsasanay
Kumuha ng kapareha. Magpanggap bilang Marlon at Lina. Magsanay sa pagbasa ng diyalogo.
Lina: Magandang umaga, Marlon.
Marlon: Magandang umaga din naman sa iyo Lina.
Lina: Kumusta ka ?
Marlon: Mabuti naman. Maraming salamat. Ikaw, kumusta ka?
Lina: Mabuti rin naman.
Marlon: Paalam na Lina.
Lina: Paalam, Marlon.
3. Malayang Pagsasanay
Pangkatang Gawain
Pangkat I- Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang tsek (/) kung ang pangungusap ay magalang at ekis (X) kung hindi
magalang.
______1. Tutuloy na po kami. Salamat po sa inyo.
______2. Ano po ba ang maitutulong ko?
______3. Lumapit ka nga!
______4. Ikuha mo ako ng isang basong tubig.
______5. Papasok na po ako sa paaralan.
Pangkat II- Pagtapat-tapatin ang sasabihin sa hanay A. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
Hanay A Hanay B
1. Binigyan ka ng yong ninong ng regalo. a. Opo.
2. “Kumain ka na ba?” tanong ng iyong nanay. b. Pakiabot po.
3. Bago ka umalis ng bahay. c. Magandang gabi po.
4. Gusto mo ng ulam ngunit hindi mo abot. d. Salamat po.
5. Nakasalubong mo ang iyong guro isang gabi. e. Paalam po.
4. Paglalahat
May magagalang na pananalita at pagbati na ginagamit sa iba’t ibang sitwasyon tulad ng:
1. Magandang umaga/tanghali/hapon/gabi.
2. Kumusta ka?
3. Maraming salamat.
4. Wala pong anuman.
5. Makikiraan po.
6. Paalam na po.
IV. Pagtataya
Piliin ang wastong pagbati o magalang na pananalita na dapat sabihin sa bawat sitwasyon. Isulat ang letra ng wastong
sagot sa sagutang papel.
_____ 1. Umaga, nasalubong mo ang iyong dating kaklase.
A. Maganda umaga. C. Magandang hapon.
B. Magandang tanghali. D. Magandang gabi.
_____ 2. Tanghali, nakita mo ang iyong kapit-bahay na si Aling Delia.
A. Magandang umaga po, Aling Delia.
B. Magandang tanghali po, Aling Delia.
C. Magandang hapon po, Aling Delia.
D. Magandang gabi po, Aling Delia.
_____ 3. Binigyan ka ng tinapay ng iyong kaklase.
A. Meron ka pa? C. Akin na lang lahat.
B. Walang anuman. D. Maraming salamat.
_____ 4. May mga batang nakaupo sa gitna ng koridor papunta sa iyong si-lid-aralan.
A. Tumabi kayo. C. Umalis kayo diyan.?
B. Makikiraan. D. Anong ginagawa ninyo diyan?
_____ 5. Nagpasalamat sa iyo ang kaklase mong pinahiram mo ng lapis.
A. Salamat rin. C. Bumili ka na sa susunod.
B. Walang anuman. D. Huwag ka na ulit hihiram.
V. Takdang Aralin Index of Mastery:
Magtala ng iba pang magagalang na pananalita sa iyong kuwaderno. 5x
4x
3x
2x
1x
0x

Filipino 2
9:00- 9:50

I. Layunin:
A. Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa pag-unawa ng napakinggang teksto.
(F2PN-Ia-2)
B. Maiuugnay ang teksto sa naunang kaalaman o sariling karanasan
C. Naipakikita ang kahalagahan ng pagbabasa

II. Paksang Aralin


Paksa: Kaalaman sa Pag-unawa ng Napakinggang Teksto
Sanggunian: PIVOT Learning Material sa Filipino 2, pp. 6-10
Kagamitan ng Mag-aaral
K to 12 MELCS, p. 147
Kagamitan: TV, Laptop, PPT, Internet, Lapis, Papel, larawan
Integrasyon: ESP – Pagiging Masunurin
Pagpapahalaga: Pagkamasunurin

III.Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Padikatang Pagsulat
1. Mataba ang baka.
2. Malaki ang puno
2. Pagganyak
Ano ang nakikita ninyo sa larawan?
Sa inyong palagay ang kanilang nararamdaman? Bakit?
Masaya ba kayo ngayong unang araw ng pasukan?

B. Gawain sa Pagkatuto
1. Paglalahad
Basahin ang kuwento.
Ako at ang Aking Kaklase
Ma. Luisa Lining
Unang araw ng klase ngayon kaya naman tuwang-tuwa si Lisa. Inihatid siya ng kaniyang ina sa paaralan. Maya-maya pa
ay dumating na ang kanilang guro. “Magandang umaga sa inyong lahat! Ako si Bb. Anna De Vega, ang inyong guro,” masiglang
bati niya. Nang marinig ito ni Lisa lubos ang kaniyang kagalakan dahil nakita na niya ang kaniyang bagong guro. Matapos nito
tinawag sila isa-isa ng kanilang guro at nagpakilala sa unahan.
Nang ang lahat ay nakapagpakilala na mayroong dumating na magulang kasama ang isang batang lalaki. Pinapasok siya
ni Bb. De Vega at nagpakilala rin sa harapan. Pinaupo siya malapit kay Lisa.
“Kumusta ka? Ako si Lisa” wika niya.
“Mabuti naman ako, medyo kinakabahan lang bagong lipat kasi kami dito. Ako naman si Jaypee,” sagot ng bata.

Nakinig ka ba ng mabuti? Kung gayon alamin natin kung naunawaan mo ang kuwento.
1. Sino ang bata sa ating kuwento?
2. Anong mayroon sa araw na iyon?
3. Ano ang naramdaman ni Lisa sa unang araw ng eskwela?
4. Anong katangian mayroon si Lisa?
5. Kung ikaw si Lisa, gagawin mo rin ba ang ginawa niya? Bakit?
6. Paano mo maipadadama sa iyong kamag-aral na siya ay hindi nag-iisa?
7. Ano ang natutuhan mo mula sa kuwentong binasa?
Upang lubos na maunawaan ang isang kuwento, dapat tandaan ang mahahalagang detalye. Ang detalye ay binubuo ng
tauhan, lugar na pinangyarihan, at mga pangyayari. Karaniwan itong sumasagot sa tanong na sino, ano, saan, kailan, ilan, paano
at bakit.
2. Pinatnubayang Pagsasanay
Basahin ang bawat sitwasyon. Isulat ang letra ng tamang sagot.
1. Mayroon akong alaga. Malambing at matalino siyang tuta. Ang buntot niya ay mahaba at mabalahibo ang mukha. Anong alaga
mayroon ang nagsasalita?
A. tuta B. kuting C. bisiro D. biik
2. Si Anna at Marie ay pumunta ng parke upang maglaro. Saan sila pumunta?
A. paaralan B. bahay C. parke D. simbahan
3. Paraan ng tamang paghuhugas ng kamay:
-basain ang kamay ng tubig at sabunin ito ng maigi;
-kuskusin ang kamay ng 20 segundo;
-banlawan ang kamay ng malinis na tubig;
-tuyuin ang kamay ng malinis na bimpo.
Tungkol saan ang iyong nabasa?
A. Wastong paghugas ng kamay. C. Wastong paggupit ng kuko.
B. Wastong pag-alaga ng aso. D. Wastong paglinis ng bahay.
4. Anong bahagi ng katawan ang nabanggit sa bilang 3?
A. ulo B. balikat C. kamay D. paa
3. Malayang Pagsasanay
Kopyahin ang graphic organizer sa iyong kuwaderno at punan ito ng sagot. Iugnay ang iyong naunang kaalaman at
karanasan sa nabasang kuwento sa pahina 6.

4. Paglalahat
Upang lubos na maunawaan ang isang kuwento, dapat tandaan ang mahahalagang detalye. Ang detalye ay binubuo ng
tauhan, lugar na pinangyarihan, at mga pangyayari. Karaniwan itong sumasagot sa tanong na sino, ano, saan, kailan, ilan, paano
at bakit.

IV. Pagtataya
Alin sa mga salita sa ibaba ang tumutukoy sa tanong na sino, saan, kailan at paano. Isulat ang S kung sino, SN kung saan,
K kung kalian at P kung paano. Isulat ang sagot sa kuwaderno.
V. Takdang-aralin
Pumili ng iyong paboritong kuwentong napakinggan o nabasa. Iguhit ang bahagi ng kuwento na paborito mo. Gawin ito
sa iyong kuwaderno.

In d ex o f Ma s t er y :
5x
4x
3x
2x
1x
0x

Araling Panlipunan 2
10:0-0- 10:40
I. Layunin
A. Content Standard
Naipamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng kinabibilangang komunidad
B. Performance Standard
Malikhaing nakapagpapahayag/ nakapagsasalarawan ng kahalagahan ng kinabibilangang komunidad.
C. Most Essential Learning Competency
Naipaliliwanag ang konsepto ng komunidad. (P2KOMI-a-1)

II. Paksang-Aralin
A. Paksa: Ang Komunidad
B. Sanggunian: MELC pah.28, SLM pah. 6-10
C. Kagamitan: powerpoint presentation, lapis, krayola, modyul
D. Integrasyon: ESP
E. Pagpapahalaga: Pagtulong sa Komunidad

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Magtatanong ang guro ng napapanahong balita na may kinalaman sa aralin.
2. Pagganyak
Ano ang komunidad? Ito ang halimbawa ng isang komunidad. Pag aralan ang larawan.

Basahin ang mga pangungusap. Sagutan ang mga sumusunod na tanong.


1. Ano ang iyong nakikita sa larawan?
2. Ano-ano ang bumubuo sa isang komunidad?
3. Ganito rin ba ang makikita sa iyong komunidad?
4. Magkakapareho ba ang mga komunidad? Paano sila nagkakapareho o nagkakaiba?
B. Paglinang na Gawain
1. Paglalahad
Ang komunidad ay binubuo ng pangkat ng mga tao na naninirahan sa isang pook na magkatulad ang kapaligiran at
pisikal na kalagayan. Ang komunidad ay binubuo ng pamilya, paaralan, pamahalaan, simbahan, sentrong pangkalusugan, pook-
libangan, at pamilihan. Maaring matagpuan sa tabing-dagat, ilog, kapatagan, kabundukan, lungsod o bayan ang isang komunidad.

Ang pamilya ay binubuo ng ama, ina at mga anak. Ito ang tinaguriang pinakamaliit na yunit ng
lipunan. Ito rin ay lipon ng dalawa o higit pa sa dalawang taong magkaugnay sa dugo, sa bisa ng sakramento
ng kasal o sa pamamagitan ng pag-aampon o paninirahan sa isang tirahan.

Sa paaralan naman hinuhubog ang kaalaman ng mga bata. Ito ang daan tungo sa magandang
kinabukasan.

Pamahalaan ang gumagabay sa estado at mga namumuno; ito ay may isang sistema ng pamamahala.
Sa simbahan o sambahan nagtutungo upang manalangin at magpasalamat sa Maykapal.

Ospital naman ang lugar kung saan nagtutungo ang mayroong masamang karamdaman at nais ng
lunas.

Pook–libangan ang lugar kung saan namamasyal ang buong pamilya upang maglibang at magpalipas ng oras.

Pamilihan ang lugar kung saan bumibili ng mga pagkain tulad ng gulay, prutas, karne, at lamang-dagat.

3. Ginabayang Pagsasanay
Kopyahin ang talata sa iyong kuwaderno. Punan ang patlang ng angkop na salita upang mabuo ang konsepto ng
pangungusap. Pumili ng letra ng tamang kasagutan sa kahon.

Ang ____________________ ay binubuo ng pangkat ng mga _______________ na namumuhay at nakikisalamuha sa


isa’t isa at naninirahan sa isang _________________ na magkatulad ang __________ at kalagayang ____________.
4. Malayang Pagsasanay
Pangkat 1- Basahin at suriin ang talata. Sagutan ang mga tanong.
Ito ang aming bahay. Mayroon itong tatlong kuwarto sa itaas at isa sa ibaba. Malinis at kaaya-aya ang tumira
dito. Malaking tulong ito sa amin para maligtas sa kumakalat na Covid-19. Matatagpuan ito sa kapatagan. Masaya
kaming naninirahan dito.
Sagutin:
1. Ano ang makikita sa larawan?
2. Ano ang katangian ng nasa larawan?
3. Mahalaga bang nananatili ang mga tao sa loob ng kanilang tahanan? Bakit?
4. Maituturing ba na bahagi ng komunidad ang mga tahanan?
Pangkat II- Gawin ang mga sumusunod sa sagutang papel.
Iguhit sa papel ang lugar na kinaroroonan ng iyong komunidad gamit ang mapa.
Pangkat III- Iguhit sa papel ang mga bagay at estruktura na makikita sa iyong komunidad.
5. Paglalahat
Ang komunidad ay binubuo ng pangkat ng mga tao na naninirahan sa isang pook na magkatulad ang kapaligiran at
pisikal na kalagayan.
Ang komunidad ay binubuo ng pamilya, paaralan, pamahalaan, simbahan o sambahan, sentrong pangkalusugan, pook-
libangan at pamilihan. Maaaring matagpuan sa tabing-dagat o ilog, kapatagan, kabundukan, lungsod o bayan ang isang
komunidad.

IV. Pagtataya
Punan ng tamang sagot ang patlang sa bawat aytem. Piliin ang letra ng tamang sagot sa kahon.

1. Pagsasaka ang karaniwang hanapbuhay dito._______


2. Pangingisda naman ang hanapbuhay ng pamilya dito. _______
3. Maaaring matagpuan sa tabing-ilog, kapatagan, kabundukan, lungsod o bayan ang isang_______.
4. Ang uri ng ________ sa komunidad ay naaayon sa kaniyang kapaligiran.
5. Nararapat na pahalagahan at ipagmalaki ang komunidad na iyong ___________.

V. Takdang Aralin
Isulat sa sagutang papel ang mga bumubuo sa komunidad. Lagyan ng kung matatagpuan ito sa iyong lugar.

In d ex o f Ma s t er y :
5x
4x
3x
2x
1x
Health 2
10:40-11:20
I. Layunin
A. Content Standard
Understands the importance of eating a balanced diet.
B. Performance Standard
Demonstrates good decision-making skills in choosing food to eat to have a balanced diet.
C. Most Essential Learning Competencies
States that children have the right to nutrition (Right of the child to nutrition Article 24 of the UN Rights of the Child).

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Karapatan ng Bata sa Wastong Nutrisyon
B. Sanggunian: PIVOT Learning Material sa Music 2, p. 6-12
K to 12 MELCS, p. 342
C. Kagamitan: Power Point Presentation, telebisyon, tsart
D. Integrasyon: ESP
E. Pagpapahalaga: pangangalaga sa sarili
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Malusog ka ba?
Anu-ano ang mga kailangan mong gawin upang ikaw ay maging malusog sa araw-araw?
Bakit kailangan mong maging malusog?
2. Pagganyak
Suriin ang larawan sa ibaba. Ano ang masasabi mo sa larawan ng mga bata?

1. Malulusog ba ang mga bata sa larawan?


2. Bakit kaya sila malulusog?
3. Dapat bang maging malusog ang isang bata? Bakit?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Isa sa mga nakatutulong upang maging malusog ay ang pagkain ng prutas at gulay. Ang kabataan ay may karapatan na
magkaroon ng wastong nutrisiyon ayon sa Artikulo 24 ng Rights of the Child ng UN.
Ang wastong nutrisyon ay ang pagkakaroon ng balanseng diyeta na binubuo ng tatlong pangunahing pangkat ng pagkain.
2. Ginabayang Pagsasanay

Ano ang kinain mo sa agahan? Iguhit mo ito sa loob ng kahon at kulayan. Pagkatapos,
idugtong sa kahon ang mga larawan na nagpapakita ng mabubuting idinudulot sa iyong
katawan ng pagkaing iginuhit mo. Isulat ang iyong sagot sa iyong kwaderno.

3. Malayang Pagsasanay
Pangkatang Gawain:
Pangkat I- Pumili ng larawan na nagpapakita ng karapatan ng bata sa wastong nutrisyon. Sa iyong kwaderno, bumuo ng tatlong
(3) pangungusap na naglalarawan sa karapatang ito.
Pangkat II- Tingnan ang mga larawan. Alin-alin ang mga nagpapakita ng may malakas na pangangatawan? Lagyan ng masayang
mukha ang hugis bilog na katapat ng larawang nagpapakita ng batang may malakas na pangangatawan.

4. Paglalahat
Ang wastong nutrisyon ay ang pagkakaroon ng balanseng diyeta na binubuo ng tatlong pangunahing pangkat ng pagkain.
IV. Pagtataya
Isulat ang Tama kung ang sumusunod na pangungusap ay nagpapakita ng wastong nutrisyon at Mali naman kung hindi.
Isulat ang sagot sa patlang.
___1. Si Andrei ay hinihikayat ng kanyang magulang na kumain ng masusustansiyang pagkain upang magkaroon ng malusog at
malakas na pangangatawan.
___2. Palaging kumakain ng prutas at gulay si Erika kaya hindi siya madaling dapuan ng sakit.
___3. Mahilig si Kathy sa sitsirya, kendi at tsokolate.
___4. Tuwing recess bumibili si Lita ng soft drinks at sitsirya.
___5. Si Ben ay laging naglalaro ng cellphone kaya nakalimutan na niyang kumain ng hapunan.
V. Takdang Aralin
Basahin ang isang sitwasyon. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

Sanay si Rona sa buhay sa lungsod. Matatagpuan kasi rito ang iba’t ibang “fast food chains” na naghahain ng fries at
burgers. Madalas din siyang namamasyal sa mga malls na paborito niyang tambayan habang umiinom ng milk tea o di kaya ay
kumakain ng ice cream. Isang araw, nalungkot siya nang sabihin ng kanyang ina na kailangan na nilang lumipat sa probinsiya
dahil walang kasama sa bahay ang lola niyang mahina na. Bilang matalik niyang kaibigan, ano ang maipapayo mo kay Rona?

In d ex o f Ma s t er y :
5x
4x
3x
2x
1x
0x
Inihanda ni: Iniwasto ni: Pinagtibay ni:

PEARL MARIE T. EMMELENE S. MA. THERESA C. RAMOS


RUZGAL BUSTAMANTE
Guro Dalubguro Punungguro

You might also like