Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 26

Pangkat

macau
Halina’t tumutok, makinig, at matuto!
Ginulo namin,
Ayusin niyo!
01 Sinoca
casino
Ang Macau ay kilala bilang Gambling
Capital of the World. Mayroong 38 casino sa
Macau; 23 ay matatagpuan sa Macau
Peninsula at ang iba pang 10 ay sa Taipa
Island.
02 phics
chips
Mayroong iba’t ibang uri ng kulay na chips sa Casino. Ang
Puti at Asul na chips ay isang dolyar. Ang Pula na chips
ay limang dolyar at tinatawag na nickels. Ang Berde na
chips ay dalawampu't limang dolyar at tinatawag na
quarters. Ang Itim chips ay isang daang dolyar. Ang Lila
na chips ay limang daang dolyar at tinatawag na Barneys.
Ang Kahel na chips naman ay isang libong dolyar.
03 arhaba
baraha
Kagamitan sa sugal, gawa sa makapal
at matigas na papel o manipis na
karton, karaniwang rektanggulo, na
may larawan, bilang, at sagisag.
Alam niyo ba?
Watawat ng macau
❖ Limang Bituin - Ito ay sumisimbolo
sa soberanya ng Tsina.
❖ Lotus - Ito ay kumakatawan sa
sinaunang pangalan ng Macau na
"Lotus Island".
❖ Ripple - Ito ay kumakatawan sa mga
heograpiyang katangian ng mga
teritoryal na tubig.
❖ Tatlong Petal - Ito ay sumisimbolo
sa tatlong island ng Macau.
OPISYAL NA REHIYONAL NA
LENGGWAHE LENGGWAHE
➢ Chinese ➢ Cantonese
➢ Portuguese ➢ Macanese
Portuguese
MOP$
MACAU PATACA
relihiyon
6.7 Kristiyano

Iba pang
13.7% relihiyon

80% Budismo
PRESIDENTE AT CHIEF EXECUTIVE
❖ Xi jinping
- Siya ay naging pangulo ng
China noong 2013.

❖ Ho Iat-Seng
- Pangatlong Chief Executive ng
Macau simula noong Disyembre
2019.
Mga sikat na LUGAR sa mACAU
The grand lisboa The cotai strip
➔ Ang “Tallest ➔ Kilala bilang
Building” sa “Las Vegas
Macau. Strip Of The
East”.

The venetian Lotus square


➔ Pangalawa sa ➔ Sumisimbolo sa
pinakamalaking walang hanggang
casino sa buong kasaganaan ng
mundo. Macau.
ARALIN:
TALUMPATI
Ating tuklasin ang Talumpati!
Ano ang talumpati?
➢ Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon
ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng
pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng
mga tao. Layunin nitong humikayat, tumugon,
mangatwiran, magbigay ng kaalaman o
impormasyon at maglahad ng isang paniniwala.
Isang uri ito ng komunikasyong pampubliko na
nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa
harap ng mga tagapakinig.
Ano ang talumpati?
➢ Ito'y isang sining na nagpapahayag ng isang kaisipan
tungkol sa isang paksa sa paraang pasalita sa
harapang tagapakinig. Maaaring may paghahanda o
walang paghahanda ang talumpati. Tinatawag na
impromptu sa wikang Ingles ang talumpating walang
paghahanda kung saan binibigay lamang sa oras ng
pagtatalumpati. Sinusubok ang kaalaman ng
mananalumpati sa paksa. Samantalang ang sinaulong
talumpati, inihanda at sinaulo para bigkasin sa harap ng
mga tagapakinig.
Tatlong bahagi ng talumpati
01 02
pamagat katawan
➔ Inilalahad nito ang layunin ng ➔ Nakasaad dito ang
talumpati, kaagapay na ang paksang tatalakayin ng
estratehiya upang kunin ang mananalumpati.
atensyon ng madla. 03
KATAPUSAN
➔ Ang pagwawakas ang pinakasukdol ng buod ng isang talumpati dito
nakalahad ang pinakamalakas na katibayan, paniniwala at katwiran upang
makahikayat ng pagkilos sa mga tao ayon sa layunin ng talumpati.
PAGHAHANDA SA TALUMPATI
➢ Paramaging epektibo ang talumpati, pinapayuhan
ang mananalumpati na magkaroon ng
magandang personalidad, maging malinaw ang
pananalita, may malawak na kaalaman sa paksang
tinatalakay, may mahusay na paggamit ng
kumpas, at may kasanayan sa pagtatalumpati.
Dapat din tandaan ng mananalumpati ang tindig,
galaw, pagbigkas, pagbibigay diin at kaugnayan
sa madla.
Mga kasangkapan ng
mananalumpati
Kumpas
tinig tindig galaw ng kamay
tinig
➢ Nakakatulong ang tinig sa pag-unawa sa nilalaman
ng talumpati. Kailangan ibagay ang tinig sa nilalaman
ng pananalita. Isinasaalang-alang sa bahaging ito
ang tulin o bilis ng pananalita. Pagbibigay-diin sa
mahahalagang salita o mensahe na kailangang
maunawaan ng tagapakinig, tono ng pananalita,
pagtaas at pagbaba ng tinig, at paglakas at paghina
ng tinig. Ang magandang tinig ay madaling makaakit
sa madla. Iwasan ang matining na tinig o kaya ay
garalgal na tinig na parang sirang plaka.
tindig
➢ Tumindig nang maayos at iwasan ang tindig
militar na parang naninigas ang katawan.
Sikaping maging magaan ang katawan at
nakarelaks. Mahalaga na magmukhang
kapita-pitagan para makuha agad ang
atensyon ng mga tagapakinig. Ang ganitong uri
ng anyo ay nagpapahiwatig na handang-handa
ang tagapagsalita.
galaw
➢ Ang galaw ay tumutukoy sa anumang
pagkilos na ginagawa ng tao na may
kaugnayan sa pagsasalita o pagpapahayag
ng kaisipan o anumang damdamin sa madla
o mga tagapakinig. Nasasaklaw ng galaw
ang mata, ekspresyon ng mukha. tindig,
galaw ng ulo at katawan. Lahat ng ito ay
nakatutulong sa paghahatid ng mensahe.
Kumpas ng mga kamay
➢ Ginagamit ang galaw ng kamay bilang
di-verbal na komunikasyon. Kailangang
tumpak, tiyak, at maayos ang kumpas ng
mga kamay. Ginagamit lamang ito bilang
pantulong sa pananalita. Hindi dapat
makaagaw ng pansin ang sobrang
pagkumpas ng kamay habang nagsasalita.
ANOTHER DAY,
ANOTHER SLAY!
Pangkat Macau

You might also like