Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Filipino

(Petsa)

I. Layunin
Sa katapusan ng klase ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Naipaliliwanag ang diwa ng araling tinalakay.
B. Nabibigyang halaga at nailalarawan ang sariling ama at ang kanyang mga
katangian.
C. Nakagagawa ng tula, awit, at dula bilang pasasalamat sa ama.

II. Paksang Aralin


● Pamagat:
Florante at Laura
Duke Briseo: Amang Mapagkandili

● Sanggunian:
K12 Kalinangan 8
(Pakilagay rin ang pahina.)

● Mga Kagamitan
laptop
projector
mga larawan

III. Pamamaraan/Proseso ng Pagtuturo


A. Aktibiti
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Kaayusan
4. Pagtatala ng Liban
5. Balik-aral
6. Pangganyak/Motibasyon
Pagkilala sa mga larawan.
4 Pics One word
(Pakilahad din ang panuto sa gawain.)

B. Analisis
1. Paghahawan ng Sagabal
(Pakilahad din ang panuto sa gawain.)
a. mapagkandili – mapag-aruga, mapagkalinga, mapagmahal
b. mababata - matitiis
c. lugaming anyo - parang patay na tao na hindi
gumagalaw/kumikibo
d. pagbubulay – pag-iisip
e. nasumpungan – nakita

2. Mga Gabay na Katanungan


1. Anong klaseng ama si Duke Briseo?
2. Bakit labis na pagdadalamhati ang nararamdaman ni Florante?
3. Paano ang sinapit na kamatayan ni Duke Briseo?
4. Makatarungan ba ang sinapit ni Duke Briseo sa kamay ni Konde
Adolfo? Bigyang katwiran.
C. Abstraksyon
1. Kung ikaw ang mamamayan na nakasaksi sa pagkamatay ni Duke
Briseo, maglalakas loob ka ba na bigyan ng maayos na libing si
Duke Briseo, kahit na alam mong ikapapahamak mo ito sa kamay
na bakal ni Konde Adolfo?
2. Kung ikaw si Florante paano mo haharapin ang mga unos na iyong
kinakaharap?

D. Aplikasyon
Papangkatin sa limang grupo ang mga mag-aaral.
Pipili ang grupo ng isa sa kanilang pangkat para ipaliwanag sa
harapan kung ano ang naiatang na gawain para sa kanila. Bibigyan ng
sampung minuto ang bawat pangkat para maghanda.

1. Pangkat Awit – Gumawa ng awit bilang pasasalamat sa ama ng


tahanan.
2. Pangkat Tula – Gumawa ng tula para sa ama na binubuo lamang ng
dalawa hanggang tatlong taludtod.
3. Pangkat Dula – Pagsasadula bilang pagpapahalaga sa pagkalinga
ng isang ama.

IV. Pagtataya/Ebalwasyon
Gamit ang T-chart, isa-isahin ang mga pagsubok sa iyong buhay at ilahad
kung paano mo ito malalampasan.

V. Takdang Aralin
Alamin ang kasagutan sa mga katanungan hinggil sa kasunod na aralin.
1. Anong pangalan ng gererong nasa gubat?
2. Tungkol saan ang kanyang himutok o panambitan?
3. Bakit labis siyang nasasaktan? Makatarungan ba ang ginawa ng
kanyang ama? Bigyang katwiran.
4. Paano niya natunton si Florante?

Inihanda ni:

You might also like