FINAL Demo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Lesson Exemplar in Filipino Using the IDEA Instructional Process

SDO Rizal Grade Level 7


LESSON Name of Student Teacher Reymart M. Anis Learning Area Filipino
EXEMPL
Teaching Date and Time Abril 12, 2023 Quarter 3rd
AR Ikatlong Markahan

I. LAYUNIN Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay


inaasahang:
a. Natutukoy ang angkop na salita/hudyat ng
pahayag sa panimula, gitna at wakas.

b. Nagagamit nang wasto ang angkop na mga


pahayag sa panimula, gitna, at wakas ng isang
akda.

c. Nabibigyang-halaga ang paggamit ng wastong


salita o hudyat sa pagpapahayag ng simula,
gitna at wakas.

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa


mga akdang pampanitikan ng Luzon.
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang
komprehensibong pagbabalita (news casting)
tungkol sa kanilang sariling lugar
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto (MELC) Nagagamit nang wasto ang angkop na mga
(Kung mayroon, isulat ang pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto o MELC
pahayag sa panimula, gitna, at wakas ng isang
akda (F7WG-IIId-e-14)
D. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang pagpapaganang kasanayan.)

II. NILALAMAN Angkop na mga Pahayag sa Panimula,


Gitna, at Wakas
III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian MELC Filipino, G7-LEAP, Self-Learning Module
(SLM)

a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro


b. Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng
Learning Resource
https://www.youtube.com/watch?v=eW3dNW4Ahjk
B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo para sa mga Kagamitang biswal, larawan, telebisyon, laptop,
Gawain sa Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan power point presentation
IV. PAMAMARAAN
A. Introduction (Panimula) Balik-aral
Sa pamamagitan ng estratehiyang WHO WANTS
TO BE MILLIONERS, sagutin ang mga tanong
na hinanda ng Guro.

1. Anong anyo ng panitikan nabibilang ang


Mito, Alamat at Kuwentong-bayan?
Sagot: A-Pasalindila
2. Tumatalakay sa mga kuwentong may
kinalaman sa mga diyos, diyosa, bathala
at diwata.
Sagot: B-Mito
3. Ito ay kuwentong nagmula sa isang
partikular na bayan?
Sagot: B-Kwentong Bayan
4. Isa itong kuwentong nagsasaad kung
saan nanggaling o nagmula ang mga
bagay-bagay.
Sagot: A-Alamat

5. Ang nagbibigay-buhay sa akdang


maaaring maging masama o mabuti.
Sagot: B-Tauhan

Pagganyak
4 Pics 1 word

Panuto: Suriin ang mga larawan na may


kinalaman sa mga bahagi ng isang kuwento.
Tukuyin ang tamang terminolohiya para sa apat
na larawan.Pagkatapos, ilagay sa kahon ang
salitang iyong nabuo.

S I M U L A

S N M C W G U
B L P K I A Y
G I T N A

S N M T W G U
B G P K I A Y

W A K A S

S N M T W G U
B A P K I A Y

Gabay na tanong:
1. Ano ang iyong naging damdamin sa
ginawang aktibiti?
2. Mayroon na ba kayong ideya kung ano
ang tatalakayin natin ngayong araw?

Paglalahad
Ilahad ang paksang tatalakayin gayundin ang
Pinakamahalagang Kasanayan sa aralin.
(Sa araling ito, higit mong mapalalawak ang
iyong kaalaman sa paggamit ng angkop na mga
pahayag sa panimula, gitna, at wakas ng
anomang akdang iyong susulatin)
A. Development (Pagpapaunlad) Alam Mo Ba?

Angkop na mga Pahayag sa Panimula,


Gitna, at Wakas

Sa pagsasalaysay o pagkukuwento, mahihikayat


ng nagsasalita ang kaniyang tagapakinig sa
mahusay na simula. Kapag nailahad ang layunin
nang epektibo ay napupukaw ang kaisipan ng
mambabasa o tagapakinig na patuloy na alamin
ang kawing-kawing na pangyayari mula sa
simula ng kuwento patungo sa papataas at
kasukdulan sa gitna ng kuwento. Hihintayin din
nila ang wakas kung nakamit ang layuning
inilahad sa panimula.

PANIMULA
 Ang mahusay na simula ay mabuti para
makuha ang interes ng tagapakinig o ng
mambabasa.

 Maaaring simulan ito sa mga salitang


noong una, sa simula pa
lamang, isang araw, noong unang
panahon at iba pang pananda sa
pagsisimula.
HALIMBAWA:
PANIMULA
Noong unang panahon sa isang nayon ay
may magkasintahan. Sila ay si Juana ar
Aging. Sila ay labis na nagmahalan ngunit
tutol ang mga magulang ni Juana sa kanila.
Gayun pa man di ito alintana ni Juana.
Patuloy pa rin siyang makipagkita kay Aging.
Alamat ng Saging

Gitna
 Sa bahaging ito, mabuting napanatili ang
kawing-kawing na pangyayari at
paglalarawang nasimulan.
 Dito malalaman kung magtatagumpay ba
o mabibigo ang pangunahing tauhan,
maiwawasto ang mali o matututo ang
katunggaling tauhan habang tumataas
ang pangyayari.
 Maaaring gamitin ang kasunod,
pagkatapos, walang ano-ano, at iba
pa na maghuhudyat ng kasunod na
pangyayari.
 Patuloy na gumamit ng mga panlarawang
salita upang mapanatili ang
interes ng mga mag-aaral sa larawan at
aksiyong isinalaysay.
GITNA
Makalipas ang ilang araw, dumating sa
palasyo ang isang salamangkero. Matanda
na siya at mabalasik ang mukha. Malaki ang
HALIMBAWA:
paghahangad niya sa kamay ni Prinsesa
Alindaya, Prinsesa ng Masinlok ngunit Malaki
rin ang pag-ayaw nito sa kanya.
Alamat ng Bundok pinatubo
Wakas
 Napakahalaga rin ng huling pangyayaring
maiiwan sa isipan ng tagapakinig o ng
mambabasa.
 Dito nakapaloob ang mensaheng
magpabubuti o magpababago sa
kalooban at isipan ng lahat na ang
kabutihan ang magwawagi at may
kaparusahan ang gumagawa ng masama.
 Maaaring gumamit ng sa huli, sa wakas,
o iba pang panandang maghuhudyat ng
makahulugang pagtatapos.

HALIMBAWA:
WAKAS
Naakit ang lahat sa halimuyak ng bango ng
mga bulaklak ng puno. Simula noon ay lagi
na lamang umiiyak si Edo habang
nakabantay sa puno at sinambit ang
pangalang…. “ilang , ilang , ilang “, Simula
noon tinawag ang bulaklak ng Ilang-Ilang.
Alamat ng Ilang Ilang

B. Engagement (Pagpapalihan) Suriin Natin!


Panooring muli ang kuwentong “Si Mangita at si
Larina” (Alamat ng Water Lily). Suriin natin ang
akda sa pamamagitan ng pagtukoy sa
mahahalagang bahagi nito. Gagamitin din ang
mga pahayag sa panimula, gitna at wakas.

Pangkatang Gawain
Hatiin sa tatlong pangkat ang mga mag-aaral.
Ibigay ang takdang gawain ng bawat grupo.
Ilahad din ang pamantayan sa pagmamarka ng
pangkatang gawain. Bigyan ng 10 minuto ang
mag-aaral upang pag-usapan o sagutin ang
inatas na gawain. Sambitin ang yell o hudyat na
tapos na ang grupo.

Pangkat Isa: #Larawang Kupas


Iguhit ang mahalagang pangyayaring nabanggit
sa simula ng kuwento. Isalaysay gamit ang mga
salita o hudyat ng panimula sa mahalagang
tagpong ito.
Pangkat Dalawa: #Sampayan ng Buhay

Gamit ang graphic organizer na sampayan ng


buhay ay itala ang gitnang pangyayari sa
kuwentong napanood. Isulat sa damit ang
sunod-sunod na pangyayari gamit ang mga
pahayag sa gitna.

Pangkat Tatlo: #One-Minute-Show


Isadula ang mahalagang pangyayari sa wakas
ng kuwentong napanood. Gumamit ng salita o
hudyat na pahayag sa wakas ng kuwento.
Pagkatapos, ibigay kakintalan/aral nito sa mga
mambabasa.

 Pag-uulat ng bawat pangkat.


 Pagbibigay ng feedback ng
mag-aaral/guro batay sa rubrik na
inilahad.

Pamantayan sa pagmamarka

LIKE,UNLIKE,COMMENT
Panuto: Kailangan makinig ang bawat mag-aaral
sa ginagawang pag-uulat sapagkat kailangan ng
bawat isa na mag-LIKE- kapag gusto ang naiulat
sa harapan UNLIKE-kapag hindi nakontento o
may mga katanungan, saka sila maglalagay ng
COMMENT/ komento sa box.

Pamatayan Like Unlike Comment


(5) (3)

1. Ang mga
tagapagdaloy ng
impormasyon ay
maayos mangusap
2. Ang nilalaman/
sagot ay may
kaugnayan sa ibinigay
na gawain.
3. Ang ulat ay
naunawaan ng mga
tagapakinig/
Tagapanood.
4. Nagamit ang inatas
na estratehiya.
Kabuoang Puntos 20
C. Assimilation (Paglalapat) Bakas ng Buhay
Panuto:Sumulat ng isang sariling kuwento
tungkol sa karanasang hindi mo makakalimutan
gamit ang mga salita/hudyat sa panimula, gitna
at wakas:
Wakas

Gitna

Panimula

Pamantayan sa Pagmamarka 5 4 3 2 1
1. Nasusulat ang sariling
karanasang hindi
malilimutan.
2. Nagagamit ang mga
salita/ hudyat sa simula,
gitna at wakas.
3. Nagagamit nang wasto
ang bantas at gramatika
Kabuoang Puntos = 15

5- Napakahusay
4-Mahusay
3-Katamtaman
2-Di-gaanong mahusay
1-Sadyang Di-mahusay

Paglalahat ng aralin
Modelong Bulb
Panuto: Ilahad ang inyong natutunan sa aralin
sa pamamagitan ng pagsagot sa mahalagang
tanong na nakasulat sa loob ng Modelong Bulb.

Paano nakatutulong ang


paggamit nang wasto at
angkop na pahayag sa
panimula, gitna at
wakas ng isang paksa?

V. Pagtataya (Assessment) Panuto: Punan ng angkop na pahayag para sa


simula, gitna, at wakas ang mga
patlang upang mabuo ang diwa ng talata. Piliin
sa kahon ang tamang sagot at isulat sa sagutang
papel.
Sa una pa lamang Ikalawa
Sunod Gayundin
Sa huli
(1) ___________ ay makikita na ang kaibahan
kung paano kumilos ang magkapatid na Mangita
at Larina. (2)__________ nilang pinagkaiba ang
kulay ng kanilang balat; kayumangging kaligatan
si Mangita at maputi naman si Larina.
(3)___________ nilang ipinagkaiba ang kanilang
ugali. Si Mangita ay mabait at mapagbigay,
samantalang si Larina ay ubod ng tamad at
malupit.(4)___________, nagkaiba rin sila sa
mga bagay na nais nilang gawin. Si Mangita ay
madalas tumulong sa ama sa gawain
samantalang si Larina ay mas gustong
magsuklay ng kaniyang buhok at walang sawang
tingnan ang sarili sa lawa.(5)___________ ay
nakita kung sino sa dalawa ang tunay na
maganda at karapat-dapat na tumanggap ng
parangal.

Susi sa Pagwawasto
1. Sa una pa lamang
2. Ikalawa
3. Sunod
4. Gayundin
5. Sa huli

Resulta sa Pagtataya
Iskor Bilang ng
mag-aaral
5
4
3
2
1
0
Kabuoan
Porsyento
Pasya
VI. PAGNINILAY Isulat sa inyong Journal Notebook ang inyong
natutunan mula sa aralin gamit ang mga gabay sa
ibaba:
Naunawaan ko na
__________________________________________.
Napagtanto ko na
__________________________________________.
Kailangan ko pang malaman ang
__________________________________________.

Inihanda ni:

Reymart M. Añis
Gurong nagsasanay

Sinuri nina:
MENCHIE B. DOMINE
Gurong tagapayo

FRITZIE P. BUENVIAJE SARAH D.


RAMOS
Tagapangulo- Filipino Master Teacher I - TLE

Pinagtibay ni:

LYNDEL R. DAVID,Ed.D.
Principal IV

You might also like