Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PAGSASANAY NA PAMPAGKATUTO

Unang Markahan- Performance Task #2


Pangalan:________________________________________________ Taon/Pangkat:________________

Suriin Mo… (20 PTS.)


Pumili lamang ng isa sa mga dokyufilm na nakalista sa ibabang bahagi ng gawaing
ito. I-type ang link o ang pamagat sa Youtube.
Suriin ang pinanood gamit ang sumusunod na pormat. Gawin ito sa inyong kwaderno.

I. Pamagat

II. Direktor:
III. Paksa o tema:

IV: Mga Karakter:

V. Suliranin:

VI: Mga Pangyayari:

VI. Aspetong Teknikal:

VII. Mensahe/Kaisipan

Narito ang mga dokyufilm na maari ninyong panoorin sa pagsusuri ng inyong Gawain.

TANDAAN: PUMILI LAMANG NG ISA.


KINABUHI- https://www.youtube.com/watch?v=dCJg9PLxo5M
ANAK NG MAYNILA - https://www.youtube.com/watch?v=lbyrZkzeor4
REEL TIME-SALAT- https://www.youtube.com/watch?v=gFgITaa1CM4
I-WITNESS (BALIK-MARAWI)- https://www.youtube.com/watch?v=XNNFSA-__aE
I-WITNESS (TAWID ESKWELA-)https://www.youtube.com/watch?v=RbcQx3usDPc
I-WITNESS ( 'Nuwebe, Trese, Katorse https://www.youtube.com/watch?v=Ij9WYV7cTJA
REPORTER’S NOTEBOOK-BURAK AT PANGARAP
https://www.youtube.com/watch?v=V_m2egQWWVU

1
HALIMBAWANG PAGSUSURI NG ISANG DOKYU-FILM NG I-WITNESS

Suriin Mo
Manood ng isang documentary film sa youtube. Suriin ang pinanood gamit ang
sumusunod na pormat:
I. Pamagat I-Witness
Minsan sa Isang Taon
II. Direktor: Petronilo Samson Jr.
III. Paksa o tema: Ang paksa nito ay tungkol sa hirap na dinaranas ng
isang “abaca farmer” at ng kanilang lugar sa
Saranggani. Ipinakita din dito ang kahirapang pasan-
pasan niya maging ng kanyang mga anak.
IV: Mga Karakter: Mang Tusan-Ang pangunahing tauhan sa
Dokyumentaryo. Siya ang ama ni Manny, isang “Abaca
Farmer” na minsan sa isang taon lamang kumikita ng
pera at kung kumita man ay kulang pa para sa
pamilya.
Manny-Batang lalaki na sa unang tingin ay malusog
ngunit may malnutrisyon pala dahil kulang sa protina
ang katawan.
Mga anak ni Mang Tusan
Mga kapwa niya magsasaka ng abaka
V. Suliranin: -Ang pagkaubos ng mga puno at abaka sa kabundukan.
-Ang kawalan ng oportunidad na magkaroon ng ibang
trabaho si Mang Tusan
-Ang kahirapan na nararanasan ng kanilang pamilya,,
halos puro kamote ang kinakain nila at minsan lang
makakin ng masasarap na pagkain.
-Ang lugar na pinagmumulan ng sangkap ng pera ay
kapos sa ganitong bagay.
VI: Mga Pangyayari: -Pinuntahan ni Kara David ang isang pamayanan sa
Saranggani.
-Nakilala niya si Mang Tusan at ang pamilya nito.
-Sinundan ni Kara David si Mang Tusan sa pagsasaka
ng Abaka.
-Dinala nila ito sa sa tindahan ng abaka upang
maibenta. Naglakbay sila ng mahigit anim na oras.
-Matapos ang maghapong pagbubuhat ng abaka,
kumita si mang Tusan ng 1,000 piso ngunit ang nakuha
niya ay 400 piso na lamang dahil may utang siyang
ibinawas sa kanya. Kaya naman, iilan lamang ang
kanyang nabili.

VI. Aspetong Teknikal: ⮚ Maayos ang pagkakakuha ng anggulo sa mga


pangyayari at lugar kung nasaan ang mga
tauhan. Bagamat, may mga iilan na magulo ang
anggulo dahil sa aktibidad na ginagawa ng mga
tauhan (Naglalakad o Umaakyat ng
bundok,).Malinaw ang boses ng nagsasalita at
ng kinakausap.
2
VII. Mensahe/Kaisipan ⮚ Nakakalungkot lamang na kung sino pa ang
nagtatrabaho para magkaroon tayo ng perang
ating kakailanganin, sila pa ang nawawalan ng
pagkatataon para magkaroon nito.
⮚ Gagawin ng isang ama ang lahat para sa
kanyang pamilya kahit gaano pa kahirap ang
buhay.
⮚ Minsan sa isang taon lamang sila nakakakain ng
kanin o masasarap na pagkain, laging kamote
ang kanilang kinakain.

You might also like