Ifl 4

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

IFL #4

PAGSISIMULA NG IYONG BAGONG


BUHAY NG PAGLAGO KAY CRISTO

Sa sandaling tanggapin mo si Cristo, ikaw ay


Ipinanganak sa pamilya ng Diyos (Juan 1:12) at
tinanggap mo ang lahat ng iyong kailangan upang
maranasan ang masaganang buhay (Efeso 1:3). Ang
espirituwal na paglago ay bunga ng pagtitiwala kay
Jesu-Cristo “Ang matuwid ay mabubuhay sa
pamamagitan ng pananampalataya” (Galacia 3:11).
Ang buhay na may pananampalataya ay ang
pagkakaroon mo ng lumalagong pagtitiwala sa Diyos
sa lahat ng bahagi nang buhay. May apat na
pangunahing prinsipyo sa paglago an nagagamit ng
Diyos upang magkaroon ng espirituwal na pag-ulad
ang ating buhay:

Unang Prinsipyo: Ang Buhay na Pinamamahalaan ni Cristo… Sa kapangyarihan at


pamamahala ng Banal na Espiritu ay napakahalaga sa paglago dahil tanging Diyos lamang ang
makapagpapalago sa atin. (1 Corito 3:6 at 7). Kapag hindi si Cristo ang namamahala sa ating
buhay sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, ang espirituwal na paglago ay hihinto.

Ikalawang Prinsipyo: Pag-aaral ng Bibliya… Ang Bibliya ay Salita ng Diyos (2 Timoteo


3:16,17). Ang Diyos ay nangungusap sa mga lalake at babae sa pamamagitan ng kanyang salita,
ang Biblia (1 Tesalonica 2:13). Sa pag-aaral ng Bibliya, matututuhan natin kung ano ang iniisip
ng Diyos, malalaman natin ang mali sa tama at paano piliin ang tama. Ang ating
pananampalataya ay lumalago sa pag-aaral ng Bibliya (Roma 10:17). Tayo’y espirituwal na
lumalago sa pakikinig sa pangungusap ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita (1Pedro
2:2).

Ikatlong Prinsipyo: Panalangin… Tayo’y nangungusap sa Diyos sa pamamgitan ng


panalangin. Ang Diyos ay gumawa ng paraan upang Siya’y makausap natin. Ang mga tao’y
magiging malapit sa isa’t isa sa pamamagitan ng “pag-uusap tungkol sa mga bagay-bagay.”
Nais ng Diyos na mapalapit tayo sa Kanya sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa Kanya
tungkol sa lahat ng bagay (Filipos 4:6-7)

Ikaapat na Prinsipyo: Pagsunod .. Ang susi sa paglago sa buhay Kristiyano ay ang pagsunod
sa kalooban ng Diyos. Ang pag-aaral ng Bibliya at pananalangin ay walang kabuluhan kung
hindi natin hahayaan si Cristo na mamahala sa ating buhay at hindi tayo susunod sa paraang
nais Niya apara sa atin (Santiago 1:22-25; Juan 14:21,24).
MGCC FU-MAT 2014

You might also like