Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

KOMENTARYONG PANRADYO SCRIPT

(Sound effects)

Eunice: Radyong walang kinikilingan,

Krizzia: Radyong walang pinapaboran,

Eunice at Krizzia: At pawang katotohanan lamang,

Eunice at Krizzia : Magandang umaga sa inyong lahat.

Eunice: Ako si Eunice Eusebio,

Krizzia: at ako naman si Krizzia Cuesta.

Eunice at Krizzia : Kayo ngayon ay nakikinig sa Really Radio: Covid Daily news.

Eunice: Malapit nang mag-isang taon simula noong nagkaroon ng unang kaso ng
COVID-19 sa Pilipinas ngunit patulog pa din ang pagdami ng mga kaso sa bansa.

Eunice: Sa ngayon ay may mga dumating na na mga bakuna galing sa iba’t ibang bansa.

Krizzia: Ang mga COVID-19 vaccine na ginawa ng Pfizer, Moderna, Astrazeneca,


Sputnik, Sinovac at Sinopharm ang maituturing na “fastest vaccines ever developed” sa
kasaysayan ng mundo. Iba-iba ang sinasabing efficacy rate ng bawat bakuna.

Krizzia: Noong November 23 hanggang December 2, 2020, may survey na ginawa ang
Pulse Asia tungkol sa pagbabakuna para sa COVID-19. Nagkaroon ng resulta na 47% na
mga Pilipino ang nagsabing hindi raw magpapaturok ng vaccine. Dahil dito ay
nagpakalat ng tamang impormasyon ang Department of Health tungkol sa bakuna.

Eunice: Pinaghahandaan na ng ilang government unit ang pagkakaroon ng approved


vaccination plan para sa pagdating ng bakuna. Bahagi na nito ang information campaign,
masterlist ng mga prayoridad na mababakunahan, mga lugar na magsasagawa ng
vaccination at ang pagkakaroon ng cold storage facilities na pag-iimbakan ng vaccines.

Krizzia: May 1.38 billion dollars ang Pilipinas na funding para sa vaccine ayon sa
National Task Force against COVID-19. May 146-148 million doses ng COVID-19
vaccines ang under procurement at 76 million adult Filipinos ang target mabakunahan.

Eunice: Ang kabuuang 600,000 doses ng COVID-19 bakuna mula sa Sinovac - isang
donasyon mula sa Tsina — ay dumating sa Villamor Airbase noong February 28 na kung

This study source was downloaded by 100000806763735 from CourseHero.com on 09-03-2022 07:25:34 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/96988837/Komentaryong-Pandradyo-Scriptdocx/
saan 100,000 doses ay ilalaan sa militar ng Pilipinas.

Krizzia: Noong March 1, may 535,600 doses ng AstraZeneca vaccine ang naipadala dito
sa Pilipinas ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Eunice: Ang mga health workers ay may karapatan na pumili sa dalawang bakuna na
dumating.

Krizzia: Sa ngayon, nagsimula na ang pagturok ng bakuna sa mga opisyal ng


pamahalaan.

Eunice: A, oo nga pala, Krizzia, pwede bang mahingi yung masasabi mo tungkol sa balita
daw na ang mga government officials ang unang matuturukan ng bakuna?

Krizzia: Ayos lang naman na sila yung mauna, kasi nga madami na rin yung nag positive
sa Covid-19 sa kanila. Ikaw ba?

Eunice: Oo pareho tayo 'no, tsaka may point ka rin sa sinabi mo.

Krizzia: Magpapabakuna ka ba?

Eunice: Hindi pa ako sigurado kasi marami akong nakikitang mga nagsasabing mayroong
mga nagkakasakit na malala pagkatapos magpaturok. Alam ko naman na lahat ng
vaccine, e, may side effects pero titignan ko muna yung resulta dito ng majority.

Krizzia: Oo 'no, kailangan talaga masiguro. Ako naman, magpapabakuna na ako kasi
hindi naman sila siguro gagawa at mag dodonate sa atin kung hindi maayos 'to.

Eunice: Kung nabigyan ng karapatan yung mga mamamayan, ano bang pipiliin mo sa
dalawang vaccine na dumating dito sa Pilipinas? Ang pipiliin ko kasi yung AstraZeneca
e, kasi mas mataas yung efficacy rate na tinatawag nila

Krizzia: Kahit ano para sakin, basta mabakunahan. (note: hehe if you want, since yung
tono niya after mo maread talaga is parang may jokey-jokey spirit, mag insert kayo ng
chuckles niyo)

Eunice: Salamat sa pagsama sakin ngayong araw, Krizzia para sa ating Covid Daily
News.

Krizzia: Walang anuman, ako'y masaya at nakakapag hatid tayo ng impormasyon sa mga
mamamayan. Ako si Krizzia Cuesta.

Eunice: At ako naman si Eunice Eusebio.

This study source was downloaded by 100000806763735 from CourseHero.com on 09-03-2022 07:25:34 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/96988837/Komentaryong-Pandradyo-Scriptdocx/
Eunice & Krizzia: Dito na po nagtatapos ang Really Radio: Covid Daily news.

This study source was downloaded by 100000806763735 from CourseHero.com on 09-03-2022 07:25:34 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/96988837/Komentaryong-Pandradyo-Scriptdocx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like