Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 52

ANYONG

TULUYAN
ALAMAT
- kuwento o salaysay na
nagpapasalin-salin sa bibig
ng mga tao at karaniwang
tungkol sa pinagmulan ng
mga bagay-bagay
ANEKDOTA
- kuwento o salaysay na
ang pangyayari ay hango
sa tunay na karanasan,
nakawiwili, at kapupulutan
ng aral.
BALITA
-paglalahad ng mga
pang-araw-araw na
pangyayari sa kapaligiran
at maging sa isang bansa
DULA
-sinulat para itanghal sa
entablado, may mga
tauhang gumaganap na
naglalarawan ng buhay o
ugali ng tao
EDITORYAL
-isang sanaysay na
naglalahad ng
kuro-kuro ng patnugot
ng isang pahayag
KASAYSAYAN
-tala o mga nakasulat
tungkol sa mga ulat na
matagal nang nakaraan
o nakalipas na
MAIKLING KUWENTO
-kuwento o salaysay na
nag-iiwan ng isang
impresyon o kakintalan sa
mga mambabasa
MITOLOHIYA
-hinggil sa pinagmulan ng
sansinukuban at kalipunan
ng paniniwala sa Diyos at
Diyosa at mga
mahiwagang nilikha
NOBELA
-kuwento o salaysay na
mahaba, maraming tauhan
at tagpuan na nahahati sa
mga kabanata
PABULA
-kuwento o salaysay na
ang karaniwang
nagsisiganap ay mga
hayop
PARABULA
-hango sa banal na kasulatan
na naglalayong mailarawan
ang isang katotohanang
moral o espiritwal sa isang
matalinghagang paraan
SANAYSAY
-ito ay tumatalakay sa
isang tanging paksa at
kitang-kita ang sariling
opinyon o pananaw ng
sumulat
TALAMBUHAY
-kuwento o
salaysay ng buhay
ng isang tao
TALUMPATI
-isinulat upang bigkasin sa
harap ng maraming tao na
may layuning umakit,
humikayat at
magpaliwanag.
ULAT/REPORT
-tala at pinagkukunan ng
madaliang impormasyon
-bunga ng pananaliksik,
pagsusuri at pag-aaral
ANYONG
PATULA
TULANG
LIRIKO
-naglalahad ito ng mga
saloobing damdamin,
imahinasyon at
karanasang maaaring sa
sariling may-akda
o ibang tao.
TULANG
PASALAYSAY
-naglalahad ng
tagpo o pangyayari
sa pamamagitan ng
taludtud
TULANG
PADULA
-ito ay katulad din ng
karaniwang dulang may
diyalogo ang kaibahan
lamang ay binibigkas ng
mga tauhan ang kanilang
diyalogo sa paraang patula
TULANG
PATNIGAN
-isang uri ng pagtatalong
patula na kinapapalooban
ng matalinong
pangangatwiran, talas ng
pag-iisip, at lalim ng diwa
TULANG
LIRIKO
-naglalahad ito ng mga
saloobing damdamin,
imahinasyon at
karanasang maaaring sa
sariling may-akda
o ibang tao.
AWIT/KANTA
- madamdamin ang nilalaman
nito dahil ang karaniwang
pinapaksa ay may kinalaman sa
pag-ibig, kabiguan, kalungkutan,
pag-asa, pangamba, at
kaligayahan
DALIT
-awit na pumupuri sa Diyos o
sa Mahal na Birheng Maria at
nagtataglay ng mga
pilosopiya ng buhay at
patakaran ng relihiyon
ELEHIYA
-tulang padamdamin
patungkol sa mga
patay
ODA
-nagpapahayag ng
papuri at masiglang
damdamin na patungkol
sa isang kaisipan
PASTORAL
-naglalayong
ilarawan o ipahayag
ang tunay na buhay
sa kabundukan
PASYON
-ito ay naglalarawan sa
buhay, pasakit at pagdurusa
ni Hesukristo at karaniwang
inaawit kapag panahon ng
mga mahal na araw
SONETO
-binubuo ng labing-apat
(14) na taludtud at
naglalaman ng
damdamin at kaisipan
TULANG
PASALAYSAY
-naglalahad ng
tagpo o pangyayari
sa pamamagitan ng
taludtud
AWIT
-tulang maromansa kung saan
nakaharap sa mga
pakikipagsapalaran ang mga
tauhan nito at higit na
makatotohanan o hango sa tunay
na buhay ang mga pangyayari
EPIKO
-tungkol sa isang magiting
na pakikipagsapalaran at
kabayanihan ng isang
taong may pambihirang
KORIDO
-isang tulang maromansa kung
saan ang mga tauhan ay may
kapangyarihang supernatural o
kakayahang magsagawa ng
mga kababalaghan
TULANG
PADULA
-ito ay katulad din ng
karaniwang dulang may
diyalogo ang kaibahan
lamang ay binibigkas ng
mga tauhan ang kanilang
diyalogo sa paraang patula
MORO-MORO
-nagpapakita ng
hidwaan at labanan
ng kristiyano at di-
kristiyano
PANUNULUYAN
-ang paghahanap ng
matutuluyan nina Birheng
Maria at Jose para roon
isilang ang sanggol na si
Hesus
SARSUELA
-dulang musical na
karaniwang binubuo ng
tatlong akto at tumutukoy
sa pangunahing damdamin
ng tao
SENAKULO
-isinasadulang
pagtatanghal ng
paghihirap at kamatayan
ng Poong Hesukristo
TIBAG
-ang pangunahing
tauhan ay sina Reyna
Elena at ang anak na si
Constantino
TIBAG
-hinahanaang krus na
pinagpakuan kay Hesus p na
matatagpuan lamang sa ilalim ng
temple ni Venus sa kaharian ng
isang Sultang Muslim.
TULANG
PATNIGAN
-isang uri ng pagtatalong
patula na kinapapalooban
ng matalinong
pangangatwiran, talas ng
pag-iisip, at lalim ng diwa
BALAGTASAN
-tagisan ng talino sa
pamamagitan ng
katwiran sa
pamamaraang patula
DUPLO
-isang larong patula na
karaniwang masasaksihan
sa mga baryo lalo na sa
paglalamay sa patay
KARAGATAN
-tungkol sa isang singsing na
sadyang inihulog ng prinsesa
sa dagat sa hangarin niyang
mapangasawa ang
kasintahang mahirap

You might also like