Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 435

SUMPA (COMPLETED)

by megladiolus

Ilang scenes ng story na 'to ay nangyari sa totoong buhay. Story ang isang ghost na
hindi matahimik ang magpapakita sa kanila. Ang sunod-sunod nilang pagkamatay ay
dahil ba sa nagpapakitang multo? O dahil may isang sumpang umikot sa kanila na
unti-unting nagbabaon sa kanila sa hukay. Sino ang makakaligtas? Paano mapuputol
ang sumpa? Sa ganitong paraan mo ba gustong mamatay? Copyright © 2013 megladiolus.
All rights reserved.

=================

Teaser

Please do not redistribute in any form without the consent of the author. Any name
that are similar to any person, dead or alive, are purely coincidental. This is
made through the imagination of the author alone.

Copyright © 2013 MelaBrio. All rights reserved.

Unless otherwise indicated, all materials on these pages are copyrighted by


MelaBrio. All rights reserved. No part of these pages, either text or image may be
used for any purpose. Therefore, reproduction, modification, storage in a retrieval
system or retransmission, in any form or by any means, electronic, mechanical
including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval
system, strictly prohibited without prior written permission of the author, except
where permitted by law.

DO NOT COPY, DO NOT REDISTRIBUTE, DO NOT PLAGIARIZE, DO NOT PRINT AND SELL

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pakiplay po ng music while reading the story. :)


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Teaser

"Magtago ka na. Dahil mahahanap kita. Saan ka man magpunta,magiging akin ka!"

Isang babae ang nanakbo sa kalsada na nakayapak at nagmamadali. Nakatingin sya sa


kanyang likuran habang nananakbo. Hindi nya alam kung saan sya pupunta. Malapit na
mag-alas dose ng gabi.

Kumukulog at kimikidlat kasabay ng mabilis na tibok ng kanyang puso. Bumuhos ang


malakas na ulan.

"Tama na!" sigaw ng babae habang tumatakbo. Biglang kumulog ng malakas.

Pumasok sya sa isang pintuan. Kinakapa nya ang mga nasa paligid nang biglang may
narinig nya ulit ang tinig ng isang babae na parang kumakanta.
"Magtago ka na. Dahil mahahanap kita. Saan ka man magpunta,magiging akin ka!"

Nakakakilabot ang boses nito habang kumakanta at papalapit ng papalapit habang


tumatagal.

Paulit-ulit ang tinig na naririnig ng babae. Nagtago sya sa ilalim ng mesa. "Tama
na!" bulong nya sa sarili. Pigil na pigil ang kanyang iyak habang nakikita nyang
papalapit ang nakalutang na paa ng babae.

"Magtago ka na. Dahil mahahanap kita. Saan ka man magpunta,magiging akin ka!"

Paatras ng paatras ang babae sa ilalim ng mesa at napasandal sya sa bangkay ng


isang duguang lalaki na nagpasigaw sa kanya ng malakas.

"Ahhhhhhhhhhhhhhh!!!!"

Napalingon ang multong nakalutang at mabilis syang nilapitan.


Tumayo ang babae at mabilis na tumakbo papalayo sa multo. Puro bangkay ng tao ang
kanyang nadadaanan. Mabilis syang umakyat ng hagdanan hanggang makarating sya sa
rooftop.

Basang-basa na sya ng ulan. Wala na syang matakbuhan. Nasa harapan nya ang babaeng
nakalutang at matigas ang mga buhok. May dugo ito sa kanyang mahabang damit.
Papalapit na ang multong nakaputi sa kanya habang kinakanta ang "Magtago ka na.
Dahil mahahanap kita. Saan ka man magpunta,magiging akin ka!" Nakayuko ang multo
habang papalapit sa babae.

"Para mo nang awa. Huwag kang lumapit sa'kin!" Dahan-dahan syang umaatras hanggang
makarating sya sa gilid ng rooftop.

Biglang nagbago ang tono ng multo. Naging nakakatakot at galit na galit ang boses
nito. "Nahanap na kita, kaya't sa akin ka na!!!!!!!!" Biglang humarap ang multo sa
babae. Nanlilisik ang mga mata nya na kulay puti. Napatitig ang babae sa mga mata
ng multo at hindi sya makagalaw.

Dahan-dahang nababali ang mga buto ng babae. Ang mga kamay nya ay napunta sa
kanyang likuran, ang mga tuhod nya ay nabali at ang kalahati ng katawan nya ay
bumagsak patalikod. Nagiging dugo ang mga luha nito at biglang umikot ang kanyang
ulo paharap sa kanyang likuran. Ilang saglit pa ay nalaglag ito mula sa rooftop na
bali-bali na ang buto, dilat ang mga mata at nakanganga.

Kumalat ang dugo nya sa simento kasama ng ulan.


"Magtago ka na. Dahil mahahanap kita. Saan ka man magpunta,magiging akin ka!"

Tumawa ng tumawa ang multo at bigla ding nawala.

A/N

First horror, suspense, thriller ko po ito. Hope po magustuhan nyo and suportahan
nyo. :) Ilang scenes sa story na 'to ay nangyari at nakita sa totoong buhay. :) Wag
pong kalimutang magvote and magcomment.

Pwede nyo din po akong iFAN. Super maappreciate ko po. Thanks. :)

=================

1: THE REUNION

1: THE REUNION

RETREAT HOUSE, 4PM


Isang red Ferrari Enzo ang tumigil sa harap ng isang malaki at magandang Retreat
house.

"Are you sure this is the house? Parang wala namang tao." Tanong ni Phoemela Lewis
habang binubuksan ang bintana ng kotse.

"Bakit, may nakikita ka pa bang ibang bahay dito aside from this house?"
pagtataray ng nagda-drive na si Katarina Bailey.

Habang nag-uusap ang dalawa at sinisipat ang bahay mula sa loob ng kotse biglang
sumigaw ang kaibigan nilang si Madeline Stewart.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!" sigaw nito na sobrang ikinagulat nila Phoemela at


Katarina.

"What's wrong with you?" nagpapanic na si Phoemela dahil nag-aalala sya sa


kaibigan.
Humarap sya sa dalawang kaibigan na nakatingin ng diretso sa kanya na naghihintay
sa kanyang sagot. "Walang signal dito." Mahinahong paliwanag ni Madeline habang
ipinapakita yung cellphone nya sa dalawa.

Sobrang disappointed naman

ang mga mukha nila sa narinig. Inis na inis sila lalo na si Katarina, ang
pinakamataray sa kanilang tatlo.

"My goodness Madeline! We're in the middle of⎼" tumingin sya sa labas, "of⎼"
lumingon sya sa likod pero puro puno lang ang nakikita nya. "of the forest! Tapos
maghahanap ka ng signal! Hindi masamang mag-isip minsan." Pinaandar na ulit nya ang
kotse at ipinasok na sa loob ng bahay.

Bumaba silang tatlo mula sa kotse at namamangha sila sa laki at ganda ng buong
bahay. Naghahanap pa din ng signal si Madeline, while pinupunasan ni Katarina yung
windows ng kotse nya and Phoemela's taking picture of the house ng nakarinig sila
ng isang kotseng paparating na sobrang lakas magpatugtog.

Sabay-sabay silang lumingon sa gate kung saan papasok ang isang black Pagani Zonda
C12 F. Tumigil 'to sa tabihan ng sasakyan ni Katarina.

"Hey! Magdahan-dahan ka nga baka magasgasan mo yung kotse ko!" Naiinis na sigaw ni
Katarina na kausap ang nagda-drive ng Pagani Zonda.
Nagulat silang tatlo ng makita kung sino ang mga nakasakay sa kotseng yun.

Unang bumaba ang isang lalaking nakablack polo and maong pants at tumingin agad sa
kanilang tatlo. Tinanggal nya ang kanyang shades para mas makita ang mga ito.

"Cooper Zanders?" Parang medyo nagulat si Katarina. "What are you doing here?"

"Parang hindi ka masayang nandito ako, huh Katarina Bailey?" Lumapit sya kay
Katarina. "Or baka masaya ka dahil nandito na 'ko."

Mag-ex sina Katarina at Cooper and ito ang una nilang pagkikita after the break
up.

"Excuse me? Ako? Ang kapal mo din naman! And please - " umatras sya ng konti, "wag
kang lalapit sa'kin."

Pero parang nang-aasar pa din si Cooper at mas lumapit sya kay Katarina. "And if I
don't want to?" Dahan-dahan nyang nilalapit ang mukha sa kausap. "May magagawa ka
pa ba?"
Biglang sinampal ni Katarina ang gwapong mukha ni Cooper. "Ayan! Yan ang magagawa
ko. I'm warning you, stay away from and from my friends!"

"Woaah! Sakit nyan pare!" pang-aasar ng isang pang lalaki na kasama ni Cooper sa
car. "Sinampal ka na noon, sampal

pa din ngayon. Ouch!" Sya si Peterson Barnes, isa sa mga chickboy na kaibigan ni
Cooper. Sumandal sya sa kotse ni Cooper habang nagyoyosi. Dahil badtrip si Cooper,
inagaw nya ang yosi ni Peterson at lumayo sa kanila.

May isa pa silang kasama sa loob ng kotse na hindi pa nababa. Sya si Perry
Jenkins. Unlike Cooper and Peterson, Perry is a silent type of person. Hindi sya
masyadong nakikihalobilo kung kani-kanino. Mas gusto nyang magsoundtrip na lang
kesa makipag-usap sa iba. Madalas syang nakaheadset kaya hindi sya basta-basta
makakausap.

Tumahimik ang paligid habang may kanya-kanya pa din silang ginagawa. Still nasa
labas pa din sila ng bahay at naghihintay ng taong lalabas from the house. Ilang
sandali pa eh may isa pang kotseng dumating. Isang black Lamborghini Reventon ang
mabilis na papalapit sa kanila. Lahat sila ay napatingin sa paparating na kotse.

"No way!" bulong ni Peterson na titig na titig sa magarang sasakyan na nabitawan


na ang yosi na hawak nya.
Nagtabi-tabi na sina Madeline, Katarina at Phoemela. Hindi naman tinigilan ni
Phoemela ang pagkuha ng picture sa Lamborghini Reventon na 'to. Inaabangan nila ang
taong bababa mula sa Lamborghini Reventon.

"Oh my gosh." Bulong ni Phoemela.

Unang bumaba ang nagda-drive ng kotse na si Cole Schultz at tumingin sa mga nandun
na. "Hi everyone," then she smiled.

Napakaganda ni Cole, brown ang buhok nya na hanggang bewang. Maputi sya at sobrang
tangos ng ilong. Blue ang eyes nya dahil sa contact lens na suot-suot nya and
korteng heart ang mga lips. Sa suot nyang shorts and Pink Beige Halter Toplutang
ang kanyang ganda. Ibang-iba sa itsura nya nung college. Kumakaway lang sya sa mga
naunang dumating.

Kasunod sa pagbaba nya ay ang magboyfriend na sina Blake Maxwell and Lindsey
Osborne na hindi mapawi sa paghahalikan.

"What a whore!" umiirap na bulong ni Katarina dahil naiinis sa kanyang nakikita.

"Enough guys! May iba na tayong kasama." Pagsasaway ni Cole. Binuksan nya ang door
ng kotse at inalalayan ang isa pa nilang kasamang babae. "We're here Quinn."
Hinawakan nya sa kamay ang babae at dahan-dahang tinulungang makalabas ng kotse.

"I told you dapat hindi na natin isinama yan dito." Pang-aasar ni Blake habang
nakikipagharutan sa kanyang girlfriend.

"Shut up Blake!" sigaw ni Cole. "Don't mind him."

Ngumiti lang si Quinn at kumapit na lang sya sa mga kamay ni Cole.

Magkakakilala naman silang lahat dahil magkaklase sila noong college. Kahit hindi
sila totally magkakasundo hindi na nila kailangang iintroduce ang isa't isa aside
from the last girl na kasama ni Cole.

"Hey Cole, who is she?" tanong ni Katarina.

"She's my sister Quinn." Sagot ni Cole.


"Hi, Quinn." Masiglang greet ni Madeline at agad nyang inabot ang kamay sa dalaga.

Hindi agad naiabot ni Quinn ang kanyang kamay para makipagshake hands. Kaya kinuha
ni Cole ang kamay ng kapatid at inabot kay Madeline.

"Hello. Kamusta kayo." Masaya din naman ang pagbati ni Quinn pero hindi sya
directly nakatingin sa kausap.

"Bulag ata sya." Bulong ni Phoemela kay Madeline.

"She is." Sagot ni Cole.

Habang nagkukwentuhan ang mga babae ay hindi na napigilan ni Cooper ang sarili.
"Sino bang nagpapunta sa'tin dito? Kanina pa tayo dito sa labas pero wala namang
nagpapapasok sa'tin sa loob." Nilapitan nya ang pinto at sinubukang buksan.

"Bakit nga pala nandito din kayo?" tanong ni Phoemela kina Cole.
"May nareceive kaming invitation the other day. Sabi reunion daw, but 2 days
before the reunion dapat daw nasa venue na. Since my sister and I need to relax
naisipan naming magpunta. Ang ganda kasi nitong house sa picture." Hinaplos nya
sandali ang buhok ng kapatid. "Nagtataka lang ako kung bakit pati si Quinn eh
nakatanggap ng invitation, hindi naman kami magkabatch." Tumingin sya ng diretso
kina Katarina. "Kayo ba?"

Kinuha ni Katarina ang invitation from her bag at ipinakita kay Cole. "We also
received an invitation. This is the best place to unwind daw. Pero bakit tayo
lang?" Nagkatinginan lang silang lahat ng naandun.

"Nabasa nyo ba yung

weird letter na kasama nung invitation? Hindi ko alam kung anong language yun. Or
kung may nageexist ngang ganung words. Nakakatawa lang." sabad ni Lindsey.

"Sino bang organizer nito? Akala ko isa sa inyo kaya nagpunta ako." Nagdadabog na
si Cooper. "Uuwi na ko. Sayang lang ang oras ko dito." Papasakay na sya ng kotse ng
biglang may nagsalita na babae.

"Pasensya na sa paghihintay." Bungad nito.

Isang matandang babae ang sumulpot sa may pintuan. Bigla namang nakaramdam ng
takot sina Madeline sa nakita. Ang matanda ay namumutla at nakaputing damit. Medyo
mabagal din syang magsalita at parang hindi kumukurap ang mga mata.
"Eh may tao naman pala dito. So I guess wala ng uuwi. Kailangan na din naming
magpahinga ni babe. Right babe?" sabi ni Blake na nakapulupot ang mga kamay sa
kanyang girlfriend na si Lindsey. Hindi sila mapaghiwalay at hindi sila nahihiya
kahit may ibang tao eh tuloy pa rin sila sa paglalampungan.

"Mga hindi na nagbago!" bulong ni Katarina.

"Are you saying something, huh Katarina?" pagtataray ni Lindsey. "Kung naiinggit
ka, ayan si Cooper oh! Ginagawa nyo din naman 'to before, di ba?" Parang inaasar
nya si Katarina at tumatawa pa 'to. "Ooops! Boring ka nga pala, kaya nga nahuli mo
si Cooper sa kama kasama ng iba."

Sasaktan na sana ni Katarina si Lindsey dahil napipikon na sya pero nahawakan agad
sya ni Phoemela. "No, Kat."

"Lindsey, past is past. Besides, hindi naman si Katarina ang nawalan. Ikaw, sure
ka ba na sa'yo lang yan ginagawa ni Blake?" Parang may ibang ibig sabihin ang
sinabi ni Phoemela na nagpabago sa mood ni Lindsey.

"Enough of this nonsense! We're not here to bring back those memories we had in
the past. Hindi na kayo nagbago! Tss!" Nagulat ang lahat sa pag-imik ni Perry.
"Mukhang kailangan nyo ng magpahinga at maiinit na ang mga ulo nyo." Muling
nagsalita ang matandang babae. Hindi nila maipaliwanag pero kinikilabutan sila sa
way ng pagsasalita ng matanda. "Maari na kayong pumasok sa loob. Sumunod kayo
sa'kin." Tumalikod ang matanda at biglang bumukas ang pintuan.

"Girls, wag na lang kaya tayo tumuloy. Iba kasi yung kutob ko dito." Mahigpit ang
pagkakakapit ni Madeline sa braso

ni Phoemela. "Tingnan nyo, kusang bumukas yung pintuan."

"Pwede ba Mads, praning ka lang. Tumigil ka na kung ayaw mong ikaw ang pagbalingan
ko ng init ng ulo." Sagot ni Katarina.

Sumunod ang lahat sa matanda papasok ng bahay dala-dala ang kani-kanilang mga
gamit. Sobrang laki ng bahay na halos maraming pasikot-sikot sa loob. Madami ding
mga antiques na nagpapacreepy sa paligid.

"Maraming kwarto dito sa bahay. Kayo ng bahalang pumili kung saan nyo gusto."
Umakyat sila sa itaas. Huminto ang matanda sa harapan ng isang malaking pintuan.
"Maari kayong maglibot sa buong bahay, pero huwag na huwag kayong papasok sa
kwartong ito para mag-ingay."

Tumango na lang ang sampung nandoon.


"Lahat ng kailangan nyo ay nandito na. Hindi nyo na kailangang bumaba pa sa bayan.
Inimbitahan kayong lahat dito, kaya wag kayong mag-alala." Ngumit ang matanda pero
nakakakilabot ang ngiti nya. Parang may malamim na ibigsabihin. Yung ngiti na hindi
nagbabago ang ekpresyon ng mga mata nya.

"Speaking of that. We just wanna know kung sinong organizer ng reunion? And bakit
kami lang yung nandito?" tanong

ni Cole.

"Bakit? May kulang pa ba sa inyo?" Tiningnan isa-isa ng matanda ang mga nakatayo
sa kanyang harapan. "Labing isa naman kayo ah."

Kinilabutan ang lahat at nagkatinginan sila. Lalong napakapit si Madeline kay


Phoemela. Lumingon naman ang lahat sa kanilang likuran at binilang ang kanilang mga
sarili.

"You're kidding manang. Sampu lang kami. We're 11 including you." Paliwanag ni
Cooper.

"Hindi." Muli ngumiti ng nakakakilabot ang matanda at tumalikod ito. "Magpahinga


na kayo at maghahanda na ako ng hapunan. Mabagal maglakad ang matanda pababa ng
hagdanan at parang hindi gumagalaw ang mga balikat nito kapag naglalakad.

"Joker si manang, balak pa tayong takutin. Imagine, eleven daw tayo." Nagpapatawa
si Peterson pero seryoso ang mukha ng mga kausap nya. "Guys, chill. Masyado kayong
nerbyoso." Pagpapatuloy nya habang tumatawa.

***********************************************************************************

A/N

Napahaba ata 'tong nagawa ko. Hindi ko na po masyadong nacheck yan so kung may mga
errors please let me know para maayos ko. And constructive criticisms are very much
welcome. Tatanggapin ko po yan ng maluwag sa puso para sa ikakaganda ng story. :)

And patience lang po, kalimitan ng 1st chapter ay wala pang thrill. So please
please abangan pa po ang mga susunod na mangyayari. :)

You are encouraged to vote and comment :). Thanks for reading SUMPA. Abangan ang
susunod na mangyayari. :)
*MelaBrio*

=================

2: RETREAT HOUSE

2: RETREAT HOUSE

Nakapili na ng room ang sampung dumating sa retreat house. Magkasama sa kwarto ang
mga girls na sina Cole, Quinn, Lindsey, Madeline, Katarina at Phoemela. Sa katapat
na kwarto ang mga boys.

Tahimik na nag-aayos ng gamit ang mga girls sa kanilang kwarto.

"Madami namang rooms dito sa bahay. So bakit meron pa tayong kasamang hindi
belong?" pagpaparinig ni Katarina.

"Kung ako lang yung tatanungin magsosolo na lang kami ng kwarto ni Blake kesa
makasama ko yung bitter na inggitera." Pagsagot naman ni Lindsey.
"Tumigil na nga kayo. Para kayong mga bata." Pag-awat ni Phoemela. Sumilip sya sa
bintana. Kita mula sa bintanang yun ang malaking pool ng bahay at mga cottages sa
tabihan nun. Wala na syang ibang makita mula sa labas ng bakod kundi mga puno.
Kukuhanan nya ng picture ang malaking pool ng may makita syang isang babae na
nakatayo sa tabihan ng pool. Para makasigurado sya zinoom nya ang kanyang DLSR.
Isang babae na nakaputi yung nakatayo. Inalis nya yung mata sa camera na hawak-
hawak nya at muling tiningnan yung babaeng

nakatayo.

"Girls." Mahina nyang sabi habang nakatingin pa din sa babae. Nakatungo lang ang
babae na parang tinitingnan ang sariling reflection sa pool.

Tiningnan ulit ni Phoemela ang babae gamit ang kanyang camera. Zinoom nya ang
camera para mas makita ang babae pero dahil nakatungo sya hindi nya makita ang
mukha nito.

"Katarina." Mahinang tawag nya habang nakatingin pa din sa babae.

Magsasalita pa lang sya ulit ng biglang tumingin ang babae sa kanya. Gulat na
gulat si Phoemela dahil kitang-kita nya ang mukha ng babae. Sa sobrang gulat ay
nabitawan nya ang sariling camera, mabuti na lang at nakasabit ito sa leeg nya.

Nilapitan nya sina Katarina at hinigit papalapit sa bintana upang ituro ang
babaeng nasa pool.

"Bilisan mo. Tingnan mo yung babae dun sa⎼" biglang nawala ang babae na ilang
minuto din nyang tinitingnan mula sa itaas.

"Phoemela, are you okay?" tanong ni Katarina. "Tumingin sya sa ibaba. "Tingnan ko
ang alin?"

"May babae kasing nakaputi dun sa tabihan ng pool. Nakita ko sya gamit 'tong cam."
Pautal-utal na paliwanag ni Phoemela.

"You're just tired. Come on, maupo ka muna." Inalalayan sya ni Katarina sa mini
sala set sa kanilang room para maupo.

Tulala pa din si Phoemela sa nakita. "Hindi kaya sya yung pang-eleven na sinasabi
ni manang kanina?" tanong nito.

Napabangon naman bigla ang nakahigang si Madeline. "I told you, I have a bad
feeling about this house. This is too big for all of us."
"Shut up! Hindi ka nakakatulong." Pananaway ni Katarina.

"Pakiramdam ko nga madami talaga tayo dito sa bahay. Hindi ko naman kasi nakikita
kaya hindi din ako sigurado." Biglang nagsalita si Quinn na nakaupo sa higaan
habang nag-aayos ng kanilang gamit ang kapatid nyang si Cole.

Napatigil naman sila sa narinig mula kay Quinn. Nagkatingnan lang sila at hindi
alam kung anong magiging reaksyon.

"Mga paranoid. Pwede ba, modern time na. Naniniwala pa din ba kayo sa mga multo-
multo?" Sabad ni Lindsey habang nagbibihis. Naghubad sya sa harapan ng mga kasama
nya sa room para magpalit ng damit.

"My gosh Lindsey, mahiya ka naman. May CR oh. Pwede dun magbihis!" naiinis na sabi
ni Katarina.

"Arte mo! Pare-pareho naman tayong babae dito no kaya walang problema kung dito
ako magbihis." Pinagpatuloy nya ang pagbibihis at hindi inintindi ang sinabi ni
Katarina.
Bago pa mas tumindi ang tension sa kwarto ay kumatok na si Blake at sinusundo ang
kanyang girlfriend.

"Babe, maglibot tayo." Patuloy pa din ang pagkatok nya sa room ng mga girls.

"Coming babe." Inihagis na lang nya sa sahig ang pinaghubarang damit. "See you
later girls. Wag nyo kaming hanapin, okay?" lumabas na sya ng room.

"Hindi ako makapaniwalang may kasama tayong slut." Tumayo si Katarina at kinnuha
ang pouch nya. "Sh*t! I left my

phone."

Papalabas sya ng room ng nagtanong si Madeline. "Where are you going?"

"Siguro sa bayan to buy a new phone. Gosh Mads, you're so unbelievable." Lumabas
na ng room si Katarina.

"Sungit, parang concern lang naman ako sa kanya." Nahiga ulit si Madeline at
nagtalakbong.
Humiga din si Phoemela sa sofa at nakinig na lang ng music. Nagpalit naman muna ng
damit sina Cole at Quinn.

Habang may kanya-kanyang ginagawa ang mga tao sa itaas, lumabas ng bahay si
Katarina para kunin ang cellphone nya na naiwan sa kanyang kotse. Medyo madilim na
sa labas dahil gabi na din.

Nakarating na si Katarina sa loob ng kanyang kotse pero hindi nya agad nakita ang
cellphone nya. Kinapa nya pa ang ilalim ng mga upuan. Habang busy sya sa pagkapa ng
cellphone ay biglang umuga ang kanyang kotse.

"Who's there?" Sumilip sya sa labas saglit pero wala naman syang makita kaya
nagmadali syang hanapin yung cellphone nya. "Got ya!" bulong nya sa sarili ng
makapa ang cellphone.

Pababa na sana sya ng car ng mapatingin sya sa kanyang

side mirror at nakakita sya ng babaeng nakatayo. Tumingin sya agad sa likuran pero
wala naman syang nakita. "Who the hell was that?" Nagmadali syang bumaba ng kotse
para bumalik sa itaas.

Habang nagmamadali syang papasok ng bahay biglang sumulpot si Cooper at napasigaw


sya sa gulat.
"You can't resist my appeal kaya until now nagugulat ka pa din." Pang-aasar ni
Cooper.

"Talagang sinubukan mo pa kong takutin? Well sorry, hindi effective." Tinulak nya
si Cooper. "Get out of my way!" At umakyat na sya sa itaas.

Habang pabalik sya sa kwarto ay napadaan sya sa ipinagbabawal na kwarto. Dahan-


dahan nyang idinikit ang tenga sa pintuan ng kwarto. Bigla syang may narinig na
kalabog at napalayo sya sa pintuan. Idinikit nya ulit ang tenga sa pintuan ng
dahan-dahan. Kahit kinakabahan sya ay ginawa pa din nya dahil nacu-curious sya kung
bakit bawal pasukin ang room na iyon.

Ilang saglit pa ay nakarinig sya ng ungol ng isang babae. Naalala nya ang babaeng
nakita nya sa side mirror nya. Dahil

mas gusto nyang marinig ng malinaw ang ungol na iyon ay inilapat na nya ang tenga
sa pintuan.

May mga kaluskos pa syang naririnig na lalong nagpabilis ng tibok ng puso nya. Ang
ungol ng babae ay kakaiba parang nasasaktan na hindi nya maipaliwanag. Dahil gusto
nyang makita kung anong mayroon sa loob ng kwartong iyon, dahan-dahan nyang
hinawakan ang door knob.
Nagbuntong hininga lang sya at lumunok bago tuluyang buksan ang pinto. "Kaya ko
'to."

Binigla nya ang pagbukas ng pinto at itinulak nya para mas mabilis nyang makita
ang loob nito. Nagulat sya sa kanyang nakita at hindi nya inaasahan. Nakahubad sina
Blake at Lindsey at nasa sahig na sila. Dahil masyadong busy sa milagrong ginagawa
eh hindi na nila napansing nakikita na sila ni Katarina.

"At dito nyo pa talaga ginawa yan?" nung nagsalita sya tsaka lang napansin ng
dalawa na nanonood pala sya.

"What the f***, Katarina!" Naiinis na sabi ni Blake na nasa loob ng kwarto kasama
si Lindsey.

"There's this thing called knocking!" dismayadong sabi ni Lindsey. Tumayo sya
kahit walang suot na kahit ano para isara lang ang pintuan. "You can go now." At
isinara nya ang pinto.

Inis na inis si Katarina dahil akala nya ay gawa ng multo ang mga kaluskos at
ungol na kanyang narinig. Bumalik na sya sa kwarto nila na inis na inis. Malakas
nyang isinara ang pintuan ng kwarto nila at nagdadabog.
"Balak pa atang gumawa ng porn dito sa bahay. Mga hindi na nahiya." Inihagis nya
ang pouch sa higaan sa sobrang inis nya.

"Anong problema?" tanong ni Quinn na nagising ata sa ginawang ingay ni Katarina.

"Yung sinabi ni manang na kwarto na bawal pasukin para mag-ingay, aba ginawang
motel nila Lindsey! Imagine, natakot pa ako dahil akala ko may multo na sa loob.
Makita-kita ko yung dalawa nagpapakasarap lang pala." Naghubad sya ng sandals at
humiga sa kama.

"What? Bakit dun pa nila napiling gawin yun?" nagulat na tanong ni Cole na
nakaidlip din pala.

"Maybe because that's the least place na pupuntahan natin. Para walang makaistorbo
sa kanila. Galing talaga." Napansin ni Katarina na wala si Madeline. Bumangon sya
para tingnan si Phoemela na nakatulog na sa sofa. "Cole, where's Mads?"

"Magsa-shower

lang daw sya dyan sa katabing shower room para malapit dito sa'tin. Ayaw nya daw sa
baba." Sagot ni Cole. Bumangon na sya at nag-ayos ng sarili para makapagdinner na.
Naalala ni Katarina yung babaeng nakita nya sa side mirror. Nilapitan nya si
Phoemela na natutulog sa sofa. "Phoem, Phoem wake up." Tinanggal nya ang earphone
sa tenga ni Phoemela.

"Phoem, I think nakita ko din yung babaeng sinasabi mo," bulong nya sa tenga ni
Phoemela.

Dumilat agad si Phoemela dahil sa narinig kay Katarina. "Saan?"

"Dun sa baba. But I'm not sure kung yun din yung nakita mo. Mabilis lang kasi,
paglingon ko wala na sya."

Hindi pa man sila nakakatapos mag-usap biglang may kumatok sa pintuan. Nagulat
naman silang dalawa dahil ang lakas ng katok na tatlong magkakasunod. Tumahimik sa
kwarto at nag-iintay sila ng magbubukas ng pintuan.

"Nakahanda na ang hapunan, pwede na kayong bumaba." Ang matandang babae pala ang
kumakatok mula sa labas.

Nakahinga naman sila ng maluwag. Binuksan naman ni Cole ang pintuan. "Sige po
susunod na⎼" pero pagbukas nya ay wala na dun ang matanda.
Sumilip sya sa kaliwa at kanan ng silid para tingnan ang matanda pero wala syang
nakita.

"Cole, anong problema." Tanong ni Quinn.

"Ang bilis naman mawala ni manang. Di ba mabagal maglakad yun?" Pagtatakang tanong
ni Cole.

"Baka naman pumasok sya sa isa sa mga rooms dyan. Praning ka na din. Mabuti pa
bumaba na tayo agad." Sabi ni Katarina na unang lumabas ng kwarto kasama si
Phoemela.

Inalalayan naman ni Cole ang kapatid at sabay din silang lumabas ng kwarto.

Kakalabas lang nila Blake at Lindsey sa kwarto ng pababa ng hagdanan sina


Katarina. Nagtatawanan ang dalawa habang nakatingin kay Katarina.

Nasa dining room na ang lahat para magdinner except from Madeline na nagsa-shower
pa. Hindi din naman napansin ng iba

na wala pa si Madeline.
Kumakanta-kanta pa sa shower room si Madeline. May sabon ang mukha nya ng biglang
nawalan ng tubig ang shower. "May oras pa ata ang supply ng tubig dito." Bulong nya
sa sarili habang kinakapa ang pihitan ng shower. "Nagbabago ata ang pihitan dito
kapag nawawalan ng tubig." Hindi nya alam na hindi pihitan ng shower ang kanyang
nahawakan kundi isang kamay.

Nagulat na lang sya ng hinawakan sya ng kamay na at nagulat naman sya kaya't
mabilis nyang inalis ang kanyang kamay mula sa inaakala nyang pihitan ng shower.

Lumabas na ulit ang tubig mula sa shower at nakapagbanlaw na sya ng mukha. Mabilis
syang tumingin sa paligid dahil kinikilabutan sya. And hindi nya alam may isang
kamay na papalapit sa kanyang balikat. Parang nakikita nyang may gumagalaw mula sa
kanyang likuran kaya mabilis syang lumingon.

Nagmadali syang nagbihis dahil sa takot. Papalabas na sya ng shower room ng


biglang kumurap ang ilaw.

"Takot po ako kaya wag nyo na po akong takutin." Hinawakan nya agad ang door knob
ng pintuan para buksan ito. Pero nagulat sya ng hindi nya 'to mabuksan.

"Naka-lock? Pero paanong?" Kinatok nya ang pintuan dahil nagbabakasakali syang
marinig ng mga kasama. "Katarina, nandito ako! Buksan nyo 'to."
Habang nag-iingay si Madeline biglang namatay ang ilaw at wala na syang makita.
Lalo naman syang natakot at mas lalo nyang nilakasan ang pagkatakok sa pintuan.

"Phoemela, Katarina. Nandito ako! Tulungan nyo 'ko!" Naiyak na si Madeline sa


sobrang takot.

A /N

Ano kayang mangyayari kay Madeline? Hmmmmm. Abangan sa susunod na chapter ng SUMPA.
Please don't forget to vote and sorry po kung may mga typos. :)

Hope masuportahan nyo ang story ko na 'to til the end. :)


Thanks sa lahat ng bumabasa. :)

*MelaBrio*

=================

3: ONE BY ONE

Pakiplay nung music habang nagbabasa. Para mas maganda. ^_^

3: ONE BY ONE

Nasa loob pa din ng shower room si Madeline at kinakatok pa din nya yung pintuan.
Nanginginig na sya sa takot at kung anu-ano na ang kanyang naiisip.
Naramdaman nya na parang may malamig na hangin nananggagaling sa kanyang likuran
kaya't sandali syang tumigil sa pagsigaw at pagkatok sa pintuan. Tumingin sya sa
kanyang likuran. Wala syang masyadong makita dahil may kadiliman nga sa loob. Ilang
sandali pa ay may isang puting bagay ang mabilis na dumaan sa kanyang harapan.

"Sinong nandyan?" Nanginginig na sya at hindi na nya mapigilan ang pagpatak ng


kanyang mga luha.

Ikaw. Ikaw. Susunod. Susunod ka na. Ikaw. Ikaw. Paulit-ulit na naririnig ang
mahinang bulong ng babae ang mga salitang iyon na nanggagaling sa bawat sulok ng
shower room.

"Para mo ng awa, wag ako." Papalakas ng papalakas ang salita ng babae na lalong
nagpatakot sa kanya. Nagtatakip na

sya ng tenga para hindi nya marinig.

"Tama na! Tama na!" Dahan-dahan syang napaupo sa sahig habang nakatakip ang
kanyang mga kamay sa kanyang tenga. Lumalamig din ang paligid at pakiramdam nya ay
hindi lang sya ang tao sa shower room. Iyak lang sya ng iyak at hindi na nya alam
ang gagawin.

Hindi nagtagal ay nawala ang boses ng babae. Tila nahimasmasan si Madeline at


tumingin sa paligid. Nagmadali syang tumayo upang buksan ang pintuan at nabuksan
naman nya iyon. Pagkabukas na pagkabukas nya ng pintuan ay ang matandang babae ang
sumambulat sa kanya na naging dahilan ng kanyang pagsigaw.
"Nakita mo ba sila?" sabi ng matanda na nakatingin sa likuran ni Madeline. Mabagal
at nakakakilabot ang tinig ng matanda.

"Ano pong sinasabi nyo?" tanong ni Madeline na puro luha ang mga mata.

Ngumiti lang ang matanda at hindi agad sumagot. Sobrang maputla ang itsura ng
matandang babae. Tuyo ang mga labi nito na nagtutuklap-tuklap. Malalim din ang
kanyang mga mata na parang hindi na natutulog.

"Mukhang kailangan nyo na pong magpahinga manang." Tumalikod si Madeline at


iniwanan ang matanda upang pumunta sa

kanilang silid.

"Isasama ko kayo sa pagpapahinga ko," sagot ng matanda. Natigilan si Madeline sa


narinig at nilingon ang matanda. Hindi ito gumagalaw at nakaharap pa din sa shower
room. Hindi kumukurap ang mga mata nito at parang may kinakausap pa sa loob ng
shower room. Nagmadali sa paglalakad si Madeline hanggang makarating sya sa
kanilang kwarto.

Humarap sya sa salamin upang magsuklay. Napansin nyang namumutla na din sya.
"Madeline, guni-guni lang ang lahat. Huwag kang matakot." Tutuyuin na sana nya ang
kanyang buhok ng biglang may narinig na naman syang boses ng isang babae.

Ikaw na. Ikaw na. Halika na. Halika na. Mahinang bulong ang kanyang naririnig na
parang nasa malapit lamang ang boses na iyon sa kanya. Tumingin sya sa loob ng
kwarto.

"Katarina? Phoemela, kayo ba yan?" tanong nya habang natingin sya sa loob ng
kwarto. Walang sumagot sa kanya at bigla din namang nawala ang boses na naririnig
nya.

"Guni-guni lang talaga yun." Muli ay humarap si Madeline sa salamin. Laking takot
nya ng may nakita syang babae sa

salamin. Nakatayo ito sa sulok ng kanilang kwarto. Hindi nya alam ang gagawin at
hindi sya makagalaw. Mahigpit na ang pagkakahawak nya sa suklay na parang mababali
ito. Hindi nya alam ang gagawin kaya't naisipan nyang magdasal.

Pumikit sya para hindi makita ang babae at tsaka sya nagdasal. "Hail Mary, full of
grace. Our Lord is with you. Blessed are you among women, and blessed is the fruit
of thy womb Jesus."

Dumilat sya sandali para tingnan kung nawala na ang babae. Ngunit pagdilat nya
nakita nyang papalapit ang babae sa kanya. Sa sobrang takot ay ipinagpatuloy nya
ang pagdadasal at muli syang pumikit. "Holy Mary, Mother of God, pray for us
sinners, now and the hour of our death."

Paulit-ulit lang dinasal ni Madeline ang Hail Mary habang nakapikit. Ang babaeng
kanyang nakita ay unti-unting lumalapit sa kanya ng hindi nya namamalayan.
Bumibilis ang tibok ng puso nya at hindi sya makagalaw. Inilakas nya ang pagdarasal
para matabunan ang takot na kanyang nararamdaman.

Ikinagulat ni Madeline na parang hindi lang sya ang nagdarasal sa kwartong iyon.
May isa pang boses ng babae syang kasabay sa pagdarasal. Para makita kung sino ang
kasabay nyang iyon ay dumilat sya. Pagmulat na pagmulat ng kanyang mga mata nakita
nya sa salamin na katabi na ng mukha nya ang mukha ng babaeng nakita nya.

Ang mukha ng babae ay duguan at nagdarasal kasabay nya. Napatigil si Madeline at


hindi alam ang gagawin.

Sige pa, Madeline. Bulong ng babae sa kanya. Hindi napigilan ni Madeline ang
sumigaw dahil natakot sya ng banggitin ng multo ang kanyang pangalan. Ang
pakiramdam nya ay malakas na ang kanyang pagsigaw kahit ang totoo ay wala namang
nalabas na boses sa kanya. Ilang saglit pa ay nahimatay ito at bumagsak sa sahig.

Nagsasaya ang lahat sa ibaba habang naghahapunan. Walang nakakaalam kung anong
nangyari kay Madeline. Pero hindi mapakali si Katarina at palingon-lingon ito sa
may hagdanan at tinitingnan kung pababa na ang kaibigan.
"Katarina, are you okay?" tanong ni Cole dahil napansin nyang hindi mapakali si
Katarina.

"I'm fine. Hindi lang ako mapalagay." Naglagay sya ng pagkain sa plato dapat ni
Madeline. "Dadalhan ko na lang si Madz ng pagkain. Baka kasi nagtatampo yun."
Tumayo sya upang iakyat ang pagkain ng kaibigan.

"Sasamahan na kita Katz!" Sumunod na din si Phoemela sa kanya. Nagdala pa sya ng


apple at inumin.

Dumiretso sila sa kwarto at agad hinanap si Madeline. Ibinaba ni Katarina at


Phoemela ang dala-dala nilang pagkain sa table.

"Hindi pa ba sya tapos maligo?" tanong ni Phoemela.

Lumabas si Katarina at pinuntahan ang shower room na pinagliguan ni Madeline.


Sinubukan nyang buksan ang pintuan pero nakalock ito kaya kumatok na lang sya.
"Hoy Madeline! Ilang taon mo balak magshower? Wag ka na mag-inarte, pwede?" Sermon
ni Katarina. "Madeline nandyan ka pa ba?" Tanong nya ulit.

"Sandali na lang." sagot ng boses ni Madeline mula sa loob ng shower room.

"Bilisan mo. Yung pagkain mo nandun na sa kwarto." Dugtong ni Katarina. "Tara na


Phoem." Naunang umalis si Katarina at naiwan pang nakatayo si Phoemela sa harapan
ng pinto.

"Phoem, I said let's go!" ulit ni Katarina na naiinis na. Agad namang sumunod si
Phoemela na parang balisa.

"Katz, iba yung pakiramdam ko eh⎼" hindi pa man tapos magsalita si Phoemela ng
biglang may narinig silang kalabog

galing sa ipinagbabawal na silid. "Ano yun?" tanong ulit ng dalaga.

"Malamang sila Blake na naman yan." Naunang bumaba si Katarina pero nakita nya
sina Blake sa dining room na nagtatawanan. Tumingin sya kay Phoemela na nasa
likuran nya.

"Why?" tanong ni Phoemela.


Umakyat ulit si Katarina at pumunta sa harapan ng ipinagbabawal na kwarto.

"Bakit ba Katz?" Pag-uusisa ulit ni Phoemela. "Di ba sabi mo sina Blake ulit ang
nandyan?"

"Nasa baba sina Blake, Phoem." Dahan-dahang hinawakan ni Katarina ang door knob ng
pintuan at itinulak nya ito para bumukas. "Nakalock na." Itinulak nya ulit ang
pintuan. "Siguro isinara na 'to ni manang." Binitawan nya ang door knob at
tumalikod. "Bumalik na tayo sa baba."

Hindi pa man sila nakakalayo ay may narinig ulit silang kalabog mula sa loob.
Napatigil silang dalawa at nagkapit ng kamay. "Katarina, hindi ko gusto 'to. Mabuti
pa hintayin na natin si Madeline. For sure natatakot na din yun mag-isa."

"Mabuti pa nga." Bumalik ang dalawa sa shower room na magkahawak ang kamay. Nagulat
sila pagdating dun na bukas na ang pintuan. "Nakita mo ba syang lumabas?" tanong ni
Katarina.

"Hi - hindi. Makikita naman natin kung lumabas sya." Humigpit ang kapit ni
Phoemela sa braso ni Katarina na papasok sa loob ng shower room.
Papasok na sana sila sa shower room ng biglang sumara ang pintuan. Sa sobrang
takot ay nanakbo silang dalawa at mabilis na bumaba sa hagdanan. Papunta na sila sa
dining room ng marinig ni Katarina ang boses ni Madeline.

"Tulungan nyo ko." Boses ni Madeline na tila nahihirapan. Napatigil naman agad si
Katarina sa narinig. Napatingin sya sa ipinagbabawal na kwarto at nakita nyang
bukas na ang pintuan.

"Phoem, tawagin mo silang lahat. Bilisan mo." Hindi kumukurap si Katarina habang
nakatingin sa pintuan. Nagmadali namang tumakbo si Phoemela upang tawagin ang mga
kasamang nasa dining room.

Nang papalapit na ang mga kasama sa kanya dahan-dahan na syang umakyat ng hagdanan
na hindi napapawi ang tingin sa pintuan ng kwarto. Medyo nakabukas ang pintuan
kaya't kita nya ang nasa loob.

"Huwag!" boses ulit ni Madeline ang narinig

nya. Nakita nya sa puwang ng pintuan ang kaibigang nasa sahig.

"Madeline." Nagmadali syang pumasok upang tulungan ang kaibigan. Nakita naman nya
ang babaeng nasa paanan ni Madeline at napaatras sya. Ngumiti lang ang babae at
biglang nawala. Hindi agad nakagalaw si Katarina dahil hindi nya alam kung ano yung
nakita nyang babae. Babaeng nakaputi at nakalutang. Duguan ang mukha at matigas ang
buhok.

Hindi pa din sya gumagalaw kung hindi pa nya ulit narinig ang boses ng kaibigan.

"Katarina." Mahinang tawag ni Madeline na nanghihina.

Tila nahimasmasan naman si Katarina at agad nilapitan ang kaibigang nakahiga sa


sahig. "Madeline, ayos ka lang ba?" Inangat nya ang ulo ng kaibigan at tinulungang
makaupo.

Naramdaman ni Katarina na basa ang ulo ni Madeline pero hindi dahil sa kanyang
basang buhok. Tinanggal nya ang kamay sa pagkakahawak sa ulo ng kaibigan at
tumambad sa kanya ang madaming dugo.

"Phoemela, tulong!" Nagpapanic si Katarina at hindi alam ang gagawin. Agad namang
pumasok si Cooper sa kwarto at

binuhat si Madeline.

Duguan ang damit ni Madeline na may mga gasgas din sa braso. Ang tenga din nya ay
may dugong lumalabas sa tenga.
Nagmadaling tumakbo si Katarina sa kanilang kwarto para kunin ang susi ng kanyang
kotse. Napatigil sya saglit at napatingin sa pagkain na nakapatong sa table.
Lumabas na din sya at sumunod sya agad kina Cooper sa baba.

"Sa kotse ko. Ipasok nyo sya sa kotse ko." Sabi ni Katarina. Pumasok na din si
Katarina sa kotse at inistart na 'to. Muli ay napatingin sya sa side mirror at
nakita na naman nya ang babae. Nagmadali syang bumaba para tingnan ito. Tumingin
sya sa likod ng kotse, sa kaliwa at sa kanan.

"Katz, what are you doing? Kailangan nating dalhin si Madeline sa ospital." Sabi
ni Phoemela.

Pero hindi mapakali si Katarina kaya kahit sa ilalim ng kotse ay sumilip sya pero
iba ang kanyang nakita. "Holy crap!" sigaw nya. Tumayo sya at tumingin kay Cooper.
"Flat ako! Kotse mo na lang ang gamitin natin."

"Hindi din natin magagamit yung kotse," sabi ni Perry.

"What do you mean?" Lumapit agad si Cooper at tiningnan ang kotse. "What the......
pa'no tumagas ang gas ko? Damn!" Sinipa nya ang gulong ng kotse nya.
"Katarina! Si Madeline nasuka ng dugo!" sigaw ni Phoemela mula sa loob ng kotse ni
Katarina.

Nagpapanic na ang lahat at hindi na alam ang gagawin. Pumasok si Katarina sa loob
para tingnan si Madeline. "Madz, konting tiis lang." Lumabas sya ulit at hinanap si
Cole.

"Nasan si Cole? Yung kotse na lang nya." Nakita nila na papalabas pa lang ng bahay
sila Cole kasama si Quinn. Sinalubong naman agad sya ni Katarina.

"Nasan yung susi ng kotse mo? Nasan? Si Madeline, kailangan nyang madala sa
ospital." Dire-diretso na si Katarina magsalita.

"Yun nga yung pinagtataka ko. Nandun lang yun sa table sa kwarto. Pero pagbalik ko
wala dun yung susi at puro nagkalat na pagkain na lang yung nandun." Paliwanag ni
Cole.

Nagulat si Katarina sa narinig at naalala nya ang itsura ng kwarto nung kinuha nya
ang susi ng kotse nya. "Pero imposible.

Nakaayos pa ang pagkain nung umalis ako. Paanong?" Parang may naisip na ideya si
Katarina. Binalikan nya sina Phoemela sa kotse.
"Ipasok na ulit natin si Madeline. Hindi natin sya madadala sa ospital." Kinarga
ulit ni Cooper si Madeline sa papasok ng bahay.

"Blake, Lindsey, hanapin nyo si manang. Kailangan natin ng tulong. Subukan nyo
ding maghanap ng signal." Utos ni Katarina.

"Sino ka para utusan kami." Pagrereklamo ni Lindsey. "Ikaw na lang ang gumawa kung
gusto mo."

"Mga walang kwenta!" naiinis na bulong ni Katarina. Inihiga nila sa sofa sa sala
si Madeline at hindi alam ang gagawin.

Pagpasok na pagpasok nilang lahat sa loob ng bahay biglang humangin ng malakas.


Sumara ang lahat ng pintuan at bintana at sabay-sabay na tumunog ang mga orasan sa
bahay.

A/N
Sana po umabot ng kahit 500 reads ang story na 'to kahit 3 chapters palang. And
sana po wag na wag nyong kalimutang magvote at magcomment.

Abangan kung ano ang mangyayari sa kanila sa susunod na chapter. Katapusan na ba


nilang lahat o babala lang ito sa kanila. Huwag palagpasin ang susunod na chapter.

Maraming salamat po sa pagsuport sa first ever suspense thriller na story ko.


Thanks a lot. You can also check out my other stories. :)

*MelaBrio*

=================

4: THE FIRST ONE

Please play the music while reading the story. Thanks. :)

4: THE FIRST ONE


Ilang sandali pa ay sumigaw si Madeline. Tinatakpan nya ang kanyang tenga.
Bumangon ito at nanakbo papunta sa itaas na parang may humahabol.

"Huwag kang lalapit. Huwag mo kong lalapitan para mo ng awa. Huwag." Tila may
kausap si Madeline.

May nakikita syang isang babae na papalapit sa kanya. Nakayuko ito at natatakpan
ng kanyang matitigas na buhok ang kanyang mukha at kumakanta ito ng

"Magtago ka na. Dahil mahahanap kita. Saan ka man magpunta,magiging akin ka!"

"Hindi. Hindi mo ko makukuha!" Napaupo si Madeline sa tagiliran ng hagdanan at


iyak sya ng iyak. "Ayoko na. Tumigil ka na." Parang hirap na hirap na si Madeline
sa tono ng kanyang pagsasalita.

Nagtataka ang lahat sa nangyayari sa kanya. Wala naman silang naririnig o nakikita
na kinakausap ni Madeline.
"Madeline anong problema?" sigaw ni Katarina na dahan-dahang umaakyat sa hagdanan
para lapitan ang kaibigan.

Tumingin si Madeline sa kaibigan na nanlilisik ang mga mata. "Huwag kang lalapit!"
sigaw nito kay Katarina na parang nag-iiba na yung boses.

"Anong nangyayari Cole?" tanong ni Quinn habang nakakapit sa kapatid at naririnig


lang ang boses ni Madeline.

Sigaw ng sigaw si Madeline at hindi nila maintindihan ang dahilan. Lahat sila ay
nakatingin lamang sa kanya.

Naglakas loob lumapit si Katarina sa kanya at hinawakan sya sa balikat.

"Madeline! Madeline tumigil ka na!" mahigpit ang pagkakahawak nito sa balikat ng


kaibigan ngunit parang walang naririnig si Madeline at patuloy pa din ang kanyang
pagsigaw.

"Sinabi kong tumigil ka na!!!" sinampal ng malakas ni Katarina ang kaibigan.


Parang nagulat naman si Madeline at tumigil ito sa pagsigaw. Lumingon ito sa
paligid at tsaka muling humarap kay Katarina.

"Katarina." Umiiyak nitong

sabi sabay yakap sa kaibigan. "Natatakot ako. Umalis na tayo dito." Patuloy lang
sya sa pag-iyak habang hinahaplos ng kaibigan ang kanyang likuran.

"Wag ka ng matakot. Nandito lang kami Madz." Inalalayan nyang tumayo ang kaibigan.
"Ikwento mo sa'min ang lahat."

Parang may trauma pa din si Madeline. Kakaiba ang tingin nya sa mga kasama nyang
nandun na takot na takot din.

"Magpahinga na muna tayong lahat. Bukas na bukas din aalis na tayo dito.
Magsibalik na tayo sa mga kwarto natin." Utos ni Katarina na mahigpit ang pag-
alalay sa kaibigan.

Ang lahat naman ay sumunod sa sinabi nya. Bakas sa mukha ng lahat ang pagkabalisa
matapos masaksihan ang biglaang pagsara ng mga pintuan. Unang pumasok sa kwarto
sina Katarina at Madeline at inihiga na nya agad ang kaibigan.

"Gusto mo bang kumain? Ikukuha kita ng pagkain." Patalikod na si Katarina ng


hinawakan sya ni Madeline.

"Stay here, wag kang aalis." Nanghihina yung boses nya at parang wala na syang
lakas. Namumutla na din sya na parang naubusan ng

dugo.

Ang lahat ng babae ay nasa kwarto na. Napansin ni Cole na wala dun ang mga
pagkaing nagkalat sa sahig. Naisip na lang nya na nilinis iyon ng matanda.

Umupo si Katarina at Phoemela sa tabihan ni Madeline at nililinisan nila ito.

"Madz, ano ba kasi talagang nangyari? Paano ka nakarating dun sa kabilang room?
Tsaka bakit puro gasgas ka?" Pag-uusisang tanong ni Phoemela.

Dumilat si Madeline at tumingin sa kisame. Pinipilit nyang alalahanin ang lahat.


"Biglang namatay yung ilaw sa shower room. Tapos may bumubulong sa tenga ko."
Dahan-dahan ng nangingilid ang kanyang mga luha.

"Pagpasok ko dito sa kwarto may nakita kong babae - " bigla syang napaupo at
tumingin sa salamin. "Dyan, dyan ko sya nakita. Ilayo nyo sa'kin ang salamin na
yan." Parang nagwawala na naman sya at hindi mapakali.
Minabuti ni Lindsey na takpan ng towel ang salamin para tumigil na si Madeline.
"Ang OA huh, parang salamin lang. Kung takot ka sa sarili mo, eh di wag kang
humarap sa salamin." Humiga na lang sya sa sofa.

"Lindsey!" pagpigil

ni Cole.

"What? Ako na naman ba ang mali dito?" Nagtalakbong na lang sya at tumalikod sa
kanilang lahat. "Bahala na nga kayo dyan."

Kumalma si Madeline ng takpan ang salamin at humiga sya ulit at nagpatuloy sa


pagku-kwento. "Pagmulat ko na lang katabi ko na sya." Humawak sya ng mahigpit kay
Katarina. "Nahimatay ako sandali. Pero - " at hindi na nga nya napigilang
humagulgol sa pag-iyak. "Pagdilat ko, kinakaladkad na lang ako nung babae papunta
sa kabilang kwarto." At hindi na nga nya napigilang umiyak.

Nagkatinginan sina Phoemela at Katarina. Hindi nila alam kung maniniwala sila sa
kaibigan. Nilinisan na lang ni Phoemela ang sugat ni Madeline sa ulo.

"Magpahinga ka na. Bukas kapag napalitan yung wheel ko, dadalhin ka naming sa
ospital." Kinumutan nya ang kaibigan.
Mabilis nakatulog si Madeline. Naaawa naman ang kanyang mga kasama na nandun sa
kwarto.

Tahimik ang lahat ng biglang nagsalita si Quinn. "Naniniwala ako kay Madeline na
may iba pa tayong kasama dito. Hindi ko man sila nakikita, pero malakas ang
pakiramdam ko. Merong hindi normal sa bahay

na 'to."

Niyakap naman agad sya ng kapatid na si Cole. "Shhhhh. Wag na nating takutin ang
mga sarili natin. Matulog na tayo." Inihiga na nya ang kapatid at kinumutan ito.

"Mabuti pa magpahinga na muna tayo. Bukas na lang natin 'to ayusin. Baka pagod
lang tayong lahat sa byahe kaya kung anu-anong naiimagine natin." Sabi ni Cole sa
kanyang mga kasama at pinatay na nya ang fluorescent lamp sa kanyang tabihan.

Pinagitnaan nila Katarina at Phoemela ang kaibigang si Madeline. "Natatakot ako


Katz, baka bukas hindi lang si Madz ang ganyan. Baka lahat tayo. At sino yung
sinasabi nyang SYA?" Nanginginig yung boses nya at naluluha ang kanyang mga mata.

"Ano ka ba naman Phoem, tumanda ka na ng ganyan naniniwala ka pa din sa mga multo


multo? Matulog na tayo." Humiga na din si Katarina at nagtalakbong ng kumot.
Pinatay na din ni Phoemela ang lamp sa kanyang tabihan.
Madilim na sa loob ng kwarto ng mga babae. Tanging ang ingay ng aircon lamang ang
maririnig. Habang lumalalim ang gabi may hindi kanais-nais na ingay naman ang
nanggagaling sa labas. Pero dahil pagod ang lahat, walang masyadong nakapansin
nito, maliban kay Cole na mababaw ang tulog.

"Ano ba 'tong mga lalaking 'to, hindi pa nagsisitulog." Umupo sya at napatingin sa
ibaba ng pintuan. Sa maliit na puwang ng pintuan nakakita sya ng aninong dumadaan.
Hindi naman sya natakot dahil iniisip nyang may gising pa sa kabilang kwarto. "Ang
titigas talaga ng mga ulo."

Bumangon sya para sabihan ang mga lalaki sa kabilang kwarto. Pagbukas nya ng
pintuan ay wala namang tao dun. Kumatok sya sa kwarto ng mga lalaki. "Guys, pwede
bawas-bawasan ang pag-iingay."

Biglang may malakas na kalabog syang narinig na parang nahulog na malaking bagay
at napaatras sya sa gulat. "What the..." Inis na inis sya dahil parang mas lalo pa
syang ginagalit ng mga lalaki. Kaya't binuksan nya ang pintuan para pagalitan ang
mga ito.

"Hindi ba talaga kayo - " natigilan si Cole ng makitang tulog ang mga lalaking
nasa kwarto. Dahil sa takot ay nagmadali nyang isinara ang pintuan para bumalik sa
kanilang kwarto. Ngunit pagtalikod na pagtalikod nya ay biglang sumulpot ang
matandang babae sa kanyang likuran.
"My gosh manang, para ka namang kabuti." Gulat na gulat na sabi ni Cole na
nakahawak pa sa kanyang dibdib.

Walang reaksyon na nanggaling sa matanda. Humarap lang ito sa kaliwa at tsaka


naglakad papalayo kay Cole.

"Good night manang." Papasok na ng kwarto si Cole ng mapansin nyang tumigil ang
matanda sa harapan ng ipinagbabawal na silid. Humarap ito sa may hagdanan. "Manang
ano pong gagawin nyo?" Kinakabahan si Cole sa kung anong gagawin ng matanda kaya't
dahan-dahan nya itong nilapitan.

Sumilip ang matanda sa ibaba. Mula sa kanyang kinatatayuan ay medyo may kataasan
din. "Manang matulog na po kayo," mahinang bulong ni Cole.

Tumingin si Cole sa baba, nakita nya ang isang table na may matulis na lagayan ng
kandila sa ibabaw nito. "San galing yan? Parang wala naman yan dyan kanina." Muli
tumingin sya sa matandang walang imik.

Saglit humarap ang matanda sa kanya at ngumiti na nagpakilabot sa buong katawan ng


dalaga. Hindi pa man nakakakurap si Cole ay nagpakahulog ang matanda sa ibaba.
Bumagsak sya sa lamesa at natusok ng lagayan ng kandila. Kitang-kita ni Cole ang
pagbagsak ng matanda. Napatakip sya sa kanyang bibig at pigil na pigil ang kanyang
pag-iyak.
Nangingisay-ngisay pa ang katawan nito habang bumubulwak ang dugo sa kanyang
bibig. Tagusan ang matulis

na lagayan ng kandilsa sa kanyang tiyan. Tila napalipit din ang ulo nito at ang
buong lamesa ay nabalutan ng dugo.

"Panaginip lang 'to" bulong nya sa kanyang sarili habang titig na titig sa
nangingisay at naghihingalong katawan ng matanda.

Ilang saglit pa ay tumigil na sa paggalaw ang matanda, pumikit na ito at tila


binawian na ito ng buhay na nabukas pa ang bibig. Naglakad si Cole papunta sa tapat
ng matanda kung saan ito nagpakahulog. Habang tinitingnan nya ito ay bigla itong
dumilat at itunuro sya. Napaatras si Cole at mabilis nanakbo pabalik sa kanilang
kwarto. Umakyat agad sya sa kanyang higaan at nagtalakbong ng makapal na kumot.
Inisip nyang panaginip lang ang lahat hanggang sya ay makatulog.

Kinaumagahan nahuling gumising si Cole. Ginising lang sya ni Katarina. Pagmulat


nya ng mata sina Katarina, Phoemela, Quinn at Lindsey agad ang nakita nya. "Good
morning. Bakit nandyan kayong lahat?"

Malulungkot ang mukha nilang apat at hindi pa sila nakakapagsalita. Bumangon sya
na parang walang nangyari. Napansin nyang umiiyak na si Phoemela. Nagpunta naman sa
may bintana si Lindsey.
"Anong nangyayari dito?" Nagtatakang tanong ni Cole.

"Tumawag na ako ng tulong. Hindi muna nila ipinagagalaw ang katawan ng kaibigan
nyo." Boses ng matanda galing sa likuran nila Katarina at Phoemela.

Laking gulat ni Cole ng makita na ang matandang nakita nya ay buhay at nagsasalita
pa. Ngunit hindi nya mapigilang sumigaw.

"Ahhhhhhhhhhhh!" yumakap ito kay Quinn. Naisip nyang panaginip lang ang lahat kaya
kumalma sya. Tama, panaginip lang ang lahat, sabi nya sa kanyang isip.

"May problema ba?" tanong ni Quinn.

Dahan-dahang tumingin si Cole sa matanda habang sariwa pa din ang kanyang ang
nasaksihan noong gabi.

"Bakit parang namumutla ka iha? May problema ba?" tanong ng matanda.


"Anong plano nyo? Magku-kwentuhan habang ang bangkay ng kasama namin eh
nakahandusay dun sa baba?" naghi- hysterical na si Lindsey. "Wala ka bang gagawin,
ha Katarina kundi umiyak?"

Biglag kinabahan si Cole sa narinig. "Bangkay? Bangkay nino?" Humarap sya kay
Katarina na tuloy-tuloy ang patak ng

luha. "Sinong namatay? Sabihin nyo sa'kin?" Tumingin sya kay Phoemela na hindi na
maawat na paghagulgol.

Tumingin si Cole sa paligid. Napansin nyang wala si Madeline. "Nasan si Madeline?


Anong nangyari sa kanya?" Nagpapanic na sya at mas lalong kinakabahan. Niyayakap na
lang sya ng kapatid na si Quinn na umiiyak na din.

"Nakita na lang nilang nakahandusay ang katawan ni Madeline sa lamesa sa baba at


wala ng buhay." Paliwanag nya sa kapatid.

Agad syang bumangon at lumabas ng kwarto. "Gusto kong makita. Nasan si Madeline."
Una nyang nakita ang mga lalaki sa may hagdanan na ayaw bumaba. Mabilis syang
lumapit sa mga ito ngunit pinigilan agad sya ni Perry.

"Wag na Cole. Hindi mo magugustuhan ang makikita mo." Pagpigil nito sa dalaga
habang hawak-hawak nya ito sa dalawang braso.
"Bitawan mo 'ko. Gusto kong makita si Madeline. Nagbibiro lang kayo di ba?"
Nagpupumiglas sya at gustong kumawala sa pagkakahawak ni Perry. "Perry, please."
Tinitigan nya si Perry sa mata habang pumapatak ang mga luha sa kanyang mga mata.

Dahan-dahan syang binitawan ni Perry. Lumakad sya papalapit kay Cooper. "Nasan
sya?" tanong nito. Itinuro ni Cooper

ang katawan ni Madeline sa ibaba at agad namang tumingin si Cole.

Laking gulat nya na ang posisyon ng matandang nakita nyang nahulog ay katulad na
katulad din ng posisyon ng pagkamatay ni Madeline. Dilat ito na nakanganga, parang
nabali ang kanyang ulo, butas ang tyan dahil sa lagayan ng kandila at nagkalat ang
dugo sa mesa. Napayakap sya kay Cooper dahil sa nakita at umiyak sya ng umiyak.

"Paano nangyari 'to?" tanong nya habang umiiyak.

"Hindi ba dapat ikaw ang tanungin naming, Cole?" Tanong ni Katarina na tumigil na
sa pag-iyak.

Nagulat si Cole sa tanong na narinig kaya't agad itong napatingin sa kasama.


"Bakit ako?"
Ang lahat ay nakatingin sa kanya na parang inaakusahan sya sa nangyari kay
Madeline. Napatingin sya sa matanda na nasa may tapat ng pintuan ng kanilang silid.
Ngumiti ito na parang may nakakatakot na ibig sabihin.

"Hindi - " Lumapit sya kay Quinn. "Hindi ko maintindihan, anong nangyayari?"

A/N

Hanggang dito muna. Sana magbigay naman po kayo ng feedback. :) Maraming salamat
pos a pagbabasa ng SUMPA. Abangan kung bakit si Cole ang tinatanong ng lahat
tungkol sa pagkamatay ni Madeline.

Please don't forget to vote. Marami pong salamat.

*MelaBrio*
=================

5: BABAE SA SHOWER ROOM

Please play the video while reading the story.. Thanks.. :)

5: BABAE SA SHOWER ROOM

Papalapit si Katarina kay Cole pero pinipigilan sya ni Phoemela. "Katz."

"It's okay." Sabi ni Katarina at lumapit ito kay Cole. "I don't know kung
coincidence lang lahat o pinlano mo talaga." Sa tono pa lang nya parang may hindi
talaga magandang ginawa si Cole.

"I don't understand. Tell me what's going on." Tumingin si Cole sa kanilang lahat
na parang humihingi ng tulong.
"May balak ka ba talagang masama kay Madeline kaya ayaw mo syang madala sa
hospital?" Papalapit ng papalapit si Katarina kay Cole at galit na galit sya dito.

"What? I already told you na nawala yung susi ng kotse ko di ba?" Tumingin sya kay
Phoemela. "What the hell is wrong with your friend?" This time bumitaw sya kay
Quinn at nagkaron ng lakas ng loob para sagutin lahat ng sinasabi ni Katarina.

Lumapit na din si Phoemela sa kanila at inabot ang susi ng kotse ni Cole. "We
found this kanina habang nagmamadali

kang lumabas ng room. Nahulog mo."

Gulat na gulat naman si Cole dahil alam nya talaga sa sarili nya na nawawala ang
susi ng kotse nya. "Hindi ko alam paano nangyari 'to, but I swear hindi ko tinago
yan."

Walang imik ang mga kasama nya at parang hindi sila makapaniwala sa mga sinasabi
ni Cole. Dahil parang wala na syang kakampi humawak ulit sya sa braso ng kapatid
nya. Pero dahan-dahang tinanggal ni Quinn ang pagkakahawak ng kapatid sa kanya.

"Quinn." Malungkot na sabi ni Cole habang pumapatak ang luha. "Wala akong pakialam
sa mga iisipin nila, Quinn. Ang importante sa'kin yung iisipin mo. Wag ka namang
maniwala sa kanila." At tuluyan na nga syang naiyak dahil mismong kapatid nya ay
parang hindi naniniwala sa kanya.
"Naramdaman ko kagabi na bumangon ka. Tapos nakarinig ako ng ingay, parang
hinihigit na mabigat na bagay. Tapos naramdaman ko na may isa pang lumabas hanggang
sa may narinig akong malakas na tunog na parang mabigat na bagay na bumagsak. Tapos
nagmamadali kang bumalik sa kwarto at nagtalakbong ng kumot." Paliwanag ni Quinn na
hindi na din napigilan ang pag-iyak.

Masakit para sa kanya na pagbintangan ang kapatid, pero kung madaming bagay ang
magpapatunay na sya nga ang may kasalanan

ay wala na syang magagawa. Nilapitan ni Phoemela si Quinn at kinomfort sya habang


naiyak.

"Gusto nyo bang malaman ang totoo? Kung anong nakita ko?" Nilapitan nya ang
matanda sa kanilang likuran at hinigit papalapit sa harapan ni Katarina. "Sya, sya
ang may kasalanan ng lahat! Tanungin nyo sya!"

"Sumosobra ka na Cole. Pati matanda pinapatulan mo na." Nainis si Lindsey dahil sa


walang awang paghigit ni Cole sa matanda.

"Ako pa ang walang awa?" Nagpunas sya ng luha bago muling nagsalita. "Nakarinig
ako ng mga ingay kagabi kaya ako bumangon. Akala ko -" tumingin sya kina Cooper, "
- akala ko galing sa room ng mga lalaki yung ingay pero hindi pala. Then I saw this
old lady. Wala syang imik, naglakad lang sya at -" muli ay hindi na nya napigilang
umiyak. "At nagpakahulog sya. Hindi ko alam kung paano nagkaron ng table dyan at
hindi ko alam kung bakit si Madeline ang namatay hindi sya."
"You're unbelievable! Hindi ikaw ang kapatid na kilala ko. Please, kung sino ka
man, ibalik mo na ang kapatid ko." Hindi na mapawi ang pag-iyak ni Quinn dahil sa
mga narinig mula sa kapatid.

Hinawakan nya ang matanda sa kanyang mga balikat. "Patay ka na. Kitang-kita kong
ikaw ang namatay at hindi si Madeline.

Anong ginawa mo sa kanya? Paano ka nabuhay?" Humigpit ang hawak ni Cole sa matanda
at nasasaktan na 'to.

Inawat naman agad ni Peterson si Cole mula sa pagkakahawak sa matanda na hindi na


din napigilang umiyak. "Cole sumosobra ka na!"

Pumagitna na din naman si Katarina para hindi na masaktan ni Cole ang matanda.
"Manang are you okay?"

Parang naghi-hysterical na din si Cole dahil sa mga nangyayari at dahil sariwa pa


din sa kanyang isipan ang nakita nya kagabi. Hindi na din nakatiis si Katarina kaya
sinampal na nya si Cole.

Natigilan naman si Cole dahil sa malakas na sampal na ibinigay sa kanya ni


Katarina. Tumigil na din sya sa paghi-hysterical.
"Nakita ko ang buong pangyayari." Umiiyak na sabi ng matanda.

Gulat na gulat naman ang lahat sa narinig. Tumahimik silang lahat para makinig sa
gustong sabihin ng matanda.

"Hindi na sana ako magsasalita, pero hindi kaya ng konsenya ko." Parang
mahihimatay ang matanda sa pag-iyak.

Kumuha naman ng upuan si Perry at pinaupo nya ang matanda. Hinahaplos naman ni
Katarina ang likod nito para makapagsalita pa sya.

"Kagabi nakarinig ako ng ingay kaya bumangon ako. Tahimik naman sa mga kwarto nyo
kaya naisipan kong sumilip sa baba. Nakita ko sya -" muli ay umiyak ang matanda. "
- nakita ko sya. Itinutulak nya yung malaking lamesa. Yun yung ingay na naririnig
ko. Sya ang nag-ayos ng lamesa dun."

Nagkakatinginan ang lahat at nakakaramdam ng takot sa kinu-kwento ng matanda. Wala


ni isa sa kanila ang makapagsalita dahil inaabangan lahat nila ang mga gustong
sabihin nito.

"Nang makita ko syang papaakyat ng hagdanan nagmadali akong nagtago dun sa CR na


katabi ng kwarto nyo. Nakita ko syang hawak-hawak sa ulo si Madeline at tinatakpan
nya ang bibig nito habang kinakaladkad. Gusto ko syang pigilan pero hindi nya ako
pinansin." Muli ay umiyak ang matanda na parang nahihirapang huminga.

"Manang are you alright?" pag-aalalang tanong ni Katarina.

Pero nagpatuloy pa din sya sa pagku-kwento kahit parang nahihirapan na syang


magsalita.

"Nilapitan ko sya. Dun ko napansing may matulis na lagayan ng kandila sa mesa.


Pero tiningnan nya lang ako at ngumiti sya. At - at pagkatapos nun - at pagkatapos
nun - inihulog nya ang walang kalaban-laban na si Madeline. I - nihu - log nya!"
Patuloy sa pag-iyak ang matanda ngunit wala syang binabanggit na pangalan sa
kanyang kwento.

"Sino ba sya manang? Kasama ba natin sya dito?" tanong ni Cooper.

Tumango lang ang matanda. Ang lahat ay natakot ng malamang isa sa kanila ang
pumatay kay Madeline.

"Sino po? Sino pong may gawa nun kay Madz?" tanong ni Quinn na sabik malaman kung
inosente nga ang kanyang kapatid.

Tiningnan ng matanda isa-isa ang lahat ng mga nandun. Pulang-pula ang kanyang mga
ata at putlang-putla.

"Walang iba kundi ikaw - " at sinugod nya si Cole. "Ikaw Cole ang pumatay.
Mamamatay tao ka. Kriminal ka!" Parang nag-iba ang boses ang matanda at
pinagkakalmot nya si Cole.

Wala namang magawa si Cole at hindi sya makaiwas sa pananakit

ng matanda. Sinasangga nya lang ang mga kalmot nito kaya't nagdugo na ang kanyang
mga braso.

Inawat ni Blake ang matanda at inilayo naman ni Cooper si Cole. Iyak ng iyak si
Cole at hindi na inintindi ang hapdi ng mga kalmot sa kanya ng matanda.

"Hindi totoo yan. Nakita ko ang nakita ko. Hindi totoo yan." Paulit-ulit na
sinasabi ni Cole na hindi totoo ang sinasabi ng matanda.

"Ang lahat ng kwento mo ay gawa-gawa mo lang sa isipan mo. Ang kwentong gusto mong
paniwalaan namin. Dahil paulit-ulit mo syang pinag-aralan para hindi ka magkamali,
hindi mo na alam kung alin ang totoo at alin ang hindi." Dugtong ng matanda na
kumalma na ang boses.

Nagulat si Cole sa narinig mula sa matanda. "Hindi. Katotohanan lang ang sinasabi
ko. Hindi yun imbento lang." Nilapitan nya isa-isa ang mga kasama para kumbinsihin
na wala talaga syang kasalanan. Pero ni isa sa kanila walang tumingin sa kanya ng
diretso.

Pagtapat nya kay Katarina ay may pinakita itong butones. "Alam mo ba kung kaninong
butones 'to?" tanong ni Katarina.

Napatingin naman agad si Cole sa blouse na suot-suot nya. Nawawala ang isang
butones at malamang na ang hawak ni Katarina

ang nawawalang iyon. Hindi naman sya agad nakasagot dahil hindi nya alam kung paano
natanggal ang butones na iyon.

"Nakita namin 'to sa kamay ni Madeline. Kung hindi ikaw ang may gawa nun sa kanya,
paano mo ipapaliwanag 'to? Paano?" Sigaw ni Katarina na hindi na din nakapagpigil
ng emosyon.

"May nagset-up sa'kin. Pero wala akong alam, wala akong dahilan para gawin yun kay
Madeline." Patuloy pa din ang pagdedepensa ni Cole sa kanyang sarili.
Pinaninindigan pa din nya na wala talaga syang ginagawa.
"Walang motibo? O baka naman dahil hindi mo pa rin nakalimutan yung ginawa sa'yo
ni Madeline?" Sabad ni Phoemela na umiiyak na din dahil sa tindi ng nangyayari sa
kanila.

"Kinalimutan ko na yun. Utang ko pa nga kay Madeline ang lahat kung bakit hindi na
ko nerd ngayon." Pagpapaliwanag nya.

"Pero hindi ba first love mo yung inagaw nya? Sigurado ka bang wala kang itinanim
na galit?" pang-aasar ni Lindsey na kahit takot na takot na ay hindi pa din
umiiyak.

Biglang natigilan si Cole. Unti-unting bumalik sa kanya ang alaala ng nakaraan.


Kung paano inagaw ni Madeline ang first

love at first boyfriend nyang si Johannes. Tulala sya habang naalala ang eksena
nakita nya sa araw ng anniversary nila ng kanyang boyfriend. Kitang-kita ng dalawa
nyang mata kung paano naglalandian si Madeline at Johannes sa kotse. Hot and
popular si Madeline noon samantalang sya ay opposite. Very conservative sya with
braces at makapal na eyeglasses. Naramdaman nya ulit ang sakit na naramdaman nya
noon.

"Hindi pa rin sapat na dahilan yun para pumatay ako ng tao." Mahinahon nyang sabi.

"Tingin mo ba maniniwala pa kami sa'yo?"


"Dapat kang makulong."

"Masama ka!"

Hindi na nya alam kung saan at sino ang nagsasalita. Hindi na sya makapag-isip ng
ayos. Biglang pumasok sa isip nya ang kinwento ng matanda tungkol sa pagpatay nya
kay Madeline. Hindi na nya alam kung alin ang totoo. Hindi nya alam kung sya ba
talaga ang may kagagawan ng lahat.

Nakikita nya ang sarili na inaayos ang mesa at kinakaladkad si Madeline. Pero
nakikita din nya na ang matanda ang nalaglag

sa mesa at hindi si Madeline. May mga boses pa syang naririnig na inaakusahan sya.
Ang tingin nya sa kanyang mga kasama ay matatalim ang pagtitig sa kanya. Umiikot
ang kanyang paningin habang tinitingnan nya ang mga kasamang nandun.

Habang kung anu-ano ang kanyang naririnig at tinitingnan nya ang kanyang mga
kasama ay napansin nyang may isang babaeng nakaputi ang nasa likuran ni Perry na
lalong nagpatakot sa kanya.

Nagtakip sya ng tenga pero parang naririnig pa din nya ang pangungutya. "Tama na!
Tama na! Wala akong kasalanan. Wala akong pinapatay!" Paulit-ulit pa ding naglalaro
sa isipan nya ang pagkalaglag ng matanda at pangingisay nito pati na rin ang
pagkaladkad nya kay Madeline.
Muli ay tumingin sya sa paligid at napansin nyang wala na sa likod ni Perry ang
babaeng nakaputi. Paikot-ikot sya para hanapin kung nasaan ang babae, laking gulat
nya ng makita ang babaeng papaakyat ng hagdanan. Nakakarinig sya ng kakaibang tawa
na galing sa hindi pamilyar na boses.

Wala ng may gusto sa'yo, kaya mabuti pa maglaro na lang tayo. Kumakantang boses ng
babae ang kanyang naririnig na paulit-ulit sinasabi ang mga salitang ito.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!" Para na syang nababaliw, wala

na syang ibang naririnig kundi ang kanta ng babae. Nakikita nyang kinakausap sya ng
kanyang mga kasama pero hindi nya ito naririnig.

"Cole! Cole! Enough Cole! Enough!" Paulit-ulit na tinatawag ni Quinn ang kapatid
pero wala syang naririnig. Pinagsasampal na din sya ni Katarina pero hindi pa din
sya tumitigil sa pagsigaw at pag-iyak kaya minabuti na ni Peterson na sikmuraan sya
ng hindi ganun kalakas. Nawalan naman ng malay si Cole dahil sa ginawa ni Peterson.

Ikinulong muna nila si Cole sa separate na kwarto hanggang hindi pa nadating ang
mga pulis. Ilang sandali lang ay nagkamalay na sya. Dun nya lang naramdaman ang
sakit ng kanyang katawan. Masakit ang kanyang mga pisngi at sikmura lalo na ang mga
sugat nya sa braso na kinalmot ng matanda. Nang mapansin nyang mag-isa lang sya sa
kwarto ay agad naman syang nagpanic. Hinanap nya agad ang pintuan at sinubukan
itong buksan.
"Quinn! Katarina! Palabasin nyo ako dito." Kinakatok nya ang pintuan pero walang
sumasagot sa kanya. "Buksan nyo 'tong pintuan para nyo ng awa!" Nanghihina na ang
boses nya dahil na din sa mga sugat at sakit ng katawan nya.

Tumigil na sya sa pagkatok at umupo na lang sya sa tagiliran ng kama. Tinatakpan


nya ang kanyang tenga dahil natatakot

syang marinig na naman ang boses ng babaeng kumakanta na nakakatakot ang boses.

Maya-maya ay nakarinig sya ng tubig. Parang shower na nakabukas. Napansin nyang


bukas ang ilaw sa CR. Tumayo sya para silipin kung sinong nasa loob.

Dahan-dahan syang naglakad papalapit sa pintuan ng CR. Bukas na ang pintuan kaya
hindi na sya mahihirapang sumilip ito. Bukas ang shower at may nakita syang babaeng
nagsa-shower. Nakatalikod ito at nagkukuskos ng katawan. Pinagmamasdan nya lang ang
babae.

Patuloy pa din ang pagkuskos ng babae sa kanyang katawan. Humarap pa ito sa may
pintuan at yumuko para basain ang kanyang likuran. Walang suot ang babae at lantad
na lantad ang hubad na katawan nito kay Cole. Patuloy pa din ang pagkuskos at
paghaplos nito sa kanyang katawan.

Abalang-abala si Cole sa panonood sa babae at bahagya nyang nakalimutan ang takot


na kanyang nararamdaman. Bahagya syang pumasok sa loob ng shower room para mas
makita ang babae. Napatigil ang babae sa ginagawa at napansin ang pagpasok ni Cole.
Humarap ito sa kanya at ngumiti. Ngumiti din naman si Cole sa kanya na hindi
napansin na hindi nya kilala ang babaeng nasa kanyang harapan. Nilapitan sya ng
babae at hinawakan sya sa kanyang kamay.

Ilang sandali pa ay hinalikan na sya ng babae sa kanyang tenga na tila nagustuhan


naman ni Cole. Napahawak naman si Cole sa ulo ng babae habang hinahalikan na sya sa
leeg. Hindi alam ni Cole ang nararamdaman pero parang gusto nya ang nangyayari sa
kanya sa mga oras na iyon. Patuloy pa din ang paghalik ng babae sa kanya at hindi
na nakatiis si Cole, hinaplos na nya ang babae sa likod at sa dibdib. Hindi
nagtagal ay napansin nyang parang may malagkit syang nahahawakan, tiningnan nya ang
kanyang kamay at nakita nyang puro dugo ito. Hinawakan nya ang buhok ng babae at
unti-unti itong natatanggal.

Biglang nakaramdam ng pagkatakot si Cole. Nang maramdaman ng babae na natatakot na


si Cole ay bigla itong humarap sa kanya. Laking takot ni Cole ng makita na ang
babaeng humahalik sa kanya ay si Madeline na duguan at nagtutuklapan ang balat na
parang naaagnas.

"Masarap ba Cole?" tanong ng babae na tawa ng tawa.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!" sigaw ni Cole habang


patuloy lang sa pagtawa ang babae.

*************************************************************
A/N

Ooops. Hanggang dito muna. Maraming salamat sa pagbasa ng SUMPA. Kahit ito yung
unang horror|thriller na story ko ever eh sinusuportahan nyo pa din. Don't forget
to vote and comment po huh.

Kung okay naman po sa inyo ang story ko na 'to pwede nyo din po akong ifan.
Hihi. :) Magiging Masaya po ako nun. Hihi..

Tutok lang po sa mga susunod na mangyayari. Wag po kayong magsasawa..

*MelaBrio*

=================

6: LINDSEY!

Please play the video while reading the story.. Thanks.. :)


6: LINDSEY!

Nagulat ang lahat sa pagsigaw ni Cole mula sa kwartong pinagkulungan sa kanya.


Nagpanic naman ang girls at agad pinuntahan si Cole. Nadatnan nilang nakapadlock
ang pintuan.

"Sh*t nakalock! Sinong nagtatago ng susi nito?" tanong ni Katarina habang


nakatingin sa kanilang lahat. Pero kahit isa sa kanila ay walang sumagot.

"Si manang? Nasan si manang?" pagpapatuloy ni Katarina. Umalis sina Cooper para
hanapin ang matanda.

Kumatok ng kumatok sa pintuan sina Katarina at Phoemela para masiguradong nasa


loob pa si Cole. "Cole! Cole! Okay ka lang ba dyan?" tanong ni Phoemela.

"My gosh! Masyado kayong OA! Gumagawa lang ng paraan yang si Cole para mapalabas
sa kwarto. Nagpapaawa lang yan. Kung ako sa inyo, babalik na lang ako sa kwarto,"
pahayag ni Lindsey. Tumalikod sya at bumalik na sa kanilang kwarto.
"Anong nangyayari sa kapatid ko?" umiiyak na tanong ni Quinn habang kinakapa ang
daanan papalapit kina Katarina.

"Okay lang ba sya?" pagpapatuloy nito.

Dali-dali namang bumalik si Cooper at tila gulat na gulat. "Guys, tumingin kayo sa
baba." Hinihingal nyang sabi sa mga kasama.

Nagtinginan sandali silang lahat at tsaka sila sumilip sa ibaba. Gulat na gulat
silang lahat sa nakita. Malinis ang mesa at walang kahit anong bahid ng dugo.

"Nasaan ang katawan ni Madeline?" tanong ni Perry.

Nagmadaling bumaba si Katarina para mas makita ang pinagbagsakan ng katawan ni


Madeline. Sumilip sya sa ilalim ng mesa. Tumingin sya sa dining room at sa may
labas pero walang kahit anong bakas ni Madeline. Hindi sya mapakali at parang
balisang-balisa sya.

"We need to find her body. Anong ipapakita natin sa family nya." Humarap si
Katarina sa kanyang mga kasama. "May narinig o napansin ba kayong mga pulis kanina
or what?"
"That's impossible. Sasaglit lang tayong nawala. Kung may dumating man dito,
magiinvestigate muna sila and for sure tatanungin nila tayo isa-isa." Sagot ni
Peterson na gulat na gulat din sa nakita.

"Nakita ko 'tong susi na

nakasabit dyan sa lagayan ng kandila sa mesa," inabot ni Cooper ang susi kay
Katarina.

Kahit parang naguguluhan si Katarina sa mga nangyayari ay nagmadali syang umakyat


para buksan ang kwarto kung saan nakakulong si Cole.

"Cole!" itinulak nya agad ang pintuan at hinanap agad ang kasama. Nakita nyang
walang tao sa higaan kaya tiningnan nya ang buong kwarto. "Cole, where are you?"
muling tanong ni Katarina.

Pumasok din naman ang iba pa nilang kasama sa loob para hanapin si Cole. Binuksan
ni Phoemela ang ilaw sa CR at pumasok sya dito. "Cole," mahina nitong sabi. Nakita
nyang walang tao sa loob kaya't tumalikod na din naman sya ng bigla bumukas ang
shower na ikinagulat naman ni Phoemela. Agad din naman nyang pinatay ang shower at
lumabas ng CR.

"Nakita mo ba?" tanong ni Katarina na nagwoworry ang itsura at parang natataranta.


"Wala, wala sya sa CR." Sagot ni Phoemela habang nagpupunas ng kamay.

"May mali dito. Paano sya makakalabas kung nakapadlock ang mga pintuan." Tanong ni
Cooper habang tinitingan ang buong

loob ng kwarto pati na din ang kisame.

Nabalot ng sandaling katahimikan ang buong paligid habang nag-iisip silang lahat.

"Hindi kaya si Cole ang nagtago ng katawan ni Madeline?" tanong ni Peterson.

Nagtinginan sina Katarina at Phoemela. "Pero narinig namin syang sumigaw. At isa
pa, sobrang bilis naman nya para malinis at maitago ang katawan ni Madeline habang
nakakulong sya dito," paliwanag ni Katarina.

"That's possible. Kung may kasabwat si Cole madali para sa kanyang gawin yun."
Sagot ni Perry.
"Pero sino? Magkakasama tayong lahat kaya sinong tutulong sa kanya?" tanong ni
Phoemela.

"Hanapin natin ang kapatid ko. Hindi maganda yung pakiramdam ko. Parang may hindi
magandang nangyayari sa kanya." Umiiyak na sabi ni Quinn habang nakatayo lang sa
may pintuan ng kwarto.

Agad naman syang nilapitan nila Katarina at Phoemela para icomfort. "Don't worry
Quinn, we'll find your sister,"

mahinahong sabi ni Katarina at niyakap ang kasama.

Habang yakap-yakap ni Katarina si Quinn ay bigla syang may nakitang babaeng


mabilis na dumaan sa may pintuan. "Cole?" agad nyang tinanggal ang pagkakayap kay
Quinn at agad tumingin sa labas. Tumingin sya sa kaliwa at kanan dahil
nagbabakasali syang makikita ang babae.

"Katarina, bakit? Nakita mo na ba ang kapatid ko?" tanong ni Quinn.

"May nakita kasi akong babaeng dumaan. Sobrang bilis lang kaya hindi ko nakita
kung si Cole nga," paliwanag ni Katarina na parang biglang nabalot ng pagkatakot.
Nagkatinginan silang magkakasama at parang nabasa nila ang isip ng bawat isa.

"Hindi kaya may kasama pa tayong iba dito na hindi natin alam? Yung invited din sa
event at gusto lang tayong takutin?" umupo si Phoemela sa kama at nag-isip habang
papatak na ang luha nya. "What if planado lahat 'to? What if may masama talaga
silang plano sa'tin? Natatakot na 'ko." Yumuko sya at napaiyak na lang dahil hindi
na nya mapigilan ang takot na nararamdaman.

Nilapitan naman sya ni Peterson at hinawakan sya sa balikat. "Huwag kang matakot.
Madami naman tayo. And be positive,

baka isa lang 'to sa surprise na inihanda para sa'tin," mahinahong sabi ni
Peterson.

Habang naguusap-usap ang lahat sa silid na yun ay nag-iisa naman sa kanilang


kwarto si Lindsey habang nakikinig ng music. Nakahiga sya sa kama at nakapikit na
kumakanta-kanya pa ng bigla syang may naramdamang malamig na humawak sa kanyang
paa.

Nagulat naman sya kaya agad syang dumilat at umupo. "Sinong nandyan? Blake baby,
is that you?" Sumilip sya sa may pintuan dahil nakabukas naman iyon pero wala syang
ibang nakita.

Bumalik sya sa paghiga at sa pakikinig ng music. Ilang sandali lang ay biglang


nagbago ang narinig nya. Nawala ang kanyang kanyang pinapakinggan kaya chineck nya
ang phone nya kung anong problema.
Habang namimili sya ng song ay kusang naglilipat-lipat ang mga kantang naririnig
nya. "May problem na ata 'tong cellphone ko." Ni-refresh nya yung lists para maayos
at nagtagumpay naman sya.

Bumalik sa pagkakapikit si Lindsey. But after a minute biglang nawala ang


pinapakinggan nyang kanta at napalitan ng boses ng babae.

Magtago ka na. Dahil mahahanap kita. Saan ka man magpunta, susunod ka na.

Paulit-ulit naririnig ni Lindsey ang boses ng babae na kinakanta ang mga salitang
ito. Papalakas ng papalakas na parang hindi na nanggagaling sa cellphone. Nagulat
naman sya kaya tinanggal nya agad ang earphones sa kanyang tenga. Pero naririnig pa
din nya ang boses ng babae kaya pinatay na nya ang cellphone. Maya-maya ay nawala
ang boses ng babae.

"Paranoid ka lang Lindsey. Relax." Humiga si Lindsey at pinipilit ikalma ang


sarili. Nagulat na lang sya ng bigla na lang tumunog ang cellphone nya. "Sh*t! Sira
na talaga 'tong phone ko." Habang inooff na nya ang cellphone ay narinig nya ulit
ang boses ng babaeng kumakanta.

Magtago ka na. Dahil mahahanap kita. Saan ka man magpunta, susunod ka na.
"Don't f*ck with me guys! I'm not scared!" sigaw nito sa pag-aakalang tinatakot
lang sya ng isa sa mga kasama nya. Pero hindi pa din tumigil ang bosaes na
naririnig nya. Nakaramdam na din naman sya ng takot kaya minabuti na nyang dumapa
at magtakip ng tenga.

Magtago ka na. Dahil mahahanap kita. Saan ka man magpunta, susunod ka na.

Papalapit ang papalapit ang boses na naririnig nya. Hindi na sya makatiis kaya't
bumangon na sya para sana sawayin kung sino man ang nananakot sa kanya. Laking
gulat nya pagharap nya ay nakita nyang nakatayo si Cole sa tabihan ng kama.

"What the f*ck, Cole! You scared me to death!" gulat na gulat talaga sya. Napansin
nyang tulala si Cole at walang reaksyon. Namumutla din ito an gang lalim ng mga
mata na halos itim na ang kulay.

"Where have you been? Kanina ka pa nila hinahanap." Tumayo sya at hinawakan sya sa
kamay. "Mabuti pa magpakita ka na sa kanila." Biglang napabitaw si Lindsey sa
pagkakahawak kay Cole. "Sobrang lamig mo. Saan ka ba talaga galing?" Nauutal nyang
sabi.

Bigla na lang umiyak si Cole. Kitang-kita ni Lindsey na dugo ang lumalabas sa


kanyang mga mata.

"Oh my God! Cole what's happening to you?" nag-aalalang tanong ni Lindsey na hindi
alam ang gagawin. "Guys, Cole is here!" sigaw nya mula sa kwarto at
nagbabakasakaling marinig sya ng mga kasama nya. Pero biglang nanakbo si Cole
papalabas ng kwarto.

"Cole, wait! Where are you going?" sigaw ni Lindsey. Mabilis naman nyang sinundan
si Cole at hindi na nya sinubukang

puntahan ang mga kasama dahil baka mawala na naman si Cole.

Nanakbo si Cole sa dulo ng hallway at pumasok sa isang pintuan. Sinilip ni Lindsey


kung ano ang nasa loob ng pintuan at nakita nyang mayroong hagdanan pataas.

"May daan pa pala dito? Siguro papunta 'tong attic," bulong nya sa sarili.
Nagdadalawang isip pa syang pumasok. Ngunit ng marinig nya ang iyak ni Cole ay
umakyat na din sya agad.

Pagdating nya sa itaas parang isang malaking kwarto lang din naman ang itsura. May
isang malaking bintanang salamin sa gitna. "Attic nga 'to ng bahay," muling bulong
nya sa kanyang sarili.
Dahan-dahan syang sumilip sa bintana. Nakita nya ang pool mula dun at napansin
nyang nangalahati ang tubig nito. "Sinong nagde-drain ng pool?" bulong nya sa
sarili.

Sobrang napakataas ng attic na yun mula sa ibaba. Dahil nakaramdam sya ng takot ay
napaatras sya sandali. Malulain kasi si Lindsey at may fear of height sya.

Sa pagatras nya naramdaman nyang napadikit sya sa isang tao kaya't mabilis syang
humarap dito sa pag-aakalang si Cole iyon. "Cole." Nanlaki ang mata ni Lindsey sa
nakita.

Isang babae na nakayuko at nakaputi ang nasandalan nya. Matitigas ang buhok nito at
may mga dugo din sa damit. "Sino ka? Nasaan si Cole?" nanginginig na tanong ni
Lindsey.

Nakita na kita, kaya't sa akin ka na.

Paulit-ulit na kinakanta ng babae ang mga salitang ito na mas lalong nagpatakot
kay Lindsey. Dahan-dahan namang iniaangat ng babae ang kanyang ulo mula sa
pagkakatungo.
"Stay where you are. Huwag kang lalapit." Naiiyak na sabi ni Lindsey.

Nakita na kita, kaya't sa akin ka na.

Nagiging nakakatakot na ang pagkanta ng babae at mas lumalakas ang boses nito.
Hindi naman alam ni Lindsey ang gagawin.

Dahan-dahan namang humakbang ang babae papalapit kay Lindsey at ipinakita na nito
ang kanyang mukha na lumuluha ng dugo at nanlilisik ang mata habang kumakanta ng
Nakita na kita, kaya't sa akin ka na.

Umaatras naman si Lindsey habang papalapit sa kanya ang babae hanggang pasandal na
sya sa bintana. Napatingin

sya sa ibaba at nakita nya kung gaano kataas ang kinalalagyan nya. Muli ay humarap
sya sa babae. "Please, please wag kang lalapit."

Tumigil ang babae sa harapan ni Lindsey at huminto din ito sa pagkanta. Ilang
sandali lang at ibinuka ng babae ang kanyang bibig at lumikha ng isang matinis na
tunog. Hindi matagalan ni Lindey ang tunog kaya't nagtakip sya ng tenga. Ilang
sandali pa ay naramdaman nyang dumugo na ang kanyang tenga.

"Enough!" sigaw nito sa babae. Huminto ang babae sa paggawa ng matinis na tunog.
Tinanggal na din ni Lindsey ang kamay sa pagkakatakip sa kanyang tenga. Puro dugo
na din ang kanyang mga kamay. Nakatingin sya sa babae ng bigla itong ngumiti.

Hindi nagustuhan ni Lindsey ang ngiti ng multo na lalong nagpakilabot sa kanya.


Muli ay ibinuka ng babae ang kanyang bibig at lumabas ang maraming dugo na halos
bumalot sa buong katawan ni Lindsey.

Walang magawa si Lindsey at hindi din sya nakaiwas. Sandali pa ay naramdaman nyang
tumigil na ang pagsaboy ng dugo sa kanyang mukha. Mabilis nyang pinunasan ang
kanyang mga mata gamit ang kanyang mga kamay para tingnan ang babae. Laking gulat
nya ng mawala ito sa kanyang harapan. Tumingin din sya sa ibang bahagi ng kwarto

ngunit wala dun ang babae.

Naisipan na nyang lumabas ng kwarto ng biglang sumulpot ang babae sa may hagdanan.
Dahan-dahan ulit syang umaatras ng bigla syang sinalubong ng babae at hinawakan sya
sa balikat. Malakas ang pwersa ng babae na nagtutulak sa kanya papalapit sa binta.

Pinipilit nyang kumawala. Hinawakan ni Lindsey ang mga braso ng babae pero hindi
nya ito maalis mula sa pagkakahawak sa kanya. Nakikita nya na papalapit na sya sa
bintana at takot na takot na sya.
"Please, para mo ng awa. Wag!" Umiiyak na pakiusap ni Lindsey sa babae. Isang
nakakakilabot na tawa lang ang narinig nya sa babae at mas lalong bumilis ang
pagkakatulak sa kanya hanggang bumangga sya sa salamin ng bintana at wala na syang
nagawa. Nahulog si Lindsey kasama ang mga nabasag na salamin ng bintana. Habang
nahuhulog sya ay kitang-kita nya ang babaeng pinapanood ang pagkalaglag nya at
rinig na rinig nya ang nakakakilabot na pagtawa nito.

Ramdam na ni Lindsey na iyon na ang kanyang katapusan at wala na syang nagawa


kundi ang umiyak. Sobrang bilis ng pagbagsak nya pababa. Unang bumagsak ang kanyang
ulo sa pool at dahil mababaw lang ang tubig tumama ang ulo nya sa floor.

Narinig ng lahat ang malakas ng pagbagsak ng tila malaking bagay sa tubig at agad
silang kinabahan.

"Ano yun?" gulat na gulat na tanong ni Quinn.

****************************************************************

A/N
Hanggang dito muna. Salamat sa mainit na pagtanggap and pagsupport sa SUMPA. Sana
abangan pa ang maraming mangyayari. And please please don't forget to vote and
comment.

Thanks a lot sa mga readers. :) Pwede nyo ding basahin yung iba ko pang stories and
you can also fan be, I'd love that. Hihi. Thanks. ^_^

*MelaBrio*

=================

7: ESCAPE!

Please play the video while reading the story.. Thanks.. :)

7: ESCAPE!
Nagulat ang lahat sa malakas na tunog na yun kaya't mabilis silang naglabasan sa
kwarto.

"Phoemela, alalayan mo si Quinn." Utos ni Katarina na agad namang dumiretso sa


kanilang kwarto para tingnan si Lindsey.

Ang mga lalaki naman ay mabilis lumabas ng bahay para tingnan kung anong nahulog sa
pool. Sumunod din naman agad si Katarina sa labas para sabihing na wala si Lindsey
sa kanilang kwarto. Malayo pa lang sya ay naririnig na nya si Blake na sumisigaw
kaya't mabilis syang nanakbo papalapit dito.

"No!" tumalon si Blake sa pool. "Lindsey! Lindsey!" binuhat nya ang duguang katawan
ni Lindsey papalapit sa may hagdanan. Dilat ang mga mata nito at may mga basag-
basag na salamin pang nakatusok sa kanyang likuran. Labas din ang ilan nyang ribs
dahil sa pagbagsak nya.

"Baby, baby wake up. Hindi mo ko pwedeng iwan." Paulit-ulit na sinasabi ni Blake
ang mga salitang ito habang pinipilit gisingin ang kanyang girlfriend.

Papalapit na si Katarina ng hinarang sya ni Cooper. "Anong nangyari kay Lindsey?


Padaanin mo 'ko!" Nagpumilit syang dumaan para makita si Lindsey.
Nakita nya si Blake na nakatalikod. Dahan-dahan syang lumapit dito at nagulat sa
nakita. Napatakip sya ng kanyang bibig para mapigilan ang pagsigaw. Napatalikod
naman sya agad at napayakap

kay Cooper. Hindi nya napigilang umiyak.

"Lindsey no! Cooper! Katarina! Dalhin natin si baby sa hospital! Please!" umiiyak
na sigaw ni Blake.

Mas lalo namang napaiyak si Katarina sa narinig kaya't medyo lumayo sya sa pwestong
yun.

Binuhat ni Blake ang girlfriend papuntang parking area para isakay sa kotse ang
bangkay ni Lindsey. Hinaharang sya ni Peterson. "Pare, pare patay na si Lindsey.
Hindi na din sya mabubuhay kahit dalhin pa natin sya sa ospital."

"Buhay pa si Lindsey. Mabubuhay pa sya kung aabot tayo sa hospital." Tulalang sabi
ni Blake at nagpatuloy pa din sya sa paglakad.

"Pare patay na si Lindsey!" sigaw ni Peterson.


Hindi nagustuhan ni Blake yung narinig kaya ibinaba nya saglit si Lindsey at
nilapitan nya si Peterson. "Anong sabi mo?"

"She's dead! Hindi mo na sya mabubuhay!" sabi ni Peterson na naiiyak na din dahil
naawa sya kay Blake.

Hindi nagustuhan ni Blake ang sinabi ni Peterson kaya sinuntok nya 'to. Nagsuntukan
sila hanggang pareho silang nalaglag sa pool.

"What's going on here?" sigaw ni Phoemela. Papalapit sila ni Quinn. Nakita nya ang
katawan ni Lindsey at nagulat sya.

"Lindsey." Hindi na din nya napigilang umiyak. Naawa sya sa itsura ni Lindsey na
halos hindi na makilala dahil sa mga bubog na nakatusok sa kanya at nababalutan na
ng dugo.

"Anong nangyari, Phoem?" tanong ni Quinn.

"Si Lindsey! Wala na si Lindsey!" napayakap sya kay Quinn. Pareho silang napaiyak.
Habang nakayakap si Phoemela kay Quinn ay napatingin sya sa itaas kung saan
nalalaglag si Lindsey. Nakita nyang basag ang salamin at may babaeng nakatayo at
nakatingin sa kanila.
Yun din ang babaeng nakita nya sa camera nya sa may pool. Laking takot ni Phoemela
ng biglang kumaway ang babae sa kanya. Napabitaw sya kay Quinn at napaatras.

"Katarina! Katarina! Tumingin ka sa itaas," tawag nya sa kaibigan habang itinuturo


ang bintana kung saan nakatayo ang babae.

Bago pa man makatingin si Katarina at nawala na ang babae.

"I saw her again!" umiiyak na sabi nya.

Tuloy pa din sa pagsusuntukan sina Peterson at Blake. Inawat naman sila nila Cooper
at Perry.

"Mabubuhay ba si Lindsey sa pagsusuntukan nyo?" galit na sabi ni Perry. "Para


kayong mga bata!"

"Palibhasa pare, hindi mo girlfriend ang namatay!" galit na sabi ni Blake. "Bitawan
mo nga ako!" Binitawan sya ni Perry at umahon sya sa pool.
"Si Quinn nga nawalan ng kapatid pero hindi sya ganyan ka-OA!" galit na sigaw ni
Perry.

"Perry!" sigaw ni Katarina.

"What? Umaasa pa ba kayong buhay si Cole? Kung hindi pa tayo aalis dito, lahat tayo
mamamatay!" paliwanag ni Perry.

Hindi naman napigilan ni Quinn na umiyak dahil sa narinig. "Hindi pa patay ang

kapatid ko. Wala pa kayong nakikitang bangkay nya, di ba?" Nauutal nyang sabi.

"Huwag mo na lang intindihin si Perry." Sabi ni Phoemela kay Quinn habang


pinapakalma ito.

"Hanapin na natin si Cole, then we can all leave!" suggestion ni Katarina.

Naiwan si Blake sa labas katabi ang katawan ni Lindsey. Bumalik naman sa loob sina
Katarina at ang iba pa para hanapin si Cole. Nagkanya-kanya sila ng hanap para mas
mabilis.

"Quinn, maiwan ka muna dito sa kwarto. Sumigaw ka lang kapag may naramdaman ka.
Okay?" Iniwan ni Phoemela sa kanilang kwarto si Quinn.

"Mag-iingat kayo. Sana makita nyo si Cole." Umiiyak pa din s Quinn. Mabigat ang
pakiramdam nya dahil naniniwala pa din syang buhay ang kanyang kapatid.

Lumabas ng kwarto si Phoemela. Inisip nya kung paano napunta si Lindsey sa kwarto
sa itaas. Pumasok din sa isip nya na madaming sikretong daanan ang bahay kaya
posibleng hindi lang sila ang tao doon.

Habang naglalakad si Phoemela sa hallway, hinahawakan nya ang pader dahil


nagbabakasali syang isa sa mga iyon ay pintuan. Hindi lang halata dahil kakulay ng
pader.

Nakarating sya sa dulo ng hallway pero wala syang nahanap na pintuan.

"Mukhang walang ibang pintuan dito." Pabalik na si Phoemela ng biglang bumukas ang
pintuan papuntang attic. Lumalangitngit ang tunog nito na parang dahan-dahan pang
itinutulak para

bumukas.
Sumilip si Phoemela sa pintuan at nakita nyang may hagdanan papataas. Umakyat sya
dito ng dahan-dahan habang tinatawag si Cole.

"Cole. Cole are you here?" Nakakaramdam ng takot si Phoemela habang umaakyat sya.
Pakiramdam nya ay may nakatingin sa kanya habang naglalalakad sya. Tumitingin sya
sa ibaba para makita kung bukas pa din ang pintuang pinasukan nya.

Nakarating sya sa itaas ngunit wala namang tao dun. Naglakad pa sya papalapit sa
higaan ng biglang may dumaang puting bagay sa kanyang likuran. Nagulat naman sya
kaya agad syang napalingon.

"Co - Cole. Cole wa - wala namang takutan oh." Nanginginig yung boses nya habang
dahan-dahang umaatras. Nakita nya ang basag na bintana kung saan nakatayo ang
babaeng kumaway sa kanya kanina.

Pababa na sana sya ng magpakita muli ang mabilis na bagay na dumadaan sa kanyang
harapan. Sa sobrang takot ay hindi sya makasigaw kaya dahan-dahan na lang syang
nagtago sa loob ng cabinet.

Isinara nya ito habang iniintay na mawala ang puting bagay na nakikita nya. Mula sa
loob ng cabinet ay kita nya ang labas kaya madali para sa kanyang malaman kung
nawala na ang bagay na iyon.
Habang nasa loob sya ng cabinet ay narinig nya ang boses nila Katarina mula sa
ibaba. Dahil bukas ang pintuan kaya naririnig nya ito.

"Katz, I'm up here," bulong nya sa kanyang sarili habang umiiyak. Laking gulat na
lang ni Phoemela ng may biglang isang puting damit ang kanyang nakita sa harapan ng
cabinet. Tinakpan nya ang kanyang bibig para mapigilan ang kanyang

pag-iyak. Sa sobrang takot ay napapikit naman sya. Dahan-dahan syang umaatras para
mapalayo sya sa pintuan ng cabinet.

Habang umuusod sya papaloob ng cabinet ay may biglang may isang bagay ang
napansandal sa kanya. Medyo mabigat ito kaya hindi sya agad nakagalaw.

Hinawakan nya ang bagay na ito para tanggalin ng maramdaman nya na parang buhok ng
babae ang kanyang nahawakan. Sa sobrang takot at napabitaw agad sya at lalong
napaiyak. Pagtingin nya ulit sa labas ay wala na doon ang puting nakatayo sa harap
ng cabinet. Nakahinga na sya ng malalim. Wala pa sana syang balak lumabas ng
biglang may nagsalita sa kanyang tabihan.

Ako ba ang hinahanap mo?

Hindi na sya nagdalawang isip na itulak ang cabinet at agad lumabas. Ngunit
pagbukas na pagbukas nya ng cabinet ay nadaganan sya ng katawan ng isang babae.
Padapa ang pagkakadagan ng katawan sa kanya. Laking gulat nya ng makita nyang
katawan ni Madeline ang nakadagan sa kanya. Sa sobrang takot ay napagsisipa nya ito
habang umaatras papunta sa sulok. Sa sobrang lakas ng sipa nya ay napatihaya ang
bangkay ni Madeline. Maputla na ang katawan nito at tuyo na ang mga dugo sa kanyang
katawan.

"Madz. I'm sorry." Umiiyak nyang sabi. Pupunasan nya ng kamay ang kanyang mga luha
ng biglang may pumatak sa kanyang noo. Hinipo nya ito at tsaka tingnan. Nakita
nyang dugo ang pumapatak sa kanya kaya't dahan-dahan syang tumingala.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!" sigaw nya ng malakas ng makita


nyang nakabigti ang katawan ni Cole. Labas ang

dila nito at dilat ang mga mata. Ang kalahati ng kanyang katawan ay nakaharap sa
likuran ang balik ang mga braso. Puro dugo ang buo nyang katawan na sya namang
pumapatak kay Phoemela.

Dahil sa lakas ng sigaw ni Phoemela ay narinig sya nila Katarina na agad namang
sinundan kung saan nanggaling ang kanyang sigaw. Nadatnan sya ng mga ito na nakaupo
sa sahig at tulala. Iyak ng iyak at puro dugo ang noo.

"What the f*ck!" gulat na sabi ni Peterson ng makita ang bangkay ni Madeline.

"Phoem, are you alright?" tanong ni Katarina.


Parang walang naririnig si Phoemela. Tulala lang sya at iyak ng iyak.

"Phoem! Phoem!" Hawak-hawak sya ni Katarina sa dalawang balikat pero hindi pa rin
ito nakibo.

"Uubusin nya tayong lahat. Uubusin nya tayo." Umiiyak na sabi ni Phoemela.

Dahil paulit-ulit nya itong sinasabi ay sinampal na sya ng malakas ni Katarina.


Nahimasmasan naman sya at nakilala nya ang mga kasama sa kanyang harapan.

"Katz?" niyakap nya agad ang kaibigan. "Katz, wala na si Cole." Habang itinuturo
nya ang itaas kung saan nakabigti si Cole.

Kahit ang mga lalaki ay kinilabutan at naawa sa itsura ng pagkamatay ni Cole. Hindi
nila alam kung paano ito namatay at paano nakarating sa itaas.

"Mabuti na lang hindi na makikita ni Quinn ang mapait na pagkamatay ng kapatid


nya." Malungkot na sabi ni Cooper.
Nagtulong ang mga lalaki para maibaba ang katawan ni Cole.

"Katarina,

umalis na tayo dito. Umalis na tayo. Uubusin nya lang tayo kapag hindi pa tayo
umalis. Ayoko pang mamamatay." Humagulgol na si Phoemela dahil hindi na nya
mapigilan ang sarili. "Ayoko pa."

Niyakap naman sya ng mahigpit ni Katarina. "Aalis na tayo dito. Hindi na tayo
magpapabukas pa." Inalalayan nya ang kanyang kaibigan pagbaba ng hagdanan.

Buhat-buhat ni Perry ang katawan ni Cole. Pinagtulungan nman nila Peterson at


Cooper ang katawan ni Madeline dahil medyo may kabigatan na ito.

Dinaanan nila si Quinn na naghihintay sa kanilang kwarto. Hindi alam ni Katarina


kung paano sasabihin sa kanya na ang iniintay nyang kapatid ay wala na.

"Quinn." Umiiyak na bungad ni Katarina. "Quinn we found your sister."

Napatayo naman agad si Quinn mula sa pagkakaupo. "Alam ko."


Hinawakan sya ni Katarina at niyakap. "Cole's dead. I'm sorry."

"Paano mangyayari yun? Nandito lang sya kanina. Magkausap pa nga kami bago kayo
pumasok. Hindi magandang biro yan." Kinakapa ni Quinn ang tao sa kanyang harapan.

"Cole, Cole magsalita ka nga. Magpakita ka sa kanila. Di ba magkausap pa tayo."


Umiiyak na si Quinn dahil sa sinabi ni Katarina.

Inilapit ni Perry ang katawan ni Cole kay Quinn at ipinahaplos ang mukha nito. Agad
naman nakilala ni Quinn ang hugis ng mukha ng kanyang kapatid at hindi na nya
napigilan ang pag-iyak.

"No!!!!!!!!!!! Cole,

bakit? Kaya ka ba nagpapaalam sa'kin kanina? Akala ko ba walang iwanan. Ikaw na


lang ang nag-aalaga sa'kin. Paano na ako Cole." Niyakap nya ang katawan ng kapatid
na puno ng hinagpis. "Sana ako na lang ang nawala. Wala naman akong silbi. Cole,
isama mo na ako."

Hindi naman napigilan ng mga nandun ang malungkot at mapaiyak dahil sa mga sinabi
ni Quinn. Tanging si Cole na lang ang nakakaintindi at nagta-tyagang mag-alaga sa
kanya. At ngayon, nawala pa ito.
"Quinn, we're leaving." Inalalayan ni Katarina si Quinn pababa at palabas ng bahay.

Dalawang kotse lang ang kanilang magagamit. Ang kotse ni Cole at ang kotse ni
Katarina na napalitan na ng gulong.

"Ipagda-drive ko na kayo." Sabi ni Cooper kay Katarina.

"Wag na. Dito na kaming mga babae sa kotse ko. Dun na kayo sa kabila." Pagmamataray
ni Katarina habang papasok ng pinto.

Hinarang ni Cooper ang pagsara ng pintuan. "Hindi pwedeng wala kayong kasamang
lalaki. Dito ako dun na sila."

Tumingin si Katarina sa kaibigang si Phoemela at hindi na din ito nakatanggi.


Inabot nya ang susi kay Cooper.

Inilagay nila sa compartment ng kotse ni Katarina ang katawan nila Cole at


Madeline. Si Quinn, Phoemela, Katarina at Cooper ang magkakasama sa kotse nya.
Samantala sa kabilang kotse naman ay sina Perry, Peterson at Blake ang magkakasama.
Si Peterson ang magda-drive. Ayaw namang pumayag ni Blake na ilagay sa compartment
ang katawan ng girlfriend nyang si Lindsey.
Papalabas

na sila ng gate ng biglang may lumitaw na babae at hinarang ang sasakyan nila.

"Katz, sya yung babae. Sya yung nakita ko sa pool. Sya din yung nakita ko sa attic
na kumakaway." Takot na takot na sabi ni Phoemela.

Iniatras ni Cooper ang kotse pero laking gulat nya ng biglang sumulpot ang kotse ni
Cole na dire-diretso at binangga ang babaeng nakaharang sa kanilang daanan.

Tumalsik ang katawan ng babae dahil sa lakas ng pagkakabangga dito.

Lumingon naman sina Katarina sa paligid at tinitingnan kung susulpot pa ulit ang
babae.

Nakatingin sila sa labas ng biglang may duguang kamay ang humawak sa salamin ng
bintana. Napasigaw sina Katarina at Phoemela dahil sa gulat. Takot na takot sila
dahil sa nakita.
Laking gulat naman nila ng makita na ang matandang babae ang nabangga ni Peterson
at hindi ang multo.

"Cooper, Cooper tulungan nating si manang." Umiiyak na sabi ni Katarina.

"No." Pinaandar na ni Cooper ang kotse. Bababa na sana si Katarina pero pinigilan
sya ni Phoemela.

"Kats, wag na." Umiiyak na sabi ni Phoemela na bakas ang pagkatakot sa kanyang
mukha.

Binuksan na lang ni Katarina ang bintana at nakita nyang buhay pa ang matanda.

"Cooper, buhay pa sya." Tinitigan ni Katarina ang matanda na dahan-dahang tumatayo


habang nakakapit sa kotse.

"Hindi nya kayo titigilan. Walang makakaligtas kahit isa," paulit-ulit itong
sinasabi ng matanda at hinawakan nya ng mahigpit si Katarina.
"Bitawan nyo ako." Sigaw ni Katarina habang pinipilit alisin ang kanyang kamay.

Isinara naman ni Phoemela ang bintana at pinaandar ni Cooper ang kotse na dahilan
para maputol ng tuluyan ang naipit na kamay ng matanda.

Mabilis namang inihagis ni Cooper ang kamay sa labas.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong nito kay Katarina.

Lumingon naman si Phoemela to make sure na hindi na nasunod ang matanda sa kanya.
Nagulat sya sa nakita. "Tingnan nyo ang bahay."

Itinigil ni Cooper ang kotse ganun din si Peterson. Bumaba sa kotse si Katarina at
Phoemela.

"Holy crap!" gulat na gulat na sabi ni Peterson ng makita ang bahay.


Naging luma at sira-sira ang bahay na tinigilan nila. Parang isang bahay na matagal
ng abandonado. Hindi nila alam kung paano nangyari iyon. Ang mga puno ay tuyot na
gayundin ang mga halamang nakapaligid dito.

Basag na din ang salamin sa attic na parang matagal na panahon na talaga itong
nabasag. Kinilabutan naman silang lahat kaya't mabilis naman bumalik sa kotse sina
Phoemela at Katarina.

Nagpatuloy na sa pagda-drive sina Cooper at Peterson pabalik sa kani-kanilang mga


bahay.

"Everything will be alright now. Hindi na nya tayo masusundan." Sabi ni Katarina
kina Phoemela at Quinn.

Pinagmasdan nila ang kanilang dinaanan na parang ibang-iba dun sa nadaanan nila
nung papunta pa lamang sila sa retreat house na iyon.

Umuwi sila ng may masamang alaala mula sa kanilang mga naranasan sa bahay na iyon.
Nawalan pa sila ng mga mahal sa buhay. Hindi makakalimutan ng magkakasama kung
anong mga nangyari sa maigsing panahon ng pananatili nila sa bahay. Na kahit sila
mismo ay hindi maintindihan kung ano ba talaga ang tunay na dahilan at paano sila
napadpad dun at kung bakit kailangan mayroon pang mamatay.
A/N

Ligtas na ba silang pito ngayong nakaalis na sila sa retreat house? Wala na nga ba
talagang susunod na mamamatay? Paano kung mas matindi pa pala ang kanilang
sasapitin kaysa sa nangyari kina Madeline, Lindseya at Cole? Sino naman kaya ang
susunod? At sa paanong paraan naman ito mamamatay?

Abangan ang susunod na kabanata ng SUMPA.

Thanks sa mga bumabasa nito. Sana po ay wag kalimutang magvote. Sana maka100votes
'tong story before next chapter. :)

*MelaBrio*

=================

8: Nowhere to go!

Naghiwalay ng daan ang dalawang kotse na minamaneho nila Peterson at Cooper. Dinala
nila ang mga bangkay sa kani-kaniyang morge. Nalaman na din naman ng mga magulang
ng mga namatay ang nangyari sa kanilang mga anak at sobrang dalamhati ang kanilang
nararamdaman.
Ilang araw lang naiburol ang katawan ng mga ito sa kani-kaniyang chapel at hindi
na din pinabuksan ang mga kabaong dahil sa bali-bali nga ang mga buto nito.

Nagkataon din na ang araw ng libing ng mga namatay ay iisang petsa lang kahit sa
iba-ibang cemetery sila ililibing. Ang katawan nila Cole at Madeline ay Escogi
Garden ililibing, samantala, si Lindsey naman ay sa Paradise.

Miyerkules ng umaga sa Escogi Garden habang nagmimisa, kumukuha ng litrato si


Phoemela. Kinukuhanan nya ang iba't-ibang anggulo, ang mga tao, ang nagmimisa, ang
paglilibingan at mismong ang nakasaradong kabaong ni Madeline. Sa hindi kalayuan
naman ay nagaganap din ang misa para naman kay Cole. Sumaglit dun si Phoemela upang
kumuha rin ng ilang larawan. Habang naglilibot sya at kumukuha ng litrato, napansin
nyang may isang babaeng nakaputi ang nakatayo sa may likuran ni Quinn. Inalis nya
ang pagkakatingin sa kanyang camera at wala naman doon ang babae.

Hindi na lang inintindi ni Phoemela ang nakita dahil inisip nyang isa lamang iyon
sa mga kamag-anak nila. Pagkakuha ng litrato ay bumalik na ulit ito sa misa para
kay Madeline. Tumabi ito sa kaibigang si Katarina na hindi mapigilan ang pag-iyak.

Ilang sandali lang ay natapos na ang misa at inilibing na ang mga katawan nila
Madeline at Cole.

"Salamat Madz sa memories. Sorry sa lahat ng nagawa ko sa'yo."

Umiiyak na sabi ni Katarina habang tinatabunan ng lupa ang kabaong ng kaibigan.


Habang nagpupunas sya ng mga luha, napatingin sya sa isang puno malapit sa kanilang
kinatatayuan.

May nakita syang isang babae na nakaputi at nakatayo sa tabihan ng puno. Hindi
naman nya maaninag ang mukha nito dahil may kalayuan din naman.

"Katz, lets go." Inalalayan naman ni Phoemela ang kaibigan. Habang naglalakad ay
nakasalubong nila si Quinn kasama ang tiyahin nito.

Nilapitan nila si Quinn at niyakap ito. "Quinn, magpakatatag ka. Kung kailangan mo
kami, nandito lang kami. Dadalawin ka namin palagi." Sabi ni Katarina na sobrang
emosyonal.

Hindi umiiyak si Quinn at kalmado lang ito. "Wag kang mag-alala Katarina, ayos
lang ako. Alam kong nandito lang si Cole. Palagi nya akong dinadalaw, hindi nya ako
iiwanan." Nakangiting sabi ng dalaga.

Nagkatinginan naman sina Phoemela at Katarina sa narinig mula kay Quinn. Maya-maya
ay tumunog ang cellphone ni Katarina.

"Si Cooper." Sabi nito at sinagot nya ang kanyang cellphone. Nakaloud speaker ito
para marinig nilang lahat. "Hello, Cooper kamusta si Blake?" bungad nito.

"Tulala pa din at sobrang emosyonal. Gusto na nga nyang sumama kay Lindsey, mabuti
nahawakan ni Peterson. Si Quinn kamusta?" tanong ni Cooper.

"Ayos lang ako Cooper, hindi naman ako nalulungkot masyado," sagot ni Quinn.

"Sige, nangangamusta lang ako. Mag-iingat kayo palagi. Kung may kailangan kayo,
don't hesitate to call. Okay?" pagpapatuloy ni Cooper.

"Okay. Sige na, mga pagod pa tayong lahat at kailangan pa nating magpahinga. Bye."
At ibinaba na ni Katarina
ang cellphone. "Uwi na kami Quinn. Mag-iingat ka palagi." At muli itong yumakap sa
dalaga.

Habang nagpapaalamanan sina Katarina at Quinn ay tinitingnan nya ang mga pictures
na nakuhanan nya. "Quinn, sino yung katabi mo kaninang babae?" tanong nito.

"Si auntie at yung anak nya," sagot ni Quinn habang kinakapa ang kanyang auntie.

"Ka-age mo yung anak nya?" pagpapatuloy ni Phoemela habang nakatingin pa din sa


picture na nakuhanan nya.

"No. She's 32 at may mga anak na din sya. Di ba auntie?" Kumapit ito sa kamay ng
kanyang tiyahin.

"May problema ba Phoemela?" paguusisa ni Katarina na tumingin din sa picture na


tinitingnan ng kaibigan.

Nagulat si Katarina sa nakita. "Sya din yung babaeng nakita ko sa may puno
kanina."

"Hayaan nyo na. Baka taga dito yan sa Escogi Garden." Sagot ng tiyahin ni Quinn.
"Mauna na kami at magpapacheck up pa 'tong si Quinn.

"Check up for what? May sakit ka ba?" pag-aalalang tanong ni Katarina.

Ngumiti naman si Quinn dahil ramdam nya ang pag-aalala ng mga kaibigan. "Titingnan
lang kung may pag-asa pa akong makakita. At kung may chance pa, maghahanap sila ng
donor ko."

Ngumiti naman sina Katarina at Phoemela sa narinig mula kay Quinn. "That's good to
hear. Sana nga makakita ka na as soon as possible." Sabi ni Phoemela.

"We'll call you na lang Quinn. Balitaan mo na lang kami about sa check up mo.
Okay?" sabi ni Katarina na unang yumakap at nagbeso sa kausap. Sumunod na din naman
si Phoemela.

Sumakay si Phoemela sa kotse ni Katarina na tinitingnan pa din ang mga pictures.

"Phoem, masyado mo ng tinititigan

yang mga pictures na yan.'' Sabi ni Katarina habang pinapaandar ang kotse.

"No way!" napatakip si Phoemela ng bibig sa pagpipigil ng kanyang sigaw na halos


mabitawan ang DSLR nya.

Sa gulat naman ni Katarina ay agad itong napapreno. "What's wrong?" tanong ni


Katarina.

Iniabot naman ni Phoemela ang DSLR nya sa kaibigan. "Tingnan mo."

Kinuha ni Katarina ang cam at tiningnan ang mga pictures. Napansin nya ang isang
babae na papalapit ng papalapit ang kuha. Ang una ay nasa malayo ito sa mga unang
kuha ng kaibigan hanggang sa maging katabi na ng mga taong nakikipaglibing sa
namatay. May isang kuha pa dito na nakatingin mismo sa camera ang babae.

Mabilis namang ibinalik ni Katarina ang cam sa kaibigan. "May problema na yang cam
mo. Maybe it's the reflection of light or what. Pero wala yan. Nagkataon lang yan.
Wag tayong paranoid." Muli ay pinaandar na ni Katarina ang kotse. "Wala na tayo sa
bahay and we're safe."
"What if nagsisimula pa lang ang lahat? Maybe we need to figure out something."
Nauutal na sabi ni Phoemela.

"Figure out what?" sigaw ni Katarina na halatang natatakot na din.

"I don't know. I have no idea. Katz, natatakot ako. Ayokong mamatay, ayokong
mamatay sa ganung paraan." Naluluha na si Phoemela sa takot.

"Phoemela, wala kang dapat ikatakot. May kung ano lang sa bahay na yun kaya
nangyari 'tong lahat. Paranoid ka lang. Ihahatid na kita sa inyo." Sinubukan nyang
kumbinsihin ang kaibigan upang mawala ang pagkatakot nito.

Ang lahat ay nakauwi ng maayos sa kani-kanilang mga bahay para makapagpahinga. Ang
binatang si Blake

ay hindi pa din matanggap ang pagkawala ng kanyang girlfriend. Inabot na sya ng


gabi kakapilit matulog pero hindi sya makatulog kaya't pinatay nya ang lahat ng
ilaw sa kanyang kwarto at nahiga ito.

"Babe, I miss you so much." Umiiyak nitong sabi. Ilang sandali lang ay nakaramdam
ng pagkaantok si Blake, tahimik na ang paligid at tanging ang aircon na lamang ang
ingay na kanyang naririnig. Alam nya sa sarili nya na hindi pa sya nakakatulog
dahil ang diwa nya ay gising pa.

Nakapikit lang si Blake. Ilang sandali pa ay nakarinig sya ng ingay na galing sa


labas. Isang ingay na parang mga nagiinom at nagsisigawan na lasing. Alam nyang
imposibleng mangyari ang bagay na iyon sa kanilang subdivision. Kinapa nya ang
kanyang cellphone para ilawan ang paligid pero wala namang kakaiba dun kayat
ipanatong na lang nya ang cellphone sa kanyang tabihan at tiningnan ang picture ng
girlfriend. Sandali pa ay napapikit muli si Blake at nakarinig ulit sya ng ingay ng
mga tao. Parang isang magulong lugar na ang lahat ay nagsisigawan at nagiinom.

"Hoy Berting, wala ka ba talagang balak tumayo dyan? Wala ka na ngang maipalamon
sa pamilya mo nakuha mo pang maginom!" sigaw ng isang babae na hindi pamilyar ang
boses sa kanya.

Dumilat si Blake at napatingin sya sa kanyang bintana. Laking gulat ni Blake ng


makita na ang bintanang tinitingnan nya ay hindi ang bintana ng kanyang kwarto.
Isang binatanang kahoy ang kanyang nakikita at medyo maliwanag sa labas. Mabilis na
kinapa ni Blake ang kanyang cellphone ng maramdaman nyang may humawak sa kanyang
kanang kamay. Hindi nya ito maigalaw na parang may pumipigil. Wala ding lumalabas
na salita

sa kanyang bibig. Kinapa nya ang cellphone gamit ang kaliwang kamay kung saan nya
ito ipinatong ngunit wala ito doon.

Muling tumingin si Blake sa bintana pero hindi pa din ito nagbabago.

"Anong nangyayari?" tanong nito sa kanyang isip habang pinipilit ikilos ang buong
katawan. Parang may kung anong nakadagan sa kanya at nakahawak sa kanyang kamay na
hindi nya alam kung ano dahil madilim sa kanyang kwarto. Ang pakiramdam nya ay
napunta sya sa ibang bahay. Alam nya din sa sarili nya na hindi sya nananaginip
dahil ramdam na ramdam nya ang higpit ng hawak sa kanyang kamay at ang bigat ng
nakadagan sa kanya.

Habang nakatingin sya sa bintana, may nakikita syang anino ng isang papalapit na
tao. May isang babae ang dahan-dahang sumisilip sa bintanang kanyang tinitingnan.
Babaeng nakayuko at natatakluban ng buhok ang kanyang mukha.
Biglang nakaramdam ng pagkatakot si Blake at hindi maipaliwanag ang kanyang
nararamdaman.

Magtago ka na. Magtago ka na. Magtago ka na, dahil kung hindi, susunod ka sa
kanya.

Nakakarinig sya ng isang babaeng kinakanta ang mga salitang ito habang ang babae
sa bintana ay papalapit ng papalapit sa kanya na tila tatagos ito sa mga pader ng
kanyang kwarto.

"Imposible!" muling nasabi nya sa kanyang isip. Naalala ni Blake na nasa 2nd floor
ang kanyang kwarto kaya't imposibleng makapaglakad ang kahit na sino sa labas ng
kanyang bintana.

Papasok na ako. Papalapit sa'yo. Bumilang ka ng tatlo at nandyan na ako.

Muli nyang narinig ang kumakantang babae na nakakakilabot ang boses. Unti-unting
inaangat ng babae ang kanyang mukha habang papalapit sa harapan ng bintana.

Sa sobrang takot ay napapikit si Blake. "Babe, please help me. Wag mong hayaang
saktan nya 'ko." Nawala ang boses ng babaeng kanyang narinig kaya't minabuti nyang
dumilat. Nawala na din ang ingay ng mga tao mula sa labas. Nakagalaw na din sya ng
ayos kaya't mabilis nyang kinapa ang kanyang cellphone. Nakapa nya ito sa ilalim ng
kanyang unan na malapit sa pader ng kanyang kwarto. Mabilis nya itong tiningnan.
Nakita nyang may text message gamit ang cellphone number ni Lindsey.

From: Lindsey-baby

Babe, mag-iingat ka sa kanya.

Hindi nya maintindihan kung sinong nagtext sa kanya gamit ang number ng
girlfriend. Sa sobrang kaba ay inilawan nya ang paligid ng kwarto para makasigurong
syang wala sya sa ibang kwarto.

Tumawa lang sya ng makita ang sariling kwarto. "I'm still here." Bulong nya sa
sarili.

"Ako din." May sumagot na babae.

Natigilan naman si Blake sa narinig. Dahan-dahan syang tumingin sa kanyang likuran


at inilawan nya ito gamit ang kanyang cellphone pero wala syang nakita.

Nakahinga sya ng maayos at muling napangiti. "Paranoid na ako."

Muli nyang pinailaw ang cellphone at laking gulat nya ng makita nya ang babae sa
kanyang harapan na nakalutang at nakatingin sa kanya.

"Wala ako dyan." Sabi ng babae habang mabilis na papalapit sa kanya.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!" malakas na sigaw ni Blake habang


papalapit ang babae at sakal-sakal ito. Nabitawan nya ang kanyang cellphone at
nalaglag naman ito sa sahig habang may tumatawag.

Lindsey-baby Calling....
=================

9: IS IT A SIGN OR NOT?

Pakiplay mo ng music habang nagbabasa para mas intense. :)

9: IS IT A SIGN OR NOT?

Biglang nagising at napabangon si Katarina mula sa kanyang higaan.

"Blake!" sigaw nito na mukhang binabangungot. "Panaginip lang pala." Bumaba sya sa
higaan at nagdiretso sa C.R.

Tiningnan nya ang sarili sa salamin. Magulo ang kanyang buhok. Nakasuot lamang sya
ng maigsing short at malaking tshirt. Naghihilamos ito ng biglang tumunog ang
kanyang cellphone. Nagpunas ito ng mukha sa kanyang towel na nakasabit sa pintuan
ng CR.
Kinuha nya agad ang cellphone na nakapatong sa table at nakita nyang si Cooper ang
tumatawag. Sinagot naman nya agad ang cellphone. "Oh bakit?" masungit na tanong ni
Katarina habang binubuksan ang kanyang closet at pumipili ng isusuot na damit.

"Pwede ba tayong magkita?" sagot ni Cooper.

Napatigil naman sandali si Katarina sa narinig kay Cooper. "Iba ka din no? Madami
akong gagawin."

"Kailangan

natin mag-usap usap. Iintayin ko kayo sa coffee shop malapit sa office nyo," at
ibinaba na ni Cooper ang phone.

"Ibang klase!" bulong ni Katarina. Inilapag nya ang kanyang cellphone sa loob ng
kanyang closet. Pumili na sya ng kanyang susuotin at naligo na.

After nyang maligo at habang nagsusuot ng mga accessories, tumunog ulit ang
kanyang cellphone. Mabilis naman binuksan ni Katarina ang kanyang closet para kunin
ang cellphone pero hindi nya ito nakita.
"Saan napunta yun?" bulong nya sa sarili habang hinahalungkat ang mga damit.

Hinayaan na lang nyang tumunog ang cellphone at inihanda na lang ang kanyang gamit.
Laking gulat nya ng makita nya ang kanyang cellphone sa loob ng kanyang bag.

"Paano 'to napunta dito?" pagtatakang tanong ni Katarina. Nakita nyang si Phoemela
ang tumatawag kaya't sinagot nya ito.

"Napatawag ka, may problema ba?" tanong nya.

"On the way na ako sa coffee shop. May sasabihin daw si Cooper eh. Daanan kita
dyan?" tanong ni Phoemela mula sa phone.

"So lahat pala tayo pupunta. Susunod na lang ako." Sagot nya habang lumalabas ng
kanyang kwarto. "Sige na. Kita na lang tayo dun. Paalis na ako." Bigla nyang
pinatay ang cellphone.

Paglabas na paglabas nya ng kwarto

ay tinawag nito ang kanilang katulong.


"Yaya!" inilapag nya ang bag sa sala. "Yaya." Sigaw nito habang tumitingin sa
ibaba.

Galing sa ibaba ang katulong at mabilis na umakyat sa itaas at lumapit sa kanya.


"Good morning ma'am. Bakit po?"

Nakaupo lang si Katarina at nakatingin sa katulong. "Sinong pumasok sa kwarto ko?"


tanong nito.

"Ma'am wala po. Alam po kasi naming ayaw nyong may pumapasok sa kwarto nyo."
Paliwanag ng katulong habang nakayuko.

"Malaman ko lang kung sinong pumasok sa kwarto ko, malilintikan kayo sa'kin!"
tumayo ito at bumaba ng hagdanan. Dumiretso na sya ng kanyang kotse ng biglang may
nagtext.

Mag-iingat kayo.

From: Madeline
Halos mabitawan naman ni Katarina ang cellphone sa sobrang takot. Nagmadali syang
pumasok sa kotse at inilagay ang cellphone sa kanyang bag.

Dumiretso na agad si Katarina sa coffee shop at nakita nyang nandun na sila Cooper,
Peterson, Perry at Phoemela.

"Ang tagal mo naman." Bungad ni Phoemela.

Mabilis na umupo si Katarina at tumingin sa mga kasama. Namumutla ito at


pinagpapawisan.

"Are you okay?" pag-aalalang tanong ng kaibigan.

"I'm fine. May weird lang na nangyari. May nagtext sa'kin using Madeline's phone."
Malungkot na sagot ni Katarina.

Nagkatinginan naman ang lahat.


"Hindi ka

nag-iisa." Sabi ni Cooper habang inilalabas ang cellphone.

"Last night nagtext sa'kin si Cole. At first, hindi ko alam kung kaninong number
yun. Pero nung pina-trace ko na, sya pala ang owner ng number." Ipinakita ni Cooper
ang cellphone kay Katarina.

"Sana ipinablock nyo na yung number. Patay na yung may ari nung number bakit may
gumagamit pa!" naiinis na sagot ni Katarina.

"Calm down. Baka may gusto lang sabihin sa'tin yung mga kasama nating namatay."
Sabi ni Phoemela habang kinakalma ang kaibigan.

"So naniniwala ka dyan, ha Phoemela?" pagsusungit ni Peterson.

"Shut up!" pambabarang sagot ng dalaga.


"Enough! Pinapunta ko kayo para itanong kung may kakaiba bang nangyayari sa inyo."
Pag-awat ni Cooper sa nagtatalo-talong kasama.

"What do you mean?" tanong ni Perry habang tinatanggal ang kanyang headset.

Hindi agad nakapagsalita si Cooper. Sumandal muna sya sa kanyang upuan at parang
bumubwelo pa sa pagsasalita. "I started to see a girl in white simula nung libing
ni Lindsey. I don't know if it's real or what, pero dumadalas ko syang nakikita. I
wanted to ask you guys kung ganun din kayo."

Biglang nabalutan ng katahimikan ang paligid at nagkatinginan lang silang lahat.


Wala kaagad sumagot kay Cooper.

"What's wrong?" tiningnan ni Cooper ang mga

kasama ngunit isa-isa silang umiwas ng tingin. "I see, lahat tayo may nakikita."
Sumandal sya sa upuan at umiiling-iling.

"May nakita akong babaeng nakaputi nung kinukuhanan ko yung family ni Cole. Pero
bigla din naman syang nawala," paliwanag ni Phoemela na bakas ang pagkakaba habang
nagkukwento.
Tumingin si Katarina kay Phoemela. "Remember nung paalis na tayo, I saw a girl in
white, dun sa likod ng puno malapit sa pinaglibingan kay Madeline." Kumapit ito ng
mahigpit sa kamay ng kaibigan.

Hindi naman nagshare ng kwento sina Perry at Peterson at tahimik lang silang
nakikinig sa usapan ng mga kasama.

"Nakita nyo ba yung mukha nung babae?" tanong ni Cooper.

Umiling lang sina Phoemela at Katarina at wala ng ibang sinabi.

Habang nag-iisip ang lahat, may isang lalaki ang lumapit sa kanila. Nakaitim ito na
may dalang itim na bag. Nagsalita ito mula sa likuran ni Cooper.

"Excuse me, pwede ko bang makausap si Cooper Zanders?" mahina nyang tanong.

Napatingin naman ang lahat sa kanya. Lumingon si Cooper ng marinig na sya ang
hinahanap ng lalaki.
"Yes, I'm Cooper Zanders and who are you?" tanong ni Cooper.

"I'm Relly Roel. We don't know each other personally, pero ikaw nakita na kita,
madalas." Sagot ng lalaki kay Cooper.

"What - what do

you mean madalas?" naguguluhang tanong ni Cooper.

Tumingin si Relly sa mga kasama ni Cooper. "Pwede bang tayong dalawa lang ang mag-
usap."seryosong sabi nito na nakatitig ng diretso kay Cooper.

"Look - I don't know what you are up to. Pero mga kaibigan ko sila." Medyo
nawiwirduhan na si Cooper sa lalaking kumakausap sa kanya. "I don't know you kaya
makakaalis ka na." Humarap si Cooper sa mga kasama.

"Sandali." Pagpigil ni Relly.

Humarap ulit si Cooper sa kanya para pakinggan ang sasabihin nito.


"Gusto lang sana kitang bigyang ng babala. Kung magtutulungan tayo, maiiligtas mo
ang kaluluwa ko at maiiligtas din kita. Sila Richard, Matthew, Howard at marami
pang iba. Maraming naghihirap na kaluluwa ang kailangan ng tulong. Pagod na pagod
na ako. Tulungan mo naman ako." Paliwanag ni Relly.

Nagtawanan naman sina Cooper at ang mga kaibigan nito sa narinig sa kanya.

"You're crazy man!" pang-aasar na sabi ni Perry.

Pero hindi pa din nawala ang pagiging seryoso ng mukha ni Relly. Hindi nya
pinansin ang pagtatawa ng mga ito sa kanya.

"Hindi ako nagbibiro. Mauubos kayo, kayong lahat!" parang nag-iba ng boses si
Relly at tiningnan nya isa-isa ang mga nandun na nanlilisik ang mata.

Napansin ni Cooper na natatakot na sina Katarina at Phoemela kaya tumayo sya at


itinulak ang kausap. "Tinatakot mo na ang mga kaibigan ko! Umalis ka na bago pa
kita ipapulis!" galit na sigaw ni Cooper.
Nagbago naman ang espresyon ng mukha ni Relly. "I'm sorry. Hindi ko intensyong
takutin kayo. Nagsasabi lang ako ng totoo." May kinukuha sya sa kanyang bag. "Kunin
mo na lang 'tong dasal na 'to. Basahin mo yan every night. Makakatulong yan para
mailigtas ang kaluluwa mo - " tumingin sya sa mga kaibigan ni Cooper " - at
kaluluwa ng mga kaibigan mo."

Tiningnan sandali ni Cooper ang papel na hawak-hawak ni Relly pero tinabig nya din
iyon agad. "I don't need that! We don't need that! Umalis ka na."

Bakas ang pagkagulat ni Relly sa ginawa ni Cooper pero pinipilit nyang kumalma.

"Marami na akong mga nabasang dasal galing sa black book. At nararamdaman ko ang
epekto nun sa katawan ko. Kayo? Hindi nyo ba nararamdaman na ang dasal ay nasa inyo
na?" Isinara nya ang kanyang bag. "Tumutulong lang ako para mailigtas kayo. Pero
kayo mismo ang kusang lumalapit sa kamatayan."

Tumalikod si Relly at umalis. Iniwanan nyang nakatayo si Cooper habang ang iba
naman ay tulala sa narinig.

Nakahinga ng maluwag sina Phoemela at Katarina ng umalis ang lalaki.

"He's weird and I don't know what he's talking about." Sabi ni Katarina na
pinipilit tumawa.
Habang nagkukwentuhan ang iba, napatingin naman si Peterson sa papel na iniaabot
ni Relly na tumalsik sa may ilalim ng upuan ni Cooper. Dinampot nya ito at tsaka
binuksan.

Inisa-isa nya ang laman ng papel. Madaming klase ng papel ang nasa loob pa ng
papel na iyon. May isang itim na picture na parang may bahid ng evil ang kanyang
nakita. Noong una ay natatawa pa sya, pero ng makita nya sa papel ang iba't ibang
dasal na paulit-ulit isinulat ay natigilan sya.

"No!" sigaw nito at inihagis sa table ang binabasang papel.

Nagulat ang lahat sa pagsigaw ni Peterson.

"Perry, what's wrong? Are you okay?" gulat na tanong ni Phoemela.

Hindi sumasagot si Peterson. Kinuha ni Katarina ang papel na inihagis nito sa


table.

"No way!" Inisa-isa nya ang bawat papel. "Nakakatakot naman 'tong mga 'to. Parang
black magic, but wait - " binasa nya ang dasal na nakasulat sa papel. " - parang
nabasa ko na 'to before, hindi ko lang maalala kung saan." Dugtong nito.

"I'll go ahead, may kailangan akong tapusin agad." Paalam ni Peterson na mabilis
tumayo at nagpunta sa parking lot.

Nagtaka silang lahat sa biglang pagbabago ng ikinilos ni Peterson.

"By the way, where's Blake?" tanong ni Peterson.

"Tinatawagan ko sya pero hindi nya sinasagot." Paliwanag ni Cooper.

"What are we going to do with these papers?" pinagsasama-sama na ni Katarina ang


papel.

"Eh di sunugin! Gusto

mo bang itago pa yan?" pang-aasar ni Peterson.


Kinuha ni Peterson ang papel at sinindihan ito gamit ang kanyang lighter. Inilagay
nila sa empty bin na malapit sa kanila habang nasusunog ang papel.

Matapos masunog ang papel ay nag-alisan na din silang lahat para pumasok sa kani-
kanilang trabaho.

Hindi mawala sa isip ni Peterson ang nabasa sa papel. Hindi nya maipaliwanag kung
ano yung kakaibang naramdaman nya habang binabasa nya ang dasal. Parang mainit sa
katawan at parang may mga kamay na humahawak sa kanya.

Habang nagda-drive sya ay yun pa din ang kanyang naiisip. Parang may naririnig
syang bulong ng isang babae.

"Relax Peter, relax." Bulong nya sa kanyang sarili.

Dahil sa pag-iisip, hindi nya namalayan na biglang may tumawid na lalaki at muntik
na nya itong mabangga.

"What the hell is wrong with you!" sigaw ni Peterson habang bumubusina.
Laking gulat nya ng makita nyang ang lalaking muntik na nyang mabangga ay si Blake.

Sumilip sya sa bintana ng kanyang kotse para sigawan si Blake.

"Blake! Where have you been?" sigaw nito.

Pero parang walang narinig ang kaibigan at tulala lang sya.

"Blake, sumakay ka na!" sigaw ulit ni Peterson. "Delikado tumawid dito!"

Tumingin lang sa kanya si Blake na hindi kumukurap ang mga mata at ngumiti na
nagpakilabot kay Peterson.

"What the F***!" bulong nya.


Naglakad lang ng diretso si Blake sa highway na hindi tumitingin sa paparating na
mga sasakyan.

"Blake! Blake no!" sigaw ni Peterson. Pababa na sana sya ng kotse ng biglang may
papadating na truck sa kanyang tabihan kaya't hindi sya agad nakababa. Pagkalampas
ng truck ay agad tiningnan ni Peterson kung na saan na ang kaibigan. Pero bigla
itong nawala.

Nagdrive na ulit sya habang naaalala ang mukha ng kaibigan, kung paano sya nito
tiningnan na parang wala sa sarili. Naisip nyang tawagan si Cooper at sabihin ang
nakita.

"Hello." Sagot sa kabilang linya.

Nagulat si Peterson ng babae ang sumagot.

"Hello, sino 'to? Nasaan si Cooper?" pagtatakang tanong nito.


"Peterson, kelan pa naging ako si Cooper? At bakit sa'kin mo sya hinahanap! Duh!
Si Katarina ako! Ka-ta-ri-na! Are you okay?" sagot ni Katarina sa kabilang linya.

"I'm sorry Katz, wrong dial. Sige, bye!" ibinaba agad ni Peterson ang phone at
agad tiningnan kung kaninong number yung naidial nya.

"Kay Cooper na number naman 'to." Bulong nya sa sarili. Nakita nyang tamang number
naman ang kanyang tinawagan at nagtaka sya kung bakit dumiretso kay Katarina ang
tawag.

Idinial nya ulit ang number ni Cooper for the second time. This time isang
tumutugtog ng piano naman ang kanyang narinig

ng sagutin ang kanyang tawag.

"Hello. Hello pare." Sagot ni Peterson.

Walang sumasagot sa kanya. Ilang sandali pa ay nakarinig sya ng isang malabong


iyak ng isang babae na sumasabay sa tunog ng piano.

Habang pinapakinggan ni Peterson ang boses ng babae ay biglang nagbago ang tunong
ng piano. Matinis at masakit sa tenga ang tunog kaya't ibinaba na nya agad ang
cellphone.

"May problema na ata 'tong cellphone ko." Nakatingin sya sa cellphone ng biglang
may tumawid na isang babae na nakaputi at nabangga nya ito.

"Sh*t!" napahinto sya at agad bumaba para silipin ang babaeng nabangga. Nagpunta
sya sa unahan ng kotse pero wala dun ang babae. Sinilip din nya ang babae sa ilalim
pero hindi nya din iyon nakita.

"San napunta yun?" napapakamot sa ulo na tanong ni Peterson. Laking gulat nya ng
mapatingin sya sa loob ng kotse. Nandun ang babae at nakaupo sa backseat at kumaway
pa sa kanya ng makita nya. Nanlaki ang mga mata ni Peterson at hindi alam ang
gagawin.

A/N

Sobrang tagal ng update and super sorry. Hope you understand po ang buhay student.
Ilang weeks na lang naman po ang pasukan and vacation na so makakapagfocus na po
ako sa pagsusulat. Please do understand po. :)
Thank you so much sa patuloy pa ding nagbabasa at naghihintay ng mangyayari sa
SUMPA. Sana kahit matagal ang updates eh wag po kayong makalimot bumoto.

Thanks a lot.

*MelaBrio*

=================

10: 666

Pakiplay po ng video sa baba while reading para masaya. :)

10: 666

Mabilis binuksan ni Peterson ang pintuan ng kotse upang paalisin ang babaeng
nakita. Ngunit biglang nawala ang babaeng nakita nya. Tumingin sya sa paligid ng
kotse upang hanapin ang babae pero hindi nya ito nakita.
Pumasok na ulit sya sa kotse at ipinagpatuloy ang pagmamaneho. Pinagpapawisan sya
kaya't nilakasan nya ang aircon. Hindi sya mapakali, pakiramdam nya ay may
nakatingin sa kanya.

"Relax ka lang Peterson. Don't be too paranoid!" sabi nya sa kanyang sarili.
Nagpatugtog na lang sya ng mga rock songs para mawala ang takot na nararamdaman.

Sa kalagitnaan ng pagpapatugtog nya ay biglang naging garalgal ang mga kanta.

"Tsk! May sira na ata 'tong stereo ko!" bulong nya habang pinapalitan inaayos ang
sterero.

Muling bumalik ang malakas na tugtog at kahit paano ay nakabawas sa nararamdaman


nyang takot. Sinasabayan nya pa ito

ng pagkanta. Kinuha nya ang kanyang cellphone para tawagan si Blake at tanungin
kung saan sya pupunta.

"Wow, may nagmiskol!" pabiro nyang sabi na pilit itinatago ang takot. Laking gulat
nya ng makita ang number ng tumawag sa kanya.
Missed Call

666

Lalo syang nakaramdam ng pagkakaba ng makita ang numerong ito.

"No way!" ibinaba nya ang cellphone at nagpatuloy sa pagmamaneho. Habang


nagmamaneho sya ay nagiging garalgal na naman ang mga kantang kanyang
pinapakinggan.

"Shut up!" naiinis nyang sigaw sabay patay sa stereo.

Tahimik na ulit sa loob ng kotse ng biglang tumunog ng malakas ang stereo at


nagulat sya.

"Sira na talaga 'to. Dapat ng palitan." Hindi na nya pinansin ang mga kanta at
hinayaan na nya lang tumugtog ng tumugtog.

Ilang sandali pa ay nakita nyang umiilaw ang kanyang cellphone na ang ibig sabihin
ay may tumatawag.
"Baka si Blake na 'to," at kinuha nya ang cellphone. Mas nagulat sya ng makita
nyang tumatawag ulit ang number na 666.

666

Calling...

Agad nyang kinancel ang tawag at inilapag ang cellphone sa kabilang upuan.

"Maybe some network error lang. Relax. Chill lang!" pagpapahinahon nya sa sarili.

Magtago ka na. Magtago ka na. Mahahanap kita. Magtago ka na.

Isang boses ng babae ang naririnig ni Peterson na kumakanta kasabay ng kanta na


kanyang pinapatugtog.
Magtago ka na. Nandito na ako. Makikita mo, pagbilang kong tatlo.

Sa sobrang takot ni Peterson ay nasuntok nya ang stereo. Para na syang nababaliw
at patingin-tingin sa loob ng kotse. Pinagpapawisan sya at takot na takot.

Sandaling tumahik sa loob ng kotse, pero pagkaraan ng tatlong minute, muling


tumunog ang kanyang cellphone.

666

Calling...

Kinuha nya ang kanyang cellphone at pinatay ito. Nanginginig na ang kanyang kamay
at hindi na makapagfocus sa pagda-drive.

"Tingnan ko lang kung tumunog ka pa." Natatawang sabi nya sa sarili.

Ngunit ilang sandali lang ay sabay tumunog ang kanyang cellphone at stereo.
Tumatawag ang number na 666 sa kanya habang babaeng kumakanta naman ang naririnig
nya sa kanyang stereo.

Magtago ka na. Nakikita na kita. Magtago ka na. Magtago ka na.

666

Calling...

"Tama na! Tama na! Tama na!!!!!!!!!!!!!!!!!" malakas na sigaw ni Peterson habang
nagdadrive. Nagpatakbo sya ng mabilis at patuloy sa pagbusina. Nawala naman ang
ingay sa loob ng kotse. Tumigil

sa pagtunog ang stereo at ang pagtawag ng number ng 666.

Tumatawa si Peterson dahil nawala ang ingay. "Ang galing ko! Ang galing ko
wooooooo! Hindi nyo ako matatakot. Hindi!" Masayang-masaya sya at tumatawa habang
nagsasalita. Mabilis pa din ang pagpapatakbo nya ng kotse na parang nawalan ng
kinatatakutan. "Woooohooooo! Nawala na! Nawala na!"

Laking gulat nya ng biglang may magsalitang babae. "Hindi mo ba sasagutin ang
tawag sa'yo?"
Napalingon si Peterson sa kanyang tabihan. Nakita nya ang babaeng nakaupo sa front
seat na hawak-hawak ang kanyang cellphone. Nakayuko ito at natatakluban ng buhok
ang kanyang mga mukha.

Napatigil sa pagtawa si Peterson at hindi alam ang gagawin. Bago pa man sya
makakilos ay biglang humarap ang babae sa kanya. Duguan ang mukha nito at mapuputla
ang mga labi.

"Nahuli na kita, kaya't sa'kin ka na!" malaki ang boses ng babae na parang galit
na galit.

Sa sobrang gulat ay hindi napansin ni Peterson ang paparating na truck. Huli na


ang lahat para makaiwas sya.

Tanging ang tawa lamang ng babae ang kanyang naririnig at ang kinakanta nito bago
sya bumangga sa malaking truck.

Makikita mo na sila dahil sa akin ka na! at patuloy ang nakakakilabot na tawa ng


babae.
Wasak ang unahan ng kotse ni Peterson at ipit na ipit sya ng unahan ng truck sa
kanyang kinauupuan. Bali ang kanyang leeg at dilat ang mga mata ng sya ay
mamatay.Nakalaylay din ang kanyang kanang braso. Nabalutan ng katahimikan ang buong
kotse ng biglang sandaling tumunog ng pagaralgal ang kanyang stereo.

Walang nasaktan sa sakay ng malaking truck. Tanging si Peterson lamang ang nasawi
sa aksidente. Habang dumadami ang tao sa paligid ang babaeng nasa loob ng kotse ay
nakatayo kasama ng mga tao ngunit tumatagos lang ang sino mang dumaan sa kanya.
Nakatingin lang sya sa patay na katawan ni Peterson habang inilalabas ng kotse.

Isang nakakakilabot na ngiti naman ang ibinigay ng babae habang unti-unti syang
nawawala at umaawit ng: "May susunod pa. May susunod pa. Ikaw na yun. Oo. Ikaw!
Pupuntahan kita. Pupuntahan ko kayo!"

Habang nangyayari ang pagdadala sa ospital ng katawan ni Peterson ay nag-iisa


naman si Katarina sa kanyang opisina

at hindi mapakali. Naalala nya ang kanyang panaginip tungkol kay Blake. Sinubukan
nya itong tawagan ngunit nakapatay ang cellphone nito.

"Blake, where are you?" bulong nya sa sarili habang idina-dial ulit ang number ng
kaibigan. Dahil salamin lang ang pintuan at pader ng kanyang opisina, nakita nyang
nakatayo si Blake sa labas. Mabilis napatayo si Katarina dahil nagulat sya.
"Blake what are you - " pagbukas nya ng pintuan ay nawala ang kaibigan.

Tumingin sya sa kaliwa't kanan ngunit hindi nya nakita ang kanyang kaibigan.

"San na nagpunta yun?" bulong nya sa kanyang sarili habang naglalakad-lakad.


Habang nasa hallway sya nakita nya muli si Blake na naglalakad. Hinabol nya ito
habang tinatawag.

"Blake, wait! What are you doing here? Is everything okay?" hinabol nya si Blake
pero hindi sya nito pinapansin.

Pumasok si Blake sa CR sa dulo ng hallway at isinara nya ang pintuan. Kinatok


naman ito ni Katarina dahil gusto nyang makausap ang kaibigan.

"Blake, please open the door." Mahinahong sabi ni Katarina. "I know hindi maganda
yung

mga nangyari sa'tin, pero hindi ko naman gustong may mapahamak pa." Patuloy ang
pagkatok nya.

"I'm fine Katz. Magkikita-kita din naman tayong lahat." Sagot ni Blake mula sa
loob ng CR.
Napatigil si Katarina sa pagsagot. Yun ang unang pagkakataong magsalita si Blake
simula ng habulin nya ito.

"Blake, pakiramdam ko nasa panganib ka. I don't know, pero kasi napanaginipan
kita." Pagpapaliwanag ni Katarina na hindi pa din umaalis sa harapan ng pintuan.

"Lahat naman tayo nasa panganib. Hanapin nyo na lang ako," muling sagot ni Blake.

"What are you talking about?" Kumatok muli si Katarina. "Please open the door.
Hindi kita maintindihan eh." Pinipilit nyang buksan ang doorknob pero nakalock
talaga ito.

"Blake! Blake!" patuloy lang sa pagtawag si Katarina ng biglang may humawak sa


kanyang balikat.

"Ahhhhh!" napasigaw sya sa gulat. Nakita nyang si Phoemela ang humawak sa kanya.
"My goodness Phoem, you scared me to death!"

Napahawak sa dibdib si Katarina.


"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" tanong ni Phoemela.

"Binubuksan ko kasi 'tong door kasi - " bago pa man sya makatapos magsalita ay
binuksan ni Phoemela ang pintuan.

"Katz, sira yang doorknob nyan kaya hindi yan nalolock. Di ba hindi pa dumarating
yung nag-aayos nyan?" paliwanag ni Phoemela.

Biglang nakaramdam ng pagkakaba si Katarina. Mabilis nyang binuksan ang pintuan at


sinilip si Blake sa loob. Laking gulat nya ng wala syang nakitang tao sa loob. Wala
ding bintana na pwedeng daanan para makalabas ng CR.

"Katz, are you okay?" pag-aalalang tanong ni Phoemela.

"I saw Blake." Mahinang sagot ni Katarina na biglang namutla.

"Where?" tanong ng kaibigan.


Tulala si Katarina at hindi alam kung anong nangyari. "Here, sa office. Kausap ko
pa nga sya. Pumasok sya dito sa loob." Parang nanghihina ang pakiramdam ni
Katarina. Hindi nya alam kung sino yung

nakita at nakausap nya. Pero sigurado syang si Blake yun dahil kamukha at kaboses
pa.

"By the way, tumawag si Cooper. Naaksidente daw si Peterson." Malungkot na sabi ni
Phoemela.

Biglang bumalik sa sarili si Katarina matapos marinig ang sinabi ng kaibigan.

"What?" Mabilis lumabas si Katarina ng CR. "Puntahan na natin sya."

Nagmadaling umalis ang dalawa at pinuntahan ang ospital na pinagdalhan kay


Peterson. Nadatnan nila dun si Cooper at Perry.

"What happened to Peterson?" bungad ni Katarina.


"He's gone." Umiiyak sa sagot ni Perry.

"No. No!" Lumapit si Katarina kay Cooper. "Si Peterson. Nasan sya." Naiiyak na din
si Katarina.

Hindi na napigilan ni Phoemela ang maiyak. Umupo ito sa tabihan ni Perry. Niyakap
naman ni Cooper si Katarina habang umiiyak ito.

"He's gone Katz. Wala na si Peterson." Hindi na napigilan ni Cooper ang umiyak
dahil sa pagkawala ng kaibigan.

"Anong nangyari? Magkakasama lang tayo kanina. Bakit ang bilis ng lahat."
Mahinahong tanong ni Katarina habang pumapatak ang kanyang mga luha.

Inalis ni Cooper ang pagkakayap sa dalaga at nagpaliwanag ito. "Ang sabi ng doctor
sobrang pagkatakot ang naramdaman ni Peterson bago sya maaksidente."

"Pero saan naman sya matatakot?" tanong ni Phoemela.


"Hindi ko alam. Pero isang matinding dahilan siguro yun kaya napadpad sya sa
kabilang lane." Pagpapatuloy ni Cooper.

"What do you mean?" tanong ni Katarina habang nagpapahid ng luha.

"Nasa wrong lane si Peterson kaya sya nabangga. Sinalubong nya yung paparating na
truck. Parang lumalabas tuloy na nagpakamatay sya." Umiiling na paliwanag ni
Cooper.

"Wala syang dahilan para gawin yun," umiiyak na sabi ni Phoemela.

"Si Blake, nakita ko sya." Tulala si Katarina habang inaalala ang mga nangyari sa
kanila ni Blake kanina.

Napatingin naman ang tatlo sa kanya ng marinig nilang nakita nya si Blake.

"Nakita ko sya sa office. Nakausap ko pa nga sya eh. Pero bigla syang nawala. Ang
sabi nya - ang sabi nya hanapin daw natin sya." Tumingin sya ng diretso kay Cooper.
"Puntahan natin si Blake, baka may gusto syang sabihin sa'tin kaya sya nagpakita
sa'kin kanina."

"Sobra-sobra naman kung may nangyari ding hindi maganda kay Blake," mahinang sabi
ni Perry.

Inintay lang nilang mailipat sa morge ang katawan ni Peterson at nagpunta na agad
sila sa bahay ni Blake except for Perry. Lahat sila ay hindi mapakali dahil sa
sunod-sunod na nangyayari sa kanilang lahat. Hindi nila alam kung sino ang susunod
na mamamatay. Ang gusto lang nilang gawin ngayon ay ang masiguradong nasa mabuting
kalagayan ang lahat. Dumating sila sa bahay ni Blake. Sarado ang gate pero nasa
loob naman ang kanyang kotse. Hindi nila alam kung nasa loob si Blake o wala.

"Blake! Blake!" tumatawag si Katarina habang nagdodoorbell si Phoemela. Tahimik


ang paligid at hindi nila alam kung nasa loob nga si Blake.

"Bakit parang may nakatingin sa'tin." Natatakot na sabi ni Katarina.

A/N
Sorry talaga kung super tagal magupdate. Please, hinihingi ko po ang understanding
ng lahat. Finals na po kasi. But don't worry, 2 weeks na lang po at bakasyon na so
makakapagupdate na po ako ng mas mabilis.

Anyways, sana po ay suportahan nyo pa din ang SUMPA despite ng matagal na update
and please please don't forget to vote. And sana maifollow nyo din po ako. Thanks a
lot.

*MelaBrio*'

=================

11: WHERE ARE YOU BLAKE?

11: WHERE ARE YOU BLAKE?

Pinagpatuloy nila ang pagtawag sa pangalan ni Blake pero wala pa ding sumasagot o
lumalabas mula sa bahay.
"Baka wala dyan si Blake," sabi ni Cooper habang papasok na ng kanyang kotse.

Papaalis na sana silang tatlo ng biglang bumukas ang gate. Napansin ito ni
Katarina.

"Sandali," sabi ng dalaga habang sumisilip sa loob ng bahay. "Bumukas ang gate,
baka pinapapasok na talaga tayo," pagpapatuloy nya.

Isinara ni Cooper ang kanyang kotse at sabay-sabay silang pumasok sa loob ng


bahay. Habang naglalakad sila papalapit sa pintuan ay may nakita si Katarinang
isang matandang babae na nakatayo sa may bintana sa loob ng bahay at nakatingin ito
sa kanila.

"Magandang araw po. Nandyan po ba si Cooper?" tanong ng dalaga.

Hindi sya pinansin ng matanda at hindi napawi ang tingin nito sa kanila.

"Katz, sinong kinakausap mo dyan?" tanong

ni Phoemela.
Napatingin naman si Katarina sa kaibigan. "Yung matandang babae sa loob, siguro
lola ni Blake yun," paliwanag ng dalaga.

"Babae? Saan?" Bahagyang sumilip si Phoemela sa loob upang tingnan ang sinasabi ng
kaibigan. "Wala naman ah."

"Baka pumasok na sa loob," sagot ni Katarina. Papalapit pa lang sila sa pintuan


para kumatok ng bigla itong bumukas.

Napakapit naman si Phoemela sa braso ni Katarina. "Hindi ata maganda 'tong gagawin
natin. Imagine, kakamatay lang ni Peterson and here we are again looking for Blake
na hindi sigurado kung buhay pa." Nanginginig na sabi ni Phoemela.

"Phoem? Think positive. Blake's fine, kaya nga nandito tayo di ba?" binuksan ni
Katarina ang pintuan at naunang pumasok sa loob.

May kalakihan din ang bahay ni Blake. Napakatahimik sa loob na kahit patak ng
tubig sa gripo ay maririnig.
"Cooper, san ba yung kwarto ni Blake?" tanong ni Katarina habang tinitingnan ang
kabuuan ng bahay.

"I don't know. Mabuti pa maghiwa-hiwalay na lang tayo." Sagot ni Cooper habang
tinitingnan kung saang part sya ng bahay maghahanap.

"What? Ayoko nga. Kung gusto mo mag-isa ka, hindi ako hihiwalay kay Katarina."
Takot na takot na sabi ni Phoemela.

"Phoem, napakaduwag mo. Wala na tayo sa retreat house okay, wala ng ghost dito."
Nagmamataray na sabi ni Katarina habang umakyat sa taas. "Dito ako maghahanap, dyan
na kayo sa ibaba."

"Katz, don't leave me!" naiiyak na sabi ni Phoemela. Paglingon nya sa likuran ay
nawala na din si Cooper. "Nakakainis, nakasama-sama pa kasi dito." Nagsimula na
ding maghanap si Phoemela sa loob ng bahay. Pumasok sya sa may living room.

"Blake, are you here?" Nanginginig nyang tanong. Madaming paintings ang bumungad
sa kanya sa loob ng room. Bahagyang nawala ang takot na naramdaman nya ng makita
ang magagandang paintings na 'to. Habang isa-isa nyang pinagmamasdan ang mga
paintings, naramdaman nyang parang may nakatingin sa kanya.

"Please, not a ghost!" bulong ni Phoemela sa sarili. Mabilis syang humarap sa


kanyang likuran. "My goodness, tinakot
nyo po ako." Sabi nya sa dalawang matandang nakaupo sa isang sinaunang bangko.
Mapuputla ang dalawang matanda. Nakatingin lang sila kay Phoemela at hindi
kumukurap.

Umupo si Phoemela sa harap ng dalawang matanda at kinausap ang mga ito.

"Siguro kayo po ang lolo't lola ni Blake. Sorry po kung pumasok kami without your
permission, yung dalawa ko po kasing kasama eh hinahanap si Blake." Nakangiting
sabi ni Phoemela ngunit walang reaksyon ang dalawang matanda.

"Nice paintings po pala. Mahilig din po ako sa art, I'm a photographer actually.
Hobby kong kumuha ng mga pictures, yung totoo nga po - " biglang may malakas na
lagabog sa labas na nagpagulat kay Phoemela. Napalingon sya sa may pintuan upang
silipin kung ano ang tunog na iyon.

"Ano po kaya yung tu - " humarap ulit si Phoemela sa kinakausap na matanda, " -
nog na - san sila nagpunta?" bulong nya sa sarili. Isang pintuan lang ang pwedeng
daanan ng matanda at hindi nya din namang naramdamang tumayo ang mga ito.

Biglang kinilabutan si Phoemela sa nangyari. Mabilis syang tumakbo palabas ng


living room. "Katarina!" sumisigaw

sya habang nanakbo. Gusto na nyang makita ang isa sa mga kasama ng mawala ang takot
na kanyang nararamdaman. Sa sobrang pagmamadali nya ay nadapa sya at napauntog ang
ulo sa tiles na floor.
Dahan-dahang tumayo si Phoemela. Kumapit sya sa cabinet sa kanyang tagiliran.
"Nakamalas ko naman talaga." Tumingin sya sa sahig at hinanap kung ano ang
nakatalisod sa kanya ngunit wala syang nakita.

May salamin ang cabinet na kanyang hinawakan kaya't tiningnan nya doon kung may
sugat sya sa kanyang noon. "Shit, nagbukol pa nga." Bulong nya sa sarili.

Habang tinitingnan ang kanyang bukol napansin nya ang isang malaking painting mula
sa kanyang likuran na nakita nya sa salamin. Dahan-dahan syang lumingon upang
tingnan ang painting na ito. "Hindi." Bulong nya sa sarili. Dalawang matanda ang
nasa painting, ang matandang kinakausap nya kanina sa kwarto. Ang itsura at mga
suot nito ay ang suot din nung makita nya ang mga ito sa living room. Papalapit sya
sa painting ng biglang may humawak sa kanyang balikat.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhh!" napasigaw ng malakas si Phoemela bago pa man tingnan kung


sinong humawak sa kanya.

"Phoemela! Phoemela!" sabi ni Cooper habang sumisigaw ang dalaga. "Phoemela,


what's wrong?" pag-aalalang tanong nito.

Napatigil naman ang dalaga sa pagsigaw ng marinig ang boses ni Cooper. "My gosh
Cooper, muntik na kong atakihin sa puso."
"OA mo naman kasi. Nakita mo na ba si Blake?" tanong ni Cooper habang tinitingnan
ang kanyang cellphone.

"Hindi pa eh." Tumingin ulit si Phoemela sa painting. "Hindi si Blake yung nakita
ko kanina, kundi sila," habang itinuturo ang painting ng dalawang matanda.

Dahan-dahan namang tiningnan ni Cooper ang painting. "Impossible!" pagkabiglang


sabi ng binata.

"Bakit? Kilala mo ba sila?" kinakabahang tanong ni Phoemela.

"Hindi, pero sa tingin ko grandparents 'to ni Blake." Lumapit si Cooper sa


painting at hinahawakan ito. Napansin nyang may maliit na nakasulat sa ibabang part
ng painting. "Grandparents nga sya ni Blake," dugtong nito.

Ilang sandali pa ay napaatras si Cooper na parang nagulat.

"Bakit?" tanong ni Phoemela na parang mas kinabahan.


"They're already dead." Sabi ni Cooper habang itinuturo ang date sa ilalim ng
pangalan ng dalawang matanda.

SA ALAALA NG AMING MGA MAHAL NA MAGULANG

Feliciano at Rosita Maxwell

1922-2011

Napakapit si Phoemela ng mahigpit sa braso ni Cooper. Nanlalamig ang kanyang mga


kamay at napapaiyak sa nakita. Hindi nya alam kung anong mararamdaman.

"Pero - pero kitang-kita ko sila kanina," naiiyak sa sabi ni Phoemela.

"Baka namalikmata ka lang," mahinang sagot ni Cooper.

Habang umiiyak si Phoemela sa takot ay bigla silang may narinig na malakas na


kalabog. Nagulat silang dalawa at naisip agad si Katarina. Hinigit ni Cooper ang
kamay ni Phoemela dahil alam din nyang natatakot ito at mabilis na umakyat sa itaas
kung saan naghahanap si Katarina.

"Katarina! Katarina nasan ka?" nag-aalalang tanong ni Cooper habang tinatawag ang
pangalan ng dalaga. Bawat pintuang madaanan nila ay binubuksan nila.

"Katz! Katz!" nanginginig na sigaw ni Phoemela.

Nakita ni Phoemela ang kaibigan na nakatalikod at papasok sa isang kwarto. Mabilis


nyang hinigit ang kamay mula sa pagkakahawak ni Cooper.

"Katz wait!" at sinundan nya ang kaibigan.

"Phoemela, saan ka pupunta?" sinundan din naman ni Cooper ang dalaga. Napapasok
sila sa kwarto kung saan nakita ni Phoemelang pumasok ang kaibigan.

Isang kwarto na may hagdan pa papunta sa isang malaking higaan. May mga pictures
din ni Lindsey at Blake ang mga walls ng kwarto.
"Kwarto siguro 'to ni Blake." Sabi ni Cooper.

"Katarina, where are you?" natatakot pa din si Phoemela habang tinatawag ang
kaibigan. Papaakyat sya sa hagdan ng may matapakan sya. Tumingin sya sa likod ng
cabinet at may nakita syang kamay.

"Cooper!" napaatras na sigaw ni Phoemela habang itinuturo ang kamay.

"Dito ka lang sa likod ko." Sinilip ni Cooper dahan-dahan ang kamay na nasa likod
ng cabinet. "Si Katarina!" mabilis nya itong nilapitan at chineck ng pulso.

"What? Is she dead?" umiiyak na tanong ni Phoemela.

"She's fine." Sagot ni Cooper habang ginigising ang dalaga. "Katarina. Katarina."
Binuhat nya ito at inihiga sa malaking sofa sa loob ng kwarto.

Ilang sandali lang ay nagkamalay na din si Katarina. Pagdilat na pagdilat nya ay


nakita nya agad ang dalawang kasama.
"Nakita nyo na ba si Blake?" tanong nya agad habang bumabangon.

"Oh, dahan-dahan lang." pag-aalalay ni Cooper. "Hindi pa namin sya nakikita."

"Ano bang nangyari sa'yo?" tanong ni Phoemela.

"Para kasing may tao dito sa kwarto kaya pumasok ako, akala ko si Blake. Papaakyat
ako sa hagdan ng parang may humigit sa paa ko," paliwanag ng dalaga habang
nakahawak sa kanyang noo.

"Ako din nadapa kanina, parang natalisod ako pero wala namang nakaharang sa
sahig." Paliwanag ni Phoemela na huminto na din sa pagluha.

Bahagyang nabalutan ng katahimikan ang paligid at nag-iisip ang bawat isa sa


kanila. Napatitig sya sa itaas.
"Tingnan kaya natin yung taas." Tumayo sya at umakyat sa hagdan. Inaalalayan naman
sya ni Cooper.

Umakyat din si Phoemela kasunod ni Katarina. Nakita nya ang isang malaking kama na
magulo pa at mukhang hindi pa naayos.

"Mukhang hindi pa nagagalaw ang kwarto ni Blake." Mahinang sabi ni Cooper habang
tinitingnan ang mga nakapatong sa table nito.

Mga pictures ni Blake at Lindsey ang nasa table.

"Masaya pa sila sa mga kuha nila dito. Sino bang mag-aakalang - " hindi na
itinuloy ni Katarina ang sasabihin. Umupo sya sandali sa kama at tiningnan ang
kabuuan ng kwarto.

"Mukhang wala talaga si Blake dito, I think we should go." Papatayo na si Katarina
ng may matapakan syang cellphone.

Dinampot nya ang cellphone. "Cooper, cellphone ba ni Blake 'to?"


Agad tiningnan ni Cooper ang cellphone. "Cellphone nya nga 'to. Nandito pa yung
mga texts ko sa kanya." Tumingin sya kay Katarina. "San mo 'to nakuha?"

"Natapakan ko lang," sagot ng dalaga. Nagkatinginan silang tatlo na parang iisa


ang iniisip.

"Hindi kaya - " napalayo si Katarina sa kama. "Tingnan mo Cooper".

Iniabot ni Cooper ang cellphone kay Katarina at dahan-dahang sumilip sa ilalim ng


kama.

"Ano? Anong nakita mo?" pagmamadaling tanong ni Katarina.

Hindi makasagot si Cooper. Tulala lang syang tumayo at tumingin sa bintana.

"Cooper anong nakita mo?" tanong ni Phoemela.


Dahil hindi mapakali ay sisilipin na din ni Katarina kung anong

nasa ilalim ng pigilan sya ni Cooper. Itinaas ni Cooper ang kama at bumulaga sa
kanila ang patay na katawan ni Blake. Bali ang leeg nito na nakaharap sa likuran at
nakanganga. Dilat na dilat din ang kanyang mga mata. Ang mga braso nito ay parang
umikot ng 360 degrees. Namumutla at putok-putok ang mga labi.

"No!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" Sigaw ni Katarina. "Blake! Blake wake up!" naiyak na


sigaw ni Katarina.

Pinigilan sya ni Cooper at itinayo. "Katarina calm down!" pero nagpupumiglas pa


din si Katarina na parang natrauma sa nakita.

Napatalikod si Phoemela dahil ayaw nyang makita ang patay na katawan ni Blake.

"Tulungan mo sya Cooper." Nagpupumiglas pa din si Katarina.

Hinawakan sya sa mukha ni Cooper. "Shhhhh. Katz, listen - listen to me. Tatawag
ako ng police and ambulance. Blake's dead okay?" At niyakap nya ang dalaga.
"Bakit nangyayari 'to sa'tin?" Bahagyang natigilan si Katarina.

"Katz." Hindi na din napigilan ni Phoemela ang umiyak ng malakas. "Sino ng


susunod? Ayoko! Ayoko pang mamatay! Ayoko pa." Nagmadaling lumabas si Phoemela sa
sobrang takot.

"Phoemela, bumalik ka dito!" sigaw ni Cooper.

Lumabas ng bahay si Phoemela at nanakbo ng mabilis habang umiiyak. Biglang pumasok


sa isip nya ang isa-isang pagkamatay ng mga kasama nya sa retreat house. Mas lalo
syang napaiyak ng makita ang katawan ni Blake na walang awang nagkabali-bali.

"Hindi ako ang susunod! Hindi ako papayag! Ayoko!" bulong ni Phoemela habang
natakbo sya. Hindi nya alam kung saan sya pupunta. Ang alam nya lang gusto nyang
takasan ang isa-isa nilang pagkamatay.

Naiwan sa bahay sina Cooper at Katarina. Inintay nilang dumating ang mga pulis.
Tinawagan din nila ang malalapit na kamag-anak ni Blake para sabihin ang nangyari
sa kaibigan.
"Hindi ko na gusto 'tong nangyayari sa'tin. We need to figure this out!"
mahinahong sabi ni Katarina kay Cooper habang pinagmamasdang inilalabas ang patay
na katawan ni Blake.

"How? Tingin mo ba may ibang dahilan kung bakit nangyayari 'to?" tanong ni Cooper.

"Oo. May kilala akong medium. Samahan mo ako sa kanya." Pumasok si Katarina sa
kotse at sumunod naman agad si Cooper.

=================

12: THE MEDIUM

Pakiplay po ng nasa multimedia while reading this chapter. Thanks. :)

12: THE MEDIUM


Dumiretso sina Cooper at Katarina sa isang lumang bahay. Bahay ito ng kakilala ni
Katarina na medium. Kakababa pa lamang nila ng kotse ng biglang may lumabas na
isang babae.

"Nandyan po ba si Tiya Emer?" tanong ni Katarina.

"Pumasok kayo sa loob at may importante syang sasabihin sa inyo." Sagot ng babae.

Nagkatinginan naman sina Cooper at Katarina sa narinig. Sinundan nila ang babae
papasok sa loob ng bahay.

Maraming nakasabit na mga kakaibang bagay sa loob ng bahay ni Tiya Emer, ang
medium na may kakayanang makita o malaman ang mga kakaibang bagay na hindi nakikita
ng isang normal na tayo.

Nadatnan nila ang isang matandang nakaupo sa wheel chair na nakaharap sa may
bintana.
"Nandito na po sila nay," sabi ng babae sa matanda. Tumayo ang babae sa tabihan ng
matanda.

"Maupo kayo, Katarina at Cooper." Sabi ni Tiya Emer.

Nagulat naman si Cooper ng marinig na binanggit ang kanilang mga pangalan.

"Relax, magaling yan," bulong ni Katarina kay Cooper.

Naupo sila tulad ng sinabi ng matanda. Ngunit bago pa man nila masabi ang kanilang
pakay ay naunahan na sila ni Tiya Emer.

"Mabigat ang inyong pinagdadaanan. Kahit ako'y nahihirapang malaman punu't dulo ng
mga pangyayari. Ang nakikita ko lamang ay isang kamatayan." Nakakakilabot ang boses
ng matanda. Bakas mo sa kanyang boses ang katandaan at kahinaan.

"Ano pong ibig nyong sabihin?" tanong ni Katarina.


"Ingatan nyo ang isang kaibigan. Sya na ang susunod," dugtong ng matanda.

"Linawin nyo nga po ang sinasabi nyo." Galit na sabi ni Cooper.

"Cooper, relax. We need her para masolve ang problemang 'to." Pagpigil ni Katarina
sa pagwawala ni Cooper.

"Ano po bang dapat naming gawin para matigil 'tong nangyayari sa'min?" tanong ni
Katarina.

"Hindi ko pa masasagot ngayon ang iyong katanungan. Isa lang ang masasabi ko - "
humarap ang matanda sa kanila.

Puti lang ang mga mata nito at hindi nakakakita. Nakakatakot din ang kanyang
itsura. Aakalain mong isa din syang multo.
" - wag nyong hayaang mag-isa lang sya. Manatili sa maraming tao, sa ganung paraan
ay hindi agad-agad sya mapapaslang." Sabi ng matanda na mukhang seryosong-seryoso
sa kanyang sinasabi. "Dalhin mo sa'kin ang inyong mga kaibigan at baka may
maitulong ako habang pinag-aaralan ko ang kakaibang nangyayari sa inyo." Muli ay
humarap ang matanda sa bintana.

Mabilis namang tumayo sina Cooper at Katarina na parang hindi alam ang gagawin.
"Sige po, aalis na po muna kami." Sabi ni Katarina at nauna ng lumabas.

"Naniniwala ka ba sa sinasabi ng matandang yun?" naiinis na tanong ni Cooper.

"Magaling sya at matutulungan nya tayo," sagot ni Katarina habang papasakay ng


kotse.

"Eh mukhang hindi sya mapagkakatiwalaan, Katz." Sumakay na din si Cooper sa kotse.

"Listen, we don't know what we're dealing with. Kaya nga sya yung nilapitan natin
kasi makakatulong sya. Trust me Cooper, kahit ngayon lang." Kinuha ni Katarina ang
kanyang cellphone sa bag. "I'll call Phoemela. Kailangan natin agad syang
masabihan."
"Bahala ka na nga!" naiinis na sabi ni Cooper at nagdrive na ng kotse.

Tinawagan ni Katarina ang kaibigan at agad naman nya itong nakontak.

"Hello Phoem, where are you?" nagmamadaling tanong ng dalaga.

"Sa park, dito sa may playground. Bakit?" Kalmado na ang boses ni Phoemela at
hindi na bakas ang kanyang pagkatakot.

"Okay, listen to me. Stay where you are at pupuntahan ka namin. Magstay ka sa
maraming tao. Wag na wag kang mag-iisa!"

sagot ni Katarina.

"Don't worry, I'm fine. Madami namang tao dito sa play - " biglang natigilan si
Phoemela na nawala ang mga batang naglalaro sa playground pati na din ang mga
parents nito. Tumayo sya upang tumingin sa paligid.

"Hello, Phoem. Phoem what's wrong?" nag-aalalang tanong ni Katarina from the other
line.
"Katz. Katz I'm alone. Nawala yung mga tao." Nagtatakang sabi ni Phoemela.

"Are you sure? Basta wag ka ng aalis dyan. We're on our way." Hindi na mapakali si
Katarina dahil sa sinabi ng kaibigan at nakaramdam na din sya ng takot.

Habang tumitingin sa paligid si Phoemela, may nakita syang babaeng nagsu-swing.


Nakaputi ito at mahaba ang buhok. Nakatalikod ito sa kanya. Hindi na nya ito
pinansin at tumingin pa sa ibang part ng park. Nang mapatingin ulit sya sa swing ay
wala na dun ang babae. Hinanap nya ito sa paligid pero hindi nya ito nakita. Bigla
nyang naramdaman na may tao sa kanyang likura kaya't mabilis syang tumingin dito.

"Ako ba ang hinahanap mo?" Sabi ng babae sa kanyang likuran. Ang babaeng nakaupo
sa swing kanina ay bigla na lang

sumulpot sa kanyang likuran. Sa sobrang gulat ay napasigaw si Phoemela at nabitawan


nya ang kanyang cellphone.

"Phoem! Phoem what's wrong. Hello, Phoem" biglang nagbusy ang line. Tanging sigaw
lang ni Phoemela at matinis na tunong lamang ang narinig ni Katarina kaya't naibaba
nya ang cellphone.

"Cooper, may nangyari kay Phoemela. Bilisan natin, nag-aalala na ako." Mahigpit
ang pagkahawak ni Katarina sa kanyang cellphone dahil sa sobrang pag-aalala sa
kaibigan.

Nagmamadali ang dalawang mapuntahan ang kaibigan. Samantala, si Phoemela naman ay


nanakbo upang takasan ang babaeng kanyang nakita.

Nakakarinig sya ng boses ng babae na tumatawa ngunit nakakakilabot ang boses nito.
Pumasok sya sa museum malapit sa park. Walang tao syang nakakasalubong kaya't mas
lalo syang kinabahan. Nakita nya na ang babaeng nakaputi ay sinusundan sya.

"Para mo ng awa, wag ako." Naiiyak na sabi ni Phoemela habang naglalakad sa


hallway ng museum. Ilang sandali lang ay nakakita na sya ng mga taong tumitingin sa
mga paintings. Lahat ng mga ito ay napatingin sa kanya dahil umiiyak sya habang
naglalakad.

Nagpanggap naman si Phoemela na tumitingin din ng mga paintings para hindi na sya
pansinin ng mga tao. Ngunit habang isa-isa nyang tinitingnan ang mga paintings ay
nadaanan nya ang isang babae na nakatayo sa harapan ng isang malaking painting at
umiiyak ito. Hindi nya na lang ito pinansin. Tumigil sya sa painting na katabi ng
babae. Pasimple nyang tiningnan ang babaeng umiiyak. Nakayuko lamang ito.
Natatakpan ng kanyang mahahabang buhok ang kanyang mukha kaya't hindi ito makita ni
Phoemela.

"Miss, okay ka lang ba?" mahinang tanong ni Phoemela. Hindi sumagot ang babaeng
kanyang kinakausap. Tumingin sya sa mga taong kanyang nadaanan, abala ang mga ito
sa pakikipagkwentuhan at tila hindi napapansin ang babaeng umiiyak.
"May kasama ka ba?" muling tanong ni Phoemela pero wala pa ding imik ang babae.
Kinuha ni Phoemela ang kanyang panyo sa loob ng bag at iniabot ito sa babaeng
umiiyak.

"Alam mo may mga bagay talaga na nagpapalungkot sa'tin, kaya dapat wag na lang
nating bigyan ng pansin. Isipin mo na lang yung mga magagandang bagay na nangyari
sa'yo." Pagpapalubag loob ni Phoemela sa babae habang inaabot ang kanyang panyo.

Tumigil sa pag-iyak ang babae at dahan-dahang humaharap sa dalaga.

"Ayan, mabuti nga yang tumigil ka na sa pag-iyak." Nakangiting sabi ni Phoemela.


Kinuha ng babae ang panyo pero nakayuko pa din ito.

Biglang kinabahan si Phoemela ng makita ang kanyang kamay na may dugo. Hindi na
lamang nya ito pinansin.

"Maraming salamat sa panyo," malamig na sabi ng babae. Ibinalik nya ang panyo kay
Phoemela. Kinuha naman agad ito ng dalaga.
Pagkahawak na pagkahawak ni Phoemela sa panyo ay napansin nyang basa ito kaya't
tiningnan nya agad. Laking gulat nya ng makitang punong-puno ng dugo ang kanyang
panyo at dumikit na din ito sa kanyang mga kamay. Nanginig ang dalaga habang
nakatitig sa babae.

"Bakit parang pinandidirihan mo ang mga luha ko?" parang galit ang babae sa
kanyang pagsasalita.

"Ha? Hindi. Kasi - kasi parang dugo yung nasa panyo." Mahinahong sagot ni
Phoemela.

"Luha ko yan. Tingnan mo!" biglang humarap at tumingin ng diretso ang babae kay
Phoemela. Puro dugo ang mga mata nito na unti-unting umaagos na parang luha. Hindi
na makilala ang mukha ng babae dahil

nababalutan na ito ng mga dugo.

"Tingnan mo ako. Sige na - gusto mo akong tulungan di ba?" umiiyak na sabi ng


babae habang humahakbang papalapit kay Phoemela.

"Huwag kang lalapit, dyan ka lang." Takot na sabi ni Phoemela. Dahan-dahan naman
syang umaatras habang lumalapit ang babae.
"Katulad ka din nila, nilang lahat!!" sigaw ng babae kaya't napatakbo ng mabilis
si Phoemela na nagsisigaw.

Nakatingin sa kanya ang lahat ng kanyang madaanan at pinagbubulungan sya. Sa


pagmamadali nya ay nabangga nya si Katarina.

"Phoemela, anong nangyayari sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Katarina.

"Ayoko, ayoko. Hindi!!!!" sigaw ni Phoemela habang umiiyak.

"Calm down. Sabihin mo kung anong nangyayari?" sabi ni Cooper habang nakatingin ng
diretso sa kaibigan.

"Hindi, ayoko dito. Papalapit na sya. Papalapit na sya! Aalis na ako dito."
Nagpupumiglas si Phoemela at gustong makalabas. Iyak

sya ng iyak na parang wala sa sarili.

Sinampal naman sya ni Katarina para bumalik sya sa katinuan at mukhang naging
epektibo naman dahil napatigil sa pag-iyak si Phoemela.
"Katz," napayakap naman sya ng mahigpit sa kaibigan ng makita ito. "Natatakot
ako," sabi ni Phoemela at patuloy ulit sya sa pag-iyak.

"Ano ba kasing nangyari? Bakit parang takot na takot ka?" pag-uusisang tanong ni
Cooper.

Agad namang lumingon si Phoemela sa kanyang likuran upang tingnan ang babaeng
duguan ang mukha ngunit wala na ito doon.

"May isang babae, puro - puro dugo yung mukha nya." Nanginginig ang dalaga sa
pagkukwento. "Ah - hindi, lumuluha sya ng dugo," pagpapatuloy nito.

Nagkatinginan naman sina Cooper at Katarina sa narinig mula kay Phoemela at hindi
agad sila nakapagsalita.

"Hindi kayo naniniwala sa'kin?" pagdududang tanong ni Phoemela habang tinitingnan


ang dalawang kaibigan.
"Naniniwala kami sa'yo." Mahinahong sabi ni Katarina habang hawak-hawak ang kamay
ni Phoemela.

Hinigit ng dalaga ang kanyang mga kamay. "Hindi kayo naniniwala!" Naglakad ito
pabalik sa kanyang kinatatayuan kung saan nakita nya ang babaeng duguan ang mukha.

"Dito! Dito ko sya nakitang umiiyak. Itanong mo pa sa lahat ng nandito. Dyan


nakatayo yung babaeng kausap ko!" Galit na paliwanag ni Phoemela na halos gumawa na
ng eksena sa loob ng museum na nakatawag pansin sa mga taong nandoon.

Napansin ni Katarina na nagbubulungan na ang mga tao kaya't nilapitan na sya ni


Katarina. "Phoem, lets go." Hinawakan ang kaibigan pero nagpumiglas pa din ito.

"No. Hindi ka naniniwala sa'kin Katz. Ramdam ko yun!" Muling umiyak si Phoemela
dahil pakiramdam nya ay wala syang kakampi.

May isang lalaki na ang nagsalita, isa sa mga taong nandun sa loob ng museum. "Eh
hindi naman talaga totoo yung sinasabi mo. Wala kang kausap kanina. Mag-isa ka lang
nakatayo dun, miss."
Sumang-ayon naman ang iba pang taong kasama nila sa loob ng marinig ang sinabi ng
lalaking iyon.

Lumapit na din si Cooper upang alalayan si Phoemela palabas. "Umalis na tayo dito."

"P - pero totoo yung sinasabi ko. Cooper, Katz, maniwala naman kayo sa'kin
please." Nagmamakaawang sabi ni Phoemela habang lumalabas ng museum.

"Naniniwala kami Phoem. Umalis na tayo." Mahinahong sabi ni Katarina na parang


biglang nakaramdam ng pagkahiya sa mga taong nandun.

Bago pa man sila nakalabas ng museum muling sumigaw ang lalaki. "Sa mental nyo
dalhin yang baliw nyong kaibigan," at nagtawanan ang mga tao sa loob sa sinabi
nito.

Hindi na lang nila pinansin ang sinabi ng lalaki at lumabas sila ng maayos sa
museum. Isinakay nila si Phoemela sa loob ng kotse. Ilang sandali lang ay nakatulog
na ito.

"Naniniwala ka ba kay Phoemela?" tanong ni Cooper habang nagda-drive.


"Hindi ko alam. Pero mukhang takot na takot talaga sya." Nakatingin lang si
Katarina sa labas ng biglang tumunog ang cellphone nya.

"Nagtext si Perry," sabi ng dalaga. Laking gulat nya ng mabasa ang sinabi ng
kaibigan.

From:

Perry

HELP!!

"Katz, anong sabi ni Perry?" nag-aalalang tanong ni Cooper.

Hindi agad nakasagot si Katarina. Tulala lang sya at parang may iniisip na
malalim. Kinuha ni Cooper ang cellphone at binasa ang text ng kaibigan.

"No way!" napapreno ng malakas si Cooper at nakaramdam ng pagkakaba.


"Tawagan mo si Perry, ngayon na!" naiiyak na sabi ni Katarina. "Kailangan natin
syang masabihan agad."

Sinubukan naman ni Cooper tawagan ang kaibigan. "Out of reach yung cellphone nya,"
nag-aalala nitong sabi.

"Puntahan natin sya sa office, bilisan mo!" pag-aalalang sabi ni Katarina. Hindi
sya mapakali habang tinitingnan si Phoemela sa backseat.

Natahimik sila ng biglang tumunog ang cellphone ni Katarina. Nagulat silang dalawa
sa biglaang pagtunog ng cellphone nito.

"Sinong tumatawag?" tanong ni Cooper.

"This is not happening! No!!!!!!" sigaw ni Katarina ng malakas at nabitawan ang


kanyang cellphone.
A/N

Please don't forget to vote. Last week na ng school so magiging regular na po ang
pag-uupdate ko. But I'm planning to finish my story LOVE DISASTER muna para dire-
diretso na ang update dito. Matatapos na po kasi yun, so if you have some time,
sana mabasa nyo din. Thanks. :)

Salamat sa mga nagbabasa pa din ng story na 'to. :)

*MelaBrio*

=================

13: THE END? OR JUST THE BEGINNING?

Pakiplay po ng nasa multimedia while reading the story. :)

13: THE END? OR JUST THE BEGINNING?


"Katz what's wrong?" nag-aalalang tanong ni Cooper. Tumigil sya sa pagda-drive at
dinampot ang na cellphone ni Katarina.

Missed Call

666

"What the hell! Baka network error lang 'to." Ipinatong ni Cooper ang cellphone sa
harap ng manibela. "Don't worry Katz, wala lang yan." Nagdrive na sya ulit.

Tiningnan ni Katarina si Phoemela sa backseat at natutulog pa din ito. "Tawagan mo


na kaya si Perry." Balisa na ang dalaga dahil sa mga nangyayari.
Tatawagan na sana ni Cooper si Perry ng biglag tumunog ulit ang cellphone ni
Katarina. Lumabas ulit ang number na 666 ang sa kanyang cellphone.

"Ayaw mong tumigil huh." Kinuha ni Katarina ang cellphone nya at pinatay ito.
"Hindi ako magpapaapekto sa mga ganyan." Ipinatong nya ang cellphone sa gitna nila
ni Cooper.

Tahimik na ulit sila ng bigla na namang tumunog ang cellphone nito. Sabay silang
napatingin ni Cooper at nakita nilang

tumatawag ang number na 666 sa naka-off na cellphone ni Katarina.

Sa sobrang takot ni Katarina ay kinuha nya ang cellphone at ibinato sa labas ng


kotse. Napaiyak sya sa sobrang takot. Kagat-kagat nya ang kanyang daliri habang
umiiyak. "Mabuti pa dalhin muna natin si Phoemela kay Tiya Emer tsaka natin
puntahan si Perry." Nangingig na sabi ng dalaga.

Sumunod naman si Cooper sa sinabi ni Katarina. Dinala na muna nila si Phoemela sa


bahay ni Tiya Emer, ang medium na hiningian nila ng tulong.

Dumating sila sa bahay ng matanda. Ginising nila si Phoemela sa pagkakatulog nito


sa backseat.
"Phoem, wake up. We're here." Binuksan ni Katarina ang pintuan sa backseat.

Bumangon si Phoemela at tumingin sa labas. "Where are we?" Lumabas na sya ng kotse
habang inaayos ang sarili.

"Nandito tayo sa bahay ni Tiya Emer." Sagot nito sa kaibigan habang inaalalayan
ito sa pagpasok sa loob ng bahay.

Nagulat naman sila ng ng makita si Perry sa loob ng bahay. Nakaupo ito at naka-
headset. Hindi nya namalayan ang pagdating

ng mga kaibigan dahil nakapikit ito.

"Perry?" bulong ni Phoemela.

Tila naramdaman ni Perry ang pagdating ng mga kaibigan kaya naman bahagya syang
napadilat. "Napakatagal nyo naman," bungad nito. Umupo sya ng maayos at tinanggal
ang headset na suot-suot.

"Iniintay mo kami?" tanong ni Katarina.


"Ano ba namang tanong yan? Akala ko ba hinahanap nyo ako kasi may kailangan tayong
gawin?" Sagot ni Perry habang umaayos ng upo.

Nagkatinginan naman si Katarina at Cooper dahil hindi nila maintindihan ang


sinasabi ni Perry.

Biglang lumabas ang anak ni Tiya Emer at tulak-tulak ang nanay nyang nakasakay sa
wheel chair.

"Inutusan ko ang anak ko na sunduin na ang inyong kaibigan. Alam kong mahihirapan
kayong pagsabayin silang dalawa. Hindi naman sya mahirap paliwanagan." Sabi ni Tiya
Emer.

"Whoa! Who is she?" napatayo si Perry sa kinauupuan ng makita si Tiya Emer.

"Sya si Tiya Emer. Sya yung tutulong sa'tin para maitigil na yung sunod-sunod na
pagkamatay ng bawat isa sa'tin." Paliwanag ni Katarina.

" - matigil panandalian. Hindi ko pa alam kung anong pinagmulan ng lahat ng


nangyayari sa inyo." Hinawakan nya ang kamay ng kanyang anak. "Ilabas mo na ang mga
pangontra."
Sumunod naman agad ang kanyang anak. Pumasok ito sa loob at kinuha ang pangontrang
sinasabi ng kanyang ina.

"Kayong apat na lang ba ang natira sa inyong lahat?" tanong ng matanda habang
hawak-hawak ang isang itim na lagayan na tela.

"Opo. Namatay na po kasi yung iba naming kasama - kaya nga po sana matulungan nyo
kami." Sagot ni Phoemela.

"Magsiupo muna kayong lahat." Utos ng matanda.

Umupo sa harap ng matanda ang apat na magkakaibigan ng biglang naalala ni Cooper


ang isa pa nilang kaibigan na si Quinn.

"Wait, I think we should call Quinn. Di ba kasama din natin sya sa retreat house?"
unang umupo si Cooper sa dulong

part ng upuan. Kasunod nya si Phoemela at Perry.


"I left my phone sa office sa pagmamadali kong pumunta dito." Bored na sabi ni
Perry.

"Shit! Nabitawan ko nga pala yung cellphone ko sa park kanina!" nadismayang sabi
ni Phoemela habang napahawak sa kanyang noo.

"So Cooper, ikaw na lang ang tumawag sa kanya. Nakita mo naman kung paano ko
ibinato yung cellphone ko sa labas kanina, di ba?" inilapag ni Katarina ang bag nya
sa table at umupo ito.

Kinapa ni Cooper ang cellphone sa kanyang bulsa. "Naiwan ko sa car yung phone ko,"
sabi ni Cooper.

"I'll get it for you." Tumayo si Katarina at lumabas ito para kunin ang cellphone
ni Cooper sa kotse. Nakita naman nya ito agad. Pagkasara nya ng pintuan ng kotse
may nakita syang babae sa salamin ng bintana na nakatayo sa kanyang likuran.
Mabilis naman syang humarap para tingnan ito pero wala syang nakita.

Tumingin sya sa paligid habang pumapasok ng bahay.


"Nakuha ko na." Nakangiting sabi ng dalaga na parang walang bahid ng pagkatakot.
Nagulat sya ng sabay-sabay tumingin ang kanyang mga kaibigan sa kanya na parang
gulat na gulat.

"O bakit? Anong problema?" pagtatakang tanong ni Katarina. "Here's your phone,
Cooper." Iniabot nya ito kay Cooper.

Kinuha ni Cooper ang cellphone at hindi ito makatingin ng diretso kay Katarina.
Ipinatong nya ang cellphone sa table.

"Cooper, tawagan mo na si Quinn." Umupo sya sa tabihan ni Perry. Wala pa ding imik
ang mga kaibigan nya kaya't nagtaka na sya.

"Guys, okay lang ba kayo?" kinuha nya ang kanyang bag sa table ng biglang may
nalaglag sa sahig.

Nanlaki ang mata ni Katarina at napatayo sya ng makita ang kanyang cellphone.
"Paano 'to nangyari?" Tumingin sya kay Cooper na parang humihingi ng tulong sa
pageexplain.

"Nagulat din ako. Narinig lang namin na may natunog na cellphone." Nakatungong
sabi ni Cooper.

"Naisip kong tingnan yung bag mo, at nakita namin yan. Ang daming missed calls."
Halata sa mukha ni Phoemela na nawiwirduhan na

sya sa nangyayari.

"Pero ibinato ko na yan sa highway kanina, I swear -" napayakap sya sa hawak nyang
bag.

"Iabot nyo sa'kin ang cellphone." Utos ni Tiya Emer.

Dinampot ni Perry ang cellphone at iniabot sa matanda.

Hinawakan ng matanda ang cellphone na parang pinapakiramdaman ito.

"Nagsasabi ka nga ng totoo. Nalaglag nga ito sa highway pero may nakadampot at
ibinalik ito sa bag mo." Muling iniabot ng matanda ang cellphone kay Perry.
"Pero sino pong magbabalik nyan at paano po?" nanginginig at nauutal na tanong ni
Katarina.

"Isang babae, isang babae lang ang nagpapakita sa inyong lahat." Binuksan ng
matanda ang itim na lagayan na kanyang hawak. May kinuha syang mga itim na kahoy at
iniabot ito sa kanyang anak. "Bigyan mo sila ng tig-isa."

"Para san naman po ito?" tanong ni Perry.

"Sa ngayon, yan lang ang tanging paraan para hindi kayo malapitan ng babaeng
sumusunod sa inyo. Huwag nyo yang ihihiwalay sa katawan nyo kahit sa pagligo o
pagtulog." Biglang napatigil sa pagsasalita ang matanda at inubo ito.

"Sundin nyo na lang ang sinabi ng nanay ko. Hindi sya maaring magsalita ng matagal
dahil masyado na syang matanda." Masungit na sabi ng anak ni Tiya Emer.

"Ayos lang ako anak." Hinawakan nya ang kamay ng anak at nagpatuloy sa
pagsasalita. "Kung may kakaiba kayong nararamdaman sa inyong katawan, maari nyo
yang ibabad sa tubig at inumin ang pinagbabaran." Huminto na magsalita ang matanda
at parang hinihingal ito.
"Tama na yan nay. Kailangan nyo ng magpahinga." Papasok na sa kwarto ang dalawa ng
magtanong si Cooper.

"Sigurado bang effective 'to?" tanong nito habang pinagmamasdan ang itim at maliit
na kahoy na ibinigay ng matanda.

Tila hindi naman nagustuhan ng anak ni Tiya Emer ang tanong ni Cooper. "Kayo ang
lumapit sa nanay ko. Kung hindi kayo naniniwala, iwanan nyo ang pangontra sa mesa
at makakaalis na kayo." Tumalikod ito at ihinatid na ang kanyang nanay sa kwarto.

"Maraming salamat po. Babalik na lang po kami." Pagpapaalam ni Katarina. Kinuha


nito ang pangontra ganun na din ang kanyang cellphone at inilagay ito sa kanyang
bag.

Lumabas silang apat sa bahay.

"Hindi ako naniniwala dito sa pangotrang 'to." Ibabato na sana ni Perry ang itim
na kahoy pero pinigilan sya ni Katarina.
"Perry please, nakita mo naman kung anong nangyari sa mga kasama natin. Walang
mawawala kung susubukan natin. Magtiwala ka lang. Ayoko ng pumunta sa libing ng isa
pa sa'tin. Tama ng si Peterson na ang huli." Pinunasan nya ang tumulong luha. "Alam
ko mahirap para sa'yo ang maniwala sa tulad nito, pero sana - sana kahit ngayon
lang subuka mo." Tumalikod ito sa kausap upang punasan ang kanyang mga luha.

Parang nakonsensya naman si Perry at inilagay nya ito sa kanyang bulsa. "Okay.
Gagawin ko 'to para sa'tin. Pero once na hindi natigil yung nangyayari sa'tin,
itatapon ko 'to."

"Thanks." Sagot ni Katarina habang papalapit sa kotse.

"Do you think we should call Quinn?" tanong ni Phoemela.

"Ako na ang tatawag sa kanya." Sabi ni Cooper habang tumatawag sa phone nila Quinn
sa bahay.

"Hello." Isang matanda ang sumagot mula sa kabilang linya.

"Hello po. Pwede pong makausap si Quinn. This is Cooper, her - her friend. I'm
with Katarina. We just wanna tell her something." Paliwanag ni Cooper.
"She's not here." Sagot ng matanda.

"Po? Nasan po sya?" Nakaramdam ng pagkakaba si Cooper at napatingin ito kay


Katarina.

Kinabahan din si Katarina sa tingin ni Cooper kaya lumapit ito sa kanya.

"She's in the hospital," malungkot na sabi ng kausap ni Cooper.

"Hospital? Is she okay? Ano - ano pong nangyari sa kanya? Malala po ba sya? Buhay
pa po ba sya? Ano po?" Nag-aalala na si Cooper at hindi mapakali. Ni-loud speaker
na din nya ang cellphone para marinig ng lahat ang sinasbi ng matanda sa kabilang
linya.

"Relax iho. Ngayon sya ooperahan. Nakahanap na kasi sya ng eye donor na nagmatch sa
kanya. Please ipagdasal natin sya." Sagot ng matanda.
Parang nabunutan naman ng tinik sa dibdib sina Cooper ng marinig ang sinabi ng
kanyang kausap.

"Ganun po ba? San po bang hospital para madalaw po namin sya after her operation."
Muling tanong ni Cooper.

Habang ibinibigay ng matanda ang details about sa hospital ni Quinn ay pumasok na


sa kotse si Katarina na parang balisa pa din. Iniisip pa din nya kung paano
napabalik ang cellphone sa bag nya at sino yung babaeng nakita nya sa salamin ng
bintana ng kotse.

After ng conversation ni Cooper sa matanda ay sumakay na din sya sa kotse.

"So anong plano nyo?" tanong ni Perry.

"Babalik muna ako sa office to get my things then uuwi muna ako. Magkita na lang
tayo mamayang gabi sa chapel. First night ni Peterson." Malungkot na sagot ni
Katarina. Isinandal nito ang ulo sa upuan ng kotse at pumikit na parang pagod na
pagod.
"Sige, ganun na din ako." Sagot ni Phoemela.

Inihatid ni Cooper ang mga kasama at umuwi na din muna sya. Pare-pareho nilang
tinitingnan ang itim na kahoy na ibinigay sa kanila ni Tiya Emer.

Sinubukan nilang butasan ang kahoy na ito upang maisabit sa katawan ngunit hindi
nila ito nagawa. Masyadong matibay ang maliit na kahoy na ito na kahit
pinakamalaking pako ay hindi ito mabutas.

Bumili si Katarina ng maliit na lagayan na pwede nilang paglagyan ng pangontrang


ito upang maisabit nila ito sa katawan. Dumiretso naman sya sa burol ni Peterson
tulad ng napag-usapan.

Pagdating nya sa chapel ay maraming tao. Hinanap nya agad sina Cooper. Nakita nya
ang mga ito sa may pinto ng chapel at nag-uusap usap. Iniabot nya agad ang binili
nyang lagayan para maisabit na nila agad ang pangontra sa kanilang katawan.

"Bakit ang daming tao?" tanong nya sa mga kaibigan.

"Last day kasi 'to ni Peterson. Pinapauwi ng parents nya sa Amerika yung katawan
nya." Paliwanag ni Cooper.
"Maiwan ko muna kayo. Kukuhanan ko muna 'tong last night ni Peterson." Sabi ni
Phoemela. Umalis ito at pumasok sa loob.

"Dito na magtatapos lahat. Matatahimik na din ang mga kaibigan natin. Matatahimik
na din tayo." Mahinang sabi ni Katarina kina Perry at Cooper.

Pumasok din silang tatlo sa loob upang silipin ang katawan ng kaibigan. Habang
papasok sila sa loob ay may isang babaeng nakatingin sa kanila sa di kalayuan.
Pinagmamasdan ang kilos ng mga ito.

A/N

Sino kaya ang babaeng ito at bakit hind sya makalapit? Effective kaya ang
pangontrang ibinigay ni Tiya Emer? Makakakit ana kaya si Quinn? Maraming mga
katangunan na dapat abangan ang sagot sa mga susunod na kabanata ng SUMPA.

Please don't forget to vote. Kung nagustuhan nyo ang story, pwede nyo din akong
ifollow. :) Thanks a lot.
You can check out my other stories if you have time. :)

*MelaBrio*

=================

14: RUN KATARINA! RUN!

14: RUN KATARINA! RUN!

Sumunod na araw matapos madala ng katawan ni Peterson pabalik sa pamilya nya sa


Amerika ay dinalaw naman nila Katarina ang kaibigan si Quinn na kakatapos lang
operahan sa mata.

Kagigising lang ng dalaga ng dumating sila. May dala silang mga bulaklak para dito.
Sabay-sabay dumating sina Katarina, Cooper at Phoemela sa ospital. Hindi naman
nakasama si Perry dahil magpapahinga daw sya maghapon.
"Kamusta naman ang naging operation mo, Quinn?" tanong ni Phoemela habang
ipinapatong ang bulaklak sa mesa.

"Ilalagay ko muna sa vase yang mga bulaklak. Maiwan ko muna kayo." Sabi ng tita ni
Quinn. Kinuha nya ang bulaklak at iniayos sa loob.

"Sana makakita na nga ako. Kinakabahan pa din ako ngayon kasi sabi ng doctor
maliitha lang yung chance na makakita ako." Nagbuntong hininga si Quinn.

Umupo naman si Katarina sa tabihan ng kaibigan at hinawakan ito sa kanyang kamay.


"Be positive, Quinn. Nandito lang kaming lahat to support you. Hindi na kami
mawawala, hindi na tayo mababawasan." Malungkot na sabi ni Katarina.

Umupo naman sina Cooper at Phoemela sa sofa malapit sa may higaan ni Quinn.

"Sana nga hindi na talaga tayo mabawasan. Natatakot din kasi ako. Kasi - baka
makakita

nga ako pero - puro kamatayan lang ang makikita ko." Napahigpit ang kapit nito sa
kamay ni Katarina.
"Don't worry, Quinn. May pangontra na kami dyan, binigyan kami ni Tiya Emer. Kapag
nakakakita ka na, sasamahan ka namin para magkaroon din nito." Masayang sabi ni
Phoemela habang hawak-hawak ang pangontrang ibinigay ng medium na kanilang
kakilala.

"Itago mo maige yan Phoem at ingatan mo. Kapag nawalan yan baka ikaw na ang sumunod
na mamatay." Pagbibiro ni Katarina.

Nagtawanan naman silang tatlo maliban kay Quinn. "Bakit naman kayo nagbibiro ng
ganyan?" malungkot na tanong nito.

"Quinn, okay lang. Habang hindi pa natin alam yung dahilan ng sunod-sunod na
pagkamatay ng mga kaibigan natin, matutulungan tayo nung pangontrang bigay ni Tiya
Emer." Umupo sya sa upuan katabi ng kama ni Quinn. "Ako, nawawala na yung boses na
naririnig ko. Yung babaeng nakaputi, nawala na din sya. Masarap na yung tulog ko sa
gabi." Biglang napangiti ng maganda si Katarina.

"Kahit naman ako ang sarap ng tulog ko. Imagine ang aga ko sa office kanina. Hindi
na ko natatakot mag-isa sa car lalo sa parking lot sa company. Siguro effective
talaga yung ibinigay ni Tiya Emer," sabi ni Cooper.

Bigla namang natahimik si Phoemela at napayuko.

"What's wrong, Phoem?" tanong ni Cooper.


"Wala naman. Kasi - kasi bigla na lang nawala yung mga nararamdaman

natin, yung mga nakikita. Kaya lang - " tumingin sya kay Cooper. " - natatakot ako
nab aka bigla na lang mawala yung bisa nito." Tumingin naman sya kay Katarina.
"Paano kung may pangontra na din yung gumagawa ng katatakutan sa'tin? Para tayong
nababalutan ng Sumpa - na hindi basta-basta lang natitigil ng dahil sa isang
pangontra." Paliwanag ni Phoemela na nangingilid na ang mga luha.

"Ano ka ba? Dapat mag-isip tayo ng paraan hindi yung matakot pa tayo. Eh kung
kampon ng kadiliman yung nagawa nito sa'tin, eh mas lalo na syang lumakas kasi
nakakaramdam tayo ng takot." Sagot ni Katarina.

"Teka, teka. Ano ba yang mga pinagsasabi nyo? Anong mga boses? Sinong babae?"
naguguluhang tanong ni Quinn.

"Hindi mo naman makikita yung babae kung sakali mang katabi mo sya. Pero siguro
naririnig mo na din yung mga kakaibang bulong." Sagot ni Katarina.

"Bulong? Tulad ng?" muling tanong ng dalaga.

Nagkatinginan naman sina Cooper at Phoemela.


"Bulong - yung parang may tumatawag sa'yo. Yung parang laging may kumakausap sa'yo
simula nung nagpunta tayo sa retreat house na yun," pautal-utal na paliwanag ni
Katarina habang nakatingin sa dalawang kaibigan.

"I don't understand? Wala naman akong narinig na kahit anong boses or what since
nanggaling tayo sa retreat house. Siguro yung makausap ko lang si Cole - na wala
nap ala sya. Parang

nagpaalam lang - yun lang. Pero simula makapabalik tayo dito, wala naman akong
ibang naramdamang kakaiba o nakakatakot. Matagal na akong bulag, malakas ang
pakiramdam ko." Mahabang paliwanag ni Quinn sa kanyang mga kaibigan.

Biglang nabalot ng katahimikan ang buong silid. Hindi alam ng tatlo kung bakit
bukod tanging si Quinn lang ang hindi nakakarinig at nakakaramdam ng kahit anong
kababalaghan simula ng makabalik sila galing sa retreat house na yun.

"Siguro nasanay ka na kaya hindi mo na napapansin yung kakaiba sa natural na ingay.


Hindi ka naman namin tinatakot. Wag mo na lang intindihin yun." Pabirong sabi ni
Cooper na biglang pinagpawisan ng malamig.

Maya-maya ay bumalik na ang tiyahin ni Quinn. "Kailangan na munang magpahinga ni


Quinn. Bumalik na lang ulit kayo bukas." Inihiga na nya ang pamangkin.
Tumayo na din naman si Katarina, Cooper at Phoemela.

"Maraming salamat sa pagdalaw. Excited na kong makita kayo," natutuwang sabi ni


Quinn. "Pumunta kayo next week ha. Gusto ko isa kayo sa mga una kong makikita kapag
tinanggal na 'tong benda sa mga mata ko."

"Syempre naman. Pupunta kami." Sagot ni Katarina. "Basta magpagaling ka lang at


sumunod sa sinasabi ng doctor, for sure makakakita ka agad." Pagpapatuloy nya.

"Mauna na po kami. Babalik na lang po kami kapag hindi po busy sa office,"


pagpapaalam ni Cooper.

"Walang problema." Inihatid ng matanda ang tatlo sa may pintuan. "Maraming salamat
at

hindi nyo nakakalimutan si Quinn. Kahit paano'y sumasaya sya at hindi na masyadong
naaalala ang kanyang kapatid." Malungkot na sabi ng tiyahin ni Quinn.

"Basta po para kay Quinn, kahit ano - dadating po kami. Tawagan nyo lang po kami
kung may kailangan kayo huh." Sabi ni Phoemela habang binubuksan ang pintuan.

"Napakabuti nyo. Maraming salamat." Sagot ng matanda.


Umalis ang tatlo na magaan ang pakiramdam dahil nakita naman nilang mabuti ang
kalagayan ni Quinn. Ngunit tahimik silang lumabas ng hospital na halos iisa lang
ang tanong sa kanilang isip.

"Bakit walang nararamdaman si Quinn?" sabay-sabay nilang tanong sa isa't isa.

"Tsaka na natin isipin yan, tutal wala na din naman tayong nararamdaman." Sabi ni
Cooper habang binubuksan ang pintuan ng kanyang kotse.

"Mabuti pa nga. Sige, diretso na lang ako ng office. Basta kung may kakaibang
nangyayari, magtawagan lang tayo agad, okay?" binuksan na din ni Katarina ang
pintuan ng kotse nya.

Pasakaya na din si Phoemela sa kotse nya ng biglang nagpahabol si Katarina ng


sasabihin. "Guys - "

Napatigil naman sina Cooper at Phoemela at napatingin kay Katarina.

"Mag-iingat kayo palagi." Sabay ngiti at pasok sa loob ng kotse.


Napangiti na lang din naman sina Cooper at Phoemela. Akala nila ay kung ano ng
sasabihin ng kanilang

kaibigan.

Naghiwa-hiwalay silang tatlo papunta sa kani-kanilang mga destinasyon.

Dumating si Katarina sa kanyang opisina na magaan ang pakiramdam. Isa itong


panibagong simula para sa kanya. Kakaupo pa lamang nya sa kanyang mesa ng biglang
pumasok ang kanyang secretary.

"Ma'am may dumating po kanina. Para sa inyo daw po itong lahat." Ipinatong ng
secretary ang isang box sa table ni Katarina.

"Kanino daw galing?" habang tinitingnan ang labas ng box.

"Wala pong sinabi at wala din pong nakalagay. Pangalan nyo lang po ang nakita ko."
Sagot ng kanyang secretary.
"I see. Sige, thank you." Binuksan ni Katarina ang kanyang computer. Wala pa syang
balak tingnan kung anong laman ng box pero parang bigla syang nacurious kung anong
laman nun at sino ang nagpadala sa kanya.

Tinanggal nya ang balot ng box at dahan-dahang inangat ang takip nito. Nagulat sya
na puro petals lang ng red roses ang bumungad sa kanya.

"My goodness, sino namang magpapadala nito sa'kin." Tinanggal nya ang takip ng box
at hindi na ito pinansin.

Nagsisimula na syang magtype ng biglang may malamig na hangin ang umihip sa loob ng
kanyang opisina.

"Sira yata ang aircon dito." Ginamit nya ang intercom para tawagin ang kanyang
secretary. "Lily, sira ba ang aircon dito sa loob? Pumasok ka nga dito."

Pumasok naman ang kanyang secretary. "Ma'am, kakalinis lang po nyan kanina kaya

siguro masyadong malakas yung fan. Hihinaan ko na lang po ba?" Nanginginig na sabi
ni Lily.

"Relax. Hindi naman ako galit. Sige, ayos na. Makakalabas ka na ulit." Nakangiting
sabi ni Katarina.

Kakalabas pa lang ng kanyang secretary ng mapatingin sya sa box. Nilipad ang mga
petals sa kanyang table at lumabas ang isang envelop.

"What the hell is this?" kinuha nya ang envelop mula sa loob ng box. Color gold
ang envelop na may nakasulat na pangalan ni Katarina. Dali-dali nya itong binuksan
at tiningnan kung anong laman nito.

Wala namang kakaibang laman ang envelop kundi mga sulat lang na hindi nya
maintindihan. Nababasa nya pero hindi nya alam kung anong ibig sabihin.

"Kelangan ko ba 'tong itranslate?" Binasa nya ang buong nakasulat sa mga papel na
laman ng envelop pero ni isa ay wala syang naintindihan.

"Sinong tao ang magaaksaya ng oras para lang magbigay ng walang kwentang tulad
nito." Naiinis na sabi ni Katarina. Inilagay nya ang mga sulat sa envelop at tsaka
ipinasok sa box at isinara ito. Itinapon nya ito sa basurahan sa tabi ng kanyang
table.

Lumabas si Katarina sa kanyang opisina. "Lily, kakain lang ako. And next time, wag
kang tatanggap ng kahit ano kung
hindi mo alam kung saan nanggaling. Okay?" Masungit na sabi ng dalaga.

"Ma'am - ano pong? Hindi ko maintindihan." Naguguluhang sabi ng kanyang secretary.

"Wow, kelan ka ba ipinanganak? Ngayon lang? Kanina pa tayo magkausap eh


nagtatanga-tangahan ka na agad? Ano yan memory gap? Sign of aging? Baka naman bukas
magretired ka na!" Nakapamewang si Katarina habang pinapagalitan ang kanyang
secretary.

"Ma'am, kadarating ko lang po galing break." Naluluhang sabi ni Lily.

"Anong kadarating mo lang - " tumingin sya sa paligid at nakita nyang


nagdaratingan pa lang ang ibang empleyado. "So anong sinasabi mo? Eh kausap nga
lang kita kanina - iniabot mo pa nga yung box."

Tumingin ang kanyang secretary sa kabilang table na parang naguguluhan. "Pero


ma'am kadarating ko lang po talaga."

"Ma'am, magkakasama po kaming naglunch ni Lily. Kami po magpapatunay na kadarating


nya lang." paliwanag ng isang empleyado na katabi ng table ng kanyang secretary.
"Mag-intay ka dito." Pumasok sya ulit sa loob ng kanyang opisina

upang kuhanin ang box na ibinigay sa kanya ni Lily. Pagtingin nya sa kanyang
trashcan ay wala na dun ang box. Tiningnan din nya ang kanyang table at wala na din
dun ang mga petals ng red roses.

Napaupo bigla si Katarina at hindi alam kung ano ang nangyari sa kanya. Iniaayos
nito ang sarili bago lumabas.

"I'm sorry, hindi pala ikaw yung nagdala nung box sa table ko. Si - si Phoemela
pala. Galing sya dito kanina. Aalis muna ako." Nagmadaling umalis si Katarina.

Habang nasa elevator sya ay naisipan nyang tawagan si Phoemela.

"Come on, Phoem. Pick up the phone." Bulong ni Katarina sa sarili.

Pagkabukas ng elevator sa 5th floor ay nakita nyang dumaan si Phoemela kaya


mabilis syang lumabas para sundan ito.

"Phoem!" sigaw nito haban sinusundan ang naglalakad ng kaibigan. "Phoem, wait!"
Nagmadali pa sya para mahabol ang kaibigan.
Tuloy-tuloy lang ang paglakad ni Phoemela na parang walang naririnig. Nakita nyang
pumasok ito sa fire exit. Naisip nyang

hindi iyon ang kanyang kaibigan dahil naisip nya anong gagawin nito sa fire exit.

Hindi na sumunod si Katarina sa kaibigan at naglakad na lang ito pabalik na parang


tulala at malalim ang iniisip. Nakatungo sya ng biglang may gumulat sa kanya.

Pagtingin nya ay nakita nya si Phoemela na nakatayo sa kanyang harapan.

"Phoem naman. Tinakot mo ako! Muntik na akong atakihin sa puso eh! Where have you
been? Bakit nakita kita sa fire exit?" tanong nito sa kaibigan.

"Nakikipaglaro kasi ako dun sa bata." Nakangiting sagot ni Phoemela.

"Bata?" naguguluhang tanong ni Katarina ng biglang tumunog ang cellphone nya.


"Wait lang, sasagutin ko lang 'to." Kinuha nya ang cellphone sa loob ng kanyang
bag.
"There you are," bulong nya sa sarili. Laking gulat nya ng makita kung sino ang
natawag sa kanya.

Phoemela calling...

Tumingin agad sya sa harapan nya kung saan nakatayo ang kaibigang kausap nya lamang
kani-kanina. Lumingon ito sa kanyang likuran pero hindi nya ito nakita.

Sinagot nya ang cellphone. "Bakit bigla-bigla kang lumilitaw at bigla-bigla kang
umaalis? Tinatakot mo ba talaga ako?" naiinis na tanong ni Katarina.

"Katz, what are you talking about?" natatawang tanong ni Phoemela from the other
line.

"O nasaan ka naman ngayon after mo kong takutin dito sa opisina?" pagtataray muli
ng dalaga.

"Takutin saan? Katz, kadarating ko lang sa bahay. Dumaan ako sa Studio, tumawag
ako para tanungin kung gusto mong kumain sa labas. Wala kasing nagluto dito," sagot
ni Phoemela.
Nabalutan ng takot ang buong katawan ni Katarina. Hindi nya alam kung sino ang
nakikita at nakakausap nya kanina pang pagdating nya ng kanyang opisina. Kinapa
nito agad ang pangontra na ibinigay ni Tiya Emer. Nakasabit pa naman ito sa kanyang
katawan. Tumitingin sya sa paligid na parang umiiwas sa kahit na sinong kakilala.

"Hello, Katz. Are you still there?" tanong ni Phoemela.

"Yes. Magkita tayo. Ngayon na." Ibinaba nya ang kanyang cellphone at muling
sumakay ng elevator.

Pagbaba nya sa parking lot ay nakita nya si Perry. Tinawag sya nito.

"Katarina, may lakad ka ba?" tanong nya sa dalaga.

Lumingon si Katarina at nakita si Perry na papalapit. Nagmadali syang sumakay ng


kotse at umalis agad.
Takot na takot si Katarina at hindi nya alam kung sino sa mga kausap nya ang totoo
at hindi.

A/N

Nagustuhan nyo ba ang story na 'to? Follow nyo na ako. :) Don't forget to vote din
huh. Abangan kung anong nangyayari kay Katarina. Wala na ba talagang talab ang
pangontrang ibinigay ni Tiya Emer? Subaybayan lang ang SUMPA para malaman ang tunay
na nangyayari.

Thank you sa patuloy na pagbabasa ng SUMPA. :)

*MelaBrio*

=================

15: PHOEMELA'S TURN

15: PHOEMELA'S TURN


Kumain sa isang restaurant sina Phoemela at Katarina. Kapansin-pansin ang
pagkabalisa ni Katarina at hindi ito mapakali.

"Hindi ko na alam ang tunay sa hindi. Akala ko - akala ko tapos na ang lahat pero
hindi papala." Naluluhang sabi ni Katarina.

Naikwento na nya kay Phoemela ang nangyari sa kanya kanina sa opisina ngunit hindi
pa din makapaniwala ang dalaga sa kwentong ito.

"Baka naman napagtripan ka lang talaga ng mga katrabaho mo. Di ba nasabi mo din
naman na halos isumpa ka na nilang lahat dahil sa mga panlalait mo sa kanila.
Tinatakot ka lang nun lalo na ngayong sunod-sunod ang pagkamatay ng mga kasama
natin." Paliwanag ni Phoemela.

Tila nakumbinsi naman nya ang kaibigan ngunit hindi nya maipaliwanag ang
pagkakakita at pagkakausap nya kay Phoemela.

"So pinagtripan mo din ako?" pagdududang tanong ni Katarina.


"What do you mean?" pagtataka ni Phoemela.

"I saw you in the office. You were standing in front of me then you disappeared!
How will you explain that? A - anong trick ang ginawa mo?" pagbibintang ni
Katarina.

"Katz. I swear hindi ako nagpunta sa office mo and I can proved that." Uminom ng
juice si Phoemela. "Galing ako sa studio ng tumawag yung maid sa bahay. Ang sabi
may nag-iwan daw

ng isang bag sa gate. Natakot sila na baka bomba daw yun kaya umuwi na ako agad."
Hindi sya mapakali at uminom sya ulit ng juice. "Masyadong weird. Sino namang mag-
iiwan ng isang maliit na bag na ang laman eh puro - puro cards - kung ano-ano pa."
Hinawakan nya ang kamay ni Katarina. "But believe me, hindi ako yung nakita mo."

"I know! We need to talk to Tiya Emer. Hindi na gumagana yung ibinigay nya sa'tin."
Nag-aalalang sabi ni Katarina.

Hindi pa man sila nakakaalis ng biglang tumunog ang cellphone ni Katarina. Kinuha
nya ito sa kanyang bag at napatingin kay Phoemela.

"Katz, ako talaga 'to. Wag kang paranoid." Pang-aasar nya sa kaibigan.
Number lang ang lumabas sa phone ni Katarina at natatakot syang sagutin ito kaya
inilapag na lang nya sa mesa.

"Sagutin mo! Baka importante yan." Utos ni Phoemela.

"Eh paano kung hindi? Paano kung - ah basta. Hayaan mo na lang." Hindi pinansin ni
Katarina ang natawag.

Dinampot ni Phoemela ang cellphone ng kaibigan at sinagot ito. "Hello." Napatingin


sya kay Katarina. "Si Tiya Emer." Inabot nya ang cellphone sa kaibigan.

"Hello Tiya Emer." Sabi ni Katarina.

"Huwag mong pagdudahan ang pangontrang ibinigay ko. Mabisa yan at ilang beses ko na
yang napatunayan. Nakaramdam ako ng kadiliman kanina at gusto kong sabihing mag-
iingat kayo. Gumagawa

din ng paraan ang masamang elemento na makontra ang bisa ng ibinigay ko sa inyo."
Paliwanag ng matanda mula sa kabilang linya.
"Ano po ang dapat naming gawin? Ano po bang nangyayari?" pag-aalalang tanong ni
Katarina.

"Sa ngayon hindi ko pa din alam. Pero mag-iingat kayo. Mag-ii - kayo sa - la - sa
mga - " nagpuputol-putol ang salita ng matanda.

"Hello. Hello Tiya Emer. Hindi ko po kayo maintindihan. Hello." Sabi ng dalaga.

Naputol ang linya at hindi nya nakausap ng matino ang matanda.

"Anong sabi?" pag-uusisa ni Phoemela.

"Mabisa daw ang pangontra. Kaya lang kinokontra din 'to ng masamang elemento daw.
Tapos biglang hindi ko na sya maintindihan." Nakatingin lang si Katarina sa kanyang
cellphone at iniisip pa din ang gustong sabihin ng matanda.

"Mabuti pa bumalik na tayo sa trabaho. Wag mo na lang isipin ang nangyari today at
baka epekto lang yan ng pangontra ni Tiya Emer." Tumayo si Phoemela.
"Mauna ka na lang siguro. Baka dumaan muna ako kay Tiya Emer. Hindi kasi talaga ako
mapakali." Talagang nangangamba si Katarina sa kung anong pwedeng mangyari kaya't
mas mabuting kausapin na lang nya ng personal ang matanda para mas maintindihan nya
ang gusto nitong sabihin.

Papasakay na sila ng kotse ng maisipan ni Phoemela na samahan na muna ang kanyang


kaibigan. Nagpunta sila sa bahay ng matanda at nadatnan nya dito ang anak nitong
babae na nag-aayos ng

damit.

"Kung hinahanap nyo si nanay, wala sya dito." Galit na sabi ng anak ni Tiya Emer.

"Nasan sya?" mahinahong tanong ni Katarina.

Biglang humarap sa kanila ang babae na parang galit na galit talaga. "Sinabi ko na
kay inay na huwag na kayong tulungan. Pero anong ginawa nyo? Nagpumilit kayo!
Hiningi nyo pa din ang tulong nya! Alam nyo bang dyan sya napahamak! Sa pagtulong
sa mga masasamang taong tulad nyo! Mga taong sinusundan ng kamatayan dahil sa mga
nagawa nyo sa nakaraan!" Nagpunas sya ng kanyang luha. "Umalis na kayo at huwag na
kayong magpapakita ulit sa'min!" Ipinagpatuloy nya ang pagtitiklop ng mga damit at
inilalagay nya sa bag.

"Anong sinasabi mo? Hi - hindi kami masasamang tao. Kung naabala namin si Tiya
Emer, well sorry. Pero sana una palang tinanggihan na nya kami para hindi na kami
umasa." Pagmamataray ni Katarina.
"We want to talk to your mom. Nasan ba sya?" tanong ni Phoemela.

"Nasa ospital si inay. Bigla na lang syang nanigas kanina at may - may sinasabi sya
pero hindi ko maintindihan." Umiiyak na sagot ng anak ni Tiya Emer.

"Kausap namin sya sa phone kanina. Gusto ko lang sanang linawin yung sinasabi nya
kasi hindi ko naintindihan." Sabi ni Katarina.

Napatingin naman ang anak nito at parang nagulat. Pinahid nito ang mga luha sa
mata. "Kinausap nya kayo? Pe - pero imposible. Dahil simula ng manigas sya eh hindi
pa sya gumigising."

Nagkatinginan naman sina

Katarina at Phoemela ng marinig ang sinabi ng babae.

"Sana hayaan nyo munang magpahinga ang inay ko. Kung gusto nyo talagang lutasin
yang problema nyo, bumalik kayo sa nakaraan. O kaya isipin nyo yung mga ugnayan nyo
sa isa't isa. Baka sakaling masagot ang problema nyo." Isinara ng babae ang zipper
ng bag at lumabas na ng bahay.
Umalis na din ang dalawa ng hindi naiintindihan ang mga binitawang salita ng
babaeng kinausap nila. Bumalik si Katarina sa kanyang opisina at umuwi naman si
Phoemela sa kanilang bahay para magpahinga.

Pagpasok ni Phoemela sa kanyang kwarto ay umupo ito sa sofa. Nag-unat-unat sya ng


mahawakan nya ang isang maliit na bag.

"Oh, bakit nandito 'to? Sabi kong itapon na nila 'to ah." Sabi nya sa kanyang
sarili. "Cecilia! Cecilia ano ba?" tawag nya sa kanyang kasambahay sabay dampot sa
maliit na bag na ito.

Hindi agad dumating ang kasambahay na tinawag nya kaya't naisipan nya muling
tingnan ang laman ng bag na ito. Pagbukas nya ng bag ay nakita nya ang isang sobre,
binuksan nya ito kasama pa ng ibang mga cards na nandun.

Binasa nya ang mga nakasulat sa card na nasa sobre. "So weird. Ano naman kayang
language 'to at hindi ko maintindihan." Bulong nya sa kanyang sarili.

Pagkatapos nyang basahin ang mga cards na nandun ay biglang sumulpot sa kanyang
tabi ang tinatawag nyang maid kanina.
"Ginulat mo naman ako!" gulat na gulat na sabi ni Phoemela. Ibinalik nya sa loob ng
bag ang mga cards at isinara ito. "Di ba ipinatapon ko na 'to sa inyo?" Pagtingin
nya ay biglang nawala ang maid na kausap.

Lumingon ito sa paligid pero hindi nya nakita si Cecilia. Bigla syang nakaramdam ng
malamig na ihip ng hangin. "Bukas pa ata ang bintana." Pagtingin nya sa mga bintana
ay nakasara naman lahat ito. Hindi din naman malakas ang aircon sa kanyang kwarto.

Lumabas ng kwarto si Phoemela. "Cecilia, Lucilda!" sigaw nito mula sa kanyang


pintuan. Tila may naramdaman syang tao sa kanyang likuran kaya't mabilis syang
tumingin sa likod ngunit wala naman syang nakita. Pagharap na pagharap nya ay
sumulpot si Cecilia.

"Ano ka ba naman! Kanina mo pa ako tinatakot at ginugulat! Papatayin mo ba ako?"


naiinis na sabi ni Phoemela.

"Sorry po ma'am." Mahinang sagot ng maid.

"Di ba pinatapon ko na yung bag sa inyo kanina? Bakit ipinasok nyo pa sa kwarto
ko?" pagsesermon nya sa katulong habang nakapamewang.

"Ano pong bag?" tanong ng maid.


"Cecilia, yung bag na akala nyo bomb." Sagot ni Phoemela.

"Pero kanina pa po namin yun itinapon. Nung bago pa po kayo umalis. Dun pa nga po
namin sa labas itinapon kasi sabi nyo ayaw nyo yun makita sa loob ng bahay nyo."
Paliwanag ni Cecilia.

Nagulat naman si Phoemela sa kanyang narinig. "Pero nandito sa kwarto ko yung bag."
Pumasok sya sa loob at tiningnan ang sofa kung saan nya iniwan ang bag. Laking
gulat nya ng wala na ito dun.

"Ma'am, nasan po?" tanong ng maid.

"Ipahanap mo dito sa loob ng kwarto ko. May pupuntahan lang ako." Nagmadaling
lumabas ng kwarto si Phoemela na balisa tulad ng nangyari kay Katarina.

Naalala nya ang mga kwento ng kaibigan kanina na halos katulad din ng nangyari sa
kanya.

Pumasok sya sa kotse at nagmadaling umalis. Nang nasa highway na sya at tumigil sya
saglit at hinubad ang pangontrang ibinigay ni Tiya Emer. Inihagis nya ito sa
kalsada at tsaka nagpatuloy sa pagda-drive.

Naisipan nyang tawagan si Katarina ngunit naisip nya na balisa din ito at pareho
silang hindi din naman alam ang solusyon sa nangyayari sa kanila. Tumigil sya sa
harap ng isang restaurant.

"Relax Phoem. Inhale exhale lang. Everything will be alright." Naisip na lang nyang
bumalik ng may narinig syang isang malakas na pagsabog. Nagulat sya at nakita nyang
nagtatakbuhan ang mga tao. May ilang mga taong kinakalampag na ang kanyang kotse.
Natakot naman sya dahil naisip nyang may masamang gagawin ang mga ito sa kanya.
Hindi sya lumabas ng kotse hanggang nag-alisan ang mga tao papalayo sa kanya.

Papaalis na sana sya ng biglang natumba ang isang napakalaking poste sa kanyang
kotse. Naipit si Phoemela sa loob ng sasakyan at bago sya tuluyang mawalan ng malay
ay naaninag pa nya ang isang babaeng nakatayo sa harapan ng kanyang kotse at
kumakaway pa ito.

=================

16: New Eye or Third Eye?

Please understand, nagkasakit po ako kaya hindi agad nakapag-update but please
suportahan pa din po ang sumpa. And don't forget to vote. Spread the story if you
can. Thank you.

MelaBrio
16: New Eye or Third Eye?

Isang babae ang kumakaway at biglang mabilis na papalapit kay Phoemela.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhh!" bigla syang nagising. Nakita nya si Katarina biglang pumasok


ng kwarto. Tumingin sya sa paligid. Nakita nyang may dextrose sya at nakasemento
ang paa nya.

"Phoemela. May masakit ba sa'yo? Bakit ka sumigaw?" tanong ni Katarina.

"May babae. May babae. Bumalik sya Katz. Nandyan na sya ulit." Natatarantang sagot
ni Phoemela na tinitingnan ang buong sulok ng room. "Alam ko nandito sya. Sinundan
nya tayo."

Nagwawala na sya na parang nasisiraan ng ulo. Pumasok ang mga doctor sa loob at
tinurukan sya ng pampakalma. Ilang sandal lang ay nakatulog ulit si Phoemela.

"Doc, is she okay?" pag-aalalang tanong ni Katarina sa doctor.

"She' fine. Natrauma lang sya sa nangyari sa kanya. But her vitals are good." He
explained.

"Thanks, doc." Sagot ni Katarina.

Lumabas na ang doctor at naiwan si Katarina sa loob ng hospital. Inayos nya ang
pagkakakumot ng kaibigan.

Ilang sandali lang ay may kumatok sa kwarto. Iniintay ni Katarina na may pumasok sa

pintuan pero hindi ito bumubukas.

Dahan-dahan nyang nilapitan ang pintuan ng bigla itong bumukas at napasigaw sya.
"What's wrong?" tanong ni Cooper sa kanya habang nakahawak sa door knob.

"Nothing. Nagulat lang ako sa 'yo." Sagot ni Katarina habang nakahawak sa dibdib
nya.

"How's Phoem?" tanong ni Cooper habang papasok kami sa loob ng room.

"She's fine. Nagising na sya kanina. Paulit-ulit nyang sinasabing nandyan na yung
babae. Kinilabutan nga ako sa mga sinasabi nya." Mahina kong sagot.

"Mabuti walang nangyari sa kanya. Ibig sabihin ba nun safe na sya?" tanong ulit ni
Cooper habang pinagmamasdan si Phoemela.

"I don't know. Wala akong idea." Hindi mapakali si Katarina. Palakad-lakad ito.

"Relax Katz. Magiging okay din ang lahat." Sagot ni Cooper.


Naging normal ang lahat kina Katarina, Cooper, Perry at Phoemela sa loob ng isang
linggo. Wala silang naramdaman o nakitang kahit ano. Naging kampante sila na wala
na ang babaeng gumugulo sa kanila. Yun na din ay dahil sa paniniwalang epektibo ang
pangontrang ibinigay ni Tiya Emer.

Papalabas na ng hospital si Phoemela dahil magaling na ang kanyang mga sugat at


nakakatayo na din sya. Dumating dun ang kanyang mga kaibigan upang sunduin sya.

"By the way, ngayon daw tatanggalin yung benda ni Quinn. Dito din sa same hospital.
Gusto nyo bang dumaan muna? Nagpromise tayo na we'll be there." Sabi ni Cooper
habang kinukuha ang bags ni Phoemela.

"Kayo na lang siguro, ihahatid ko na lang si Phoem sa bahay nya," sagot ni


Katarina.

"I'm fine. Don't worry. Gusto ko din kasing makita si Quinn. Sana maging successful
yung operation." Napatingin sa labas si Phoemela at napansing dumaan na si Quinn na
nakaupo sa wheel chair. "Ayun na si Quinn. Puntahan na natin."

Lumabas na sila para pumunta sa kwarto kung saan tatanggalan ng benda ang mga mata
ni Quinn.
Pagdating sa pintuan ay kumatok muna sila bago pumasok. Nandun ang tiyahin ni
Quinn.

"Hello po. Mabuti umabot pa kami," bungad ni Cooper.

"Tamang-tama lang ang dating nyo." Sagot ng tiyahin ni Quinn. "Maupo na muna kayo."

"Tita, sina Katarina na po ba yan?" masayang tanong ni Quinn.

"Kami nga Quinn." Sagot ni Katarina. Lumapit sya at hinawakan sa kamay ang
kaibigang nakaupo sa wheel chair.

"Masaya ko at nakarating kayo." Nag-isip sya sandali. "Si - si Phoemela? Kasama nyo
ba sya? Okay na ba sya?" nag-aalala nitong tanong.

"Nandito na ako. Excited na akong makakita ka kaya nagpagaling ako agad," sagot ni
Phoemela habang umuupo sa may sofa malapit sa pintuan.
Biglang pumasok ang doctor. "Are you ready?" tanong nit okay Quinn.

Tumango lang si Quinn. Lumapit na din sila sa kaibigan at tumayo sa may harapan
nito para madali

silang makita pagkatanggal ng benda. Dahan-dahang tinanggal ng doctor ang benda ni


Quinn. Halos lahat sila ay kabado dahil hindi pa siguradong makakakita ang kanilang
kaibigan.

"Dahan-dahan mong ibukas ang mata mo." Sabi ng doctor kay Quinn.

Minulat ni Quinn ang kanyang mata at tumingin sa paligid na parang pinipilit


makaaninag ng kahit na sinong nandun.

"May nakikita ka ba?" tanong ng doctor habang tinitingnan ang kanyang mga mata.

"May naaaninag po ako, pero malabo. Nakikita ko silang nakatayo pero hindi ko
makita yung mga mukha nila." Paliwanag ni Quinn.

"That's a good sign. Nagreready pa lang ang mata mo kaya hindi pa masyadong
malinaw. Pero magiging normal din yan in a few hours or in a few days." Masayang
balita ng doctor.
"Doc, maraming marami pong salamat." Naluluhang sabi ni Quinn habang patuloy pa din
ang pagtingin nya sa paligid.

"Paano, maiwan ko na kayo." Kumamay ang tiyahin ni Quinn sa doctor at nagpasalamat


ito. Lumabas na din agad ang doctor at tanging naiwan lamang sa loob ay sina Quinn,
tita nya, Katarina, Phoemela, Cooper at Perry na nakatayo sa harapan nya.

"Kayo na ba yan? Hindi ko pa masyadong makita yung mga mukha nyo pero nakikita ko
na yung kulay ng mga suot nyo." Masayang sabi ni Quinn.

Napatingin si Quinn sa may sulok ng kwarto. "Anong ginagawa mo dyan? Bakit ayaw
mong lumapit sa'min dito." Sabi nya habang nakatingin sa sulok.

"Ah, Quinn, sinong kinakausap mo?" tanong ni Katarina.

"Yung babae. Yung babaeng nakaputi. Nakatayo lang sya sa sulok. Nurse ba sya?"
sagot ni Quinn.
Nagkatinginan naman sina Phoemela at Katarina ng marinig ang sinabi ng kaibigan.

"Mabuti pa kumain kaya muna tayo sa labas? Celebration na din dahil magaling na si
Phoem at nakakakita ka na!" suggestion ni Cooper ng mapansing nakakaramdam na ng
takot ang kanyang mga kasama.

"Magandang idea yan," sagot ng tiyahin ni Quinn. Itinulak nya ang wheel chair ng
pamangkin palabas.

Sumunod na din naman sa kanya sina Cooper at Perry. Napatingin naman sina Katarina
at Phoemela sa sulok na sinasabi ng kaibigan pero wala naman silang nakita.

"Tingin mo - tingin mo guguluhin na din nya si Quinn?" pag-aalalang tanong ni


Phoemela.

"Relax. Hindi tayo ginulo ng kahit ano for 1 week and that means forever. Just be
positive. Okay?" lumabas na din sila sa kwarto at sumunod sa mga kasama.

Kumain sila sa pinakamalapit na restaurant sa hospital. Masaya silang


nagkukwentuhan ng bigla muling nagsalita si Quinn.
"May naiwanan ba tayong kasama sa hospital na iniintay nating sumunod dito?" tanong
nya.

Nagtinginan muna ang mga kasama. "Wala naman. Kumpleto na tayo dito, bakit?" tanong
ni Perry.

"Kanina pa kasi nakaway yung babae dun sa labas. Hindi ko naman

makita yung mukha nya. Basta nakaputi lang sya at mahaba yung buhok." Paliwanag ni
Quinn habang nakatingin sa labas.

Lumingon naman sina Cooper para tingnan yung sinasabi ng kaibigan pero wala naman
silang nakitang babae.

"Mabuti pa anak, kumain ka na lang. Baka naman hindi ikaw ang kinakawayan nun. Sige
na. Kumain ka na para makauwi na tayo agad." Nilagyan nya ng pagkain sa plato si
Quinn para mabaling sa pagkain ang pansin nito.

Tumahik naman sila habang kumakain na tila nagpapakiramdaman.


Ilang sandali lang ay sumigaw si Quinn.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!" malakas na sigaw nito.

Nagpanic naman silang lahat. Tumayo sila Cooper at Perry at agad lumabas para
tingnan ang babae.

Napatayo din sa Katarina at nilapitan agad si Quinn. Samantala, nagulat at hindi


agad nakatayo si Phoemela.

"Anong nangyari? Bakit ka sumigaw?" nag-aalalang tanong ni Katarina.

Tumingin si Quinn kay Katarina. "Wow Katz, ang ganda mo pala." Nakangiting sabi ni
Quinn.

"Maganda?" nag-isip sya sandali. "Teka, nakakakita ka na ng malinaw?"


Tumango si Quinn. "Sobrang linaw. Kaya nga napasigaw ako. Kasi tuwang-tuwa ako at
nakikita ko na kayo.

Tumingin sya sa kanan. "Tita, Phoem. Nakikita ko na kayo." Naluluha sya sa sobrang
tuwa.

Bumalik sina Cooper galing sa labas. "Wala naman kaming nakita dung

kakaiba." Hinihingal na sabi nito.

"Pero ako - ako nakikita ko na kayo," sabi ni Quinn.

"That's good. Akala namin may iba kang nakita." Tuwang-tuwang sabi ni Perry na
napaakbay pa kay Cooper. "Tuloy ang celebration."

Umupo na ulit silang lahat para kumain ng mapansin ni Katarina na nakatingin si


Quinn sa may likuran ni Cooper. Lumingon naman sya para tingnan kung may tao dito.

"Quinn," pagtawag ng kanyang tita. "Kumain ka na."


"Yes, tita." Ibinaling na lang ni Quinn sa pagkain ang kanyang tinitingnan.

Natapos silang kumain pero tahimik pa din si Quinn. Papasakay na ulit sila sa
kotse.

"Tatawagan ko na lang kayo palagi. Gusto ko din kasing mamasyal kasama kayo. Kung
nandito lang si ate - eh di sana hindi ko na kayo maaabala pa." malungkot na sabi
ni Quinn.

"Ano ka ba, hindi ka abala sa'min. Anytime pwede mo kaming tawagan. Right guys?"
tumingin sya sa mga kasama.

"Syempre naman. Kung kelangan mo ng ka-date, just call me and I'll be there."
Pagbibirong sabi ni Perry.

"Wow ha, nagiging madaldal ka na ngayon Perry." Dugtong ni Phoemela.

Habang nagtatawanan sila napatingin si Quinn sa kalsada at napasigaw sya.


"Umalis ka dyan!" sabay takip sa kanyang mata.

"Bakit? Ano yun?" tanong ni Katarina. Tumingin sila sa kalsada pero wala namang
kakaiba dun.

"Yun

bata - yung bata nabangga ng truck!" nanginginig na sabi ni Quinn.

"Pero wala naman bata sa kalsada at lalong walang truck." Paliwanag ni Cooper.

Dahan-dahang tinanggal ni Quinn ang pagkakatakip sa kanyang mata at tumingin sa


paligid. Wala syang nakitang truck at wala ding bata. Naglakad pa sya sandali
papalapit kung saan nya nakita ang banggaan.

"Wala nga. Siguro namalik mata lang ako." Pabalik na sya sa mga kaibigan ng
pagharap nya ay may batang duguan na nakatayo sa kanyang harapan. Napaatras sya at
nanginginig.
Nakatingin lang sya sa bata habang ang bata ay diretso lang naglalakad. Nagmadali
syang lumapit kina Katarina.

"Nakita nyo yun? Yung - yung duguan na bata" pagtingin nya ay nawala na ang batang
nakita nya. "Pe - pero nakita ko talaga. Sya yung nabangga. Sigurado ako."

"Mabuti pa umuwi ka na para makapagpahinga ka na. Baka masyado mong pinipilit yung
mata mong makakita agad ng malinaw." Mahinahong sabi ni Phoemela.

"Mabuti pa nga. Mauna na kami. Tatawagan ko na lang kayo." Sumakay na sya sa kotse
pero hindi pa din nawawala sa isip nya yung nakita nyang duguang bata.

Inihatid ni Katarina si Phoemela sa bahay nila. Bumalik naman sa opisina sina


Cooper at Perry.

Hindi nawala sa isip ni Quinn yung batang nakita nya. Hindi din nya alam kung totoo
ba yun o namamalikmata lang sya.

"We're here. Ibaba ko lang yung wheel chair mo." Sabi ng tita nya.
"No need tita. Kaya ko na pong maglakad.

Gusto ko din kasing maglibot-libot sa bahay." Bumaba sya ng kotse at tumingin sa


paligid.

"Mag-ingat ka. Wag ka na din masyadong lumayo baka bigla kang mahilo. Huwag
pwersahin ang mata. Okay?" bili ng tiyahin nya habang ibinabababa ang mga gamit ni
Quinn.

"Yes tita, I will." Masayang sagot ni Quinn.

Naglalakad sya sa kanilang garden ng makita nya ang isang babaeng nasa swing.
Nilapitan nya ito.

"Hi. What are you doing in our garden?" tanong nya.

Ngumiti lang ang babae at nakatingin lang sa kanya. Hindi ito nagsasalita.

"I'm sorry. Hindi ka yata nakakapagsalita. By the way, I'm Quinn and dito kami
nakatira." Pagpapakilala ni Quinn. Umupo sya sa bench malapit sa swing.
Nakita nyang nagsu-swing lang ang babae at hindi kinakausap si Quinn. Nakatingin
lang sya sa mga bulaklak sa garden.

Ilang sandali lang ay biglang kumulog ng malakas.

"Mukhang uulan pa. Gusto mo sa bahay ka muna?" tanong ni Quinn.

"Quinn, pumasok ka na muna at mukhang uulan." Lumingon si Quinn sa tiyahin na


tumatawag.

"Opo tita." Masigla nitong sagot. Humarap sya ulit sa babae ngunit bigla itong
nawala. Naiwan ang swing na gumagalaw. "San na nagpunta yun?" pagtatakang tanong ni
Quinn.

"Quinn, ano ba?" sigaw ulit ng tiyahin nya.


"Nandyan na po." Nagmadaling tumakbo si Quinn papalapit sa tiyahing naghihintay sa
may pintuan.

"Nagpapapasok po pala tayo ng bisita sa garden?" pag-uusisa ni Quinn habang napasok


sa loob ng bahay.

"Naku baka nakapuslit na naman yung mga bata. Palagi kasi nilang sinisira yung mga
bulaklak ko." Sagot ng tita nya.

"Pero dalaga na po yung nakita ko," mahinang sagot ni Quinn.

"Aba'y hindi ko alam. Wag kang mag-alala, papahigpitan ko ang security dito sa
bahay." Umakyat na sa taas ang kanyang tiyahin at naiwan sya sa may pintuan.

"Sino kaya yun?" bulong nya sa kanyang sarili. Napatingin sya sa may gate at nakita
nyang nakatayo dun ang babaeng nakausap nya kanina. Dahil nakaramdam sya ng takot
ay mabilis syang pumasok sa loob at isinara ang pintuan ng kanilang bahay.

Bumuhos ang malakas na ulan at naisip nya kung san nagpunta ang babae. Sumilip sya
ulit sa labas para tingnan ang babae pero wala na ito dun.
"Ano ba 'tong mga nakikita ko." Natatakot na bulong ni Quinn.

=================

17: TO SEE IS TO BELIEVE!

A/N

Hi guys. Sorry kung super tagal ng update. Sobrang naging busy lang. Anyways, thank
you pa din sa matyagang paghihintay. Please don't forget to vote and hit that
follow button. Thanks a lot. :)

17: TO SEE IS TO BELIEVE!

Nakatulog si Quinn dahil na din sa pagod. Medyo kumikirot pa din kasi ang kanyang
ulo.
Kinabukasan, naisip nila Katarina na magpakita ng pictures ni Cole at ng kanilang
barkada kay Quinn kaya pinapunta nila si Quinn sa bahay ni Phoemela.

Dahil kampante na si Quinn hindi na sya nagpahatid sa kanyang auntie at nagcommute


na lang sya papunta kina Phoemela.

Sa paglalakad nya sa subdivision, napansin nyang masyadong tahimik ang paligid.


Malakas pa din ang pakiramdam nya kahit nakakakita na sya. Mas nakasanayan nya
kasing makaramdam kaysa makakita.

Pakiramdam ni Quinn ay may sumusunod sa kanya kaya't naisipan nyang tawagan si


Phoemela. Pero hindi sinasagot

ang tawag nya.

"Sana sagutin nyo naman yung tawag ko di ba?" hawak-hawak nya ang kanyang
cellphone ng biglang may nakabangga syang lalaki.

"I'm sorry, hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko." Napatingin sya sa lalaki.
Wala namang reaction ang lalaki at nakatingin lang din sa kanya. Hindi nya tuloy
alam kung galit ba or hindi ang lalaking iyon. "Sige." Nagpatuloy na sya sa
paglalakad.

Naisip ni Quinn na magtanong sa lalaki kung saan ang bahay ni Phoemela pero
paglingon nya ulit ay wala na dun ang lalaking nabunggo nya.

"Weird. Bilis pumasok sa bahay ah." Nagpatuloy na sya ulit sa paglalakad. Hindi
naman nababagot maglakad si Quinn dahil naeenjoy nya ang ganda ng mga bahay at
paligid sa subdivision na iyon. Napadaan pa nga sya sa playground kung saan
nakakita sya ng dalawang batang nasa swing.

Tumigil sya sandali para panoorin ang dalawang batang ito.

"Kuya, hawakan mo akong mabuti ha para hindi ako malaglag." Sabi ng batang babae
sa kanyang kapatid.

"Oo naman

Carrie, hindi ka bibitawan ni Kuya." Humawak ang batang lalaki sa kanyang kapatid
habang sabay silang nagsu-swing.

Nakangiti si Quinn habang pinagmamasdan ang dalawa. Naalala nya tuloy ang kanyang
kapatid. Papaalis na sana sya ng makita nyang tumalsik ang batang babae mula sa
swing.

Hindi alam ni Quinn ang gagawin. Lumapit sya agad para tulungan ang batang babae
pero biglang dumating ang mga magulang nito.

Iyak lang ng iyak ang batang lalaki habang sinasampal ng kanyang nanay. Awang-awa
si Quinn sa kanyang nakita. Nakahandusay sa sahig ang batang babae at nagkalat na
ang dugo sa lupa.

"Bakit mo pinabayaan ang anak ko?" tanong ng nanay na sumasampal ng paulit-ulit sa


batang lalaki.

"Misis, tama na po yan. Maawa naman po kayo sa bata. Hindi naman po nya sinasadya.
Nakita ko po ang nangyari." Pagsaway ni Quinn sa babae.

Tumigil ang babae sa pagsampal sa bata at tumingin ng masama kay Quinn. Hindi alam
ni Quinn ang gagawin kaya't

dahan-dahan syang napaatras.

"Wala na ang kaisa-isa nating anak. Alam mo na ang gagawin." Matalim ang tingin ng
babae at papunta sya sa direksyon ni Quinn.
Umatras si Quinn at nakita nya ang lalaki sa kanyang likuran na may hawak na pala.
Nilapitan agad ni Quinn ang batang umiiyak. "Halika na. Umalis na tayo dito."

Pero hindi tumitigil sa pag-iyak ang bata. Hindi na alam ni Quinn ang gagawin.

Dahan-dahang lumapit ang lalaki sa bata habang hawak-hawak ang pala.

"A - anong gagawin nyo? Walang kasalanan ang bata. Maawa naman kayo sa kanya!"
nangangatal na si Quinn sa takot sa kanyang nakikita.

"Anak, huwag ka ng umiyak. Wag ka ng malungkot. Wala na tayong magagawa. Wala na


si Carrie." Mahinahong sabi ng lalaki sa kanyang anak. Niyakap nya ito ng mahigpit.

Gumaan naman ang pakiramdam ni Quinn ng makita ang ginawa ng tatay sa kanyang
anak.

"Ngayon,
alam mo na ang dapat gawin. Tulad ng napagkasunduan natin." Hinawakan ng tatay ang
kanyang anak sa ulo at hinahaplos ito.

"Opo." Tumigil sa pag-iyak ang bata at tumalikod ito.

Akala ni Quinn ay maayos na ang lahat. Pero nakita nya kung paano magtinginan ang
mag-asawa na parang may hindi magandang gagawin. Hindi din naman kumikilos ang
batang lalaki sa kanyang kinatatayuan.

Ilang sandali pa ay tumalikod ang lalaki at tumingin kay Quinn habang dahan-dahang
itinataas ang pala.

Sa isang iglap ay mabilis itong humarap sa batang lalaki na nakatayo at inihampas


sa ulo nito ang palang kanyang hawak-hawak. Nagtalsikan ang dugo nit habang paulit-
ulit na pinaghahampas ng lalaki ang kanyang anak. Natalsikan na din ang damit ni
Quinn ng dugo na lalong nagpatakot sa kanya.

Sa sobrang gulat ay hindi nagawa na nya nagawang sumigaw pa. Napatakip na lang sya
sa kanyang bibig habang pinapanood ang mag-asawa na binubuhat ang dalawang bata at
naglalakad papalayo.

Dali-dali naman syang nanakbo papalayo sa playground na umiiyak. Hindi nya alam
kung saan sya pupunta ng makita

sya nila Katarina na tumatakbo.

"Quinn!" tawag ni Phoemela.

Narinig naman agad ni Quinn ang pagtawag na iyon at mabilis syang lumapit sa mga
kasama.

Yumakap sya agad kay Katarina ng mahigpit na mahigpit na nanginginig pa ang


kanyang buong katawan.

"Quinn, what's wrong? Are you okay?" tanong ni Katarina.

Hindi nya alam kung paano sisimulang ikwento sa mga kaibigan ang kanyang nakita.
Iyak lang sya ng iyak.

"Quinn, calm down. Ano bang nangyari?" mahinahong tanong ni Phoemela.


"He - he killed his own son. I saw it. I saw it, swear." Hindi sya mapakali pero
pinipigil na nyang umiyak. "We have to call the cops." Kinukuha nya ang cellphone
nya sa bag nya na nanginginig.

"Teka, hindi ka namin maintindihan." Naguguluhang tanong ni Cooper.

"Gusto

nyong makita? Sige, dun sa playground, nagkalat yung dugo. Puntahan natin."
Nagpapahid na ng mga luha si Quinn.

Sinamahan nya ang mga kaibigan sa playground kung saan nya nakita ang nangyari.
Pero laking gulat nya ng walang kahit anong bahid ng dugo ang nandun.

"Imposible!" Tumingin sya sa paligid. "I swear, I saw it here." Naisip nyang
nilinis na ng mag-asawa ang dugo ng kanilang anak para wala ng ebidensya ng
pagpatay.

"Mabuti pa bumalik na tayo sa bahay." Nauna ng maglakad si Phoemela.

Naalala ni Quinn na natalsikan sya ng dugo nung bata sa kanyang damit at yun ang
gagamitin nyang ebidensya laban sa mag-asawa.

Pero laking gulat nya ng makitang malinis ang kanyang damit at walang bahid ng
kahit anong dugo.

"Ano bang nangyayari sa'kin? Ano yung nakita ko?" Naguguluhang tanong ni Quinn.

Inalalayan sya ni Cooper pabalik sa bahay nila Phoemela. Hindi pa din sya
makapaniwala sa nangyari. Naguguluhan sya sa kung ano ang nakita. Pero sigurado sya
sa sarili nya na totoo ang nasaksihan nya.

Iniupo muna nila si Quinn sa sofa at inabutan ng tubig. Tahimik din naman silang
lahat dahil hindi nila alam kung anong magiging reaksyon sa sinasabi ng kaibigan.

"Siguro iniisip nyong baliw ako or what. Pero I swear, nakita ko na nalaglag si
Carrie sa swing - " hindi pa man natatapos magsalita si Quinn ng biglang mabitawan
ni Phoemela ang basong hawak-hawak nya.

"I'm sorry guys. Ipapalinis ko na lang 'to later." Nauutal na sabi ni Phoemela.
Umupo sya sa upuan sa harapan ni Quinn. "Sinabi mo bang Carrie?"
"Yes. Carrie. Sya yung younger sister nung batang lalaki. Yung batang walang awang
pinatay ng father nya." Hindi na ulit napigilang umiyak ni Quinn sa takot.

"No way!" napasandal si Phoemela sa narinig.

"Kilala mo ba sila Phoem?" tanong ni Cooper habang pinapakalma si Quinn.

"Yes, of course." Uminom muna sya ng tubig bago nagpatuloy. "Kilala sila dito sa
subdivision. Mahilig daw

maglaro yung magkapatid dun sa playground. Habang busy sa pagda-drugs yung parents
nila, si Steve ang tumitingin kay Carrie. Seven years ago ng makita ang mga bangkay
nilang apat sa loob ng bahay nila dun sa labas ng subdivision. Ang sabi, pinasok
daw sila at pinagsasaksak ng mga kapwa adik nilang magulang. Wala daw kasing kahit
anong ingay silang narinig na parang nanlaban yung pamilya, so inisip nila na
napagtripan lang silang patayin ng kapwa nila adik." Tumingin sya kay Quinn. "Ano
bang nakita mo?"

"Hinahanap ko yung bahay mo ng makita ko yung dalawang bata sa playground. Ang


saya-saya nila. Magkahawak pa sila ng kamay habang nasa swing. Pero aksidenteng
nakabitaw si Carrie at nalaglag sya. Malakas yung pagkakaswing nila kaya malayo
yung tinalsikan nya. Hindi maganda yung bagsak nya. Nauna yung ulo kaya nagkalat
yung dugo sa sahig." Pinipigilang umiyak ni Quinn habang nagkukwento pero
nahihirapan syang gawin. Kaya't huminga muna sya ng malalim.
"Dumating yung mag-asawa. Sinampal ng sinampal nung babae yung batang lalaki.
Hindi sumasagot o pumapalag yung bata. Tinatanggap nya lang lahat." Nagpunas sya ng
luha saglit. "A - akala ko pinatawad na sya nung tatay nya kasi mahinahon nya 'tong
kinausap. Pe - pero hindi pala. Pinatalikod nya yung bata tsaka nya pinaghahataw
nung palakol na hawak nya. Wala silang awa! Wala silang awa!" Umiyak ng umiyak si
Quinn.

Niyakap

ni Katarina ang umiiyak na kaibigan. Wala ni isa sa kanila ang nakapagsalita


matapos magtugma ang kwento ni Quinn at Phoemela.

"Hindi daw nila anak yung batang lalaki. Binuhat nila yung dalawang bata at dinala
papalabas." Medyo kalmado na si Quinn.

"Bakit mo kaya nakita yun? Anong gusto nilang ipahiwatig? Patay na din naman yung
mag-asawa." Pag-iisip ni Phoemela.

"Hindi ko din alam. I started to see things na hindi ko madistinguish kung real ba
or hindi. Kung ganito lang din ang makikita ko, sana hindi na lang ako nakakita."
Muling napaluha si Quinn.

"Siguro mabuti pa tanungin mo yung hospital kung sino yung may ari ng mga mata na
yan." Suggestion ni Perry na nakaupo lang sa di kalayuan.
Bahagyang tumahimik ang paligid. Gumaan na din naman ang pakiramdam ni Quinn dahil
sa tulong ng kanyang mga kaibigan. Nagtatawanan na nga ulit sila at ginagawa na
lang biro yung nangyari kanina.

"Oh well, ituloy na ang dapat ituloy." Sabi ni Katarina habang hawak-hawak ang
isang photo album. Inilapag nya

ito sa table.

"Heto yung mga pictures namin before," binuksan ni Phoemela ang album at ipinakita
kay Quinn.

Isa-isa namang tiningnan ni Quinn ang mga pictures.

"Wow Katarina, ang sweet nyo pa ni Cooper dito sa isang picture oh." Iniabot ni
Quinn kay Katarina yung picture.

"Wag mo na yang tingnan." Nahihiyang sabi ni Katarina. Kinuha nya at inilagay sa


ilalim ng mesa.

"Grabe pala no, matagal na din pala talaga kayong magkakakilala. Pero bakit may
ilang pictures dito na parang hindi pa kayo ganun kaclose?" tanong ni Quinn habang
patuloy ang pagtingin sa mga pictures.

"Nagkaron din kasi ng gaps pero naayos na din naman yun." Paliwanag ni Phoemela.

Kinuha ni Phoemela ang isang picture sa may gitna ng album at iniabot kay Quinn.
"Yan si Cole. Una naming picture yan together."

"Bata pa lang pala maganda na si ate. Hindi pala kami magkamukha." Tila nalungkot
si Quinn.

"Anong hindi magkamukha? Eh napagkakamalan nga kayong kambal. Pinaliit ka lang na


Cole, younger version." Pagbibiro ni Cooper.

Napatingin naman si Quinn sa salamin ng table at pinagmasdan ang kanyang mukha.


"Hindi naman talaga kami magkamukha ni ate. Niloloko nyo lang ako." Pinagpatuloy
nya ang pagtingin ng mga pictures.

"Sino 'tong lalaki sa picture? Galing din ba sya dito kanina? Nabangga ko kasi sya
kanina. Pero nagsorry naman ako. Mabuti na lang kilala nyo sya." Nakangiting sabi
ni Quinn habang iniaabot ang picture nung lalaki.
Nagkatinginan naman sina Katarina, Cooper at Phoemela ng marinig ang sinabi ni
Quinn. Tiningnan ni Cooper ang picture na hawak ni Quinn.

"Nakita mo 'tong nasa picture kanina?" pag-uulit ng tanong ni Cooper.

"Oo, bago magplayground. Bakit?" Patuloy pa din ang pagtingin ni Quinn sa mga
pictures habang naghihintay sa sagot sa kanyang tanong.

"Oh my gosh! Kilala nyo din pala 'tong babaeng 'to?" Itinuturo ang isang babae sa
picture. "I saw her

sa bahay yesterday. Natakot ako kasi hindi ko sya kilala. Kung alam ko lang na
kilala nyo sya eh di sana pinapasok ko sya sa loob. Umulan pa mandin ng malakas
kahapon. Sobrang nakakahiya. Siguro naman alam nyang bulag ako dati, di ba?"
masayang kwento ni Quinn habang natatawa-tawa pa.

Napatingin sya sa mga kasama na seryosong nakatingin sa kanya at hindi alam kung
anong magiging reaksyon.

"Hello. Anong problema? Kanina pa ako salita ng salita dito eh parang wala namang
gustong kumausap sa'kin. Dalawa na yung questions, wala bang may balak sumagot?"
pamimilosopong sabi ni Quinn na hindi pa din mapawi ang ngiti sa kanyang mukha.
Kinuha ni Phoemela ang album at isinara ito.

"What's wrong? Ba - bakit mo isinara? Hindi pa ko tapos." Inaagaw ni Quinn ang


album pero hindi na ito ibinigay ni Phoemela.

Napansin ni Quinn na hindi makatingin sa kanya ng diretso ang mga kasama.

"May nasabi ba akong hindi maganda?" paguusisa nya. Habang tinitingnan nya ang mga
kasama napansin nyang may nakasulat sa likod ng hawak na picture ni Cooper. Kinuha
nya ito.

"Quinn no!" pagpigil ni Katarina.

Pero hindi nila napigilan si Quinn. Tiningnan nya ang nakasulat sa likod ng
picture. Nagulat sya sa nakita nya kaya't kinuha nya din ang isa pang picture kung
saan nandun ang babaeng tinatanong nya.

"Sila ba 'to?" nanginginig na tanong ni Quinn.


"Oo." Mahinang sagot ni Cooper.

Nabitawan ni Quinn ang mga pictures at natulala sya sa kanyang narinig.

"Hindi. This is not happening. Not to me, please!" Biglang nawalan ng malay si
Quinn.

=================

18: THE PRIVATE NURSE!

18: THE PRIVATE NURSE!

Dahil sa nangyari kay Quinn naisipan nilang dalhin ito sa ospital habang wala pa
itong malay. Papatingnan na din nila ang mga mata ng kaibigan at magbabakasakaling
malaman nila kung sinong donor ng mga mata ni Quinn.
Nagising si Quinn sa ospital kung saan inoperahan ang kanyang mga mata. Pagmulat
nya ay si Phoemela at Cooper yung una nyang nakita. Nag-uusap ang dalawa sa may
bintana na tila seryoso ang kanilang pinag-uusapan.

"Phoem." Tawag ni Cole habang dahan-dahang naupo.

Napalingon naman si Phoemela at nakitang dahan-dahang umuupo ang kaibigan.

"Quinn!" nagmadali ang dalaga upang lapitan ang kaibigan. "Kamusta na ang
pakiramdam mo? May masakit ba sa'yo?"

"Wala naman. Medyo masakit lang ang ulo ko." Tumingin sya sa likuran ni Cooper.
"Nasan si Katarina?" tanong nito.

"Kinakausap yung hospital about sa donor mo.Ayaw talaga nilang sabihin. Pero don't
worry, ginagamit na ni Katarina

yung influence and connections nya para malaman. Alam mo naman yun." Pagbibirong
sabi ni Cooper.
Habang nagtatawanan silang tatlo ay biglang dumating si Katarina.

"Speaking." Dugtong muli ng binata.

"Pinag-uusapan nyo ba ako?" mataray na bungad ni Katarina.

"Of course not." Pigil na tawa ni Cooper.

Habang nag-aasaran sila ay napansin ni Quinn na may hawak-hawak na papel si


Katarina.

"Nalaman mo na ba kung sinong donor ng mga mata ko?" tila nagdadalawang isip pa si
Quinn na magtanong.

Tumabi sa kanya si Katarina at ngumiti. "Ako pa." Iniabot ang papel na hawak sa
kaibigan. "Yan yung name ng donor mo. Ilang months na din pala syang patay. Pero
may address din dyan ng mga relatives nya. So if you want to ask anything about
your donor, puntahan mo na lang sila."
"Matinnie Haven." Basa ni Quinn sa pangalan sa papel.

"Did you say Matinnie?" tanong ni Phoemela.

Tumango naman si Quinn. "Kilala nyo?"

"Para kasing narinig ko na yung name na yan." Sagot ni Phoemela.

"Patingin nga." Kinuha ni Katarina yung papel na hawak ni Quinn. "Oo nga no.
Parang narinig ko na din 'tong pangalan na 'to."

"Baka naman inaway nyo yan before kaya kilala nyo." Muling pagbibiro ni Cooper.

Habang nagtatawanan silang apat ay pumasok ang doctor na tumitingin kay Quinn.
"Wag kang masyadong magpapastress. Wag mo ding pagurin ang mga mata mo." Inabot nya
ang reseta s dalaga. "Inumin mo yan kapag kumirot ang ulo mo." Muling nagsulat ng
reseta ang doctor. "Heto namang isa kapag nahihirapan kang makatulog."
"Marami pong salamat doc." Nakangiting sabi ni Quinn.

"Pwede ka na ding lumabas at magpahinga. Mukha namang very supportive ang mga
kaibigan mo. Maganda yan para hindi ka mastress." Hinawakan nya sa balikat si
Quinn. "I'll go ahead."

Inihatid ni Phoemela ang doctor sa may pintuan. "Thank you, doc."

"Ihahatid ka na namin sa inyo." Sabi ni Cooper.

"Sana wag na natin 'tong mamention kay auntie. Baka kasi hindi na nya ako payagang
lumabas ulit mag-isa." Mahinahong sabi ni Quinn at isa-isang tiningnan ang mga
kaibigan.

"Sure, no problem." Kinuha ni Katarina ang kanyang gamit. Inilalayan naman ni


Cooper si Quinn habang papalabas ng kwarto.

"Guys, I'm fine. Hindi naman ako bagong opera no. Masyado na kayong nagiging OA."
Naglakad si Quinn mag-isa. "See!"
"Akala namin kailangan mo pa ng wheelchair eh." Tumatawang sabi ni Cooper.

Papasakay na sila ng kotse ng mapatingin si Quinn sa salamin ng kotse bago pa man


nya ito buksan. Tinitigan nya ang kanyang sarili at hinawakan ang kanyang mukha.

"Are you okay?" tanong ni Phoemela.

"Yes. Hindi ko lang mapigilang tingnan yung mukha ko. Ngayon ko lang kasi nakita
kung anong itsura ko." Binuksan na nya yung kotse. "Never mind. Lets go!"

Dumating sila sa bahay ni Quinn. Pababa pa lamang sila ng pigilan sila ni Quinn.

"Sorry guys, pero mas mabuti atang wag na kayong bumaba. Baka kasi makahalata pa
si auntie. Next time lang talaga." Binuksan ni Quinn ang pintuan ng kotse. "Thank
you ng marami. Tawagan ko na lang ulit kayo." Bulong nya pagkababa ng kotse. "Bye."
Isinira nya ang pintuan ng kotse at kumaway sa mga kaibigan.
Tiningnan nya ang kabuuan ng bahay at nagbuntong hininga bago sya pumasok sa loob.

"Where have you been?" tanong ng kanyang auntie na nakatayo sa may likuran ng
pintuan.

Nagulat naman si Quinn ng biglang marinig magsalita ang kanyang auntie. Lumingon
ito sa kanyang likuran. Lumapit ito sa kanyang auntie at nagbeso.

"Galing po kami kina Phoemela and nagpacheck up na din ako. Kung - kung tuloy-
tuloy na yung paggaling ko." Napatungo

si Quinn at hindi makatingin ng diretso sa kanyang auntie.

"Anong sabi ng doctor?" seryosong tanong ng matanda.

Ngumiti si Quinn at tumingin ng diretso sa kausap. "Okay naman daw po. Medyo
kikirot lang daw po yung ulo ko but other than that okay na po."

"Good." Papalabas ng bahay ang kanyang auntie.


Nakita nya din ang ilang maids na may dalang mga bagahe. "Auntie, aalis kayo?"

"Yes. Three days to one week lang naman. Kumuha ako ng private nurse na titingin
sa'yo. Nandyan din naman ang mga maids." Tumitingin sa relo ang kanyang auntie.

"Don't worry auntie, I'm fine. Kaya ko naman pong maiwan dito. Gawin nyo lang po
yung mga dapat nyong gawin and wag nyo na po akong alalahanin." Paliwanag ni Quinn.

Pero parang hindi napakinggan ng auntie nya ang kanyang mga sinasabi. "O ipasok
nyo na yang gamit ko. Ingatan nyo at maraming mababasag dyan. Bilisan nyo at
mahuhuli na ako!" pasigaw na sabi ng matanda.

Hindi na nagpaalam muli ang

kanyang auntie. Nagmadali itong sumakay ng kotse. Naiwang nakatayo si Quinn habang
pinagmamasdan ang papalayong kotse ng tiyahin.

"Weird. Nagmamadali?" nagbuntong hininga sya at pumasok na sa loob.


Umakyat sya sa kanyang kwarto. Inilagay ang papel na hawak sa kanyang drawer. Muli
ay napatingin sya sa salamin at pinagmasdan nya ang kanyang sarili.

"Hindi ko naman talaga kamukha si ate." Tinitigan nya ang kanyang mukha ng bigla
itong ngumiti. Napaatras si Quinn sa sobrang gulat. Ipinikit nya ang kanyang mga
mata ng ilang segundo at muli itong binuksan.

"Namalikmata na naman ba ako?" tinitigan nya ulit ang kanyang mukha habang
papalapit ng papalapit sa salamin. Dahan-dahan nyang inilalapit ang mukha sa
salamin upang mas makita ang sarili. Laking gulat nya ng biglang tumunog ang
kanyang cellphone.

"What the heck!!!" napasigaw sya. Tumalikod sya sa salamin upang kuhanin ang
cellphone.

Ngunit hindi nya napansin na sa pagtalikod nya at naiwan pa rin ang kanyang imahe
sa salamin na hindi gumagalaw at parang pinagmamasdan lamang sya. Ilang sandali
lang ay nawala na din ito.

"Yes hello Katz." Pagsagot nya sa kanyang cellphone. "Hindi naman sya nagtanong
masyado. Nagmamadali syang umalis eh. Three days up to one week daw syang mawawala.
There's nothing to worry about. Okay naman ako - " nagsasalita sya ng biglang
bumukas yung pintuan nya na parang may lumabas. Napalingon naman agad si Quinn.
"Tatawagan ko na lang kayo kapag nagkaproblema. May gagawin lang ako sandali ha.
Bye." Ibinaba nya ang cellphone at dahan-dahang lumapit sa nakabukas na pintuan.

Sumilip sya sa labas pero wala naman syang nakitang tao. "Sino kayang pumasok?"
Isinara nya ang pintuan ng maramdaman nyang may nakatayo sa likuran nya.

Dahan-dahan syang tumingin sa kanyang likuran. Bahagya syang nagulat ng makitang


may babaeng nakaputi na nakatayo sa kanyang likuran. Napatakip sya sa kanyang bibig
na takot na takot. "Si - sino ka?" utal nyang tanong.

"Wag po kayong matakot miss Quinn. Ako po ang private nurse na kinuha ng auntie
nyo bago sya umalis." Paliwanag ng babae.

Natawa naman si Quinn ng narinig ang sinabi ng kausap. "I'm sorry. Nagulat lang
talaga ako. Ikaw pala yung pumasok

kaya bumukas yung pintuan ko."

"Ah - hindi miss Quinn. Nakita kong bukas na yung pintuan nyo kaya ako pumasok."
Tumalikod ang nurse at tiningnan ang mga gamot na iniinom ng dalaga.
Napaisip muli si Quinn. "Hindi kita napansing pumasok. Bakit hindi ka agad
nagsalita?" tanong nya sa nurse.

"May kausap po kasi kayo sa phone miss. Nag-aayos ako ng mga gamot nyo dito ng
mapansin kong papunta kayo sa pintuan." Sagot ng nurse.

"Baka hindi lang talaga kita napansin." Umupo si Quinn at naghubad ng sapatos.
"Medyo pagod na din kasi ako. Masakit na din ang ulo ko."

Inabutan ng nurse ng isang basong tubig at gamot si Quinn.

"Anong gamot 'to?" tanong ni Quinn bago inumin.

"Para sa stress po yan at para makapagpahinga ka ng ayos." Sagot ng nurse.

Kinuha ni Quinn ang gamot at ininom ito. "May mga nireseta din sa'kin si doc.
Nandun sa bag ko pakitingnan na lang - din." Biglang nakatulog si Quinn dahil ata
sa pinainom ng nurse.
"Magpahinga kayo ng ayos miss Quinn." Ngumisi ang nurse habang iniaayos ang higa
ng dalaga.

Ipinatay nya ang ilaw at agad lumabas ng kwarto ni Quinn.

Natutulog ang dalaga na bahagyang nagsasalita.

"Ate. Ate. Ate Cole." Tila binabangungot ang dalaga habang tinatawag ang pangalan
ng kanyang ate cole.

Mga ilang oras din syang nakatulog ng maramdaman nyang may humawak sa kanya at
bigla syang nagising.

Pagmulat nya ng mata ay nakita nya ang kanyang ate na nakatayo sa kanyang tabihan.

"Ate, ikaw ba yan?" niyakap nya ng mahigpit ang babae at napaluha ito.
"Miss Quinn. Miss Quinn ayos ka lang ba?" tanong ng nurse.

Nagulat si Quinn ng makita na ang nurse pala ang kanyang niyayakap at hindi ang
kanyang ate. "So - sorry. Akala ko kasi ikaw ang ate ko. Napanaginipan ko kasi
sya." Nagpahid sya ng kanyang

luha.

"Chineck ko lang po kayo bago ako matulog. Gusto nyo bang kumain?" muling tanong
ng nurse.

"Hindi pa namana ko nagugutom. Bababa na lang ako kapag may kailangan ako.
Magpahinga ka na." muling humiga si Quinn.

"Sige miss Quinn. Kung may kailangan ka nandun lang ako sa kwarto sa ibaba."
Umalis na ang nurse.

Tiningnan ni Quinn ang kanyang cellphone. "Gabi na pala." Bumangon sya. "Medyo
nauuhaw pala ako at gutom. Di bale, ako na lang ang maghahanda ng pagkain ko."
Lumabas sya ng kwarto. Tahimik na din sa bahay. Sumilip sya sa silid ng kanyang
auntie. Malinis ang silid. Bumaba sya para kumuha ng maiinom at makakakain.

Kumuha sya ng isang basong juice. Habang umiinom napatingin sya sa isang kwarto
malapit sa kusina. Bahagya itong nakabukas. Bukas pa din ang ilaw dito.

"Siguro yan ang silid ng nurse - teka hindi ko pa pala alam ang pangalan nya."
Bulong nya sa kanyang sarili. "Mabuti

pa dalhan ko sya ng juice."

Kumuha si Quinn ng isang basong juice para ibigay sa nurse. Nasa may pintuan na
sya ng makita ang nurse na nakaupo sa higaan at may kausap ito. Parang nakikipag-
away sya. Hindi naman makita ni Quinn kung sinong kausap ng nurse. Pinipilit nya
itong silipin kaya't dahan-dahan nyang itinulak ang pintuan upang bahagya pa itong
bumukas. Laking gulat nya ng makitang wala namang kausap ang nurse sa loob. Sa
sobrang takot ay dali-dali syang napaatras at napasandal sa tabihan ng pinto.

"Sinong kinakausap nya?" bulong ni Quinn sa sarili.

Papaalis na sana sya ng biglang sumulpot ang nurse na ikinagulat nya dahilan para
mabitawan ang hawak nyang juice.
"Anong ginagawa mo dyan!" tila galit na tanong ng nurse.

"Ha - nakita ko kasing bukas pa ang ilaw sa kwarto mo ka - kaya naisipan kong da -
dalhan ka ng juice. Pe - pero natapon na." Umatras sya papalayo sa nurse. "I -
ikukuha na lang kita ng bago." Sa pagmamadali ni Quinn ay natapakan nya ang bubog
ng nabasag na baso.

"Ako na po ang maglilinis nyan." Inilalayan nya si Quinn papunta sa upuan malapit
sa kwarto. "Kukuha lang ako ng

panlinis sa sahig at sa sugat mo."

Nilinis muna ng nurse ang nabasag na baso. "Kukuha lang po ako ng first aid kit."

Tiningnan ni Quinn ang kanyang sugat. Nakita nya ang nakatusok na bubog sa paa
nya. Tatanggalin na sana nya ito ng marinig muling nagsasalita ang nurse.

"Dito ka lang. Hindi ka pwedeng lumabas baka makita ka nya!" sabi ng nurse sa
kausap.

Sa sobrang takot ni Quinn ay nagmadali syang tanggalin ang bubog at tumakbo sya
pabalik sa kanyang silid na takot na takot. Inilock nya ang kanyang kwarto.
"Miss Quinn." Paglabas ng nurse ay wala na sa upuan si Quinn. Tumingin sya sa
itaasna parang nanlilisik ang mga mata.

"Miss Quinn! Miss Quinn!" tinatawag ng nurse ang pangalan ni Quinn habang
papaakyat ng hagdanan.

Naririnig ni Quinn ang boses ng nurse at takot na takot sya. Kinuha nya agad ang
kanyang cellphone para tawagan ang kanyang mga kaibigan pero wala ni isa sa kanila
ang sumasagot.

Ilang sandali pa ay nakita nyang gumagalaw ang door knob ng kanyang pintuan na
parang pilit binubuksan.

"Miss Quinn!" sigaw ng nurse.

Hindi makapagsalita si Quinn sa takot. Itinext na lamang nya ang kanyang mga
kaibigan ng "HELP ME!"
"Miss Quinn buksan mo ang pinto." Sabi ng nurse.

"I'm fine. Mag - magpahinga ka na." nanginginig na sagot ni Quinn.

Biglang tumahimik sa labas. Naisip ni Quinn na bumalik na sa kanyang silid ang


nurse kaya't dahan-dahan syang lumapit sa pintuan. Idinikit nya ang kanyang tenga
dito upang marinig kung nandun pa ang nurse.

"Hayaan mo na sya. Huwag mo nang buksan ang pintuan." Bulong ng nurse.

"Kaya ko 'tong buksan!" sagot ng isang di kilalang boses na kausap ng nurse.

Sa sobrang takot ay dahan-dahang napatakip ng bibig si Quinn habang umiiyak.


Napaupo sya sa kanyang kama ng biglang bumukas ang kanyang silid. Nakita nyang
nakatayo dun ang nurse at nakatingin sa kanya. Bigla itong ngumiti na nagpakilabot
ng todo kay Quinn.

=================

19: The Past!


19: The Past!

"Sige pa, inom pa." sabi ni Blake habang binubuhusan ng alak ang isang babe.
"You're fvcking hot!" Itinaas nila yung palda nung babae habang kinukuhanan ng
video ni Peterson.

"No! Stop it!" habang ibinababa nung babae yung skirt nya at tinatakpan yung mukha
nya.

"What's wrong baby? We wanna see you're hot body!" biglang sinira ni Blake yung
blouse nung babae hanggang nakabra na lang sya. Nagtatawanan ang lahat ng mga
lalaki.

Mukha ni Blake, Peterson at si Perry na nakasandal sa di kalayuan habang nainom ng


beer.
"Cut the crap Blake!" sigaw ni Katarina. "This is not right! I can't take this
anymore! I'm leaving!" at tumalikod sya.

"Go ahead! Umalis ka! But that doesn't mean you're innocent!" tumawa ng tumawa si
Blake. Gulat na gulat naman ang mukha ni Katarina kaya niyakap na lang sya ni
Cooper!

Kumukuha lang ng pictures si Phoemela. Kinukuhanan nya ng picture ang mga lalaki
habang unti-unting hinuhubaran ang isang lasing na babae.

Hindi naman makatingin si Cole at nanatiling nakaupo lang at nakapatong ang ulo sa
mesa na tila lasing na lasing.
Patuloy lang naman sa pagsayaw si Madeline na parang

wala sa sarili at nagbabawas din ng suot habang gumigiling.

Isa-isang tiningnan ng babae ang mga mukha nilang lahat na may panlilisik ang mga
mata. Biglang naging pula ang paligid. Lahat ng nandun at nabalutan ng dugo at mga
nakahiga na parang patay na. May naglalakad na babae, nakatalikod. Pero bigla itong
humarap at sumigaw.

"Ikaw!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!" napabangon si Quinn at pawis na pawis


sya. "Panaginip. Panaginip lang ang lahat, pero bakit parang - "

Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto nya at pumasok sina Katarina. Agad naman
siyang niyakap nila Phoemela at Katarina.
"Hey, are you okay? What's wrong?" pag-aalalang tanong ni Katarina.

Kumuha ng tubig si Phoemela sa ref sa loob ng kwarto at ibinigay kay Quinn. Gulat
na gulat ang dalaga ng makita ang mga kaibigan nya. Nandun din sina Perry at
Cooper.

"You texted us kaya nagmadali kaming pumunta dito first thing in the morning."
Paliwanag ni Cooper. "Ano ba kasing nangyari?"

Inisip ni Quinn kung anong nangyari before she passed out. Naalala nya lang ang
pagbukas ng pintuan nya at yung nurse. Nabalutan ng takot ang buo nyang mukha at
bigla syang nanginig.

"Nasan na yung nurse? Nasaan na yung private nurse?" umiiyak nyang tanong habang
nakayakap ng mahigpit sa kaibigan.

Nagtinginan ang mga magkakaibigan na parang

naguguluhan sa itinatanong ni Quinn. Tiningnan ni Katarina si Quinn sa mata at


pinunasan ang mga luha nya.

"What nurse? Wala naman kaming nadatnang nurse dito?" mahinahong paliwanag ni
Katarina.

"Pe - pero kumuha si auntie ng private nurse for me," gulat na gulat ni Quinn.
"Maniwala kayo sa'kin. I'm not lying."

"Sabi ng maids hindi daw dumating yung private nurse mo." Bulong ni Cooper pero
siniko naman agad sya ni Perry.

"What?" hinawakan ni Quinn ang ulo nya na parang kumikirot. "Ahhhhhhhhh! Ang sakit
ng ulo ko." Sinusuntok nya ng sinusuntok ang ulo nya dahil sa sobrang sakit pero
inaawat naman sya nila Phoemela at Katarina.

"Kunin mo yung gamot nya dali!" sigaw ni Phoemela. Naghanap naman ng gamot sina
Cooper at Perry at agad pinainom ang kaibigan.

"I think - I think I'm crazy! Is it hallucination or delusion?" kumalma na si


Quinn at nakatingin lang sya sa ceiling habang naiyak.

"Don't think too much. Baka nag-aadjust lang talaga yung mga mata mo," pinapagaan
nila ang pakiramdam ni Quinn.

Lahat sila ay nakaupo sa kama at nakapalibot sa kanya.


Tiningnan ni Quinn isa-isa ang mga mukha nila at sandaling tumigil sa pag-iyak.
"You were all there, but you didn't do anything," parang galit yung boses nya.

"Wha - what do you mean?" tanong ni Cooper habang nakatingin sa mga kasama.

Umupo si Quinn at humawak ulit sa ulo nya. "I had this weird dream. You were all
drunk at may isang babaeng kinukuhanan ng picture. I saw you Phoem." Tumingin sya
kay Phoem na parang madaming tanong sa mukha. "Kinuhanan mo sila ng pictures. Then
sinubukang umalis ni Katarina pero binlackmail sya." Tumigil sya sandali. "Right!
Yung mga kasama nyo sa pictures na ipinakita nyo sa'kin, lahat sila nandun sa
panaginip ko except - " tiningnan nya yung mga kasama nya na walang imik. " -
except dun sa babaeng pinagtitripan. Her eyes were asking for help pero walang
tumulong sa kanya." Tumingin ulit sya sa mga kaibigan nya.

Tahimik lang sila at hindi makapagsalita. Hindi alam ni Quinn kung bakit natigilan
ang mga kaibigan nya.

"That was only a dream. Hindi naman yun totoo di ba? Hindi nyo hahayaang may
mabastos na babae. Alam ko, alam ko hindi

din hahayaan ni ate na mangyari yun." Gumaan ang pakiramdam ni Quinn ng mailabas
nya ang kwento sa kanyang mga kaibigan.
Nagulat na lang silang lahat ng biglang mapaluha si Phoemela. "I'm sorry I have to
go. May tatapusin pa nga pala ako." Tumayo sya at kinuha nya yung bag nya.

Sinundan naman agad nila Peterson at Cooper si Phoemela habang papalabas ng bahay.
"Phoem wait!" sigaw ni Cooper pero hindi sya pinakinggan ng dalaga. Mabilis syang
naglalakad habang umiiyak. Tumakbo si Peterson para maabutan si Phoemela tsaka
hinawakan sa kamay.

"No! No! Bitiwan mo 'ko!" habang hinihigit yung kamay nya mula kay Perry. "Akala
ko tapos na lahat yun. Bangungot lang yun di ba? Hindi talaga yun nangyari!"
humarap sya kay Peterson habang umiiyak ng umiiyak.

Niyakap ni Peterson ang kaibigan. "Everything will be alright. Don't worry."


Habang nakatingin sa malayo napansin ni Perry na may isang babaeng nakatayo sa
likuran ng poste. Nakaputi ito at natatakpan ng kanyang buhok ang mukha nya. Sa
sobrang gulat ay naitulak nya si Phoemela.

"What the hell!" galit na sabi ni Phoemela na napasandal sa kanyang kotse.


Sinubukang lapitan ni Peterson yung posteng

kinatatayuan ng babae pero wala na yung babae dun.

"What's wrong bro?" tanong ni Cooper habang tinitingnan si Phoemela kung ayos lang
sya.
"Wala. I just saw someone standing there." Habang itinuturo yung poste kung saan
nya nakita yung babae.

"This is ridiculous!" takot na takot na sabi ni Phoemela. Pumasok sya sa kotse nya
at nagmadaling umalis.

Wala namang nagawa sina Cooper at Perry kaya bumalik na lang sila sa kwarto ni
Quinn.

"Where's Phoem?" tanong ni Katarina habang inihihiga si Quinn.

"Umalis na. May - " tumingin muna si Cooper kay Perry. " - may client daw kasi
syang imi-meet." Umiwas sya ng tingin kay Quinn.

"Mabuti pa Quinn magpahinga ka muna. Babalik na lang ulit kami." Kinumutan nya ang
kaibigan. Hindi na din naman nakipagtalo si Quinn at natulog na sya ulit.
Nasa labas na sina Perry, Cooper at Katarina at papasakay na sa kani-kanilang
kotse ng biglang may naisip si Katarina.

"What if may kinalaman nga 'to sa kanya?" tanong ni Katarina. Napatigil naman sa
paglalakad sina Cooper at Peterson na medyo nauuna sa kanya. "Bakit mapapanaginipan
ni Quinn yun?"

"I don't know. It was just a dream Katz. Don't be paranoid!" medyo papilosopong
sagot ni Peterson.

"And what if it's not?" Napahawak sya sa ulo nya at sandaling nag-isip. "Look,
yung - yung panaginip nya, it was exactly the same situation several years ago.
Phoem took the pictures. I tried to escape but you stopped!" tumingin sya sa
dalawang kaibigan. "What if may ibig sabihin 'tong lahat? What if may gustong
sabihin yung babaeng pinagtripan nila Blake? What if hindi pa tayo safe? Paano kung
lahat tayo papatayin nya." At nagsimula ng umiyak si Katarina. Hindi nya maitago
ang takot na nararamdaman nya.

Niyakap naman sya ni Cooper. "We'll figure this out." Napaisip din si Cooper sa
mga sinabi ng kaibigan. Kumalas si Katarina sa pagkakayakap ni Cooper at pinunasan
ang mga luha nya.

"Kelangan nating isolve 'to. Hanapin natin yung mga pictures. Lahat-lahat ng
connected dun sa babaeng yun. Baka makahanap

tayo ng clues." Nanginginig na sabi ni Katarina. "Magkita tayo sa bahay at dalhin


nyo lahat-lahat ng mga makikita nyo." Sumakay sya ng kotse at umalis.
Ganun din naman ang ginawa nila Perry at Cooper. Umuwi sila sa kani-kanilang bahay
at hinalungkat ang mga gamit nila nung college. Lahat ng mga nakatago na sa kahon
ay kinuha ni Katarina at dinala sa living room.

Samantala, nasa kotse si Phoemela at umiiyak sya. "This is not happening. Maybe
she wants vengeance. Sya talaga yung killer. Pinalabas nya lang na - na may multo
or what para takutin kaming lahat. Right, she's the killer. But who the hell is
she? I can't even remember her name." Kinakausap ni Phoemela ang sarili nya habang
nagdadrive ng mapatingin sya sa salamin at may nakita syang babaeng nakaupo sa
likuran at nakatingin sa kanya.

Sa sobrang gulat nya ay naibangga nya ang kotse sa isang poste. Pumutok ang noo
nya at tumulo ang dugo.

"Aray..." hinawakan nya ang noo nya at nakitang may sugat. Tila natauhan naman sya
at nagpanic. Tiningnan nya ang babae sa kanyag likuran pero walang kahit na sinong
nakaupo dun. Nagmadali naman syang lumabas pero hindi nya matanggal ang seatbelt.

"Fvck! Fvck!" natetense na sya at hindi na alam ang gagawin. Tumingin sya sa
paligid pero walang mga tao. Hindi nya alam kung nasaang lugar na sya. Maya-maya ay
tumunog ang cellphone nya.
"Hello Katz. Katz help me! Naaksidente ako." Mabilis magsalita si Phoemela habang
tumitingin sa paligid. "Hello Katz. Katz I need your help!" ng biglang may nakita
syang babaeng dumaan sa unahan ng kotse nya. "Fvck!" pinilit nya ulit kalasin yung
seatbelt nya.

Habang kinakalas nya yung seatbelt isang iyak ng babae ang narinig nya sa kanyang
cellphone. "Katz - are you crying?" biglang nawala ang iyak ng babae. Isang
katahimikan ang nasa kabilang linya. Tumahimik din ang paligid ng biglang isang
matinis na sigaw ng isang babae ang kanyang narinig mula sa kabilang linya dahilan
para maihagis nya ang cellphone palabas ng bintana.

Bumilis ang tibok ng puso ni Phoemela at pakiramdam nya may nakatingin sa kanya.
"Kelangan kong makaalis dito." Naputol nya ang seatbelt pero hindi naman nya
mabuksan ang pintuan ng kotse. "No! No!" pinilit nyang buksan ang pintuan pero
hindi nya mabuksan.

"Magtago ka na." Nakarinig sya ng boses ng isang babae na kumakanta.

Mas lalo syang nagmadaling buksan ang pintuan nung kotse. "Oh God please don't do
this to me."

Napatingin sya sa side mirror at may nakita syang babaeng nakatayo sa malayo.
"Help! Help me!" sigaw nya habang kinakatok yung bintana. Tumingin sya sa likuran
pero wala namang nakatayo dun. Mas lalong nataranta si Phoemela ng makita nyang
papalapit ng papalapit yung babae na nasa side mirror.
Mas lalo syang kinabahan. Nakita nya ang toolbox sa kotse nya at ginamit nya isa-
isa ang laman nun para basagin yung bintana.

"Kahit saan ka magpunta mahahanap kita. Magtago ka na." Patuloy yung pagkanta ng
isang babae na nakakakilabot ang boses. Naramdaman ni Phoemela na papalapit ng
papalapit at papalakas ng papalakas ang boses nung babae kaya mas lalo nyang
binilisan ang pagbasag ng salamin nung bintana ng kotse nya.

Habang binabasag nya yung salamin ay nakatingin sya sa side mirror. Sobrang lapit
na nung babae sa kanya at mas lalo syang kinabahan. "Come on konti na lang!" bulong
nya sa sarili. Ilang sandali pa ay nabasag na yung salamin. Papalabas n asana siya
sa bintana ng mapansin nyang nawala ang babaeng nakikita nya sa side

mirror. Nawala din yung kumakantang babae.

Tumingin agad sya sa likuran pero wala na dun ang babae. Bigla nyang naramdaman na
may gumagalaw sa tabihan nya. Hindi sya makagalaw dahil alam nyang may kasama sya
sa loob ng kotse. Dahan-dahan syang lumingon sa kanyang kanan. Kita nya sa kanyang
peripheral na may nakaupo doong babae. Nakayuko sya at umiiyak.

"Si - sino ka?" takot na takot nyang tanong. Biglang tumigil sa pag-iyak yung
babae.

Napaatras si Phoemela ng makitang dahan-dahang inaangat ng babae ang kanyang ulo.


Ang bilis ng tibok ng puso ng dalaga. Hindi nya alam kung anong gagawin. Ang alam
lang nya natatakot sya.

Sa isang iglap lang tumingin ng masama sa kanya ang babae. Parang naaagnas ang
mukha nya at namumula ang mga mata. Napatakip si Phoemela sa kanyang bibig ng
mabilis gumapang ang babae sa kanya sabay sigaw ng malakas.

Sa sobrang gulat ay nasipa ni Phoemela ang babae at mabilis na lumusot sa bintana.


Ramdam nya ang talim ng salamin na humihiwa sa katawan nya habang lumalabas sya ng
kotse.

Bumagsak si Phoemela sa lupa na ulo ang ulo hanggang bewang. Gumapang sya para
mailabas ang kalahati pa ng katawan nya.

Ang ilang bubog na naglalaglagan sa lupa at bumaon na din sa katawan nya.

Nakadapa na sa lupa ang buong katawan ni Phoemela. At hirap na hirap syang tumayo
dahil sa mga sugat nya. Dahan-dahan syang gumagapang ng mapatingin sya sa ilalim ng
kanyang kotse. May maputlang mga paa sa kabilang side ng kotse. Hindi ito
gumagalaw. Tuklap-tuklap ang talampakan at sugat-sugat din ang mga ito.

"Magtago ka na. Dahil mahahanap kita!" muling narinig ni Phoemela ang boses ng
babaeng kumakanta.
"Sh*t!" nagmadaling tumayo si Phoemela na nakahawak sa tyan nya. Punit ang kanyang
blouse dahil na rin sa matutulis na salamin ng kanyang kotse. Papilay-pilay na din
syang maglakad na halos kaladkarin na nya ang kanyang kanang paa.

"Magtago ka na." biglang tumawa ang nakakakilabot na boses ng babae.

Tumingin si Phoemela sa likuran nya at nakita nya ang maputlang babae na mabagal
na naglalakad.

"Leave me alone!" sigaw nya habang nagmamadaling lumalayo.

Hindi nya alam kung nasaan na sya. Mga sirang sasakyan ang nasa paligid at isang
riles ng train ang kanyang nakikita.

"Where am I?" hindi nya alam kung saan pupunta. Lahat ng sugat nya ay dumudugo at
pumapatak sa lupa. Lumingon sya ulit sa kanyang likuran pero wala na dun yung babae
kaya nagmadali syang nagtago. Umupo sya sa loob ng isang malaking gulong.

"Katz, nasaan na ba kayo?" bulong ni Phoemela. Nakasandal sya sa gulong ng


makarinig sya ng mga yabag. Sumilip sya sandali sa labas at nakita ang babaeng
naglalakad. Nagtago sya agad sa takot na makita sya nung babae.

Pumikit lang sya at nagdasal dahil alam nyang sa mga oras na yun wala na syang
ibang magagawa at wala ding makakatulong sa kanya.

Nawala ang yabag at dumilat na din si Phoemela. Kinakabahan pa din sya at medyo
kinakapos sya ng hininga. Hindi pa din sya lumalabas sa malaking gulong na yun.
Pakiramdam nya ay ligtas na sya ng biglang lumawit ang ulo ng babae mula sa itaas
ng gulong.

Mabilis na napaatras si Phoemela at muling nanakbo. Hindi sya lumilingon dahil


alam nyang kasunod nya lang ang babaeng

iyon. "Sino ba sya? ANong gusto nya sa'kin?" tanong nya sa kanyang sarili.

Nadapa si Phoemela sa bakal ng riles at umuntog ang ulo nya sa isang bato. Medyo
nahilo sya pero pinipilit pa din nyang tumayo. Naaaninag nya ang babaeng nakatayo
sa kabilang bahagi ng riles at napansin nyang hindi na ito gumagalaw.

Pinilit nyang makatayo dahil alam nyang pagkakataon na nya yun para makatakas.
Nakatingin lang sa kanya ang babae.

"Magtago ka na dahil mahahanap kita. Kahit saan ka magpunta magiging AKIN KA


NA!!!!" sigaw ng babae.

Atras lang ng atras si Phoemela sa sobrang takot. Kinilabutan sya ng biglang


ngumiti ang babae sa kanya habang nalalaglag sa lupa ang mga mata nito. Hindi sya
makatayo dahil hindi nya napansin na sumabit ang paa nya sa kadena na nasa may
riles. Pinilit nyang higitin ang paa nya ng mapansing nagsimula nang humakbang ang
babae habang tumatawa.

Mabilis namang naalis ni Phoemela ang paa mula sa kadena at naglakad paatras. Muli
ay tumigil ang babae at tumalikod ito.

"Fvck you bitch! Hindi mo ako mapapatay! Hindi!" tumawa ng malakas si Phoemela sa
sobrang tuwa. "I'm safe! Nalampasan ko s - " biglang bumusina ang tren at laking
gulat nya na nasa harapan na sya nito. Walang isang iglap nabangga sya at
nagtalsikan ang parte ng katawan nya kung saan-saang bahagi ng paligid.

Humangin ng malakas at nawala ang babae.

"NO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" sigaw ni Quinn na pawis na pawis na naman.


Bumangon sya at dinampot ang jacket nya at cellphone at nagmadaling bumaba.

"Answer the phone please!" sabi nya habang hawak ang cellphone. Nagmadali syang
umalis ng bahay at sumakay lang sya sa taxi. "This is not real. I know!" Naiyak
nyang sabi. Muli ay napatingin sya sa sarili nyang reflection sa bintana ng taxi.
Pumatak muli ang kanyang luha.

"Manong pwede pong pakibilisan." Umiiyak nyang sabi habang pinipilit tawagan ang
mga kaibigan.

=================

20: WHAT THE EYES CAN SEE!

HELLO. Pakiplay yung nasa multimedia habang nagbabasa. Hihi. Thanks. :)

20: WHAT THE EYES CAN SEE!


Dumating si Quinn sa lugar kung saan namatay si Phoemela. Pagbaba nya ng taxi may
mga pulis na ang nagkalat. Dahan-dahan syang naglakad papunta sa may riles. Nang
makita nya ang nagkalat na dugo ay napaatras sya ng mabilis at tsaka tumakbo. Hindi
nya namalayan na may nakaharang sa kanyang likuran at nabangga nya ito.

"Quinn? What are you doing here?" tanong ni Cooper.

Tumingala si Quinn para tingnan kung sino yung nagsalita. "Cooper - " niyakap nya
ng mahigpit ang kaibigan at tsaka umiyak ng umiyak.

"Quinn you're shaking. Dadalhin ka na namin sa hospital." Bubuhatin na sana ni


Cooper ang kaibigan ng bigla nyang itinuro ang riles.

Sabay-sabay namang tumingin sina Perry, Katarina at Cooper sa direksyong itinuturo


ni Quinn.

"No! Akala ko car accident lang!" tumakbo si Katarina papunta sa kinatatayuan ng


mga pulis.
"Sorry ma'am pero hindi po kayo pwedeng lumapit dito," sabi ng pulis habang
inaawat si Katarina.

"Nasaan ang kaibigan ko? Nasaan si Phoemela?" Itinutulak nya yung pulis. "Phoem!
Phoem we're here!" sigaw nya habang natingin sa paligid.

"She's gone! She's gone!" sigaw ni Quinn. Itinulak nya si Cooper at umupo sa lupa.
Hinawakan nya ang mga tuhod nya habang naiyak.

"What are you talking about?" tanong ni Cooper. Nilapitan naman ni Perry ang kotse
ni Phoemela na medyo umuusok pa dahil sa pagkakabangga nito.

Sinilip nya ang loob ng kotse habang naikot. Nakita nyang nasa loob pa ang
cellphone at ibang gamit ni Phoemela. Napansin nyang basag ang bintana sa may
driver's seat at nakita ang mga dugong naiwan sa mga matatalas na salamin.

Lumapit ulit sya kay Quinn na nakaupo. "What did you see? Tell us Quinn!"
hinawakan nya si Quinn sa braso na parang

pinipilit magsalita.
Pero umiyak lang ng umiyak si Quinn.

"Stop it Perry! Nasasaktan na sya." Sabi ni Katarina at nilapitan si Quinn. Inalis


nya ang kamay ni Perry na nakahawak sa kaibigan.

"I thought it was a dream!" bulong ni Quinn.

Nagulat naman ang tatlo sa narinig mula sa dalaga.

"What do you mean?" gulat na gulat na tanong ni Katarina.

"I saw her in my dream. She had a car accident. She was trying to escape from
someone. Takot na takot sya." Nanginig si Quinn. Bigla syang tumigil sa pag-iyak.
"The blood is everywhere. Nakatingin lang sya sa babae. A - akala nya ligtas na sya
and the train hit her." Humawak sya sa ulo nya na parang nababaliw. "I didn't do
anything. I didn't kill her." Tumingin sya ng diretso kay Katarina na parang
nanlilisik yung mga mata nya. "Believe me, hindi ako ang pumatay sa kanya. Ayokong
makulong!" Umiyak sya ulit ng umiyak.

Hindi pa nakakapagsalita ang magkakaibigan ng lumapit ang mga pulis. "Ma'am kamag
anak po ba kayo ng biktima?"
Lumapit si Cooper. "No, but we know her. Nasaan na po sya?"

"Hindi pa nahahanap yung ibang parts ng katawan nya. Masyadong malakas yung impact
ng tren sa kanya kaya malayo ang tinalsikan ng katawan nya. Hindi pa namin nakikita
yung train. Baka naiwan dun yung ibang parts ng katawan nya. Irereview namin yung
CCTV para makita yung nangyari." Tumalikod ang pulis.

"Wala akong ginawa. Hindi ako yun. Hindi ako yun!" umiiyak na sabi ni Quinn.

"This is bullsh*t!" bulong ni Perry. "Paano mo nalaman na nandito si Phoemela?"


Nakatingin sya kay Quinn.

"Hindi ko alam. Sinubukan ko lang dahil yun ang nasa panaginip ko!" itinago ni
Quinn ang mukha sa dibdib ni Katarina at umiyak lang sya ng umiyak.

"So sino yung babaeng humahabol sa kanya? Tell us now Quinn! Sino!" hinawakany nya
ulit si Quinn at pinilit humarap sa kanya.
"Stop it Perry! Stop it!" sigaw ni Katarina.

"Sino sya Quinn?! Sino?!" hindi pa din maawat si Perry na parang walang naririnig.

Umiiling lang si Quinn habang umiiyak at pinipigilang magsalita.

"Sino yung babae sa panaginip mo! Sabihin mo na!" mas humigpit ang hawak ni Perry
sa braso ni Quinn habang pinipigilan sya ni Katarina.

"Me! It was me!" sigaw ni Quinn at natahimik silang lahat. "I saw my face and I
scared her to death. But believe me, it was only a dream and I have no fvcking idea
what I am doing in my dream! I didn't kill her." Tumigil sa pag-iyak si Quinn.

Tumayo lang si Perry at naglakad pabalik-balik habang nakahawak sa noo nya.

"Calm down Perry." Sabi ni Cooper na inaalalayan si Quinn sa pagtayo.


"I didn't kill her, believe me." Nanginginig na sabi ni Quinn.

"Shhhhh. We know, you can't do that." Hinaplos ni Katarina ang likod ng kaibigan.

"Panuorin din natin yung nasa CCTV para makita natin kung anong nangyari,"
naglakad si Perry papunta sa sasakyan

ng nagkukumpulang pulis.

"Pwede ba naming mapanuod yung nasa CCTV?" tanong ni Perry.

Tiningnan lang sya ng mga pulis.

"Gusto naming makita ang nangyari sa kaibigan namin!" sigaw ni Perry na halos
hindi na mapakali.

Sumunod din naman sa kanya ang tatlo nyang mga kaibigan.


"Sige po sir. Sumunod po kayo sa'kin." Naglakad ang pulis papaakyat sa isang
building.

Tumingin si Perry sa mga kaibigan na parang sinasabing sumunod sila. Nagpunta sila
sa opisina kung saan maraming monitors at nakikita ang iba't ibang lugar.

"Yung nangyari sa babaeng nabangga ng tren, gusto naming makita." Utos nung pulis
sa nagbabantay. Tumingin ang pulis kina Perry at pinapasok sila sa loob.

Nakita nilang bumangga ang kotse ni Phoemela sa poste. Gumagalaw ang kotse at
ilang sandali pa ay lumabas si Phoem mula

sa bintana ng kotse na tarantang-taranta. Bumagsak ang katawan nya sa lupa. Ilang


sandali pa ay nanakbo ito at nagtago. Hindi nila alam kung anong pinagtataguan ni
Phoemela. Medyo matagal din syang nagtago sa loob ng gulong.

"Hindi! Ayan na sya!" sigaw ni Quinn sabay yakap kay Katarina.

Laking gulat nilang lahat ng biglang lumabas si Phoemela at mabilis na tumakbo


habang nakatingin sa kanyag likuran. Nadapa sya at tumama ang ulo sa may riles.
Dahan-dahan syang umaatras na parang may sinasabi dahil kita ang pagbukas ng
kanyang bibig at biglang dumating ang tren at nabangga sya.
"Sa napanood natin wala naman syang ibang kasama at hindi nya napansin ang
paparating na tren dahil may kinakausap sya. Hahanapin na lang namin ang ilang
parte ng katawan and sarado na ang case na 'to." Tumayo ang pulis at lumabas.

Pinipigil ni Katarina ang mapaiyak dahil ayaw din nyang sabayan si Quinn sa kung
anong nangyayari dito. Hindi na din naman sila nagtagal doon dahil wala din naman
silang maitutulong.

Dumiretso sila sa bahay ni Katarina tulad ng napag-usapan. Lahat sila ay nakaupo


sa living room habang palakad-lakad

naman si Katarina.

"Maupo ka nga. Lalo kaming hindi mapakali sa ginagawa mo eh." Hinigit ni Cooper si
Katarina paupo sa tabihan nya.

Humawak sya sa noo nya na parang may naalala. "Tinawagan ko si Phoemela kanina.
Sumagot naman sya pero - " tumingin sya sa mga kasama, " - pero parang mga
scratches lang yung naririnig ko at medyo choppy din hanggang sa maputol yung
linya."

"Baka yun yung time na bumangga sya." Sagot ni Perry habang isa-isang inilalabas
ang nasa loob ng kahon ng mga lumang gamit ni Katarina.
Ibinaba din ni Cooper ang mga dala nyang gamit mula sa kotse nya. Lahat sila ay
tumitingin ng mga lumang gamit maliban kay Quinn na tulalang nakaupo sa sulok ng
sofa. Nakataas ang mga paa nya at yakap-yakap nya ang kanyang mga tuhod.

"Hindi ako yun. Alam ko talaga hindi ako yun." Bulong nya sa sarili habang
kinakagat ang kanyang mga hinalalaki.

"May nakita na akong pictures," sabi ni Katarina habang inilalapag sa mesa ang mga
nakita nya.

"Heto din yung iba," umupo si Cooper sa sahig at isinalansan ang mga litratong
nahanap nya.

"Sya ba 'to?" tanong ni Katarina habang tinuturo ang picture.

Nagtinginan sina Cooper at Perry. "Sya nga yan," bulong ni Cooper na tila may
halong pag-aalinlangan.

"This is it!" tinanggal ni Perry ang ilang nakapatong na gamit sa mesa at tsaka
inilapag ang isang book. "Makikita natin kung anong pangalan nya." Tiningnan nila
ang bawat pahina ng year book para tingnan ang mukha ng mga estudyante dun.

Habang abala sila ay napatingin si Quinn sa kanila. "Anong ginagawa nyo?" tanong
nya na parang bumalik na sya sa katinuan.

"May hinahanap kami. Baka sakaling sya yung sagot sa mga nangyayari sa'tin
ngayon." Paliwanag ni Katarina na seryoso sa pagtingin sa year book.

"Tulungan ko na kayo," tumayo si Quinn at umupo sa sahig katabi ni Cooper.


Hinawakan nya ang ilang mga litrato at

hindi nya napigilang mapangiti. "Matagal na pala talaga kayong magkakaibigan."

"Oo. Pero nawala yun dahil maraming nangyari." Sabi ni Perry na sumandal sandali
at parang napagod sa paghanap.

"Matagal nyo na pala akong kilala? Bakit parang hindi ko matandaan?" sabi ni Quinn
habang hawak-hawak ang isag litrato.

Napatigil naman sina Cooper at Katarina ng marinig ang sinabi ng kaibigan.


"What do you mean?" naguguluhang tanong ni Katarina.

Hindi mapawi ang ngiti sa mukha ni Quinn habang tinitingnan ang litrato. "Pero
bakit parang sobrang tagal na nito? Di ba ka-age nyo si ate?" napakunot ang noo ni
Quinn.

Tiningnan ni Cooper ang litratong hawak ni Quinn. "Ano ba kasing sinasabi mo?"

Inilapag ni Quinn ang litrato sa mesa at tsaka itinuro ang isang babae sa picture
na nakaupo sa likuran nila Katarina.

Nabalot ng katahimikan ang paligid. Napansin ni Perry na natulala sina Katarina at


Cooper kaya sinilip nya ang itinuturo

ni Quinn.

"No way! You know that girl?" gulat na gulat na tanong ni Perry.
"What?" hindi maintindihan ni Quinn kung anong ibig sabihin ni Perry. Tumingin sya
kina Katarina at Cooper na hindi maipinta ang mga mukha. "Are you guys okay?"
nagbuntong hininga sya.

Tiningnan din nya ang ilan pang pictures. "My gosh, madami pala kong pictures sa
inyo - " bigla syang natigilan. "Why am I always alone? Dahil ba bulag ako?" titig
na titig sya sa mga litrato.

"Do you really know her?" mahinang tanong ni Katarina na parang natatakot.

"Why do you keep on asking that?" tumatawang tanong ni Quinn.

"Just answer the fvcking question!" napalakas ang boses ni Katarina at nag-iintay
ng sagot.

"I don't understand. Bakit nyo ko tinatanong kung sino sya? Nag-iba ba ang itsura
ko noon at ngayon?" parang nalungkot si Quinn sa sinabi nya. Pakiramdam nya nagbago
nga ang itsura nya dati. Iniisip

din nyang baka matured lang talaga syang tingnan.

"Ikaw? What do you mean ikaw?" parang hindi makahinga ng ayos si Cooper ng marinig
ang sinabi ng kaibigan.
"Yes, me." Inilapag ang mga litratong hawak nya. "This." Pointing to the girl.
"This and this and this and that one in pink. That's me right? Naguguluhan lang ako
kasi wala akong matandaan about dyan. Kelan ba tayo nagkakilala?" tanong ni Quinn
at tiningnan isa-isa ang mga kaibigan.

Napasandal si Katarina at pumatak ang mga luha nya. Hindi nya maipaliwanag ang
nararamdaman pero bigla na lang nanginig ang buo nyang katawan.

"I found her." Sigaw ni Perry habang hawak-hawak ang year book. Tiningnan nya muna
si Cooper bago ibaba ang year book sa table.

"Mattinie Haven. She's Mattinie Haven." Nakatulala si Perry at ayaw tumingin kay
Quinn.

"Is she pre - " laking gulat ni Quinn ng makita nya ang babae sa litrato. "Paano
nangyari 'to?" kinuha nya ang picture ng babae at tumakbo sya sa harap ng salamin.
"Paano nangyari 'to?"

Tinitigan nya ang sarili sa salamin. "Naguguluhan ako. Hindi ko maintindihan!"

Nilapitan sya ni Katarina at hinawakan sya sa balikat. "Sa retreat house lang kita
unang nakita Quinn. Kaya imposibleng maging ikaw yang babae sa picture. Isa pa
hindi naman kayo magkamukha. Sobrang layo ng itsura mo sa kanya."

Natigilan si Quinn sa narinig. "What do you mean? Paano mo nasasabing hindi ko


kamukha yung babae sa picture?" Tumaas ang boses nya.

Lahat sila ay naguguluhan sa sinasabi ni Quinn. Umiiyak sya at hawak-hawak pa din


nya ang picture.

"Answer me Katz. Paano mangyayari na iisa ang mukha namin kung hindi naman ako
'to?" tiningnan nya si Katarina mula sa salamin.

"Ano bang sinasabi mo? Hindi mo ba nakikita sa salamin yung pagkaka - " napatigil
sya. "Yang babaeng yan ba ang nakikita mo sa salamin?"

"Oo. Mukha nya ang mukha ko. Mukha nya ang nasa salamin ngayon kaya paano
mangyayari na hindi ako yan?" umiiyak na sabi ni Quinn.

Tumakbo sandali si Katarina sa kwarto nya at paglabas nya dala-dala na nya ang
lahat ng photo albums. "Where is it!"

tiningnan nya lahat ng pictures. Natagal na sa lagayan yung iba pero hindi nya
pinansin. Meron syang hinahanap. "Nasan na ba yun?" bulong nya.
"Ano bang hinahanap mo? Nakita na natin di ba?" tanong ni Cooper habang dinadampot
ang ilang pictures sa sahig.

"Found it!" kinuha nya ang isag picture at iniabot nya kay Quinn.

"ANong gagawin ko dito?" tanong ni Quinn.

"Tingna mo yung picture. Dali!" utos ni Katarina habang ikinukuskos ang mga kamay
nya sa kanyang tagiliran. Bakas sa kanya ang pagkabalisa.

"Ano bang pinag-uusapan nyo dyan?" tanong ni Perry. Lumapit na din silang dalawa
kina Katarina para alamin ang pinag-uusapan nila.

"Sige na Quinn, tingnan mo na!" muling utos ni Katarina.

Tiningnan ni Quinn ang litratong ibinigay ng kaibigan. Napangiti naman sya habang
tumutulo ang luha nya.
"Ang ganda talaga ni ate." Sabi ni Quinn.

"Ikaw din naman ah." Sabi ni Cooper at hinawakan nya sa ulo si Quinn na parang
isang bata.

"Baka hindi talaga kami magkapatid kaya hindi kami magkamukha." Tiningnan nya ang
isa pang picture na hawak nya. "Baka sya talaga ang kapatid ko."

Parag hindi nagustuhan nila Cooper ang narinig.

"Tingnan mo maige ang babaeng katabi ni Cole. Hindi mo ba talaga sya nakikilala?"
Hinawakan ni Katarina ang kamay ni Quinn na hawak ang litrato ni Cole.

"Di ba nakakakita na sya? Paano nya hindi makikilala yung sarili nya eh nakaharap
na nga sya sa salamin ngayon." Seryosong sabi ni Perry.
Humarap si Quinn kay Perry. "Anong ibig mong sabihin ha?" tiningnan nya si Perry
at tumingin din sya kay Katarina.

"Ano bang problema mo? Ikaw yang nasa tabihan ni Cole. Tingnan mo ngang maige!
Nakatingin lang kung saan. Halatang bulag! Tss!" medyo naiinis na paliwanag ni
Perry.

Hinawi ni Quinn ang mga kaibigan at bumalik sa mga pictures sa table.

Inisa-isa nya ang mga pictures at tiningnan ang babaeng inakala nyang sya. "Hindi -
hindi nga ako 'to." Bulong nya.

Sinundan sya ng mga kaibigan nya. Nagulat sila ng biglang sumigaw si Quinn at
inihagis ang lahat ng mga nasa mesa. "Ahhhhhhhhhh! Sabihin nyo sa'kin! Bakit ibang
mukha ang nakikita ko sa salamin! Bakit ibang mukha ang nakikita ko sa mukha ko!
AHhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!" tumayo sya at kinuha ang vase at ibinato.

"Quinn! Quinn stop it!" inawat nila Cooper at Perry ang nagwawalang si Quinn.
Umiiyak lang si Katarina habang tinitingnan ang kaibigan. Hindi nya din alam kung
anong nangyayari kay Quinn. Hindi nya matagalan ang nagwawalang si Quinn kaya
tumalikod sya at napaharap sya sa salamin. Pinupusan nya ang tumutulong luha sa
kanyang mga mata ng mapatingin sya sa salamin.

Nanlaki ang mga mata nya ng makitang may nakatayong babae sa tabihan nila Perry.
Isang babae na pamilyar ang mukha at nakatingin sa kanya. Hindi sya makagalaw ng
biglang sumigaw si Cooper.

"Quinn! Quinn!" humarap si Katarina sa mga kaibigan pero wala dun ang babaeng
nakita nya sa salamin. Nilapitan nya agad ang mga kaibigan. "Anong nangyari sa
kanya?" tanong ng dalaga.

"Nawalan sya ng malay." Binuhat ni Cooper ang kaibigan at isinakay nila sa kotse.
Nahuhuli si Katarina papalabas ng biglang may isang litrato ang nalaglag sa kanyang
harapan. Dinampot nya yun. Napatakip sya sa kanyang bibig at nanlaki ang kanyang
mga mata sa nakita.

=================

21: MATTINIE!

21: MATTINIE!
Kasama ni Katarina sa isang litrato ang babaeng nakikita ni Quinn. Pareho silang
nakangiti sa picture na tila walang problema. Tiningnan nya ang likod ng litrato at
may nakasulat na address dito. Biglang nagflashback sa isip ni Katarina na minsan
ay naging close din sila.

"Katz are you coming with us?" tanong ni Perry. Parang bumalik naman sa katinuan
si Katarina ng marinig ang tawag ng kaibigan.

Tumakbo sya papalapit sa dalawang naghihintay sa labas. "Perry, ikaw na muna ang
magdala sa ospital kay Quinn." Tumingin sya kay Cooper. "Per, samahan mo ako."

"Saan?" nagkatinginan sila ni Perry.

"Kina Mattinie." Yumuko sya sandali at ipinakita ang hawak nyang picture. "I wanna
make sure she's fine. Gusto ko ding humingi ng sorry sa kanya na dapat noon ko pa
ginawa." Pinunasan ni Katarina ang mga luha.

"Okay. Sasamahan kita." Sabi ni Cooper at isinara ang pintuan ng kotse ni Perry.
"Ry, kaw muna ang bahala kay Quinn."

Pagpapatuloy nya.
"Balitaan nyo na lang ako." Sandaling tumahimik si Perry at tumingin ng diretso sa
dalawa. "Mag-iingat kayo. Hindi natin alam kung anong mga susunod na mangyayari."
Bakas sa boses ng binata ang pagkatakot. Sumakay na sya ng kotse at umalis.

"Let's go." Pinagbuksan ni Cooper ng pinto ng kotse si Katarina. Sya na din ang
nagmaneho. "Are you sure you wanna do this?" mahinang tanong ng binata na
nakatingin lang sa kalsada.

"Yes. I should've done this before pero natakot ako sa kanya nun." Hawak-hawak nya
ang picture at bahagya syang nanginig. "ALam mo naman ang ginawa ng mga parents
natin para malinis ang lahat di ba? Para hindi tayo mapahamak." She sighed.

Ipinagtanong-tanong nila ang address na nasa likod ng picture. Medyo natagalan din
naman sila sa paghahanap.

Tahimik ang paligid ng may magsalitang babae. "Ikaw ang una kong kaibigan dito."
Isang babae ang nakangiti sa harapan ni Katarina.

Biglang nawala ang babae. Nakakita si Katarina ng isang pintuan. Naglakad sya
papunta dun ng bigla muling lumabas ang

babae. "Heto Katz, kunin mo." Isang maganda ang ngiti ng babae sa kanya. Masaya at
nagagalak. "Nandyan ang address ko. Kapag wala na ako sa dorm, dyan mo ko
mapupuntahan." Niyakap sya ng babaeng kausap.
Niyakap din naman nya ang babae ng biglang nagbago ang boses nito.

"Bakit wala kang ginawa? Ikaw ang una kong kaibigan." Boses ng isang umiiyak na
babae ang kanyang narinig. Agad naman syang napabitiw sa pagkakayakap sa kausap.

"S - sorry." Naiiyak na sabi ni Katarina. Humiwalay sya sa pagkakayakap sa kausap.


Nagulat sya ng makitang lumuluha ng dugo ang babae.

"Huli na ang lahat Katz." Umiiyak na sabi ng babae. Yumuko ito at umiyak ng
umiyak. Hindi alam ni Katarina ang gagawin.

"Huli na ang lahat! Wala kang ginawa!!!!!!!!!!!!!" biglang tumingin ng diretso ang
babae kay Katarina na nanlilisik ang mga mapupulang mata. Tila naagnas na ang mukha
nito. Mabilis nitong hinawakan sa leeg si Katarina at tsaka ito sinakal.

"Magrereunion tayong lahat!" sigaw ng babae habang tumatawa. Biglang lumakas ang
hangin at patuloy pa rin ang pagsakal

nito sa dalaga.
Hindi na makahinga si Katarina at pinipilit nyang tanggalin ang mga kamay nito sa
pagkakasakal sa kanya pero wala syang magawa.

"Katz! Katz!" sigaw ni Cooper na hawak-hawak ang mukha ng kaibigan.

Bigla namang napadilat si Katarina at nakita ang mukha ni Cooper. Bumalikwas sya
at tumingin sa paligid. "Naghihiganti sya. Galit sya sa'kin - sa'ting lahat." Hindi
sya mapakali at nanlalamig sya.

"Calm down. Nananaginip ka lang." Kinalma ni Cooper ang kaibigan.

"Where are we?" napansin ni Katarina na nakatigil na sila sa isang kanto. Maraming
tao sa labas ang nakatingin sa kotse nila.

"Nandito na tayo. Nakatulog ka sa byahe kaya hindi na kita ginising." Umupo ulit
ng ayos si Cooper. "ANo bang napanaginipan mo at parang hindi ka makahinga. Para
kang sinasakal." Nakatingin lang ang binata sa labas.

"Napanaginipan ko si Mattinie. Mabuti pa hanapin na natin sya." Tinanggal nya ang


seatbelt nya at tsaka bumaba.
Hindi pamilyar ang lugar na iyon sa kanya. Pero isa lang ang nasigurado nya,
malayo iyon sa kinagisnan nyang buhay. Dikit-dikit ang mga bahay. May mga
nagiinuman sa tapat ng tindahan. Mga nakayapak ang mga bata habang nagtatakbuhan.

"Dito sya lumaki." Bulong nya sa sarili.

Nilapitan naman agad sya ni Cooper at inakbayan tsaka nagsimula maglakad. "Hindi
na kasi makakadaan ang kotse dito dahil puro eskinita ang dadaanan natin."
Paliwanag ng binata.

Tinitingan lang ni Katarina ang paligid. Naglalakad sila sa maputik na eskinita.


May mga nakasampay sa itaas nya. Tila isang building na gawa sa yero ang mga bahay
dun. Naglalakad sila ng biglang may sumigaw.

"Tumabi kayo!" sigaw ng babae mula sa itaas ng may bumagsak na paso.

Bumagsak ito sa harapan nya. Mabilis syang tumingala at nakita ang isang babae na
sabu-sabunot ng isang lalaki na nakahubad at puro tattoo.

"H - huwag na lang kaya tayong tumuloy." Natatakot na sabi ng dalaga.


Hinawakan sya sa kamay ni Cooper. "Ngayon ka pa ba susuko? Nandito na tayo."
Umakyat sila sa isang madilim na hagdanan. "Nasa taas daw ang bahay nila Mattinie
ng tanungin ko yung tindahan kanina bago pa tayo tumigil."

Tahimik ang paligid. Hindi mapakali si Katarina. Nagulat sya ng may biglang isang
grupo ng mga bata ang nagtatakbuhan ang bumungad sa kanila. Napansin ni Cooper ang
pagkabalisa ng kaibigan.

"Relax. I'm here." Tiningnan nya si Katarina pero parang hindi sya narinig nito.

Kumatok sila sa isang pintuan. "Tao po!" tawag ni Cooper.

Patuloy pa din ang pagtingin ni Katarina sa paligid. Nasa pinakataas ang bahay na
kanilang pinuntahan. Tumingin sya sa ibaba. Masyado itong nakakalula. Pinagmamasdan
nya ang mga taong naglalakad ng mapansin nya ang isang babae na nakaputi at
nakatingin sa kanya ng masama. Napaatras naman sya at napasandal kay Cooper.

"Anong problema?" nag-aalalang tanong ni Cooper.


"W - wala. U - u - malis na lang tayo." Nagmadaling tumalikod si Katarina para
bumaba ng mabangga nya ang isang babae.

Tiningnan nito si Katarina. Hindi makagalaw ang dalaga at hindi alam ang gagawin.

"Pasensya na po kayo." Binasag ni Cooper ang katahimikan. "Kilala nyo po ba ang


taong nakatira dito?" itinuro ang bahay na kanina pa nila kinakatok.

TUmingin ang babae kay Cooper. "Wala ng nakatira dyan ngayon." Sinamsam ng babae
ang mga nakasampay sa may tagiliran. "Ilang buwan na din simula ng mamatay si Ine
na labis na dinamdam ng nanay nya. Ang alam ko naaksidente din si Marta. Kinuha na
sya nung panganay nyang anak para mabantayan. Hindi ko alam saan na sila lumipat
eh." Tumingin ulit ang babae sa kanila. "Sino ba kayo? Wala naman silang kamag-anak
na mayaman ah."

Humawak ng mahigpit si Katarina sa braso ni Cooper.

"Ah sige po. Marami pong salamat. Aalis na po kami." Papatalikod na sila ng
biglang nagsalita ang matanda. Hindi nila napansin na nalaglag ang litrato at
nadampot ito ng matanda.
"Hijo - " napatingin ito sa litrato. "Mukhang kaibigan mo si Ine. Napakasaya nya
sa litrato na 'to ah. Ano kayang pumasok sa isip nya at naisipan nyang
magpakamatay?" pahayag ng matanda.

Agad namang napatingin ang dalawa

sa matanda at nabalutan ng takot ang buo nilang katawan. "A - ano pong sabi nyo?
Nagpakamatay?" gulat na gulat na tanong ni Cooper.

"Hindi nyo alam? Akala ko pa mandin mga kaibigan nya kayo?" Iniabot ng babae ang
litrato sa binata. "Siguro mga tatlong buwan na syang patay. Kinukulong lang yun ni
Marta dahil nagwawala at nagsisigaw. Sinusugatan din nya yung sarili nya. Kaya nga
itinatali yun para hindi nya masaktan yung sarili nya. Nurse naman ang kapatid nya
kaya nabibigyan naman sya ng mga gamot. Pero nagulat na lang si Marta ng isang araw
makita nyang nakawala si Ine. Hanggang sa nakita na lang yung katawan nya dun sa
ibaba." Umiiling ang babae habang nagkukwento.

"Ano pong dahilan bakit sya nagkaganun?" tanong ni Katarina.

"Ang alam ko kasi pinagsamantalahan sya ng mga lalaki. May mga malalaswa kasi
syang litrato sa mga taong yun. Tinakot syang ikakalat nila yun kapag di sya
pumayag sa gusto nung mga lalaki. Hanggang isang araw umuwi na lang sya dito na
tulala at sumisigaw." Tumingin ang babae sa paligid. "Pero maraming nakarinig sa
kanya na sumumpa sya sa demonyo bago magpakamatay. Ang sabi nila sumisigaw daw si
Ine ng "Hahanapin ko kayong lahat!" tumawa daw sya ng tumawa bago tumalon - "
biglang natulala ang babae at nanlaki ang mga mata nito sa di maipaliwanag na
dahilan. "D - dyan na kayo. May gagawin

pa ako." Nagmadaling tumakbo ang babae na parang nakakita ng multo.


Lumingon naman si Katarina sa likuran nya pero wala namang kahit ano na nandun.
Bumaba sila ng tahimik at hindi alam ang gagawin. Nauunang maglakad si Cooper
habang nasa likuran nya si Katarina.

Palabas sila ng pintuan sa ibaba ng biglang may isang babae ang nagsalita na
ikinagulat ni Katarina.

"Kasama mo sya. Nandyan lang sya sa likuran mo. Hindi ka makakapagtago." Bulong ng
babae.

Napatingin agad si Katarina sa babae. Puti lamang ang mga mata nito at tila hindi
nakakakita. "A - anong sinasabi mo?"

"Hindi mo ba sya nakikita? Hindi nya kayo titigilan. Galit sya. Galit nag alit. Pe
- pero humihingi sya ng tulong." Biglang nangisay ang babae pero nasalo naman agad
ito ng isang lalaking nakatayo sa kanyang likuran. Masama ang tingin nito kay
Katarina.

Mas lalong nabalot ng takot ang dalaga kaya mabilis syang tumakbo pabalik sa
kotse. Nilampasan nya pa si Cooper.
Umalis na sila sa lugar na iyon pero iniisip pa din ni Katarina ang sinabi nung
babae sa kanila. "Tingin mo may kinalaman

sila Blake sa pagsasamantala kay Mattinie?" Napahawak si Katarina sa kanyang


dibdib. "Binablackmail nila para sa kababuyan nila?" tumingin sya kay Cooper. "May
alam ka ba dito?" may galit sa tono ng pagtatanong ng dalaga.

Tahimik lang si Cooper at hindi nagsasalita. Patuloy lang sya sa pagda-drive.

"Cooper may alam ka ba sa pangre-rape kay Mattinie!" sigaw ni Katarina. "Cooper!"


tinapakan nya ang preno ng kotse.

"Yes! Yes!" sigaw na sagot ni Cooper.

"What? Kasama ka nila?" dismayadong tanong ni Katarina na nanghina sa narinig.

"No. Hindi ako kasama. Pero niyaya nila ako but I said no to them. Tayo pa nun
Katz at hindi kita kayang lokohin. Si Blake at si Peterson hindi ko alam kung sino
pang mga kasama nila pero I swear hindi ako kasama dun." Napahawak si Cooper sa ulo
nya at isinandal ito sa manibela.
"Hindi ka man lang nagsumbong? Hindi mo man lang sinabi sa'kin?" nanginginig ang
boses ni Katarina at nakatingin ng masama kay Cooper.

"Katz, listen. Mayaman sina Blake, dinemanda sya ng pamilya ni Mattinie pero
walang nangyari.

Nabili ni Blake ang batas. Sa tingin mo ba hahayaan sya ng mga magulang nyang
makulong?" Inistart na ulit ni Cooper ang sasakyan.

"Iisa-isahin nya tayo. Walang matitira. Mamamatay din tayo tulad ng nangyari kina
Cole, Madz, Blake at lahat sila. A - ano bang gusto nya?" Umiiyak na si Katarina sa
takot. Hindi nya alam kung kelan sya isusunod ni Mattinie.

"May magagawa pa tayo." Parang nakaisip ng paraan si Cooper. "Itama natin ang mga
pagkakamali noon. Kung mamatay man tayo anytime, at least hindi na mahihirapan si
Mattinie. Baka matahimik na sya."

"Pe - pero hindi ko maintindihan. Anong kinalaman ni Quinn sa mga nangyayari?


Bakit nakikita nya si Mattinie." Itinaas ni Katarina ang mga paa sa upuan at
niyakap ang mga tuhod nito.

"What do you mean?" naguguluhang tanong ni Cooper. Tinatahak nila ang daan papunta
sa ospital kung saan palaging dinadala si Quinn.
"Mukha ni Mattinie ang nakikita ni Quinn tuwing haharap sya sa salamin. Kaya pala
nagtataka ako kung bakit - bakit sinasabi nyang hindi nya kamukha ang kapatid nya."
Nagbuntong hininga si Katarina.

"Hindi ko din alam, pero dapat malaman natin lahat ng sagot sa mga tanong na yan
bago pa ulit may mamatay sa'tin." Tumigil sa parking lot ng ospital si Cooper.

"Parang alam ko na kung bakit!" nagmadaling lumabas si Katarina ng kotse at


mabilis na nanakbo papasok ng ospital.

"Sorry Mattinie. Pero babawi ako sa'yo." Sabi ni Katarina sa sarili habang
tumatakbo papasok sa hospital.

Pagkapasok nya sa loob ng ospital ay biglang kumurap-kurap ang mga ilaw at tila
isa-isang nawawala ang mga tao. Bumagal ang lakad ng dalaga papasok ng elevator.
Laking gulat nya ng makita ang mukha ng kaibigan habang papasara ang elevator!

=================

22: KASALANAN KO!

22: KASALANAN KO!


"Huwag parang awa nyo na. Maawa kayo sa'kin." Sabi ni Quinn habang nakahiga sa
kama. Nagpupumiglas sya at umiiyak. "Maawa na kayo sa'kin."

"Quinn. Quinn." Tawag ni Perry sa kanya habang ginigising ito. Hindi pa din sya
nagigising simula ng mawalan sya ng malay sa bahay ni Katarina.

"Nasan na ba kasi sila?" bulong ng binata na napahawak sa kanyang ulo.

"Huwaag!!!!!!!!!!!!!!!!!!" sigaw ni Quinn at bigla itong napadilat.

"Quinn, anong pakiramdam mo? Tatawag ako ng doctor." Papatalikod na si Perry ng


bigla syang hawakan ni Quinn. "Kelangan kong tumawag ng - " naramdaman nya ang
higpit ng pagkakahawak ng dalaga sa braso nya. " - Quinn bitawan mo ako. Masyadong
mahigpit ang hawak mo sa'kin."
Natingin sa itaas si Quinn at dahan-dahang umupo pero hindi pa din nya binibitawan
ang braso ni Perry.

"Quinn, bitawan mo sabi ako." Pilit na tinatanggal ni Perry ang kamay ni Quinn na
nakahawak sa kanya.

Bigla syang tiningnan ng masama ni Quinn. Pulang-pula ang mga mata nito.

"Quinn - " nagulat si Perry ng makitang lumuluha ng dugo si Quinn.

"Ganyang din kahigpit ang hawak nyo sa'kin dati hindi ba?" nagbago ang boses ni
Quinn. Malagong ang tono nito at nakakatakot.

"What do you mean?" naguguluhang tanong ni Perry.

"Humingi ako ng tulong pero anong ginawa nyo?" Mas hinigpitan ni Quinn ang
pagkakahawak kay Perry na halos umitim na ang braso nito dahil sa naiipit na
pagdaloy ng dugo. "Susunod ka sa kanila Perry. Magkikita-kita na kayo! Kayong
lahat!!!!!" tumawa ng tumawa si Quinn habang hawak-hawak pa din ang braso ni Perry.
Bigla naman syang natigilan sa pagtawa at agad napabitaw sa binata ng hampasin sya
nito ng flower vase sa ulo.

Tumahimik ang paligid. Nagmadali namang lumapit sa pintuan si Perry at agad itong
binuksan pero tumalsik sya pabalik na para bang may

humigit sa kanya. Agad din namang nagsara ang pintuan. Tumama si Perry sa may
bintana kaya naman nabasag ang salamin nito. Bumagsak sya padapa sa sahig kasabay
ng nabasag na salamin.

"Sinubukan ko ding tumakas noon, pero hindi nyo ako pinalabas." Narinig nya muli
ang boses na nanggagaling kay Quinn.

Dahan-dahan namang iniangat ni Perry ang kanyang ulo at tumingin sa higaan ni


Quinn pero wala ito doon. Pinilit naman nyang tumayo. Pumatak ang ilang dugo sa
sahig. May ilang mga bubo gang nakabaon sa katawan ni Perry. Laking gulat nya ng
may makita syang nakalutang na mga paa sa harapan nya kaya agad naman syang
napaatras.

"Akala ko ikaw ang makakatulong sa'kin. Akala ko hindi ka nila katulad, nagtiwala
ako sa'yo - " narinig nya muling ang kakaibang boses ng babae.

Napatingin si Perry sa itaas at nakita ang nakayukong si Quinn. Ang mga buhok nito
ay nasa harapan at nakaangat ang mga paa nito sa sahig. Napalunok si Perry dahil sa
takot at hindi maintindihan si Quinn.
" - pero pinahamak mo lang ako!!!!" biglang tumingin ng diretso si Quinn sa
nakaupong si Perry na nanlilisik ang

mga mata. Naging tuyot na din ang balat nito at maiitim ang ilalim ng mga mata. Ang
tinis ng boses nito na halos lumakas ang hangin sa loob ng kwarto.

Tinitigan ni Perry ang babaeng sumisigaw at napansin nyang nagbabago ito ng anyo.

"Ikaw?" gulat na gulat na tanong ni Perry habang nakatingin sa babaeng nasa


harapan nya. Nanginig ang buong katawan ni Perry at tila bumalik sa kanya ang isang
alaala.

*FLASHBACK*

"Gagawin mo ang inuutos ko sa'yo o masisira ang buhay mo!" nakatutok ang baril ni
Blake sa mukha ni Perry.

"Pero pare hindi ko kaya yung gusto nyo - " itinapat ni Blake ang baril sa ulo ni
Perry.
"Kami na lang ang gagawa basta dalhin mo sya dito!" sigaw ni Blake.

Nasa tapat ng gate si Perry ng dumaan ang isang babae na mahaba ang buhok at halos
matakpan na ang kanyang mukha sa paglalakad.

"Hey," sabi ni Perry habang humarang sa babae.

Unang nakita ng babae ang mga paa ng binata at tsaka nya ito tiningnan papaitaas.
Nakita nyang nakangiti si Perry. Umatras naman sya agad at tila natakot.

"No no! Don't be scared. I'm here to apologize. Look, wala akong intensyong masama
sa'yo." Biglang tumigil sa pagsasalita si Perry at tinitigan na lamang ang babaeng
kausap na parang ang mga mata na lang nya ang nagsasabi ng mga babala para sa
dalaga.

"Layuan nyo na lang ako." Tumalikod ang babae pero nahawakan sya agad ni Perry sa
braso. Nagulat ang babae kaya pinilit nya 'tong alisin.

"Gusto ko lang sanang maipakita sa'yo na sincere ako sa pagsosorry." Binitawan nya
ang babae ang ngumiti ito.
Nasa kotse sila ni Perry ng bigla itong tumigil.

"Shit! Nasiraan tayo!" galit na sabi ni Perry. Tumingin sya sa babaeng nasa tabihan
nya na halos naluluha ang mga mata. Tumigil sila sa harapan ng nag-iisang bahay sa
lugar na iyon. Hindi din alam nung babae kung anong ginagawa nila doon. Nagtitiwala
naman sya kay Perry kaya sya sumama.

Kitang-kita sa mga mata ni Perry na hindi nya gusto ang ginawa nya kaya naisipan
nya itong sabihin sa kasama nya. Pero bago pa man sya magsalita ay biglang bumukas
ang pinutan ng kotse at hinigit ang babae sa tabihan nya.

Mabilis na bumaba si Perry.

"Bitawan mo sya! Huwag mo syang sasaktan!" sigaw ni Perry habang papalapit kay
Blake pero hinarangan agad sya ni Peterson.

"Good job Perry. Hindi na masisira ang buhay mo. You can go now!" Hinigit ni Blake
ang babae papalapit sa kanya at tinutukan ito ng baril.
"Perry tulungan mo 'ko. Wag mo akong iwan dito." Umiiyak na sabi ng babae habang
nanginginig ito sa takot.

"Mattinie baby, you're mine now." Tumatawang sabi ni Blake habang tinatanggal nya
ang unang butones

ng blouse ng babae gamit ang baril nya.

Pumasok sila sa loob ng bahay habang kinakaladkad ni Blake si Mattinie. Dahil


hindi nakokonsensya si Perry ay sumunod naman sya agad dito.

"Huwag! Maawa kayo sa'kin!" sigaw ng babae habang hinahalikan sya ni Blake sa
leeg.

"T*ran*%do ka Blake wala sa usapan ang gagalawin mo sya!" sigaw ni Perry.

"Hindi ko kaya pare. Masyo kasi syang hot! Ang ganda ng kutis!" tumatawang parang
demonyo si Blake habang pinagsasamantalahan si Mattinie. Nanonood lang naman si
Peterson habang naghuhubad ng pantaloon.
*END OF FLASHBACK*

Napahawak si Perry sa ulo nya. Napatingin sya sa kama at nakita nyang nakahiga na
dun si Quiin. Pero laking gulat nya ng biglang may bumulong sa may tenga nya.

"Kasalanan mo di ba?" isang malamig na boses ng isang babae.

Dahan-dahang tumingin si Perry sa babaeng nagsalita at nakita nya ang isang babae
na duguan ang mukha.

"Gusto mo bang mapatawad kita?" tanong ng babae habang pinapahiran ng dugo ang
mukha ng binata.

Tumango lang si Perry na parang wala sa kanyang sarili. Dahan-dahan syang tumayo.

Biglang kumurap-kurap ang ilaw sa loob ng kwarto at nagising si Quinn. Napaupo sya
agad at nakita si Perry na nakatayo sa may veranda ng ospital.

"Perry! Perry umalis ka dyan!" mabilis tumayo si Quinn para lapitan ang kaibigan
ng bigla syang harangin ng isang babaeng nakalutang. Sa sobrang takot ay napaatras
si Quinn at napaupo sa sulok ng higaan.

Hindi nya mapigilang umiyak habang tinitingnan ang kaibigan katabi ang babaeng
humarang sa kanya.

"Perry no!" sigaw ni Quinn.

Bahagyang tumingin si Perry sa kanya. "Kasalanan ko. Kasalanan ko. Kasalanan ko."
Paulit-ulit nya itong sinasabi

habang umaakyat sa may hawakan na bakal sa may veranda.

Naririnig ni Quinn ang bulong ng babae kay Perry kaya naman tinakpan nya ang
kanyang mga tenga. Nakita nyang hinahaplos ng babae ang likuran ni Perry at
nakitang tumango lang ang kaibigan habang patuloy sa pagbulong.

Biglang bumukas ang pintuan at nakita ni Quinn si Katarina.


"Quinn!" mabilis pumasok ang dalaga sa loob at hinanap si Quinn. Nakita nya ang
kaibigan na nakaupo sa sulok at nakatakip ang mga kamay nito sa tenga.

"Wh - what's going on?" nagmamadali si Katarinang lapitan ang kaibigan ng mapansin
nya ang mga basag na salamin sa sahig.

Bago pa man makalapit si Katarina kay Quinn na takot na takot sa isang sulok ay
nakita nyang tumuro ang dalaga sa labas, sa may veranda. Mabilis lumingon si
Katarina at laking gulat nya ng makita nyang nakatayo si Perry sa hawakan na bakal
sa veranda.

Nagmadali syang lumabas para pigilan ang kaibigan. Pero nasa may pintuan palang
sya ng bigla itong tumalon.

"Perry!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" sigaw ni Katarina. Mabilis nyang tiningnan ang


kaibigan sa ibaba at nakita nya itong bumagsak sa semento sa harapan ng ospital.
Nagkalat ang dugo sa kalsada at parang nangingisay-ngisay pa ang katawan ng
kaibigan. Hindi nya alam ang gagawin. Hindi nya naabutan ang kaibigan para
mapigilan ito. Nakatulala lang si Katarina habang umiiyak ng umiiyak.

"AHhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!" sigaw ni Quinn mula sa loob na takot na takot.


Dumating si Cooper at agad nilapitan ang nagsisisigaw na si Quinn.
"Hey! Calm down!" hiwakan nya ang mga kamay ng kaibigan dahil pinagkakakalmot nito
ang sarili.

"Tatapusin nya kayong lahat! Wala syang ititira!!!!" sigaw ni Quinn sa kaibigan
habang iyak ng iyak.

Napansin ni Cooper na nakatayo si Katarina sa labas. "Katz tumawag ka ng doctor!"


pero parang hindi sya narinig ng kaibigan. "Katz ano ba?"

Mahigpit ang pagkakahawak nya kay Quinn pero nagpupumiglas ito.

"Hindi! Tama na! Ayoko na!!!!" nanghihinang sabi ng dalaga bago ito muling mawalan
ng malay. Napasandal ang ulo nito sa balikat ni Cooper. Agad naman syang binuhat ni
Cooper at inihiga sa kama.

"Katz tatawag lang ako ng doctor ha - " napansin nya ang paghagulgol ni Katarina
sa may veranda. Tiningnan nya sandali si Quinn na natutulog sa kama kaya naman
naisipan nyang lapitan si Katarina.
Dahan-dahan syang naglakad papuntang veranda. Napansin nyang magulo ang loob ng
kwarto at natapakan nya ang ilang basag na salamin. Nakita nya din na may mga dugo
sa sahig.

"Katarina - " agad nyang hinawakan sa balikat ang dalaga at nagulat sya ng humarap
ito sa kanya.

A/N

Napapadalas na ang paguupdate ko so sana suportahan nyo ang story ko. Wag
kalimutang bumoto, magcomment at ishare ang story na 'to sa FB or twitter. Thank
you sa mga hindi bumibitiw sa mga mangyayari.

You can also check out my other stories. Sana mabasa nyo din. Pwede nyo din akong
ifollow. Thank you.
*PROPERTY OF MELABRIO*

=================

23: SORRY IS NOT ENOUGH!

23: SORRY IS NOT ENOUGH!

Punung-puno ng luha ang mga mata ni Katarina at patuloy pa din ito sa pag-iyak.
Niyakap nya agad si Cooper ng makita ito.

"Wala na din sya. Wala na si - " humagulgol si Katarina at tumuro sa ibaba.

Agad namang tiningnan ni Cooper kung anong meron sa ibaba pero tila nanghina sya
sa kanyang nakita. Isang lalaki ang nasa harapan ng ospital at nagkalat ang dugo.
May mga pulis at mga taong nakikiusyoso sa paligid. Hindi nya agad napansin na
kaibigan nya ang lalaking iyon dahil masyado silang mataas para makita ang itsura
ng lalaki.

"Hindi ko napigilan si Perry. Nahuli ako. Wala akong nagawa!" sigaw ni Katarina.
Tsaka lang pumasok sa isip ni Cooper na kaibigan nila ang lalaking nasa ibaba.

"Hindi nya tayo titigilan. Papatayin nya tayong lahat!" parang nawawala na sa
sarili si Katarina. Sigaw lang sya ng sigaw. Pinipigilan sya ni Cooper pero hindi
sya nito pinapakinggan.

Nagulat naman si Katarina ng sampalin sya

ni Cooper na nagpabalik sa kanya sa pag-iisip. Niyakap nya lang ang kaibigan at


nagpatuloy sa pag-iyak.

Inilipat ng kwarto si Quinn dahil sa nasira na ang dati nitong kwarto. Dinala na
naman sa morge ang katawan ni Perry. Hindi naman kinailangang magimbistiga pa dahil
maraming nakakita na tumalon sya habang nagsasalita. Akala pa ng mga nakakita ay
may problema sa isip si Perry kaya ito nagpakamatay.

Kinabukasan dumating sina Katarina at Cooper sa ospital at nadatnan sa harap ng


kwarto ni Quinn na kinakausap ng auntie nya ang doctor.

"She's fine. In fact she's healthy." Sabi ng doctor sa auntie ni Quinn ng lumapit
sila Katarina.
"Makakalabas na po ba ang kaibigan namin?" pagsabad ni Katarina.

"Yes. Pwede na syang idischarge. Lahat ng test na ginawa namin sa kanya ay okay
naman. Baka nastress lang sya kaya madalas syang ganyan but you have nothing to
worry about so if you'll excuse me, may patients pa kasing naghihintay sa'kin."
Paliwanag ng doctor at tuluyan na ngang umalis.

"Babayaran ko lang 'to. Pakitulungan na lang si Quinn na mag-ayos." Sabi ng auntie


ni Quinn at iniwanan ang dalawa

sa harap ng pintuan.

Pumasok sila sa loob at nadatnang nakatayo si Quinn sa harap ng salamin.

"Quinn! I'm glad you're fine." Masiglang sabi ni Katarina dahil nahalata nya na
nag-iisip na naman ang kaibigan.

Hinawakan ni Quinn ang mukha at tsaka lumingon sa mga kaibigan. "Ang weird pa din.
Ibang mukha pa rin yung nakikita ko sa salamin. Pakiramdam ko tuloy may iba akong
pagkatao. Kung ganito lang din naman pala ang kapalit ng pagkakaroon ko ng maayos
na mata - sana - sana hindi na lang ako nakakita." Malungkot na sabi ni Quinn.
Hindi na tumulo ang mga luha nya na parang natuyo na ito sa sobrang daming beses na
nya umiyak.
Hinawakan ni Katarina ang kaibigan sa braso. "Aalamin natin lahat kung bakit 'to
nangyayari. Okay? Wala kang kasalanan sa mga nangyayari kaya wala kang dapat
ikatatkot." Niyakap nya ang kaibigan.

"Mabuti pa ihanda mo na yung mga gamit mo. Tutulungan ka namin. Pabalik na ang
auntie mo, nagbabayad lang sya." Kinuha ni Cooper ang isang bag at inilagay doon
ang ilang mga gamit.

Habang nagliligpit sila ay naalala ni Quinn ang kaibigang

si Perry. "I saw her with my own eyes. Hindi ko nga alam kung ako ba talaga yun o
sya na talaga dahil iisa nga ang nakikita kong mukha namin. She's talking to Perry
as if she wants him to realize something.

Wala man lang akong nagawa." Dinampot nya ang gamit sa lamesa. "Sana matapos na
'tong lahat."

"Matatapos din 'to." Sagot ni Cooper habang dala-dala ang isang bag na may laman
na gamit ni Quinn.

Biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang auntie ni Quinn. "Pwede na tayong
umuwi. Pinag-alala mo akong bata ka. Pinacancel ko yung corporate meeting ko para
lang makauwi agad." Tiningnan nya lang ang pamangkin na parang disappointed. "But
I'm glad you're okay. Makakaalis na ako ulit." TUmalikod ito sa tatlo. "Sumabay ka
na sa'kin at may dadaanan pa ako sa bahay."
"Ah - auntie okay lang po bang sumabay na lang ako kina Katarina?" mahinang tanong
ni Quinn.

Napatigil sa paglakad ang matanda at tumingin kay Quinn. "What? Kagagaling mo pa


lang sa ospital gusto mo na agad pumunta kung saan-saan?" tumaas ang boses ng
auntie ni Quinn.

"But the doctor said I'm okay. Please auntie, and besides sila naman yung
nagbabantay at nag-aalaga sa'kin nung

wala kayo." Nagmamakaawang sabi ni Quinn.

"So what are you trying to say huh Quinn?" nakapamewang na tanong ng matanda.
Tiningnan nya isa-isa ang tatlo.

"Wala naman po auntie. You don't have to worry about me. Hindi naman nila ako
papabayaan. Kaya please auntie, pumayag ka na please." Lumapit ito sa matanda at
hinawakan ito sa kamay. "Please."

"Fine. In one condition. Kapag may nangyari sa'yong hindi maganda, sila agad ang
sisisihin ko! Is that clear?" muling tanong nito sa pamangkin.

"Yes auntie!" masayang sagot ni Quinn at niyakap nya ang matanda. "Thank you very
much po. Have a safe flight ulit." Lumapit sya kay Katarina at hinigit ito
papalabas.

"Alis na po kami." Nahihiyang paalam ni Katarina. Sumunod naman si Cooper na


nagpaalam din sa matanda.

Sumakay sila sa kotse ni Cooper. Nasa likuran sina Quinn at Katarina.

"Saan mo ba balak pumunta at nakipagtalo ka pa sa auntie mo?" tanong ni Cooper


habang papalabas sila ng parking lot.

"Gusto ko sanang hanapin yung puntod ni Mattinie. Baka kasi gusto nya lang na
magpasalamat ako sa kanya." Hindi mapakali si Quinn habang nagsasalita.

"Tingin ko magandang idea nga yan. Baka kailangan lang din naming magapologize sa
kanya sa lahat ng nangyari. Posibleng matigil yung nangyayari sa'tin kapag nagsorry
tayo." Nabuhayan ng loo bang tatlo.

Bumalik sila sa lugar kung saan dating nakatira sila Mattinie. Nagbakasakali
silang malaman kung saan nakalibing si Mattinie. Hindi din naman sila nabigo dahil
may nakapagturo naman sa kanila ng pinaglibingan sa dalaga. Bumili sila ng mga
bulaklak at mga kandila bago magdiretso sa simenteryo.

Dumating sila sa public cemetery. Hindi na sila nagaksaya ng oras para hanapin ang
puntod ni Mattinie. Binigyan naman kasi sila ng palatandaan kung saang pwesto ito
maaring makita. Nagtanong din naman sila sa mga supulturero kaya hindi sila
nahirapan sa paghahanap.

Narating nila ang libingan. Hindi makapaniwala sina Katarina at Cooper na patay na
pala ang babaeng minsan ay napagkatuwaan nila. Hindi din napigilan ni Katarina ang
maiyak.

Ibinaba nila ang bulaklak at nagtirik sila ng kandila. Sandaling nanalangin si


Katarina bago tuluyang humingi ng tawad.

"Mattinie, kung nasaan ka man ngayon sana patawarin mo ako sa nagawa ko noon. Sana
itigil mo na ang paghihiganti. Nandito kami ni Cooper para humingi ng tawad sa
lahat-lahat. Bigyan mo kami ng sign na pinapatawad mo na kami." Umiiyak na sabi ni
Katarina. Niyakap sya ni Quinn habang hinahaplos naman ni Cooper ang likod nito.

Ilang sandali lang ay humangin ng malakas at namatay ang mga kandila. Natakot
silang tatlo. Sisindihan na sana ulit ni Cooper ang mga namatay na kandila ng
makita nyang kusa itong sumindi.
Wala na silang iba pang naramdaman pagkatapos noon. Naisip nilang napatawad na
sila ni Mattinie dahil mula sa puso naman ang paghingi nila ng tawad.

"Mattinie, hello. Hindi man kita kilala pero alam ko kung anong itsura mo.
Maraming salamat sa mga mata mo. Dahil dito nakakakita na ulit ako. Alam mo minsan
iniisip ko kung ganito din ba ang nakikita mo nung na sa'yo pa 'tong mga mata na
'to." Hinaplos ni Quinn ang puntod ni Mattinie. Nagulat naman sina Katarina sa
sinasabi ng kaibigan. Bahagyang tumigil sa pag-iyak si Katarina at pinahid ang
kanyan mga luha.

"Nagkataon lang kayang mata mo ang napunta sa'kin at hindi mata ng ibang tao? Ang
dami kong tanong pero alam kong

hindi mo na din masasagot. Sana naman patawarin mo na ang mga kaibigan ko. Hindi ko
man alam kung ano yung mga totoong nangyari sa inyo noon pero alam ko mabubuti
silang tao. Hindi ko nga alam kung dapat ba akong magpasalamat sa'yo. Kasi - "
biglang pumatak ang mga luha nya. " - kasi kinuha mo ang kapatid ko sa'kin. Hindi
ko man lang sya nakita. Sana kung nasaktan ka wag ka nang manakit pa ng iba lalo na
yung mga walang kinalaman tulad ko." Tumigil sa pag-iyak si Quinn at nagpatuloy.
"Hihintayin ko ang araw na makikita ko na ang sarili kong mukha sa salamin at kapag
nangyari yun ibig sabihin nananahimik ka na kung nasaan ka man."

Humarap si Quinn sa mga kaibigan na nakatingin lang sa kanya. "Let's go."

Lumabas sila ng cemetery na medyo magaan ang pakiramdam. Pakiramdam nila ay nasabi
nila kay Mattinie ang hindi nila nasabi noon.

Tahimik silang tatlo na nakatingin sa unahan ng sabay-sabay nilang makita ang


isang babae na humarang sa kotse nila. Huli na masyado ng mapansin ni Cooper kaya't
nabangga nya ito.

Mabilis bumaba si Cooper para tingnan ang babae pero wala ito sa harapan. Sinilip
nya ito sa ilalim at likuran ng kotse

pero ni bakas ng babaeng nabangga ay wala syang nakita.

Pumasok ulit sya sa kotse. "I guess hindi nya tayo kayang patawarin." Nagpatuloy
sa pagda-drive si Cooper.

"No! Hindi yan totoo. Kung hindi nya tayo mapapatawad, mamamatay din tayo at
ayokong mangyari yun! We have to do something!" nagpapanic na naman si Katarina na
parang nawawala sa sarili.

"Katarina enough!" sigaw ni Quinn. Napatahimik din naman si Katarina sa sigaw ng


kaibigan. "Hindi masosolve 'to ng kakaiyak mo! Hindi ka makakapag-isip kung
magpapanic ka lang. Mas lalo mo lang pinapalala ang situation!" Sumandal si Quinn
at tumingin sandali sa labas.

"Bakit kaya hindi natin ulit subukan ang minsan na nating ginawa?" suggestion ni
Cooper.

"W-what do you mean?" tanong ni Quinn.


"May kilala kasi kaming medium. Nilapitan na namin sya before at nakatulong naman
sya sa'min, I guess. Baka matulungan nya tayo paano matititgil 'tong nangyayari
sa'tin." Nagdrive ng mabilis si Cooper. "Maghiwa-hiwalay muna tayo. Siguro kumuha
muna tayo ng kanya-kanya nating gamit. Ikaw din Quinn, kumuha ka din

ng gamit ni Cole. Susubukan kong kumuha ng gamit ni Blake at Perry. At ikaw naman -
" napansin ni Cooper na tulala si Katarina.

"Katz - " tawag nito.

"Uh?" mabilis na sagot ng dalaga.

"Kumuha ka ng kahit anong gamit ni Phoem. Magkita-kita tayo sa resto sa may office
kapag nakakuha na tayo ng mga gamit." Isa-isang ibinaba ni Cooper sina Katarina at
Quinn sa kani-kanilang bahay.

Kumuha sila ng mga gamit nila at ng mga kaibigan nila. Hindi pa din ganun
maintindihan ni Quinn ang gagawin ni Cooper pero sumunod pa din sya. Gusto nyang
matigil ang nangyayari sa kanila at gusto din nyang makita na ang totoo nyang mukha
sa salamin.

Makapananghalian ay nagkita-kita na silang tatlo dala-dala ang mga gamit na


kanilang kinuha. Sabay-sabay silang pumunta sa bahay ni Tiya Emer gamit pa rin ang
kotse ni Cooper. Inilatag nila ang mga gamit sa mesa at isa-isa naman itong
hinawakan ng matanda.

Una nyang hinawakan ang camera ni Phoemela. Pinakiramdaman nya ito. "Wala namang
kakaiba sa gamit na ito." Sabi ng

matanda. Inisa-isa nya ang mga gamit nila Katarina, Quinn, Cole, Perry at Cooper
pero wala pa din syang naramdamang kahit ano.

Pinainom si Tiya Emer ng anak nya ng tubig bago muling magsalita. "Mga ordinaryong
gamit lamang ang inyong dinala. Kahit alin sa mga iyan ay hindi sinapian ng
naghihiganting kaluluwa." Paliwanag ng matanda.

"Ano pong ibig nyong sabihin? Paano nyo po ipapaliwanag yung mga nangyari sa'min?"
Ayaw mawalan ng pag-asa ni Katarina kaya pinipilit nyang may malaman kay Tiya Emer.

"Kalimitan may mga gamit kayo na galing sa iba. Simpleng papel, ballpen, litrato,
alahas o kung anu-ano pa na ginagamit para magkaroon ng ugnayan sa inyo. Ito ang
nagkokonekta sa inyo sa taong dahilan ng lahat ng nangyayari sa inyo." Paliwanag ng
matanda. Natahimik ang tatlo sa narinig na parang lalo silang nakaramdam ng takot.

"A - ano pong sinabi nyo? Nagkokonekta sa'min sa tao? Nagkakamali po yata kayo,
patay na po yung taong nakikita namin. Yung taong nakikita ko sa salamin sya po ang
may kagagawan nito at patay na po sya kaya imposible po ang sinasabi nyo."
Naguguluhang pahayag ni Quinn. Napaisip sya sa sinabi ng matanda nagdalawang

isip kung tama ba ang desisyon nyang sumama sa dalawang kaibigan. Nagsisimula na
din syang magduda sa totoong kakayahan ni Tiya Emer.
"Nagkakamali ka!" biglang nagtaas ng tono ang matanda. "Hindi isang kaluluwa ang
may kagagawan sa inyo nito. Buhay pa ang dahilan ng sunud-sunod nyong pagkamatay.
Nakapasok sya sa buhay nyo. Kayong lahat. Isipin nyong mabuti kung paano para
magawan natin ng paraan. Ang mga gamit na dala-dala nyo ay sarili nyong pag-aari
kaya't wala talaga akong makikita dyan. Kung makakapagdala kayo sa'kin ng kakaibang
bagay na sa tingin nyo ay kaduda-duda, maaring iyon ang koneksyon." Seryoso ang
boses ni Tiya Emer na parang alam na alam nya ang nangyayari sa mga kausap. Tahimik
lamang sina Katarina at Cooper na naniniwala sa sinabi ng matanda.

"This is crazy!" tumayo si Quinn. "Let's go guys. Nasasayang lang ang oras natin
dito." Papalabas na sya ng mapansin nyang hindi nasunod ang dalawa sa kanya. "What?
Don't tell me naniniwala kayo sa kanya?"

"Unfortunately yes." TUmayo si Katarina at hinigit pabalik sa upuan si Quinn.


"Look, natulungan na nya kami once at naniniwala kami sa kanya. Please, we need
your support. Hindi ka naman mapapahamak kung si Mattinie nga ang may kasalanan ng
lahat. Pero kung totoong buhay pa nga ang dahilan ng lahat ng ito - hindi malabong
pati ikaw madamay. Kung buhay pa ang taong naghihiganti sa'min, pwedeng kasama ka
sa pinaghihigantihan. Alam ng taong yan ang lahat-lahat kaya naplano nyang
makapasok sa buhay natin." Malamig ang boses ni Katarina. May katuturan ang mga
binitiwan nyang salita na kahit papaano ay nagpabago sa isip ni Quinn.

"Posibleng mamatay din ako?" nauutal na sabi ni Quinn. Hinawakan nya ang kanyang
ulo. Itinakip nya ang dalawang kamay nya sa kanyang mukha at paulit-ulit na
naririnig ang mga sinabi ni Katarina. Tila umiikot ang paningin ni Quinn na parang
mawawalan na naman ng malay ng bigla syang hawakan ni Tiya Emer.

Bumubulong ang matanda ng hindi nila maintindihan na salita. Ilang sandali pa ay


naging maayos na ulit si Quinn.

Tila nagulat naman si Tiya Emer at napabitaw kay Quinn. Kinapa nya si Katarina at
hinawakan din ito at mas lalo nya itong ikinagulat. Kinapa nya din ang kamay ni
Cooper at pinakiramdaman ito.

Ang reaksyon ng mukha nya ay tila isang kompirmasyon na tama ang kanyang hinala.

"Wala nga sa mga gamit na yan ang koneksyong sinasabi ko." Tumingin sya kina
Cooper at Katarina na parang nakikita nya ang mga ito. "Dahil ang koneksyon ay nasa
katawan nyo na mismo!"

=================

24: I'M NOT HER!

24: I'M NOT HER!

Hindi nila maintindihan ang binitawang salita ng matanda pero mas lalo silang
nagimbal sa kanilang nalaman.
"A-anong ibig nyong sabihin?" ninenerbyos na tanong ni Katarina.

Huminga ng malalim ang matanda bago magsalita. "Mas kailangan ko pa ng maraming


gamit. Kung meron pang iba dalhin nyo agad sa'kin. Isang bagay na lahat kayo ay
meron o magkakapareho, kahit ano - dalhin nyo sa'kin bago pa mahuli ang lahat."

"This is ridiculous! Madaming bagay ang magkakapareho kami. I don't know what you
are up to but I'm done here!" papalabas na sana si Quinn pero nagsalita ulit ang
matanda.

"Wala akong naramdamang kakaiba sa'yo hindi tulad ng sa mga kaibigan mo. Malinaw
na wala ka sa panganib tulad nila." Madahang sabi ng matanda na tila nakapagpabago
sa isip ni Quinn na lumabas. "Pero hindi ibig sabihin nito ay ligtas ka na. Oras na
aksidente mong magamit, makita, makain o kung ano man ang ginamit na bagay ng
gumagawa sa mga kaibigan mo nyan, maaring matulad ka sa kanila. Tulad ng sinabi ko
- buhay pa ang gumagawa sa inyo nyan." Pagpapatuloy ng matanda.

"Paano namin 'to mapipigilan?" tanong ni Cooper.

"Kung tatanggalin nya ang bisa ng bulong na ibinigay nya. May mga kakaibang salita
kaming ginagamit para makapagpagaling. Pero meron din naman para makapanakit.
Binibigkas ito tuwing Martes at Biyernes. Pero mas matindi ang bisa nito kapag
unang Biyernes ng buwan. Kung binibigkas nya ito, mas lalo lang titindi ang bisa
nito sa inyo." Ipinaliwanag ni Tiya Emer ang lahat sa abot ng kanyang makakaya.

Umalis silang tatlo sa bahay ng matanda bitbit sa kanilang isip ang mga binitawang
salita nito.

"Tingin ko kailangan nating hanapin kung sino man yung gumagawa nito sa kanya.
Siguro bayaran na lang natin para tumigil na sya. Siguro naman enough na ang 20
million para matahimik na kung sino man sya!" Galit na sabi ni Cooper habang
nagmamaneho.

"I don't think that's a good idea. This has something to do with Mattinie and I
guess isa sa possible na gumagawa sa'tin nito ay pamilya nya. Offering 20 million
is not as easy as you think. I mean, yeah we can give them that amout - pero tingin
ko hindi mahalaga sa kanila ang pera. And maybe galit pa sila sa pera." Mahabang
paliwanag ni Katarina na nakatingin kay Cooper sa rearview mirror.

Nabalot sandali ng katahimikan

ang paligid. Ang bawat isa sa kanila ay nag-iisip ng paraan paano 'to malulutas
ngayong silang tatlo na lang ang natitira at alam nilang anytime soon ay
mababawasan ulit sila and worst baka pati si Quinn ay madamay kung hindi sya mag-
iingat.

"I think we should find them or atleast try to look for any of Mattinie's
relatives? What do you think? Siguro maghiwalay muna tayo. Magtanong kayo about sa
mga kamag-anak ni Mattinie at puntahan nyo habang ako hahanapin ko yung pamilya nya
to thank them para sa mga mata ko ngayon. I'll try to talk to them also." Buo ang
loob ni Quinn sa mga sinabi nya at desidido syang gawin ito.

Hinawakan sya ni Katarina. "Pwede naman nating gawin yun ng magkakasama."

"No. As much as possible dapat magawaan natin 'to ng paraan. Don't worry about me
I'm absolutely fine." Tumingin si Quinn sa mga mata ni Katarina. "Tulad ng sinabi
ni Tiya Emer I'm safe from this witchcraft bullshit whatsoever." Bigla syang
natahimik sandali bago muling nagsalita. "Hindi dapat kayo maiwang mag-isa ni
Cooper. Remember, lahat ng mga kaibigan natin namatay mag-isa. Walang kasama kaya
walang -" napatigil si Quinn ng maalala ang pagkamatay ni Perry. Nandun sya pero
wala syang nagawa ganun din ang kaibigan nyang si Katarina. "Never mind. Forget
it." Sumandal sya at

tumingin sa labas.

"I understand. Thank you Quinn." Niyakap ni Katarina ang kaibigan.

"I didn't do anything yet so don't thank me. I feel sorry for you - two. I'm doing
this for the sake of my sister and her friends and of course for you guys." Muntik
na syang maiyak. "I think I need to go."

"Do you know where to find Mattinie's family?" tanong ni Cooper. "Galing na kami
dun sa dati nilang tinitirhan pero walang nagsabi kung nasaan na sila. Pero nalaman
naming may kapatid sya. Ipagtatanong na lang siguro namin saan sya nagta-trabaho."
Pagpapatuloy ng binata.
"Don't worry, I have my sources. The moment na binigay ni Katarina yung address
sa'kin pinahanap ko na yun and got their new address. You didn't tell me na may
plan pala kayong puntahan sila so hindi ko naibigay yung new address." Bahagyang
ngumiti si Quinn at tumingin sa dalawang kasama.

"Wow. We didn't know you're that clever huh." Ngumiti si Cooper isang ngiting
hindi nya alam kung kelan nya ulit magagawa.

"So ibaba mo na lang ako sa kanto at magtataxi na lang ako. I'll call you kung
anong mangyayari. Sana mahanap nyo

din yung kapatid nya." Nagbeso muna si Quinn sa mga kaibigan bago ito bumaba ng
kotse.

"Quinn, be careful." Sabi ni Katarina bago isara ng kaibigan ang pintuan ng kotse.

"Kayo din." Sagot ni Quinn at pumara sya ng taxi.

Umalis na din naman agad sina Katarina ng makitang nakasakay na ng taxi ang
kaibigan.
Nilingon ni Quinn ang sasakyan ng mga kaibigan ng makita itong lumiko sa kanan.
Naramdaman nyang ngayon na lang ulit sya naging mag-isa. Madalas nyang makasama
sina Katarina nung wala ang auntie nya. Nakaramdam sya ng lungkot dahil hindi nya
alam kung may magagawa sya para sa mga kaibigan.

"Ma'am?" tanong ng taxi driver na kanina pa kinakausap si Quinn.

"Po?" ng mapatigil sya sa pag-iisip. Kinuha ni Quinn ang cellphone nya at nilagay
sa navigation ang lugar kung saan sya pupunta at ipinakita ito sa driver. "Pakidala
na lang po ako dito."

Tiningnan ng driver ang nakalagay sa cellphone ng dalaga at tumango ito. Muling


itinago ni Quinn ang cellphone at nag-isip

kung anong gagawin kapag nakita nya ang pamilya ni Mattinie.

Ilang sandali lang ay bumagal ang takbo ng taxi at napansin ni Quinn ang mga
batang naglalaro sa kanilang dinadaanan. Napangiti sya at hindi nya maisip na may
mga bata pa din palang naglalaro sa labas sa panahon ngayon. Ang madalas nya kasing
makita ay mga batang mahilig sa computer games.

"Saan po ba kayo dito ma'am?" tanong ulit ng driver.


Kinuha ulit ni Quinn ang cellphone nya para tingnan yung street kung saan sya
bababa. "Manong sa Mariano Street po - " tiningnan nya ang bawat kanto. " - ayun
dun na lang po sa kanto manong." Sabi ni Quinn habang itinuturo ang kanto sa kanan.

TUmigil ang taxi at nagbayad si Quinn bago bumaba. "Thank you po." Sabi nya bago
isara ang pintuan ng taxi. Huminga sya ng malalim. Tiningnan nya ang number ng mga
bahay sa paligid. Hindi na nya kailangang magtanong pa dahil lahat naman ng bahay
ay may numero. Halos pare-pareho ang itsura ng mga bahay pati ang kulat nito.
Magkakadikit din sila. Simentado ang mga ito pero maliit lang pero kumportableng
tirhan. Alam nyang hindi ito kasing laki ng bahay nila pero ramdam nyang masasaya
ang bawat pamilyang nakatira dito.

Habang tinitingnan nya ang bawat bahay napansin nyang wala pang nakatira sa ibang
bahay dahil bakante pa ito at puro damo.

Naglakad ng mabilis si Quinn ng mapansing kumokonti ang tao sa paligid. Naramdaman


nyang may sumusunod sa kanya kaya naman tumigil sya sandali para lumingon pero wala
naman syang nakita. Ipinagpatuloy nya ang paglalakad habang nakatingin sa likuran
ng may mabangga sya.

Natumba ang nabangga nya at nalaglag ang saklay nito. "Naku pasensya na po kayo.
Hindi ko po sinasadya." Sabi ni Quinn habang tinutulungang tumayo ang isang
matandang babae. Iniabot nya ang saklay nya dito.

"Pasensya na po talaga kayo. Hindi po kasi ako nakatingin sa dinadaanan ko. Saan
po ba kayo nakatira ihahatid ko na po kayo?" napansin ni Quinn na hindi nagsasalit
ang matanda at nakatitig lamang ito sa kanya. "Ale ayos lang po ba kayo? Gusto nyo
po ba dalhin ko kayo sa ospital?"

Umiling ang matanda. "Iha kakaiba ang kislap ng mga mata mo." Malungkot na sabi ng
matanda.

"Salamat po pero hindi ko po talaga pag-aari ang mga mata na 'to. Nandito nga po
ako para hanapin yung kamag-anak ng donor ko." Lumingon sya sa mga bahay at
napatingin sya sa bahay sa kanan nya. "Ayun, heto na po pala ang bahay na hinahanap
ko."

"Si Mattinie Haven ba ang donor mo?" malamig na tanong ng matanda na parang
naluluha.

Naalis ang mata ni Quinn sa bahay ay napatingin sa matanda. "Opo. Kilala nyo po ba
sya?"

Nagulat si Quinn ng bigla syang yakapin ng matanda at nabitawan nito ang kanyang
saklay. Hindi nagsalita ang matanda at umiyak lamang sya ng umiyak.

"Kamag-anak po ba nya kayo?" tanong ni Quinn na may pagdadalawang isip.


Humiwalay sa pagkakayap ang matanda at aabutin sana ang saklay pero kinuha ito ni
Quinn at ibinigay sa matanda.

"Napakabait mong bata. Pumasok ka muna sa loob." Tumalikod ang matanda at naunang
maglakad papasok ng bahay.

Napansin ni Quinn na putol ang isang paa ng matanda at parang medyo may
pagkasariwa pa ito dahil manipis pa ang balat.

Sumunod naman si Quinn sa loob ng bahay.

Inabutan sya ng matanda ng maiinom pero alam nya sa sarili nya na hindi sya dapat
magtiwala.

"Marami pong salamat. Kung hindi po dahil sa anak nyo hindi po ako makakakita
ngayon." Nahihiyang sabi ng dalaga.

Umupo ang matanda sa tabi nya at tinitigan si Quinn. Hinaplos nya ang buhok nito
at tinitigan ang mga mata nya. "Para talaga sa'yo ang mga mata na yan."
"Ano pong sabi nyo?" gulat na tanong ni Quinn.

"Ang ibig kong sabihin nakatadhana ang mga mata ng anak ko sa mabuting dalagang
tulad mo." Paliwanag ng matanda habang hindi napapawi ang pagtitig nito kay Quinn.

"Alam nyo po parang narinig ko na yung boses nyo. Parang pamilyar - parang - "
pumikit sandali si Quinn. " - hindi ko po maalala." Nakangiti nyang sabi.

Umiwas ng tingin ang matanda na parang kinabahan ng marinig ang sinabi ng dalaga.

"Mabait na bata si Mattinie - " panimula ng matanda. Naramdaman ni Quinn na


magkukwento ang matanda sa mga alaala ng anak ng makita sya nito kaya't nakinig na
lang sya.

Nakatingin lang ang matanda sa sahig habang nagsasalita. "Inosente din sya. Pero
mailap sya sa mga tao dahil na din sa estado ng buhay namin. Maswerte ako sa anak
ko dahil matalino sya at nakapasok sa isa sa mga pinakakilalang eskwelahan. Madami
syang pangarap para sa'min ng kapatid nya. Kinwento nya sa'kin na napagkatuwaan sya
ng mga taog akala nya pwede nyang maging kaibigan. Natakot sya at gabi-gabing
umiiyak. Pero hindi sya nagpatalo. Pumasok pa din sya sa eskwelahan na yun dahil
gusto nyang tuparin ang pangarap na makaahon kami sa hirap." Biglang nanginig ang
boses ng matanda ng hindi nito napigilang umiyak.
"Pero isang araw umuwi sya dito na tulala at iyak lang ng iyak. Hinalay daw sya ng
ilang lalaki. Gusto kong makapatay noon pero ayokong ilagay ang batas sa mga kamay
ko kaya naman dumaan ako sa legal na paraan. Pero yun ang pinakamalaking
pagkakamali sa buhay ko. Nabibili ng pera ang batas. Hindi nakulong ang mga
nambaboy sa anak ko at nagawa pa nilang baligtarin ang nangyari. Inakit daw sila ni
Ine at ito pa daw mismo ang nagbigay ng motibo. Bagay na hindi matanggap ng kawawa
kong anak." Humagulgol ang matanda at hindi

alam ni Quinn ang gagawin.

Nagpatuloy pa din sa pagkukwento ang matanda. "Noong una kaya ko pang makita ang
anak ko na tulala at umiiyak. Pero isang araw bigla na lang syang tumakbo at akmang
tatalon pababa para tapusin ang kanyang buhay. Mabuti na lang at naagapan sya ng
isa sa mga kapitbahay namin. Simula ng araw na hindi nya nakitil ang buhay nya doon
na sya nagsimulang magwala. Umiyak at paulit-ulit na nagtakang magpakamatay. Lahat
ng makita nya ay ginagamit nya para tapusin ang buhay nya. Sa sobrang takot kong
mawala sya ikinulong ko sya sa kwarto at itinali ang mga kamay at paa para hindi
sya makaalis o makakuha ng kahit anong pwede nyang ipantapos sa sarili nyang
buhay." Napapayuom ang kamay ng matanda habang inaalala ang mga nangyari sa kanyang
anak.

Hindi naman napigilan ni Quinn ang umiyak. Hindi nya alam na ganun pala kalala ang
nangyari sa dalaga.

"Gusto kong ipaghiganti ang anak ko pero hindi namin kayang bilhin ang hustisya at
hindi ko din hahayaang madungisan ng dugo ang sarili kong mga kamay." Tumingin ang
matanda kay Quinn na parang nabalot ng galit ang mga mata na ininatakot ng dalaga.
Muling tumingin sa sahig ang matanda.

"Ilang araw akong nawala para sana maghiganti. Akala ko mananalo na ako pero ako
pa ang muntik mamamatay. At iyon ang

araw na pinagsisihan ko - ang umalis at iwan si Mattinie. Dahil pagbalik ko wala na


sya." Tuluyan ng umiyak ang matanda at nanginginig pa ito. "Mas lalo kong gustong
gumanti sa lahat-lahat!" sigaw nito na nakapagpatakot kay Quinn.

Hinawakan nya si Quinn ng mahigpit sa braso at tiningnan ito.

"Gu - gusto ko po sanang makabawi pa - para makapagpasalamat - " pautal-utal na


sabi ni Quinn habang sinusubukan nyang alisin ang braso nito sa mahigpit na
pagkakahawak ng matanda.

"Mattinie - Mattinie anak bumalik ka." Biglang niyakap ng matanda si Quinn. "Alam
kong hindi ka nawala anak. Alam kong hindi ka talaga patay. Konting tiis na lang
anak at matatapos na ang lahat." Umiiyak na sabi ng matanda.

"Hi - hindi po ako si Mattinie." Takot na takot na sabi ni Quinn.

Tumigil sa pag-iyak ang matanda at humiwalay sa pagkakayakap kay Quinn. "Ikaw yan
alam ko. Dito ka na lang ulit anak sa tabi ko. Hindi na kita itatali at hindi na
kita iiwanan, pangako yan." Hahawakan nya ulit si Quinn pero nakalayo ito.

"Anak - galit ka ba kay nanay?" umiiyak na tanong ng matanda na balot na balot ng


lungkot.

"I told you already I'm not your daughter. I'm not her okay!" pinilit ni Quinn na
sumigaw na ikinagulat ng matanda.

Tumayo sandali ang matanda at kumuha ng salamin at iniabot ito kay Quinn. "Tingnan
mo ang sarili mo."

Nakita ni Quinn ang mukha ni Mattinie sa salamin at lalo syang natakot. Alam nyang
matagal na nyang nakikita ang mukha ni Mattinie sa salamin pero iba ang naramdaman
nya ngayon.

"Dito ka lang anak!" nagbago ang boses ng matanda. Nakakatakot ito. Tumigil na din
sya sa pag-iyak. Hahawakan nya ulit sana si Quinn pero nakaiwas ang dalawa.

"I'm not Mattinie!" itinulak nya ang matanda dahilan para matumba ito sa sahig.
Sinamantala nya ang pagkakataon para makatakbo.

"Anak! Anak patawarin mo na si nanay!" sigaw ng matanda na parang umiiyak.


"Bumalik ka dito kung ayaw mong isunod kita sa kanila!" biglang nagbago ang boses
ng matanda. Galit ito.
Hindi na nagawa pang lumingon ni Quinn. Tumakbo lang sya ng tumakbo hanggang
makarating sya sa may highway at pumara ng taxi. Mabilis naman nyang kinuha ang
cellphone. Hindi nya namalayan na pagabi na pala. Nagpahatid sya sa kanilang bahay
na nanginginig pa. Naisip nyang magpahinga na lang muna at bukas na kausapin ang
mga kaibigan para tanungin kung anong nangyari sa lakad nila.

=================

Important!

Hi and hello my fellow readers. Just wanna thank you all for supporting SUMPA
despite of slow updates. Don't worry few chapters to go and the mystery will be
solved.

If you have questions feel free to ask me, either PM me or comment here.

Guys nalaglag na naman ang SUMPA as in hindi na sya makabalik sa top 10 kahit #400
wala na din. Please please vote and comment. Sana makabalik ang story na 'to before
matapos.

Just wanna answer few questions and share some details regarding this story since
SUMPA is about to end..........soon.

As mentioned in the description, some parts of these stories happened in real life.
What are those? Syempre hindi naman lahat pero sasabihin ko lang yung ilan.
Ready? Random 'to so kung nabasa nyo talaga yung story madali nyong maaalala.

1. Remember nung mag-isa si Madeline at nakakita sya ng babae sa mirror na kasabay


nyang naghe-hail mary at nang pagdilat nya katabi na nya ang babaeng nakaputi?
Totoong nangyari yan. Kaya iwasang tumitig mag-isa sa salamin.

2. Yung tumatawag na 666 sa phone kahit patayin yung phone natatandaan nyo ba?
Totoong nangyari din yan. Kaya ingat sa mga sinasagot na tawag.

3. Yung parang nananaginip si Blake na nasa ibang lugar sya at nakakarinig ng


ingay? Totoong nangyari din yan na cellphone lang ang ilaw sa kwarto nya ng biglang
may humawak sa kanya. Totoo yun.

4. Yung mga simpleng pagkurap ng ilaw at pagbubukas ng pinto totoo yun.

5. Meron pang totoo dito pero hindi ko pa irereveal. So brace yourselves. J

QUESTIONS:

Pumili lang ako ng madalas itanong. :)

A. Kailan matatapos ang SUMPA?

Malapit na.
B. Bakit SUMPA ang title?

Hindi ba masyadong obvious kung bakit SUMPA? But don't worry I prepared something
else aside from the usual SUMPA thing. Just chill. :)

C. Magkakaroon ba 'to ng Book 2?

NO.

Please give me the best comment you can give for the sake of the story. This will
help me write more often. And sana wag naman masyadong demanding ha, matatapos din
naman 'to very very soon. Unedited chapters lahat so please bear with me as in
behave in a certain manner.

You can also check out some of my stories and follow me. Vote, comment and share
this to your friends.

You guys rock! You and me 'til the end. :)


*MelaBrio*

=================

25: WHO'S NEXT?

A/N

Wow. Bumalik ang SUMPA agad-agad. Thank you sa mga bumoto at nagshare. Keep on
voting guys. You are all amazing. And kung dadami agad ang reads and votes today
magdodouble update ako. As in ngayon din. So please share this story on your fb or
twitter. We're all in this together.

And sa mga may guess about sa mga mangyayari thank you so much. You can comment
here your insights para makita ng lahat. :) Naappreciate ko ang lahat ng
magagandang feedback from all of you.

You guys rock!

*MelaBrio*
25: WHO'S NEXT?

Hindi nagsayang ng oras sina Katarina at Cooper ilang minuto pagkababa ni Quinn.
Nagdiretso sila sa dating tinitirahan nila Mattinie upang ipagtanong ang pinagta-
trabahuhang ospital ng kapatid nito. Dahil sa may pera sila ay madali silang
nakakuha ng impormasyon. Bawat tanong nila ay nagbabayad sila ng isang libo at
dahil dito nalaman nila ang mga gusto nilang malaman at agad pinuntahan ang ospital
na pinagtatrabahuhan ng kapatid nito.

"Mortridge Hospital?" bulong ni Katarina. Naisip nya na sa ospital kung saan


nagpapagamot si Quinn ay doon din nagta-trabaho ang kapatid ni Mattinie. Mas lalo
syang nakaramdam ng pagkakakaba.

"Feeling ko planado lahat ng nangyari sa'tin ng hindi natin namamalayan."


Kinakabahang sabi ni Katarina habang pumapasok sa loob ng ospital.

Nagpunta sila sa

information at itinanong kung may nakaduty o nagtatrabaho sa ospital na yun na


nagngangalang Martinie Haven. Hindi naman sila nagkamali ng impormasyong nakuha.

"Puntahan nyo na lang po si Dr. Racelli sa third floor nandun po si nurse


Martinie." Sabi ng babae sa information.

"Thank you." Nagmadaling tumalikod si Katarina kasunod naman si Cooper. Binuksan


nila ang elevator at dumiretso sa sinabi sa kanila.

Madali naman nilang nakita ang clinic ni Dr. Racelli. Tumigil sila sandali sa
pintuan ng doctor at tila nagdalawang isip na kumatok.

Hinawakan ni Cooper ang kamay ni Katarina. "Are you ready?" mahinang tanong ng
binata.

"Kinakabahan ako, baka - baka may mas matindi pa tayong malaman - " biglang bumukas
ang pintuan bago pa man matapos magsalita si Katarina.

Nanlaki ang mata ng nurse na lumabas. Tila nagulat sya ng makitang nakatayo sa
harapan nya sina Katarina at Cooper.
Alam nila Katarina at Cooper na sya na ang kapatid ni Mattinie. Hindi sila
nagkakalayo ng itsura.

"Martinie?" nag-aalinlangang tanong ni Katarina.

Isinara ni Martinie ang pintuan at nilampasan lang nya ang dalawa.

"Martinie sandali lang." humabol si Katarina sa nurse.

"Ano bang kelangan nyo sa'kin?" tanong nito na hindi pa din tumitigil sa paglakad.

Hinawakan sya ni Katarina kaya naman napatigil ito.

"Gusto

ka lang sana naming makausap." Tinitigan ni Katarina sa mga mata si Martinie na


nagmamaakaawa.

Hindi kumibo ang nurse at tiningnan lang ang dalawa. Pumasok ito sa may fire exit
kung saan walang tao at agad namang sumunod ang dalawa sa kanya.

"Ano pa bang gusto nyo? Hindi pa ba kayo masaya dahil wala na ang kapatid ko? Anong
klase kayong mga tao? Mga wala kayong puso!" galit na galit si Martinie.

"Gusto naming humingi ng tawad." Umiiyak na sabi ni Katarina. Agad naman syang
nilapitan ni Cooper at hinawakan ito sa balikat.

"Hindi namin gusto kung ano mang nangyari sa kapatid mo. Nandito kami para kausapin
ka at humingi ng tawad sa - " mahinahong sabi ni Cooper ng putulin ni Martinie ang
pagsasalita nya.

"Patawad? Kung kailan wala na ang kapatid ko ngayon pa kayo hihingi ng tawad? Alam
nyo ba ang pinagdaanan nya ng ilang taon dahil sa mga nagawa nyo?! Wala kayong alam
dahil wala kayong problema! Mayayaman kayo eh! Kaya nyong bilhin ang batas!" Hindi
na din napigilan ng nurse ang umiyak. "Hindi ko masisisi ang kapatid ko kung nagawa
nya kayong isumpa bago sya mamamatay! Hindi ko nga alam kung nananahimik na ang
kapatid ko ngayon dahil halos ibenta nya ang kaluluwa nya sa demonyo para lang
makapaghiganti sa inyo!!" pinunasan ng nurse ang mga luha nya.
"Nagpunta kami sa puntod nya para humingi ng tawad at sa tingin ko naman napatawad
na nya kami - " biglang sumara ang pintuan ng fire exit bago pa makatapos magsalita
si Katarina.

Napatingin si Martinie sa may pintuan na parang may nakikita. Umiiling ito na


parang may kinakausap. Tiningnan din nila Cooper ang direksyon kung saan nakatingin
si Martinie pero wala naman silang nakikita. Tila napansin ni Martinie ang
pagtingin nila Katarina at Cooper sa kanya kaya ibinalik nya ang tingin sa dalawa.

"Hindi kayo dapat sa'kin humingi ng tawad." Papatalikod na sana si Martinie ng


matigilan sya sa sinabi ni Cooper.

"Patay na lahat ng mga kaibigan namin!" sigaw ni Cooper na halos nagpipigil ng


galit.

Humarap si Martinie sa kanya pero hindi ito nagsalita.

"Wala na silang lahat. Ang lahat ng may kinalaman kay Mattinie. Namatay sila. Mga
hindi magandang kamatayan at kami - " tumingin sya kay Katarina at inakbayan ito. "
¬- kaming dalawa na lang ang natitira."

Ngumisi lang si Martinie. "Maswerte kayo at buhay pa kayo." Humakbang dahan-dahan


ang nurse papalapit kina Cooper. "Alam nyo kung bakit? Sisingilin kayo ng kapatid
ko. Gagawin nya ang lahat mabalikan lang kayo - kahit nasa kabilang buhay na sya."
Ngumiti ang nurse at tumingin kay Katarina ng nakakakilabot habang papalapit ito ng
papalapit sa kanila.

Ilang sandali pa ay kumurap ang ilaw sa may exit. Napansin ni Katarina na may
babaeng nakatayo sa likuran ni Martinie pero bigla din itong nawala ng muling
kumurap ang ilaw. Nang bumalik ang ilaw ay nasa sulok naman ang babaeng mahaba ang
buhok na nakaputi ito. Nakayuko lang sya kaya hindi nila makita ang mukha nito.

"Tama na!!!!!" sigaw ni Katarina. "Anong karapatan

nyang kunin ang buhay naming lahat? Sya ang kumitil sa sarili nyang buhay hindi
kami!" hindi alam ni Katarina kung bakit saan nya kinuha ang lakas ng loob sa
magsalita kahit na may nakikita syang babae.

Ilang sandali lang ay tumigil na ang pagkurap ng ilaw. Napansin nilang nagsasalita
ng mahina si Martinie.

"Ikaw ba ang may kagagawan nun?" bulong ng nurse sa isang sulok. Wala naman
nakikita sina Katarina na kausap si Martinie.

Muling tumingin ang nurse sa kanila. "Hindi ko na kasalanan kung ano mang
nangyayari sa inyo. Kung mamatay man kayong lahat wala akong pakialam!" tumalikod
ito.
"Alam naming hindi si Mattinie ang may kagagawan nito sa'min. Buhay pa sya. Buhay
pa sya kaya nagagawa nya pa kaming saktan. Kilala mo ba kung sinong gumagawa sa'min
nito?" sabi ni Cooper bago pa man makalabas si Martinie.

"Hindi ko alam ang sinasabi nyo." Umiwas lang ang nurse at nagmadaling bumalik sa
loob.

Sumunod din naman sina Cooper para sanan habulin si Martinie pero nawala na din
agad ito.

"Sa tingin ko bumalik na lang tayo sa ibang araw." Suggestion ni Cooper.

"Bumalik? Are you crazy? Any moment from now pwede na tayong mamatay Cooper. Ayoko
nang magsayang ng oras." Umiiyak na sabi ni Katarina. Pinunasan nya ang mga luha
pero patuloy pa din ito sa pagpatak.

Niyakap lang sya ni Cooper. "Everything will be alright. Trust me. Hanggat kasama
mo ako hindi ka mapapahamak. Ako muna bago ikaw." Seryosong sabi ni Cooper habang
patuloy ang pagyakap

at pagkalma sa kaibigan.
"You're insane." Bulong ni Katarina na medyo napangiti sa sinabi ng kaibigan.

"Mabuti pa ihatid na muna kita sa inyo. Medyo dumidilim na din at madami ng


nangyari ngayong araw." Humiwalay si Cooper sa pagkakayakap kay Katarina at pinahid
nya ang luha ng dalaga gamit ang kanyang hinlalaki.

"Mabuti pa nga." Tumingin si Katarina sa labas at nakita ang papalubog na araw.


"Sana ayos lang si Quinn."

Nakaramdam ng kakaiba si Katarina. Pakiramdam nya lahat ng taong makita nila ay


tila nakaslow motion ang kilos at halos lahat sila ay tumitingin sa kanya ng
masama. Sa sobrang takot nya ay nagmadali syang maglakad papunta sa elevator.
Habang papalapit ng papalapit sila sa elevator ay napansin nyang umuunti ang tao.

Ilang sandali pa ay nakarinig sya ng isang babaeng tumatawa. Tumingin sya sa


paligid pero wala syang makita. Tumingin sya sa itaas pero tanging mga ilaw lang
ang nakikita nya. Habang naghihintay silang bumukas ang elevator napansin nyang
isa-isang namamatay ang mga ilaw mula sa dulo ng hallway papalapit sa kanila.

Isang ilaw na lang ang mamamatay ng biglang bumukas ang elevator at nagmadali syang
pumasok. Wala silang ibang kasama sa loob ng biglang kumurap din ang ilaw sa loob
ng elevator. Napaatras si Katarina hanggang mapasandal sa elevator.
Narinig nya ulit ang tawa ng isang babae. Nakakakilabot ang boses nito. Inikot nya
ang paningin sa loob ng elevator habang patuloy sa pagkurap ang ilaw.

"Ako ba

ang hinahanap mo?" may bumulong sa kanyag tenga. Paglingon ni Katarina sa tabihan
nya ay nakita nya ang isang babaeng nakaputi at mahaba ang buhok. Hindi si Mattinie
ang nakita nya kaya mas lalo syang natakot. Sa sobrang takot ay nagsisigaw sya ng
nagsisigaw.

"Katarina! Katarina what's wrong?" sigaw ni Cooper habang hawak-hawak sa balikat


ang dalaga. Pero nakatingin lamang ito sa kanya na takot na takot. Dahil alam ni
Cooper ang gagawin ay sinampal nya ng malakas si Katarina. "I... I'm sorry."
Pagsisising sabi ng binata.

Natigilan naman si Katarina at tumingala ng makita si Cooper. "Per..." umiyak ito


at tumingin sa paligid ng elevator. Tumigil na din ang pagkurap ng ilaw. Nang
bumukas ang pintuan ng elevator ay nagmadaling lumabas si Katarina.

"Please tell what's going on?" tanong ni Cooper habang hinabol si Katarina.

Napatigil ang dalaga upang humarap kay Cooper na nasa likuran nya ng mapansin ang
madaming tao sa loob ng papasarang elevator. Hindi pa man tuluyang sumasara ang
elevator nakita ni Katarina ang babae sa likod ng mga nakasakay sa loob at binigyan
lang sya ng isang nakakakilabot na ngiti.
"Umalis na tayo dito!" takot na takot na sabi ni Katarina at nanakbo sya papuntang
parking lot.

Umalis sila sa ospital na walang imik si Katarina habang nasa kotse. Hindi naman
sya inabalang kausapin ni Cooper pero dahil nakita nyang balisa ang kaibigan ay
hinawakan nya ito sa kamay.

"Alam ko - alam ko ako na ang susunod Cooper." Humagulgol ng iyak si Katarina.


"Natatakot ako. AYoko pang mamatay. Hindi sa ganitong paraan." Nanginginig ang buo
nyang katawan sa sobrang takot.

"Wag ka munang mag-isip ng kahit ano. If you want I can stay with you just to make
sure you'll be okay. Just in case may mangyari matutulungan kita. Okay lang ba
yun?" tanong ni Cooper habang nakatingin sa kalsada.

Tumango lang naman si Katarina. Nakarating sila sa bahay ni Katarina ng maayos pero
balisa pa din ang dalaga. Mas minabuti ni Cooper na magstay muna sa bahay nila
Katarina para mabantayan ang kaibigan at madamayan ito sa takot na nararamdaman
ngayong nararamdaman nyang isa sa kanila na ang susunod na mamamatay.

=================

26: SIGN OF PEACE OR SIGN OF DEATH?


A/N

Kahit na wala pang bumasa at bumoto sa chapter 25 okay lang. Double update pa din
ako today. So sana double votes and comments din kayo. Please please share nyo din
'tong story to your friends on fb and twitter. Thank you.

****************************************************

26: SIGN OF PEACE OR SIGN OF DEATH?

Kinabukasan nagising si Katarina at nakita si Cooper na nakahiga sa couch sa tapat


ng kama nya. Hindi naman nya napigilang ngumiti. Alam nyang minsan nya ding minahal
si Cooper pero hindi nya inakala na mag-aalala pa rin ito sa kanya tulad ng
nangyayari ngayon.

Bumangon sya at binuksan ang kurtina ng kanyang bintana. Pumasok naman ang sikat ng
araw sa kwarto nya na nagbigay ng liwanag dito. Habang nakatingin sya sa labas
napansin nyang may isang kahon ang natatamaan ng sikat ng araw sa ilalim ng mesa.
Agad naman nya yung kinuha at umupo sya.
Binuksan nya ang kahon at nakita nya ang ilang mga pictures nila ni Phoemela. Andun
din ang ilang pictures nila nung college. Napapangiti din sya mag-isa na tila
nakalimutan ang nangyari sa kanya kagabi.

Nakita nya din ang invitation card na natanggap nya bago pa sya makarating ng
retreat house. Sa ilalim nito ay isang envelope. Naalala nya ang box ng rose petals
ang nagbigay sa kanya

kasama ang sulat na nasa envelope. Napatigil sya sandali dahil alam nyang itinapon
na nya iyon.

Habang nag-iisip sya ay biglang tumunog ang cellphone nya na ikinagulat nya.

Quinn calling...

"Hi Quinn. Napatawag ka?" masayang tanong ni Katarina habang inilalagay sa bag nya
ang mga pictures kasama na din ang invitation card at envelope.

"Naisip ko lang sanang bumalik dun sa nanay ni Mattinie pero ayokong mag-isa.
Believe me what happened yesterday was so traumatic." Sabi ni Quinn sa kabilang
linya.
Nakakarinig si Katarina na parang may mga kumakaluskos sa linya. "Quinn what are
you doing? Nakaloud speaker ka ba?"

"Yes. Naghahanap kasi ako ng ibang mga gamit ni ate. Nakita ko yung invitation card
na may pangalan ko at ni ate. Kanino ba yun galing? Iniisip ko lang bakit meron din
ako nun. Hindi naman tayo magbatch at magkakaschool, di ba
ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!" biglang ngkaron ng malakas na kalabog sa linya ni
Quinn.

"Quinn! Quinn! Anong nangyari?!" napatayo si Katarina sa pag-aalala sa kaibigan.

Sa sobrang lakas ng sigaw ni Katarina ay nagising si Cooper at napabalikwas.

"Bakit ka sumisigaw?" tanong ni Cooper.

Tinuturo ni Katarina yung phone nya. "Si Quinn bigla na lang sumigaw. Baka may
nangyari na sa kanya." Nag-aalalang

sabi ni Katarina.
"Don't worry Katz I'm fine. Nadulas lang ako dito sa mga gamit ni ate but I'm okay.
Teka si Cooper ba yung narinig kong nagsalita" Sagot ni Quinn.

Nawala naman ang kaba ni Katarina ng marinig ang boses ng kaibigan pero bigla syang
nakaramdam ng pagkahiya. Tumingin sya sandali kay Cooper na nakaupo sa couch at
nakangiti sa kanya.

"Yeah. Buti naman okay ka na akala ko kasi... never mind." Lumapit sya sa closet
nya ang binuksan ito para tumingin ng isusuot nya. Ini-loud speaker na din nya ang
phone nya at inilapag sa loob ng closet para mas makapili sya ng damit.

"So I guess pupunta na lang ako dyan?" tanong ni Quinn mula sa kabilang linya.

"Sige. Magpe-prepare lang din ako. I'll call you back. Bye." Ibaba na sana ni
Katarina ang phone ng may pahabol pa si Quinn.

"Bye Katz. Bye Cooper. Hope you had a great night together!" tumatawang sabi ni
Quinn.

"What the..." biglang naputol ang linya bago pa man magsalita si Quinn.
"Napakulit din nya parang ate nya." Sabi ni Cooper na tumayo at isinuot ang
sapatos.

Hindi naman makaharap si Katarina dahil nahihiya sya sa mga sinabi ni Quinn kahit
alam nyang hindi yun totoo.

"Uuwi muna ako Katz para makaligo at makapagpalit ng damit pero babalik din naman
ako agad don't worry." Nakangiting sabi ni Cooper pero hindi sya nilingon ni
Katarina.

"Go ahead. Thanks for staying with me last night. I mean - " hindi nya alam kung
paano magpapasalamat sa kahihiyang nararamdaman nya ngayon.

"No problem. I gotta go." Sabi ni Cooper.

Hindi lumingon si Katarina dahil alam nyang nagbablush sya. Pero narinig nyang
bumukas ang pintuan kaya inaassume nya na lumabas na si Cooper.
"He's so unbelievable." Bulong nya sa sarili habang tumitingin ng isusuot na damit.

Ilang sandali lang napatigil si Katarina ng may humawak sa waist nya mula sa likod.

"Cooper what are you doing?" natatawa nyang tanong. Haharap sana sya pero pinigilan
sya nito kaya't nanatili syang nakaharap sa closet.

Naramdaman nya ang mga labi na dumadampi sa leeg nya papunta sa tenga nya.

"This is not funny Co.. Cooper. Please... please stop." Pagpipigil na sabi ni
Katarina. Hindi nya mapigilang ipikit ang mga mata nya dahil sa kanyang
nararamdaman.

Biglang umakyat ang kamay na nakahawak sa bewang nya papalapit sa kaliwa nyang
dibdib at hinawakan ito. Laking gulat ni Katarina at hindi nya alam ang gagawin.

"Naughty Cooper. We can't do this you know, hindi na tayo remember?" Isinira nya
ang closet at laking gulat nya ng makita nya ang isang babae sa salamin na nakayap
sa kanya at ngumiti ito habang nakapatong ang ulo sa may leeg nya. Sa sobrang gulat
at humarap ito sa babae pero wala naman ito sa likuran nya. Muli syang tumingin sa
salamin pero wala na dun ang babae.
Nagmadali si Katarinang

maligo at bumaba para kumain. Hindi pa din sya mapakali sa mga nangyari kanina.
Habang nag-iisip sya biglang pumasok si Quinn sa kusina.

"Hey!" magandang bati nito at nagbeso sa kaibigan.

"Hey!" mahinang sagot ni Katarina.

"So... what did I miss huh?" pagbibiro nito dahil napansin nyang tahimik si
Katarina. "Kayo na ba ulit?" patuloy pa din ang pagtawa nya habang dumampot ng
wheat bread sa table.

"What? That is so impossible to happen. Me and Cooper are now in good terms as
friends. Nothing more, nothing less." Sagot ni Katarina at ininom na nya ang kape
sa mug nya.

"I can make that possible." Biglang nagsalita si Cooper na hindi nila namalayang
dumating nya pala.
Napansin nilang namutla at nagulat si Katarina.

"I was just kidding Katz." Lumapit si Cooper sa table at umupo sa tabi ni Quinn.
"Sa tingin ko dapat mong bawasan ang pag-inom ng kape. Masyado kang nagiging
nerbyosa this past few days." Kumuha si Cooper ng hotdog at ipinalaman sa wheat
bread.

Hindi naman sumagot si Katarina at tumayo ito. "Kukunin ko lang yung phone ko sa
closet. Naiwan ko dun kanina." Nagmadali syang umakyat at iniwan sina Cooper sa
baba.

"What's wrong with her? Ano bang ginawa nyo last night?" tumatawang tanong ni
Quinn.

"Hey I'm not that kind of guy. Masyado kang naughty!" natatawang sabi ni Cooper

ng bigla silang nakarinig ng tumutunog na phone. Nagkatinginan silang dalawa.

"Na-ah-ah. That's not mine." Sabi ni Quinn na patuloy sa pagkain.

"Nakavibrate ang phone ko so hindi sa - " bigla silang napatingin sa bag ni


Katarina at may nakita silang umiilaw.

Dinampot ni Quinn yung phone ni Katarina ng biglang tumigil yung number na


tumatawag.

"Katz! Katz nandito yung phone mo!" sigaw ni Quinn mula sa baba.

Nakarinig sila ng malakas na tunog mula sa itaas kaya naman mabilis silang tumakbo
na halos magkasabay sa hagdanan papunta sa kwarto ni Katarina.

"Katarina!" sigaw ni Cooper sabay tulak sa pintuan ng kwarto ng dalaga.

"Katz!" tawag ni Quinn habang tinitingnan si Katarina sa CR.

Tawag sila ng tawag sa loob pero hindi sumasagot si Katarina kaya mabilis namang
lumabas ng kwarto si Cooper.
"Anong ginagawa nyo dyan?" napatingin si Cooper sa ibaba habang nakahawak ang
dalawang kamay sa pintuan. Nakita nya si Katarina na nakatayo dun.

Gulat na gulat naman sila ni Quinn at hindi agad nakapagsalita. Inilagay ni


Katarina ang dalawa nyang kamay sa bewang nya na parang naghihintay ng sagot.

"Nakarinig kasi kami ng ingay akala namin may nangyari na sa'yo." Paliwanag ni
Cooper habang pababa sa hagdanan.

"Nakita din namin yung phone mo sa bag mo

kanina." Nauutal na sabi ni Quinn habang dahan-dahang bumababa ng hagdanan at


diretsong nakatingin sa dalawa.

Nagulat naman sila sa pagtawa ni Katarina. "Syempre nasa bag ko yung cellphone, ako
ang naglagay dun. Hindi nyo ba ako nakita? Naguusap kayo nung bumaba ako." Hindi
nya mapigilang tumawa habang nakahawak sa tyan nya. "Nagulat nga ako sa'yo Quinn
nung sumigaw ka pa para tawagin ako eh nandun lang naman ako nakatayo sa harapan
mo." Itinuro ni Katarina yung pwesto nya kanina gamit ang index finger.

Nagkatinginan sila Cooper at Quinn.

"Wala naman akong narinig na tunog or whatsoever kaya nagtaka ako bakit kayo
nagmamadaling tumakbo na parang hindi nyo ako nakita." Patuloy pa din ang pagtawa
ng dalaga.

"Pe - pero - " tumingin sandali si Quinn kay Cooper. " - hindi ka talaga namin
nakita."

Napatigil sa pagtawa si Katarina at tumingin ng diretso kay Cooper at parang


iniintay ang sagot nito.

Tumango si Cooper bilang pagsang-ayon kay Quinn.

"Don't make fun of me guys! Mabuti pa umalis na tayo." Kinuha ni Katarina ang bag
sa kusina at nauna ng lumabas.

Tiningnan ni Cooper si Quinn ng medyo may katagalan.

"What? Hindi naman talaga natin sya nakita. Bakit nakita mo ba sya?" naiinis ang
tono ng tanong ni Quinn.
"Hindi din. Pero parang mas natakot sya kesa sa'tin nung sinabi mo yun." Sagot ni
Cooper.

Umirap lang at umiling si Quinn tsaka bumaba at kinuha rin ang bag nya sa may
kusina at sumunod kay Katarina.

"Ang hirap talagang intindihin ng mga babae." Bulong ni Cooper habang pababa ng
biglang may kumalabog na naman sa itaas. Sandali syang tumingin ng makita nyang may
isang babaeng nakaputi ang lumabas sa kwarto ni Katarina. Babaeng mahaba ang buhok
at nakayuko. Tumigil ito ng maramdamang nakatingin si Cooper. Pero bago pa man ito
tumingin sa binata ay minabuti na ni Cooper ang tumakbo palabas kasunod ng dalawang
kaibigan.

=================

27: THE TRUTH BEHIND THE CURSE!

(Hi wattpaders! Kahit madaming gagawin pinilit kong magupdate so sana bumoto naman
kayo at magcomment ng maganda. Hahahaha. Please ishare nyo din 'to sa fb and
twitter. Sa mga hindi ko pa followers, di pa huli ang lahat. Thank you. xoxo -Mela)

27: THE TRUTH BEHIND THE CURSE!


Papunta na ang tatlong magkakaibigan sa tinitirhan ng pamilya ni Mattinie.
Nagdadalawang isip pa din si Quinn dahil sa nangyari sa kanya doon nung huling
punta nya. Nagda-drive lang si Cooper. Nasa backseat naman si Katarina na may
nakalagay na headset sa tenga nya at nakapikit na tila natutulog.

Tiningnan sya ni Quinn sa rearview mirror bago nagsalita. "Sa tingin ko something's
bothering her. I don't wanna be negative but I think she's next." Nagbuntong
hininga si Quinn. Hindi naman umimik si Cooper kahit narinig nya ang sinabi ng
kaibigan. "If I could only do something -" hindi pa man natatapos magsalita si
Quinn ng biglang napasigaw si Katarina at nagising ito.

Tumingin sya sa paligid at tsaka humawak sa dibdib nya. "Panaginip lang." Bulong
nito. Napansin nyang nakatingin sa kanya si Quinn. "I'm okay, don't worry."
Tinanggal nya yung headset at inilagay ito sa bag.

"Katz -" nagdadalawang isip si Quinn sa itatanong nya kaya hindi naman nya alam
kung paano magtatanong.

"Saan ba tayo liliko Quinn? Left or right?" tanong

ni Cooper na bahagyang bumagal ang pagda-drive.


"Dyan na lang sa right. Dun din naman ang labas natin." Tumingin si Quinn sa
kalsada at sumandal ito. Inilagay nya ang kanang kamay sa baba habang nilalaro ang
mga daliri.

"Quinn, relax. I know what you're thinking." Si Katarina na ang unang nagsalita.

Humarap sa kanya si Quinn. Nakahawak ang isang kamay nito sa sandalan ng seat ni
Cooper. "You can't blame me. Dun palang sa nangyari sa bahay nyo I know - I can
feel it." Nagbuntong hininga muna sya ng malalim. " - you're next."

"I know and I'm scared." Malungkot na sabi ni Katarina. Bakas sa boses nya ang
pagkatakot. Kinukuskos nya ang dalawang kamay sa pants na suot nya. Nakayuko sya at
hindi mapakali.

"May gusto ka bang sabihin Katarina?" tanong ni Cooper na nakatingin sa dalaga sa


rearview mirror.

"No! I mean yes pero better not to tell you now. Pagtatawanan nyo lang ako! Lalo na
ikaw Cooper." Tumingin sa labas si Katarina na tila tinitingnan kung nasaang lugar
na sila.
Lumipat naman si Quinn sa backseat para tabihan ang kaibigan. Hinawakan nya ito sa
balikat at tinitigan. ISang tingin na parang nangungumbinsing magsabi sa kanila ng
gusto nyang sabihin.

"Fine." Isang malalim na buntong hininga na naman ang ginawa ni Katarina bago
magsalita. "I have a strong feeling na ako na yung susunod." Pinagkukuskos ni
Katarina ang dalawa

nyang palad. Hinawakan naman ito ni Quinn para mapanatag ang kaibigan.

"Kaninang umaga nung umalis si Cooper - alam kong lumabas na sya kasi narinig ko
yung pintuan na bumukas." Bigla syang napakapit ng mahigpit sa kamay ni Quinn.
"Then nung napili na ako ng damit may - may humawak sa'kin. Sinubukan kong humarap
pero pinigilan nya ako. Hinalikan nya ako sa leeg. Hinawakan nya pa ako sa dibdib."
Napatingin sya sa rearview at napansin nyang nakatingin si Cooper.

"Alam kong hindi si Cooper yun - I mean oo posibleng sya yun pero alam kong hindi
nya yun magagawa basta-basta lang. At noong isinara ko yung closet nakita ko kung -
kung sino yung nasa likuran ko from the mirror." Nanginig ang pagkakakapit ni
Katarina sa kamay ni Quinn. "Isang babae - babae na noon ko pa nakikita. Pero dahil
sa puti ng mukha nya at makapal na buhok hindi ko madistinguish kung si Mattinie ba
sya o iba pa. Pero wala naman akong ibang naiisip na gagawa nun kundi ang kululuwa
nya." Pumatak ang luha sa mga mata nya pero agad nya itong pinahid.

Hinaplos-haplos ni Quinn ang balikat ng kaibigan para makalma ito.


"Did you like it?" tanong ni Cooper sabay tingin sa dalawa. "The kiss?"

"Cooper!!" sigaw ni Quinn.

"I was just kidding. Masyado kasi kayong seryoso." Pero hindi bakas sa mukha ni
Cooper ang pagbibiro. Makikita ang takot sa mukha nya pero pinipilit

nya itong itago.

"Di ba sinabi sa'tin ni Tiya Emer na buhay pa ang gumagawa nito sa'tin kaya
imposibleng kaluluwa ni Mattinie yung nakita mo." Paliwanag ni Quinn habang patuloy
pa din ang paghaplos sa balikat ng kaibigan.

Tumingin si Katarina sa kanya. "Pe - pero sinabi nung babaeng nakausap ko na -


sumumpa si Mattinie. Isinumpa nya ang lahat ng nagpahiya at nagpahirap sa kanya. At
- at isa ako dun. Isa ako sa paghihigantihan nya." Umiyak si Katarina at yumakap
kay Quinn. Nakasandal ang ulo nya sa dibdib ng kaibigan habang hinahaplos ni Quinn
ang buhok ni Katarina.

"Shhhhhhhhhhh. Kaya nga gagawa tayo ng paraan para malaman kung anong nangyayari di
ba? Kung isinumpa ba kayo ni Mattinie o may ibang taong gumawa nito para sa kanya.
Gagawin ko ang lahat para matulungan kayo." Tumingin si Quinn sa rearview mirror
kung saan tinitingnan din sya ni Cooper.
Ilang segundong nabalot ng katahimikan ang kotse ng mapansin ni Quinn na nandun na
sila sa may tapat ng bahay. "We're here."

Inalis ni Katarina ang pagkakayakap sa kaibigan at nag-ayos ng sarili. Unang bumaba


si Cooper at pinagbuksan ng pinto ang dalawang kaibigan.

"Sumunod kayo sa'kin. Yun lang yung bahay nila." Itinuro ni Quinn ang bahay na
hindi kalayuan sa tinigilan ng kanilang kotse.

"Ta - tao po!" tawag ni Quinn habang papalapit sa bahay.

Hindi nila napansin ang isang babaeng nakatalikod. Humarap ito sa kanila at mabilis
na lumapit kay Quinn para yakapin ito.

Napansin

agad nila Katarina ang paa ng babaeng nakayakap sa kaibigan. "Quinn." Mahinang
tawag nito.

Hindi nila masyadong makita kung sinong kausap ng dalaga pero naririnig nila ang
boses nito habang papalapit sila sa dalawa.
"Nagbalik ka. Patawarin mo ako sa inasal ko nung huli nating pagkikita." Bungad ng
matanda habang hinahaplos ang buhok ni Quinn. Tinitigan nya ang mukha ng dalaga
habang nangingilid ang mga luha nito.

Pipilitin ni Quinn na umiwas sa ginagawa ng matanda pero hahawakan sya nito sa


braso. "Ingatan mo ang mga mata ng aking anak. Huwag mo itong gagamitin dahil lang
sa may gusto kang malaman. Kung mag-iingat ka lang mabubuhay ka pa ng matagal -
anak." Tumulo ang luha ng matanda.

"Lumayo po kayo." Dahan-dahang umatras si Quinn.

"Quinn ayos ka lang?" tanong ni Katarina at lumapit sa kaibigan. Napatingin sila ni


Cooper sa matandang kausap ni Quinn at hindi sila makapaniwala sa nakita.

Napatakip ni Katarina ang dalawang kamay sa kanyang bibig na tila pinipigilan ang
sariling sumigaw at dahan-dahan itong umaatras. Tumingin sya kay Cooper pero tulad
nya mukhang gulat na gulat din ang binata.

"Sinabi na pong bitiwan nyo ako. Hindi po ako ang anak nyo. Hindi ako si Mattinie!"
sigaw ni Quinn habang iniaalis ang kamay ng matanda sa kanya. Papaalis na sana sya
ng makita ang gulat na gulat na itsura ng mga kaibigan.
Napansin ng matanda ang pagkakatitig nila Katarina at Cooper sa kanya at mag-iiba
ang ekpresyon ng mukha nito.

"Ikaw?"

bulong ni Cooper.

"I'm sorry guys pero hindi ko kayang makipag-usap sa kanya kaya kayo na lang ang -
" nanlaki ang mga mata ni Quinn ng makita ang isang babaeng paparating.

"Anak! Nandito ang may-ari ng mga mata ng kapatid mo!" sigaw ng matanda.

Lumingon naman sina Katarina at Cooper. Nakita nila ang kapatid na nurse ni
Mattinie na kinausap nila ang paparating. Masama ang tingin nito sa kanila.

"Hi - hindi 'to totoo." Nanginginig na sabi ni Quinn. Pinipilit nyang umatras pero
tila napako ang mga paa nya. "I - ikaw yun. Hindi ka malikmata. Ikaw yung nurse sa
ba - bahay."
"You mean yung nurse na sinasabi mo nung nawalan ka ng malay?" tanong ni Cooper.

Lalo namang nagulat si Katarina sa sinabi ni Quinn at sa itinanong ni Cooper. Hindi


nya alam ang gagawin. Naisip nyang planado ang lahat.

"Oo. Sya yun hindi ako pwedeng mag - magkamali." Lalong nakaramdam ng takot si
Quinn ng papalapit sa kanya ang nurse.

Nilagpasan lang ni Martinie sina Katarina at Cooper at tumigil sa harap ni Quinn.


Binigyan nya lamang ito ng isang malamig na ngiti. "Huwag kang matakot. Hindi ka
madadamay kung mag-iingat ka lang." Ang mga katagang binitiwan ni Martinie ay halos
katulad din ng gustong sabihin ng matanda kay Quinn.

"Hindi ko kayo maintindihan! Tama na!" nanakbo si Quinn papunta sa kotse ni Cooper.
Hindi nya napigilang umiyak dahil sa takot na naramdaman nya kanina.

"Quinn!"

tumalikod si Katarina. Aktong susundan na sana nila ang kaibigan ng biglang


nagsalita ang matanda.
"Gusto nyong malaman ang dahilan ng pagkamatay ng mga kasama nyo?" galit na tanong
ng matanda.

Napatigil naman sina Katarina at lumingon sa matanda. Inaalalayan ni Martinie ang


kanyang ina upang maupo sa may kawayang upuan sa may labas.

"Oo. Gusto naming malaman!" sigaw ni Katarina. Pinipilit nyang maging matatag pero
hindi nya mapigilang umiyak.

"Sige, sasabihin ko sa inyo dahil alam kong susunod na din naman kayo sa kanila."
Ngumiti ang matanda na nagpakilabot kay Katarina at Cooper.

Napayakap si Katarina sa binata sa takot nito. "Don't worry, I'm here." Bulong ni
Cooper.

"Sino? Sinong nagplano ng lahat?" tanong ni Cooper sa matanda.

Tumawa ang matanda sa tanong ni Cooper. Isang tawang tila minsan na nilang narinig.
"Akala ko makikita ko na kayong mamamatay isa-isa bago pa man kayo makalabas ng
bahay na yun." Biglang sumeryoso ang matanda. Itinaas nya ang mga paa sa upuan at
ipinatong ang kanyang tungkod sa mesa.

"You're crazy!" sigaw ni Katarina.

"Huwag mong sigawan ang nanay ko!" sagot ni Martinie na umupo sa tabi ng nanay nya.

Napatahimik si Katarina sa sigaw ni Martinie. Napakapit ito sa tshirt ni Cooper.

"Akala ko kaya kong magpatawad pero sa tuwing nakikita ko ang anak ko na gustong
tapusin ang sarili nyang buhay

- nahihirapan ako. Walang ina ang gustong naghihirap ang kanyang anak." Balot ng
galit at lungkot ang boses ng matanda.

"Nag-isip ako ng plano kung paano kayo mapapatay lahat! Matagal akong naghintay. Sa
tulong ni Martinie nagawa ko lahat." Inilabas ng matanda ang isang kuwintas na
suot-suot nya para makita nila Katarina.

Isang itim na kuwintas ang suot ng matanda. Ang pendant nito ay magkabaligtarang
tatsulok na bungo ng tao sa gitna.

"Kamatayan! Yan lang ang tanging kabayarang mahihingi ko para sa aking anak!"
Tumingin ng masama ang matanda sa dalawang nakatayo sa harapan nya. "Inipon kayo sa
retreat house - para mamatay!"

"Ikaw ang may kagagawan ng lahat?" umiiyak na tanong ni Katarina.

"Hindi ako! Kayo! Kayo ang nagsimula ng lahat! Ako - ako lang ang tatapos!" habang
tumatagal ay tila nagbabago ang boses ng matanda. Tumungo ito at hinalikan ang
kanyang kuwintas.

"Ipinangako sa sarili ko na hindi na ulit ako gagamitin ng kahit anong bulong lalo
na sa masama kapag nagkaroon na ako ng mga anak. Pero sinira ko yun para din sa
katarungan ng bunso kong si Mattinie." Umiyak ang matanda at niyakap naman sya ni
Martinie.

Biglang tumawa ang matanda at tumawa din si Martinie. Ang tawa nila ay parang mga
baliw.

"Anong ginawa mo sa'min?" sigaw ni Katarina na nakapagpabasag sa tawanan ng mag-


ina.
"Akala ko matalino ka dahil naisipan mong tumakas sa bahay bago pa kayo maubos
lahat. Akala ko pa nga mauuna akong mamatay dahil sa inyo! Dahil nakuha nyong
sagasaan ang matandang katulad ko!" galit na galit ang matanda. "Pero sa tingin ko
wala ka talagang alam!" sagot ng matanda.

Tumayo si Martinie at pumasok sa loob. Lumabas ito na may dala-dalang isang itim na
kahon. Iniabot nya ito sa kanyang nanay.

"Hindi na sana ako makikialam sa plano ni nanay. Pero nang makita ko ang ginawa nyo
sa kanya hindi ko napigilan ang sarili ko. Akala ko mawawalan na din ako ng nanay
pagkatapos mawala ng kapatid ko." Malungkot ang pagkakakwento ni Martinie. Puro
lungkot lang at tila walang bahid ng galit. "Sinadya kong mapunta kay Quinn ang mga
mata ng kapatid ko. Naplano na ang lahat-lahat noong simula palang." Bahagya syang
tumigil at tumingin sa nanay nya.

May kinuhang papel ang matanda galing sa kahon na itim at iniabot kay Martinie.
Ibinigay naman ng nurse ang papel kina Katarina. "Tingnan nyo!" sigaw ng matanda.

Nagdalawang isip si Katarina na kunin ang papel kaya't si Cooper ang kumuha.
Nakatupi ang papel sa apat at binuksan ito.

=================
28: NO EXEMPTION!

Wag KJ! Pakiplay nung video habang binabasa ang chapter na 'to. Sige na para mas
mafeel ang bawat eksena. Happy reading. Bwahahahahaha.

************************************************

28: NO EXEMPTION!

Sunduin ang inyong mga kaluluwa sa paraan ninais ng kadiliman.Kamatayan sa di


kanais-nais na paraan. Kamatayan ng isa kamatayan ng lahat kapalit ng isang sumpang
iniwan magpakailanman.

Mga salitang nabasa ni Cooper sa unang papel na bumungad sa kanya. Paulit-ulit


lamang itong nakasulat sa apat na bahagi ng papel.
"What the hell! We're not stupid!" natatawang sabi ni Cooper. "We're not buying
your jokes!"

"Nay tama na. Napatawad na sila ni Mattinie." Hinawakan ng nurse ang kamay ng
matanda pero hindi sya nito pinansin.

"Tingnan mo pa ang ibang nakasulat sa papel." Utos ng matanda.

Umiiling lang si Martinie at yumuko ito.

Nanlaki ang mga mata ni Cooper sa nakita. Parang may kung ano syang nabasa

na ikinagulat nya. Nakita ni Katarina ang reaksyon ni Cooper kaya naman kinuha nya
ang papel na hawak ng kaibigan para makita kung anong nakasulat doon.

Idre tronos palkas ilde no sima irilis bongmas irelak nam ento syako rakumi
blesona. Isliko asami linora apekino sari no sobla debilo o debilo.Tahal gn
asabakakam otin ya yatamamam. Otara shi no ba. Debilo si ni. Waki an nga donusus!
Naydnan an ays. Debilo as ibat om!
Nanginig ang buong katawan ni Katarina ng mabasa ang nakasulat sa papel na iniabot
ng matanda. Halos malukot ang papel sa pagkakahawak nya. Pumatak ang mga luha nya
sa takot. Hindi nya maipaliwanag ang nararamdaman ng biglang nagsalita ang matanda.

"Isa yang dasal ng kadiliman. Isang sumpa ng kamatayan." Tumawa ang matanda.
Tawang mas lalong nagpakilabot sa dalawa. "Hindi sapat ang mga sumpang binitawan ng
anak ko bago nya kitilin ang sarili nyang buhay. At kamatayan nyo lang lahat ang
makakapagpatahimik sa aming lahat!" Patuloy sa pagtawa ang matanda habang pumapatak
ang mga luha nito.

"Ikaw - ikaw ang nagplano ng lahat?" nanginginig na tanong ni Katarina. Tumingin


sya sa matanda kahit na punong-puno ng luha ang mga mata nya.

"Oo. Tulad ng pagplano nyong pagpapahiya sa anak ko!" buo at galit ang sagot ng
matanda. Masama ang tingin nito kay

Katarina.

"Pe - pero bakit pati si Quinn pinadalhan mo ng ganito. Wala syang kasalanan! Wag
- wag mo syang idamay!" galit na sigaw ni Katarina. Pinunit nya yung papel at
inihagis sa matanda. "Huwag - huwag si Quinn." Umiyak lang ng umiyak si Katarina at
napayakap kay Cooper.

Nagulat na lang sila sa biglaang pagtawa ng matanda. "Planado nga ang lahat hindi
ba? Kailangan kong mag-ingat. Kailangan hind imaging halata ang bawat kilos ko."
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Cooper habang hinahaplos ang umiiyak na
kaibigan.

Ibinaba ng matanda ang kahon sa kanyang tabihan. Tila nagdadalawang isip sya sa
sasabihin nya.

"Hindi maiiwan ni Cole ang kapatid nya kaya naisipan kong isama na lang si Quinn -
" hindi pa man tapos magsalita ang matanda ng nagsalita si Katarina habang
pinupunasan ang mga luha nya.

"Pero wala syang kasalanan! Wala!" galit na sabi ng dalaga. Niyuom nya ang
dalawang kamay sa sobrang galit na nararamdaman nya. "Tanggap ko na kung mamatay
ako pero hindi ko kayo hahayaang idamay nyo ang inosenteng tulad ni Quinn!"

Muling tumawa ang matanda sa sinabi ni Katarina. "Hindi mo talaga naiintindihan no?
Hindi mamamatay si Quinn! Kayo lang ang mamamatay!" ipinagpatuloy ng matanda ang
pagtawa.

"H - hindi ko maintindihan." Napapaatras si Katarina dahil sa takot. Hindi nya


alam kung ano bang mangingibabaw sa kanya. Ang takot o ang galit laban sa matanda.
"Walang pinipiling tao ang mga dasal na yan. May kasalanan man o wala. Dahil sino
mang makabasa nyan ay dadalawin ng nasa kabilang buhay." Biglang nagbago ang tono
ng pagsasalita ng matanda. Malamig ito na nagpakilabot sa dalaga. "Oras na mabasa
mo yan kahit sino ka pa, kahit nasaan ka pa unti-unti mong mararamdaman ang
paglapit ni kamatayan sa'yo." Sandali syang ngumisi at bahagyang tumingin sa itaas
upang pigilin ang papatak na naman nyang luha.

"K - kahit si Martinie ang makabasa nyan mamatay din sya." Muli ay tumingin sya ng
diretso kay Katarina. "Ako lang at tanging ako lang ang makakabawi ng sumpa na yan
sa inyo. Pero hinding-hindi ko yan gagawin!" Hingal na hingal ang matanda dahil sa
matinding galit na nararamdaman nya.

"Inisip mo na hindi mababasa ni Quinn ang mga salitang yan kaya pinadalhan mo din
sya?" napahawak si Cooper sa ulo

nya at papalapit sa matanda na walag imik. "Iba na ngayon! Bulag sya noon kaya
hindi nya yan mababasa pero nakakakita na sya ngayon at kahit anong oras pwede nya
yang makita!!" galit na sigaw ni Cooper habang dinuduro ang matanda.

Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ng matanda pati na rin ni Martinie. "P -
pero binalaan ko na sya. Sinabihan na namin sya na - na wag nyang gagamitin ang mga
mata nya dahil sa may gusto lang syang malaman." Napahawak ng mahigpit ang
matandang sa anak nito.

"Si Quinn - " biglang naalala ni Katarina ang kaibigan.

Samantala, hindi pa rin makapaniwala si Quinn sa nakita na ang nurse na tumulong


sa kanya at ang kapatid ni Mattinie ay iisa. Hindi nya napigilang umiyak sa takot.
Hindi nya din maintindihan kung ano ang gustong ipahiwatig ng matanda sa kanya pati
na rin ang anak nito.

Habang umiiyak ang dalaga ay napatingin sya sa salamin.

"Ahhhhhhhhh! Kailan mo ba ako titigilan! Sarili ko ang gusto kong makita hindi
ikaw!" sigaw ni Quinn sa harap ng salamin kung saan mukha ni Mattinie ang nakikita
nya.

Dahil sa sobrang lungkot at takot ng dalaga ay kinuha nya ang litrato ni Cole sa
loob ng bag nya.

"Ate - ate sorry wala akong magawa. Gusto kitang tulungan pero natatakot ako."
Kinakausap nya ang picture ng ate nya habang isa-isang tinitingnan ang lahat ng iba
pang pictures ng biglang may nalaglag.

"Yung invitation." Bulong ni Quinn. Dinampot nya yung invitation at binuksan yun.

Pinunasan nya muna ang mga luha nya bago sinimulang basahin ang nakalagay sa
invitation.
"A - ano 'to?" kumunot ang noo nya habang sinisimula nyang basahin ang nakasulat.
"Idre tronos palkas ilde no sima irilis bongmas irelak nam ento syako rakumi
blesona. Isliko asami linora apekino sari no sobla debilo o debilo.Tahal gn
asabakakam otin ya yatamamam. Otara shi no ba. Debilo si ni. Waki an nga donusus!
Naydnan an ays. Debilo as ibat om!" tila nanghina ang dalaga matapos mabasa ang
nakasulat.

"Anong klase salita ba 'to?" itatago na nya ang invitation sa bag ng bigla syang
makakita ng isang babaeng dumaan sa harapan ng kotse. Mabilis inikot ni Quinn ang
mata sa paligid pati na rin sa likuran.

"Don't be paranoid Quinn."

Sumandal lang sya sa driver's seat at tumingin sa unahan. Kinakalma nya ang sarili
ng bigla syang napatingin sa side mirror. Isang babaeng nakayuko ang nakita nyang
nakatayo dun. Nakaputi ito at puro dugo ang damit.

Sa sobrang takot ay pinilit nyang buksan ang pintuan ng kotse pero ayaw nitong
bumukas. "Come on! Come on!" pinipilit pa din nyang bubuksan ang pintuan habang
nakatingin sa babaeng papalapit sa kanya.

Hindi nya alam ang gagawin kaya napapikit na lang sya. Ilang sandali pa ay
naisipan nyang dumilat at tingnan ang babae pero wala na ito sa side mirror.
Masyadong tahimik ang paligid. Tanging hininga nya lang ang naririnig nya ng
biglang tumunog yung cellphone nya.
Katz calling...

Dali-daling sinagot ni Quinn ang phone pero bago pa man sya makapagsalita ay dire-
diretso na si Katarina.

"Quinn listen to me. No matter what happen don't open and don't read the
invitation. That's the curse. That's the connection. Yung sinasabi ni Tiya Emer na
koneksyon kung bakit namamatay lahat. Quinn please wag mong basahin dahil lahat ng
makabasa nun mamamatay - may kasalanan man o wala." Hindi na binigyan

ng pagkakataong magsalita ni Katarina ang kaibigan.

"Quinn are you there?" tanong nito muli.

Sa sobrang gulat ni Quinn sa narinig ay hindi ito makagalaw at hindi nito alam
kung anong gagawin.

Narinig na lang ni Katarina ang pigil na pag-iyak ng kaibigan mula sa kabilang


linya.

"No. No. Please tell me hindi mo nabasa. Please Quinn!" umiiyak na din Katarina.
Magsasalita na sana si Quinn ng biglang isang matinis na tunog lang ang narinig
nya sa kabilang linya dahilan para mabitawan nya yung cellphone nya.

Hawak-hawak nya ang kanyang dibdib at pinipilit iprocess ang lahat ng sinabi ng
kaibigan ng mapansin nyang parang may nakaharap sa may bintana. Mas lalo syang
kinabahan at hindi alam ang gagawin.

Dahan-dahan nyang tiningnan kung ano ang nakaharang at laking gulat nya ng makita
ang mukha ng kapatid nyang si Cole

na duguan at may nakakatakot na ngiti. "Did you miss me?" nakakatakot nitong tanong
at biglang kinalampag ang bintana gamit ang duguan nyag kamay.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!" napasigaw ng malakas si Quinn at nagpunta sa kabilang


side ng kotse. Niyakap nya ang dalawa nyang tuhod at ipinatong ang ulo nya dito
habang umiiyak. "Please stop. Please stop!"

Naramdaman ni Quinn na tumigila ang paghampas sa bintana kaya dahan-dahan nyang


iniangat ang ulo nya mula sa pagkakayuko. TUmingin sya sa side kung saan nakita nya
ang kapatid nya pero wala na ito doon.

Tumingin sya sa likuran pati na rin sa harapan at napanatag ang loob nya ng nawala
ang babae.

"Hindi si ate yun. Hindi gagawin sa'kin ni ate yun." Bulong nya at muling sumandal
ng mapatingin sya sa rearview mirror. "No." mahina nyang sabi.

Nakita nya sa salamin ang babaeng nakayuko at umiiyak. Isang iyak na halos
magpatigil sa buong katawan ni Quinn dahil sa sobrang takot.

Sinubukan nyang dahan-dahang buksan ang pintuan ng hindi napapansin ng babae sa


likuran nya.

"Samahan mo ako Quinn. Samahan mo ako! Samahan - " biglang tumigil sa pagsasalita
ang babae. " - mo ako!" biglang humarap ang babae kay Quinn at sumigaw ito ng
malakas.

Bumukas kusa ang lahat ng pintuan ng kotse at mabilis naman lumabas si Quinn at
tumakbo papunta sa mga kaibigan nya. Hindi na nya sinubukan pang lumingon.

"Kasalanan nyo 'to! Kasalanan nyo 'tong lahat!" nadatnan ni Quinn na nakikipag-
away si Katarina kay Martinie na hinahangan ang nanay nya.
"Katz - " hinihingal na sabi ni Quinn.

Napatigil ang pagsasagutan ni Katarina at MArtinie ng makita ang itsura ni Quinn.

"H - hindi. Binasa mo nga." Kumapit ang nanay ni Martinie sa kanya upang makatayo
at makita ng ayos si Quinn. "Bakit - bakit mo binasa! Sinabihan na kita! Binalaan
na kita! Matigas din ang ulo mo! Masama kang anak!" galit na galit na sigaw ng
matanda. "Bakit Mattinie! Bakit!"

"A - anong nangyayari? Mamamatay na din ba ako?" umiiyak lang si Quinn. TIningnan
nya isa-isa sina Cooper, Katarina,

Martinie at ang matanda pero ni isa sa kanila ay walang sumagot.

"No! No!!!!!!!!!!!!!" napaupo si Quinn sa lupa habang umiiyak.

"Quinn don't worry meron pa tayong way." Lumapit naman agad si Katarina sa
kaibigan. Inalalayan nila si Quinn para makatayo.
"Way? What way? Hindi nyo nga maligtas mga sarili nyo tapos sasabihin nyo meron pa
tayong way?" Nagpupumiglas si Quinn sa pagkakahawak ng mga kaibigan.

"Tanggalin mo na ng bisa ang sumpa!" lumapit si Cooper sa matanda at hinawakan ito


sa braso. "Tanggalin mo na kahit para lang kay Quinn." Huminahon ang pagsasalita ng
binata na may pakikiusap sa kanyang mga mata.

"Hindi! Hindi ko yan gagawin!" nagmamatigas ang matanda at tiningnan nya lang ng
diretso si Cooper.

"Kahit - " hinigit ni Cooper ang matanda papalapit kay Quinn. " - kahit madadamay
ang inosenteng tulad nya? Wala syang kasalanan pero hahayaan mo syang mamatay!
Mamatay lahat ng makakabasa ng dasal mo!" binitawan ni Cooper ang matanda hanggang
sa natumba ito.

"Nay!" sigaw ni Martinie. Lumapit sya agad sa nanay nya. "Umalis na kayo! Lubayan
nyo na kami!" sigaw ni Martinie. Pagharap nito nakita nya ang umiiyak na si Quinn.
Nakaramdam sya ng awa lalo na't nakikita nya ang mga mata ng kapatid sa dalaga.

"Nay, nay ako na ang nakikiusap sa inyo. Para nyo ng awa tanggalan nyo na ng bisa
ang dasal na yun. Wag nyong hayaang may inosente na namang mamatay. Marami ka ng
nagbuwis ng buhay - tama na yun."
Tila hindi nagustuhan ng matanda ang sinabi ng kanyang anak. Tumingin ito ng
masama sa anak. "Hindi! Hanggat hindi sila nagbabayad lahat." Tumingin ito kay
Quinn. "Kahit may inosente pang madamay." Pinilit tumayo ng matanda mag-isa.
Kumapit sya sa upuan at inabot ang kanyang tungkod.

"This is useless! Umalis na tayo dito!" naiinis na sabi ni Cooper. Inalalayan nya
si Quinn papunta sa kotse nila.

"No. Please do something. I don't wanna die." Paulit-ulit na sinasabi ni Quinn


habang umiiyak.

Narinig ng matanda ang mga sinasabi ni Quinn at hindi nya napigilang mapaluha.
Pero binalewala nya lang iyon at pumasok sya sa kanilang

bahay.

Pinagmasdan lang ni Martinie na umalis ang tatlo tsaka nya kinausap ang nanay nya.

"Talaga bang nilamon na kayo ng galit ha nay?" Napahawak sya sa ulo nya at
nagpalakad-lakad na hindi mapakali. "Nay walang kasalanan si Quinn. Nadamay lang
sya nay."
"Anong gusto mong gawin ko?" tulalang tanong ng matanda.

"Tanggalan mo ng bisa ang dasal." Mahinahong sagot ni Martinie.

"Hindi. Hindi ko magagawa yan." Umiwas ang matanda at pumasok ito sa kwarto.

Sinundan naman sya ni Martinie. "At bakit hindi? Kayo ang bumuhay sa mga salitang
yun. Alam ko nay dinasadalan nyo yun tuwing Martes at Biyernes para hindi mawala
ang bisa." Hinawakan ni Martinie ang kamay ng kanyang ina. "Nay, pakiusap itigil
nyo na 'to. Alam nyong yan ang gusto ko at gusto ni Mattinie. Matatahimik lang sya
kung magpapatawad kayo."

Niyakap nya ang kanyang ina na tila naapektuhan sa lahat ng sinabi ng anak.

"Anak - anak gusto ko mang gawin yan pe - pero hindi ko talaga magagawa." Umiiyak
na sagot ng matanda.

Humiwalay sa pagkakayakap si Martinie mula sa narinig sa ina. "Pero b - bakit?"


"Bu - buhay ko ang kapalit ng pagbawi sa sumpa." Nanginginig na sagot nito. "A -
ayokong mamatay anak. Ayokong iwan ka na mag-isa." Hinaplos nya ang buhok ni
Martinie at tiningnan ang buong mukha nito. "Anak maniwala ka gusto kong tulungan
si Quinn pero - pero hindi ko talaga mababawi ang sumpa."

Dahan-dahang umatras si Martinie para makalayo sa ina. "Hindi. Alam ko may paraan
pa pero ayaw mo lang gawin!"

"Anak! Anak!" umiiyak na tawag ng matanda. "Hindi - " bigla itong tumawa habang
umiiyak. "H - hindi ko gagawin. Hindi ko sila mapapatawad." Nanginginig ang boses
ng matanda habag tumatawa kasabay ng pag-iyak. "Anak konting tiis na lang. Konting
tiis na lang at paipaghihiganti na din kita." Bigla syang tumigil sa pag-iyak.
"Anak. Anak nandyan ka ba?" Pinilit tumayo ng matanda at humarap sa salamin. "Lahat
- lahat ng lahat ng makakabasa ng dasal na iyon dadalawin ni kamatayan. Hindi
magtatagal at mawawala na rin sila sa mundo." Muling tumawa ang matanda. Kinuha nya
ang isang itim na bato at kandila sa harap ng salamin. "Bibilang lang tayo ng ilang
araw anak. At lahat - lahat kayo ang mamatay!" nanlilisik ang mata ng matanda na
tila sabik na sabik sa pagkamatay ng lahat ng nakabasa ng dasal.

(Gusto nyo bang ireveal ko kung aling part sa chapter na 'to ang totoong nangyari?
Hindi sa'kin pero isa sa kaibigan ko.

Sige sasabihin ko na. Yung part na about sa sulat at dasal. Totoo yang nangyari.
Isa sa kaibigan ko ang binigyan ng papel na may nakasulat ng paulit-ulit sa apat na
part ng papel na nagsasabing kailangan nyang sumapi sa katawan nya para maligtas
ang kaluluwa nya kasama pa ng ibang kaluluwang humihingi ng tulong sa kanya.

Hindi ko kayo tinatakot pero tulad nga ng sinabi ko ibang part dito sa story ko ay
nangyari sa totoong buhay.

And yun nga dahil nalaman ng mga professors sa school eh naconfirm namin na
nagbabasa ng black book yung nagbigay ng sulat sa friend ko.

So next chapter na yung next revelation so please don't forget to vote, comment and
share.

You are all amazing guys.

*Mela*)

=================

29: LAST TWO!

A/N

What's up my fellow readers. So second to the last chapter na 'to ng sumpa. Right,
tulad ng title ng chapter na 'to. So prepare yourselves sa mga sunod-sunod na
mangyayari. Please vote and comment at ishare nyo din sa fb or twitter. Thank you.

Lahat ng comments ay nababasa ko at natutuwa ako. Maraming salamat. Kahit di ko


kayo mareplyan lahat isa lang sasabhin ko, thank you.

Kapag umabot ng 100 reads 'to ngayon ilalagay ko na agad yung ending. Hahaha. At
please wag KJ. Sana napaplay nyo yung nasa multimedia habang nagbabasa. Hahaha

*MelaBrio(megladiolus)*
***************************************

29: LAST TWO!

Hindi nag-akasaya ng panahon sina Katarina at nagmadali silang nagpunta sa bahay ni


tiya Emer. Naghahanap sila ng kasagutan at solusyon sa lahat ng nalaman nila.
Pagdating nila dun ay ipinahawak nila sa matanda ang invitation card na naglalaman
ng dasal.

Tila maninigas ang buong katawan ng matanda ng mapakiramdaman ang invitation. "Sa -
saan nyo 'to nakuha? Paano?" nanginginig na tanong ng matanda.

"May nagbigay lang sa'min at ngayon lang namin nalaman na yan ang dahilan ng
pagkamatay ng mga kaibigan namin na - " bahagyang tumigil s Quinn sa pagsasalita. "
- na susunod din na mangyayari sa'min."

Hinawakan ni Katarina ang kaibigan sa balikat at tumingin sa matanda. "Please tiya


Emer. Please help us. ALam naming gusto nya lang maghiganti sa nangyari sa anak nya
but this is too

much. Walang kinalaman si Quinn dito pero nadamay sya. Nabasa nya ang sulat."
Naiiyak na paliwanag ni Katarina.
"Paghihiganti? Ipinagbili nya ang kaluluwa nya kay kamatayan para lang
makapaghiganti?" sambit ng matanda.

Nagulat silang lahat sa sinabi nito at hindi agad sila makapagsalita. Ipinatong ng
matanda ang card sa mesa. May kinuha sa sa isang kahon na tila kahoy na katulad ng
pangontrang ibinigay nya kina Katarina dati. Ipinatong nya ito sa card. "Pag masdan
nyo." Utos nito.

Ilang sandali pa ay nawala ang nakasulat sa invitation. "Ibig sabihin pa nito


mawawala ang bisa nyan?" tanong ni Cooper.

Pero pagkatapos ng ilang minuto ay bumalik ulit ang nakasulat. "Masyado ng malakas
ang bisa ng sumpang ito. Hindi na ito kayang pigilan ng kahit anong pangontra."
Inialis ng matanda ang kahoy at ibinalik sa kahon.

"Pe - pero paano namin 'to mapipigilan? Paano na si Quinn?" pag-aalalang tanong ni
Cooper.

"May isang paraan para panandaliang mapatagal ang bisa ng sumpa." Umupo ito sa
harapan ng tatlo. "Labindalawang oras pagkatapos mong mabasa ang dasal ay unti-unti
na nitong kakainin ang katawan mo ng hindi mo namamalayan. Pero para mapatagal ang
bisa may isang paraan."
Nagkatinginan silang tatlo at sabay-sabay na nagsalita. "Ano?"

"Kung wala pang labindalawang oras simula ng mabasa ang dasal hindi pa ito
nagsisimulang kumalat

sa katawan ng nakabasa. Maari nyo itong basahin ng pabaligtad para patagalin ang
bisa nito. Pero hindi ibig sabihin nun ay mawawalan na ito ng bisa." Mahabang
paliwanag ng matanda.

Kinuha ni Katarina ang card at iniabot kay Quinn. "Basahin mo na Quinn. Walang pang
12 hours since nabasa mo sya so gawin mo na."

Tinignan ni Quinn ang card sa kamay nya na tila nagdadalawang isip sa gagawin.

"Come on Quinn." Pagpupumilit ni Cooper.

Tumango lang si Quinn at binuksan ang card at sinimulan itong basahin ng


pabaligtad.

Idre tronos palkas ilde no sima irilis bongmas irelak nam ento syako rakumi
blesona. Isliko asami linora apekino sari no sobla debilo o debilo.Tahal gn
asabakakam otin ya yatamamam. Otara shi no ba. Debilo si ni. Waki an nga donusus!
Naydnan an ays. Debilo as ibat om!

"Erdi sonort saklap edli on amis siliri samgnob kaleri man onte okayso imukar
anoselb. Okilsi imasa aronil onikepa iras on albos olibed o olibed. Lahat ng
makakabasa nito ay mamamatay." Biglang napatigil si Quinn at nagulat. Pero
nagpatuloy din sya. "Arato his on ab. Olibed is in. Ikaw na ang susunod! Nandyan na
sya. Olibed sa tabi mo!"

Nabitawan ni Quinn ang card at napahawak sa dibdib nya. Medyo gumaan naman ang
pakiramdam nito ng matapos magbasa.

"Hindi ko akalaing may gagamit pa ng dasal na iyan." Muling sabi ng matanda.


"Matagal na panahon na ng huli kong nabasa ang mga yan."

Nagulat silang lahat sa narinig. "Nabasa? Pero bakit buhay pa kayo ngayon?" tanong

ni Cooper.

"Nagawa kong mabuhay dahil sa namatay ang taong nagbigay ng bisa dun." Pumikit ang
matanda na parang sinasariwa ang mga nangyari sa kanya. Bakas sa ekpresyon ng
kanyang mukha ang pagkatakot.
Umupo silang tatlo sa harapan ng matanda at nakinig sa sinasabi nito.

"Isa syang matalik na kaibigan." Pumatak ang luha ng matanda. "Oras na binigyan mo
ng bisa ang dasal na iyan aangkinin ka ni kamatayan." Dumilat ang matanda. "Hindi
na sya ang kaibigan ko. Patay na ang katawan nya pero sa tuwing may namamatay
kaming kakilala bumabalik ang sigla nya. Bumabalik ang dati nyang itsura."
Pinunasan ng matanda ang kanyang mga luha.

"Pero isang araw nabasa ko ang mga salitang iyan ng hindi sinasadya. Akala ko
katapusan ko na pero hindi ko akalaing mangingibabaw ang pagkakaibigan namin sa
panahon na iyon. Tinanggalan nya ng bisa ang sumpa. Pero kapalit nun ang sarili
nyang buhay. Oras na matigil ang sumpa wala ng mamamatay dahilan para tuluyang
manahimik ang patay nyang katawan pati na rin ang kanyang kaluluwa." Muling umiyak
ang matanda.

"Namatay sya sa harapan ko. Kitang-kita ko sya. At dahil ayoko ng maulit ang
nangyari sa'kin ay pinili kong bulagin ang sarili ko." TUmahimik ulit ang matanda.
"Oo. Yun ang dahilan kung bakit hindi ako nakakakita ngayon."

Samantala, sa bahay nila Martinie magpapaalam sana sya sa nanay nya para pumasok sa
trabaho ng makita ang nya ang nanay na nakaluhod sa harapan ng isang itim na bagay
na tila may kinakausap.

"Hindi ko 'to ginusto. Hindi ko alam na ganito ang mangyayari." Naiiyak na sabi ng
matanda na parang may kinakausap. Ilang sandali lang ay nagsalita na ito ng mga
salitang hindi maintindihan ni Martinie.

"Nay itigil nyo na yan. Hindi pa ba sapat na paghihiganti ang pagkamatay ng


maraming tao?" Dahan-dahan syang lumapit sa nakatalikod na matanda. "Isa lang si
Mattinie pero ang dami nyong kinuhang kapalit! Itigil nyo na yan." Iniharap nya ang
kanyang nanay sa kanya at nagulat ito sa itsura nya.

Namumutla ito at nangingitim ang mga mata. Putok ang mga labi na kulay itim na.
Nagsasalita ito ng biglang napatingin kay Martinie. "Kailangan ko ng kaluluwa.
Kailangan kong mabuhay. Kailangan ko ng kaluluwa. Kukuha ako ng kaluluwa." Muling
tumalikod ang matanda at itinuloy ang ginagawa.

Sa takot ni Martinie ay hindi sya nakaimik. Kung hindi lang nagsasalita ang nanay
nya ay isisipin nyang patay na ito. Hindi na sya ulit nagsalita at umalis na ng
bahay para pumasok sa trabaho.

Pagkagaling sa bahay ni tiya Emer at matapos marinig ang mga sinabi nito ay
napagdesisyonan nilang kausapin ni Martinie. Hihingi sila ng tulong dito para
kausapin ang nanay nya.

Pagkababa nila sa ospital na pinagta-trabahuhan ni Martinie ay biglang tumigil si


Katarina. Tumingin-tingin ito sa paligid.
Magtago ka na! Mahahanap kita!

Nakakarinig sya ng isang babae na tila kumakanta. Tumingin si Katarina sa paligid.


Parang unti-unting nawawala ang mga tao sa paligid nya.

"Quinn. Cooper nasan kayo." Bulong nya sa sarili.

Magtago ka na! May oras ka pa! Pag nahanap kita! Katapusan mo na!!!!

Biglang nagbago ang boses ng babae kaya napatakbo si Katarina palayo sa


kinatatayuan nya.

Nagulat sila Quinn at Cooper sa ginawang pagtakbo ni Katarina.

"Katz! Katz where are you going?!" sigaw ni Cooper.

Napansin nyang mabilis lang sa pagtakbo si Katarina at parang walang naririnig at


nakikita.

"No! No way!" naiiyak na sabi ni Quinn. "Kailangan natin syang maabutan." Naiiyak
na sabi ng dalaga.

Sinundan nila si Katarina habang tinatawag ito. Malayo sila sa dalaga pero napansin
nilang tumigil ito sa paglalakad at nakatingin sa isang direksyon. Hindi naman sila
nagsayang ng oras para lapitan ang kaibigan.

Napatigil si Katarina sa pagtakbo ng makita nyang may isang babae sa kanyang


harapan.

"Si - sino ka? Hindi naman ikaw si Mattinie!" nanginginig na tanong ng dalaga.

Dahan-dahang umaatras si Katarina. "A - anong kailangan mo sa'kin?"

Nakita nilang umaatras si Katarina.


"Quinn bilisan natin!" sigaw ni Cooper. Paglingon nya ay nakatigil si Quinn.

"Cooper - " sabay turo ni Quinn sa nabasa nya.

WARNING: NO ENTRY BEYOND THIS POINT!

Tumingin

si Cooper sa paligid at nakita ang mga nakatumbang poste at mga bakal-bakal sa


paligid. "Shit!" nagmadaling tumakbo sina Cooper ng biglang may humarang sa
kanilang mga lalaki.

"Ma'am, sir bawal po kayo dito. Masyado pong delikado." Sabi ng isang lalaki.

"Pero yung kaibigan namin nandun sa loob - " sabi ni Quinn habang nakaturo kay
Katarina.

"Nasaan?" paglingon ng lalaki nagulat silang lahat ng biglang natumba ang isang
malaking poste. "Sino yung babaeng yun?!" sigaw nung isang lalaking papalapit sa
kanila.
"Katarina! Katarina!" Nagpupumiglas si Cooper para makalapit sa kaibigan.

Nadaganan si Katarina ng isang malaking poste ng kuryente. Kitang-kita nilang


nangingisay ang katawan ni Katarina.

"Wala ba kayong gagawin? F*CK! Bitiwan nyo ko!!!" sinuntok nya yung humahawak sa
kanya kaya nakawala sya. Papalapit sya kay Katarina ng biglang may bumagsak na
isang malaking bakal galing sa itaas.

"NO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" sigaw ni Quinn na napaupo habang


umiiyak.

Tumingin si Cooper sa itaas at nakita nya ang mga lalaking nagta-trabaho.

"Boss, okay ka lang? Bawal kayo dito ah! Masyadong delikado!"sigaw nung isang
lalaki at umalis na ulit.

Napaluhod si Cooper habang tinitingnan ang bakal na dumagan sa kaibigan. Umiyak sya
habang nakalapat ang mga kamay sa lupa. Ilang sandali pa ay naramdaman ni Cooper na
basa na ang lupang hinahawakan nya. Pagtingin nya ay umaagos ang dugo galing sa
ilalim ng bakal.

Ang mga dugo ni Katarina.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!" sumigaw sya na galit na galit at sinuntok nya ang lupa.


Mabilis syang tumayo at nilapitan si Quinn na nakaupo sa lupa at umiiyak.

"Stand up!" seryosong sabi ni Cooper.

"NO! NO! NO!" hindi nakinig si Quinn at patuloy pa din sa pag-iyak.

Hinawakan ni Cooper ang kaibigan sa braso at pinilit itong itayo. "Kung hindi tayo
kikilos mangyayari din sa'kin yan. Sa'tin!" hinigit nya si Quinn.

"I'm scared. I'm scared!" paulit-ulit na sinasabi ni Quinn habang hawak-hawak sya
ni Cooper.

Tumigil si Cooper sa paglalakad at humarap sa dalaga.


Nagulat si Quinn na puro luha ang mga mata nito.

"I know you're scared, I'll do anything para hindi ka madamay dito Quinn. Kung wala
akong nagawa para iligtas si Katarina - para iligtas ang mga kaibigan ko. This time
gagawin ko ang lahat kaya wag mong sayangin ang oras dahil any minute from now
pwedeng ako naman ang sumunod. Kapag wala na ako sino ng makakatulong mo."
Hinawakan nya sa pisngi si Quinn. "Please Quinn, we need to do this together kaya
wag kang magpadala sa takot mo." Tumalikod si Cooper at nagpatuloy sa paglakad.
"Let's go."

"Cooper - thank you." Mahinang sabi ni Quinn at sumunod sya kay Cooper.

Hindi sila nagsayang ng oras na puntahan si Martinie. Habang hinahanap nila ang
dalaga

ay tinawagan ni Cooper ang mga kamag-anak ni Katarina para sabihin ang nangyari.

Nakaupo si Quinn sa may nurse's station ng biglang nagsalita si Martinie.

"Ano na namang kailangan nyo?" tanong nito.


Napatayo naman si Quinn at tumingin kay Martinie. Gulat na gulat si Martinie ng
makita ang mukha ni Quinn. Namumula ang mga mata nito na halatang kakatapos lang
umiyak. Hindi na nya inintay makapagsalita si Quinn at naglakad ito papalayo sa
kanila.

"Martinie wait!" pagtawag ni Cooper. Mabilis naglakad si Martinie pero sinundan sya
nila Quinn.

Napadpad sila sa part ng hospital na hindi madalas daanan ng tao. Naabutan ni


Cooper si Martinie at nahawakan ito sa braso.

"Please help us." Bungad ng binata.

Hinigit ni Martinie ang braso nya mula sa pagkakahawak ni Cooper.

"Kinausap ko na si nanay pero hindi sya nakinig. Matindi ang galit nya sa inyo.
Hindi nyo sya masisisi. Kaya pwede ba tigilan nyo na ako! Tigilan nyo na kami ng
nanay ko!" sigaw nya.

Sinampla ni Quinn si Martinie na ikinagulat naman nito. "Paano mo nasasabi yan?


Alam mo bang wala na si Katarina! Namatay sya sa harapan namin! Alam mo ba kung
paano namamatay ang lahat ng nakakabasa ng sumpa na yun?" galit na galit si Quinn.

"Wala akong pakialam. Dapat lang magbayad ang may mga kasalanan!" matapang na sagot
ni Martinie.

Isang matunog na sampal na naman ang ibinigay sa kanya ni Quinn.

"Sumosobra ka na!" sasampalin sana nya si Quinn pero napigilan sya ni Cooper.

"Magbabayad sa kasalanan? Ano bang kasalanan ko sa inyo? Hindi mo pa din ba


naiintindihan ha? Pwes makinig kang mabuti!" Umagos ang luha ni Quinn dahil sa
naghalo-halong emosyon na kanyang nararamdaman. "Walang pinipiling tao ang nanay
mo. May kasalanan man o wala, wala syang pakialam. Tingin mo ba tungkol pa 'to sa
paghihiganti?" Dahan-dahan syang lumapalit kay Martinie.

Napaatras s Martinie sa paglapit ni Quinn.

"Patay na ang nanay mo nung una palang nyang buhayin ang mga dasal na yan! Hindi na
sya ang nanay mo! Hindi mo ba yun nakikita?" napatigil sa paglakad si Quinn at
niyuom ang mga kamay nya.
"Buhay pa ang nanay ko. Nakita at nakausap nyo pa nga sya hindi ba!" alam ni
Martinie na buhay pa ang nanay nya kaya ipinagtanggol nya ito.

Yumuko si Quinn habang pinipigilan ulit saktan si Martinie.

"Hindi na sya ang nanay mo. Alam mo ba kung bakit hindi ayaw nyang tanggalan ng
bisa ang sumpa? Dahil ikakamatay nya yun!" pagsabad ni Cooper.

"At hindi ko sya hahayaang mamatay! Kaya pwede ba tigilan nyo na ako." Papaalis na
sya pero hinawakan sya ni Quinn.

"Bakit hindi mo sya tingnan? Bakit hindi mo pagmasdan ang nanay mo tsaka mo
sabihing dapat syang mabuhay." Mahinahong sabi ni Quinn.

Hinigit ni Martinie ang braso nya. "At sino ka para sabihing hindi na dapat mabuhay
ang nanay ko - "

"Dahil hindi na nga sya ang nanay mo!!!!!!" sigaw ni Quinn. "Mga kaluluwa na lang
ng mga taong namamatay ang nagsisilbi nyang buhay! Kaya oras na tanggalan nya ng
bisa ang sumpa ay mamamatay sya!!" Hinawakan nya ang dalawang kamay ni Martinie.
"Please Martinie. Alam ko galit ka sa mga kaibigan ko - pero wala na sila. At kahit
mawala pa kaming lahat hinding-hindi titigil ang nanay mo sa ginagawa nya. Marami
pa ring mamamatay so please - nakikiusap ako sa'yo." Umiiyak na sabi ni Quinn.
Hindi nagsalita si Martinie. Hinigit nya ang mga kamay nya at tsaka umalis.
Iniwanan nya sina Cooper at Quinn. Naririnig nya ang malakas na pag-iyak ni Quinn
habang naglalakad sya. Gulong-gulo sya sa mga narinig kaya't kailangan nya munang
mag-isip.

Habang naglalakad sya naalala nya ang mga sinabi nila Quinn.

Patay na ang nanay mo nung una palang nyang buhayin ang mga dasal na yan! Hindi na
sya ang nanay mo! Hindi mo ba yun nakikita?

"Imposible." Bulong nya sa sarili ng bigla nyang naalala ang sinabi ng kanyang
nanay bago sya pumasok sa trabaho.

Kailangan ko ng kaluluwa. Kailangan kong mabuhay. Kailangan ko ng kaluluwa. Kukuha


ako ng kaluluwa.

"Hindi!" napatigil sa paglalakad si Martinie. "Kailangan kong makasigurado!"


Nagmadali syang umalis ng ospital para tingnan ang kanyang nanay. "Hindi 'to
pwedeng mangyari. Nay." Mangiyak-ngiyak na bulong ni Martinie sa sarili.

=================

30: SACRIFICE UNTIL THE END!

(Hey my wattpaders, this is the last part of the story. Thank you for the support
all the way. :) Thank you for your votes and for your good feedbacks. Share this
story to your friends. And oh, please follow me. I would love that. hahaha.
Anyways, here it is.

*Mela(megladiolus)

****************************************

30: SACRIFICE UNTIL THE END!

Pagkadating na pagkadating ni Martinie sa bahay hinanap nya agad ang nanay nya.
Nakita nya itong nagluluto sa kusina. Nagulat sya ng makita itong masigla at
bumalik ang dating itsura hindi katulad ng nakita nya kanina bago sya pumasok sa
trabaho. Nagsasalita ito at hindi napansin ang pagdating nya.

"Salamat sa kaluluwang iyon. Akala ko matatagalan pa sya." Tila may kausap ang
nanay nya. "Magluluto ako ng masarap bilang pag-aalay." Nakangiting sabi ng
matanda.
Napatakbo papalabas si Martinie at napahawak sa kanyang dibdib. "Hindi. Anong ibig
sabihin ni nanay?" naguguluhang sabi nya sa sarili. Humawak sya sa ulo nya at nag-
isip kung anong gagawin. Masyado syang balisa. Sunod-sunod bumalik sa isip nya ang
nakita nya kaninang itsura ng nanay nya at ang mga sinabi nila Cooper at Quinn pati
na rin ang kakarinig nya lang na sinabi ng nanay nya. Hindi nya alam ang gagawin.
Parang puputok ang ulo nya ng biglang nagsalita ang matanda.

"Bakit nandito ka?" malamig na sabi ng nanay nya na ikinagulat naman nya.

Lumingon si Martinie sa matanda at nakita nyang nakatingin lang ito ng diretso sa


kanya.

"Masama kasi ang pakiramdam ko." Umiwas ng tingin si Martinie. "Nay - nay tanggalan
nyo na ng bisa yung sumpa na -" hindi pa man sya natatapos magsalita pero pinutol
na agad ng nanay nya ang sasabihin nya.

"Hindi." Tumalikod ito.

"Hindi ikaw ang nanay ko." Sabi ni Martinie na ikinagulat ng matanda pero hindi nya
ito pinansin.
Mabilis na lumapit si Martinie sa itim na libro ng nanay nya kung saan nakasulat pa
ang mga ibang dasal. Hinanap nya ang dasal na ginamit nya kina Quinn at binasa iyon
ng malakas.

"Idre tronos palkas ilde no sima irilis bongmas irelak nam ento syako rakumi
blesona. Isliko asami linora apekino sari no sobla debilo o debilo.Tahal gn
asabakakam otin ya yatamamam. Otara shi no ba. Debilo si ni. Waki an nga donusus!
Naydnan an ays. Debilo as ibat om!" gulat na gulat ang nanay nya ng marinig ang
sinabi ng anak.

Humarap ang matanda sa kanya at tiningnan sya.

"Ngayon nay, pwede nyo na bang tanggalan ng bisa ang dasal na 'to? Para sa'kin nay,
kahit para sa'kin lang." Nagmamakaawa ang itsura ni Martinie kahit ang totoo ay
natakot din sya sa ginawa nya. Pero yun lang ang naisip nyang paraan para
makumbinsi ang nanay nya.

Hindi inaasahan ni Martinie ang mga sumunod na nangyari. Biglang tumawa ng malakas
ang nanay nya pagkatapos nyang magsalita. Isang tawa na parang hindi boses ng
sarili nyang ina.

Natatakot si Martinie sa nakikita nya. "Si - sino ka?" bulong nito sa sarili.
Tumigil ang matanda sa pagtawa at tumingin ng diretso sa anak. "Ginawa ko lahat
para pamilyang ito pero ganito pa ang gagawin mo sa'kin? Pareho kayo ni Mattinie.
Matitigas ang ulo nyo!!!!!!!!!!!!!!" galit na galit na sigaw ng matanda.

Nagulat si Martinie sa pagsigaw ng nanay nya. Kasunod nito ang pagkabalisa nya ng
may marinig syang isang boses ng babae.

Magtago ka na! Dahil mahahanap kita!

Tumatawa din ang babae. Inikot ni Martinie ang mata sa paligid para tingnan kung
saan nanggagaling ang naririnig nya.

Huminga ng malalim ang kanyang nanay. "Nakakaamoy ako ng paparating na kaluluwa."


Tumalikod ito at pumasok sa kusina.

Tinawagan agad ni Martinie si Quinn para sabihin ang nangyari.

+639558723489 calling...
"May tumatawag," mahinang sabi ni Quinn kay Cooper. Kasalukuyan silang nasa kotse
ni Cooper at nag-iisip ng susunod na gagawin.

"Sagutin mo." Malumanay na sagot ni Cooper.

"Hello." Nanghihinang sagot ni Quinn.

"Quinn, naniniwala na ako. Hindi na nga sya si nanay." Natatarantang sabi ni


Martinie.

"Martinie?" hindi sigurado ni Quinn kung si Martinie yung tumatawag at paano nakuha
yung number nya. "Paano mo nalaman - "

"Ako yung nurse mo kaya alam

ko ang number mo. Pero hindi yan ang dapat nating pag-usapan." Nagbuntong-hininga
muna sya. "Binasa ko yung sumpa." Sinabi nya ng mabilis.
"Binasa? A- ano?" nagulat si Quinn sa sinabi ni Martinie kaya iniloud speaker nya
ang cellphone nya para marinig din ni Cooper ang sinasabi nito.

"Oo. Akala ko kasi tatanggalan nya ng bisa yung dasal kapag binasa ko sya. Akala ko
magbabago isip nya dahil anak nya ko. Pe - pero nagalit lang sya." Bigla syang
tumahimik.

"Pero Martinie, isa lang ang paraan para mawala ang sumpa." Nakisali na si Cooper
sa usapan. "Yun ay ang mamatay ang bumubuhay dito."

Hindi alam ni Martinie ang gagawin pero alam na nya na yun lang ang tanging paraan.
Mabilis syang pumasok sa kusina ngunit laking gulat nya na wala dun ang nanay nya.
Tiningnan nya din ang kwarto nila pero wala din ito dun. Lumabas sya at umikot sa
bahay pero ni anino ng nanay nya ay hindi nya nakita.

"Martinie. Martinie are you still there?" pagtatanong ni Quinn mula sa kabilang
linya.

"Wala si nanay dito. Hindi ko alam kung paano sya nakaalis agad-agad pero hindi
maganda ang kutob ko. Mag-iingat kayo." Nanginginig na sabi ni Martinie. "Mabuti pa
magkita tayo."
"Sige. Intayin mo kami dyan. Pupuntahan ka namin." Mabilis na sagot ni Cooper at
pinaandar na ang kotse nya.

Dumating sina Cooper. Pagkakita palang ni Martinie

sa sasakyan ay pumasok agad ito sa loob.

"Hanapin natin si nanay." Bungad nito sa dalawa.

"Martinie salamat." Sabi ni Quinn.

"Wag ka munang magpasalamat Quinn. Mamamatay pa din tayo kung hindi natin 'to
magagawan ng paraan." Seryosong sabi ni Martinie.

Nag-ikot ikot sila sa lugar nila pero hindi nila nakita ang matanda.

"Imposible namang makalayo agad sya at hindi maabutan kung ganun ang kalagayan
nya." Sabi ni Quinn na nakatingin sa labas.
"Mabuti pa tumingin tayo sa ibang lugar." Sabi ni Cooper.

Papalabas sila sa lugar nila Martinie ng biglang may sumulpot na malaking truck sa
unahan nila. Mabuti na lang mabagal ang takbo nila kaya hindi ganun kalakas ang
pagbangga nila dito.

"Ayos lang ba kayo?" tanong ni Cooper at tiningnan sina Quinn at Martinie na


nakahawak sa ulo nila.

"Ayos lang." sabay na sabi ni Martinie at Quinn.

Sinubukang paandarin ni Cooper ang kotse pero ayaw na nitong magstart. "Sh*t! Bakit
ngayon pa!" hinampas nya ang manibela.

Umalis ang truck sa unahan nila na parang walang nangyari.

"Nay!" sigaw ni Martinie na nakatingin sa unahan. Napatingin din sila Cooper at


Quinn pero wala naman silang nakita.
Nagmadaling bumaba si Martinie at nanakbo sa direksyong tinitingnan nya.

"Martinie!" sigaw ni Quinn na bumaba kasabay ni Cooper. Sinundan nila ang


tumatakbong babae.

"Nakita ko si nanay. Nakatayo

sya dito at nakatingin sa'tin." Nanginginig na paliwanag ni Martinie habang


tumitingin sa paligid.

"Ayun!" muling sigaw ni Martinie. Sabay-sabay naman silang tumatakbo ng biglang


bumagsak sa harapan nila ang isang billboard.

"Sorry po!" sigaw nung mga lalaki sa itaas na nag-aayos.

"Muntik nyo na kaming mapatay mga siraulo!" sigaw ni Cooper na nakatingin sa itaas.

"Mamatay?" bulong ni Quinn. "Kanina nabangga tayo ngayo naman muntik na tayong
mabagsakan ng billboard. Hindi kaya - " tiningnan nya sina Martinie at Cooper.
"Wag ka na munang mag-isip ng mga ganyan." Sabi ni Cooper at hinigit ang dalaga.

Sabay-sabay silang napatingin sa isang direksyon kung saan nakatayo at nakatalikod


sa kanila ang nanay ni Martinie. Mabilis silang tumakbo para sundan ang matanda.
Nakita nila itong pumasok sa isang abandonadong bahay.

Tumigil sila sa harap ng bahay. Pinagmasdan nila ang isang malaki ngunit bulok na
bahay na kahit anong oras ay tila guguho. Meron itong halos limang palapag.

"Ano namang gagawin nya dyan?" tanong ni Quinn na bumitaw sa pagkakahawak ni


Cooper.

"Nag-iintay ng oras na mamatay tayo at makuha yung kaluluwa natin. Naisip nya
sigurong alam na natin ang lahat at iniintay nya lang na may mangyari sa'tin tsaka
ulit lalabas." Hindi pa man tapos si Cooper magsalita ay pumasok si Martinie sa
loob.

Sumunod din naman agad sina Quinn at Cooper. May kadiliman sa loob at may
kalakihan.
"Paano

naman natin sya mahahanap dito eh masyadong malaki 'tong bahay." Bulong ni Quinn
habang hinahawi ang mga agiw sa daanan nila.

"Mabuti pa maghiwa-hiwalay tayong tatlo." Suhesyon ni Cooper na ikinagulat ng


dalawang babae. "Magtawagan na lang tayo. Isilent nyo din yung phones nyo para
hindi nya tayo marinig." Lumapit sya kay Quinn at tinignan ito. "Mag-iingat ka."
Umalis na ito at umakyat sa itaas.

Naghiwalay din naman sina Martinie at Quinn. Tiningnan ni Quinn ang kusina at ilang
kwarto sa baba samantala sa kanang bahagi naman ng bahay naghanap si Martinie. Sa
itaas naman naghanap si Cooper. Isa-isa nyang binuksan ang mga kwarto dun. Nasa
huling kwarto na si Cooper sa ikalimang palapag ng pagharap nya sa pintuan ay
nakita nyang nakatayo dun ang nanay ni Martinie.

Biglang nakarinig si Cooper ng boses ng isang babae kung saan-saang direksyon


habang papalapit ang matanda sa kanya. Nagulat sya sa kakaibang ngiti ng matanda.
Pero mas nagulat sya ng makita ang isang babaeng nakaputi sa likuran ng matanda.
Nakayuko lang ito.

Patuloy pa din ang mga boses na naririnig ni Cooper. Sinubukan nyang magsalita pero
hindi nya magawa. Laking gulat nya ng biglang tumingin ang babaeng nakaputi sa
kanya. Hindi sya makagalaw. Nanigas ang kanyang mga daliri pati na rin ang kanyang
mga binti.
Ramdam na ramdam ni Cooper ang sakit sa buo nyang katawan. Sinubukan nyang iikot
ang mata nya sa paligid ng biglang nawala ang babaeng nakaputi at naiwan ang
matanda. Tinginan si Cooper

ng masama ng matanda. Naramdaman ni Cooper na may malamig na nakahawak sa leeg nya


pero hindi nya alam kung ano iyon.

Akala ni Cooper katapusan na nya ng biglang matumba ang matanda. Nakita nya si
Quinn na may hawak na kahoy. Hinampas nya ang matanda mula sa likuran nito.
Nakagalaw naman si Cooper at napaluhod ito.

Mabilis na lumapit si Quinn kay Cooper at inalalayan itong tumayo. "Ayos ka lang
ba?" nag-aalalang tanong ni Quinn.

"Quinn - " nakatingin si Cooper sa pwesto kung saan bumagsak ang matanda. Laking
gulat nila ng makitang wala ang katawan ng matanda dun.

Nabigla sya nang pagharap nila ay nakatayo na dun ang matandang babae. Dahan-dahan
silang umaatras ni Cooper. Tinitigan ng matanda si Quinn. Biglang nanigas ang buo
nyang katawan at nabitawan nya si Cooper.

"Gusto mong mauna ha." Nakangising sabi ng nanay ni Martinie.


Sa isang iglap biglang umikot ang braso ni Quinn papunta sa likuran. Sumigaw ng
malakas si Quinn dahil sa sakit at hindi nya mapigilang umiyak.

Tumawa ng tumawa ang matanda habang pinagmamasdan si Quinn.

"Nay tama na." Malumanay na sabi ni Martinie mula sa likuran ng matanda. Napatigil
sa pagtawa ang nanay nya at tumingin sa kanya.

Napaupo naman si Quinn at lumapit agad kay Cooper habang hawak-hawak ang braso nya.

"Nay ako na lang. Handa kong ibigay ang kaluluwa ko sa inyo para mabuhay lang

ako. Ayokong mawala kayo. Nawala na nga si Mattinie, hindi ko kakayanin kung
mawawala din kayo." Umiiyak na sabi ni Martinie.

"Hindi sya ang nanay mo Martinie!" sigaw ni Quinn pero hindi sya pinakinggan ng
dalaga.

Nawala ang panlilisik ng mata ng matanda. Nilapitan sya ni Martinie at biglang


niyakap. Hindi agad nakagalaw ang matanda dahil sa pagkakayap na iyon ng anak.
"Mahal na mahal kita nay. Lahat gagawin ko para sa ikakabuti mo - sa ikakabuti
nating lahat. Patawad nay." Umiiyak na sabi ni Martinie habang nakayakap sa kanyang
nanay.

Hindi makapaniwala sila Cooper at Quinn sa sinabi at ginawa ni Martinie. Sinubukan


nilang tumayo para tumakas ng makita nilang may mga dugong lumabas sa bibig ng
matanda.

"A - anak - " sabi ng matanda habang bumitaw sa pagkakayap ni Martinie. Nakita nya
ang isang basag na salamin na nakatusok sa tyan nya na halos tumagos sa kanyang
likuran.

"Patawad nay," umiiyak na sabi ni Martinie na gustong hawakan ang nanay nya.

"Salamat anak." Ngumiti ang matanda at bumagsak sa sahig.

Hindi naman nagsayang ng oras si Martinie at tinulungan nya sina Quinn at Cooper na
tumayo. Lumabas sila ng kwarto.
"Salamat MArtinie." Sabi ni Quinn pero hindi sumagot ang dalaga.

Mahirap sa kanya ang ginawang pagpatay sa sarili nyang nanay pero inisip nyang
hindi nya nanay

ang kaharap nya kanina. Habang iniisip ni Martinie ang ginawa nya ay hindi nya
napigilang umiyak. Napatigil sya at napasandal habang umiiyak. "Patawad - patawarin
nyo po ako."

Hindi makapagsalita sina Cooper at Quinn. Hindi nila alam kung paano papagaanin ang
loob ni Martinie. Habang umiiyak si Martinie napatingin sya sa likuran nila Quinn.
Napatigil sya sa pag-iyak at mabilis tumayo.

"Kaya nyo bang kumilos ng mabilis?" takot na takot na tanong ni Martinie.

Sinubukan nilang maglakad ng mabilis pero dahil sa kondisyon ni Quinn at Cooper


hindi sila makatakbo ng mabilis. Sabay-sabay silang tatlo na nakarinig ng isang
babaeng nagsasalita.

Magtago na kayo. Nandito na ako. Bibilang akong ng tatlo.

Tumatawa ang babae. Nagmadali sila ng makita nila ang babae na umaakyat ng
hagdanan. Mabilis silang pumasok sa isang kwarto at isinara ang pintuan. Nakita
nilang may veranda at sumilip sila dito. Laking gulat nila ng makita nasa ikalimang
palapag pala sila. Hindi nila kayang tumalon mula dun.

Nakarinig sila ng isang malakas na tunog sa labas. Bumalik sila sa loob ng kwarto
at itinulak ang isang mesa para iharang sa pintuan. Sabay-sabay silang nagulat ng
makita ang duguang nanay ni Martinie sa loob ng kwarto.

"Bu - buhay ka pa?" gulat na tanong ni Martinie.

"Ano ng gagawin natin?" Nanginginig na paliwanag ni Quinn.

Tumawa ang

matanda. "Sabay-sabay na kayong mamamatay!" sigaw nito.

Nagmadali nilang itinulak ang mesa at sinubukang buksan ang pintuan pero hindi nila
ito mabuksan.
Nakita nilang nakalutang ang mga paa ng matanda na lalong nagpatakot sa kanila.
Halos hindi sila makagalaw. Unti-unting hinugot ng matanda ang nakabaong basag na
salamin sa tyan nya at dinilaan ito hanggang sa mahati ang dila nya sa dalawa.

Inihagis ng matanda ang basag na salamin sa kanilang tatlo. Tatama sana ito kay
Quinn ng humarang si Cooper at tinamaan sya sa dibdib.

"Cooper!" umiiyak na sigaw ni Quinn habang nakahawak ang isa nyang kamay sa
kaibigan.

Ilang sandali pa ay tumalsik ang upuan papalapit sa kanilang tatlo at nagkahiwa-


hiwalay ito sa pagtama sa kanila.

Tumatawa lang ang matanda sa nakikita. Handa na silang mamatay sa mga oras na iyon
ng hawakan ni Cooper si Quinn. "Kung may mabubuhay dito - hindi ako yun."
Nahihirapan syang huminga. "At lalong hindi ang matandang yan." Sinubukang tumayo
ni Cooper. "Alagaan mo ang sarili mo." Naglalakad sya papalapit sa matanda.

"Gusto mong mauna? Gusto mo akong saktan? Sige - pagbibigyan kita." Malamig na sabi
ng matanda.

"Cooper wag." Nangingnig na sabi ni Quinn. Niyakap naman sya ni Martinie habang
nakaupo sila sa sahig.
Nakangiti ang matanda habang pinagmamasdan si Cooper na papalapit sa kanya. "Sige
lang. Lumapit ka kay kamatayan." Sabi ng matanda. Ngunit laking gulat nya ng
magmadaling tumakbo si

Cooper papalapit sa kanya at nikayap sya ng mahigpit.

"Sasaksakin mo din ba ako?" nakangiting sabi ng matanda ng maramdaman nyang dire-


diretso si Cooper sa may veranda. Bago pa man makakilos ang matanda ay nahulog na
sila ni Cooper pababa.

"Cooper!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" sigaw ni Quinn. Gulat na gulat sila ni Martinie sa


nakita. Nagmadali silang pumunta sa veranda para tingnan sila Cooper.

Nakita nilang nakahiga ang matanda sa kalsada habang nasa ibaba naman nya si
Cooper. Ilang sandali pa ay kusang bumukas ang pintuan. Nagmadali silang bumaba
para makita sina Cooper.

Iniangat ni Martinie si Cooper at napahiga ito sa tabihan ng matanda. Nakita nyang


nakapikit ang matanda na parang nakangiti. Isang pagkamatay na tila matagal ng
hinihintay ng matanda na mangyari sa kanya.

"Nay," umiyak si Martinie sa tabihan ng matanda.


"Cooper," naramdaman ni Quinn na may pulso pa si Cooper kaya tumawag sya agad ng
ambulansya.

Hindi pa din nagkakamalay si Cooper ng dumating ang ambulansya. Papasakay na sa


ambulansya ang dalawang dalaga ng mapatigil si Martinie. Nakita nya ang kapatid na
nakangiti katabi nito ang kanyang nanay na maaliwalas ang mukha. Ngumiti ang dalawa
kay Martinie at kumaway. Hindi naman mapigilan ni Martinie ang umiyak dahil sa
pagkawala ng dalawang taong importante sa buhay nya.

Habang umiiyak sya nagulat sya sa biglaang pag-iyak ni Quinn. "Anong problema
Quinn?" pag-aalang tanong ni Martinie.

Nakita nyang nakatingin si Quinn sa bintana ng ambulansya at nakahawak sa kanyang


mukha. "Ito ang unang pagkakataong makita ko ang sarili kong mukha sa salamin."
Tumingin si Quinn kay Martinie. "Ako na 'to. Ako na 'to. Hindi ko na nakikita ang
kapatid mo sa salamin." Niyakap nya si Martinie sa sobrang saya. Napangiti din
naman si Martinie sa narinig.

------------------------- THE END! ---------------------------------

You might also like