Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Banghay-Aralin sa Filipino sa Piling Larang (Akademik)

I. Layunin:

1. Naipapaliwanag ang kahulugan ng lakbay-sanaysay.


2. Naiisa-isa ang mga dapat isaalang-alang sa paggawa ng lakbay-sanaysay.
3. Nakabubuo ng isang lakbay sanaysay.

II. Nilalaman

Paksa: Lakbay-sanaysay
Sanggunian: https://www.youtube.com/watch?v=PLoFHVM1Jq4
https://www.youtube.com/watch?v=U-m4ujMOk3E
Kagamitan: aklat, laptop, projector, chalk at chalk board, manila paper, pentel pen

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtatala ng mga lumiban
4. Pagbabalik-aral
1. Ano ang talumpati?

2.

B. Pagganyak:

1. Pagpapanood ng videoclip. Maaring buksan ang link sa ibaba.

https://www.youtube.com/watch?v=0rNr_qnoPQ4 – Tara Na Byahe Tayo Regine Velasquez

https://www.youtube.com/watch?v=PLoFHVM1Jq4 - Visit Philippines, Regine Velasquez

https://www.youtube.com/watch?v=W3DajvJqau4 - Halika Na Sa Nueva Ecija by Allen & Redstilo

https://www.youtube.com/watch?v=z9PS7DFCIVc - O Kay Ganda ng Nueva Ecija

2. Pagsagot sa mga tanong tungkol sa napanood na video:

1. Ano-anong mga lugar ang binanggit sa video?

2. Alin sa mga lugar na ipinakita sa video ang narating mo na? Ano ang masasabi mo sa lugar na
iyong napuntahan na?
3. Sa mga lugar na ipinakita, alin sa mga ito ang nais mo pang marating? Bakit?
4. Kung mabibigyan ka ng pagkakataon na marating ang lugar na iyon, sino ang gusto mong
makasama?
5. Alin sa mga napanuod ninyo ang nakapukaw sa inyong interes? Bakit? Kung kayo ay mabibigyan ng
pagkakataon na makarating sa lugar na iyon, ano kaya ang maaari mong maisulat tungkol dito?

C. Paglalahad ng layunin at paksa ng aralin

Ipapakita at ipaliliwanag ng guro ang mga layunin at paksa ng aralin.

1. Naipapaliwanag ang kahulugan ng lakbay-sanaysay.


2. Naiisa-isa ang mga dapat isaalang-alang sa paggawa ng lakbay-sanaysay.
3. Nakabubuo ng isang lakbay sanaysay.

Ang paksa ng aralin ay tungkol sa Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay.


D. KWL Chart (Know, Want to Know, Learned)
Papangkatin ang mag-aaral sa tatlo at pasagutan ang una at ikalawang kolum ng tsart. Pagkatapos ay
ipaskil sa pisara ang kanilang naging awtput.

Ano ang alam ko? Ano ang nais kong Ano ang aking
malaman? nalaman/natutuhan?

E. Pagbasa/Panonood

Minsan, dumarating ang pagkakataon na gustong-gusto nating isulat ang mga bagay na ating
nakikita o lugar na ating napupuntahan dahil tila rito natin nailalabas ang ating mga saloobin,
hanggang sa di natin namamalayan na nakabubuo na tayo ng isang sanaysay.
Ano ang maaari mong itawag sa sanaysay na ito? Panoorin ang video clip na ito upang
malaman ninyo kung tama ang inyong mga naging kasagutan.

Buksan ang link.na:


https://www.youtube.com/watch?v=U-m4ujMOk3E

F. Pagpapayaman ng Talasalitaan

Hanapin ang kahulugan ng sinalungguhitang salita sa loob ng pangungusap.

1. Sa kanyang destinasyon sa ibang bansa, di malayong magiging mabuti ang kanyang


patutunguhan.
2. Ang lakbay-sanaysay ay isang uri ng akademikong sulatin na nangangailangan ng masusing pag-
aaral.
3. Ugali na ng mga Pilipino na asikasuhing mabuti ang dumarating na mga panauhin sapagkat
bahagi na ito ng kanilang kultura.
4. Sa paglalakbay ay maraming bagay ang maaaring madiskubre higit pa sa mga matutuklasan
lamang sa pagbabasa at pananaliksik.
5. Hindi ko maintindihan ang matatalinghagang salitang nakapaloob sa tulang aking nabasa ngunit
sabi ng aking guro ito raw ay mga tayutay.

G. Pag-unawa sa binasa
Ipaliwanag
1. Ano ang kahulugan ng lakbay sanaysay?
2. Ano-ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng lakbay-sanaysay?
3. Paano naiiba ang lakbay-sanaysay sa iba pang sulatin? Magbigay ng halimbawa.
4. May isang pilontropo na magbibigay ng pagkakataon sa iyo upang makapaglakbay ng libre sa
buong Pilipinas, ngunit bilang kapalit ay hinilingan ka niya na makabuo ng isang magandang
lakbay sanaysay, alin sa mga pupuntahan mo ang iyong isusulat? Bakit?

H. Pangkatang Gawain

1. Hahatin sa tatlong grupo ang klase, sila ay bibigyan ng limang minuto upang ibahagi sa bawat
miyembro ng kanilang pangkat ang mga lugar na kanilang napuntahan at kung anong kultura,
pagkain at magagandang destinasyon ang makikita rito.

2. Gawing malikhain ang gagawing pag-uulat ng bawat pangkat.


Halimbawa: Pagkukuwento
Pagbabalita
Pag-awit
Pagtula
1. Hatiin sa tatlong grupo ang klase. Bawat pangkat ay hahanap sa youtube ng tatlong minutong
dokumentasyon na nadukumentaryo ng mga kilalang personalidad tulad nina Kara David, Jessica
Soho, Korina Sanchez at iba pa. (Ang panonoood ay maaari ring napanood na ng mga mag-aaral
bago pa ang pagtalakay)

2. Bawat pangkat ay maglalahad ng kanilang napanood sa pamamagitan ng iba’t ibang


pamamaraan.

Pangkat 1: Pagbabalita
Pangkat 2: Dugtungang Pagkukuwento
Pangkat 3: Imaginary travelogue

a.3. Matapos ang 3 minutong paglalahad ng bawat pangkat, pasulatin sila ng isang lakbay sanaysay
tungkol sa mga lugar na paborito nilang puntahan at balik-balikan.

a.4. Presentasyon ng bawat pangkat sa nabuong lakbay sanaysay. Susuriin ng ibang pangkat ang
presentasyon upang makita kung nasunod ba ng pangkat na nagpamalas ang mga dapat na
isaalang-alang sa pagsulat ng isang lakbay sanaysay tulad ng pagiging malikhain, may saliksik at
kung naipadarama ba ng may-akda sa kanyang mambabasa ang kanyang nararamdaman.

I. Paglalahat
Balikang muli ang KWL Chart at pasagutan ang ikatlong kolum pagkatapos ay ipapaskil ng bawat
pangkat ang kani-kanilang KWL chart at ilalahad ng lider ng pangkat ang naging resulta ng kanilang
natutuhan.

J. Paglalapat
Pagsulat sa journal
Pagbuo ng Repleksyon

1. Pagupitin ang mag-aaral ng iba’t ibang larawan ng mga magagandang tanawin mula sa magasin o
diyaryo na ipinadala sa kanila.Ipadikit ang mga ito sa isang manila paper at pagkatapos ay pabuuin
sila ng collage na magagamit sa pagsulat ng isang lakbay-sanaysay.

2. Presentasyon ng nabuong awtput.

IV. Pagtataya

Bumuo ng isang maikling lakbay-sanaysay na may kaugnayan sa isang lugar na nakapag-iwan sa iyo ng
matinding saya, lungkot o takot.

Pamantayan sa pagmamarka:

1 2 3 4 5
Hindi natugunan Hindi buong Natugunan Lumampas pa Sobra pang
natugunan nang kaunti sa natugunan
inaasahan
Nilalaman o Limitado sa Hindi malinaw. May ugnayan ang May pokus Malinaw
detalye datos, walang Maraming dapat mga ideya
tema sagutin
Organisasyon Magulo ang Di malinaw at Maayos at malinaw May malakas na Malakas ang
pagkasulat walang pokus simula, gitna at simula, gitna at
wakas wakas at malinaw
ang pokus

Bokabularyo Di-angkop ang Di-konsistent sa Nakakukuha ng Makabuluhan Mabisa at angkop


ginamit na mga gamit ng salita atensyon ang mga ang mga ginamit ang mga salitang
salita salitang ginamit na salita ginamit

11 – 15 Napakahusay!
6 – 10 Mahusay!
1–5 Konting praktis pa!

You might also like