Aktibong Pagkamamamayan - 10

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

University of Luzon

COLLEGE OF EDUCATION LABORATORY SCHOOL


Dagupan City

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10


Isinulat ni: Gabriel Torio Fernandez

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang mga batayan ng pagkamamamayang Pilipino;
b. Nasasabi kung sino ang mga mamamayan ng bansa; at
c. Napahahalagahan ang pagkamamamayang Pilipino.
.
II. PAKSANG ARALIN
Paksa: Kahalagahan ng Aktibong Pagkamamamayan.
Kagamitan: Laptop, Phone, and Projector.
Sanggunian: Araling Panlipunan 10-Ikaapat na Markahan-Modyul 1.

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
Pagbati
‘’Magandang umaga aking mga mag- ‘’Magandang umaga rin po, Guro.’’
aaral.’’

‘’Ako si Teacher Gabriel Fernandez ang


inyong magiging gabay-guro sa Araling
panlipunan 10. Partikular na sa
Kontemporearyong isyu. ‘’

‘’Kumusta ang inyong araw?’’ ‘’Maayos naman po,Guro.‘’

Mabuti naman kung ganun, klase.

Panalangin
‘’Bago tayo magsimula, tayo muna ay
tumayo upang hingin ang biyaya ng
poong Maykapal sa pamamagitan ng
pagdarasal.’’

‘’(Mag-aaral), pwede mo bang ‘’Sige po Guro. Panginoon, kami po ay


pangunahan ang ating panalangin?’’ nagpapsalamat sa umagang ito. Naway

Isinulat ni: Gabriel Torio Fernandez


University of Luzon
COLLEGE OF EDUCATION LABORATORY SCHOOL
Dagupan City

sa paguumpisa ng aming klase nawa’y


pagkalooban Niyo po kami ng
Katalinuhan upang maintindihan po
namin ang itinuturo ng Guro. Gayundin
po, naway bigyan Niyo po ng kakayahan
ang aming guro na maituro ang aming
tatalakayin sa umagang ito. Iniaalay po
naming itong panalangin na ito sa
pangalan ni Hesus. Amen.’’

‘’Maraming Salamat, klase. Maaari na


kayong umupo. ‘’

Pagtala ng lumiban sa klase


‘’Sino-sino ang mga lumiban sa klase?
Class secretary, maaari mo bang isulat
sa iyong papel kung sino-sino ang mga
lumiban sa klase at ibigay sa akin ang
listahan pagkatapos ng ating talakayan.
‘’ ‘’Okay po,guro.’’

‘’Maraming Salamat!’’

B. BALIK-ARAL
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

Isinulat ni: Gabriel Torio Fernandez


University of Luzon
COLLEGE OF EDUCATION LABORATORY SCHOOL
Dagupan City

“Bagong talakayan para sa bagong araw “Ako po guro. Ang huli po nating
na ito. Sino sa inyo ang nakakatanda o natalakay sa ating aralin ay tungkol sa
makakapagsabi kung ano ang huli ibat-ibang Karapatang Pantao. Tulad ng
nating napag-aralan o natalakay sa kasaysayan ng Universal Declaration of
klaseng ito?” Human Rights at kung papaano po
nabuo ang mahalagang dokumento na
nakapaloob dito. Tinalakay rin po natin
ang ibat-ibang uri ng karapatang pantao.

“Magaling! ating tinalakay ang


kahalagahan ng pagkakabuo ng
tatlumpong artikulo sa dokumento ng
Universal Declaration Human Rights at
kung ano ang kahalagahan nito sa
bawat aspeto ng buhay ng tao.”
“Ako po guro. Nabuo po ang Universal
“May makakapagsabi ba sainyo kung Declaration of Human Rights noong
ano ang kasaysayan ng UDHR?” taong 2332 B.C.E partikular na ng
natalo po ng Babylonia ang Persiya sa
digmaan sa pamumuno ni Haring Ciro.
Dahil sa pagkapanalo ng Babylonia sa
digmaan nabigyan ng pagkakataon ang
bawat tao sa panahong iyon na
mamuhay ng malaya, makapamili ng
sariling tirahan, makapagtrabaho ng
naaayon sa kanilang kagustuhan.’’

“Tama ang iyong sinabi. Lubhang


mahalagang malaman ang kasaysayan
ng pagkakabuo ng Universal Declaration
of Human Rights sa pamamagitan ng
United Nations General Assembly noong
1946. Sapagkat dahil dito nagbunga ito
ng mahalagang dokumento na
naglalaman ng Ibat-ibang karapatang
pantao na may kaugnayan sa asperto ng
bawat buhay ng tao.”

‘’Ngayon, may makapagsasabi ba sa inyo “Ako po, guro. Tatlumpong artikulo po


kung ilan ang artikulo na nakapaloob sa ang nakapaloob sa dokumento ng
dokumento ng UDHR at saang aspeto ng UDHR. Sa dokumento rin pong ito
buhay ng tao ito nakakaapekto? nabanggit ang mga ibat-ibang
mahahalagang karapatang-pantao tulad
ng pagkakapantay pantay ng bawat tao

Isinulat ni: Gabriel Torio Fernandez


University of Luzon
COLLEGE OF EDUCATION LABORATORY SCHOOL
Dagupan City

ano man ang lahi, uri at pinanggalingan


nito. Mahalaga pong malaman ang mga
karapatang ito guro dahil ito po ay may
epekto sa ibat-ibang aspeto ng buhay ng
tao. Sapagkat ang bawat indibidwal ay
may ibat-ibang Karapatan simula ng
isilang siya sa mundong ito kaya’t
napakahalagang malaman ang aming
Karapatan upang makapamuhay kami
ng malaya ng ayon sa aming
kagustuhan.
Magaling! Bigyan natin siya ng limang
palakpak.
(Pumapalakpak ang mga Mag-aaral)

‘’Dahil sa inyong mga sagot, patunay ito


na naintindihan at naunawaan ninyo
ang huling paksa na ating tinalakay.
Mgagaling! Muli, Palakpakan ninyo ang (Pumapalakpak ang mga Mag-aaral)
inyong mga sarili!

C. INTRODUCTION
PAGGANYAK
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
‘’Ngayon, bago naman tayo dumako sa
susunod nating aralin magkakaroon
muna tayo ng biyakan ng yelo o ice
breaker upang sa gayun magsaya at
mabuhayan tayo sa klase.’’

‘’Ang ating palaro sa puntong ito ay


tinatawag na TUKLAS SALITA.’’

‘’Makikita Ninyo sa inyong screen ang


(Direksyon) Gamitin ang mga letra para
mabuo ang salita. Nakuha ba klase?’’ ‘’Opo,guro.’’

‘’Narito ang unang bilang para sa ating


Tuklas Salita.’’

DU_L CI_IZ_NSH_P (Tamang sagot: DUAL ‘’Guro, ang tinutukoy po ay DUAL


CITIZENSHIP) CITIZENSHIP.’’

Isinulat ni: Gabriel Torio Fernandez


University of Luzon
COLLEGE OF EDUCATION LABORATORY SCHOOL
Dagupan City

‘’Magaling! Narito naman ang ikalawang


bilang. Ano kaya ito?’’

‘SAL_G_NG B_T_S (Tamang sagot: ‘’Guro, ang sagot po ay SALIGANG


SALIGANG BATAS) BATAS.’’

Napakahusay! Ito ay Saligang Batas. Ang


bibilis niyo naman sumagot.’’

‘’Dumako naman tayo sa ikatlong bilang.


Ano kaya sa tingin niyo ang mga
nawawalang titik?’’

NATURALISADONG M_M_M_YAN ‘’Ako po Guro, ang nawawalang letra po


(Tamang sagot: NATURALISADONG ay tatlong A upang mabuo po ang salita,
MAMAMAYAN) Kaya ang sagot po ay
NATURALISADONG MAMAMAYAN.’’

“Tama. Ang salita ay NATURALISADONG


MAMAMAYAN. “

“Pumunta naman tayo sa ikaapat na


bilang. Ano sa tingin niyo ang salitang
ito?’’

KAT_T_BONG M_M_M_YAN (Tamang


sagot: KATUTUBONG MAMAMAYAN)
“Ang tamang sagot po guro ay
“Mahusay! Palakpan natin ang inyong KATUTUBONG MAMAMAYAN.”
kaklase.”

“Ngayon,dumako na tayo sa huling


bilang. Ano ang mga nawawalang letra
sa salita upang mabuo ang salita?”

P_GKAMAM_M_Y_AN (Tamang sagot:


PAGKAMAMAMAYAN)
“Ako po guro. Ang tamang sagot po ay
“Magaling! Palakpakan niyo ang inyong PAGKAMAMAMAYAN.”
mga sarili.”

‘’Maraming salamat sa pakikiisa niyo


klase sa ating aktibidad na tinatawag na
TUKLAS SALITA. Naway ang panglinang
na gawain na ito ay nagbigay sa inyo ng
kaalaman sa mga kahulugan ng mga

Isinulat ni: Gabriel Torio Fernandez


University of Luzon
COLLEGE OF EDUCATION LABORATORY SCHOOL
Dagupan City

salita na kalaunan ay ating madalas na


maririnig sa ating pagtatalakay. ‘’


‘’Siguro sa puntong ito mayroon na
kayong ideya kung ano ang paksa na
ating tatalakayin sa umagang ito base sa
ating ginawang panlinang na. Ano kaya
sa tingin niyo,klase?’’ ‘’Opo, guro (Lahat ng Mag-aaral)

‘’Pwede ano pa?’’ “Tungkol po sa mamamayan guro.”

‘’Pwede. Sirit naba?’’ “Tungkol po sa Citizenship guro.”

‘’Lahat ng inyong nabanggit ay kabilang “Opo, guro (Lahat ng Mag-aaral)’’


sa ating paksa. At ito ay patungkol sa
Kahalagahan ng Pagkamamamayan.

Nakuha ba klase?’’

‘’Magaling!’’ “Opo, guro (Lahat ng Mag-aaral)’’

D. PAGTATALAKAY
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
‘’Bago tayo magsimula, narito ang mga
layunin ng ating paksa sa umagang ito.
‘’

Sa pagtatapos ng aralin, ang


mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang mga
batayan ng
pagkamamamayang
Pilipino;
b. Nasasabi kung sino ang
mga mamamayan ng
bansa; at
c. Napahahalagahan ang
pagkamamamayang
“Opo, guro (Lahat ng Mag-aaral)’’
Pilipino.
“Nakuha ba, klase?”

Isinulat ni: Gabriel Torio Fernandez


University of Luzon
COLLEGE OF EDUCATION LABORATORY SCHOOL
Dagupan City

‘’Sa pagpapatuloy upang mas


maipaliwanag at maintindihan natin
ang paksa magtungo muna tayo sa mga
gabay katanungan para sa
pagtatalakay. Sa pagtatalakay
matutugunan ang mga katanungang
ito.’’

Mga gabay na tanong sa talakayan sa


klase:
1. Sino ang mamamayang Pilipino?
2. Ano-ano ang dalawang uri ng
mamamayang Pilipino?
3. Ano ang dalawang prinsipyo ng
Pagkamamamayang Pilipino ayon
sa kapanganakan?
4. Dahilan ng pagkawala ng
Pagkamamamayan?
’’Yan ang mga gabay katanungan na
ating gagamitin sa ating talakayan. At
sa panimula meron akung ipapakita sa “Mga ibat-ibang lahi po guro.”
inyong larawan.”
“Ako po,guro. Mapa ng Pilipinas at ibat-
“Ano ang inyong nakikita at napapansin ibang kultura po.”
sa larawan?”

Tama. Ano pa?

“Magaling! Tama lahat ng nabanggit


niyo. Ibat-ibang lahi ang naninirahan sa
Pilipinas, subalit hindi lahat dito ay
ganap na Pilipino. Yung iba ay
naninirahan lamang upang
magtrabaho, bisita atbp. Sa puntong
ito, papaano ba natin malalaman na
ang isang tao ay mamamayang Pilipino,
ano ang batayan ng pagka-Pilipino, O
ikaw, natitiyak mo ba na Pilipino ka?
Alamin natin! Subalit bago tayo pormal
na pumunta sa ating paksa. Meron “ipinapakita po ang ibat-ibang tao guro.”
akung ipapakitang larawan.

“Ano sa tingin niyo ang inilalarawan ng “Mapa po guro.”


imahe?”

Isinulat ni: Gabriel Torio Fernandez


University of Luzon
COLLEGE OF EDUCATION LABORATORY SCHOOL
Dagupan City

“Ano pa?”

“Mahusay! Ang mga nabanggit na salita


pag pinagsasama ito ay tumutukoy sa
mga naninirahan sa Pilipinas.”

“Naitanong niyo na ba ang inyong mga


sarili kung isa kang tunay na Pilipino o
hindi? Malalaman natin yan mayamaya
lamang kaya makinig kayong Mabuti
upang inyong maunawaan. Ang
pagkamamamayan ay
nangangahulugan na pagiging kasapi o
miyembro ng isang bansa ayon sa
itinakda ng batas. Hindi lahat ng
naninirahan sa isang bansa ay
mamamayan nito dahil may mga “Tayo po guro.”
dayuhang nakatira dito na hindi kasapi
dito.”

“Sino ang mamamayang Pilipino?”

“Ang Mamamayang Pilipino-Ayon sa


Artikulo IV, Seksyon 1 ng Saligang
Batas ng 1987, maituturing na
mamamayang Pilipino ang sumusunod:

 Mamamayan ng Pilipinas nang


pinagtibay ang Saligang Batas ng
1987 noong Pebrero 2,1987;
 Ang ama o ina ay mamamayang
Pilipino;
 Mga dayuhang nagpasiyang
maging mamamayang Pilipino
ayon sa batas ng naturalisayon.

“Ayon sa Seksyon 4 ng Saligang Batas


ng 1987. Ang isang mamamayan ng
Pilipinas na nakapag-asawa ng isang
dayuhan ay mananatiling isang Pilipino
maliban na lamang kung pinili niyang
sundin ang pagkamamamayan ng
kaniyang napangasawa.”

“Sa Republic act 9225 na nilagdaan ng


dating Pang. Gloria Arroyo noong

Isinulat ni: Gabriel Torio Fernandez


University of Luzon
COLLEGE OF EDUCATION LABORATORY SCHOOL
Dagupan City

Setyembre 17,2003, ang dating


mamamayang Pilipino na nagging
mamamayan ng ibang bansa sa
pamamagitan ng naturalisasyon ay
maaaring muling maging mamamayang
Pilipino.” Siya ay magkakaroon ng
dalawang pagkamamamayan o dual
citizenship. Kailangan lamang niya
itong aplayan sa National Statistics “Opo, guro (Lahat ng Mag-aaral)’’
Office (NS0).”

‘’Nakuha ba klase?’’

“Bago tayo dumako sa ating


pangalawang gabay katanungan, gusto
ko munang malaman kung nakikinig “Ako po, guro. Si dating Pangulong
kayo. Sino ang lumagda sa Republic Act Gloria Macapagal Arroyo.”
9225 na pumapayag na magkraoon ng
dalawang pagkamamamayan o Dual
Citizenship?

“Magaling!

“Ngayon, dumako naman tayo sa


pangalawang gabay katanungan. Ano
ang dalawang uri ng mamayang
Pilipino?”

“Alam niyo ba na merong dalawang uri


ng Pilipino. Una ay ang Likas o
Katutubong Mamamayan at ang
pangalawa ay Naturalisasayong
Mamamayan. Ang Likas o Katutubong
mamamayan ay anak ng isang Pilipino.
Maaaring isa lamang sa kaniyang mga
magulang o pareho ang Pilipino.
Samantala, ang Naturalisadong Pilipino
ay mga dating dayuhan na nagging
mamamayang Pilipino dahil sa proseso
ng naturalisayon.”

“Ang naturalisasyon ay isang legal na


paraan kung saan ang isang dayuhan
na bais maging mamamayan ng isang
bansa ay sasailalim sa isang proseso sa
korte o hukuman. Upang mas

Isinulat ni: Gabriel Torio Fernandez


University of Luzon
COLLEGE OF EDUCATION LABORATORY SCHOOL
Dagupan City

maintindihan natin ang prosesong ito,


makikita ninyo sa inyong mga screen
ang mga kwalipikasyon na
kinakailangan upang maging ganap na
Pilipino.”

 Siya ay dalawampu’t isang taong


gulang na.
a. Siya ay naninirahan sa Pilipinas
nang tuloy-tuloy sa loob ng isang
taon. (Subalit, Ito ay maaaring
maging limang taon na lamang
kung:
1. Ipinanganak siya sa
Pilipinas;
2. Nakapag-asawa siya ng
isang Pilipino;
3. Nakapagturo siya ng
dalawang taon sa pribado
o pampublikong paaralan;
at
4. Mayroon siyang bagong
industriya o Nakagawa ng
isang bagong imbensyon
sa Pilipinas.
5. Siya ay mabuting
pagkatao;
6. Naniniwala siya sa
Saligang Batas ng
Pilipinas;
7. May matatag siyang
hanapbuhay at may ari-
arian sa Pilipinas;
8. Nakapagsasalita siya ng
wikang Pilipino;
9. Tinatanggap niya ang
kulturang Pilipino;
10.Pinag-aaral niya ang mga
anak sa mga paaralang
nagtuturo ng kultura at
kasaysayan ng Pilipinas.)

“Subalit may mas higit pang mahalaga


para sa legal na proseso. Kailangan
kapag nagawaran ng pagkamamamayan
ang isang dayuihan, kailangan na

Isinulat ni: Gabriel Torio Fernandez


University of Luzon
COLLEGE OF EDUCATION LABORATORY SCHOOL
Dagupan City

niyang itakwil ang kaniyang dating “Opo, guro (Lahat ng Mag-aaral)’’


pagkamamamayan at manunumpa ng
katapatan sa ating bansa.” “Ako po, guro. Ang tawag po ay
Naturalisasyon.”
“Nakuha ba, Klase?”

“Kung nakikinig kayo, ano ang tawag sa


proseso ng isang dayuhan na gustong “Pumapalakpak (Lahat ng Mag-aaral)”
maging isang ganap na Pilipino?”

“Magaling!” Palakpakan natin ang


inyong kaklase!”

“Ngayon, dumako naman tayo sa


susunod na gabay katanungan. Meron
tayong tinatawag na dalawang prinsipyo
ng Pagkamamamayang Pilipino ayon sa
Kapanganakan.

Dalawang uri ng Kapanganakan:

a. JUS SANGUINIS- Ito ay


pagkamamamayan na naaayon sa dugo
o pagkamamamayan ng mga magulang
o isa man sa kanila.

Halimbawa: Pag ang iyong magulang ay


isang Pilipino at nanganak siya ng isang
sanggol ang kaniyang isinilang ay
automatikong magiging Pilipino.

b. JUS SOLI- Ang pagkamamamayan ay


naaayon sa lugar kaniyang
kapanganakan anuman ang
pagkamamamayan ng kaniyang mga
magulang.

Halimbawa: Sa Amerika iba ang


pagkilala nila sa pagkamamamayan.
Halimbawa, isang Pilipinong babae ang
naninirahan sa Amerika at siya ay
nanganak sa bansang iyon at magiging
pagkamamamayan niya ay “Opo, guro (Lahat ng Mag-aaral)’’
automatikong Amerikano at hindi
Pilipino.

Isinulat ni: Gabriel Torio Fernandez


University of Luzon
COLLEGE OF EDUCATION LABORATORY SCHOOL
Dagupan City

“Nakuha ba, Klase?”

Magaling!

“Sa puntong ito, dumako na tayo sa


huling gabay katanungan. Papaano nga
ba nawawala ang pagkamamayang
Pilipino?

“Ayon sa ating batas, maaaring mawala


ang pagkamamamayan sa pamamagitan
ng mga ito:

1. Naging naturalisadong mamamayan


siya ng ibang bansa.
2. Naglingkod siya sa sandatahang
lakas ng ibang-bansa.
3. Sumumpa siya ng katapatan sa
Saligang Batas ng ibang bansa pagsapit
niya ng 21 taong gulang.
4. Nagpawalang bisa siya ng
naturalisadong pagkamamamayang
Pilipono.
5. Napatunayan siyang tumakas sa
hukbong sandatahan ng ating bansa at
kumampi sa kaaway sa panahon ng
digmaan.
6. Itinakwil niya ang kaniyang
pagkamamamayan at nag angkin ng “Opo, guro (Lahat ng Mag-aaral)’’
pagkamamamayan ng ibang bansa.

“Nakuha ba,klase?”
(pumapalakpak)

‘’Magaling. Palakpakan ang inyong mga


sarili’’

E. PAGLALAPAT
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
‘’Sa puntong ito, dadako naman tayo sa
ating aktibidad. Hahatiin ang klase sa
tatlong grupo. Panuto: Punan ng mga
salita ang bawat hugis na nasa cluster
map at ipaliwanag batay sa inyong

Isinulat ni: Gabriel Torio Fernandez


University of Luzon
COLLEGE OF EDUCATION LABORATORY SCHOOL
Dagupan City

naintindihan sa ating talakayan.’’

‘’Bibigyan ko kayo ng sampung minuto


para mag-isip. Pagkaraan ng sampung
minuto ipapaliwanag ng bawat grupo
ang kanilang naisip. magkakaroon ng
isang representante ang bawat grupo
para ipaliwanag ang kanilang naisip.’’

‘’Nakuha ba,klase?’’ ‘’Opo, guro’’

Times up!

‘’Handa naba ang bawat grupo para


ipresenta ang kanilang naisip? ‘’Opo,guro’’

Magaling.

‘’Sinong grupo ang gustong unang


magpresenta?’’ ‘’Kami po,guro. (Group 3)’’

‘’Magaling. Bigyan natin ng palakpak ang


ikatlong grupo para sa kanilang ideya.’’ “Pumapalakpak (Lahat ng Mag-aaral)”

‘’Sunod naman ang ikalawang grupo. ‘’ Opo, guro

‘’Napakahusay ng inyong ginawa.’’

‘’Palakpakan natin ang ikalawang grupo


para sa kanilang ipinresenta.’’

‘’Punta naman tayo sa ikatlong grupo.’’ ‘’Handa napo, guro’’

‘’Palakpakan natin ang panghuling grupo


para sa napakahusay na “Pumapalakpak (Lahat ng Mag-aaral)”
pagpapaliwanag ng kanilang ideya.’’

‘’Nagagalak ako dahil tunay niyong


naunawaan ang ating paksa sa umagang
ito. Muli, Palakpakan ang inyong mga
sarili.’’

F. PAGLALAHAT

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

Isinulat ni: Gabriel Torio Fernandez


University of Luzon
COLLEGE OF EDUCATION LABORATORY SCHOOL
Dagupan City

‘’Upang hindi niyo makalimutan at


inyong mas maunawaan ang naging
aralin natin sa umagang ito balikan
natin ang ilan sa mga ito. ‘’

‘’Muli, Sino ang mamamayang Pilipino? ‘’Guro, Base po saaking naunawaan sa


ating aralin ngayong umaga, Ang
Mamamayang Pilipino-Ayon sa Artikulo
IV, Seksyon 1 ng Saligang Batas ng
1987, maituturing na mamamayang
Pilipino ang sumusunod: Ang ama o ina
ay mamamayang Pilipino.

‘’Mahusay. Bigyan natin siya ng tatlong “Pumapalakpak (Lahat ng Mag-aaral)”


palakpak.’’

’Pangalawang tanong, Ano-ano ang “Ako po,guro. Ang dalawang uri po


dalawang uri ng mamamayang Pilipino? mamamayang Pilipino ay ang Likas na
pagkamamamayan at Naturalisasyong
pagkamamamayan.”

‘’Mahusay! BIgyan natin siya ng tatlong


palakpak.’’
‘’Sunod na tanong. Ano ang dalawang
prinsipyo ng Pagkamamamayang Pilipino “Ang dalawang prinsipyo po ng
ayon sa kapanganakan? pagkamamamayang Pilipino ayon sa
kapanganakan ay ang JOS SOLI at JUS
SANGUINIS po,guro.’’
Mahusay!

“Sino naman ang makapagbibigay ng


ibig sabihin ng JOS SOLI at JUS
SANGUINIS?” “Ang ibig sabihin po ng Jos Soli guro ay
ang pagkamamamayan ay naaayon sa
lugar kaniyang kapanganakan anuman
ang pagkamamamayan at ang Jos
Sanguinis naman po ay tumutukoy sa
pagkamamamayan na naaayon sa dugo
o pagkamamamayan ng mga magulang o
isa man sa kanila.
“Magaling! Palakpakan natin ang inyong
kaklase!”

“Ngayon, dumako naman tayo sa


panghuling paglalahat. Ano ang dahilan “Ang isa po guro ay kung naging
ng pagkawala ng Pagkamamamayan? naturalisadong mamamayan siya ng

Isinulat ni: Gabriel Torio Fernandez


University of Luzon
COLLEGE OF EDUCATION LABORATORY SCHOOL
Dagupan City

ibang bansa.”
Magaling! Ano pa?
“Kung sumumpa siya ng katapatan sa
Saligang Batas ng ibang bansa pagsapit
niya ng 21 taong gulang.”
Napakagaling! Palakpakan ninyo ang
inyong mga sarili.

‘’Sa pagtatapos ng ating paksa sa


umagang ito, naway nagkaroon kayo ng
malalim na ideya sa paksang
pagkamamamayan, konsepto at proseso
kung papaano maging isang ganap na
Pilipino. Ngayon, nasisiguro ko na alam
mo na kung isa kang ganap o tunay na
Pilipino.’’

Nakuha ba,klase?
“Opo, guro.”
“Maraming Salamat,klase. Diyan na
nagtatapos ang ating makabuluhang “Maraming salamat rin po, guro.
aralin sa umagang ito!”

IV. EBALWASYON

Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang
titik ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.
______1. Ito ay ang mga dating dayuhan na naging mamamayang Pilipino
dahil sa proseso ng naturalisasyon.
a) Dual Citizenship
b) Naturalisasyon
c) Naturalisadong mamamayan (Tamang Sagot)
d) Pagkamamamayan
______2. Kasulatan kung saan nakasaad ang pagkamamamayang Pilipino.
a) Saligang Batas (Tamang Sagot)
b) National Statistics Office
c) Republict Act 9225
d) Naturalisasyon
______3. Pagkamamamayan batay sa lugar ng kapanganakan.

Isinulat ni: Gabriel Torio Fernandez


University of Luzon
COLLEGE OF EDUCATION LABORATORY SCHOOL
Dagupan City

a) Jus Soli (Tamang Sagot)


b) Jus Sanguinis
c) Pagkamamamayanaaaaaa
d) Naturalisadong mamamayan
______4. Proseso ng pagiging mamamayan ng isang dayuhan ayon sa batas
a) Naturalisasyon (Tamang Sagot)
b) Dual Citizenship
c) Pagkamamamayan
d) Katutubong mamamayan
______5. Ito ay anak ng isang Pilipino. Maaring isa lamang sa kaniyang mga
magulang ang Pilipino o parehong Pilipino.
a) Jus Soli
b) Jus Sanguinis
c) Naturalisasyon
d) Katutubong Mamamayan (Tamang Sagot)
______6. Kagawaran ng pamahalaan na nagbibigay o nagpoproseso sa
pagkamamamayang Pilipino.
a) Saligang Batas
b) R.A 9225
c) National Statistics Office (Tamang Sagot)
d) Naturalisasyon
______7. Ang batas na ito ay nagsabi na ang dating mamamayang Pilipino na
nagging mamamayan ng ibang bansa ay maaaring muling maging
mamamayang Pilipino.
a) R.A 9225 (Tamang Sagot)
b) R.A 5252
c) R.A 9522
d) R.A 9222
______8. Nangangahulugan ng pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa
ayon sa itinakda ng batas.
a) Dual Citizenship
b) Jus Soli
c) Jus Sanguinis
d) Pagkamamamayan (Tamang Sagot)

Isinulat ni: Gabriel Torio Fernandez


University of Luzon
COLLEGE OF EDUCATION LABORATORY SCHOOL
Dagupan City

______9. Tumutukoy ito sa dalawa ang pagkamamamayan nito.


a) Jus Soli
b) Jus Sanguinis
c) Dual Citizenship (Tamang Sagot)
d) Naturalisasyon
______10. Ang pagkamamamayan ayon sa pagkamamamayan o dugo ng
magulang.
a) Jus Soli
b) Jus Sanguinis (Tamang Sagot)
c) Dual Citizenship
d) Saligang Batas

V. KASUNDUAN

Panuto: Gumawa ng isang islogan sa bond paper tungkol sa pagpapahalaga


mo sa iyong pagkamamamayang Pilipino. (20 Puntos)

RUBRIK SA PAGGAWA NG ISLOGAN


PAMANTAYAN PUNTOS NAKUHANG
PUNTOS

Ang mensahe sa pagpapahalaga 10


ay mabisang naipakita

Napakaganda at malinaw ang 5


disensyo

Naipawalinag ng maayos ang 5


kaugnayan ng mga salitang
ginamit sa islogan

KABUUAN 20

Isinulat ni: Gabriel Torio Fernandez


University of Luzon
COLLEGE OF EDUCATION LABORATORY SCHOOL
Dagupan City

___________________ _________________
Gabriel T. Fernandez Cherrrylyn Cereno
Student Teacher Critique Teacher

__________________
Petrona M. Agcaoili
Supervising Instructor

Isinulat ni: Gabriel Torio Fernandez

You might also like