Professional Documents
Culture Documents
Bing.x Project
Bing.x Project
Bing.x Project
BOHOL
GRADE: 6- FAVOR
THE 17 PRESIDENTS OF THE PHILIPPINES
1. EMELIO AGUINALDO (1869–1964)
TERM: January 23, 1899 – March 23,
1901 (2 years, 59 days)
Vice President: None
Election: 1899
Era: First Republic
Party: None
Talambuhay
Si Emilio Aguinaldo (Emilio Famy Aguinaldo, Sr) ay isang rebolusyonaryong
Filipino, politiko, at isang lider ng militar na kinikilala bilang opisyal na unang Pangulo ng
Pilipinas (1899-1901) at unang presidente ng isang konstitusyunal na republika sa Asya.
Pinamunuan niya ang pwersa ng Pilipinas sa unang laban sa Espanya noong mga huling taon
ng Rebolusyong Pilipino (1896-1898), at pagkatapos ay sa Digmaang Espanyol-Amerikano
(1898), at sa wakas ay laban sa Estados Unidos sa panahon ng Digmaang Pilipino-
Amerikano (1899-1901). Siya ay nahuli sa Palanan, Isabela ng pwersang Amerikano noong
Marso 23, 1901, dahilan upang magtapos ang kanyang pagkapangulo.
Si Emilio Aguinaldo ay ipinanganak noong Marso 22, 1869 sa Cavite el Viejo (kilala
ngayon sa tawag na Kawit, Cavite). Ang mga magulang niya na sina Carlos Jamir Aguinaldo
at Trinidad Famy Aguinaldo ay mag-asawang mestizo Tagalog-Tsino at may kaya sa buhay.
Ang kanyang ama ay ang inatasang gobernadorcillo ng komunidad (munisipal na
gobernador) sa administrasyon ng Espanyol kolonyal. Nag-aral si Aguinaldo sa Colegio de
San Juan de Letran ngunit ay hindi niya nagawang tapusin ito dahil sa pagsiklab ng kolera
noong 1882. Si Emilio ay naging "Cabeza de Barangay" ng Binakayan, isang punong baryo
ng Cavite el Viejo noong siya ay 17 taong gulang lamang upang maiwasan ang pagiging
sapilitang kawal.
Noong 1895 ipinatupad ang Maura Law para sa bagong tatag na lokal na pamahalaan. Sa
edad na 25, si Aguinaldo ay naging unang "gobernadorcillo capitan municipal" (Municipal
Gobernador-Captain) ng Cavite el Viejo habang nasa business trip sa Mindoro.
Noong Enero 1, 1896, pinakasalan niya si Hilaria del Rosario (1877-1921), ito ay ang
kanyang ikatlong asawa. Sila ay may limang anak: sina Carmen Aguinaldo-Melencio, Emilio
"Jun" R. Aguinaldo Jr, Maria Aguinaldo-Poblete, Cristina Aguinaldo-Linggo, at Miguel
Aguinaldo. Si Hilaria ay namatay sa sakit na ketong noong Marso 6, 1921 sa edad na 44.
Siyam na taon ang nakalipas, noong Hulyo 14, 1930, pinakasalan ni Aguinaldo si Maria
Agoncillo sa Barasoain Church. Namatay si Maria Agoncillo noong Mayo 29, 1963, isang
taon bago si Aguinaldo mismo ay namayapa rin noong Pebrero 6, 1964.
2. MANUEL L. QUEZON ( 1878-1944)
TALAMBUHAY
Si pangulong Manuel Luis Quezon ay isinilang noong ika 19 ng Agosto taong 1878 sa Baler,
probinsya ng Tayabas (na ngayon ay Aurora). Ang kanyang ama ay si ginoong Lucio Quezon
at ang kanyang ina naman ay si ginang Maria Molina. Ang kanyang magulang ay kapwa
guro. Si Quezon ay nagtapos ng sekondarya sa Letran High School. Kumuha naman sya ng
kursong Bachelor of Arts sa Unibersidad ng Sto. Tomas at nagtapos bilang Suma Cum Laude
sa UST na rin itinuloy ni pangulong Quezon ang abogasya at nakapasa sa bar exam noong
1903. Nagtayo si Quezon ng sariling law office at kalaunay naging tanyag sa mga kasong
ipinanalo. Ngunit nagpasya ring ipasara ni Quezon ang kanyang law office kapalit ng
pagkakatalaga bilang Fiscal ng Mindoro. Tumakbo si Quezon bilang Gobernador ng Tayabas
at kalaunay nanalo sa tulong ng mga taga suporta. Si Quezon ay ikinasal kay Aurora Aragon
noong ika 17 ng Disyembre. Sila ay may apat na anak at ito ay sina Maria Aurora, Maria
Zeneida, Luisa Corazon Paz at Manuel Quezon Jr. Naging senador si Quezon noong 1916 at
kalaunay naging senate president hanggang taong 1935. Si Quezon ang may hawak ng record
bilang pinakamatagal na naging senate president sa loob ng (19) labing syam na taon. Taong
1935 ay nahalal naman sa pagka pangulo ng republika ng Pilipinas si Quezon. Naging
kalaban nya sa botohan ang karibal na si Emilio Aguinaldo at Gregorio Aglipay. Nagsilbi si
Pangulong Manuel Quezon bilang pangulo sa loob ng dalawang termino mula 1935 hanggang
1944. Namatay si Pangulong Manuel Quezon sa sakit na tuberculosis noong August 1, 1944.
3. JOSE P. LAUREL (1891-1959)
TALAMBUHAY
Si Jose P. Laurel ay isa din sa mga sikat
na presidenteng pinoy na dalubhasa sa batas, administrator, manunulat, abugado, estadista, att
agapagturo, si dr josé p. Laurel ay ipinanganak noong ika 9 ng marso 1891 sa tanauan,
batangas.Siya ay natapos sa kanyang pag-aaral ng batas sa unibersidad ng pilipinas at kinuha
ang kanyangmasteral ng batas sa escuela de derecho; at pagkatapos non ay doktor ng
philiosophy saunibersidad ng santo tomas; at doktor ng batas sa mga unibersidad sa tokyo
imperyal. Bago angikalawang digmaan pandaigdig, ang pangulo noon na si manuel luis
quezon ay hinirang sa kanyakaugnay ng katarungan ng kataas-taasang hukuman. Noong
oktubre 14, 1943 siya ay naging pangulo ng republika ng pilipinas
sa panahon ng pananakop ng hapon, ang digmaan ng pilipino binansagan na siya ng mga
tao sa kanyang gawain bilang isang "tagatulong." si jose p. Laurel atang kanyang mga
kasama pinangalanang sina camilo osias, benigno s. Queno, sr
at pangkalahatang mateo capinpin na nagtangkang makatakas ngunit bigo siya nakuha
sa kanilangmga paraan ng mga hapon at ipinadala pabalik sa pilipinas. Sila ay nabilanggo at
sinubukan athinusgahan sa taong hukuman. Si lorenzo tañada ay kabilang sa pag-uusig na
tagapamahalahabang si claro m. Recto quintin paredes, at vicente francisco umakto bilang
kanyang mga legalcounsels. Sa diwa ng pagkakasundo at upang makiisa sa bansa, si
presidente roxas naipinagkaloob sa kanila absolute parol. Si ginoong jose. Laurel ay nalitaw
ang kanyang
sarili bilang isang mambabatas na advocated babae karapatan sa pagboto. Siya ay isa sa mga t
aong bumoto sa pabor ng hare-mayroon-cutting batas, at sponsored ang bill of rights sa
saligang-batasng pilipinas. Noong taon 1951, siya ay muling nahalal bilang senador. Sa taon
1953, siya ayhinirang ni ramon magsaysay bilang chairman ng economics mission sa estados
unidos. Siya aynaka-sign ang kasunduan na tinatawag na ang laurel-langley kasunduan sa
enero 1, 1956. Ito aysiya na itinatag sa economics nation development authority (neda) at ng
pilipinas bankingcorporation. Bilang isang tagapagturo, itinatag niya ang lyceum ng pilipinas
at maging sakanselor emeritus ng nation guro college. Sa nobyembre 6, 1956 josé p. Laurel
ay namatay ng pagpalya ng puso sa manila.
4. SERGIO OSMENIA (1878-1961)
TALAMBUHAY
Si Sergio Osmeña ang naging ika-4 na pangulo ng Republika ng Pilipinas. Siya ay
isang estadista at tagapagtatag ng Nacionalista Party. Isinilang siya noong Setyembre 9, 1878
sa Cebu City. Nagtrabaho si Osmeña sa panahon ng Rebolusyong Pilipino bilang
isang courier para kay Emilio Aguinaldo bago niya natapos ang kanyang pag-aaral sa
abogasiya sa Unibersidad ng Sto. Tomas noong 1903. Si Osmeña ay kilala sa paglaban para
sa kalayaan at tumulong sa labanan gamit ang pagsusulat bilang editor ng El Nuevo Dia,
isang pahayagan sa Cebu. Ang kanyang trabaho bilang isang politiko ay nagsimula noong
1904 nang italaga siya ng kolonyal na administrasyon ng US bilang gobernador ng Cebu at
siya ay naging abugado ng distrito ng nasabing lalawigan at ng Negros Oriental.
Tumakbo siya muli para sa pagkapangulo noong Abril 23, 1946 ngunit natalo kay
Manuel Roxas, na naging unang pangulo ng independiyenteng Republika ng Pilipinas.
Nagretiro siya sa Cebu pagkatapos nito at namatay noong Oktubre 19, 1961 sa edad na 83.
5. MANUEL ROXAS (1892-1948)
TALAMBUHAY
Si Manuel Acuna Roxas (Enero 1, 1892 – Abril 15, 1948) ay isang pulitiko sa
Pilipinas. Siya ay nagsilbi bilang Pangulo ng Pilipinas mula Mayo 1946 hanggang sa kanyang
kamatayan noong Abril 1948.
Isinilang si Roxas noong Enero 1, 1892 sa lungsod na ipinangalan sa kanya nang siya ay
mamatay, ang Lungsod ng Roxas sa lalawigan ng Capiz. Sina Gerardo Roxas at Rosario
Acuna ang kanyang mga magulang. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas
(University of the Philippines) noong 1912 at naging topnatcher sa Bar.
TALAMBUHAY
Nagsimula ang kanyang karera sa pulitika bilang isang halal na kinatawan ng Ilocus Sur
noong 1919 at naging senador noong 1925. Siya ay muling inihalal bilang senador noong
1931. Si Qurino ay isa sa mga miyembro ng mga delegado na tumulong sa pagpasa sa
Tydings-McDuffie Act na sa huli ay nagbigay daan patungo sa Kalayaan ng Pilipinas. Naging
bahagi ng kombensyon si Quirino na naghanda ng konstitusyon para sa bagong Philippine
Commonwealth. Siya ay pinili ni Pres. Quezon na maging Kalihim ng Pananalapi. Nang
maglaon, siya ay naging Kalihim ng Panloob sa gobyerno ng Komonwelt. Nang siya ay
nahalal bilang Bise Presidente ni Roxas, nagtatrabaho siya bilang Kalihim ng Pananalapi at
naging Kalihim ng Ugnayang Panlabas.
Ang kanyang anim na taong pamamahala bilang pangulo ay kinikilala dahil sa mga
pagbabagong-tatag pagkatapos ng digmaan, pangkalahatang mga kita sa ekonomiya at mas
mataas na pang-ekonomiyang tulong mula sa Estados Unidos. Gayunpaman, ang mga
problema mula sa mga panlalawigang lugar at iba pang mga problema sa lipunan ay
nanatiling hindi nalutas. Ang gobyerno sa panahon ng kanyang termino ay nabahiran ng
nakawan sa pamahalaan at katiwalian.
TALAMBUHAY
Si Ramon Magsaysay ay ang ika-7 Pangulo ng Pilipinas na kilala bilang "the Guy" o
"Presidente ng Masang Pilipino". Siya ay ipinanganak sa Iba, Zambales noong Agosto 31,
1907 at pangalawang anak ni Exequiel Magsaysay at Perfecta Del Fierro. Bilang pangulo,
binuksan niya ang pintuan sa mga mamamayang Pilipino kung saan sila ay binigyan ng
pagkakataong lumapit sa kanya nang direkta at bigyan sila ng higit na kalayaan upang
ipahayag ang kanilang sakit at pagdurusa. Magpahanggang ngayon, ang kanyang pamumuno
at kabutihan ay ang mga katangiang hinahanap ng mga Pilipino para sa isang lider.
TALAMBUHAY
Carlos Polestico Garcia (1896-1971), presidente ng Republika ng Pilipinas noong 1957
hanggang 1961. Isinilang si Garcia noong Nobyembre 4, 1896 sa Lungsod ng Talibon, Bohol
sa Kapuluan ng Kabisayaan sa Kalagitnaang Pilipinas. ang kaniyang mga magulang ay sina
Policronio Garcia at Ambrosia Polistico. Nag-aral siya sa Silliman University at Silliman
Institute, sa lungsod ng Dumaguete, at kinalaunan nagtapos din siya ng abogasya sa
Philippine Law School noong 1922 sa Maynila. Naging abogado at guro, pinasok niya ang
politika noong 1926 bilang mambabatas na kaanib sa Kapulungan ng mga Kinatawan
(Philippine House of Representatives) at naglingkod hanggang 1932. Si Garcia ay naging
gobernador ng Bohol, isang probinsiya sa Katimugang Pilipinas, mula 1932 hanggang 1942,
at naging miyembro ng Senado mula 1942 hanggang 1953. Noong Ika-II Digmaang
Pandaigdig (1939-1945), lumaban siya sa pananakop ng mga Hapon bilang miyembro ng
mga gerilya na nakabase sa Bohol. Noong 1946 ay naging puno siya ng minoriya sa Senado.
TALAMBUHAY
Tinagurian si Diosdado Macapagal bilang "Batang Mahirap mula sa Lubao" dahil anak siya
ngisang mahirap na magsasaka. Isinilang siya sa San Nicolas, Lubao, Pampanga noong
28Setyembre 1910 kina Urbano Macapagal at Romana Pangan. Tumira siya sa isang tahanan
atpumailalim sa pangangalaga ni Don Honorio Ventura hanggang magtapos ng pagka-Doktor
samga Batas mula sa Pamantasan ng Santo Tomas noong 1936 at pumasok sa politika.
Bayawsiya ni Rogelio de la Rosa, embahador ng Pilipinas sa Cambo at siya ay president.
Sariling buhay. Naging unang asawa niya si Purita de la Rosa. Nang sumakabilang buhay ito,
nagging pangalawang asawa niya si Evangeline Macaraeg. Anak niya si Gloria Macapagal-
Arroyo, ang sumunod na Pangulo ng Pilipinas, at sina Maria Cielo Macapagal Salgado,
Arturo Macapagal , at Diosdado Macapagal, Jr. Nagtapos siya ng elementarya mula sa
Mababang Paaralan ng Lubao at ng sekondarya mula sa mataas na Paaralan ng Pampanga.
Nagtapos siya ng kolehiyo mula sama University of Sto.Tomas. Nagkamit siya ng degri sa
larangan ng Abogasya. Nagkamit din siya ng pagka-Doktor ng Batas na Sibil at Doktor ng
Ekonomiya.Una siyang nagtrabaho bilang abogado para sa isang tanggapang Amerikano.
Nahalal siya sa kongreso noong 1949 at sa muli noong 1953. Siya ang may-akda ng Batas ng
Kalusugang Rural(Rural Health Law) at ng Batas hinggil sa Naangkop na Mababang Sahod
(Minimum Wage Law).Nanguna rin siya sa delegasyong para sa Tratado ng Mutwal na
Depensa ng Estados Unidos atRepublika ng Pilipinas (US-RP Mutual Defense Treaty).
Nahalal siya bilang PangalawangPangulo noong 1957 at naging Pangulo noong 1961.
Inilunsad niya ang Kodigong Pangrepormang Panlupang Pansakahan (Agricultural Land
Reform Code) at nilinis ang katiwalian sa pamahalaan. Limang taon siyang nagkaroon ng
kaugnayan sa Programang Sosyo-Ekonomiko para sa pagkontrol ng pangangalakal sa ibang
bansa. Kilala rin siya sa pagkakaroonng nasyonalisasyon ng pagtitingi (retail) at dahil sa
Panukalang Batas na PangrepormangPanglupa. Bilang dagdag, kabilang din sa kaniyang mga
nagawa ang pagpapakalat ngPambansang Wika, ang pagbabago ng petsa ng Araw ng
Kalayaan mula Hulyo 4 na naging
10. FERDINAND MARCOS (1917-1989)
TALAMBUHAY
Si Ferdinand Edralin Marcos ay ang ika-10 Pangulo ng Republika ng Pilipinas
mula 30 ng Disyembre 1965 hanggang ika-25 ng Pebrero 1986. Siya ay isinilang noong
Setyembre 11, 1917 sa Sarrat, Ilocos Norte. Si Marcos ay nag-aral sa Maynila at nag-aral ng
abugasya noong mga huling taon ng 1930 sa Unibersidad ng Maynila. Nilitis siya para sa
pagpatay sa kalaban sa pulitika ng kanyang ama noong 1933 at napatunayang nagkasala
noong Nobyembre 1939. Umapela siya sa Korte Suprema ng Pilipinas at napawalang-sala
pagkalipas ng isang taon.
Mula 1946 hanggang 1947 si Marcos ay naging technical assistant ni Manuel Roxas,
ang unang pangulo ng malayang republika ng Pilipinas. Siya ay miyembro ng Kapulungan ng
mga Kinatawan ng Pilipinas (1949-59), ng Senado (1959-65) at nagsilbi bilang pangulo ng
Senado (1963-65). Noong 1965, si Marcos, na isang kilalang miyembro ng Liberal Party na
itinatag ni Roxas, ay tumiwalag dito matapos mabigo na makuha ang nominasyon ng
kanyang partido para sa pagka pangulo. Pagkatapos ay tumakbo siya bilang kandidato ng
Nasyonalista para sa pangulo laban sa pangulo ng Liberal, si Diosdado Macapagal. Nanalo si
Marcos at itinalaga bilang pangulo noong Disyembre 30, 1965. Noong 1969 siya ay muling
nahalal at naging unang pangulo ng Pilipinas na naglingkod sa ikalawang termino. Sa
panahon ng kanyang unang termino ay nagawa niyang mapabuti ang estado ng agrikultura,
industriya, at edukasyon. Ngunit ang kanyang administrasyon ay magulo dahil na rin sa
dumaraming demonstrasyon at marahas na mga aktibidad ng mga gerilya.
Noong Setyembre 21, 1972, ipinataw ni Marcos ang Batas Militar sa Pilipinas, dahil
na rin sa pagkilos ng mga komunista upang pabagsakin ang gobyerno. Ipinabilanggo ni
Marcos ang mga oposisyong pulitiko at ang armadong pwersa ng Pilipinas ay naging armado
ng rehimen. Si Marcos ay binatikos ng mga lider ng simbahan at sinalungat ng mga lider ng
politika- lalo na ni Benigno Aquino, Jr., na ibinilanggo at ipiniit sa loob ng halos walong
taon. Sa mga lalawigan ng mga komunistang Maoist (Bagong Hukbong Bayan) at mga
separatistang Muslim (lalo na ng Moro National Liberation Front) nagsagawa ng mga
girilyang pagkilos upang pabagsakin ang sentral na pamahalaan. Sa ilalim ng batas militar
ang pangulo ay nagtatag ng mga pambihirang kapangyarihan, kabilang ang kakayahang
isuspinde ang "writ of habeas corpus". Ipinahayag ni Marcos ang katapusan ng batas militar
noong Enero 1981, ngunit patuloy siyang namamahala sa isang awtoritarian na paraan sa
pamamagitan ng iba't ibang anyo ng saligang batas. Nanalo siya sa halalan sa bagong
nalikhang poste ng pangulo noong Hunyo 1981.
Ang asawa ni Marcos mula 1954 ay si Imelda Romuáldez Marcos, isang dating
beauty queen. Si Imelda ay naging isang makapangyarihang pigura pagkatapos simulan ang
martial law noong 1972. Madalas siyang mabatikos dahil sa kanyang pagtalaga sa kanyang
mga kamag-anak sa mahahalagang posisyon sa gobyerno, habang siya naman ay gobernador
ng Metropolitan Manila (1975-86) at ministro ng mga pamayanan ng tao at Ekolohiya (1979-
86).
TALAMBUHAY
Si María Corazón Cojuangco-Aquino na lalong mas kilala sa palayaw na Cory ang ikalabing-
isang Pangulo ng Pilipinas ng Republika ng Pilipinas at kauna-unahang naging babaeng
pangulo ng Pilipinas (Pebrero 25, 1986–Hunyo 30, 1992). Ipinanganak siya noong Enero 25,
1933 sa Tarlac ng kanyang mga magulang na sina Jose Cojuangco Sr. at Demetria Sumulong.
Kilalang may kaya ang kanilang angkan na nagmamay-ari ng malawak na lupain sa Tarlac.
Nagtapos siya sa isang paaralang Katoliko na para lamang sa mga kababaihan bago pinalad
na makapag-aral sa Estados Unidos at nakapagtapos nang may digri sa Wikang Pranses at
Matematika sa New York's Mount Saint Vincent College. Nagbalik siya ng Pilipinas noong
1953 upang kumuha ng kursong abugasya. Doon niya nakilala ang kabiyak na si Benigno
Aquino, Jr. ("Ninoy"), ang pinaslang na lider ng oposisyon noong panahon ni dating
Pangulong Ferdinand E. Marcos.
Naging pangunahing kritiko ng dating Pangulong Ferdinand E. Marcos ang kanyang asawa at
isa sa mga nakulong matapos maideklara ang Martial Law noong Setyembre 21, 1972. Dahil
sa ilang taong pagkakakulong ng kanyang asawa ay siya ang naging tagapagsalita at
katuwang nito sa pakikipag-usap sa mga aktibista at mamamahayag. Pansamantala silang
nanirahan sa Boston matapos na palayain ang kanyang asawa upang sumailalim sa operasyon
sa puso.
Taong 1985 ng mapili siya ng National Press Club ng Maynila upang tumakbo bilang
Pangulo ng Pilipinas. Nangako siyang tatakbo sakaling makakalap ang grupo ng isang
milyong lagda ng mga taong nagnanais na maging Pangulo siya. Matagumpay namang
nakalap ang higit sa isang milyong lagda kung kaya't sinuportahan din siya ng anim pang
partido. Napagpasiyahan niyang tumakbo hindi upang maghiganti kundi upang magkamit ng
katarungan. May kalakihan ang tsansa niyang mahalal sapagkat bukod sa bago lamang siya sa
pulitika ay katulad niya ang mga paniniwala at adhikain ng nasirang asawa.
Halos pitong pag-aaklas ang naganap upang siya'y mapatalsik ang dinanas ng kanyang
liderato. Ang ilan pa sa mga ito'y pinamunuan ng mga taong nagluklok sa kanya sa pwesto.
Taong 1991 nang maglabas ng kasulatang nagpapahintulot sa kanyang manatili sa pwesto
hanggang Hunyo 30, 1992. Pinalitan siya ni Fidel V. Ramos bilang Pangulo noong matapos
ang kanyang termino.
Dalawang taon matapos siyang maluklok bilang Pangulo ng Pilipinas ng Pilipinas, ipinatupad
niya ang Comprehensive Agrarian Reform Act o CARP sa ilalim ng Republic Act No. 6657.
Ilang kontrobersiya ang kinasangkutan nito lalo pa't kilalang haciendero ng ekta-ektaryang
lupain ang kanyang pamilya. Sa ilalim ng programang ito ay mabibigyan ng lupa ang humigit
kumulang sa 8.5 milyong magsasaka at manggagawa ng lupa sa loob ng sampung taon upang
kumawala sila sa kahirapan at pagiging alipin.
Marso 24, 2008 unang natuklasan ang pagkakaroon ng colon cancer ng dating pangulong
Corazon Aquino. Humingi ng dasal at suporta para sa kanyang maysakit na ina si Kris
Aquino, ang artista at TV host na bunso niyang anak.
Nakiusap ang pamilya na irespeto ang pribadong buhay ng kanilang ina at samahan sila sa
pagdarasal upang gumaling ang karamdaman nito. Umabot sa mahigit na 14 na buwan ang
pakikipaglaban ng pangulo sa sakit na cancer kaalinsunod ang pagpapasailalim sa
Chemotherapy sessions.
Namatay si Aquino sa Makati Medical Center noong 3:18 ng umaga noong Agosto 1, 2009
dahil sa cardiorespiratory arrest; Siya ay 76.
TALAMBUHAY
Si Fidel Valdez Ramos (ipinanganak Marso 18, 1928) ang ikawalong pangulo ng
ikatlong Republika ng Pilipinas (Hunyo 30, 1992 - Hunyo 30, 1998). Isinilang siya noong
Marso 18, 1928 sa Lingayen, Pangasinan. Panganay siya sa tatlong anak nina Narciso Ramos
at Angela Valdez.
Nagtapos siya sa United States Military Academy sa West Point noong 1950.
Kumuha rin siya ng masteral ng civil engineering sa University of Illinois, Msters in Business
Administration sa Pamantasang Ateneo de Manila, at nanguna sa klase niya sa Infantry
training at kursong Special Forces/Pay Operations/Airborne sa Fort Benning, Georgia.
Bumalik siya sa Pilipinas noong 1951 at naging heavy weapon platoon leader ng
Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Ipinadala rin siya sa mga digmaan ng Korea at Vietnam.
Naging tanyag siya sa pamumuno sa isang pulutong ng mga sundalong tumalo sa pwersang
komunista ng mga Tsino sa Labanan sa Burol ng Eerie. Kabilang sa mga medalya at parangal
na natanggap niya bilang sundalo ang Philippine Legion of Honor, ang Gold Cross, ang
Philippine Military Merit Medal, ang United States Legion of Merit, ang French Legion of
Honor at ang U.S. Military Academy Distinguished Award.
TALAMBUHAY
Laki sa Tondo kung saan siya ipinanganak nuong Abril 18, 1937, natagpuan ni ‘Erap’
Joseph Ejercito Estrada ang papel niya sa buhay sa pelikula, bilang isang matipunong
hampas-lupa, nakikipagbakbakan hanggang makatagpo ng marangal na pamumuhay sa gitna
ng marahas at walang-awang lipunan. Mahusay na artista, naging bantog at mayaman si
Estrada kahit na tutol ang mga magulang sa kakulangan ng dangal ng kanyang hanap-buhay.
Nuong lamang 1969, nang mahalal si Estrada na alkalde ng San Juan, Rizal, nabawi ang
kalooban ng mga magulang. Sa gulat ng marami, mahusay at bantog na alkalde si Estrada, at
sa 16 taong panunungkulan, napahanga niya ang lahat sa dami at galing ng kanyang mga
nagawa sa San Juan.
Naputol lamang ang kanyang pamumuno duon nuong Pebrero 1986 nang naghimagsik
ang mga taga-Manila sa EDSA laban kay Ferdinand Marcos, na kakampi ni Estrada.
Napasama siya sa mga itiniwalag ng bagong pamahalaan ni Pangulo Cory Aquino, ngunit
nabalik siya sa politica nang nahalal siya sa sumunod na taon bilang senador ng Batasang
Bayan. Nagpatuloy ang bagong buhay niya sa politica nang manalo siya bilang Pangalawa
nuong 1992 nang naging Pangulo si Fidel Ramos.
Kinalaban siya ng pambato ni Ramos, si Jose de Venecia, sa sumunod na halalan ngunit
sa kanyang palatok sa madla ng "Erap Para Sa Mahirap", at sa tulong ng mga dating
kakampi niya sa pamahalaan ni Ferdinand, nanalo si Estrada. Nuong 1998, hinirang
siyang Pangulo ng Pilipinas, ang pinakamalaking papel na maaari niyang gampanan sa
buhay. Ang hirap lang, hindi nagampanan. Sa kanyang pagkahirang nagsimula, mula sa
pinakamatayog na tagumpay niya, natupad ang pinakamasakit na bagsak ni Estrada. Marahil,
dahil napahaba nang husto ang paggantimpala sa sarili, o maaaring nawaglit sa isip ang mga
alituntunin na naghatid sa kanya sa Malacanang. Nakalimutan niya ang maraming pelikula
niyang nilabasan, nalimot niya ang daan-daang papel ng pakikibaka na ginampanan, nalimot
niya ang pamumuhay nang marangal. Nalimot niya na marahas at walang-awa ang lipunan.
Mga old guard politico, lalo na ang mga pinuno ng unang EDSA na nagpabagsak kay
Marcos. Tinalo na nga ang isa sa kanila, si Jose de Venecia, sa halalan nuong 1998, may
insulto pa si Estrada tuwing tututol sila sa mga balak, Ako ang nahalal na pangulo, hindi
kayo!.
Ang mga pahayagan at media, maiglap na ikinakalat sa buong kapuluan ang anumang
bulong at sumbong laban kay Estrada o sa kanyang mga kaibigan at tauhan. Ilang ulit,
naghiganti si Estrada sa ilang pahayagan, nilibak niya ang sinuman sa media na pumintas sa
kanyang pamamahala. Sinuman ang nais maging pinuno ng bayan ay laging luhod sa mga
pangkat na ito, kahit na si Ferdinand nuong una, ngunit hindi lamang sila inirapan, hinamon
pa at ginapi ni Estrada.
Sumubo ang baho nuong Oktobre 9, 2000, nang naghayag si ‘Chavit’ Luis Singson,
governador ng Ilocos Sur at kainuman ni Estrada, na “nilagyan” niya si Estrada ng 8 milyon
dolyar na suhol mula sa mga nagpapasugal ng jueteng, at mahigit 2 milyong dolyar na
kurakot mula sa buwis sa tabako. Mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Pagkaraan ng 5
araw, nagbitiw ang Pangalawa ni Estrada, si Gloria Macapagal Arroyo, sa tungkulin bilang
kalihim ng Social Welfare and Development at sumama sa opposition. Wala pang 10 araw
pagkahayag ni Governador Singson, nuong Oktobre 18, 2000, sinimulang usisain ng house of
representative’s ng Batasang Bayan ang mga ulat ng suhol at pagkaltas sa buwis. Sa
kalagitnaan ng pag-uusisa, nuong Nobyembre 2, 2000, tumiwalag ang maraming kinatawan
at mga pinuno ng Batasan mula sa pangkat pampolitica ni Estrada, ang PMP o Pwersa ng
Masang Pilipino at nagbitiw sa tungkulin ang 6 kasapi sa kanyang cabinete. Isang buwan
lamang mula nang magsuplong si Singson, nuong Nobyembre 13, 2000, naglabas ang mga
kinatawan ng Batasan ng impeachment o paratang kay Estrada upang alisin siya mula sa
pagka-pangulo.
Nagsimula nuong Disyembre 7, 2000, ang paglitis kay Estrada ng mga senador sa
Batasang Bayan, sa pamumuno ni Hilario Davide Jr., punong hukom ng Philippine Supreme
Court sa mga paratang na:
...Kumarakot daw si Estrada ng 2.7 milyon mula sa buwis sa tabako. Hinuwad pa raw ang
pahayag niya ng kita, upang makadaya sa pagbayad ng pansariling buwis...
...Hinadlangan daw ni Estrada ang pag-usig sa kaibigan niya ng Securities and Exchange
Commission sa salang pandaraya sa stock market...
...Bawal sa Konstitusyon ang magpayaman habang nanunungkulan, ngunit nagpayaman daw
si Estrada habang Pangulo ng Pilipinas nang sumali siya sa pagkakalakal ng lupa ng
pamilya niya...
Tahimik ang pagdinig ng mga tao sa mga hayag ni Singson, ngunit nagimbal ang
buong kapuluan sa testigo ni Edgardo Espiritu, dating kalihim ng pananalapi at tauhan ni
Estrada sa Malacanang, na katuwang si Estrada ni Dante Tan sa BW Resources Company, na
inuusig ng Securities and Exchange Commission dahil sa pandaraya sa stock market . Sabi
daw ni Estrada kay Espiritu na malaki ang kinikita niya sa BW Resources. Kaya ayaw daw
ituloy ang pag-usig sa compania.
Lalong naniwala ang maraming tao na may mga kasalanan si Estrada nang tumestigo
si Clarissa Ocampo, vice president ng Equitable-PCI Bank na lumagda si Estrada sa
pangalang Jose Velarde sa mga dokumento ng 10 milyon pisong pautang. Nuong Disyembre
20, 2000, nagbitiw ng tungkulin si George Go bilang pangulo ng PCI Bank. Kasama sa mga
dokumento mula sa PCI ay isang sobre na nais buksan ng 10 kinatawan ng Batasan na
tagapag-usig sa impeachment. Magpapatunay daw na mahigit 63 milyon dolyar ang naipon ni
Jose Velarde sa iba’t ibang deposito sa PCI.
Hindi tinukoy sa mga paratang! Ang tutol ng mga senador na nagtatanggol kay
Estrada sa impeachment. Sa botohan kung bubuksan ang sobre, 11 senador ang kumampi kay
Estrada na walang kinalaman sa impeachment ang mga dokumento, samantalang 10 senador
lamang ang bumoto na isali ang mga dokumento sa paglitis kay Estrada. Nanatiling nakasara
ang sobre at, nuong Enero 16, 2001, nilisan ni Senador ‘Nene’ Aquilino Pimentel, pinuno ng
Senado, ang paglilitis sapagkat maliwanag na hindi makakamit ang boto ng 15 senador na
kailangan upang maalis sa pagka-Pangulo si Estrada. Sumunod na araw, lumisan na rin ang
10 kinatawan ng Batasan na umuusig, pinamunuan ni Joker Arroyo. Sumama sila sa libu-
libong tao na nagsimulang magkumpulan sa Dambana ng EDSA upang manawagan kay
Estrada na umalis na sa Malacanang.
14. GLORIA MACAPAGAL ARROYO (1947)
TERM: January 20,2001-June 30,2010
(9years,161 days)
Vice President: Noli De Castro
Election: 1998-2004
Era: Fifth Republic
Party: People Power-Christian Muslim
Democrats
TALAMBUHAY
Si Maria Gloria Macapagal-Arroyo (ipinanganak bilang Maria Gloria Macaraeg
Macapagal noong Abril 5, 1947) ay ang ikalabing-apat at kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas.
Siya ang ikalawang babaeng pangulo ng bansa, at anak ng dating pangulong si Diosdado
Macapagal.
Noong 1961, nang si Gloria ay 14 pa lamang, ay nahalal bilang pangulo ang kanyang
ama. Siya at ang kanyang pamilya ay lumipat sa Palasyo ng Malakanyang sa Maynila. Isang
bayan ang ipinangalan sa kanya, ang Gloria, Oriental Mindoro. Nag-aral siya ng elementarya
at sekundarya sa Assumption Convent, kung saan ay nakapagtapos siya bilang Valedictorian
noong 1964.
Noong 1961, nang si Gloria ay 14 na taon gulang pa lamang, ang kanyang ama ay
nahalal na Pangulo ng Pilipinas. Lumipat siya kasama ang kanyang pamilya sa Malakanyang
sa Maynila. Nag-aral siya ng elementarya at sekundarya sa Assumption College at
nakapagtapos na valedictorian noong 1964. Pagkatapos ay nag-aral si Gloria ng dalawang
taon sa Walsh School of Foreign Service ng Georgetown University sa Washington, D.C. na
kung saan ay naging kamag-aral niya noon ang magiging pangulo ng Estados Unidos na si
Bill Clinton at napanatili ang pangalan nito sa talaan ng Dekano. Nakuha niya ang kanyang
Batsilyer sa Arte sa Ekonomiks mula sa Assumption College, na kapagtapos na magna cum
laude noong 1968.
Nagsimula ang termino ni Arroyo bilang Pangalawang Pangulo noong Hunyo 30,
1998, Siya ay tinalaga ni Estrada na maging Kalihim ng Kagawaran ng Pangangalagang
Panlipunan at Pagpapaunlad.
Nagbitiw si Arroyo sa gabinete noong Oktubre 2000, upang ilayo ang kanyang sarili
mula kay Estrada, na inakusahan ng korupsyon ng kanyang dating tagasuporta sa pulitika na
si Chavit Singson, Punong lalawigan ng Ilocos Sur. Noong una ay hindi pa nagsasalita si
Arroyo laban kay Estrada, subalit dahil sa mga kaalyado nito, ay sumalina rin ito sa
panawagang magbitiw si Estrada sa pwesto.
TALAMBUHAY
Si Benigno Aquino III ay isinilang noong 8 Pebrero 1960. Siya ay isa sa limang mga
anak ni Benigno Aquino, Jr, na Bise Gobernador ng Tarlac sa panahong iyon, at Corazon
Aquino. Siya ay may apat na kapatid na babae: Maria Elena ( "Ballsy"), Aurora Corazon
( "Pinky"), Victoria Eliza ( "Viel"), at Kristina Bernadette ( "Kris").
Noong 1983, ilang sandali lamang matapos ang pagkapatay sa kanyang ama, si
Noynoy ay nagkaroon ng isang maikling panahon ng panunungkulan bilang isang miyembro
ng Philippine Business for Social Progress. Mula 1985-1986, siya ay retail sales supervisor at
youth promotions assistant para sa Nike Philippines at naging isang assistant for advertising
and promotions din para sa Mondragon Philippines. Noong 1986, siya ay sumali sa Intra-
Strata Assurance Corp bilang bise-presidente ng korporasyon na pag-aari din ng kanilang
pamilya.
Noong Agosto 28, 1987, habang labing-walong buwan sa pagkapangulo ang inang si
Cory, isang hindi matagumpay na pagtatangkang kubkubin ang Malacañang Palace ang
naganap. Pinamunuan ito ni Gregorio Honasan. Si Noynoy ay dalawang bloke lamang mula
sa palasyo nang sumiklab ang isang sunog. Tatlo sa apat niyang security escorts ay napatay at
ang ikaapat ay nasugatan sa pagpoprotekta sa kanya. Si Noynoy man ay natamaan din ng
limang bala, kung saan ang isa ay naka-embed pa rin sa kanyang leeg.
Mula 1986-1993, si Noynoy ay Vice President at ingat-yaman para sa Best Security Agency
Corporation, isang kumpanya na pag-aari ng kanyang tiyuhing si Anolin Oreta. Nagtrabaho
din siya para sa Central Azucarera de Tarlac noong 1993, ang kompanyang pag-aari ng
angkang Cojuangco. Nagsimula siya bilang executive assistant for administration bago
naging field services manager noong 1996.
Political na Buhay
Si Aquino ay isa sa nangungunang kasapi ng Liberal Party. Siya ang Vice Chairman
ng Partido Liberal mula noong Marso 17, 2006 hanggang sa kasalukuyan. Siya ay dating
Secretary General ng partido (1999-2002), Bise-Presidente ng Luzon Liberal Party (2002-
2004), at ang Secretary General ng partido (2004-16 Marso 2006).
House of Representatives
Si Aquino ay nagsilbi sa iba't-ibang komite bilang isang miyembro ng Kongreso: ang Public
Order and Security, Transportation and Communications, Agriculture, Banks &and Financial
Intermediaries, Peoples’ Participation, Suffrage and Electoral Reforms, Appropriations,
Natural Resources, and Trade and Industry committees (11th Congress), the Civil, Political
and Human Rights, Good Government, Public Order and Security, Inter-Parliamentary
Relations and Diplomacy committees (12th Congress), and the Banks and Financial
Intermediaries, Energy, Export Promotion, Public Order and Safety committees (13th
Congress)
Si Aquino ay Deputy Speaker din mula ika-8 ng Nobyembre 2004 hanggang ika-21 ng
Pebrero 2006.
Senado
Dahil sa limitasyong hindi puwedeng tumakbong muli ang isang kinatawan para sa
ikaapat na termino, tumakbo para sa Senado at inihalal si Aquino noong Mayo 14, 2007
midterm elections sa ilalim ng banner ng Genuine Opposition (GO), isang koalisyon na
binubuo ng mga partido, pati na ang kanyang sariling Liberal Party, na naghahanap na supilin
ang pagtatangka ng Presidente Gloria Macapagal-Arroyo na baguhin ang Saligang Batas. Sa
kanyang political ads, siya ay inendorso ng nakababatang kapatid na babae, ang TV host na si
Kris Aquino, at ng ina, ang dating Pangulong Corazon Aquino. Kahit na deboto ng Katoliko
Romano, siya ay inendorso ng isa sa pinakamalaking Protestanteng simbahan sa Pilipinas,
ang Jesus is Lord. Nagtamo si Aquino ng higit sa 14.3 million votes upang maging pang-
anim sa 37 na kandidato para sa 12 bakanteng posisyon sa senado ng halalang iyon.
Nagsimula ang kanyang panunungkulan noong Hunyo 30, 2007.
Sa panahon ng kampanya, sinuportahan ni Aquino ang aplikasyon ng kanyang dating kaaway
na si senador Gregorio Honasan para sa lagak. "I endorse Honasan's request for bail para
parehas ang laban. I was hit by bullets from Honasan's men in the neck and hips but that's
past now. The principle of my father was, ' Respect the rights even of your enemies.' Ito ang
nagpatingkad ng demokrasya. Genuine reconciliation is democracy in action," Aquino told
Job Tabada of Cebu Daily News on 5 March 2007. He was referring to two bloody coup
attempts against his mother in 1987 and 1989, in the first of which Aquino was seriously
injured.
Nang mamatay ang Pangulong Corazon Aquino, umabot sa rurok ang tawag kay
Noynoy para tumakbo sa pagka-pangulo. Pagkatapos ng kanyang retreat ay nagpasya na nga
si Noynoy na tumakbong pangulo sa halalan ng 2010.
Isang grupo ng mga abogado at mga aktibista bumuo ng NAPM - ang Noynoy for
President Movement - at isang nationwide movement ang kanilang ginawa na nangongolekta
ng isang milyong lagda upang akitin si Noynoy Aquino na tumakbo bilang presidente. Noong
huling linggo ng Agosto, si senador Aquino, ang kanyang kapwa partymate sa Liberal Party
na si senador Mar Roxas at isang hindi nasabing pangulong aspirante ay nagsimulang mag-
usap upang magdesisyon sa kung anong gagawin para sa halalan ng 2010.
Pagkapangulo (2010-2016)
Personal na Buhay
TALAMBUHAY
Si Rodrigo "Rody" Roa Duterte ay ipinanganak noong ika-28 ng Marso taong 1945. Siya ay
isang Pilipinong abogado, politiko, at ang ika-16 at kasalukuyang Presidente ng Pilipinas.
Kilala rin siya sa pangalang Digong, Siya ang unang pangulo mula sa Mindanao at ang
pinakamatandang naging presidente sa kasaysayan ng Pilipinas sa edad na 71 (dating rekord
na hawak ni Sergio Osmeña sa edad na 65).
Nag-aral si Duterte ng Political Science sa Lyceum of the Philippines University at nagtapos
noong taong 1968. Tinapos naman niya ang kanyang abogasiya noong taong 1972 sa San
Beda College of Law. Pagkatapos nito ay nagtrabaho siya bilang abogado at taga-usig ng
Davao City, isa sa pinakamalaking lungsod ng Pilipinas. Si Duterte ay naging bise mayor ng
Davao City bago naging alkalde ng lungsod noong 1986. Isa siya sa mga alkalde ng Pilipinas
na may pinakamahabang nagugol sa serbisyo, umabot ito ng pitong termino at higit na 22 na
taon.
Noong May 9, 2016, nanalo si Duterte sa halalan bilang pagkapangulo. Nakakuha siya ng
39.01% ng mga boto laban sa katunggali na si Mar Roxas mula sa Liberal party. Sa kanyang
kampanya, ipinangako niyang mababawasan ang krimen sa pamamagitan ng pagpatay sa
libu-libong mga kriminal. Ang kanyang domestic policy ay nakatutok sa paglaban sa iligal na
droga sa pamamagitan ng pagtugis sa mga pinaghihinalaang nagbebenta at gumagamit ng
droga. Noong Abril 2017, tinatayang higit 7,000 katao ang namatay mula sa mga lehitimong
operasyon ng pulisya at vigilante-style killings. Si Duterte na binansagang "The Punisher" ng
Time magazine, ay iniuugnay rin ng Amnesty International at Human Rights Watch sa
ekstrahudisyal na pamamaslang sa higit 1,400 na pinaghihinalaang kriminal gamit
ang vigilante death squads sa panahong ito ay alkalde pa ng Davao.
Noong Nobyembre 21 taong 2015, sa isang pribadong pagtitipon sa San Beda College of
Law, pormal na inihayag ni Duterte ang kanyang intensiyong tumakbo bilang pangulo sa
halalan ng 2016. Tinanggap rin niya ang alok ni Alan Peter Cayetano na maging running
mate sa darating na eleksyon. Sa kanyang kampanya ay sinabi niya na gusto niyang ipatupad
ang isang pederal na parlamentaryong anyo ng pamahalaan. Siya rin ay nangakong papatayin
ang libu-libong mga kriminal, at supilin ang krimen sa loob ng anim na buwan.
Noong ika-30 ng Mayo taong 2016, inihayag ng Ika-16 na Kongreso ng Pilipinas si Duterte
bilang bagong halal na Pangulo ng Pilipinas matapos siyang makakuha ng 16,601,997 na
boto, na halos pitong milyong higit pa kaysa sa kanyang pinakamalapit na kalaban. Si
Camarines Sur representative Leni Robredo sa kabilang banda, ay inihayag na Bise
Presidente ng Pilipinas na may 14,418,817 votes.
17. B0NGBONG MARCOS (1957)
TERM:June 30,2022-INCUMBENT
Vice President: Sara Duterte
Election: 2022
Era: Fifth Republic
Party: Federal Party of the Philippines
TALAMBUHAY
Pagsapit ng taong 1992, nahalal at naupo siya bilang Kinatawan ng Ikalawang Distrito
ng Ilocos Norte hanggang 1995, at muling siyang nahalal noong 2007 hanggang 2010. Sa
pagitan ng pagtatapos ng kaniyang termino noong 1995 at pagsisimula ng isa pang termino
noong 2007, nanungkulan siyang muli bilang Gobernador ng Ilocos Norte na kaniyang
tinakbuhan at napaghahalan. Taong 2010 rin siya nahalal bilang Senador ng Pilipinas sa
ilalim ng Partidong Nacionalista at naupo hanggang 2016.