Esp10 q4 Mod4 Mgaisyungmoraltungkolsaseksuwalidad v5

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

10

Edukasyon
sa Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan - Module 4
Mga Isyung Moral Tungkol sa
Seksuwalidad

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


A. Pangkalahatang Ideya

Ikaw ba ay sadyang agresibo, na tila ba ay walang inuurungan at


lahat ng hamon ay hinaharap ng buong katapangan? Sadyang isinilang ka
na puno ng kalayaan; sa wika, sa gawa at maging sa kaisipan? Kung gayon,
“Millenial” ang tawag sa iyo. Kadalasan ay hindi naiintindihan dahil na rin
sa dami ng iyong pinaglalaban. Maseselan na usapin handa mong talakayin.
Kaya sa modyul na ito ay sabay sabay nating linangin ang mga
pangkaisipan tungkol sa dignidad at seksuwalidad.

 Layunin

Sa panibagong modyul na ito, pag-usapan natin ang lumalawak


na mga isyu tungkol sa seksuwalidad. Usapin na napapanahon at
nangangailangan ng tamang gabay para ito ay maintindihan ng lubusan.
Hindi pangingilagan at nang maiwasan ang hindi pagkakaintindihan ng
nakakatanda at ng makabagong kabataan.
Inaasahan ko mula sa iyo na matutukoy mo ang mga isyung
kaugnay sa kawalan ng paggalang sa dignidad at seksuwalidad.
Maging mapanuri sa mga pahayag ukol sa seksuwalidad at
matutukoy mo rin ang mga angkop na kilos na dapat ipagmalaki at tularan
ng katulad mong kabataan.
Maging malawak ang iyong pag-uunawa upang magkaroon ka ng
malinaw na posisyon sa kahalagahan ng pagkatao ng tao at sa tunay na
layunin nito.

 Panimulang Pagtatasa

Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang titik ng


pinakatamang sagot sa iyong kuwaderno.

1. Ang gawaing pagtatalik bago ang kasal ay isyung may kinalaman sa,
A. Pang-aabusong seksuwal
B. Pre-marital sex
C. Pornograpiya
D. Prostitusyon
2. Ang pang-seksuwal na kakayahang kaloob ng Diyos sa tao ay tumutugon
sa anong layunin?
A. Magkaroon ng anak at magkaisa.
B. Magkaisa at maipahayag ang pagnanasa.
C. Makadama ng kasiyahan at magkaroon ng anak.
D. Magkaroon ng trabaho at makadama ng kasiyahan.
3. Kailan masasabing ang paggamit sa seksuwalidad ng tao ay masama?
A. Kapag ang paggamit ay nagdadala sa kasiyahan.
B. Kapag ang paggamit nito ay nauuwi sa pang-aabuso.
C. Kapag ang paggamit ay hindi nagdadala sa tunay na layunin ng
seksuwalidad.
D. Kapag ang paggamit ay nagdadala sa tao upang maging isang
pakay o kasangkapan.
4. Alin sa sumusunod ang hindi tumutukoy sa mga isyung seksuwal?
A. Si Jessica ay araw-araw hinihipuan ng kaniyang amain sa
maseselang bahagi ng kaniyang katawan.
B. Niyaya ni Noli ang matagal na niyang kasintahang si Malyn na
magpakasal sapagkat gusto na nilang magtatag ng pamilya.
C. Dala ng kabataan at bugso ng damdamin, nagbunga ang isang
gabing pagkalimot sa sarili ni Daisy at ng kaniyang boyfriend na si
Ariel.
D. Maganda ang hubog ng katawan ni Ann kaya nagpasiya siyang
magpaguhit nang nakahubad.
5. Alin sa sumusunod ang tamang pananaw sa pakikipagtalik?
A. Ang pakikipagtalik ay isang karapatang makaranas ng
kasiyahan.
B. Ang pakikipagtalik ay kailangan ng tao upang maging malusog
at mabuhay.
C. Ang pakikipagtalik ay tama kapag parehong may pagsang-ayon
ang gagawa nito.
D. Ang pakikipagtalik ay ang pagsasakatawan ng pagmamahal na
ipinapahayag ng mag-asawa sa bawat isa.
6. Ang isang lalaki o babae ay nagkakaroon ng kakayahang makibahagi sa
pagiging manlilikha ng Diyos kapag tumuntong na sa edad ng pagdadalaga
o pagbibinata (puberty). Subalit kahit sila ay may kakayahang pisyolohikal
na gamitin ito, hindi nangangahulugang maaari na silang makipagtalik at
magkaroon ng anak. Hanggang wala sila sa wastong gulang at hindi pa
tumatanggap ng sakramento ng kasal, hindi sila kailanman magkakaroon
ng karapatang makipagtalik. Anong katotohanan ang ibinubuod ng pahayag
na ito?
A. Maaari nang makipagtalik ang kabataang nagdadalaga at
nagbibinata na.
B. Maaari nang magkaroon ng anak ang kabataang nagtatalik.
C. Ang mga taong may kakayahang pisyolohikal ay maaari nang
makipagtalik.
D. Ang mga taong nasa wastong gulang at ipinagbuklod ng kasal
ang maaari lamang na makipagtalik.
7. Nag-iisa sa bahay si Arlyn at dumating ang kaniyang kasintahang si
Jonel. Pinatuloy niya ito at sila’y nag-usap. Habang tumatagal ay nag-iba
ang tema ng kanilang usapan. Naging agresibo si Jonel at sinimulan nitong
halikan si Arlyn. Sabi pa ni Jonel, “tayo lang naman ang nandito.” Kung
ikaw si Arlyn, ano ang iyong gagawin?
A. Magagalit kay Jonel at ito ay paaalisin sa kanilang bahay.
B. Magpapakipot muna pero sasang-ayon din sa kagustuhan ni
Jonel.
C. Kakausapin si Jonel at sasabihing panagutan kung anuman
ang mangyayari sa kanila.
D. Kakausapin si Jonel nang mahinahon at ipapaliwanag kung
ano ang tama.
8. Katangian ng tunay na pagmamahal.
A. Malaya at may kamalayan
B. Mapusok at masigasig
C. Padalosdalos sa mga desisyon
D. Tahimik at naninigurado
9. Ang tao na mayroon ito ay may kakayahang magmahal na tunay.
A. Puppy love C. Kalinisang Puri
B. Intensiyon D. Responsibilidad
10. Maaari itong maging simula o pundasyon ng isang tunay at wagas na
pagmamahalan sa pagdating ng tamang panahon.
A. Pagpapakasal C. True love
B. Puppy love D. Relasyon

 Dating Kaalaman

Una nating pinag-aralan ang iyong pagbibinata o kaya’y ang iyong


pagdadalaga noong Grade 8 ka pa. Napag-usapan natin, na ito ay isang
proseso na mahaba at hindi dapat na madaliin. Kaya tinuturing na isang
tungkulin na dapat paghandaan ang pagdating ng tamang panahon, kung
saan iyong hanapin ang iyong kapares o magiging kabiyak sa katapat na
kasarian (kung sa palagay mo ay pag-aasawa ang iyong bokasyon). Ang
tamang babae o lalaki ay matatagpuan mo sa tamang panahon – ito ay sa
panahong handa ka na at kaya mo nang magmahal nang lubos at wagas.
Sa makabagong panahong ngayon may mga bagay pa rin na hindi
naluluma. Masusi nating pag-aralan ang kahalagahan ng dignidad at
seksuwalidad.
B. Paglalahad
Sa tuwing marinig mo ang salitang “Seksuwalidad”, ano ang iyong
naiisip na maari mong maiugnay dito?
Ayon kay F. Magno, mahalaga ang tamang pananaw sa
sekswalidad dahil isa itong aspeto ng ating pagkatao na malaki ang epekto
sa ating buhay. Ang sekswalidad ng isang tao ay humuhubog kung paano
siya makikitungo sa ibang tao sa sekswal na paraan.
Mahalaga na maging mulat tayo sa usaping seksuwalidad. Ito ay
magbibigay sa tao ng sapat na lakas ng loob upang tugunan ang mga
hamon ng pag - iisa o pagbubuo ng seksuwalidad at pagkatao upang
maging ganap ang kanyang pagkababae o pagkalalaki. Ang kakulangan nito
ay maaaring magdulot ng kawalan ng kumpiyansa sa sarili, karamdamang
sikolohikal o sakit sa pag - iisip, at mga suliraning seksuwal.
Kaya ating tutukan ang tamang pagpili at pagkakaroon ng tuon
na nag-uugat sa pagmamahal upang ating makamtan ang kamalayan at
kalayaan sa seksuwalidad.

 Pagbuo ng Konsepto

MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSUWALIDAD

A. Pagtatalik bago ang kasal (Pre-marital Sex)


Ang pre-marital sex ay mula sa tatlong salitang pinagsama. Ang pre
na ibig sabihin ay bago, ang marital na may kinalaman sa kasal at sex
na ibig sabihin ay pagtatalik. kung pagsasamahin ang tatlong kahulugan
ng mga salitang premarital sex, ang ibig sabihin nito ay pagtatalik bago
ikasal.
May iba’t ibang pananaw na siyang dahilan kung bakit ang isang tao
lalo na ang kabataan ay pumapasok sa maagang pakikipagtalik. Ito ay
ang sumusunod:
1. Ito ay normal at likas na gampanin ng katawan ng tao upang
maging malusog siya at matugunan ang pangangailangan ng
katawan. Kapag hindi raw ito isinagawa hindi mararating ng tao ang
kaganapan ng kaniyang buhay.
2. Maraming kabataan ang nag-iisip na maituturing na tama ang
pakikipagtalik lalo na kapag ang mga gumagawa nito ay may
pagsang-ayon. Karapatan ng tao na makipagtalik at malaya silang
gawin ito.
3. Naniniwala ang mga gumagawa ng pre-marital sex na may
karapatan silang makaranas ng kasiyahan.
4. Ang pakikipagtalik ay isang ekspresyon o pagpapahayag ng
pagmamahal.
Mahalagang tandan na bilang tao, tayo ay malaya. Ngunit ang ating
kalayaan ay hindi nangangahulugang malaya tayong piliin kung ano ang
gusto nating gawin. Ang ating kalayaan ay mapanagutan, malaya tayong
pumili ngunit nararapat na ang pipiliin ay kung ano ang mabuti at tama.
Ang paggamit ng ating mga kakayahang seksuwal ay mabuti ngunit
maaari lamang gawin ang pakikipagtalik ng mga taong pinagbuklod ng
kasal.

B. Pornograpiya
Ang pornograpiya ay nanggaling sa dalawang salitang Griyego,
“porne,” na may kahulugang prostitute o taong nagbebenta ng panandaliang
aliw, at “graphos” na nangangahulugang pagsulat o paglalarawan.
Samakatuwid, ang pornograpiya ay mga mahahalay na paglalarawan
(babasahin, larawan, o palabas) na may layuning pukawin ang seksuwal na
pagnanasa ng nanonood o nagbabasa.
Ang pagkalulong ng isang tao sa pornograpiya ay maaaring
magdudulot ng mga sumusunod na epekto:
1. Ang maagang pagkahumaling sa pornograpiya ay nagkakaroon ng
kaugnayan sa pakikibahagi ng tao o paggawa ng mga abnormal na gawaing
seksuwal, lalong-lalo na ang panghahalay.
2. May mga kalalakihan at kababaihan ding dahil sa pagkasugapa sa
pornograpiya ay nahihirapang magkaroon ng malusog na pakikipag-
ugnayan sa kanilang asawa. Nakararanas sila ng seksuwal na kasiyahan sa
panonood at pagbabasa ng pornograpiya, at pang-aabuso sa sarili at hindi
sa normal na pakikipagtalik.
3. Ito rin ay ginagamit ng mga pedophiles sa internet upang makuha
ang kanilang mga bibiktimahin.

Ang pornograpiya ay maaring dahilan upang ang tao ay mag-iba


ng asal. Ang mga seksuwal na damdamin na ipinagkaloob ng Diyos sa tao,
na maganda at mabuti, ay nagiging makamundo at mapagnasa. Ayon kay
Immanuel Kant, nauuwi sa kawalang-dangal o nagpapababa sa kalikasan
ng tao ang mga makamundong pagnanasa.

C. Mga pag-aabusong seksuwal (Sexual Harassment)


Ang pang-aabuso ay isinasagawa ng isang nakatatanda na siyang
pumupuwersa sa isang nakababata upang gawin ang isang gawaing
seksuwal. Ang pang-aabusong seksuwal ay maaaring paglalaro sa
maseselang bahagi ng sariling katawan o katawan ng iba, paggamit ng
ibang bahagi ng katawan para sa seksuwal na gawain at sexual
harassment. Maaari rin itong hindi pisikal tulad ng paglalantad ng sarili na
gumagawa ng seksuwal na gawain at pagkakaroon ng kaligayahang
seksuwal sa pamamagitan ng pagtingin sa mga hubad na katawan,
seksuwal na pag-aari o kaya’y panonood ng pagtatalik na isinasagawa ng
iba
D. Prostitusyon

Ang pinakamatandang propesyon o gawain ay ang pagbibigay ng


panandaliang-aliw kapalit ng pera. Ang prostitusyon ay isang pang-
aabusong seksuwal na nakapagpapababa sa pagkatao ng taong sangkot
dito. Ang bumibili at nagpapabili ng aliw, ay nawawalan ng paggalang sa
pagkatao ng tao.
Ayon sa mga peminista, marapat lamang ang prostitusyon
sapagkat ito ay nakapagbibigay ng gawain sa mga taong walang trabaho lalo
sa mga kababaihan. Subalit dapat na tandan na ang pakikipagtalik na my
kapalit na halaga ay isang pang-aabusong seksuwal na nakapagpababa sa
pagkatao ng taong sangkot dito. Mapagsamantala ang prostitusyon.
Sinasamantala ng mga taong bumibili ang kahinaan ng babae o lalaking
sangkot dito. Naaabuso ng tao ang kaloob na handog ng Diyos na
seksuwalidad.

Ang mga seksuwal na faculdad o kakayahan ng tao ay tumutukoy sa


dalawang layuning maaari lamang gawin ng isang babae at lalaki na
pinagbuklod ng kasal o pag-iisang dibdib – ang magkaroon ng anak
(procreative) at mapag-isa (unitive).
Mahalagang maunawaan na ang pakikipagtalik ay hindi lamang para
makadama ng kaligayahang sensuwal. Hindi ito isang paraan para
makadama ng kaligayan, kundi ito ay isang paraan na naglalayong pag-
isahin ang isang babae at lalaki sa diwa ng pagmamahal.

 Mga Gawain

GAWAIN 1
Kopyahin ang “graphic organizer” na nasa ibaba sa iyong
kuwaderno, at dito mo isulat ang sarili mong pagkakaunawa sa salitang
“Seksuwalidad”. Ilagay sa bilog ang mga salitang maiuugnay mo dito.
GAWAIN 2

Suriin ang sumusunod na pahayag. Pag-isipan kung ikaw ay


sang-ayon o hindi sang-ayon sa mga pahayag na nabanggit batay sa
konseptong napapaloob sa aralin. Magbigay ng dahilan o paliwanag kung
bakit ka sang-ayon o hindi sang-ayon sa mga pahayag. Isulat ang
kasagutan sa kuwaderno.

Sang-ayon / Paliwanag/
Pahayag Hindi sang- Dahilan
ayon
1. Ang pakikipagtalik ay normal para sa
kabataang nagmamahalan.
2. Ang pagtatalik ng magkasintahan ay
kailangan upang makaranas ng kasiyahan.
3. Tama lang na maghubad kung ito ay para
sa sining.
4. Ang pagtingin sa mga malalaswang
babasahin o larawan ay walang epekto sa
ikabubuti at ikasasama ng tao.
5. Ang tao na nagiging kasangkapan ng
pornograpiya ay nagiging isang bagay na
may mababang pagpapahalaga.
6. Ang pang-aabusong seksuwal ay taliwas sa
tunay na esensiya ng seksuwalidad.
7. Ang paggamit ng ating katawan para sa
seksuwal na gawain ay mabuti ngunit
maaari lamang gawin ng mga taong
pinagbuklod ng kasal.
8. Ang pagbebenta ng sarili ay tama kung may
mabigat na pangangailangan sa pera.
9. Ang pagkalulong sa prostitusyon ay
nakaaapekto sa dignidad ng tao.
10. Wala namang nawawala sa isang babae
na nagpapakita ng kaniyang hubad na sarili
sa internet. Nakikita lang naman ito at
hindi nahahawakan.
GAWAIN 3

Narinig mo naba ang kasabihang, “Ang taong nagigipit sa patalim


kumakapit?” Oo man o hindi, pag-aralan ang mga sitwasyon sa ibaba. Pag-
isipan kung ano ang tamang gawin sa mga sitwasyon o isyung nabanggit.
Pangatuwiranan ang bawat sagot.

1. Maysakit ang nanay mo at di siya makapagtrabaho. Wala kayong


pambili ng gamot at pagkain. Nagugutom na ang maliliit mong mga
kapatid. Nakita ng kapitbahay ninyo ang inyong sitwasyon. Inalok ka
niya na makipagtalik sa kaniya kapalit ng perang pambili ng gamot at
pagkain.
2.
3. Isang araw, umuwi ang nanay mo na may kasamang lalaki.
Ipinakilala niya ito sa inyong magkakapatid bilang kaniyang
kasintahan. Sa bahay din ninyo na tumira ang lalaki. Mahal na mahal
niya ito at sinusunod lahat ng gusto nito. Binilinan kayo ng inyong
ina na sumunod at paglingkuran ang kaniyang kasintahan. Sa isang
gabing wala ang inyong ina, pumasok ang kasintahan ng inyong ina
sa iyong kuwarto at hinipuan ka sa maseselang bahagi ng iyong
katawan. Sinabi niyang huwag kang magsusumbong dahil pag ginawa
mo iyon, papatayin niya ang inyong ina.

 Pagtatasa

Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat


ang titik ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.

1. Ito ay tumutukoy sa mahahay na paglalarawan na may layuning


pukawin ang seksuwal na pagnanasa ng nanunuod o nagbabasa.
A. Pagtatalik bago ang kasal
B. Pang-aabusong seksuwal
C. Pornograpiya
D. Prostitusyon
2. Ito ay pang-aabuso na ginagawa ng isang nakatatanda na siyang
pumupuwersa sa isang nakababata upang gawin ang isang
gawaing seksuwal.
A. Pagtatalik bago ang kasal
B. Pang-aabusong seksuwal
C. Pornograpiya
D. Prostitusyon
3. Ito ay isang gawain kung saan binabayaran ang pakikipagtalik
upang ang taong umupa ay makaramdan ng kasiyahang seksuwal.
A. Pagtatalik bago ang kasal
B. Pang-aabusong seksuwal
C. Pornograpiya
D. Prostitusyon
4. Ito ay ang pagtatalik nang wala sa hustong gulang at hindi pa
nakatatanggap ng sakramento ng kasal.
A. Pagtatalik bago ang kasal
B. Pang-aabusong seksuwal
C. Pornograpiya
D. Prostitusyon
5. Kailan masasabing ang paggamit sa seksuwalidad ng tao ay
masama?
A. Kapag ang paggamit ay nagdadala sa kasiyahan.
B. Kapag ang paggamit nito ay nauuwi sa pang-aabuso
C. Kapag ang paggamit ay hindi nagdadala sa tunay na layunin
ng seksuwalidad.
D. Kapag ang paggamit ay nagdadala sa tao upang maging isang
pakay o kasangkapan

C. Paglalapat
Sa panahon ngayon ay sadyang nakakapangamba ang mga isyung
moral sa seksuwalidad. Ito marahil ay dala ng mga
makabagong teknolohiya at maging ng pag-uugali ng tao. Sa makabagong
teknolohiya masasabi nating ang mga impormasyon at uri ng
komunikasyon ay nasa internet na at madali na lamang pasukin ang isip ng
mga kabataan. Ang mga kabataan ngayon na kagaya mo ay sadyang
napakarami rin ng pinaglalabang kalayaan na minsan ay naging sanhi ng
pagbabago ng pag-uugali at pananaw sa buhay.
Nararapat lamang na ating malaman at maintindihan ang mga
dapat gagawin upang maiwasan ang paglaganap ng mga isyung moral gaya
ng pagtatalik bago ang kasal, pang-aabusong seksuwal, pornograpiya at
prostitusyon.

 Pagganap na gawain

Maghanap ng mga larawan mula sa mga “print media” gaya ng


diyaryo o pahayagan, magasin, komiks, leaflets o brochures. Ang mga
larawan ay dapat nagtatampok ang mga kinakailangan gawin upang
maiwasan ang paglaganap ng mga isyu ng seksuwalidad. Bumuo ng isang
“collage” ng larawan ayon sa temang nabanggit.
Ang “collage” ay tumutukoy sa pamamaraang pang-sining o
technique sa paggawa ng mga visual arts. Kadalasang binubuo ang collage
mula sa mga pinagsama-samang materyales ng print media.
Gumamit ng isang malinis na papel o A4 bond paper at
sumangguni sa rubriks ng pagmamarka para sa gawaing ito.

Rubriks para sa Paggawa ng Collage

Paksa: Mga Dapat Gawin Upang Maiwasan ang mga Isyu ng Seksuwalidad

Mga 5 Puntos 3 Puntos 1 Punto


Pamantayan

Pagkaka-ayos Malinis at maayos Maayos ang Hindi maayos ang


(organization) ang pagkakagawa pagkakagawa ng pagkakagawa ng
ng collage at collage at collage at mahirap
madaling maintindihan. maintindihan.
maintindihan.

Nilalaman Naipapakita ang Naipapakita ang Naipapakita ang


(content) kahusayan sa pag - pag-unawa sa paksa kakulangan sa pag-
unawa paksa sa sa pamamagitan ng unawa sa paksa sa
pamamagitan ng pagpili ng mga pagpili ng larawan.
tamang pagpili ng larawan
mga larawan.

Presentasyon Naipapakita ang Naipapakita ng Malabo o kulang


(presentation) kahusayan sa pagkamalikhain sa ang naipapakitang
pagkamalikhain sa paggawa ng collage. pagkamalikhain sa
paggawa ng collage. paggawa ng collage.

D. Paglalahat
Ang aralin na tinatakay ay tungkol sa mga isyu ng dignidad at
seksuwalidad. Nahaharap tayo sa apat na pangunahing isyung moral
kaugnay nito. Ito ay ang sumusunod; pagtatalik bago ang kasal o pre-
marital sex sa ingles, pornograpiya, pag-aabusong seksuwal o sexual
harassment sa ingles, at ang prostitusyon.
May iba’t ibang pananaw na siyang dahilan kung bakit ang isang
tao lalo na ang kabataan ay pumapasok sa maagang pakikikapagtalik.
Kadalasan ay sinasabing ang pakikipagtalik ay isang ekspresyon o
pagpapahayag ng pagmamahal. Ito daw ay normal at likas na gampanin ng
katawan ng tao kaya isang karapatan ang makaranas ng kasiyahan dahil
dito. Marahil ito ay dahil na rin sa maagang pagkapukaw ng seksuwal na
pagnanasa dulot ng pornograpiya, ang mga mahahalay na babasahin,
larawan, o palabas na napakadaling magkaroon dahil sa internet. Dulot nito
ang tumataas na kaso ng pang-aabusong seksuwal. Walang edad na pinipili
ang mga nang- aabuso, at lumalagap ito sa lipunan dahil na rin sa kawalan
ng ngipin ng ating batas. Pinakamatandang propesyon o gawain kung
ituring ang prostitusyon, ito ang pagbibigay ng panandaliang-aliw kapalit ng
pera na tunay na taliwas ng paggalang sa dignidad at pagkatao ng tao.
Tandaan na mahalaga na maintindihan at maging mapanuri sa
mga isyung ito, upang mapigilan ang paglaganap nito lalo na sa mga
kabataan na katulad mo ngayon. Maging matatag at iwasan ang mga
padalos-dalos na mga desisyon sa usapin ng seksuwalida.

E. Panapos na Pagtatasa
Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang titik ng
pinakatamang sagot sa iyong kuwaderno.

1. Ang gawaing pagtatalik bago ang kasal ay isyung may kinalaman sa,
A. Pang-aabusong seksuwal
B. Pre-marital sex
C. Pornograpiya
D. Prostitusyon
2. Ang pang-seksuwal na kakayahang kaloob ng Diyos sa tao ay tumutugon
sa anong layunin?
A. Magkaroon ng anak at magkaisa.
B. Magkaisa at maipahayag ang pagnanasa.
C. Makadama ng kasiyahan at magkaroon ng anak.
D. Magkaroon ng trabaho at makadama ng kasiyahan.
3. Kailan masasabing ang paggamit sa seksuwalidad ng tao ay masama?
A. Kapag ang paggamit ay nagdadala sa kasiyahan.
B. Kapag ang paggamit nito ay nauuwi sa pang-aabuso.
C. Kapag ang paggamit ay hindi nagdadala sa tunay na layunin ng
seksuwalidad.
D. Kapag ang paggamit ay nagdadala sa tao upang maging isang
pakay o kasangkapan.
4. Alin sa sumusunod ang hindi tumutukoy sa mga isyung seksuwal?
A. Si Jessica ay araw-araw hinihipuan ng kaniyang amain sa
maseselang bahagi ng kaniyang katawan.
B. Niyaya ni Noli ang matagal na niyang kasintahang si Malyn na
magpakasal sapagkat gusto na nilang magtatag ng pamilya.
C. Dala ng kabataan at bugso ng damdamin, nagbunga ang isang
gabing pagkalimot sa sarili ni Daisy at ng kaniyang boyfriend na si
Ariel.
D. Maganda ang hubog ng katawan ni Ann kaya nagpasiya siyang
magpaguhit nang nakahubad.
5. Alin sa sumusunod ang tamang pananaw sa pakikipagtalik?
A. Ang pakikipagtalik ay isang karapatang makaranas ng
kasiyahan.
B. Ang pakikipagtalik ay kailangan ng tao upang maging malusog
at mabuhay.
C. Ang pakikipagtalik ay tama kapag parehong may pagsang-ayon
ang gagawa nito.
D. Ang pakikipagtalik ay ang pagsasakatawan ng pagmamahal na
ipinapahayag ng mag-asawa sa bawat isa.
6. Ang isang lalaki o babae ay nagkakaroon ng kakayahang makibahagi sa
pagiging manlilikha ng Diyos kapag tumuntong na sa edad ng pagdadalaga
o pagbibinata (puberty). Subalit kahit sila ay may kakayahang pisyolohikal
na gamitin ito, hindi nangangahulugang maaari na silang makipagtalik at
magkaroon ng anak. Hanggang wala sila sa wastong gulang at hindi pa
tumatanggap ng sakramento ng kasal, hindi sila kailanman magkakaroon
ng karapatang makipagtalik. Anong katotohanan ang ibinubuod ng pahayag
na ito?
A. Maaari nang makipagtalik ang kabataang nagdadalaga at
nagbibinata na.
B. Maaari nang magkaroon ng anak ang kabataang nagtatalik.
C. Ang mga taong may kakayahang pisyolohikal ay maaari nang
makipagtalik.
D. Ang mga taong nasa wastong gulang at ipinagbuklod ng kasal
ang maaari lamang na makipagtalik.
7. Nag-iisa sa bahay si Arlyn at dumating ang kaniyang kasintahang si
Jonel. Pinatuloy niya ito at sila’y nag-usap. Habang tumatagal ay nag-iba
ang tema ng kanilang usapan. Naging agresibo si Jonel at sinimulan nitong
halikan si Arlyn. Sabi pa ni Jonel, “tayo lang naman ang nandito.” Kung
ikaw si Arlyn, ano ang iyong gagawin?
A. Magagalit kay Jonel at ito ay paaalisin sa kanilang bahay.
B. Magpapakipot muna pero sasang-ayon din sa kagustuhan ni
Jonel.
C. Kakausapin si Jonel at sasabihing panagutan kung anuman
ang mangyayari sa kanila.
D. Kakausapin si Jonel nang mahinahon at ipapaliwanag kung
ano ang tama.
8. Katangian ng tunay na pagmamahal.
A. Malaya at may kamalayan
B. Mapusok at masigasig
C. Padalosdalos sa mga desisyon
D. Tahimik at naninigurado
9. Ang tao na mayroon ito ay may kakayahang magmahal na tunay.
A. Puppy love C. Kalinisang Puri
B. Intensiyon D. Responsibilidad
10. Maaari itong maging simula o pundasyon ng isang tunay at wagas na
pagmamahalan sa pagdating ng tamang panahon.
A. Pagpapakasal C. True love
B. Puppy love D. Relasyon
Susi sa Pagwawasto

Panimulang pagtatasa/ Panapos na pagtatasa

1. B 6. D
2. C 7. D
3. D 8. A
4. B 9. C
5. D 10.B

Mga Gawain

GAWAIN 1
- Pagkababae
- Pagkalalaki
- Pag-aasawa
- Pagtanda
- Pagtatalik
- Pagbubuntis
- Panganganak

GAWAIN 2

Pahayag Paliwanag/ Dahilan

1 3 PUNTOS kungnabanggit na ang pagmamahal, kapag tunay ay hindi


kailanman humihingi ng kapalit.

1 PUNTO kung hindi nabanggit.

2 3 PUNTOS kung nabanggit na hindi nakasalalay sa pagtatalik ang


kasiyahan ng magkasintahan.

1 PUNTO kung hindi nabanggit.

3 3 PUNTOS kung nabanggit na hindi lahat ng hubad na larawan ay


pornograpiya subalit ang pagiging sining nito ay kailangang
mapanindigan.

1 PUNTO kung hindi nabanggit.

4 3 PUNTOS kung nabanggit na ang pornograpiya ay maaaring


magdudulot nang labis na pagkalito sa murang isipan na
maaaringdahilan ng pag-iiba ng asal.

1 PUNTO kung hindi nabanggit.


5 3 PUNTOS kung nabanggit na nauuwi sa kawalang dangal o
nagpapababa sa kalikasan ng tao ang mga makamundong pagnanasa.

1 PUNTO kung hindi nabanggit.

6 3 PUNTOS kung nabanggit na hindi nito ipinapahayag ang tunay na


mithiin ng seksuwalidad na ang paggamit ng kasarian ay para lamang
sa paglalayong ipadama ang pagmamahal at bukas sa tunguhing
magkaroon ng anak upang bumuo ng pamilya.

1 PUNTO kung hindi nabanggit.

7 3 PUNTOS kung nabanggit na ito ang tunay na mithiin ng


seksuwalidad na ang paggamit ng kasarian ay para lamang sa
paglalayong ipadama ang pagmamahal at bukas na tunguhing
magkakaroon ng anak upang bumuo ng pamilya.

1 PUNTO kung hindi nabanggit.

8 3 PUNTOS kung nabanggit na dapat tandan na ang kalayaan ay may


kaakibat na pananagutan sa paggawa ng mabuti, hindi dapat na
abusuhin ng tao ang kaloob na handog ng Diyos na seksuwalidad.

1 PUNTO kung hindi nabanggit.

9 3 PUNTOS kung nabanggit na ito ay nakapagpapababa sa pagkatao


dahil nawawala ang paggalang at naging isang bagay na lamang kung
tratuhin at hindi napakikitaan ng halaga ang tao.

1 PUNTO kung hindi nabanggit.

10 3 PUNTOS kung nabanggit na ito ay nagbibigay ng ideyang


pagnanasa na maaaring makapagdulot ng kakaibang asal na hindi
nararapat sa halaga ng pagkatao.

1 PUNTO kung hindi nabanggit.


Sanggunian

1. “Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul para sa Mag-aaral” Kagawaran ng


Edukasyon, Republika ng Pilipinas
Unang Edisyon 2015

Mula sa Internet

2. https://www.cameleon-association.org/contexte-aux-philippines/?lang=en

3. https://lrmds.deped.gov.ph/

4. https://www.slideshare.net/MaHazelForastero/isyung-moral-tungkol-sa-
seksuwalidad?qid=f06ae419-0990-4f5d-8560-
5b2f39697cf1&v=&b=&from_search=5

5. https://quizlet.com/198243104/sekswalidad-flash-cards/

You might also like