Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

N

O
T

Edukasyon
sa Pagpapakatao
Ika-apat na Markahan - Module 6
Mga Isyung Moral Tungkol sa
Kawalan ng Paggalang sa
Katotohanan

(design your own cover page)

Kagawaran ng Edukasyon● Republika ng Pilipinas


A.Pangkalahatang Ideya:

 Layunin:

1. Napatutunayan na ang pagiging mulat sa mga isyung may kinalaman sa


kawalan ng paggalang sa katotohanan ay daan upang isulong at isabuhay
ang pagiging mapanagutan at tapat na nilalang.

2. Nakabubuo ng mga hakbang upang maisabuhay ang paggalang sa


katotohanan.

 Panimulang Pagtatasa:
Panuto para sa Unang Bahagi: Pagpipili (Multiple Choice): Basahin at
unawaing maigi ang mga tanong bago sagutin, at isulat sa iyong sagutang papel
ang katapat na titik na nagtataglay ng pinakaangkop na sagot para sa bawat
aytem.
1. Alin sa sumusunod na pahayag ng isang Whistleblower , ang masasabi na
ang kanyang pagpupursigi na maisiwalat ang katotohanan ay dikta ng
kanyang konsensiya?
a. “Basta laging nasa likuran ko kayo lalo na’t magkakagipitan na.”
b. “Kailangan ko itong gawin, alang –alang sa mga kaibigan kong
masasagasaan sa isyu”
c. “Ayaw na ng pamilya ko’t mga kaibigan, at ayaw ko na rin sana, pero
kailangan, kaya itutuloy ko na rin”
d. “Nadamay na kasi ako dito eh.”
2. Sa pangkalahatan ang katotohanan ay dapat mapanindigan at maipahayag
nang may katapangan sa lahat ng pagkakataon , sapagkat ito ang nararapat
na gawin ng isang matapat at mabuting tao. Bakit mahalagang matandaan
ang pahayag na mapanindigan at ipahayag sa lahat ng pagkakataon?
a. Dahil ito ang katotohanan
b. Dahil ito ang nararapat gawin ng mapanagutan, tapat at mabuting tao.
c. Dahil ito ang maghahatid sa tao ng paghanga at paggalang
d. Dahil ito ay para sa kabutihang panlahat.
3.Ang katotohanan ay nagsisilbing ilaw ng tao sa pagahahanap ng kaalaman at
layunin niya sa buhay. Sa bawat tao na naghahanap nito, masusumpungan
lamang niya ang katotohanan kung siya ay maninindigan at walang pag-
aalinlangan na ito ay sundin, ingatan at pagyamanin. Ano ang kalakip nitong
kaluwagan sa buhay ng tao?
e. Kaligayahan at karangyaan
f. Kapayapaan at kaligtasan
g. Kaligtasan at katiwasayan
h. Katahimikan at kasiguruhan

1
4. .Alin sa sumusunod ang nalabag ng isang plagiarist?
a. Intellectual Power
b. Intellectual Honesty.
c. Intellectual Piracy
d. Jocose lie
5. Alam ni Jessie na ang mga batas ng karapatang-ari (copyright), kaya nang
mapansin niya ang maling ginagawa ng kanyang kaklase sa paggawa at
pagpapasa ng proyekto, ito ay kinausap niya’t binigyan ng babala. Tama ba ang
ginawa ni Jessie? Bakit/
a. Tama, dahil ito ay nasa batas at may parusa sa sinumang lumabag dito.
b. Tama, dahil ito ay para sa ikabubuti ng kaniyang kaklase
c. Tama, dahil ito ay karapatan din ng taong sumulat o may-ari ng katha.
d. Tama, dahil ito ay kaniyang obligasyon sa kapwa
6. Maituturing na pagnanakaw at pagsisinungaling ang pangongopya? dahil
a. Inaangkin mo ang hindi sa iyo.
b. Pinaunlad mo ang kakayahan na magiging tuso.
c. Nakopya mo ang istilo ng presentasyon
d. Nalampasan mo ang galing ng manunulat
7. Ang lahat ng mga orihinal na ideya, mga salita, at mga datos na nakuha at
nahiram na dapat bigyan ng kredito o pagkilala sa may-akda o pinagmulan ay
sumailalim sa prinsipyo ng Intellectual Honesty ang pag-angkin sa gawa ng iba
ay hindi lamang indikasyon ng mababang kaalaman at kakayahan kundi isang
kahinaan sa kabuuan ng pagkatuto ng tao. Paano ito maiiwasan? Maiiwasan
ito sa pamamagitan ng sumusunod maliban sa isa:
a. Magpahayag sa sariling paraan
b. Sikaping aralin paano mahanap ang mga impormasyon sa internet

c. Pagsikapang mapaunlad ang kakayahan na makapagbigay ng sariling


posisyon o stand sa anumang argumento o pagtatalo
d. Paunlarin ang kakayahan sa pagtitimbang sa mga argumento upang
makabuo ng sariling konklusyon at malaya itong maipahahayag.

Panuto:para sa Pangalawang Bahagi: Modified True or False: Kilalanin


kung tama o mali ang sumusunod na mga pahayg. Kung tama, idibuho ang
anyogn bituin ( ). Kung mali naman, tukuyin ang salita/mga salita na
nagpapamali sa pahayag at isulat sa katapat nito ang angkop na salita/mga
salitang magwawasto sa nasabing pahayag. ( 1pt. sa tamang sagot sa pahayag
na tama, at 3pts naman sa atamang sagot sa maling pahayag.)

1. Makabuluhan ang pagkamulat sa mga isyu tungkol sa kawalan ng paggalang


sa katotohanan dahil magsisilbi itong paalala sa masamang epekto nito sa
sarili, sa pamilya at sa lipunan.
2. Ang sinuman ay may karapatang itago ang katotohanan tungkol sa madilim
niyang kahapon, dahil siya naman mismo ang responsible dito.

2
3. Kinakailangan ang pagsasabi ng totoo upang mapanindigan ang
kasinungalingan.
4. Lahat ng inilathala sa social media ay tama at makatotohanan.
5. Sa kabuuan, nararapat na mapanindigan ang katotohanan at maihayag ito
sa angkop na pagkakataon, matapos ang masusi at maingat na paghuhusga
na nakaugat sa pakikinig ng ating konsensiya na ginagabayan ng batas
moral na likas na nakaukit na sa ating puso.

 Dating Kaalaman:
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong, sa loob ng 3-5
pangungusap lamang. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1.Ano ang kabuluhan ng pagtukoy at pagsusuri sa mga isyung may


kinalaman sa kawalan ng paggalang sa katotohanan? Mayroon bang
kabutihang maidudulot nito sa iyo? Anu-ano ang mga ito?
2.Ano kaya ang kaugnayan sa kamulatan mo sa mga isyung may kinalaman
sa kawalan ng paggalang sa katotohanan, tungo sa pananagutan mong
yakapin at isabuhay ang katotohanan?

B.Paglalahad
 Pagbuo ng Konsepto:

Ang Misyon ng Katotohanan

Likas sa tao ang paghahanap sa kasagutan kung ano at para saan o para kanino
ang kanyang buhay, sa madaling salita hinahanap niya ang kahulugan at layunin sa
kanyang pagkalikha bilang tao.

Sa kanyang paglalakbay kinakailangan niya ang ilaw na gagabay sa kanya at ito


ay ang katotohanan. Para sa taong naghahanap ng katotohanan, masumpungan
lamang niya ito kung siya ay manindigan, at buong pusong sundin, ingatan at
pagyamanin ito, na magbubunga ng kaluwagan sa buhay (comfort of life) na may
kalakip na kaligtasan, katiwasayan at pananampalataya.

Subalit hindi ito kusang dumarating o kaya’y automatikomg makamtan, bagkus


kailangan niya ng kasama upang lumitaw ito mula sa pagkakakubli, kailangan itong
pagsikapang mahanap kaakabay ang mga taong nakapaligid sa kanya,ayon ito sa
pananaw ni Fr. Roque Ferriols tungkol sa “tahanan ng mga katoto.” Kung hindi maging
bulag siya sa mga bagay o isyu sa lipunan na makaaapekto sa kaniyang isip upang
magsuri at makaalam.

3
Ipinagkahulugan din ang katotohanan bilang kondisyon ng pagiging totoo na
matatamo sa pamamagitan ng pagiging mapagpahayag gamit ang simple at matapat
na paraan. Malaya ang tao na gamitin ang wika sa maraming paraan ng pagpapahayag
Higit sa lahat, nagagamit ito bilang instrumento sa pag-alam ng katotohanan.

Kinakailangan ang pagsasabi ng totoo upang mapanindigan ang katotohanan.


Ang tunay nitong halaga ay ang pagiging isa at matatag na ugnayan sa pagitan ng wika
at kaalaman. Maipakikita ito sa paglilipat ng kaalaman patungo sa pagsasawika. Ito ay
malayang pagpapahayag sa kung ano ang nasa isip. Ipinahiwatig na kung ano ang
wala sa isip ay hindi dapat isawika, kundi ito ay magiging paraan na ng
pagsisinungaling o hindi pagkiling sa katotohanan.

Ang pagiging mapanagutan at ang pagkakaroon ng kamalayan at kaalaman


tungo sa makataong kilos ay magbubukas sa isip ng tao na magkaroon ng
paninindigan sa kabutihan tungo sa pagyakap sa katotohanan.
Sinabi ni Immanuel Kant sa kanyang “Kautusang Walang Pasubali” na isang
obligasyon ang pagtupad ng tao ng kanyang tungkulin at gawain. Matatamo ng tao ang
mataas na pagpapahalaga kapag napanindigan niya ang kanyang kilos at reaksiyon sa
isang sitwasyon, dahil mas higit ang pagpili niya na umanib sa katotohanan at maging
mapanagutan sa aspektong ito.

Sinabi rin ni Pope Francis sa isa sa kanyang mga pahayag na binatay na rin
niya sa Bagong Tipan ng Banal na Aklat (Bibliya) sa Eph.4:25..” tinawag ang bawat isa
na mamuhay sa katotohanan hindi lamang dahil ito ang tama, o kaya’y dahil ito ang
utos ng Dios, kundi dahil ito ang landas sa mabuti at mapayapang buhay.”
”https://www.ncronline.org.vatican

Ang Imoralidad ng Kasinungalingan


Ayon kay Sambajon Jr, et al (2011) ang pagsisinungaling ay ang hindi pagkiling
at pagsang-ayon sa katotohanan. Ito ay isang lason na humahadlang sa bukas at
kaliwanagan ng isang bagay o sitwasyon na nararapat na mangingibabaw sa pagitan
ng mga tao sa isang grupo o lipunan.
Ayon naman kay Pope Francis (sa kayang pahayag tungkol sa Katotohanan)
“Ang pagsisinungaling o pagiging inauthentic sa komunikasyon ay seryoso at
malubhang kamalian dahil pumipinsala ito sa mabuting ugnayan ng mga tao,
samakatuwid pinipigilan nito ang pag-ibig.” Kung saan mayroong kasinungalingan,
walang pag-ibig, walang pagmamahal.”
Mga Uri ng Pagsisinungaling:
1.Jacose lies – sinsabi o sinasambit ito upang magbigay-aliw ngunit hindi sadya ang
pagsisinungaling. Hal. Pagkukwento ng isang nanay tungkol kay Sta. Klaus na
namimigay ng regalo sa isang mabait at masunuring bata.

2.Officious lies-ipinahayag upang ipagtanggol ang kaniyang sarili o di kaya ay paglikha


ng isang usaping kahiya-hiya upang dito maibaling.Ito ay isang tunay na

4
kasinungalingan, kahit na gaano pa kabigat ang ibinibigay na dahilan. Hal.
Idinahilan ng isang mag-aaral na lumiban sa klase ang pagkamatay ng kanyang
lolo na ang totoo nama’y noong nakaraang taon pa yumao.
3.Pernicious lies - ay nagaganap kapag ito ay sumisira ng reputasyon ng isamg
tao na pumapabor sa interes o kapakanan ng iba. Hal. Ang pagkakalat ng maling
bintang ng pagnanakaw ni Lyn ng wallet ng kanyang kaklase na hindi naman siya
ang kumuha nito.

Paraan ng Pagtatago ng Katotohanan


1. Lihim – ito ay ang pagtatago ng mga impormasyon na hindi pa nabubunyag o
naisisiwalat.
2.Mental Reservation – Ito ay ang maingat na pagbibitiw ng mga salita sa
pagpapaliwanag na kung saan ay walang ibinibigay na tiyak na impormasyon o kaya’y
nagbibigay ng malawak na paliwanag at kahulugan sa maraming bagay upang ilayo
ang tunay na katotohanan.
3.Prinsipyo ng Confidentiality- Ito ay tumutukoy sa kaisipang pagpapahalaga ng
kaisipan o napagkasunduan na ilihim, gawing pribado, ingatang hiwaga o itagong
konpidensyal. (https://brainly.ph/Q )

Napabilang din sa tatlong ito ang pag-iwas (evasion ) at paglilihis ng mga maling
kaalaman ( equivocation )

Mga Isyung Etikal sa Lipunan


Maliban sa nabanggit sa unahan, mapapansin natin ang talamak na
pandaraya at kawalan ng galang sa tunay na halaga ng katotohanan. Anu-ano
ang mga isyung ito ang humahamon sa kasagraduhan ng katotohanan? Ang I
ilan dito ay maituturing na paglabag sa intelecktuwal na gawain at pag-aari
ng tao.
1.Plagiarism –ayon sa (Artikulo A et al, 2003 )ito ay isang paglabag sa
intellectual honesty. Maiuugnay ang isyung ito sa pananagutan sa
pagpapahayag ng katotohanan at katapatan sa mga datos, mga ideya, mga
pangungusap buod at balangkas ng isang akda, programa, himig at iba pa ngunit hindi
kinilala ang pinagmulan,bagkus nabuo lamang dahil sa ilegal na pangongopya. Ito ay
maituturing na pagnanakaw at pagsisinungaling dahil inangkin ang hindi sa iyo
(Atienza, et al,1996 ). Lahat ng mga naisulat na babasahin o hindi man naitala, maging
manuscript (mga sulat-kamay na hindi nalimbag ), mga nalimbag o kaya sa parang
elektroniko ay sakop nito. Dapat na tandaan na lahat ng mga orihinal na ideya, mga
salita at mga datos ay sakop ng tinatawag na Intellectual Honesty na kapag nakuha
at nahiram ay dapat bigyan ng kredito o pagkilala sa may-akda o pinagmulan. Hindi
lang indikasyon ng mababang uri ng kaalaman at kakayahan kundi sang kahinaan ng
pagkatuto ng tao ang pang-aangkin ng gawa ng ibang tao. Paano ba ito maiiwasan?
a.Magpahayag sa sariling paraan sa pamamagitan ng malayang pagpapahayag ng
kaisipan sa pagpapaliwanag ng ideya at konsepto.

5
b. Magkaroon ng kakayahan na makapagbigay ng sariling posisyon sa anumang
argumento.
c. Ang pagsusuri sa gawa ng iba, pagtitimbang sa bawat argumento at pagbuo ng
sariling konklusyon o pagbubuod ay makatutulong sa sarili na magpahayag.
Nakapanlulumong isipin na maraming tao ang gumagawa ng kabuktutan, tulad ng
samu’t-saring uri ng pagsisinungaling sa pamilya man, sa lipunan o sa paaralan tulad
ng pangongopya na hindi naman sana mangyayari dahil dito sa paaralan inaasahan na
tagapagturo ng katapatan at kasipagan.
Bakit kaya na may mga tao talagang tila nahihirapang kilalanin at ipagbigay –
alam ang pinanggalingan ng kaalamang ginamit o tanggapin ang sariling kahinaan?
May takot bang mapulaan na tamad o isang mabansagang mangmang? Pero ang hindi
naisip ng mga taong ito na kapag napanindigan ang kaniyang likha mula sa tulong at
gawa ng iba, ay magbubunga ng patas, tapat at magkaroon ng proteksiyon ang sariling
gawa. Kung wala ang proteksiyong ito, mawalan ng saysay ang pagkamalikhain,
mapag-isip ng magagandang ideya at konsepto na magagamit para sa kapakinabangan
ng kaalamang pantao (human knowledge)
Isa marahil sa kakulangan kung bakit mas gustuhing manggaya o mangopya ay
ang kakulangan sa pagkilala at pagtanggap sa sariling pagka-bukod-tangi na may
sariling mga kakayahan at kayamanang taglay na nangangailangan lamang kilalalanin
at pagyamanin. Na kung maisagawa ay makita ang likas at bukod-tanging taglay na
kinang at ningning ng sariling pagkabukod-tanging nilalang.
2.Intellectual Piracy- Sakop nito ang tinatawag na copyright infringement o
ang paglabag sa karapatang –ari. Ito ay naipakikita sa paggamit ng walang pahintulot
sa mga orihinal na gawa ng isang taong pinoprotektahan ng Law of Copyright mula sa
Intellectual Property Code of the Philippines, 1987. Makikita ang paglabag sa
pamamagitan ng pagpaparami, pagpapakalat, pagbabahagi, at panggagaya sa pagbuo
ng bagong likha mula sa Copyright holder, ang tawag sa taong may orihinal na gawa o
ang may ambag sa anumang bahagi at iba pang mga komersiyo.
Ayon sa Dictionary.com.website ang piracy ay isang uri ng pagnanakaw sa
mga barko na naglalayag sa karagatan. Malinaw na isa itong uri ng paglabag dahil may
intensiyon itong mang-angkin nang mga bagay na hindi pagmamay-ari nito. Ang theft
sa kabilang dako, ay hindi lamang literal na pagnanakaw kundi isang lubusan na pag-
angkin sa pag-aari ng iba na walang paggalang sa karapatang nakapaloob dito. Ang
mga ito ay matatawag na isang krimen tulad ng panggagahasa, pagpatay, kidnapping
at iba pang uri ng kriminal na gawain sa ating lipunan. Patuloy pa ring isinasagawa ng
mga tao ang mga krimeng ito dahil sa presyo, kawalan ng mapagkukunan, kahusayan
ng produkto, sistema o paraan ng pamimil ( madaling transaksiyon ), at anonymity.
3. Whistleblowing – tumutukoy ito sa isang akto o hayagang kilos ng
pagsisiwalat mula sa tao na karaniwan ay empleyado ng gobyerno o pribadong
organisasyon o korporasyon. Ito ay may malaking kinalaman sa katapangan sa
pagpapahayag ng katotohanan ng isang Whistleblower ang tawag sa taong naging
daan ng pagbubunyag ng mga maling asal at illegal na gawain o mga hayagang
pagsisinungaling na naganap sa loob ng isang ahensiya, samahan, o organisasyon.

6
Mahirap sa isang simpleng empleyado ang lumantad at mag-akusa laban sa
kaniyang amo o “boss” na pinaglilingkuran na maghatid sa kanya ng pagkatanggal sa
trabaho at pagbagsak ng kanyang kabuhayan. Ngunit sa panahong tulad nito, hindi na
ang usapin ay kung tama ang hayagang pagbunyag sa publiko, ang mahalaga ay kailan
at paano ilalahad o ipapaalam ang lahat sa mga tao.

Tunay na mabuti at matuwid ang gawaing pagpapahayag ng katotohanan at isa


itong obligasyong moral ng tao. Ngunit kung ilalapat ito sa aktuwal na sitwasyong moral
may mga bagay na dapat bigyang-pansin bago magpahayag o magsiwalat ng
katotohanan. Kung magkaroon man ng problema sa lugar na pinagtatrabahuan,
nararapat lamang na malaman ito ng amo o “boss” upang magkaroon ng pagsasaayos
at masolusyunan sa loob ng kanyang nasasakupang opisina. Kung hindi maresolba,
saka pa lamang magiging makatuwiran ang whistleblowing.

Narito ang iilang hakbang bago isiwalat ang katotohanan:


1. Siguraduhin na ang kilos ay ayon sa batas moral at isinasakilos ito alang-alang sa
kabutihan ng lahat.
2. Harapin ang sitwasyon at makipag-usap nang maayos sa kinaukulan, ng
kompanyang pinagtatrabahuan, ‘ika nga ,“don’t bark on a wrong tree”.
3.Kung sakaling nagawa na ang lahat ng paraan at nabigo pa rin, isiping maigi kung
dapat na bang ihayag sa publiko sa tulong na rin ng konsultasyon sa most trusted
person at higit sa lahat, gawin ang marubdob na pagdarasal at pagninilay upang
maliwanagan bago isagawa ang lahat.
4. Kung ilalantad ang isyu sa publiko, harapin ito ng buong tapang subalit higit sa
lahat laging isaisip ang kabutihan at kapakanan ng nakararami kaysa sariling interes.

Gampanin ng Social Media sa paglinang ng kaalaman at kamulatan ng tao sa


pagpapasiya patungo sa kaliwanagan ng katotohanan:https://brainly.ph.question

“Malaki ang papel na ginagampanan ng social media sa paglinang ng kaalaman


at kamulatan ng tao tungo sa katotohanan. Sa pamamagitan ng social media
nagkakalapit ang mga tao, napapabilis ang pagpapalitan ng mensahe, napapadali ang
pagkuha ng mga impormasyon, at naging mabilis ang pagpapalaganap at pagtanggap
ng mga balita. At kapag may katanungan , isang post lang ay maari ka nang sagutin ng
kapwa mo netizen.

Oo kapakipakinabang ang paggamit ng social media lalong lalo na sa mabilis na


takbo ng buhay sa kasalukuyan , subalit kailangan na marunong kang magsala sa kung
alin ang totoo at ang “fake news”. Kailangang maging mapagmatyag, mapanuri,
maingat at responsable sa paggamit nito lalong lalo na sa pagpipili sa mga bagay na
nakaaapekto sa sariling pagkatao, at mahahalagang gampanin niya sa araw-araw na
pagganap ng tungkulin sa sarili, tahanan, paaralan, at lipunang ginagalawan.

 Mga Gawain:
Panuto:
Basahin at unawaing mabuti ang seleksyon na makikita sa link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=IlH0PzxJqy4 Ito ay hango sa sinabi ni Cardinal
Chito Tagle (32nd Archbishop ng Manila mula taong 2011 hanggang bahagi ng

7
taong 2020 )sa programang“Kape’t-Pandasal”(Programa ng Jesuit
Communications Philippines in partnership with ABS-CBN) –Pagkatapos mong
basahin ito, sagutin ang mga sumunod na mga tanong.

Sinabi niya:
“ Hindi Mapapatay ang Katotohanan.

Sa panahon natin ngayon, parang mas pinipili ang kasinungalingan.


Ito ang binubuhay upang mabuhay.

Pati ang mga bata ay marunong nang lumusot upang hindi mapahamak,
Ang mga mag-asawa, nagbubulahan lang para raw mabuhay ang kanilang pagsasama
Ang mga mag-aaral, marunong mandaya para makapasa;

Kulang nalang isigaw natin: “MABUHAY ANG SINUNGALING”


Pero, ito po ang unang kasinungalingan.

Ang Katotohanan ang daan sa tunay na buhay at kahit ano pang gawin natin upang ito
ay patayin, mananatili itong buhay.

Huwag po tayong mahumaling sa panandaliang halimuyak ng


Kasinungalingan.
Sa simula mukha itong kaaya-aya, subalit sa kalaunan, huwad na alindog pala.

Ang magtatanggol sa kabulaanan ay handang pumatay


Masakit man ang katotohanan, TANGGAPIN natin , dahil ito ang daan sa
MAPAYAPANG BUHAY !

O Dios, sinugo Mo si Jesus bilang Katotohanan at Buhay, sundan nawa namin


Siya . Amen..”

Mga Tanong:
1. Sang-ayon ka ba sa kanyang mga sinabi dito? Alin sa mga ito ang higit mong
sinang-ayunan , bakit?
2. Batay sa iyong pagmamasid sa lipunang iyong kinalalagyan ngayon , may
karanasan bang mai-uugnay mo sa iyong napiling linya? Ano ito? (puwedeng
aktuwal na karanasan o narinig kaya sa radio o napanood kaya sa telebisyon)
3. Ayon sa may-akda na si Cardinal Tagle, bakit dapat nating piliin ang mabuhay sa
katotohanan? Maliban sa kanyang sinambit na kabutihan sa pagpili nito
mayroon ka pa bang maidadagdag na kabutihan nito? Anu-ano ang mga ito?

8
 Pagtatasa:
Pangkalahatang panuto: Pumili lamang ng 2 mula sa 3 sumusunod na
pagtatasa na kaya mong sagutin batay sa natutunan mo sa pagbabasa sa
modyul na ito. sundin lamang ang bawat panuto na iyong napiling sagutin o
isagawa.

Panuto # 1: Kopyahin ang buong dibuho ng graphic organizer na ito sa


iyong sagutang papel at punan ang bawat kahon ng angkop na
salita/mga salita na bubuo sa batayang konsepto ng araling ito.

D
A
A
N
S
A
Mga isyu sa P
A
kawalan ng galang G
sa katotohanan S
U
L
O
N
G

Panuto # 2: Buuin ang pahayag sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga halo-halong


parirala na mababasa mo sa loob ng kahon upang maihahayag mo ang batayang
konsepto ng buong araling ito. Isagawa mo ang pagsasaayos sa iyong sagutang papel.

Ang pagiging mulat sa mga isyu / ng paggalang sa katotohanan /


ay daan upang isulong / ang pagiging mapanagutan / at isabuhay /
at tapat na nilalang / tungkol sa kawalan

9
Panuto # 3: Bumuo ng mga hakbang sa paninindigan at paggalang sa katotohanan sa
pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod na sitwasyon: Kopyahin ang buong
talahanayan sa iyong sagutang papel at punan ang hinihingi nito.

Mga Sitwasyon Ang Paliwanag Reyalisasyon


Gagawin ko
1.Gahol na ako sa oras upang
magkalap ng impormasyon tungkol
sa aking action research.
Nakatakda na itong ipasa ikatlong
araw mula ngayon. Sa isang site
sa internet may nakita akong
kahawig ng aking research.
Makatutulong ba ito sa akin?
2.May paborito kang movie title
na kasama ang hinahangaan mong
artista. Matagal mo na itong nais
na panoorin. May isang nag-alok
sa iyo sa murang halaga at may
libre pa itong kasamang dalawa
pang panoorin sa P200 na halaga
nito.. Kasama ka sa adbokasiya ng
kampanya sa Anti Piracy sa inyong
paaralan. Mahikayat ka kayang
bumili nito?
3.May isa kang kaopisina na
madalas na dumaraing ng tungkol
sa ugali at Sistema ng pamumuno
ng inyong boss. Nagdetalye na rin
siya ng mga anomalyang ginagawa
nito at nagbabanta na rin ng
kaniyang plano na gumawa ng
isang anonymous letter bilang ganti
sa kalupitan nito sa kanya.
Pipigilan mo ba siya sa kanyang
balak na magreklamo?

C.Paglalapat
 Pagganap na Gawain
Panuto: Kumatha ng “tula” na magpapahahayag ng iyong mga hakbang
upang maisabuhay ang paggalang sa katotohanan.
Binigyan kita dito ng mga linya ng awiting mula sa 3 magkaibang awitin na
hinango sa “Lungsod sa Dios” Published by Bukidnon Institute of Catechetics-City of
Malaybalay na (song composition of Sr. Narcisa Fernandez, FMA ) . Umaasa ako na
makakatulong ito upang mas maging masaklaw (holistic) ang kakathain mong tula.

10
Mga Awit:
Hiyas
Hiyas Ikaw tuburan ka sa kahayag ug paglaum,
Ang imohang pagsidlak, ipalayo sa dag-um
Iwagi karon sa pagpaambit mo ang nangitngitan sa pagpakahilom,
Lamdagi ang tanan nga imong silingan kay sila ang tulubagon mo.

Asin Ug Kahayag (Mt. 5:13-16 )


Kamo ang asin sa katawhan, nag-ingon kanato ang Ginoo
Kun ang asin kawad-an sa iyang kaparat wala na kini kapuslanan, ug angay
lamang isalibay ug tunubtunuban sa mga tawo, kun maingon niini ang tawo
kawad-an siya’g bili ning kalibutan.

Kamo ang kahayag sa katawhan nag-ingon kanato ang Ginoo, kun ang siyudad
nga nahimutang sa bungtod dili gayud matago, walay magdagkot ug suga aron
lamang tagoan sa gantangan, ibutang gayud sa tungtunganan aron modan-ag sa
tanan.
Busa ipadan-ag gayud ang inyong kahayag, atubangan sa mga tawo aron
makita ang maayo ninyong buhat, /: ug magdayeg silang tanan sa inyong
Langitnong Amahan : / Kamo ang asin ug kahayag.

Pananagutan
Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang, walang sinuman ang
namamatay para sa sarili lamang.
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t-isa, tayong lahat ay tinipon ng
Diyos na kapiling Niya.
Sa ating pagmamahalan at paglilingkod sa kanino man
Tayo’ ay nagdadala ng balita ng kaligtasan.

D. Paglalahat
Hindi maipagkaila na sa ating lipunan, nakikita natin ang kawalan ng
paggalang sa katotohanan dahil sa mga isyu ng plagiarism, intellectual piracy,
whistleblowing at nakakalitong samu’t-saring isyu na inihatid ng social media .
Nilalabag ng plagiarism, at intellectual piracy ang mga karapatang pantao na
ipinakita sa kawalan ng pagkilala at paggalang sa pagkatao ng tunay na may-
akda. Samantala, maituturing na mabuting gawain ang whistleblowing dahil
naibubunyag at naisisiwalat nito ang masamang kalakaran at gawain na
kailangan maituwid para sa ikabubuti ng lahat. Maisasama na rin natin dito ang
impluwensiyang hatid ng social media na tila nagpapahina o nagpapalakas sa
kaisipan ng mga netizens na maging mapanagutn sa mga kaakibat na
obligasyon sa paggamit nito, na pinatibay ng kampanyang ito ng isang media
outlet ang kampanyang: “Think before you Click”
Sa kabuuan, nararapat na mapanindigan ang katotohanan at maipahayag
ito nang buong lakas-loob sa angkop na pagkakataon dahil ito ang nararapat sa
isang matapat, mapanagutan at mabuting tao . Papairalin natin dapat ang
pagsasabi ng totoo at isabuhay ang katotohanan , dahil ito ang inaasahan sa atin
bilang isang tao, ito rin ay nagpapakita ng paggalang at pagpapahalaga sa
dignidad ng sarili at kapuwa tao,bilang nilikha sa wangis ng Dios. Marami ding
pagkakataon na tayo ay nagsisinungaling at alam natin na hindi ito katanggap-
tanggap dahil sa ito’y panloloko sa kapwa tao. Subalit kung ang dahilan ng

11
pagsisinungaling ay upang mapangalagaan ang dignidad at kaligtasan ng kapwa
o nang nakararami, maaaring hindi natin hayagang sabihin ang totoo, kaya nga
sinabi ng isang kakilalang pari nang kinunsulta ko siya sa isang isyu, sabi niya:
“Think of a Higher Value.”
Ngunit, kung sakaling malagay sa isang sitwasyon na kailangan talaga
nating ihayag at sabihin ang totoo, dahil naririsgo ang kaligtasan ng nakararami o
kaya’y magdudulot pa ng mas higit na pinsala at kung para sa kabutihang
panlahat, dapat ay mangibabaw ang katotohanan, dahil ayon kay Pope
Francis, ang kadahilanan ng pamumuhay sa katotohanan ay dahil lahat tayo ay
napasakop sa iisang mundo, ang mundo ng mga tao na binigkis ng pag-ibig ng
Panginoon na kasapi sa iisang Katawan ni Hesukristo.” Pinalalim pa niya ito ng
sabihin niya na walang pag-ibig o pagmamahal hanggat namayani ang
kasinungalingan sa pamilya man, o sa lipunan na ating kinabibilangan.

E. Panapos na Pagtatasa
Panuto: Basahin at unawaing mabuti bago sagutin ang sumusunod na
mga tanong. Piliin lamang ang titik na nagtataglay ng
pinakaangkop na sagot para sa bawat aytem at isulat ito sa iyong
sagutang papel.
1.Alin sa sumusunod na pahayag ng isang Whistleblower , ang masasabi na ang
kanyang pagpupursigi na maisiwalat ang katotohanan ay dikta ng kanyang
konsensiya?
a. “Basta laging nasa likuran ko kayo lalo na’t magkakagipitan na.”
b. “Kailangan ko itong gawin, alang –alang sa mga kaibigan kong masasagasaan
sa isyu”
c.”Nadamay na kasi ako dito.”
d. “Ayaw na ng pamilya ko’t mga kaibigan, at ayaw ko na rin sana, pero kailangan,
kaya itutuloy ko na rin”
2.Sa pangkalahatan ang katotohanan ay dapat mapanindigan at maipahayag nang
may katapangan sa lahat ng pagkakataon , sapagkat ito ang nararapat na gawin
ng isang matapat at mabuting tao. Bakit mahalagang matandaan ang pahayag na
mapanindigan at ipahayag sa lahat ng pagkakataon?
a.Dahil ito ang katotohanan
b.Dahil ito ang nararapat gawin ng isang responsable, tapat at mabuting tao.
c.Dahil ito ang `maghahatid sa tao ng paghanga at paggalang
d.Dahil ito ay para sa kabutihang panlahat.
3.Ang katotohanan ay nagsisilbing ilaw ng tao sa pagahahanap ng kaalaman at
layunin niya sa buhay. Sa bawat tao na naghahanap nito,
masusumpungan lamang niya ang katotohanan kung siya ay maninindigan at
walang pag-aalinlangan na ito ay sundin, ingatan at pagyamanin. Ano ang kalakip
nitong kaluwagan sa buhay ng tao?
a.Kaligtasan at katiwasayan b.Kapayapaan at kaligtasan
c. Kaligayahan at karangyaan d.Katahimikan at kasiguruhan
4.Alin sa sumusunod ang nalabag ng isang plagiarist?
a.Intellectual Power b.Intellectual Honesty.
c.Intellectual Piracy d.Jocose lie

12
5.Alam ni Jessie na ang mga batas ng karapatang-ari (copyright), kaya nang
mapansin niya ang maling ginagawa ng kanyang kaklase sa paggawa at
pagpapasa ng proyekto, ito ay kinausap niya’t binigyan ng babala. Tama ba ang
ginawa ni Jessie? Bakit?
a.Tama, dahil ito ay nasa batas at may parusa sa sinumang lumabag dito.
b.Tama, dahil ito ang obligasyon niya sa kapwa
c.Tama, dahil ito ay karapatan din ng taong sumulat o may-ari ng katha.
d.Tama, dahil ito ay para sa ikabubuti ng kanyang kaklase.
6.Maituturing na pagnanakaw at pagsisinungaling ang pangongopya dahil
a.Nagaya mo ang estilo o presentasyon
b.Pinaunlad mo ang kakayahan na magiging tuso. c.Inangkin ang hindi sa iyo.
d.Nalampasan mo ang galing ng manunulat
7.Ang lahat ng mga orihinal na ideya, mga salita, at mga datos na nakuha at
nahiram na dapat bigyan ng kredito o pagkilala sa may-akda o pinagmulan ay
sumailalim sa prinsipyo ng Intellectual Honesty ang pag-angkin sa gawa ng iba ay
hindi lamang indikasyon ng mababang kaalaman at kakayahan kundi isang
kahinaan sa kabuuan ng pagkatuto ng tao. Paano ito maiiwasan? Maiiwasan ito
sa pamamagitan ng sumusunod maliban sa isa:
a.Magpahayag sa sariling paraan
b.Sikaping aralin paano mahanap ang mga impormasyon sa internet
c.Pagsikapang mapaunlad ang kakayahan na makapagbigay ng sariling posisyon
o stand sa anumang argumento o pagtatalo
d.Paunlarin ang kakayahan sa pagtitimbang sa mga argumento upang makabuo
ng sariling konklusyon at malaya itong maipahahayag.
Panuto para sa Pangalawang Bahagi: Modified True or False: Kilalanin kung tama o
mali ang sumusunod na mga pahayg. Kung tama, idibuho ang anyong bituin ( ).
Kung mali naman, tukuyin ang salita/mga salita na nagpapamali sa pahayag at isulat sa
katapat nito ang angkop na salita/mga salitang magwawasto sa nasabing pahayag. (
1pt. sa tamang sagot sa pahayag na tama, at 3pts naman sa tamang sagot sa maling
pahayag.)
1.Makabuluhan ang pagkamulat sa mga isyu tungkol sa kawalan ng paggalang sa
katotohanan dahil magsisilbi itong paalala sa masamang epekto nito sa sarili, sa
pamilya at sa lipunan.
2.Ang sinuman ay may karapatang itago ang katotohanan tungkol sa madilim
niyang kahapon, dahil siya naman mismo ang responsible dito.
3.Kinakailangan ang pagsasabi ng totoo upang mapanindigan ang kasinungalingan.
4.Lahat ng inilathala sa social media ay tama at makatotohanan.
5.Sa kabuuan, nararapat na mapanindigan ang katotohanan at maihayag ito sa
angkop na pagkakataon, matapos ang masusi at maingat na paghuhusga na
nakaugat sa pakikinig n gating konsensiya na ginagabayan ng batas moral na likas
na nakaukit na sa puso ng bawat isa.,

13
Susi sa Pagwawasto

nakaugat sa pakikinig ng ating konsensiya na ginagabayan ng batas moral na


likas na nakaukit na sa puso ng bawat isa

Krayterya sa Paggawa ng Tula


100 Puntos *Mahusay ang istilo ng presentasyon ng tula
*Tama ang pagpapahayag tungkol sa pagsasabuhay ng paggalang
sa katotohanan.
*Malawak , malinaw at nakakahikayat ang hatid na mensahe lalo
na sa mga kabataang tulad niya.
95 Puntos *Hindi masyadong mahusay ang istilo ng presentasyon ng tula
Tama ang pagpapahayag tungkol sa pagsasabuhay ng paggalang
sa katotohanan.
*Malawak , malinaw at nakakahikayat ang hatid na mensahe lalo
na sa mga kabataang tulad niya.
90 Puntos *Hindi masyadong mahusay ang istilo ng presentasyon ng tula
*May bahagi na mali ang pahayag tungkol sa pagsasabuhay ng
paggalang sa katotohanan
*Malawak , malinaw at nakakahikayat ang hatid na mensahe lalo
na sa mga kabataang tulad niya.
85 Puntos *Hindi mahusay ang istilo ng presentasyon ng tula
*May bahagi na mali ang pahayag tungkol sa pagsasabuhay ng
paggalang sa katotohanan
*Masyadong kulang sa lawak, hindi malinaw, at hindi
nakakahikayat ang mensahe lalo na sa mga kabataang tulad niya.
80 Puntos *Hindi mahusay ang istilo ng presentasyon ng tula
Hindi maintindihanm ang mensahe ng tula
Hindi malinaw ang hatid na mensahe.

14
Sanggunian

1. Retrieved from: https://www.ncronline.org.vatican – Pope Francis Statement on


Truth
2. Retrieved from: https://.brainly.ph.question – Gampanin ng Social Media sa
Paglinang ng Kaalaman at Kamulatan ng Tao tungo sa Katotohanan
3. Retrieved from: www.cnn.ph.news – Whistleblower Scheme ng
Pastillas…Published Feb.21,2020
4. Retrieved from: https://www.nolo.com/legal-encyclopedia/fair-use-rule-
copyright-material-30100.html The Fair Use Rule: when Used of Copyrighted
Material is Acceptable on August 20,2014
5. Retrieved from: http://www.ox.ac.uk/students/academic/goodpractice/about/
Why you should Avoid Plagiarism on February 10,2014
6. Retrieved from: http//www.niles-hs.k12.il.us/district/academic-
integrity/examples-cheating-and-plagiarism What are some Examples of
Cheating and Plagiarism on March 15,2014
7. Retieved from: http://ithenticate,com.resources/6-consequences-of-plagiarism
Consequences of Plagiarismmarch 15,2014
8. Retrieved from: http://newsinfo.inquirer.net/252074/whistleblower-jun-lozada-
welcome-graft-prove What is a Whistleblowing/Whistleblower? on April 20,2014
9. Retrieved from: https://www.biblegateway,com
10. Retrieved from:https://www.slideshare.net.niendad

Mga Aklat
1.Articulo, Archimedes C, et al (2003) Values and Woek Ethics Trinita
Publishing , Inc.Meycauayan, Bulacan
2.Quito , Emerita S. 1989. Fundamentals of Ethics, De La Salle University
Press,pp72-185
3.Sambajon Jr. Marvin Julian L.(2011) Ethics for Educators:Discipline C&E
Publishing, Inc. pp252-273
4.Timbreza, Florentino T. et al (1982 ) Pilosopiyang Pilipino, Rex Bookstore
Recto Avenue, Manila
5.Intellectual Property Code of the Philippines and Related Laws 27th Edition
(1998 ) Central Book Supply, Inc. Manila, Phils.
6.Perspective Current Issues in Values Education Book 4 Values Education
Series for Fourth Year High School (1992 ) Sinag-Tala Publishers, Inc., Manila
7.KAISIPAN (Ang Opisyal na Dyornal ng Isabuhay, Saliksik, Ibigin ang Pilosopiya
o ISIP) Vol. 1No. 1 ISSN-2350-6601 pp 18-19
8.Song Book “Lungsod sa Dios” : Published by Bukidnon Institute of Catechetics-
Malaybalay City
9. BEC Youth Bible-Philippine Bible Society

You might also like