Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

DETALYADONG BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN III

I. MGA LAYUNIN
Sa pagtatapos ng 45 minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
a) Makapagtukoy ng kinalalagyan ng bawat lalawigan sa rehiyon gamit ang mga
pangunahing direksiyon;
b) Mailalarawan ang kinalalagyan ng iba-ibang lalawigan sa rehiyon gamit ang mapa
c) Masasabi ang kinalalagyan ng bawat lalawigan sa rehiyon gamit ang mga pangunahing
direksyon.

II. PAKSANG ARALIN


a) Paksa: Kinalalagyan ng mga Lalawigan sa Rehiyon batay sa Direksiyon
b) Mga Kagamitan: Mapa ng BUPC, Compass
c) Sanggunian: AP3LAR-Ib-2

III. PAMAMARAAN
GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL
Panimulang Gawain
A. Pagbati
Magandang hapon, mga bata! “Magandang hapon din po!”

B. Balik-aral at/o Panimula


Magpakita ng isang simpleng mapa. Hayaan ang mga
bata na tukuyin kung aling lugar ang nasa direksiyon ng
silangan, kanluran, hilaga at timog.

“Ano ang nasa larawan?”


“Mapa po!”
“Tama! Ngayon, maaari niyo bang tukuyin kung aling
lugar ang nasa direksyon ng silangan, kanluran, hilaga, “Ako po, Ma’am!” “Ang lugar na
at timog?” nasa direksyon ng silangan ay
parke, nasa kanluran naman ang
simbahan, habang nasa hilaga ang
“Magaling! May alam na kayo kung nasaan ang silangan, bahay nina Rex, at nasa timog
kanluran, hilaga, at timog. Ngayon naman, sino ang naman ang pamilihan”
gustong tumayo rito sa unahan upang tukuyin kung ano
ang bagay na makikita sa kaniyang harapan?”

“Halika rito. Ano ang nakikita mo sa iyong harapan?” “Maaari ko po bang subukan,
Ma’am?”
“Ano naman ang nakikita mo sa iyong likuran?”
“Sa kanan?”

“At sa kaliwa?” “Ang aking mga kaklase po”

“Pisara po”
“Magaling! Maaari mo bang sabihin sa akin kung anong
“Pintuan po”
direksyon naroon ang iyong mga kaklase?”
“Bintana po”
“Ang pisara?”

“Ang pintuan?” “Sa hilaga po”

“At ang bintana?”

“Tama! Maraming salamat, maaari ka nang umupo.” “Sa timog po”

“Palakpakan naman natin ang inyong kaklase. Bigyan “Sa silangan po”
natin siya ng around the world clap”
“Sa kanluran naman po”
Panlinang na Gawain
A. Pagganyak
Bigyan ang mga bata ng kopya ng pinasimpleng mapa
ng paaralan at bigyan din sila ng kopya ng mga bagay na
dapat nilang hanapin sa loob ng 20 minuto.

“At dahil may alam na kayo sa direksyon, hahayaan ko Nagpalakpakan


kayo na lumabas at hanapin ang mga bagay na aking
babanggitin at tukuyin kung sa anong direksyon naroon
ang bagay”

“Nariyan sila teacher __ at teacher __ upang gabayan


kayo sa paghahanap ng mga bagay.”

Pagpangkatin ang mga bata sa apat na grupo at


pagsama-samahin sila.

“Maaari na kayong pumunta sainyong mga pangkat.


Ang una at pangalawang pangkat ay sasama kay teacher
__ habang ang pangatlo at pang-apat na pangkat naman
ay sasama kay teacher __”
“Maliwanag po”
“Naunawaan ba ang aking mga sinabi? Maliwanag ba?”
“Opo, Ma’am!”
“Handa na ba kayo?”
Paglalahad ng Aralin
“Nag enjoy ba kayo sa ating ginawang aktibidad?” “Opo”

“Nahirapan ba kayong tukuyin kung saan naroroon ang “Opo”


mga bagay na aking pinapahanap?” “Medyo po”
“Hindi po”
“Huwag kayong mag-alala dahil mas palalalimin pa
natin ang inyong kaalaman sa direksyon. Ngayon,
dumako na tayo sa ating aralin”

“Handa na ba?” “Opo”

“Dahil sa ating ginawang aktibidad, nalaman ko na alam


niyo na kung nasaan ang hilaga, timog, silangan at
kanluran”

Magpakita ng totoong compass at itanong kung saan ito


nakaturo.

“Maaari niyo bang sabihin sa akin kung saan nakaturo “Ma’am ako po!” lumapit as guro
ang compass” at itinuro kung saan nakaturo ang
compass
“Mahusay!”

“Alam niyo ba na ang pangunahing direksyon ay ang “Opo”


Silangan, Kanluran, Hilaga, at Timog?”

“Mabuti naman, dahil sa susunod nating gagawin,


pupunta kayo sa inyong mga kagrupo at tukuyin ang
larawan na nakapaskil sa pisara at sagutin ang mga Ang mga mag-aaral ay
sumusunod na tanong; magpapangkatang gawain at
1. Ano ang hilaga ng ospital? sasagutan ang mga sumusunod na
2. Ano ang silangan ng ospital? tanong.
3. Ano ang kanluran ng ospital?
4. Ano ang timog ng ospital?

Paglinang ng Gawain
“Inyong natukoy kung ano ang hilaga, silangan,
kanluran, at timog ng ospital.

“Sa larawan na inyong nakikita, anong mga simbolo ang


nakikita niyo?” “Ang mga simbolo po ay krus,
watawat, bahay at mga puno at
palaruan”
“Tama! Ano naman ang ibig sabihin ng mga simbolong
ito?” “Ang krus ay sumisimbolo sa
simbahan, ang watawat naman ay
sa paaralan, ang bahay naman ay
tahanan, at ang mga puno at
“Mahusay!” palaruan ay parke”

Paglalapat
Kumuha ng mapa ng rehiyon V.
1. Ilang lalawigan ang bumubuo sa Rehiyon
V-Bicol?
2. Ano ang mga lalawigan na bumubuo sa
rehiyon?
3. Sa anong direksiyon makikita ang
sumusunod na mga lalawigan?
a. Albay
b. Masbate
c. Sorsogon

Paglalahat “Ma’am! Ang mga pangunahing


"Akin rin nabanggit kanina kung ano-ano ang mga direksyon po ay ang hilaga,
pangunahing direksyon, sino ang nais magsabi sa akin silangan, kanluran, at timog”
kung ano-ano ito?”

“Tama! Ang silangan ay ang pangalang ibinigay sa


direksyon kung saan ang araw ay sumisikat. Habang ang
kanluran naman ay direksyon ng nilulubugan o
nilulunuran ng araw. Ang Hilaga o tinatawag din na
Norte ay isa sa apat na puntos ng compass. Ito ay
kabaligtaran ng timog at patayo sa silangan at kanluran.
Tinutukoy rin nito ang direksiyon sa kanan ng isang tao
na nakaharap sa lubugan ng araw. At ang timog naman
ay kabaligtaran ng hilaga at patayo sa silangan at
kanluran. Ginagamit ito sa pagturo sa lugar o posisyong
matatagpuan sa babang bahagi ng mapa o kaya mula sa
isang indibidwal.”

Pagtataya
Tingnan ang mapa ng iyong rehiyon. Punan
ang bawat patlang ng angkop na lalawigan
upang maging wasto ang bawat
pangungusap. Gawin ito sa sariling sagutang
papel.

Takdang Aralin

You might also like