Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 2

1. Protina - ito ay sangkap na bumubuo sa mga selula o cell ng ating katawan.

ang
prtina ay may dalawang uri- ang kumpleto at di kompleto. Ang kumpletiong protina ay
nakatutulong sa paglalaki at pagbuo, samantalang ang di-kumpletong protina ay
kulang sa mga kailangan para sa paglaki subalit nakapagpapanatili ng buhay.

2. Bitamina - Ang mga sangkap na ito ang nagsasaayos ng mga pamaraan sa katawan at
nagpapanatiling malusog at ligtas sa karamdaman.

Bitamina A - Ito ay humahadlang sa pagkabulag, at lumalaban sa impeksyon sa mata,


bibig, sa daanan ng paghinga, at sa may panunaw na daanan ng pagkain. Pinalulusog
din nito ang buhok, pintitibay ang mga ngipin, at pinakikinis ang kutis.

Bitamina B (Thiamine) - Ito ay tumutulong sa pagpapagana sa pagkain at pinapanatili


nitong malusog ang kondisyon ng mga ugat. Ang mga gulay at prutas ay sagana sa
Bitamina B, Mayaman din sa bitaminang ito ang karneng baboy lalo na ang atay at
bato.

Bitamina B (Riboflavin) - Pinanatili nitong makinis at malusog ang balat, mga mata
at bibig. Ito ay nakukuha sa gatas, keso, lalo na ang atay at bato, monggo,
pinayamang butil na pinagkain, mga prutas, at gulay.

Bitamina C - Ang Bitamina C ay tumutulong magpanatiling malusog ang mga ngipin at


gilagid. Ito ay madaling masira sa pagluluto kaya mahigpitna ipinagbibilin na
kainin nang sariwa ang mga na sagana sa Bitamina C. Nakatutulong ito sa paglaban sa
mga sakit tulad ng sipon, lagnat, at trangkaso.

Ang mga prutas na citrus katulad ng suha, kalamansi, sibuyas, sariwang kamatis,
repolyo, berde at pulang sili, at maberdeng gulay ay sagana sa Bitamina C.

Bitamina D - Ang Bitamina D ay kailangan para sa normal na paglaki ng mga buto at


ngipin. Ito ay nakukuha rin sa gulay at gatas. Napapabilis ang pagkuha nito sa
tulong ng init ng araw kapag tumama na ito sa balat.

3. Carbohydrayes - Ang dami ng kailangang carbohydrates sa katawan ay batay sa laki


ng katawan at uri ng gawaing pisikal ng isang tao. Makukuha ang carbohydrates sa
mga pagkaing tulad ng kanin, mais, tinapay, asukal, tuyong gisantes, patani, mga
butong gulay, kendi, at ibang prutas.

4. Taba - Ito ay makukuha sa protina at carbohydrates ng mga halaman at hayop. Ito


ang makukuha ng init at laksa ng katawan. Ang mantekilya, keso, krema, pulang
itlog, taba ng isda, karne, at mantika ay mga pinagkukunan ng taba mula sa hayp. Sa
mga gulay naman ay makukuha ito mula sa mani, abokado, tsokolate, at langis ng
gulay.

5. Mineral - Ang mineral ay binubuo ng elementong nakukuha sa pagkaing nagbibigay


ng karagdagang sangkap ng carbohydrates, protina, at taba. Ang mga mahahalagang
mineral na dapat kasama sa araw-araw na pagkain ay calcium, iron, phosphorous, at
iodine.

Ang calcium ay para sa paglaki at pagpapatibay ng buto at ngipin.

Ang iron ay para sa kayarian ng katawan, pagbuo ng mga pulang korpuskulo ng dugo na
kailangan sa pagdadala ng oxygen sa mga selula, at para sa pagsunog ng mga gatong
na pagkain.

Ang phosphorous ang bumubuo ng isang bahagi ng bawat selula ng katawan. Kasama ang
calcium, nakatutulong ito sa pagpapatibay ng buto at ngipin.

Ang iodine at isa sa mahahalagang mineral na natatagpuan sa mga pagkaing galing sa


dagat, prutas, gulay, at bigas na ginagamit laban sa gioter o bosyo.

6. Tubig - Ang 50% hanggang 60% bahagdan ng likido sa ating katawan ay binubuo ng
tubig. Ang tubig ay mahalaga sa ating katawa sapagkat tumutulong ito sa pagtunaw ng
pagkain at paglabas ng dumi.

You might also like