Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF MANILA
ARSENIO H. LACSON ELEMENTARY SCHOOL
YOUNGER ST., BALUT, TONDO, MANILA

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA MAPEH 5


(SY 2022-2023)

Pangalan: ________________________________ Iskor: ____________


Baitang at Pangkat: _______________________ Petsa: ____________

Panuto: Tukuyin ang inilalarawan ng bawat pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

MUSIC

1. Ano ang dynamics?


A. bilis at bagal ng isang awit C. daloy ng tono ng isang awit
B. lakas at hina ng isang awit D. pagkakaayos ng rhythm ng awit

2. Alin sa mga sumusunod ang isang uri ng tempo?


A. Forte C. Strophic
B. Largo D. Unitary

3. Alin sa mga sumusunod ang isang antas ng dynamics?


A. andante C. piano
B. moderato D. rondo

4. Ano ang ibig sabihin ng forte?


A. mahina C. malakas
B. medyo mahina D. medyo malakas

5. Alin sa mga sumusunod ang simbolo para sa crescendo?

6. Ano ang tempo?


A. uri ng mga note na ginamit sa isang awit C. pagkakahati-hati ng isang awit
B. uri ng mga rest na ginamit sa isang awit D. bagal o bilis ng isang awit

7. Alin sa mga sumusunod ang may katamtamang bilis?


A. allegro C. moderato
B. andante D. vivace

8. Ano ang ibig sabihin ng ritardando?


A. mabagal C. unti-unting papabagal
B. may katamtamang bagal D. mabagal na mabagal

9. Inaawit ang magkakaparehong melody sa iba’t ibang oras ng dalawa o higit pang mang-aawit.
A. canon C. homophony
B. round song D. monophony

10. Ito ay tumutukoy sa nipis o kapal ng tunog ng himig o melodiya ng isang awit o tugtugin.
A. tekstura C. dalawahang himig o “partner songs”
B. round songs D. makapal

11. Inaawit nang paulit-ulit ang magkakaparehong melody ng 2 o higit pang mang-aawit sa hindi sabay-sabay na oras.
A. canon C. homophony
B. round song D. monophony

ARTS

12. Ang mga likhang-sining na ginagamitan ng mga pinulupot na papel na may iba’t-ibang hugis at kulay.
A. mobile art C. Paper beads
B. palayok D. Paper mache

13. Ang mga kuwentas, pulseras, hikat at singsing ay tinatawag na pansariling palamuti na maaring gawa sa 3D art na
ito.
A. mobile art C. Paper beads
B. ginto D. Paper mache

14. Dito nagsimula ang paggawa ng paper beads na karaniwang ginagawa ng sama-sama ng mga kababaihan.
A. mobile art C. Paper beads
B. Inglatera D. Paper mache

15. Ito ay mga elemento ng sining na kailangang isaalang-alang upang makagawa ng magandang disenyo.
A. disenyo C. Kulay
B. hugis D. Lahat ng nabanggit

16. Ito ay ginagamit sa pagrorolyo ng papel upang makagawa ng beads.


A. manipis na kahoy C. Ruler
B. Oasis Floris Block D. Soft paint

17. Maaring gamitin ang sirang hanger bilang sabitan ng mga nakolektang bagay sa pamamagitan ng paggawa ng
isang mobile art.
A. tama C. siguro
B. mali D. hindi ko alam

18. Anong kagamitan ang gagamitin para magkakulay at hindi kumapit ang dumi sa ginagawang paper beads.
A. Oaisis Florist Block C. Soft Paint Brush
B. Patpat na kahoy D. barnis

19. Ang simpleng mobile ay maaring gumamit ng mga found object o mga bagay na napulot tulad ng kabibe, maliliit
na bato at iba pa bagay na may iba’t ibang kulay upang ito ay maging maganda at kaaya-aya.
A. tama C. siguro
B. mali D. hindi ko alam

20. Ito ay uri ng sining na may taas, lapad, anyong paharap, tagiliran, at likuran at maaaring malayang tumayo sa
isang lugar.
A. Mobile Art C. Paper mache
B. Three Dimensional Art (3D) D. Paper Beads

21. Ang paggawa ng pansariling palamuti mula sa mga hindi pangkaraniwang bagay ay nagpapakita ng
____________.
A. Pagiging magarbo C. Pagiging maayos
B. Pagiging malikhain D. Pagiging mayaman

22. Ano ang kahalagahan sa paggamit ng 3D art sa paglikha ng sining?


A. Nagbibigay kaguluhan C. Nagbibigay buhay sa sining
B. Nagbibigay kalituhan D. Walang kahalagahan

23. Alin sa sumusunod ang mga halimbawa ng mobile art?


A. B. C. D.
PHYSICAL EDUCATION

24. Sino ang nagpakilala ng sayaw na Polka sa Nayon sa mga Pilipino?


A. Hapon C. Kastila
B. Amerikano D. Koreano

25. Ano ang kasuotan ng lalaki sa sayaw na Polka sa Nayon?


A. Tsaleko C. pang-etniko
B. barong tagalog D. bahag

26. Ano ang kasuotan ng babae sa sayaw na Polka sa Nayon?


A. Maria Clara o Balintawak style
gown o pangkasal na kasuotan
B. Patadyong at kamisa na may abaniko
C. Dpang-etnikong kasuotan

27. Alin sa mga istilo o hakbang ang HINDI batayan sa pagsasayaw ng Polka sa Nayon?
A. polka C. cha-cha-cha
B. heel-toe polka D. gallop

28. Isang uri ng sayaw na nangangahulugang “polka in the village”?


A. Itik-itik C. Polka sa Nayon
B. Tinikling D. Carinosa

29. Ang pinanggalingang kilos sa sayaw na Itik-Itik ay nagmula sa _______.


A. itik C. aso
B. manok D. gansa

30. Ang musika sa sayaw na Itik-itik ay nasa palakumpasang ______.


A.4/4 C. 3/4
B. 2/4 D. 1/4

31. Ang kasuotan ng babaeng mananayaw sa Itik-itik ay karaniwang?


A.tapis C.Maria Clara
B. Patadyong D. Kimono

32. Ang galaw ng mga mananayaw ng itik-itik ay ________.


A. mabilis C. katamtamang bilib
B. mahinhin D. sobrang bilis

33. Alin sa mga sumusunod ang hindi tama tungkol sa pagsayaw?


A. Kapag sumasayaw ay nagagamit mo ang mga kalamnan sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
B. May mapupulot kang mga aral sa pakikipagkapwa kapag sumasali sa pagsasayaw.
C. Ang pagsasayaw ay para lamang sa mga taong may karanasan at magagaling sumayaw.
D. Isa sa pinakamasayang aktibidad ang pagsasayaw.

34. Ayon sa Philippine Physical Activity Pyramid, ilang beses sa isang lingo inirerekomenda ang pagsasayaw?
A. isang beses C. tatlong beses
B. dalawang beses D. apat hanggang anim na beses
35. Sino ang lumikha ng kanilang sariling bersyon ng polka na tinawag na Polka sa Nayon na naging tanyag noong
1950s.
A. Rizaleños C. Caviteños
B. Batangueños D. Manileños

HEALTH

36. Ang __________ ay ang pagbibigay ng pangunahing tulong, kalinga at pangangalaga sa mga taong napinsala ng
sakuna o karamdaman.
A. pangunang lunas C. pagtaguyod sa paggaling
B. pagpapanatili ng buhay D. pananggalang sa sarili

37. Sino sa mga sumusunod ang maaring magsagawa ng first aid o pangunang lunas?
A. doktor na may aparato
B. nars na may mga dalang gamot
C. guro na may sapat na kasanayan
D. karaniwang tao na may wastong kaalaman

38. Alin sa mga sumusunod ang dapat unahing suriin bago magsagawa ng pangunang lunas?
A. pagdaloy ng dugo sa katawan C. buga ng hangin
B. daanan ng hangin D. pagdurugo

39. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa dapat bigyan ng pangunang lunas?
A. natutulog C. nawalan ng malay
B. nasugatan D. nabalian ng buto

40. Alin ang pangunang lunas ang nararapat ibigay sa taong may balinguyngoy o nagdurugo ang ilong?
A. imasahe ang ilong ng pasyente C. takpan ang ilong ng bendahe
B. painumin ng maraming tubig D. painumin kaagad ng gamot

41. Mahalaga ang pagbibigay ng pangunang lunas sa taong nangangailangan upang __________?
A. maging sikat C. makatulong sa mga doktor
B. maisalba ang buhay D. masigurado ang bisa ng gamot

42. Kung ang panlunas sa nagtatae na ABC ay Abocado, Bayabas at Caimito, sa first aid ito ay nangangahulugang
__________?
A. Animal Bite Center C. Airway Breathing Circulation
B. Anemia Blood Causes D. All Body Masses

43. Ang mga sumusunod ay ang tatlong pangunahing layunin ng pangunang lunas maliban sa isa?
A. Pagbigay ng gamot C. Pagtaguyod sa paggaling
B. Pagpapanatili ng buhay D. Pag-iwas sa paglala ng pinsala

44. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang HINDI nagsasaad ng tama ukol sa pangunang lunas?
A. Ang pangunang lunas ay maari ding ibigay sa mga hayop
B. Ang pangunang lunas ay ibinibigay sa mga taong nais maisalba ang buhay
C. Dapat na unahing suriin ang daanang hangin sa pagbibigay ng pangunang lunas
D. Kinakailangang gamitan ng natatanging aparatong panggamot ang pagbibigay ng pangunang lunas

45. Alin ang pangunang lunas ang nararapat ibigay sa taong nalason ng pagkain?
A. painumin ng maraming tubig at magpahinga
B. kumain ng isang kutsarang pulot o honey na may katas ng luya
C. painumin ng maligamgam na tubig na may lemon o kalamansi at asukal
D. Lahat ng nabanggit
46. Naliligo kayo ng iyong pamilya sa dagat. Nang mapansin mo na nalulunod ang iyong kapatid. Ano ang una mong
gagawin?
A. Sumigaw ng “tulong!” para makatawag pansin sa mga taong malapit sa pinangyarihan ng insidente.
B. Tumakbo agad at sabihin sa rescue team.
C. Puntahan agad ang iyong kapatid para tulungan ito.
D. Tumunganga at kunwari’y walang nakita.

47. Nasa loob ka ng iyong kusina habang naghahanda ng napakasarap na pagkain para sa iyong pamilya, dahan-
dahang hinihiwa ang gulay nang hindi mo inaasahan, nahiwa mo ang iyong daliri. Ano ang iyong gagawin?
A. Iiyak nalang at sasabihin sa magulang.
B. Magsisigaw at tatakbo para mapansin ng iyong pamilya.
C. Hahayaan na lamang ito.
D. Agad hugasan ng malinis na tubig at lapatan agad ng paunang lunas.

48. Habang naglalakad sa kalye ay napansin mong may matandang nahihilo. Ano ang iyong gagawin?
A. Hayaan na lamang ito at tumuloy sa paglalakad.
B. Sabihin mong umupo muna at bigyan ng tubig.
C. Tawanan na lamang ito.
D. Wala sa mga nabanggit.

49. Naglalakad ka sa hagdan ng inyong paaralan, nakita mo ang isang bata na nahulog sa hagdan at hindi na
makatayo. Ano ang una mong gagawin?
A. Maglalakad nalang at kunwaring walang nakita
B. Tatawanan na lamang ito.
C. Tawagin agad ang guro para agad na matulungan ang bata.
D. Sasabihin sa bat ana magingat sa susunod.

50. Habang ikaw ay naglalakad napansin mong hinahabol ka ng aso at bigla-bigla kinagat ang iyong paa. Ano ang
una mong gagawin?
A. Agad na hugasan ng sabon at sabihin sa magulang para agad na madala sa ospital.
B. Magkunwaring hindi nakagat ng aso.
C. Huwag sasabihin sa magulang ang nangyari.
D. Wala sa mga nabanggit.

You might also like