Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Benguet State University


College of Teacher Education
La Trinidad, 2601, Benguet
Tel (074) 422-2402 422-2127 Telefax (074) 422-2281
www.bsu.edu.ph

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO
BAITANG 4

BANGHAY ARALIN PAARALAN Taba-ao Integrated School BAITANG Ika-apat


SA GURO Agatlao, Devorah L. ASIGNATURA Filipino
FILIPINO 6 PETSA/ ORAS Marso 1, 2023 MARKAHAN Ikatlo

I.LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin.
Pangnilalaman
B. Pamantayang Pagganap Nakapagbibigay ng panuto, naisasakilos ang katangian ng mga tauhan sa napakinggang kuwento.
C. Mga Kasanayan sa Nagagamit ang pang-abay sa paglalarawan ng kilos. F4WG-IIIa-c-6
Pagkatuto/ Mga Layunin
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang ang mga mag-aaral ay:
a. Natutukoy ang mga pang-abay na pamaraan; at
b. Nagagamit ng wasto ang mga pang-abay na pamaraan sa pangungusap.

II.NILALAMAN Pang-abay na Pamaraan


III. MGA KAGAMITANG
PANTURO
A.Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Most essential Learning Competency
Guro Bagong Filipino 5, Sa Salita at Gawa, Batayang Aklat sa Wika Edisyon 1999., p.180-182
2. Mga Pahina sa Kagamitang Bagong Filipino 5, Sa Salita at Gawa, Batayang Aklat sa Wika Edisyon 1999.,p.180-182
Pang-mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk Bagong Filipino 5, Sa Salita at Gawa, Batayang Aklat sa Wika Edisyon 1999.,p.180-182
4. Karagdagang Kagamitaan
mula sa Portal ng Learning
Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo Manila paper, show me board, larawan
IV. PAMAMARAAN MGA GAWAIN NG GURO MGA GAWAIN NG MAG-
AARAL
A. Balik-aral sa Nakaraang mga salitang naglalarawan ng
Aralin at/o Pagsisimula ng Kahapon, ating natalakay ang tungkol sa pang-uri at nasabi natin na ang pang-uri ay______? pangngalan o panghalip.
Bagong Aralin
Atin ding binanggit na ang pang-abay ay

B. Paghahabi sa Layunin ng Ating balikan si Stephen Curry.


Aralin

Mahusay magshoot
Kung si Stephen Curry ay kilala bilang shooter sa larangan ng basketbol, paano siya magshoot ng bola? Magaling magshoot
Tama, siya ay mahusay o magaling magshoot kaya tinawag siyang pinakamahusay na shooter sa larong basketbol.
Pagkatapos ng ating aralin, inaasahang natutukoy ninyo ang mga pang-abay na pamaraan at nagagamit ng wasto ang mga
pang-abay na pamaraan sa pangungusap.
C. Pag-uugnay ng mga Ating basahin ang balita tungkol sa kalutasan sa isang suliranin.
Halimbawa sa Bagong Kalutasan sa isang suliranin
Aralin Kaagad inatasan ni dating kalihim Ricardo Gloria ang lahat ng punong guro na pairalin ang pamamaraang three shifts o
(5 minutes) makatatlong paghahalili ng mga mag-aaral sa isang siilid aralan. Isa pa ring paraan ng multi grade scheme; ang guro ay
nagtuturo nang sabayan ng mga bata sa ibat ibang baiting sa silid-aralan.
Iniulat naman ni dating director Nilo Rosas ng NCR, na biglang dumami ang mag-aaral sa maynila dahil sa madaliang
nagsilipat sa lungsod ang mga biktima ng lahar. Mabilis ding itinaas ang matrikula sa mga pribadong paaralan. 1. Kaagad
Ating sagutin ang mga katanungan. 2. Makatatlo
1. Paano inatasan ni dating kalihim Gloria ang mga punungguro?
3. Nagtuturo ng sabayan
2. Paano ang ginawang palitan ng pagpasok sa klase ng mga mag-aaral?
3. Paano ginagawa ang multigrade scheme? 4. madaliang nagsilipat
4. Bakit biglang dumami ang mga mag-aaral sa Maynila? 5. mabilis
5. Paano inilarawan ang pagtaas ng matrikula sa pribadong paaralan?

Mapapansin natin na ang mga kasagutang ating ibinigay ay mga salitang naglalarawan at may mga salita ding kanilang inilalarawan. Paano
Ngayon, anong napansin ninyo sa mga katanungan? Anong tanong ang sinasagot ng mga ibinigay ninyong kasagutan?
Tama at nagsasaad ito ng mga pang-abay na pamaraan.

D. Pagtatalakay ng Bagong May mga uri ang pang-abay at ating bigyang pansin ang pang-abay na pamaraan.
Konsepto at Paglalahad ng 1. PANG-ABAY NA PAMARAAN
Bagong Kasanayan #1  Nagsasabi o naglalarawan kung paano ginawa ang kilos o pangyayari. Ito ay tumuturing sa pandiwa.
 Ito ay sumasagot sa tanong na paano.
Kapag sinabi nating sumasagot sa tanong na paano, balikan natin ang tanong na paano inatasan ni dating kalihim Gloria ang
mga punong guro? Ang sagot natin ay kaagad o kaagad na inatasan.
 Ginagamitan ito ng mga panandang nang, na o –ng.
 Ang tinutukoy o inilalarawan ng pang-abay na pamaraan ay ang pandiwa.
Narito ang ilang mga pang-abay na pamaraan:
Dahan-dahan Pabulong Patiyad Bigla Sadya Pilit Ganap Walang-awa Palihim Pangiti
Kaagad Unti-unti Maingat Masaya Malakas
Ilan lamang ang mga ito sa mga pang-abay na pamaraan.
E. Pagtatalakay ng Bagong Ating pansinin ang paggamit ng mga pang-abay na pamaraan sa pangungusap.
Konsepto at Paglalahad ng Para sa unang halimbawa,
Bagong Kasanayan #2 1. Lumulubog nang dahan-dahan ang mga isla ng Maldives.
Ang pang-abay na pamaraan sa pangungusap ay dahan-dahan at ang kilos o pandiwa ay ang salitang lumulubog.
2. Palihim na lumapit si Gray sa batang nakaupo.
3. Masayang naglalaro ang mga mag-aaral ng ikaapat na baitang.
4. Inilikas nang unti-unti ang mga bata papunta sa mas ligtas na lugar.
5. Sumigaw si Pia ng malakas habang tumatakbo.

F. Paglinang sa Kabihasnan Magkakaroon tayo ng laro, ipasa ang bolang papel habang tumutugtog ang musika. Kapag tumigil ang tugtugin, ang nakahawak ng
Tungo sa Formative bolang papel ay bunutin ang unang papel mula sa bola. Tumayo at basahin ng malakas sa kaklase ang pangungusap at tukuyin ang
Assessment salitang ginamit bilang pang-abay na pamaraan. Ipasa sa kaupo ang papel at kaniya namang tukuyin ang kilos o pandiwang inilalarawan.
1. Masayang sumalubong sa mga bisita ang mga tao sa lugar ng Taba-ao.
2. Magaling sumayaw ang mga kalahok sa patimpalak.
3. Mabilis na nagtakbuhan ang mga bata palabas ng kanilang silid-aralan.
4. Marahang nilapitan ng bata ang ibong may sugat.
5. Patakbong sinalubong ng bata ang kanyang lola.
6. Maamong sumunod ang tupa sa pastol.
7. Maingat na bumaba ng hagdan ang lola.
8. Ang mga liham ay binasa niya nga palihim.
9. Magalang na nakikipag-usap sa mga panauhin si Pat.
10. Itinahi nang mahusay ni Ana ang kanyang buhok.
G. Paglalapat ng Aralin sa Pakinggan ang aking babasahing sitwasyon.
Pang-araw-araw na Buhay Si Pat ay isang mag-aaral ng ika-apat na baitang. Bago siya pumasok ng paaralan ay palagi siyang binibilin ng kanyang
Tatay na kung maaari sana ay umuwi agad siya pagkatapos ng kaniyang klase lalo na kapag wala na silang kailangang
gawin sa paaralan. Lagi itong ibinibilin sa kanya dahil inaalala ng kanyang tatay ang kaniyang kaligtasan. Isang hapon,
pagkatapos ng kaniyang klase ay inaya siya ng kanyang kaibigan na maglaro muna sa kanilang bahay. Nasiyahan si Pat at
Taos-pusong humingi ng
sumama siya sa kanyang kaibigan. Hindi niya namalayan ay gumagabi na pala. Pagdating niya ng kanilang bahay ay
paumanhin.
sinalubong siya ng kaniyang Tatay na nag-aalala. Umamin siya sa kanyang Tatay at humingi ng paumanhin na nakipaglaro
Magpakumbabang humingi ng
muna siya sa kanyang kaibigan. Kung ikaw si Pat, paano mo ipapakita sa iyong tatay na humihingi ka ng paumanhin na
paumanhin.
galing sa iyong puso?
H. Paglalahat ng Aralin Anong tanong ang sumasagot sa pang-abay na pamaraan?
Ano ang inilalarawan o tinutukoy ng pang-abay na pamaraan sa pangungusap? Pandiwa

I. Pagtataya ng Aralin Kayo naman ay magkakaroon ng isahang Gawain. Sa inyong buong papel, gamitin sa pangungusap ang mga pang-abay na
pamaraan batay sa ibat ibang Gawain.
Halimbawa: malungkot- pagpapaalam
Malungkot na nagpaalam si Kim sa kanyang ate.
1. Maingat- pagtawid sa daan
2. Kaagad- paggising sa umaga
3. Kusa- pagsama sa pagpupulot ng basura
4. Mabilis- paglalakad
5. Dahan-dahan- pag-upo sa silya.
J. Karagdagang Gawain para Sa isang buong papel, bumuo ng isang talata tungkol sa inyong lugar at mga tao ditto gamit ang mga pang-abay na
sa Takdang Aralin at pamamaraan.
Remediation sadyang
ganap
unti-unting
masaya
maingat
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY

You might also like