Pangulong Lubrico

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PANGULONG LUBRICO: SAGISAG KULTURA NG LIPUNANG MARISTA AT

SOCCSKSARGEN
Ang NDMU ay pitumpu’t apat na taon nang nag-aalagad sa kabataan at sa
sangkatauhan. Si Bro. Wilfredo E. Lubrico, FMS ay ang kasalukuyang pangulo ng NDMU at
namumuno sa humigit-kumulang dalawang dekada. Bilang pangulong tagapagpaganap, siya ay
may pinakamalaking gampanin at responsabilidad sa mga pangkalahatang gawain ng
Pamantasan.
Binanggit sa pag-aaral nina Ampodia et.al (2016) na pinamagatang Paalpabetong
Sagisag Kultura ng NDMU na siya ay itinalaga ng Board of Trustees na responsable sa
pamamalakad ng institusyon. Pinahahalagahan niya ang edukasyon sa pamamagitan ng
pagsusulong ng de-kalidad na edukasyon sa mga Maristang magaaral at pinahahalagahan ang
kalikasan sa pamamagitan ng pagtataguyod ng Green University Program.
Makikita sa talahanayan sa ibaba ang tematikong pagsusuri sa transkrip ng isinagawang
panayam kay Pangulong Lubrico. Ito ay naglalaman ng mga makabuluhang pahayag, nabuong
kahulugan, kaisipan at tema ng panayam. Unang itinala ang mga makabuluhang pahayag ng
panayam pagkatapos binuo ang kahulugan ng mga ito. Sinundan naman ito ng kaisipan na
nabuo mula sa mga naitalang kahulugan ng mga pahayag. Samantala, ang tema ay
pinagsama-samang kaisipan.
<<READ FILIPINO REVIEWER PAGE 8>>

You might also like