FILIPINO - WIKANG MAPAGBAGO (Job)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

FILIPINO: WIKANG MAPAGBAGO (Job)

ni: Mark Francis Delos Reyes


Makaluma,makabago
Tila ba isip na pabago-bago,
Sa panahon na tayo'y moderno
Ang wika at tao,paano magtatagpo?

Wika noon, sa wika ngayon


Magtutuloy sa kasalukuyang henerasyon,
Wikang binihisan at pinalitan
Naghahanap ngayon ng pagkakakilanlan.

Uusbong makabagong salita


Mawawala salitang matatalinhaga,
Maraming katawagan,maraming halimbawa
Jejemon,Taglish,ang tawag sa kanila.

Wikang ginagamit,wikang sinasambit


Wikang nagbabago sa isang saglit,
Wika na kailangan ng sinuman
Wika na nagsisilbing kayamanan.

Ikaw,ako at siya
Magbabago ng dahil sa kanya,
Siya ang wikang kumakatawan
Mula sa akin hanggang sansinukuban.

Wikang nangungusap,wikang nagtuturo


Sa akin at sa iyo kung ano ang totoo,
Hanapin,alamin,subukang dinggin
Upang tunay na katauhan ay palabasin.

Sama-sama,buklod-buklod
Kahit iba-iba,magiging isa,
Wika ang magiging koneksyon
Sa matibay na pundasyon.

Salamat sa iyo,tayo'y muling nagtagpo


Sa kabila ng lahat,tayo ay konektado,
Salamat sa iyo,wikang Filipino
Wikang Filipino,Wikang mapagbago.

You might also like