Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

PAMANTASAN NG FATHER SATURNINO URIOS

PROGRAMA NG SINING AT AGHAM


SANGAY NG PANGKATAUHAN
LUNGSOD NG BUTUAN

MGA ARALIN SA BALARILA SA WIKANG FILIPINO

SEMANTIKA
(PAGPAPAKAHULUGAN)

Kahulugan:

- Ang sematika ay tumutukoy sa pampilosopiya at pang-agham o siyentipikong


pagpapakahulugan.

- Ito ay mula sa pandiwang griyegong “semaino” na ang ibig sabihin ay


“mangahulugan” o sa pangngalang semantikos, “makahulugan”. Sa katagalan,
ginamit ito sa pagpapakahulugang linggwistika (New World Encyclopedia
Britannica, v. 16:506).

Ayon sa mga linggwista:

- Ayon kay Gonzales (1992), “ang semantika ay proseso ng pag-iisip, kogmisyon at


konseptwalisasyon”. Idinagdag pa niya, ang semantika ay itinuturing na sentrong
daluyan ng iba’t ibang larangan ng isipan at disiplina ng pag-aaral, tulad ng
linggwistika, pilosopiya at sikolohiya.

- Ayon naman kay Marquez (2010) nakapokus ang semantika sa pagbibigay kahulugan
sa mga salita, parirala o pangungusap.

Dalawang (2) Paraan ng Pagbibigay ng Kahulugan ng Salita:

1. DENOTASYON

- Ito ay nagtataglay o nagpapahiwatig ng neutral o obhetibong kahulugan ng mga


termino. Tumutukoy rin ito sa literal na nagpapakahulugan sa mga salita. Ang mga
kahulugan ay nagmula sa mga diksyunaryo at maging sa mga aklat.

- Ayon kay Porter G. Perrin, isang dalubwika, sapagkat may paniniyak at walang
pasubali: kinikilala, tinatanggap at sinasang-ayunan ng mga tao. Tumutukoy rin ito
sa tiyak na kauhulugan o katangian ng bagay na tinutukoy at kongkretong nakikita.
Halimbawa:
a. Ang paruparo ay dumapo sa rosas.
b. Ayaw ko ng isdang bangus dahil matinik ito.
c. Kumikislap ang bituin sa kalangitan.

2. KONOTASYON

- Ito ay tumutukoy sa karagdagang kahulugang taglay ng isang salita batay sa


intension (suggested meaning) o motibo ng taong gumagamit nito. Ito rin ang
kahulugang ibinibigay sa mga salita, parirala o pangungusap na hindi tuwirang
isinasaad.
Halimbawa:
a. Si Carla ay pinapaliligiran ng paruparo mula sa iba’t ibang
kanayunan.
b. Mahusay si Jonalyn sa Mathematika, matinik talaga siya.
c. Tunay ngang si Daniel ay isang sikat na bituin.

ANG LINGGWISTIKS AT SEMANTIKA


Ang sintaks at ponolohiya ang pag-aaral ng istrukturang ipinahayag na posibilidad sa
wika. Ang semantika ay pag-aaral ng kahulugang ipinahahayag kaya ang semantika ay
matitingnan bilang disiplina ng linggwistika at siyang pinakamabunga at kawili-wiling pag-aaral
ng ating panahon.
Noong mga dalawampung taon ang nakalipas hindi pinapansin ang semantika, iniiwan
na lang ito sa mga pilosopo at antropolohista. Noon na lamang mga nakalipas na sampung taon
nagkaroon ng konsentrasyon sa semantika na masasabing gising nina Wittgenstein (1953).

ANG KAHULUGAN NG KAHULUGAN


May mahigit na 22 depinisyon sa kahulugan ang ipinahahayag nina Ogden at Richard
(1923) ngunit babanggit na lamang dito ng ilan:

- Ang isang salitang kasama ng isang salita sa diksyunaryo

- Ang konotasyon ng isang salita

- Ang tinutukoy ng gumagamit ng simbolo

- Ang pinaniniwalaan ng gumagamit na siyang tinutukoy.

Tinangka nilang ipakita kung pagkalito at di-pagkakaunawaan ang ipinahahayag ng mga


ito dahil saw ala pang napagkakayariang kahulugan ng kahulugan. Ngunit naniniwala silang
darating ang panahon na malilinaw din ito.
Ang Language ni Bloomfield (1933) ay nagging napakaimpluwensyang libro ng wika
noon. Ito rin ang nakaimpluwensya sa mga unang linggwista na Pilipino na pinangngungunahan
ni Dr. Cecilio Lopez na siyang unang linggwista na Pilipino.
Para sa kanya, ang pahayag ng kahulugan ay siyang pinakamahinang punto sap ag-aaral
ng wika at mananatili ito hanggang hindi umaabante ang kaalaman ng higit sa kasalukuyang
kalagayan.
Sa paglipas ng panahon ay nagkaroon ng interes ang mga linggwista sa larangan ng
semantika kaya sa kasalukuyang panahon marami nang nasusulat na libro tungkol dito bagamat
sa mga dakong una makikita ang mga pagkakasalungatan ng mga iyon.

PAGSISIMULA NG SEMANTIKA
Sa pagsisimula ng semantika, nagging masusi na ang pag-aaral sa wika. Pinag-aaralan
ang relasyon ng mga salita sa loob ng mga pangungusap. May mga tinatawag na uri ng
semantika ng pagpapakahulugan (entailment) at pagpapahiwatig (presupposition), may
tinatawag na lohikal na inconsistent na uri ng salungatan ng dalawang pahayag.
Higit na mauunawaan ang nabanggit sa pamamagitan ng mga halimbawa:

1. X: maaaring sabihin sa ibang paraan (paraphrase)


Malinaw ang depekto ng plano.
Naiiba sa Y: Ang di kabutihan ng plano ang nakita.
2. X: enteyl Y:
Umiikot ang mundo sa araw. Umiinog ang mundo.
3. X presupposes Y:
Jose ang pangalan ng anak ni Rey. May anak si Rey.
4. X: Inkonsistent sa Y:
Umiinog ang mundo sa araw. Hindi gumagalaw ang mundo.

Kaya sa mga halimbawang Nakita ang mga korespondent ng dalawang ekspresyong


linggwistik ng may “magkatulad na kahulugan” maliban sa bilang 4.

PAGTALAKAY NA PANLINGGWISTIKA SA SEMANTIKA


Layunin ng pag-aaral ng wika ang pagkakaroon ng kompitens sa linggwistika ng
katutubong tagapagsalita ng wika, iyon ang probisyon ng alintuntunin at istruktura na tumitiyak
ng kailanganin ng tao upang malaman sa semantika ng wika ng isang tao ang pagkilala niya sa
mga pahayag kung sematika o hindi kahit na hindi naman sa gramatikal na tuntunin.
Walang nakatatalo sa wika kaya kailangang pag-aralan ang relasyon sa loob ng pagganap
tulad ng tinatawag na parapreysing o sinonim (pareho ang kahulugan). **

____________________________________________________________________________________
Inihanda ni:
Donna Delgado Oliverio, MATF
Instructor
Father Saturnino Urios University
A.Y. 2020-2021, 1st Semester

Ang mga araling ito ay sinaliksik at inayos upang magsilbing gabay ng mga mag-aaral na kumukuha ng GE 114 Balarila ng Wikang
Filipino. Ilang mga impormasyon ay hinalaw sa iba’t ibang aklat na ginamit ng guro para sa asignaturang ito.

MGA SANGGUNIANG AKLAT:

Garcia, Lydia G. 2000. Makabagong Gramar ng Filipino-Binagong Edisyon. Rex Book Store: Quezon City.
Montera, Godfrey G. 2013. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Likha Publications: Cebu City.
Santiago, Alfonso O. 1979. Panimulang Linggwistika. Rex Book Store: Quezon City.
Santiago, Alfonso O. at Tiangco, Norma G.2003. Makabagong Balarilang Filipino.Rex Book Store: Manila City.
Zamora, Nina Christina et al. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Mutya Publishing, Inc.: Malabon City.
Ugot, Irma V. 2005. Batayang Linggwistika. University of San Carlos Press: Cebu City.
_______________. Manual sa Panimulang Linggwistika. Mindanao State University, Marawi City.
_______________.2014.Ortograpiyang Pambansa.Komisyon ng Wikang Filipino:Manila City.

You might also like