Professional Documents
Culture Documents
Litr 101 Yunit 1 Modyul
Litr 101 Yunit 1 Modyul
Litr 101 Yunit 1 Modyul
MGA NILALAMAN
PAUNANG SALITA
ii
PAUNANG SALITA
iii
B. Inaasahang Resulta ng Pagkatuto. Ito ay tumutukoy sa kung ano ang dapat
maabot ng mga mag-aaral pagkatapos ng kurso at kung paano maipararating
ang inaasahang resulta ng pagkatuto. Ito ay nakaayon sa inaprubahang
silabus ng Sosyedad at Literatura (Litr 101).
C. Pagtataya. Ito ay ang eksaminasyon na nagtataya ng natutunan ng mga mag-
aaral sa katapusan ng bawat modyul o aralin. Bawat modyul ay nagsusukat
ng inaasahang resulta ng pagkatuto. Ito rin ay naglalayon na sukatin ang
kanilang paunang kaalaamn, palakasin pa ang nalalaman nan g mga mag-
aaral, at ipamalas ito. Maaari itong gawin sa Asynchronous na paraan.
Sa pangkalahatan, ang modyul na ito ay binuo upang maging possible ang pag-
aaral ng mga estudyante kahit sa panahon ng pandemya na kung saan ang face to face
learning ay hindi possible kaya distance/ flexible/blended learning ang gagawin. Sa
pamamagitan nito ang kalidad ng edukasyon o pagkatuto ay patuloy na makakamtan at
mararanasan ng bawat mag-aaral.
iv
ARALIN 1: PANUNURING PAMPANITIKAN
Mga inaasahan:
PAGTALAKAY:
1
Ano ang panitikan?
Nanggaling ang salitang panitikan mula sa ‗pang|titik|an‘ , kung saan ikinabit ang
unlaping ―pang‖ at hulaping ―-an‖ sa salitang ugat na titik. Ang may-bahid kanluraning
salitang literatura ang isa pang katawagan para sa larangan ng panitikan.Nagmula ang
salitang literatura sa salitang Latin-littera- na nangangahulugang"titik".
May iba‘t ibang mga manunulat at mga dalubahasang Pilipino ang nagbigay ng
kahulugan sa panitikan ayon sa kanilang pananaw bilang mamamayan ngPilipinas.
Kabilang sa mga ito sina Joey Arrogante, Zeus Salazar, at Patronicio V.Villafuerte, bukod
pa sa iba.
Noong 1983, para kay Arrogante, ―ang panitikan ay isang talaan ng buhay ang
panitikan kung saan nagsisiwalat ang isang tao ng mga bagay na kaugnay ng napupuna
niyang kulay ng buhay at buhay sa kanyang daigdig na kinabibilangan. Ginagawa ito ng
isang tao sa pamamagitan ng malikhaing pamamaraan‖.
2
May dalawang pangunahing layunin ang panitikan. Una, maipakita ang relidad at
katotohanan; at pangalawa, makalikha ng isa pang daigdig na taliwas sa katotohanan.
Kahalagahan ng Panitikan:
3
Ikatlo, ang panitikan ay nagsasalamin sa kulturang pinagmulan nito. Dahil dito,
nagiging isang magandang kasangkapan ang panitikan upang masalamin ang
kultura at pamumuhay ng pangkasalukuyang lipunan upang mas maitindihan ito ng
mga susunod na henerasyon.
4
Sinasabing hindi mahalaga sa pag-unawa sa akda ang kontekstong
panlipunan, pangkasaysayan o ang panahong isinulat ang akda, hindi
binibigyang halaga sa pagsusuri ang kaligiran ng isang akda kundi ang paraan ng
pagkakasulat nito.
5
Francisco Balagtas sa taglay nitong matatayog na mga kaisipang
moralistiko.
6
Ito na nga ang dahilan na kung kaya ang mga loob na inaakay ng kapalaluan at
ng kasakiman ay nagpupumilit na lumitaw na maningnin, lalong lalo na nga ang mga
hari at mga Pinuno na pinagkatiwalaan ng sa ikagiginhawa ng kanilang mga kampon, at
walang ibang nasa kundi ang mamalagi sa kapangyarihan sukdulang ikainis at ikamatay
ng Bayan na nagbigay sa kanila ng kapangyarihang ito.
Ay! Ang anak n bayan, ang kapatid ko, ay matututo kaya na kumuhang
halimbawa at lakas sa pinagdaanang mga hirap at binatang mga kaapihan?
7
Walang ebidensyang makapagpapatunay.Bilang paghuhugas at paglilinis niya ng
konsensiya sa nagawaniyang kasalanan kay Ligaya, ang babaeng kanyang
ginahasa,binigyan niya ito ng P50, 000.00 kasama ang liham na nagsasabingsakanya
din magpagamot ng mata upang masingil lamang ngkaunti upang hindi makahalata.
Nagbunga ang kanyangnagawang kasalan kay Ligaya na nagkataong isinunod sa
kanyangpangalan bilang pagtanaw ng babae sa kanyang nagawangkabutihan. Naging
inaanak niya rin ang bata sa binyag. Ninong siyang kanyang sariling anak.
8
maisakatuparan ito, tulad sa bayograpikal na pagdulog, kailangang may
kaalaman ang mambabasa sa buhay ng may-akda.
9
―Landas sa Bahaghari‖ ni Benjamin Pascual
―Bangkang Papel‖ ni Genoveva Edroza Matute
―Ang Kalupi‖ ni Benjamin P. Pascual
―Parusa‖ ni Genoveva Edroza Matute
―Sa mga kuko ng Liwanag‖ ni Edgardo M. Reyes
10
Sa Kabanata 22 “Liwanag at Dilim”, inilarawan ang paraan ng paghahanda ng
pista ng San Diego, mga palagay at sabi-sabi na kumalattungkol sa kapitan, tinyente
mayor, at sa mga kabataan. Makikita dito ang ugali ng mga Pilipino sa tsismis. Pinag-
usapan din ang pagdating ni Maria Clara at Tiya Isabel. Sa kabanata ring ito ay ipinakita
ang pagbabago ng kilos at anyo ni Padre Salvi buhat ng dumating si Maria Clara ayon
sa mgamanang. Inilarawan ang lihim na pagnanasa ni Padre Salvi kay Maria Clara. Sa
bahaging ito ng kabanata ay ipinakita na ang mga pari ay tao rin namarupok. Si Padre
Salvi ay halimbawa ng pari na mahina sa tukso. Ipinkita ni Rizal na miski alagad ng
Diyos ay banal at malinis gaya ng pagtingin ngmga tao bagkus ito ay mayroon pa rin
silang mga kahinaan na dapat lutasin.
11
Sa Kabanata 28 “Ilang Sulat” ay naglalarawan tungkol sa lumaganap na balita
sa pahayagan sa Maynila tungkol sa pagdiriwang ng pistang San Diego.Sa liham na
ipinadala ng isang kapitan na nagngangalang Martin Aristorenas sa kanyang mga
kaibigan na isinalaysay niya ang kanyangmga ginawanoong kapistahan Ipinakita rin sa
kabanatang ito kung gaano mag aksaya ng salapi ang mga tao para lamang sa pista.
Inilahad sapamamagitan ng sulat kung paano nag-aksaya ng salapi ang mga tao sa San
Diego para lamang sa isang araw na pista. Ipinakita rin sa kabanata anghilig ng mga
Pilipino sa mga libangan tulad ng sugal at kahit na natatalo na ay hindi pa rin
magawang umayaw dahil sa ayaw mapahiya sa mga kalaroat sa pag-iisip na makabawi
sa susunod.
Tulak ng bibig, kabig ng dibdib ang pag-ibig ni Julia kay Tenyong, taal na kulturang
Pinay na kung tawaginay hele hele bago quiere.
Lalo ang ama ni Tenyong na si Kapitan Inggo.Nilinlang ng mga Frayle ang mga dalaw
ng mga bilanggo, sa pagkukunwaring nirerespeto nila angkarapatang pantao.
Sigaw ng patriotismo. Dahil ang inang bayang ay inaapi na nang tatlong daang taon.
Ipinagkakayari ni (Ina) Julia ang anak niyang si Julia kay Miguel na anak
ni Tadeo.Inutusan ni Julia si Lucas na ipagsabi kay Tenyong na ipinagkakayari na ng
(Ina) Juana niya kay Miguel atnaitakda na ang petsa ng kasal.
12
Hindi lamang taumbayan ang may sentimyento sa mga kolonisador, kundi mga Paring
Pilipino tulad ni PariTeban.Inestorya ni Lucas kay Tenyong ang dalawang uri ng
Pilipinong bumugbog sa kanya: ang taksil ng bayan,ang Makabebe (Macabebe Scouts)
at ng mga Katipunero.
Nalungkot si Tenyong nang nalaman ikakasal na si Julia. Kasama ang mga Katipunero,
bumaba sila sabayan.
Iyon nga ang nangyari, ikinasal sila.Sila rin sa huli. At hindi sugatan ang kanilang pag-
iibigan.
Panahon ng Pilak:
13
ROMANTISISMO - layunin ng teoryang ito na ipamalas ay ibat-ibang paraan ng tao o
sumasagisap sa tao sa pag aalay ng kantang pag-ibig sa kapwa , bansa at mundong
kinalakhan. Ipinapakita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat
upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bagay na napupusuan.
Romantisismong Tradisyunal
Romantisismong Rebolusyunaryo
REALISMO
Layunin:
14
May pagtitimping ilahad ang kadalisayan ng bagay- bagay at iwinawaksi ang anumang
pagmamalabis at kahindik- hindik
Sentimental na Realismo
Sikolohikal na Realismo
Kritikal na Realismo
Inilalarawan ang gawain ng isang lipunang burgis upang maipamalas ang mga
aspektong may kapangitan at panlulupig nito
Sosyalistang Realismo
IMPRESYUNALISMO
15
Ang pag-unlad ng Impresyonismo sa mga visual na sining ay kaagad na
sinundan ng mga katulad na estilo sa iba pang media na naging kilala bilang
impresyonista musika at impresyonistang panitikan.
Ang impresyonismo ay isang pangunahing punto sa modernong sining.
LAYUNIN
Ikumpara ang opinyon ng may akda sa pamamagitan ng makabuluhang pagkilala
sa mga pangyayaring nagpapakita ng interes sa mambabasa.
Ang mga impormasyon sa kuwento ay naghuhikayat sa mga mambabasa na
magkaroon ng obserbasyon batay sa paninindigang paniniwala.
16
At lumipas pa ang maraming araw. Ngunit ang ama ay hindi pa rin nakakuha ng
trabaho kaya ganoon pa rin ang kanilang buhay. Ang bata naman ay unti-unting
nakauunawa sa kanilang kalagayan. Natutuhan niyang makibahagi sa malaking suliranin
ng kanilang pamilya. Natutuhan niyang sarilinin ang pagdaramdam sa panunukso ng
mga kaklase. Hindi na siya nagsusumbong sa kanyang ina.
Hanggang nang isang araw ay natuto siyang lumaban dahil sa araw araw na
panunukso ng kaniyang kaklase.
Sa buong pagtataka nila‘y bigla na lamang natutong sumagot ang mahirap na
batang babae na laging luma, kupas at puno ng sulsi ang damit. Ang batang babae na
ang laging baon ay tinapay na walang palaman. Isa na naman iyong pagkakataong
walang magawa ang kanyang mga kaklase kung hindi ang tuksuhin siya.
―Alam ninyo,‖ sabi niya sa malakas at nagmamalaking tinig, ‖ako‘y may
sandaang damit sa bahay.‖
Nagkatinginan ang kanyang mga kaklase. Hindi sila makapaniwala. ―Kung totoo
iyan ay bakit lagi na lang luma ang isinusuot mo?‖
Mabilis ang sagot niya, ―dahil iniingatan ko ang aking sandaang damit. Ayokong
maluma agad.‖
―Sinungaling ka! Ipakita mo muna sa amin para kami maniwala!‖ iisang sabi nila
sa batang mahirap.
―Hindi ko madadala rito. Baka makagalitan ako ni Nanay. Kung gusto ninyo ay
sasabihin ko na lang kung ano ang tabas, kung ano ang tela, kung ano ang kulay, kung
may ribbon o may bulaklak.‖
At nagsimula na nga siya sa kanyang pagkukwento. Paano ay inilalarawan niya
hanggang kaliit-liitang detalye ang bawat isa sa kanyang sandaang damit. Tulad
halimbawa ng isang damit na pamparti. Makintab na rosas ang tela na maraming
mumunting bulaklak, bolga ang manggas, may tig-isang ribbon sa magkabilang balikat.
Hanggang sakong ang haba ng damit. O kaya ay ang kanyang dilaw na pantulog na
may burda. O ang kanyang puting pansimba na may malapad na sinturon at malaking
bulsa.
17
Mula noon ay naging kaibigan na niya ang mga kaklase. Ngayon, siya na ang
laging nagsasalita at sila ang nakikinig. Lahat sila ay natutuwa sa kanyang kwento
tungkol sa sandaang damit. Nawala ang kanyang pagiging mahiyain. Naging masayahin
siya bagaman patuloy pa rin ang kanyang pamamayat kahit na ngayo‘y nabibigyan nila
siya ng kapiraso ng kanilang baong mansanas o sandwich.
Isang araw, hindi pumasok sa klase ang mahirap na batang babaing may
sandaang damit. Pagkaraan ng isang linggong hindi pagpasok ay nag-alala ang kanyang
mga kaklase at guro.
Isang araw ay nagpasya silang dalawin ang batang matagal ng absent sa klase.
Ang natagpuan nilang bahay ay sira-sira at nakagiray na sa kalumaan.
Lumabas ang isang babaing payat, iyon ang ina ng batang mahirap. Sila ay
pinatuloy at nakita nila ang maliit na kabuuan ng kabahayan na salat na salat sa
marangyang kasangkapan. Sa isang sulok ay isang lumang papag at doon nakaratay
ang batang babaing may sakit pala. Ngunit sa mga dumalaw ay di agad ang maysakit
ang napagtuunan ng pansin kundi ang mga papel na maayos na nakadikit sa dingding
sa may tabi ng papag. Lumapit sila sa sulok at nakita nilang ang mga papel na nakadikit
sa dingding ay yaong mga drowing ng bawat isa sa sandaang papel. Magaganda,
makukulay. Naroong lahat ang kanyang naikuwento. Totoo at naroroon ang sinasabi
niyang rosas na damit na pamparti. Naroroon din ang drowing ng kanyang damit
pantulog, ang kanyang pansimba, ang mga sinasabi niyang pamasok sa paaralan na
kailanma‘y hindi nasilayan ng mga kaklase dahil ayon sa kanya‘y nakatago at iniingatan
sa bahay.
Sandaang damit na pawang drowing lamang.
18
hinarap ang mga pagbabago na nagbigay ng kapangyarihan upang bumangon laban sa
pamahalaang Marcos. Naganap ang sunud-sunod na mga pangyayari matapos ang
pagbomba ng Plasa Miranda noong 1971, ang pagkitil sa Batas ng Habeas Corpus, ang
pagpapatupad ng Batas Militar at ang walang anu-anong pagdakip sa mga bilanggong
pampolitika. Nawalan ng katiwasayan ang mga mamamayan dahil sa paniniil ng
rehimeng Marcos. Napagmasdan ng babaeng katauhan na si Amanda Bartolome ang
mg pagbabagong ito na humubog sa dekada. Ina ng limang anak na lalaki si Amanda
Bartolome. Habang nagsisilaki at nagkaroon ng sari-sariling mga paniniwala, pananaw
at buhay ang mga anak na lalaki ni Amanda, itinaguyod naman ni Amanda ang
kaniyang pagkakakilanlan bilang isang mamamayang Pilipino, ina at babae. Ibinungad
ng Dekada '70 sa bagong salinlahi ng mga mambabasang Pilipino ang salaysaying ng
isang mag-anak na nasa isang partikular na panahon sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang
nakahihikayat na katangian ng nobela ay nakasalalay sa pagunlad ng mga tauhan nito
na kumakatawa sa bagong henerasyon ng mga Pilipino. Ito ay isang kuwento hinggil sa
isang ina at sa kaniyang mag-anak, at sa lipunang nakapaligid sa kanila. Isa itong
salaysayin kung paano ang damdamin ng isang ina ay napupunit sa pagitan ng panitik
ng batas ang kaniyang mga katungkulan bilang ina.
Ang mga salitang ito'y tila mga lagusan na naghahatid sa mga aktibista,
mamamahayag, politiko at iba pang naging bahagi ng mga rali't demonstrasyon sa mga
alaala ng isang di-malilimutang panahon sa ating kasaysayan—ang dekadang 1970.
19
Sa akdang ito, ipinakita ni Amanda Bartolome ang mga sakit, ligaya, problema,
at adhikain niya bilang babae.
Dahil sag alit na nararamdaman ni Marcos kay Don Teong, nag-isip siya ng
paraan kung paano siya makakapaghiganti dito. Nagbihis si Marcos nang tulad ng kay
20
Don Teong. Pinag-aralang mabuti ni Marcos ang bawat kilos ni Don Teong at inabangan
niyang mamasyal sa bukid si Don Teong ng hapong iyon. Pinakawalan niya ang
kaniyang kalabaw at hinayaang suwagin ang kaawa-awang si Don Teong. Kinabukasan,
huling araw na pananatili ng mag-ina sa bukid, habang nagiimpake na sila ng kanilang
mga gamit, mabilis na kumalat ang balitang patay na si Don Teong. Mahinahong
pinakinggan ni Marcos ang malungkot na tunog ng kampana, hindi tulad niyang ang
kaluluwa ng namatay na si Don Teong ay mas inisip pa niya ang kanyang matapang na
kalabaw.
FEMINISMO
Isang teorya ng sining na naglalayong iwasto ang mga maling pananaw tungkol
sa kahalagan, tungkulin at kahulugan ng babae sa lipunan
Ay tumutukoy sa prinsipiyo o paniniwalang dapat maging pantay ang mga babae
at mga lalaki.
Layunin
Mga Halimbawa:
21
Feminismong Pagdulog. Ang pagdulog na ito ay nagsusuri ng imahe ng mga
kababaihan at konsepto ng pagiging babae sa panitikan; gumagamit ng sikolohikal,
archetypal, at sosyolohikal na pagdulog; nakapokus sa katauhan ng mga kababaihan na
di-nabibigyang pansin. Ang mga feministang kritiko ay nagsisikap na itama ang alam
nilang pananaw na pinangingibawan ng mga kalalakihan.
22
- Naipapahayag ang kalinawan sa mga imaheng biswal, eksaktong paglalarawan o
pagbibigay anyo sa mga ideya.
Layunin ng Imahismo
Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghayag sa
damdamin kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may akda na higit
na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa halip na
paglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga imahen na layong ilantad ang totoong
kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan.
23
Hal. ng Imahismo
1. Panambitan ni Myrna Prado
2.Canal de la Reina ni Liwayway Arcenio
3. Ang Kuwintas ni Guy de Maupassant
4. Bakit Babae ang Naghuhugas ng mga Pinggan ni Filomena Colendrino.
Buod ng Imahismo
Canal de la Reina ni Liwayway A. Arce
Dahil sa mahabang panahon na pagpapabaya, naging mahirap na para kay Caridad na
mabawi ang lupang pinagsibulan ng kanyang kabataan mula sa isang tila buwitre na si
Nyora Tentay na may kakayahang gawing katotohanan ang kasinungalingan,
makatwiran ang baluktot, kabutihan ang panggagamit at salapi ang buhay.
Sa pagbabalik ni Caridad, isang nakapanlulumong tanawin ang tumambad sa kanya.
Ang kanyang mga dalisay na ala-ala noong kabataan ay siya na ngayong nakalubog sa
putik at nababalot ng masangsang na amoy. Ang karumihan at kasangsangan nito ay
bumabalot hanggang sa ating lipunan- lipunan na minsang naging hitik sa bulaklak at
malayang inilantad ng mga mamamayan nito ang kanilang karapatan, mahirap man o
mayaman. Ani nga ni Caridad nang may larawang muling nabuhay sa kanyang gunita,
―Ang ganda ng kawayan d‘yan, parang preskung-presko at malayang-malaya ang
hangin ngunit pihong labandera na ang nakatira ngayon d‘yan.‖ Ganito na nga ba kalaki
ang pagbabago ng ating bansa? Unti-unti na ngang nangangamatay ang mga
magagandang tanawin dahil sa sibilisasyon, globalisasyon at kawalang disiplina ng
bawat mamamayan nito at di rin magtatagal ang kasangsangan ay babalutin pati ang
ating kaluluwa at pag-iisip. Unti-unti nating hinhukay ang sariling libingan ng ating
bayan kung tulad ni Ingga ay patuloy tayong magpapaalipin at magpapatakot ‗di
lamang sa mga dayuhan kundi pati na rin sa mapagmalabis na kapwa nating mga
Pilipino na mayroong kapangyarihang paikutin ang buhay ng mga nakabababa.
Napalitaw ni Arceo ang kulay at dilim ng buhay sa likod ng mga payak na pangyayari sa
pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tauhan sa nobela. Ang mapag-arugang
damdamin ng isang ina ay nagbigay diin sa karakter ni Caridad at Gracia sa magkaibang
24
paraan. Ang una ay ang pagiging maunawaing maybahay ni Salvador at
maaalalahaning ina nina Leni at Junior. Ang pangalawa nama‘y ay ang pagiging
matatag sa kabila ng kawalan ng katuwang sa pag-aaruga ng kanyang nag-iisang anak
na si Geronimo. Kapwa naging biktima ng kasakiman ni Nyora Tentay ngunit parehong
nakipagtunggali at hindi yumukod sa kalakaran ng lipunan. Si Caridad ay buong –
tapang na nanindigan na bawiin ang lupang kinamkam ni Nyora Tentay subalit
nagpakita pa rin ng kabutihan sa matanda nang ito ay nasiraan ng ulo. Habang si
Gracia nama‘y ibinalik ang naranasang kapaitan sa mag- inang sina Nyora Tentay at
Victor ngunit ang pag-ibig pa din para sa huli ang namayani sa kanyang puso. Sila ang
dalawang mukha ng mga Pilipino, hindi tiyak ang paroroonan ngunit tulad ng ilog ng
Canal de la Reina sila‘y patuloy na nakikipagsapalaran at nakikibaka sa kabila ng mga
basurang nagpapasikip at nagpapahirap sa kanilang pag-agos sa buhay.
Ginamit ni Arceo ang tubig at pagbaha bilang siyang simbolo ng pagdalisay ng kaluluwa
at ng natutuyong pamayanan nang sa gayo‘y maaninag na ang panibagong simula at
pag-asa. Kung tayong lahat ay magiging gaya ni Junior na napupuno ng pag-asa at
pag-ibig para sa bayan, tiyak na maibabalik natin ang dating ganda at halimuyak ng
ating ―Canal de la Reina‖. Sama-sama nating pagtibayin ang pundasyon at haligi ng
bantayog ng pag-asa ng hinaharap, gaya nga ng sabi ni Jun: ―Itatayo natin dito ang
isang simbolo ng pagtindig ng isang bagong pamayanan na malaya. Malaya sa isang
manunupil, tulad ni Nyora Tentay na larawan ng panunupil ng isang nasa
kapangyarihan. Malaya ang isipan sa paghahayag ng tunay na damdamin.‖ Kailangang
mabigyan natin ng kahulugan ang lupang ito, hindi lang lupang sinilangan natin o ng
ating mg ninuno, kundi isang simbolo ng pagkagising at pagbabago tungo sa kaunlaran.
25
Sinabi niya sa asawa na kailangan niya ng pera para bumili ng bagong bestida upang
magamit sa dadaluhang pagtitipon. Apat na raang prangko ang kanyang hiningi kung
kaya si G. Loisel ay natigilan. Sa huli ay pumayag din ito na bumili ng bagong bestida si
Mathilde
Pero hindi nakuntento si Mathilde na wala man lang hiyas na suot kaya humiram siya
ng kwintas sa kanyong kaibigang si Madam Forestier. Pinahiraman ni Forestier si
Mathilde ng kwintas. Nang sumapit ang araw nahigitan ni Mathilde ang lahat ng mga
babae sa ganda, rangya at kahalina halina. Kung kaya siya ay naging maligaya sa
gabing iyon.
Matapos ang kasiyahan umuwi silang mag-asawa. Nang humarap sa salamin si Mathilde
ay napasigaw siya dahil nawala ang kwintas na hiniram niya.
Hinahanap nila ito ngunit hindi ito makita. Kaya siya naghanap ng katulad nito upang
isauli kay Madam Forestier sapagkat nagkakahalaga ito ng apatnapung libong prangko.
Nang mabili na nila ang kwintas ay isinauli ito kay Madam Forestier na naging malamig
ang pakikiharap sa kanya. Noon lubos na naunawaan ni Mathilde ang mamuhay sa
gitna ng karalitaan. Tumagal ng sampung taon ay natapos din ang lahat ng kanilang
utang kasama na ang mga tubong nagkapatong patong.
Mukhang matanda na si Mathilde na isa nang tunay na babae na mayroong maralitang
buhay. Isang araw ay naglalakad si Mathilde sa Champs Elysees. Nakita niya si Madam
Forestier na may kasamang bata. Katulad pa din ito ng dati na may taglay na
panghalina. Binati niya ito ngunit siya ay hindi na nakilala dahil malaki ang pagbabago
ng kanyang itsura. Isinisi niya kay Foresties sa nangyari sa kanya.
Sinabi niya ang pagkawala ng kwintas at ang pagbili niya kapalit ng kwinras na naging
sanhi ng kahirapan ng kanyang pinagdaanan. Ngunit sinabi ni Madam Forestier na isang
imitasyon lamang ang hiniram niya kay Mathilde. Ang pinakamataas na maihahalaga ay
limang daang prangko lamang. Umuwi si Mathilde sa kanilang bahay at sinabi ito sa
kanyang asawa.
26
“BAKIT BABAE ANG NAGHUHUGAS NG PINGGAN”
-isa itong uri ng komedya na patungkol sa dalawang pasaway na mag-asawa.
Mga Tauhan:
Yoh – asawa ng bungangera na si Anna.
Anna – ang bungangerang misis.
Hao – si ginoong albularyo mula sa kabundukan ng Tralala.
Ren – mayamang ginoo.
Horo-horo – kapitbahay nina Yoh at Anna.
Tamao – isa pang kapitbahay.
Manta – isang extra.
_____
Sa isang maliit na barangay na hindi ko alam kung saan, mayroong naninirahan na
mag-asawa. Yun nga sina Yoh at Anna. Si Yoh ay isang tamad na asawa (alam nating
lahat iyon) at si Anna ay bungangera (alam din natin yon). Isang araw.
Anna: Yoh! Magsibak ka ng kahoy!
Yoh: .
Anna: (lapit sa asawa sabay sigaw) YOH! HINDI BA SABI KO SA IYO MAGSIBAK KA NG
KAHOY!
Yoh: (nagulat at nahulog mula sa upuan) Ha? Ah oo nga sabi ko nga ehehehe. (sabay
alis)
* sa labas ng bahay habang nagsisibak ng kahoy si Yoh.* Horo-horo: Aba! Kumpareng
Yoh! Kamusta ka na?
Yoh: Eto ganun pa rin.
Horo-horo: Ba! Hindi ako makapaniwalang hanggang ngayon ay under ka pa rin dyan
kay Anna! Akala ko kapag kasal na kaya eh babait na ‗yon. (napakamot sa ulo)
Yoh: eheheh. ganon lang talaga yon.
Horo-Horo: Alam ko na bakit hindi mo kaya subukang sabihin sa kanya na sawa ka na
sa pang-uunder nya sa iyo?
Yoh: Huh? Hmm. O sige pag-iisipan ko.
27
Horo-horo: yan ang lalaki! (sabay alis)
* Pagkatapos ni Yoh na magsibak ng kahoy ay pumasok na siya sa bahay. Doon nya
naabutan si Anna na nanonood ng Dolphin Bay.*
Yoh: Anna! Tapos na akong magsibak!
Anna: buti naman. Magluto ka naman ngayon.
Yoh: Pero. (biglang tumitig si Anna)
Anna: Pero ano?
Yoh: ah? Wala wala. Hehehe. Sige. (sabay alis)
* Nagluto na nga si Yoh at pagkatapos nilang kumain ni Anna.*
Anna: O, linisan mo na yang mga plato.
Yoh: Ha eh ikaw na lang.
Anna: (gulat) Aba! At sumasagot ka na ngayon! Ako ang asawa mo kaya dapat mo
akong pagsilbihan!
Hindi pwede ang tatamad-tamad sa pamamahay na ito! Naiintindihan mo?
Yoh: (takot pero sige pa rin) Eh masyado mo naman akong inaabuso!
Anna: (Shocked) Inaabuso? Hoy para sabihin ko sa iyo, hindi kita nire-rape! Kapal ng
apog mo!
Yoh: (Natawa) Hindi yun ang ibig kong sabihin. Dapat gumagawa ka rin sa bahay.
Anna: Ayoko nga. Yoh: Ah alam ko na. Pustahan na lang tayo. Kung sinong unang
magsasalita o gumalaw ang siyang maghuhugas nga mga pinggan simula ngayon.
Anna: Sige.
At nagsimula ang pustahan. Si Yoh ay nanatili sa kanyang upuan at nakatitig
lamang kay Anna. Si Anna naman ay nakaupo rin medyo malapit kaya Yoh. Maya-
maya.*
Ren: Heto na naman ako. Hoy utang nyo bayaran nyo na!
Anna at Yoh: .
Ren: Hello! May kausap ba ako dito?
Anna at Yoh:.
Ren: Huh? Magsalita naman kayo. Tinatakot nyo naman ako eh.
Anna at Yoh: .
28
Ren: Yikes! Tatawag na ako ng albularyo! Baka sinapian na itong mga ito! (sabay
takbo)
Tumawag nga si Ren ng albularyo na nagmula pa sa mahiwang kabundukan ng
Tralala. Ito ang pinakamahusay na albularyo. Si Hao.*
Hao: (Tinitingnan ang mag-asawang hindi gumagalaw) Ngayon laman ako nakakakita
ng ganito!
Tamao: (habang nakiki-usyoso) Naku kawawa naman sila!
Horo-horo: (nakiki-usyoso rin) Oo nga.
Hao: hmmm. Sa tingin ko kailangan nilang sumailalim sa isang banal na seremonya.
(daan si Manta)
Hoy bata, pwede mo bang kunin ang mga ito para sa akin? (Sabay abot sa isang
listahan kay Manta).
Manta: Ha, o sige po. (sabay alis)
Hao: Ang kailangan lang nating gawin ay maghintay para sa pagbabalik ng batang iyon.
Makalipas ang ilang saglit, bumalik si Manta bitbit ang isang malaking supot.*
Manta: Tatang, eto na po yung pinapakakuha ninyo.
Hao: (nagalit) Hoy! Wag na wag mo akong tatawaging tatang! For your information, 18
pa lang ako. Pero kung pagbabasehan mo yung past life ko, pwede mo na akong
tawaging tatang.
Manata: Eh di ganun din po iyon! Sige po! Babay! (takbo)
Hao: Diyaskeng baya yun ah. Bueno, magagawa ko na ang seremonya. Ah! Eto na ang
mga kailangan ko: Dragon Katol! Siguradong lamok ay tepok! (May American accent)
(sinindihan ang katol) At eto rin ang tawas! Uy ang dami pa! Teka nga, makadekwat
nga ng kaunti para may magamit ako.
29
Tamao: Oo nga kasi akin talaga yun! Gumagamit siya pag hindi ako nakatingin kaya
pala ang bilis maubos!
Hao: Teka nga. Sisimulan ko na nga itong seremonya! Tama na ang diskusyong tungkol
sa deodorant!
* Nagsagawa ng seremonya si Hao. Ang dami dami na niyang nasindihang katol kaya
ang baho.*
Anna: (sa isip) yuck! Ang baho baho naman ever!
Yoh: (sa isip rin) ang bantot! Amoy putok! Ayokong masinghot dahil mas malala pa ito
sa utot ng taong may kinaing bulok! (galing kong mag-rhyming no! joke joke joke)
Wala pa ring nangyari dahil hindi naman sinapian sina Yoh at Anna. Wala nang
maisip si Hao kaya ito na lang ang huli niyang maisip.*
Hao: Eto na lang ang alam kong solusyon. Ang paggamit sa mahiwagang baston na
mula sa mahiwagang bundok. Ang bundok ng Smokey Mountain!
Tamao at Horo-horo: Yuck!
Hao: He! Manahimik kayo! Eto na! Idinadalangin ko sa mga banal na espiritu ng
Smokey mountain na iligtas ninyo itong mag-asawang ito mula sa mga masasamang
kaluluwa! Yaaah! (hahampasin ng baston si Anna kaso biglang tumayo at nagsalita si
Anna)
Anna: (inis) Hoy ginoong albularyo, wag mo nga akong mahampas-hampas! Baka
sampalin kita dyan!
Wala akong balak magkaroon ng pasa noh! Paano na ang aking flawless skin kung
magkakapasa ako?
Horo-horo at Tamao: Yehey! Ang galing-galing ni ginoong albularyo! Napagaling niya si
Anna!
Yoh: Yehey rin kasi si Anna ang unang nagsalita! Siya ang maghuhugas ng plato simula
ngayon! Yehey! (nagpagulong-gulong sa lupa)
Anna: Kainis kasi kayo! Napaka pakialamero talaga ninyo!
Horo-horo, Hao at Tamao: Huh?
Anna: Nagpupustahan lang kami ni Yoh na kung sinong unang magsalita o gumalaw
ang maghuhugas lagi ng plato! Bwisit talaga kayo!
30
Horo-horo: Pasensya na po madam Anna.
Anna: Hmmph!
Narrator: At iyan ang dahilan kung bakit babae ang naghuhugas ng Pinggan!
Historikal
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang
masasalamin sa kasaysayan at bahagi ng kanyabg pagkahubog.
Kumikilala sa gampanin ng isang institusyon, may malaking papel na
ginagampanan ang institusyon sa pagbubukas ng daan sa uri ng panitikang
dapat sulatin ng may akda.
31
Panuntunan sa paggamit ng Teoryang Historikal
Mga Halimbawa
"Si Boy Nicolas" ni Pedro L. Ricarte
"Utos ng Hari" ni Jun Cruz Reyes
"Reseta at Letra: Sa Daigdig ng Isang Doktor-Manunulat" ni Dr. Luis Gatmaitan
Florante at Laura: Kay Selya ni Francisco Balagtas
"Mga Gunita" ni Matute
"Sa mga Kuko ng Liwanag" ni Edgardo Reyes
Utas ng Hari
Papasok yan sa klase ko nang nakainom,para pang nang-iinis na lalapitan ka. Ipaaamoy
sa iyo ang hininga.‖Bukod dun, si Jojo ay mahilig din mang-inis at manubok sa
kakayahan ng guro:―Hindi lang ‗yan, minsan gusto pa man din akong kulitin sa klase na
akala mo‘y mahuhuli niya akong hindi prepared sa lesson ko.Tambakan ko nga ng
research work, di atras siya.‖At kadalasan, lumiliban siya sa klase.
32
hindimaaari kasi alam naman niya na hindi siya pakikinggan. Kung pakikinggan man
siya,alam pa rin niya na mababalewala lang din ito.
Nang araw na yun, sinabihan siya ni Mrs. Moral Character na pumunta sakanyang
cubicle pagkatapos mananghalian. Kinausap siya nito tungkol sa kanyangattitude. Kahit
na naiinis na siya, pinilit pa rin niya na ngumiti dahil alam niyang hindisiya mananalo sa
guro. Malinaw na isinalaysay sa kwento na bagamat pasaway naestudyante si Jojo,
nakukuha pa rin niya ang makinig at ibigay ang respeto nito sakanyang guro kahit
papano.Bukas ang isip ni Jojo. Marahil, dala na rin ng kanyanagpagiging teenager.
ARKITAYPAL
- ito ay tinayawag din na mitolohikal o ritwalismo. Ayon kay Scott (1922), sa pagbasang
arketipo, kailangan ng masusing pagbabasa gaya ng pormalismo, samantala ayon
naman kay Reyes (1992), ang mga banghay, tema at imahe sa mga akda ay
interpretasyon ng mga mag kakatulad na elemento ng mga matatandang mito o
alamat.
33
Ayon naman kay Griffith (1982), bagamat madamibg uri ng arketipong dulog ngunit
nahahati naman ito sa tatlo
Arketipong tauhan- mga bayani, ang martir, madrasta, rebelde, sawing mag sin irog.
Arketipong pangyayari- pag lalakbay, paghahanap, pag papasimula, ang pagbagsak,
kamatayan at pag kabuhay.
Arketipong simbolo at kaugnayan- gumagamit ng tambala hal. Liwanag at dilim,
liwanag na simbolo ay karunungan at dilim naman para sa kamang mangan
- layunin ng panitikan na ipakita ang mahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng
mga simbolo. Ngunit hindi agad basta- bastang makikita ang mga simbolismo sa akda.
Pinakamainam na alamin muna ang konsepto at tema ng panitikan sapagkat ang mga
simbolismong nakapaloob sa akda ay magkakaugnay sa isa't- isa. Ang simbolismo ay
naayon sa tema at konseptong pinapakita ng akda sa mga mambabasa.
34
Ibigin ma‘t hindi, balang araw, ikaw
Ay mapapabuyong makipagdagitan;
Makipaglaban ka, subalit tandaan
Na ang nagwawagi‘y ang pusong marangal.
35
taun taong pinagaganda ng ina ang kristmas tri, nariyan ang mga mamahaling pulang
bolang pinaiikot niya sa puno at iba pang mga palamuti. Pilit na pinagaganda at
pinatitibay ang marupok na mga paa ng puno, maging ang mga sangang baluktot ay
itinatago sa pamamagitan ng paglalagay ng mga dekorasyon. Nariyan rin ang krismas
lights na nagbibigay ng sila at kulay. Ngunit sa kabila ng lahat, hindi mawari kung ano
ang dahilan ng kanyang pakiramdam na para bang may kulang.
Dumating ang panahong hindi na sila nakapagtatayong muli ng kristmas tri, kasabay ng
hindi pagkakumpleto ng kanilang pamilya. Hinahanap hanap ang kasiyahang naidudulot
nito at ng mga palamuting nakapalibot dito.
Sa kabataan
ni Onofre Pagsanghan
Isa sa mga salitang napag-aralan
natin sa wikang Pilipino ay ang
salitang nabansot. Kapag ang isang
bagay raw ay dapat pang lumaki
ngunit ito'y tumigil na sa paglaki, ang
bagay na ito raw ay nabansot. MArami
raw uri ng pagkabansot, ngunit ang
pinakamalungkot na uri raw ay ang
pagkabansot ng isipan, ng puso, at ng
diwa.
Ang panahon ng kabataan ay
panahon ng pagkalaki, ngunit ang ating
paglaki ay kailangan paglaki at pag-
unlad ng ating buong katauhan, hindi
lamang ng ating sukat at timbang.
Kung ga-poste man ang ating taas at
ga-pison man ang ating bigat, ngunit
36
kung ang pag-iisip naman nati'y
ga-kulisap lamang, kay pangit na
kabansutan.
Kung tumangkad man tayong tangkad-kawayan,
at bumulog man tayong bilog-tapayan, ngunit
kung tayo nam'y tulad ni "Bondying" na di
mapagkatitiwalaan-anong laking kakulangan.
Kung magkakatawan tayong katawang "Tarzan"
at mapatalas ang ating isipang sintalas
ng kay Rizal, ngunit kung ang ating kalooban
nama'y itim na duwende ng kasamaan-anong
kapinsalaan para sa kinabukasan.
Kinabukasan. KAbataan, tayo raw ang
pag-asa ng Inang Bayan. Tayo raw
ang maghahatid sa kanya sa langit ng
kasaganaan at karangalan, o hihila
sa kanya sa putik ng kahirapan at kahihiyan.
Ang panahon ng pagkilos ay ngayon, hindi
bukas, hindi sa isang taon. Araw-araw ay
tumutuwid tayong palangit o bumabaluktot
tayong paputik. Tamang tama ang sabi ng
ating mga ninunong kung ano raw ang
kinamihasnan ay siyang pagkakatanda.
Huwag nating akalaing makapagpapabaya tayo ng
ating pag-aaral ngayon at sa araw ng bukas
ay bigla tayong magiging mga dalubhasang
magpapaunlad sa bayan. Huwag nating akalaing
makapandaraya ngayon sa ating mga pagsusulit,
makakupit sa ating mga magulang at sa mahiwagang
araw ng bukas makakaya nating balikatin ang
37
mabibigat na suliranin ng ating bansa.
Huwag nating akalaing makapaglulublob tayo
ngayon ng kalaswaan at kahalayan, at sa
mahiwagang araw ng bukas bigla tayong
magiging ulirang mga magulang.
Kabataan, ang tunay na pag-ibig sa bayan,
ang tunay na nasyonalismo, ay wala sa
tamis ng pangarap, wala rin sa pagpag ng dila.
Ang tunay na pag-ibig ay nasa pawis at gawa.
Konklusyon – ang buod ang mga pangunahing punto na iyong ginawa, na may-
katuturang komento tungkol sa teksto na iyong pinag-aaralan
38
Tumutulong ito na pahalagahan ang lalim ng kuwento at ang mensahe na
binabanggit ng may-akda. Isang kapaki-pakinabang na ehersisyo bilang
pagkakakilanlan ng isang makabuluhang tema, at ang pagsisiyasat ng mga
pampanitikang kasangkapan (pananalita, matalinghagang paglalarawan,
simbolismo) na ginamit ng may-akda upang ipakita ang temang iyon. At upang
maipahayag ang kanilang mga opinyon sa isang lohikal na paraan na maaaring
maunawaan ng nakararami. Kadalasan sa mga trabaho sa kapanahunan ngayon ay
nangangailangan ng pagsusulat ng mga ulat, mga panukala para sa trabaho, atbp.
Upang maayos ang trabaho, kailangan ng isang tao na may kakayahang ipahayag
ang kanyang mga kaisipan nang malinaw at partikular na nakasulat. Maaaring hindi
siya magsulat ng mga sanaysay sa literatura bilang pamumuhay, ngunit malamang
na ang natutuhan niya mula sa tungkuling iyon ay magiging kapaki-pakinabang sa
ibang pagkakataon sa buhay.
39
5. Ang kritiko ay matapat na kumikilala sa akda bilang isang akdang sumasailalim
sa paraan ng pagbuo o konstruksyon batay sa sinusunod na alituntunin at batas.
40
Fernando B. Monleo – isang alureadong makatang nagsulat ng nobelang ―Tres
Muskiteras‖. Kilala siya bilang ―Prinsipe ng Balagtasan‖.
TAKDANG GAWAIN:
Pumili ng isang akda na nais suriin. Ito ay maaaring tula, dula, maikling kuwento,
nobela, sanaysay o iba pa. Maaaring gumamit ng mga gabay na binanggit sa loob ng
teksto. Kailangang isaisip ang pagbibigay ng mahusay na komento, opinyon o reaksyon
sa nabasa at paggamit ng talas ng pag-iisip. Suriin ang bawat detalyeng binasa at
magbigay ng balanse at makatwirang pamumuna sa pmamagitan ng pagbanggit ng
mga positibo at negatibong punto sa binasa.
1. Isyung Ekonomiko
– Ito ay nagbubunga ng mga pagkawala ng trabaho ng mga tao na depende sa
lugar, kasarian, edukasyon, at kadalasan sa mga grupong etniko.
2. Problemang Pangkapitbahayan
– Ang mga ganitong komunidad ay kadalasang may mataas na drop out rate sa
hayskul, at ang mga bata na lumalaki sa mga ganitong komunidad ay kadalasang
may mababa sa walang pagkakataon na mag-aral sa kolehiyo.
3. Diskriminasyon sa Edad
– Nang minsan, may mga problema sa lipunan na ang sanhi ay ang pagtangi sa
edad ng isang tao.
4. Problemang Pantrabaho
– Kabilang dito ang stress, pagnanakaw, paggugulo sa kapwa tao, hindi pantay
ang sahod, papoot ng ibang lahi, at iba pa.
41