Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Mala - Masusing Banghay

Aralin Sa Filipino 11
(Barayti ng Wika)
I. Layunin :
Sa loob ng isa’t kalahating oras ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang;
a) Natutukoy ang kahulugan at kabuluhan ng Barayti ng Wika,
b) naiuugnay ang Barayti ng Wika sa sariling kaalaman at karanasan, at
c) nakabubuo ng maikling dayalog/ pagsasadula gamit ang aralin.

II. Paksang Aralin :


A. Barayti ng Wika
B. Sanggunian : Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino,
Pahina 8- 12
C. Kagamitan : Visual Aid, Powerpoint Presentation at Pamantayan sa
Gawain.
III. Pagpapahalagang Pangwika : Paggalang sa pagkakaiba-iba ng wika ng bawat isa.

Gawaing Pang-Guro

A. Panimulang Gawain:
1. Pambungad na Panalangin:
“ bago tayo magsimula sa ating bagong aralin ay magsitayo muna ang lahat para sa
panalangin.”

(Tatawag ng mag-aaral upang pangunahanang panalangin.)


“ Jeriel, pangunahan mo ang panalangin.” “Amen”

2. Pagsasaayos ng silid-aralan:
“ pakipulot ang mga kalat sa inyong paligid, ayusin ang mga upuan para mapanatili
ang kaayusan ng klase at tumahimik.”

3. Pagtatala ng Liban

( kukunin sa class monitor ang talaan ng liban)

4. Pangganyak :
Hahatiin sa apat na pangkat ang klase at kukuha ang bawat pangkat ng
representative. Bibigyan sila ng envelope na naglalaman ng mga larawan na
kanilang bubuuin at gagayahin nila ang paraan ng pagsasalita ng tao na kanilang
mabubuo sa puzzle.
“ ano ang inyong napansin sa ating ginawang aktibidad?”

“ Tama!”
“ ano pa ang inyong napansin?”
“ Sige, Binibini”
“Mahusay!”

IV. Paglalahad ng Paksa


“ Makinig na ang lahat”
“Batay sa ating naging aktibidad ang aralin sa araw na ito ay ang Barayti ng Wika. ”

(pagpapakita ng biswal)

“At ngayon papangkatin ko kayo sa apat.”

(pagpapangkat at pagbibigay ng panuto sa bawat pangkat.)

“ Bago tayo mag-umpisa ay narito ang pamantayan ng inyong magiging


presentasyon.”

(pagpapakita ng biswal sa powerpoint)

Pamantayan sa Presentasyon
Kaayusan 25%
Kalinawan ng mensahe 50%
Pagkamalikhain sa presentasyon 25%
kabuuan 100%

“ ang unang pangkat ang mauunang magtanghal.”

Unang Pangkat: Showbiz Balita


Mag-iimpersonate o manggagaya ng kanilang nais na personalidad at itatanghal ito
sa klase na parang isang interview.

“ ano ang nais na ipakita ng inyong natapos na presentasyon?”


“ Mahusay!”
“sa tingin ninyo anong barayti ng wika nabibilang ito?”

(pagpapakita ng biswal)
“Magaling!”
“ Base sa naging presentasyon ng unang grupo paano ninyo bibigyan ng pakahulugan
ang idyolek.”
“Tama!”

1. Idyolek – bawat indibidwal ay may sariling istilo ng pamamahayag at pananalita na


naiiba sa bawat isa. Gaya ng pagkakaroon ng personal na paggamit ng wika na
nagsisilbing simbolismo o tatak ng kanilang pagkatao. Ito ay mga salitang
namumukod tangi at yunik.

“ ang Idyolek ay barayti ng wika na personal sa isang ispiker. May mga salik na tulad
ng kwaliti ng boses at katangiang pisikal”

(pagpapakita ng biswal gamit ang powerpoint.)

Ikalawang Pangkat: Wika Chat


Gagawa ang Pangkat ng isang chatbox na kinabibilangan ng iba’t ibang uri o pangkat
ng tao.

“ ano ang kabuluhan ng inyong naging presentasyon?”


“ ano ang tawag sa barayti ng wikang ito?”
“ Tama!”
“ ano naman ang sosyolek?”

(pagpapakita ng biswal)

Magaling!

2. Sosyolek – na minsan ay tinatawag na “Sosyalek” Ito ay pansamantalang barayti


lamang. Ito ay uri ng wika na ginagamit ng isang partikular na grupo. Ang mga
salitang ito ay may kinalaman sa katayuang sosyo ekonomiko at kasarian ng
indibidwal na gumagamit ng mga naturang salita.

“ Ang sosyolek ay nabbubuo batay sa dimensyong sosyal.”

(pagpapakita ng kahulugan sa powerpoint)

Ikatlong Pangkat: Pagsasadula


Magsasadula ng napiling eksena sa isang pelikula. Sa pagsasadulang ito kinakailangan
na Makita ang barayti ng wikang pidgin.

“ Maari bang ipaliwanag ninyo ang naging presentasyon ng inyong pangkat.’


“ Magaling! “
“ anong barayti ng wika ang naging presentasyon ng ikatlong pangkat?”
“Magaling !”
“at ito rin ay tinatawag na nobody’s native language”
(pagpapakita ng biswal)

3. Creole – mga barayti ng wika na nadebelop dahil sa mga pinaghalo-halong salita


ng indibidwal, mula sa magkaibang lugar hanggang sa ito ay naging pangunahing
wika ng partikular na lugar. Halimbawa dito ay pinaghalong salita ng Tagalog at
Espanyol (ang Chavacano), halong Arican at Espanyol (ang Palenquero), at ang
halong Portuguese at Espanyol (ang Annobonese).

“ iba ang pagbuo nila ng pangungusap. Madalas, ang leksikon ng kanilang usapan ay
hango sa isang wika at ang estruktura nito ay mula sa kanilang unang wika.”
“Bukod sa pidgin Mayroon ding barayti ng wika na Creole”

(pagpapakita ng biswal)

“ Pakibasa ng sabay sabay”


“Ang Creole ay ang wikang dating pidgin na kalaunan ay naging likas na wika.”
“ at ang pinakamahusay na halimbawa nito sa atin ang chavacano”

Ika-apat na Pangkat: News Patrol


Magtatanghal ang mga mag-aaral ng isangnews report na nagpapakita ng iba’t ibang
dayalekto ng bansa.

“ ano ang nais na ipakita ng inyong natapos na presentasyon?”


“ Magaling!
“anong barayti ng wika ang naging presentasyon ng ikaapat na pangkat?”
“Magaling!”
“ano naman ang dayalek?”
“Mahusay!”
“ ang dayalek ay ang wikang ginagamit sa isang rehiyon,lalawigan o pook”

(pagpapakita ng biswal)

4. Dayalek – Ito ay varayti ng wika na nalililkha ng dimensiyong heograpiko. Ito ang


salitang gamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na kanilang
kinabibilangan. Tayo ay may iba’t-ibang uri ng wikang panrehiyon na kung tawagin ay
wikain.

At ang panghuli naman ay ang Etnolek”


“ Batay sa tawag dito sa tingin ninyo ano ang etnolek?”
“Tama!”
“ Wikang galing sa iba’t ibang pangkat etniko”

Etnolek – Isang uri ng barayti ng wika na nadebelop mula sa salita ng mga


etnolonggwistang grupo. Dahil sa pagkakaroon ng maraming pangkat etniko sumibol
ang ibat ibang uri ng Etnolek. Taglay nito ang mga wikang naging bahagi nang
pagkakakilanlan ng bawat pangkat etniko.
(pagpapakita ng biswal sa powerpoint.)

“ Naintindihan ba ang ating Aralin”

V. Paglalahat
“ Magaling! Batid ko naunawaan na ninyo ang ating aralin nais kong panoorin ninyo
ang inihanda kong video upang lubusan ninyong maunawaan ang ating aralin.
Sa inyong napanood na video ano sa tingin niyo ang kahaagahan ng pag-aaral natin
ng barayti ng wika?”

“Tama!”
“ magbigay pa ng sagot”
“ Magaling!”

VI. Pagtataya
Tama o Mali
Panuto: Isulat ang T kung ang Isinasaadng pangungusap ay tama at M naman kung
Mali.
1. Dayalek o diyalektal ang wikangginagamit sa isang particular narehiyon. (T)
2. Ang sosyolek ay isang barayti ng wikana personal sa isang ispiker. (M)
3. Tinatawag din ang pidgin na nobody’snative language. (M)
4. Creole ay ang dating pidgin na nagingnative language. (T)
5. Ang idyolek ang barayti ng wika nanabubuo batay sa dimensyong sosyal
(M)
6. Kosa, pupuga na tayo mamaya. Angpangungusap ay halimbawa ngsosyolek . (T)
7. Wiz ko feel ang hombre dito. Angpangungusap na ito ay halimbawa ngito ay
Creole. (M)
8. ang etnolek ay nagmula sa iba’t ibangetniko (T)
9. ang chavacano ay isang halimbawang Creole. (T)
10. ang ganda hane! Ang pangungusapna ito ay halimbawa ng sosyolek. (M)

VII. Takdang Aralin


Ang bawat pangkat ay gagawa ng isang poster na patungkol sa Barayti ng Wika.

Pamantayan sa Paggawa ng Poster


Kaayusan 25%
Nilalaman 25%
Pagkamalikhain 25%
Pagka-orihinal 25%
Kabuuan 100%

“ Tumayo na ang lahat para sa panalangin”

(tatawag ng mag-aaral upang pangunahan ang panalangin)

“Kyla pangunahan mo ang panalangin.”


“Amen”
“Paalam na sa lahat hanggang sa susunod nating pagaaral.”

You might also like