Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

1.-2. Ang kambal na ipinaanod sa ilog Tiber.

3. Sa bansang ito matatagpuan ang Rome.

4. Ang ilog na nagbigay patubig sa kabihasnang Rome.

5. Ang tribong may maitim na balat na unang naninirahan sa Rome.

6. Ang hari ng mga Etruscan na pinatalsik ni Lucuis Junius Brutus.

7. Ilan ang konsul na inihalal ng Republika?

8. Sila ay may kapangyarihang tulad ng hari at manunungkulan sa loob ng isang taon.

9. Sa oras ng digmaan, ang republika ay pumipili ng isang _______ upang mamuno.

10.Ilang buwan nanunungkulan ang isang diktador?

11. Ito ang tawag sa mga taong mayayaman sa Rome.

12. Ito ang tawag sa mga taong mahihirap sa Rome.

13.Ang tawag sa posisyon ng mga Plebeian sa Senado.

14. Ilang Tribune ang inihalal sa Republika?

15. Kapag nais hadlangan ng isang tribune ang panukalang batas, ano ang isigaw nila?

16. Kauna-unahang nasusulat na batas sa Rome.

17. Ilang senador ang nanunungkulan sa Republika?

18. Ang tawag sa digmaan sa pagitan ng Rome at Carthage?

19. Ang Isla na pinag-aagawan ng Carthage at Rome?

20.Ang nanalo sa Unang DIgmaang Punic.

21. Ang heneral ng Carthage na lumaban sa Ikalawang Digmaang Punic.

22. Ang heneral na Romano na nakalaban ni Hannibal.

23-25. Magbigay ng tatlong lugar na nasakop ng Rome.

26-27. Ang magkapatid na nagmungkahing liitan ang lawak ng lupain ng mga mayayayaman.

28. Ang tawag sa mga malalaking hasyenda o lupain.

29-30. Ang dalawang heneral na naglaban upang maghari sa Roma.

31-33. Ang unang Triumvirate.

34. Siya ang sumakop ng bansang Gaul o France ngayon.

35. Ang naging gobernador ng Gaul o France.

36. Sa labanan ni Julius Caesar at Pompey, sino ang nanalo sa kanila?

37. Ang tawag sa army o hukbong Romano.


38. Ang ibig sabihin ng Veni, Vidi, Vici.

39-42. Ang mga programang ipinatupad ni Julius Caesar sa kanyang panunungkulan.

43-44. Ang dalawang tao na nagplanong patayin si Julius Caesar.

45. Ang araw ng kamatayan ni Julius Caesar.

46-48. Ang Second Triumvirate.

49. Ang lider ng second triumvirate na sapilitang nagretiro.

50. Ang kasintahan ni Marcus Antonius na reyna ng Egypt.

51. Ang nanalo sa labanang Octavian at Marcus Antonius.

52. Siya ang itinanghal na unang emperador sa imperyong Roma.

53. Ang ibig sabihin ng “Augustus”.

54. Siya ang kilala bilang Augustus Caesar.

55. Ang ibig sabihin ng “Pax Romana”.

56-59. Ang mga manunulat na umusbong sa Pax Romana.

60. Ang diyos ng kalangitan.

61. Ang diyos ng karunugan.

62. Ang diyos ng digmaan

63. Ang diyos ng karagatan.

64. Isang uri ng paligsahan kung saan pinag-aaway ang kapwa alipin o ang kalaban ay hayop.

65. Ang strukturang ipinatayo kung saan dito ginanap ang labanan ng gladiator.

66.Ang tawag sa temple ng Roman.

67. Ang daluyan ng tubig mula sa ilog patungo sa mga lungsod.

68. Ang tawag sa ipinatayong daanan o kalsada ng mga Romano.

69-72. Ang mga Julian Emperors.

73.Ang emperador na inakusahang pinasunog ang Rome.

74. Ang emperor na nilustay ang pera ng romano sa mga paligsahan tulad ng gladiator.

75. Ang emperor na nagpatayo ng amphitheater at pampublikong paliguan.

76-80. Ang limang mabubuting emperor (Five good emperor).

You might also like