10 Disenyo Sa Pananaliksik

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

10 Disenyo ng Pananaliksik

1. Historikal
- batay sa mga datos at ebidensya, pinalalalim ang pag-unawa
sa nakaraan, kung paano at bakit nangyari ang mga bagay-bagay at
ang pinagdaang proseso kung paanong ang nakaraan ay naging
kasalukuyan.
Halimbawa :
a. Paano nagkaroon ng pagbabago at pag-unlad ang wikang
pambansa sa Pilipinas?
2. Deskriptibo
- imbestigasyon na naglalarawan at nagbibigay
kahulugan sa isang bagay o paksa. Karaniwang naglalayon
ito na makahingi ng opinyon.
Halimbawa :
a. Karanasan ng Isang Batang Ina: Isang Pananaliksik
b. Pagsusuri sa Dulang Pantelebisyon na Bonifacio: Ang
Unang Pangulo
3. Korelasyon
- ginagamit upang malaman ng mananaliksik kung ano
ba ang relasyon ng dalawa o marami pang bagay sa isa’t isa.
Halimbawa :
a. Masasabi bang habang tumatangkad ang isang tao,
bumibigat din ang kaniyang timbang?
b. Masasabi bang ang isang taong mahusay sa pagsasalita
ng wikang Ingles ay may mataas na karunungan o
masasabi bang siya ay matalino?
4. Komparatibo
- naglalayong maghambing ng anomang konsepto,
kultura, bagay, pangyayari at iba pa.
Halimbawa :
a. Komparatibong pagsusuri ng mga editorial cartoon ng
Philippine Star at Philippine Daily Inquirer sa pagbisita ni
Pope Francis sa Pilipinas.
5. Eksperimental
- layunin nito na maipaliwanag ang kinahinatnan, sanhi
at bunga batay sa salik o baryabol na ginamit sa disenyo ng
pananaliksik.
Halimbawa :
a. Mga salik na nakaaapekto sa pagiging masayahin ng
Pre-school students.
b. Kabisaan ng modyul bilang alternatibong kagamitan sa
pagtuturo at pagkatuto ng pagbabasa.
6. Simulasyon
- nagsasangkot ng paglalagay ng isang representasyon
sa isang maliit at pinakasimpleng mga sistema na maaaring
manipulahin ang epekto.
Halimbawa :
a. Katotohanang pananaliksik na “maraming tao ang
mahilig sa paggamit ng facebook”.
7. Ebalwasyon
- tinataya kung ang pananaliksik, proyekto, o programa
ay naisagawa nang matagumpay.
Halimbawa :
a. Ebalwasyon ng pagtuturo ng A.P. sa Aurora Elementary
School.
b. Ebalwasyon sa paggamit ng ipod, cellphone at x’boxs
sa pag-aaral ng piling mag-aaral ng hotel management.
8. Aksyon
- layunin ang pagpapaunlad ng paksa para sa higit na
epktibong gamit nito.
Halimbawa :
a. Kabisaan sa paggamit ng powerpoint presentation
bilang Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan.
9. Etnolohikal
- Sa pamamaraang ito, ang mananaliksik ay nagiging
interesado sa kung paano ang mga paksa ng pananaliksik ay
nagbibigay-kahulugan sa kanilang sariling pag-uugali kaysa
sa pagpapataw ng isang opinyon mula sa iba.
Halimbawa :
a. Panimulang pag-unawa sa Mamasapano kaugnay ng
usapang Pangkapayapaan saMindanao.
10. Kultural
- nagbibigay ng mga pamamaraan na nagbibigay-daan
sa isang pare-parehong pagsusuri ng mga tekstong
pangkultura.
Halimbawa :
a. Wikang Filipino laban sa wikang Ingles para sa
pananaliksik.

You might also like