Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

Republic of the Philippines

State Universities and Colleges


GUIMARAS STATE COLLEGE
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Buenavista, Guimaras

MODYUL IV
(PALABAYBAYANG FILIPINO)

Ngayong may sanligang kaalaman na tayo sa ponolohiya o palatunugan


ng Filipino ay handa na tayo sa pagtalakay sa mga letra o simbolong ginagamit
sa ating palabaybayan o palatitikan.

Nalaman natin sa Kabanta I na ang ponolohiya ng Filipino ay


binubuo ng 21 na ponema: 16 na katinig at 5 patinig. Nalaman din natin na
naging 16 sa halip na 15 lamang ang mga katinig dahil sa glottal na pasara o
impit na tunog na bagamat isang ponema ay hindi binibigyan ng katumbas na
letra sa ating palabaybayan. Sa halip ay inirerepsenta ito ng gitling at ng tuldik
na paiwa.

Tulad ng mga wikang Kastila at Ingles, mga simbolong Romano ang


ginagamit sa palabaybayang Filipino ngunit kaiba sa Ingles, konsistent ang
paraan ng pagbaybay sa Filipino. Sa ibang salita, bawat makabuluhang tunog o
ponema ay inirerepresenta ng isang letra lamang kapag isinusulat. Halimbawa
ang ponemang /k/ sa sumusunod ng mga salita: kilay, siko at batok.

Sa wikang Ingles, ang isang ponema na tulad ng halimbawa nating /k/ ay


maaaring irepresenta ng higit sa isang letra, tulad ng makikita sa sumusunod na
mga halimbawang salita.

Transkripsyong Ponemiko

“k” sa ‘kit’ - /kit/

“ch” sa ‘cholera’ - /kolera/

“ck” sa ‘chick’ - /čik/

“c” sa ‘car’ - /kar/

I. Layunin
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Buenavista, Guimaras

Inaasahang Pagkatuto
Sa pagtatapos ng aralin na ito, ikaw ay inaasahang:
A.Nalalaman ang sitwasyon at pagkabuo ng alpabeto
noong unang panahon.
B. Nakapagbibigay ng pagtutumbas ng salita gamit ang
alpabeto ng dayuhan

II. Panimulang Gawain (Activate)

SUBUKAN MO
Basahin ang pahayag sa ibaba at alamin ang mga salitang may
letrang banyaga. Isulat ito sa patlang na nakalaan sa ilalim ng pahayag.

Binisita ng aktres na si Angel Locsin ang mga gumagawa ng parol sa


Las Piñas. Kabilang ang mga gumagawa ng parol sa mga lubos na
naapektuhan ng pandemya. Kabilang sa mga nakilala ay sina Luzviminda
Gallardo at si John Nelson Garcia.
Mahigit apat na dekada nang gumagawa ng parol si Nanay Luz.
Tinulungan rin nila ang komunidad sa Sunshineville, kung saan dinala ang
mga parol na binili mula sa mga parol maker sa lungsod.

MGA SALITANG MAY LETRANG BANYAGA


Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Buenavista, Guimaras

III. Pagtamo (Acquire)


Basahin at unawain nang mabuti ang akda.

DATING ABAKADA
Ang dating ABAKADA (sa matandang BALARILA ay tinatawag itong
Abakadang Tagalog) ay binubuo ng 20 letra:

A, B, K, D, E, G, H, I, L, M, N, NG, O, P, R, S, T, U, W, Y

Lima sa mga ito ay patinig - A, E, I, O at U

Labinlima naman ang mga katinig – B, K, D, G, H, L, M, N, NG, P, R, S, T, W at Y

Ang ngalan ng bawat letra sa dating ABAKADA ay ganito:

A, Ba, Ka, Da, E, Ga, Ha, I, La, Ma, Na, NGa, O, Pa, Ra, Sa, Ta, U, Wa, Ya. Ang
bawat isa sa 20 na letrang ito ay nagrerepresenta ng isang ponema. Konsistent
ang gamit ng letra na di tulad sa Ingles.

Ang labing-isang letra ay itinuturing na mga banyaga, kaya’t hindi kasama


sa 20 letra ng dating ABAKADA ay ang mga sumusunod: C, CH, F, J, LL, Ñ, Q, V,
RR, X, Z. Ginagamit lamang ang 11 na letrang ito sa mga pangalang pantangi
tulad ng: Quezon, Ilocos Norte, Vallejo, Chirino, Gueverra, Roxas, Peña, atbp.

Sa mga karaniwang salitang hiram sa Kastila, ang 11 letrang nabanggit ay


tinutumbasan ng mga letrang nasa 20 letra ng ABAKADA, tulad ng mga
sumusunod:

C = K - carga = karga
C = K - circo = sirko
CH = TS - buche = butse
F = P - fecha = petsa
J = H - cajon = kahon
LL = LY - billar = bilyar
= Y - caballo = kabayo
Ñ = NY - canon = kanyon
Q = K - maquina = makina
RR = R - carrera = karera
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Buenavista, Guimaras

V = B - vapor = bapor
X = KS - examen = eksamen
= H - raxa = raha
= S - texto = teksto
Z = S - zapatos = sapatos

BAGONG ALPABETONG FILIPINO


Ang tatawagin nating Bagong Alpabetong Filipino ay binago at pinagyamang
dating ABAKADA, batay sa Kautusang Pangkagawaran blg. 81, s. 1987 ng Kagawaran
ng Edukasyon, Kultura at Isports.
Isinagawa ng Surian ng Wikang Pambansa ang pagreporma sa alpabeto at sa
mga tuntunin ng palabaybayang Filipino upang maiayon ito sa itinatadhana ng
Konstitusyon ng 1987 hinggil sa patuloy na pagpapayabong at pagpapayaman ng
Filipino bilang pambansa at pampamahalaang wika at bilang pagtugon na rin sa
mabilis na pagbabago, pag-unlad at paglaganap ng wikang pambansa.
Ang reporma ay isinagawa ng Surian sa pakikipagtulungan ng mga
linggwist/dalubwika. Manunulat, propesor/guro at mga samahang pangwika.
Mababanggit na nirebisa nan g Surian ang matandang ABAKADA noon pa mang
1976. Ang pagbabagong iyon ay ipinalabas ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura
sa pamamagitan ng Memorandum Pangkagawaran blg. 194, s. 1976 subalit iyon ay
hindi nagging matagumpay sapagkat may lumitaw itong ilang kahinaan, tulad ng
mga sumusunod:

1. Hindi nilanaw kung paano ang paraan ng pagbabaybay – papantig ba o


patitik?:
2. Hindi sinabi kung paano tatawagin ang mga letra ng alpabeto – pa-ABAKADA
ba? Pa-Kastila? O pa-Ingles?:
3. Hindi rin nilinaw kung paano pagsunod-sunurin ang mga letra ng alpabeto; at
4. Hindi naging praktikal sapagkat isinama pa ang mga digrapong CH, LL, RR.

Kaya’t muling binalikan ng Surian na muling repormahin ang palabaybayang


Filipino. Nagdaos ito ng mga simposyum tungkol sa posibleng reporma. Noong
Disyembre 8, 1983, sa unang simposyum na ginanap sa Asian Institute of Tourism ay
ganito ang naging talakay ko (AOS) sa nabanggit na mga kahinaan ng isinagawang
pagrebisa ng Surian sa ating palabaybayan:
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Buenavista, Guimaras

1. Pagbabaybay sa Filipino: Papantig o patitik?

Ang pagbabaybay bas a Filipino ay dapat ba maging papantig o patitik? Ganito


ang sinasabing papantig na paraan ng pagbabaybay: pa-pan-tig = papantig. Hindi
iniisa-isa ang mga letra o titik. Ang patitik naman ay ganito: pi-ey-ti-ay-ti-ay-key =
patitik. Iniisa-isa ang mga letra.

2. Pangalan ng mga Letra ng Alpabeto


Kung patitik ang pagbabaybay sa Filipino, ano naman ang itatawag sa mga letra
ng Alpabeto? Sa ibang salita, sa pagbabaybay, paano ngangalanan ang mga letrang
bumubuo ng salita o mga salitang binabaybay nang pasalita?
Noong 1979, makaraan ang humigit-kumulang sa tatlong taon, simula nang
ipalabas ng Ministri ng Edukasyon at Kultura ang isinaanyong bagong alpabeto,
nagsagawa ang SWP ng isang sarbey sa 13 rehiyon ng bansa upang tayahin ang
kaantasan ng pagtanggap ng bayan sa binagong alpabeto.
Lumabas diumano sa isinasagawang sarbey na ang pitong letrang “banyaga” na
dating wala sa ABAKADA ay dapat ngalanan ng gaya ng sumusunod: C /siy/, F/fa/,
J/ja/, Q/kwa/, X/xa/ at Z/za/ (Pineda, 1981:4-5). Sa ibang salita, matangi sa “C” na
isusunod sa ngalang Ingles, ang lahat ay dapat isunod sa ngalan ng 20 titik ng
ABAKADA.

3. Bilang at Pagsusunod-sunod ng mga Letra ng Alpabeto


Sa simula ay linawin muna natin na ang pagbubuo ng ortograpiya ng isang wika
ay hindi biru-birong gawain. Kung papaano mapagtitimbang –timbang nang maayos
ang lagi ng nagsasalungatang dalawang presyur – presyur ng linggwistika at presyur
ng lipunan.

Presyur Linggwistikal

Ang palabaybayan ay kailangang maging konsistent o ponemiko. Sa ibang salita,


dapat magkaroon ng isa-sa-isang pagtutumbasan ang ponema o makahulugang
tunog at ang letra o titik. Hindi dapat dumami pa ang mga letra kaysa mga ponema
at hindi rin dapat kulangin ang mga letra. Lahat ng ponema ay kailangang may
katumbas na letra. Madaling matutuong bumasa sa wikang may ponemikong Sistema
ng pagbabaybay.
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Buenavista, Guimaras

Ang mga hiram na salita ay dapat asimilahin ayon sa Sistema ng pagbabaybay ng


nanghihiram na wika. Kapag hiniram ang mga salita sa orihinal na baybay, masisira
ang katutubong Sistema ng pagbabaybay na maaaring humantong sa pagkawasak
ng wika mismo at masapawan ng nakaiimpluwensiya at higit na makapangyarihang
banyagang wika.

Presyur Sosyo-Pulitiko-Kultural

Ang palabaybayan ay kailangang magtaglay rin ng mga letrang nasa mga wikang
nakaiimpluwensya rito para maluwag na makapasok ang mga salitang hinihiram, lalo
na ang mga ngalang pantangi, ngalan ng produkto at mga salitang teknikal.
Tatanggapin at igagalang lamang ng bayan lalo nang mga nakapag-aral at mga
namumuno ng isang ortograpiya kung ito’y mabisa nilang magagamit sa
kasalukuyang pangangailangan.

Ang mga hiram na salita sa nakaiimpluwensyang banyagang wika ay kailangang


isulat sa paraang tatanggapin lalo na ng mga nakapag-aral na sector ng lipunan.
Kapag ang isang salitang hindi konsistent ang baybay ay binaybay ayon sa ABAKADA,
nagiging katawa-tawa ang anyo nito, kaya’t makabubuting huwag nang baguhin ang
baybay nito.

Batay sa inilahad sa itaas na nagsasalungutang mga presyur ng linggwistika at


ng lipunan, pansinin na kung presyur ng linggwistika lamang ang ating isaalang-
alang lumalabas na sapat pa hanggang ngayon ang 20 letra ng ABAKADA. Sa ibang
salita, hindi pa dapat magdagdag ng anumang titik sa ABAKASA sapagkat wala pang
nakapapasok na bagong ponema o makahulugang tunog sa ating wika buhat sa
ibang wika.
Sa kabilang dako, kung isaalang-alang naman natin ang presyur sosyo-pulitiko-
kultural, napakalakas din ng presyur na ito sapagkat natatagpuan ang mga letrang
nabanggit sa mga hiram na ngalang pantangi, sa mga katawagang teknikal, at sa
mga salitang buhat sa ibang katutubong wika ng bansa na nagpapahayag ng unikong
katangian ng kulturang etniko.

PALAPANTIGAN
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Buenavista, Guimaras

Ang pantig ay binubuo ng isang salita o bahagi ng isang salita na binibigkas sa


pamamagitan ng isang walang antalang bugso ng tinig. Bawat pantig sa Filipino ay
may patinig na kalimitan ay may kakabit na katinig o mga katinig sa unahan, sa
hulihan o sa magkabila.

1. Mga Pormasyon ng Pantig


Sa matandang Balarila ay apat lamang ang kinikilalang pormasyon ng pantig:

a. P – pantig na binubuo ng patinig lamang, kaya’t tinawag na payak.


Halimbawa: o-o, a-asa, ma-a-a-ri.
b. KP – pantig na binubuo ng patinig na may tambal na katinig sa unahan, kaya’t
tinawag na tambal-una. Halimbawa: ba-ba-e, ta-o, gi-ta-ra
c. PK – pantig na binubuo ng patinig na may tambal na katinig sa hulihan, kaya’t
tinawag na tambal-huli. Halimbawa: ok-ra, is-da, ma-is.
d. KPK – pantig na binubuo ng patinig na may tambal na katinig sa unahan at sa
hulihan, kaya’t tinawag na kabilaan. Halimbawa: ak- lat, su-lat, bun-dok.

Ngunit sa ngayon, dahil sa ang Filipino ay patuloy na umuunlad at samakatwid ay


patuloy ring nagbabago, ang apat na pormasyon ng mga pantig na tinalakay sa itaas
ay naragdagan na ng mga sumusunod:

e. KKP – pantig na binubuo ng patinig na may tambal na klaster sa unahan.


Halimbawa: tse-ke, dra-ku-la, blu-sa.
f. PKK – pantig na binubuo ng patinig na may tambal na klaster sa hulihan.
Halimbawa: blo-awt, eks-tra.
g. KKPK – pantig na binubuo ng patinig na may tambal na klaster sa unahan at
katinig sa hulihan. Halimbawa: plan-tsa, trum-pe-ta, trak.
h. KPKK – pantig na binubuo ng patinig na may tambal na katinig sa unahan at
klaster sa hulihan. Halimbawa: nars, kard, re-port.
i. KKPKK – pantig na binubuo ng patinig na may kambal na klaster sa unahan at
sa hulihan. Halimbawa: trans-por-tas-yon, tsart.

PALAGITLINGAN
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Buenavista, Guimaras

Bukod sa pangkaraniwang gamit ng gitling sa paghahati ng salita sa magkasunod


na taludtod, mayroon pang ilang sadyang gamit ito sa palabaybayang Filipino, tulad
ng mga sumusunod:
a. Kapag ang salita ay inuulit. Halimbawa:
gabi-gabi paa-paano
matamis-tamis malayong-malayo
dala-dalawa babaeng-babae
Tandaan din na ang mga salitang alaala, paruparo, gunamgunam ay hindi
ginigitlingan sapagkat an gala, paru at gunam ay hindi mga salita o morpema.

b. Kapag ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang-ugat na nilalapian


ay nagsisimula sa patinig. Halimbawa:
mag-alis may-ari pang-isahan
mag-aaral pag-asa kamag-anak
Kung minsan naman, ang paggamit ng gitling sa ganitong pagkakataon ay
nagiging opsyonal o di sapilitan, kung ang salita ay hindi naman nag-iiba ng
kahulugan, gitlingan man o hindi. Halimbawa:
Pag-ibig o pagibig basag-ulo o basagulo
c. Kapag may katagang nawawala sa pagitan ng dalawang salitang pinagsasama.
Halimbawa:
bahay na kubo = bahay-kubo
bulaklak sa parang = bulalak-parang
ningas ng kugon = ningas-kugon
d. Kapag ang isang panlapi ay inilalapi sa unahan ng isang ngalang pantangi.
Halimbawa:
maka-Quezon taga-Nueva Ecija
pang-Mahal na Araw mag-Aba Ginoong Maria
e. Kapag ang panlaping ma- ay iniuuna sa mga pang-uri, lalo na sa mga
nagsisimula sa m at nagbibigay ng kahulugang maging. Halimbawa:
ma-mayaman ma-mahirap
ma-malaki ma-maliit
f. Kapag ang panlaping ika- ay iniuunlapi sa mga tambilang. Halimbawa:
ika-10 mag-iika-5
Ngunit hindi na ginagamit ang gitling kapag isinatitik ang bilang:
ikasampu mag-iikalima
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Buenavista, Guimaras

g. Kapag isinusulat ng patitik ang yunit ng praksyon. Halimbawa:


isang-katlo (1/3) tatlong-kapat (3/4)
tatlo at dalawang-kalima (3-2/5)
h. Kapag nananatili ang kahulugan ng dalawang salitang pinagtatambal
Halimbawa:
tawang-aso dalagang-bukid (babae)
barong-Intsik punong-kahoy
Kapag nawawala na ang likas na kahulugan ng dalawang salitang pinagtatambal
at nagkakaroon na ng ikatlong kahulugan, isinusulat na nang walanbg gitling ang
salita. Halimbawa:
hampaslupa kapitbahay
hanapbuhay dalagambukid (isda)

ANG KUDLIT
Ginagamit ang kudlit kung may nawawalang letra o mga letra sa dalawang
salitang pinag-uugnay. Halimbawa:

ako at ikaw = ako’t ikaw


iba at iba = iba’t iba
mayaman at mahirap = mayama’t mahirap
bayan at lungsod = baya’t lungsod

May mga salita, kung sabagay na sa katagalan ng panahon ay maituturing ng


“patay” sapagkat hindi na ginagamit nang hindi kakabit ang dinaglat na at. Ang mga
salitang ito ay hindi na dapat kudlitan. Halimbawa:
subalit (subali at)
datapwat (datapuwa at)
ngunit (nguni at)
sapagkat (sapagka at)

Noong araw ay buhay na buhay sa ating mga ninuno ang mga salitang subali,
datapwa, nguni, sapagka. Ngunit ngayon ay iilan-ilang matanda na lang ang
mariringgan ng mga ito.
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Buenavista, Guimaras

MGA SALITANG HIRAM SA INGLES

Kapag panghihiram ng mga salita sa mga dayuhang wika ang pinag-uusapan,


tanggapin natin na mas medaling manghiram sa Kastila kaysa Ingles sapagkat ang
palabaybayan ng Kastila ay konsistent din tulad ng sa Filipino. Ang ilang letra sa
Kastila na wala sa dating ABAKADA ay nagkakaroon ng halos palagiang katumbas,
gaya ng natalakay na sa dakong una. Ang ca, que, qui, co, cu sa Kastila, halimbawa,
ay regular na tinutumbasan sa mga karaniwang salita sa Filipino ng ka, ke, ki, ko, ku.
Halimbawa:
caso - kaso
queso - keso
esquinita - eskinita
circo - sirko
curva - kurba

Sa Ingles ay hindi maari ang ganito sapagkat, gaya ng natalakay na hindi


konsistent ang palabaybayan nito.
Kaya nga’t walang suliranin kapag ang hinihiram na salita ay buhat sa Kastila
sapagkat kapwa konsistent ang palabaybayan ng Filipino at ng Kastila. Subalit
nagkakaroon ng suliranin kapag ang hinihiram ng mga salita ay buhat sa Ingles na
karamihan ay di-konsistent ang baybay. Ang mga alituntuning ginagamit sa pag-
asimila sa mga salitang Kastila ay hindi magagamit sa pag-asimila ng mga salitang
hiram sa Ingles dahil nga sa pagiging di-konsistent ng palabaybayang Inges.

Tatlong Paraan ng Panghihiram

Paraan 1 – Pagkuha sa katumbas sa Kastila ng hinihiram na salitang


Ingles at pagbaybay ditto nang ayon sa palabaybayang Filipino. Ito ang
pinakakaraniwang paraan ng panghihiram ng mga salita sa Ingles na sinusunod sa
ngayon.

Halimbawa:
Kung ibig hiramin ang salitang Ingles na electricity;
Kunin ang katumbas nito sa Kastila - electricidad;
Pagkatapos ay baybayin ito nang ayon sa palabaybayang Filipino - elektrisidad .
Iba pang halimbawa:
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Buenavista, Guimaras

Ingles Kastila Filipino


population populacion populasyon
liquid liquido likido
ceremony ceremonia seremonya

Paraan 2 – Paghiram sa salitang Ingles at pagbaybay dito nang ayon sa


palabaybayang Filipino. Karaniwang isinasagawa ang paraang ito kung –
1. hindi maari ang Paraan 1
2. walang katutubong salita na maaaring magamit bilang salin o katumbas
ng salitang Ingles. Tingnan ang sumusunod na halimbawa.
Ingles Halimbawa
Christmas Tree Krismas Tri
Pansinin na mayroon tayong Pasko bilang panunumbas sa Christmas
ngunit wala sa Christmas Tree.
Tricycle traysikel
Ang katumbas ng bicycle ay bisikleta na ang ginamit ay Paraan 1 subalit
ang tricycle ay hindi *trisikleta.
Nangangahulugang ang mga makahulugang yunit sa Ingles na bi- at tri-
ay ginagamit natin bilang bahagi lamang ng mga salitang ating hinihiram. Ipinakikita
rin sa halimbawa sa itaas ang impluwensiya ng dalawang panahon – ng Kastila at ng
Ingles: ang bisikleta ay impluwensyang Kastila, ang traysikel ay impluwensyang
Ingles.
Paraan 3 – Paghiram sa salitang Ingles nang walang pagbabago sa
baybay. Ginagamit lamang ang paraang ito kapag hindi praktikal na gamitin ang
paraan 1 at 2. Pansinin pa rin na dito lamang sa paraang ito nagagamit ang mga
letrang wala sa 20 letra ng ABAKADA. Narito ang ilang halimbawa: Manila Zoo,
chess, golf, Coke, visa, Quezon City, Juan de la Cruz, Villa Claridad, atbp.
Kung gagamitin ang letrang c, f, j, ñ, q, v, x, z, ch, ll, rr sa mga
karaniwang salita, ang palabaybayang Filipino ay magugulo sapagkat maraming mga
salita ang magkakaroon ng iba’t ibang baybay. Ang coffee, gaya ng nabanggit na sa
una, ay tinutumbasan natin sa Filipino ng kape. Subalit kung hindi magkakaroon ng
control sa paggamit ng c at f, maaaring tanggapin ang sumusunod na baybay: cape,
kape, café, kape. Maaari pa ring idagdg ditto ang sumsunod na mga anyo: kopi, kofi,
copi, cofi.
Samakatwid, sapagkat ang palabaybayang Filipino ay konsistent, hangga’t
maaari ay dapat manatili ang isa-sa-isang pagtutumbasan ng ponema o
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Buenavista, Guimaras

makahulugang tunog at ng letra o titik. Ang mga simbolong c, f, j, q, v,x, z gayundin


ang mga digrapong ch, ll, rr at ang may kilay na ñ ay hindi dapat mapasama sa
pagbaybay ng mga karaniwang salita sapagkat sa ngayon ay hindi pa
nagrerepresinta ang alinman sa mga ito ng makabuluhang tunog sa Filipino.

IV. Paglapat (Apply):

SUBUKAN MO
A. Pantigin ang mga sumusunod:
1. kailangan 11. kababaihan
2. naglalanguyan 12. radio
3. magtutulungan 13. makinilya
4. patutunguhan 14. transkripsyon
5. iuuwi 15. kwentuhan
6. pinanalanginan 16. salungguhitan
7. pinanggagalingan 17. nakatunganga
8. oo 18. demokrasya
9. hudyat 19. ortograpiya
10. kabyak 20. sustansiya

B. Sabihin kung ang pormasyon ng pantig sa mga titik na pahilig


ay P, KP, PK, KPK, KKP, PKK, KKPK, KPKK, KKPKK.

1. kaibigan 6. bunganga
2. sulat 7. kontrata
3. Poon 8. aray
4. istandard 9. tsart
5. prinsesa 10. bloawt

C. Lagyan ng ekis (x) ang tapat ng salitang maaaring hindi


gitlingan. Kung kailangang gitlingan ay ipaliwanag kung bakit.

____1. pag-asa
____2. tag-araw
____3. mag-usap
____4. panag-ulan
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Buenavista, Guimaras

____5. kasing-ganda
____6. tatlong-kapat
____7. pang-alis
____8. basag-ulo
____9. mag-impok
____10. ingat-yaman

D. Lagyan ng ekis (x) ang tapat ng salitang maaaring hindi


kudlitan.

____1. sapagka’t ____6. nguni’t


____2. buto’t balat ____7. kayo’y maghanda
____3. dalaga’t binate ____8. subali’t
____4. datapwa’t ____9. Basta’t ikaw
____5. kahi’t ____10. nawa’y palarin ka.

E. Isulat sa katapat na linya kung papaano mo hihiramin o


tutumbasan ang mga salitang Ingles na sumusunod.

1. solid ____________________________________
2. arithmetic ____________________________________
3. delicate ____________________________________
4. plantation ____________________________________
5. lemonade ____________________________________
6. cemetery ____________________________________
7. Colgate ____________________________________
8. mimeograph ____________________________________
9. straggler ____________________________________
10. fraternity ____________________________________

V. Pagbigay Halaga (Assess):

PALAWAKIN NATIN
A. Ipaliwanag ang ibig sabihin ng mga sumusunod at magbigay
ng halimbawa:

1. konsistent na palabaybayan
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Buenavista, Guimaras

2. di – konsistent na palabaybayan
3. Dating ABAKADA
4. Bagong Alpabeto
5. pantig

B. Kung ikaw ang masusunod, ilang titik sa palagay mo ang


dapat bumuo sa alpabetong Filipino? Ano-ano iyon at bakit?

C. Sang-ayon ka ba na ang mga titik ng alpabetong Filipino ay


tawagin nang tulad ng sa Ingles? Pangatwiran ang iyong sagot.

VI. Talasanggunian (References):

MAKABAGONG BALARILANG FILIPINO ni Alfonso O. Santiago, Norma G. Tiangco


(1991)

MODYUL V
(PALABIGKASAN AT PALATULDIKAN)
I. Layunin

Inaasahang Pagkatuto
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Buenavista, Guimaras

Sa pagtatapos ng aralin na ito, ikaw ay inaasahang:


A. Nagagamit ang palatuldikan sa pagggawa ng pangungusap.
B. Nakabibigkas ng wasto ang mga salita ayon sa tuldik na
nagagamit

Gaya ng natalakay na sa unang dalawang kabanata, ang palabaybayang


Filipino ay itinuturing na konsistent sapagkat halos may isa-sa-isang
pagtutumbasan ang ponema at ang letra. Sa ibang salita, isang letra lamang ang
kumakatawan o nagrerepresinta sa alinmang ponema o makabuluhang tunog sa
Filipino, maliban sa ponemang glottal na pasara o impit na tunog. Ito ang
dahilan kung bakit sinasabi nating konsistent ang palabaybayang Filipino. Sa
Matandang Balarila ay ganito ang sabi tungkol dito: “Kung ano ang baybay ay
siyang bigkas at kung ano ang bigkas ay siyang sulat.”

Madaling matutong bumasa sa Filipino sapagkat konsistent ang


palabaybayan nito. Hindi ito katulad ng Ingles na kalimitan ay may mga letrang
hindi binibigkas o kung binibigkas man ay malimit nagkakaiba-iba sa bigkas.

Subalit may mga salita naman sa Filipino na iisa ang baybay ngunit may
dalawa, tatlo o apat na kahulugan. Ang suliraning ito ay nalulunasan sa
pamamagitan ng paggamit ng tuldik. Dahil sa tuldik ay nabibigkas nang maayos
ang isang salita at natitiyak ng bumabasa ang kahulugan nito. Hindi natin
malalaman ang tiyak na kahulugan ng salitang baga, halimbawa, kung hindi ito
tutuldikan, lalo na kung ito’y hindi bahagi ng pangungusap ngunit kung ito’y
tutuldikan, kahit hindi gamitin sa pangungusap ay malalaman natin ang wastong
bigkas at kahulugan, gaya ng makikita sa ibaba

bagà lung(s) (malumi)


bagâ tumor (maragsa)
baga live ember (malumay)
bagá ibang anyo ng katagang ba (mabilis)

Bagamat hindi na kailangang tuldikang lahat ang salita sa isang


pangungusap, may mga pagkakataon na ang isang salita ay kailangan pa ring
tuldikan kung hindi nagiging malinaw ang kahulugan nito. Sa pangungusap na,
Nasalubong nina Susan ang mama. Hindi na kailangang tuldikan pa ang mga
salitang nasalubong, nina, Susan. Ang ang ay sadyang hindi tinutuldikan ngunit
ang mama ay kailangang tuldikan upang matiyak kung ang ibig sabihin ng
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Buenavista, Guimaras

sumulat ay mamá (mother) o mama (male matured person). Samakatwid, upang


makapagtipid at upang hindi maging lubhang mahirapan ang mga palimbagan
dahil sa dami ng kakailanganing tipo ng mga patinig na may tuldik, ang isang
salita ay tutuldikan lamang kung magkakaroon ito ng higit sa isang kahulugan sa
pangungusap. Kung nag-iisa ang salita, tulad sa diksyunaryo, ang pagtutuldik ay
kailangang-kailangan, maliban kung bawat salita ay may kasunod na
transkripsyong ponemiko.

Ang isa pang dahilan kung bakit hindi praktikal na tuldikang lahat ang
mga salita sa isang pangungusap ay ito: Ang glottal na pasara na inirerepresenta
ng tuldik na paiwa sa posisyong pinal ng salita ay isang ponemang masasabing
hindi matatag na tulad ng ibang ponema sa Filipino. Dito natin makikita na
maganda ang ginawa ni Lope K. Santos na isama sa palatuldikan ang ponemang
ito sa halip na bigyan ng kaukulang letra sa palabaybayan. Tingnan natin kung
ano ang mangyayari sa ponemang ito sa sandaling ang salitang kinatatagpuan
nito ay maging bahagi ng pangungusap, tulad ng sumusunod na halimbawa:

Opò, hindî ngâ pô naligò si Gemò.

Kung babasahin nang malakas at natural ang pangungusap ay


mapapansin na ang glottal na pasara sa mga salitang hindî, ngâ, pô, at naligò ay
nawawala at napapalitan ng haba. Sa ibang salita, ang glottal na pasara ay
nawala at napalitan sa pamamagitan ng pagpapahaba sa bigkas ng patinig na
sinusundan nito. Ngunit pansinin na ang impit na tunog na ito ay nananatili sa
mga salitang opò at Gemò. Ang dahilan ay sapagkat may antala o sandaling
pagtigil pagkatapos bigkasin ang opo at Gemo.

II. Panimulang Gawain (Activate)

SUBUKAN MO
Bilugan ang letra ng salitang sa palagay mo ay siyang may tamang tuldik
ayon sa isinasaad sa bilang. May sagot na ang unang

1. newspaper or reading material


a. babasahín b. bábasahin c. babásahín
2. will go fishing
a. mangíngisdâ b. mángingisdâ c. mangíngisda
3. tell somebody to run
a. pátakbuhin b. patakbuhín c. patákbuhin
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Buenavista, Guimaras

4. student
a. mag-áaral b. mag-aarál c. máag-aaral
5. doctor
a. manggágamót b. manggagamot c. mánggagamót
6. farmer
a. magsasaká b. magsásaka c. magsásaká
7. dressmaker
a. manánahî b. mánanahî c. mánanahì
8. alive
a. buhay b. buháy c. búhay
9. suitor, lover
a. manliligaw b. manlíligaw c. manliligáw
10. citizen
a. mámamayán b. mamámayan c. mamamayan

III. Pagtamo (Acquire)


Basahin at unawain nang mabuti

MGA URI NG DIIN AT TULDIK


May apat na prinsipal na pangkat ng salita sa Filipino ayon sa diin. Ang
pangalang ibinigay sa Matandang Balarila sa bawat pangkat ay magandang
modelo o halimbawa sa pagbigkas ng mga salitang kasama sa bawat pangkat –
malumay, malumì, mabilís, at maragsâ.

1. Mga Salitang Malumay

Binibigkas ito nang may diin sa pantig na penultima o ikalawang pantig


mula sa huli. Dahil sa ang karamihan ng mga salitang likas na katutubo ay
malumay, ang mga salitang ay hindi na tinutuldikan. Ang mga salitang malumay
ay maaaring magtapos sa patinig o katinig, tulad ng mga halimbawa sa ibaba:

dalaga sampalataya
babae nanay
sarili silangan
tao kilabot
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Buenavista, Guimaras

matahimik kapisana

2. Mga Salitang Malumi

Tulad ng malumay, binibigkas ito nang may diin sa pantig na penultima.


Sa katotohanan, ang mga salitang malumi ay malumay rin. Ang ipinagkakaiba
lamang ay laging nagtatapos sa glottal na pasara o impit na tunog ang salitang
malumi. Pansinin na kung ang glottal na pasara ay itinuturing na isang
ponemang katinig gaya ng nasaad sa pahina 4, masasabing walang pagkakaiba
ang mga salitang malumay at mga salitang malumi. Nagkakaiba nga lamang ang
mga ito sa pagbaybay sapagkat ang glottal na pasara ay walang katumbas na
letra na tulad ng ibang ponema. Dahil ditto, sinasabi natin na ang mga salitang
malumi ay laging nagtatapos sa patinig bagamat sa katotohanan ay sa glottal na
pasara na isa ring katinig. Ang glottal na pasara sa mga salitang malumi ay
inirerepresenta ng tuldik na paiwa ( ʽ ) na itinatapat sa huling patinig. Mga
halimbawa ng salitang malumi:

batà dalamhatì

talumpatì kulasisì

dambuhalà labì

3. Mga Salitang Mabilis

Binibigkas ito nang tuloy-tuloy na ang diin ay nasa huling pantig. Tulad ng
îîmga salitang malumay, ang mga salitang mabilis ay maaaring magtapos sa
patinig o katinig. Ang mga salitang mabilis ay ginagamitan ng tuldik na pahilis
( ʼ ) na itinatapat sa huling patinig. Mga halimbawa ng salitang mabilis:

takbó bulaklák isá

katawán malakí luningníng

4. Mga Salitang Maragsa


Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Buenavista, Guimaras

Tulad ng mabilis, binibigkas ang mga ito nang tuloy-tuloy na ang diin ay
nasa huling pantig. Ngunit tulad ng mga salitang malumi, ang mga salitang
maragsa ay laging nagtatapos sa patinig at katulad ng sinabi nating
pagkakatulad ng mga salitang malumay at malumi, ang mga salitang maragsa ay
laging nagtatapos sa glottal na pasara samantala ang mga salitang mabilis ay
hindi. Ang tuldik na ginagamit sa mga salitang maragsa ay pakupya ( ˆ ) na
itinatapat sa huling patinig ng salita. Mga halimbawa ng salitang maragsa:

kaliwâ salitâ dukhâ butikî

pô panibughô sampû tatlumpû

5. Diing Mariin

May mga salitang Filipino na bukod sa pagkakaroon ng alinman sa apat na


prinsipal na diin ay mayroon pang pangalawang uri ng diin na tinatawag na diing
mariin. Karamihan sa mga salitang may diing mariin ay may mga pandiwang
nasa panahunang pangkasalukuyan at panghinaharap.

Halimbawa:

lumálakí tátakbó kumákain kákain

bumábalík bábalík

Sapagkat ang apat na prinsipal na diin ay matatagpuan sa pantig


na penultima o sa huling pantig, ang mga diing mariin ay laging nasa
ikatlo, ikapat, o ikalimang pantig buhat sa hulihan. Ang apat na uri ng
diing mariin ay ang mga sumusunod:

1. Mariing Malumay – sásama, ipinakikipagpágandahan, palátuntunan,áapat,


álinlangan.

2. Mariing Malumi – nagdádalamhatì, lúluhà, nangángasiwà,


nagpápakadalubhasà

3. Mariing Mabilis – páaralán, íisá, magpápakamatáy, áalís

4. Mariing Maragsa – sásampû, nagsásalitâ, ináandukhâ, dumáragsâ

IV. Paglapat (Apply):


Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Buenavista, Guimaras

SUBUKAN MO
A. Basahin ang sumusunod na mga pangungusap. Pagkatapos ay
sabihin kung ang mga salitang italisado ay (a) malumay, (b) malumi,
(c) mabilis o (d) maragsa. Titik lamang ang isulat sa patlang. Gawing
basehan ang unang bilang.

a, d 1. Maraming pagbabagong nagaganap sa ating bansa.

_______2. Nabawasan na ang mga masasama.

_______3. Bihira na rin ang mga kabataang naglalasing sa mga kanto.

_______4. Ang mga nasa pamahalaan ay naging matapat na rin sa kanilang


tungkulin.

_______5. Bumabalik na rin ang pagiging masunurin at pagiging magalang ng


mga kabataan.

_______6. Sa halip na makipagbarkada, ang mga kabataan ngayon ay


tumutulong sa mga gawaing sibiko at mga proyekto ng kanilang
barangay.

______7. Tumutulong sila sa paglilinis at pagpapaganda ng kanilang pamayanan.

______8. Nagtatanim sila ng mga halaman.

______9. Nag-aalaga sila ng mga hayop, tulad ng baboy, manok, kambing, bibi
atbp.

______10. Tumutulong din sila sa kanilang mga magulang sa mga gawain sa


bahay.

V. Pagbigay Halaga (Assess):

PALAWAKIN NATIN
Gumawa ng isang sanaysay patungkol sa sitwasyon ng ating
bansa ngayon kaugnay sa kinakaharap nitong problema sa COVID-19.
Palooban ito ng mga salitang mayroong tuldik at lagyan ng
palatandaan o legend ang bawat uri ng tuldik. Tandaan na hindi
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Buenavista, Guimaras

bababa sa limang ang bawat prinsipal na pangkat ng salita ayon sa


diin.
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Buenavista, Guimaras

VI. Talasanggunian (References):

MAKABAGONG BALARILANG FILIPINO ni Alfonso O. Santiago, Norma G. Tiangco


(1991)

You might also like