Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

MEDALYA MILAGROSA CATHOLIC SCHOOL INC.

Subic Ibaba, Agoncillo, Batangas

Edukasyon sa Pagpapahalaga 10 – MODYUL


2nd Quarter

WEEK 1 - 2
Name : _________________________________________________________ Date : ___________
Grade / Section : _________________________________________________

Basahin at Intindihin
Gawain 1
Lagyan ng tsek ang mga kilos na sa iyong palagay ay makatao; ekis ang mga kilos na sa
iyong palagay ay hindi makatao.

1. Dumating na ang mga bisita ni Ana at masaya niyang ipinakilala sila sa kaniyang mga
magulang, maliban kay Luisa, ang anak ng kanilang guwardiya sa paaralan.
2. Pinagalitan si Julie ng kaniyang tiya sa harap ng kaniyang mga kaibigan noong ihatid
nila sa bahay.
3. Maakas ang pagbi-videoke at pagkakatuwaan nina Miko kahit hatinggabi na at
natutulog na ang mga kapitbahay.
4. Tumatakbong sinalubong ni Merriam ang kanilang kaibigang si Arlene tuloy kwento ng
mga ginawa niya noong bakasyon. Tuloy-tuloy si Merriam ng salita at hindi pinapansin ang mga
kasasbay ni Arlene.
5. Dumalaw ang lahat ng kapatid ni Alfre sa ospital nang mabalitaan nila ang kaniyang
mabigat na sakit. Bawat isa’y nagpahayag ng pagkalinga at pagmamahal.
6. Mahusay umawit si Rolly, ngunit nang minsan na wala siyang ganang umawit, pinilit
siyamg umawit ng kaniyang mga kaeskwela kahit nagsabi na siyang hindi puwede.
7. Kahit walang bitbit na pasalubong, dumaan si Oliver sa bahay ng kaniyang Ninang
upang batiin sa kaniyang kaarawan.
8. Natutuhan ng alagang aso ni Jimmy na dumumi at umihi sa may gate ng kanilang
kapitbahay. Lihim na natutuwa si Jimmy dahil wala siyang lilinisin.

Gawain 2
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang nagbunsod kay Thelma na sumali sa Compeer Program?

2. Natupad ba ni Thelma ang diwa ng pagka-compeer?

3. Ano kaya ang maaaring dahilan ng kalungkutang nadama ni Thelma nang sabihing
ayaw na ni Ester na ituloy pa ang pagiging compeer nila matapos ang isang taon?
Prepared by:
PACIANO C. ADARLO
Subject Teacher Approved:
MARILOU S. CABRERA
Principal

You might also like