Professional Documents
Culture Documents
Ekplenasyon Matampuhin
Ekplenasyon Matampuhin
Ekplenasyon Matampuhin
BUOD
Unang Saknong
- Ang kahulugan nang unang saknong ay ipinaliwanag kung paano mabuhay ang
halamang makahiya. Sinasabi dito na sa kaunting galaw o sagi natin sa damong
makahiya ay titiklop na agad ang dahon nya, na parang isang taong matampuhin at
sensitibo pag nasabihan natin sila ng kahit maliit na bagay ay agad-agad silang
magtatampo.
Ikalawang saknong
Ang pangalawang saknong ay inihahalintulad natin sa isang taong may sensitibong
ugali, na kung saan ay kung may tumawag sa kanilang pansin ay agad-agad silang
tumatalikod sa dilim dahil sa pagkamahiyain nila katulad ng halamang makahiya na
pagnasasagi lang natin ay mabilis yung pagtiklop ng mga dahon nya.
Ikatlong saknong :
Ang ikatlong saknong ay tungkol sa pangkalahatan ng mga mahiyain, na kahit isang
banayad na hawak ay siya’y lubhang naglalabis sa kanyang pagtugon. Na kahit isang
galaw ay siya’y sobrang nabibigla
Ikaapat na saknong :
Ang ikaapat na saknong ay tungkol sa lakas na loob ng isang tao na nagbibigay ng
malakas na pagpahalaga sa kaniyang sarili, ngunit sa tuwing mayroong nagbibigay ng
nakakatulong na pagpuna ay siya’y mabilis na madismaya.
Ikalimang saknong :
Ang ikalimang saknong ay tungkol sa batik sa ibon na sumisimbolo ng mga walang
katiyakan at mga bahid ng mahiyain at maalab na tao, at dahil dito ay nagtago siya sa
kanyang kaginhawang lugar at sinubukan niyang lumabas muli pero siya ay naging
hindi magiliw sa kapwa.
Ikaanim na saknong:
Ang ikaanim na saknong ay naglalahad na ang kariktan ng buhay ay hindi makikita ng
mga pusong matampuhin, dahil ang kapayapaan ay hindi tumatagal sa mga taong
laging negatibo ang nasa isip. Lalo na sa pag-ibig, ang pagiging masalimuot at
mahiyain ay hindi patatagalan ang pag-ibig na ito. Kaya itigil ang pagtatampo at
iwanan ang lahat ng balisa na damdamin, kasi hindi ito pakipakinabang.
TAYUTAY
Pagtutulad( ginagamit sa paraang pahambing na magkatulad sa pagkukumpara ng katangian o anyo
ng tao at ginagamitan ng ‘parang, tulad, kaparis, kawangis, tila, etc..)
: - inihambing ang “nagdaramdam” gamit ang salitang “tila” sa “nasugatan”
Pagbibigay katahuan( ang talino, kaisipan ng tao ay sinasalin sa karaniwang bagay.)
: ang salitang “halik” ay katangian ng tao na inilipat sa salitang “amihan”, imbis na
hangin ng amiha’y mabigla sa dampi, gumamit ng katangian ng tao ang may akda na
“halik”. alam naman natin na walang kakayahang humalik ang amihan o hangin
Pagpapalit-tawag (simbolikal na katawagan o mga konsepto o kaisipang binibigyan ng diin ay
pansamantalang pnapalitan. ): ginamit ang salitang “langit” na ang ipinapahiwatig ay
TEORYA
Arkitaypal - dahil ang tulang "Ang Matampuhin" ay nagpapakita ng mga simbolismo
na maihahalintulad sa iba’t-ibang uri ng mga taong matampuhin kung saan gumamit
ang may akda ng mga simbolo, may limang uri ng simbolismo sa tula at ito ay
nakapaloob sa damong makahiya, buwan, batis, sutlang/tela at kalapati.
Bisa sa isip
- Matapos ko basahin ang tulang “Ang matampuhin” naintindihan ko kung
bakit may mga taong madaling mairita, madaling hindi maging komportable, kahit sa
maliit lamang na bagay ay nagtatampo na. Nalinawan rin ang aking isip na ang
pagkakaroon ng ganitong pag-uugali ay hindi madali at maraming mga oportunidad
na nasasayang dahil lamang sa pagiging sensitibo o pagka matampuhin ng isang tao.
Bisa sa damdamin
- Naramdaman ko ang emosyon ng may akda kung paano nya ilahad ang pag-
uugali ng isang taong matampuhin at sensitibo, naramdaman ko yung lungkot at
paghihinayang na maaring masayang nang isang taong may ugaling ganito.
Pag-hihinayang, lungkot at motibasyon ang aking naramdaman nang aking nabasa at
naunawaan ang tulang “Ang Matampuhin” dahil sa ibang sitwasyon ay lumalabas ang
aking ugaling mahiyain at doon marami rin akong mga oportunidad na nasayang,
nakaramdam ako ng motibasyon dahil ipinaparating nang tulang ito na dapat huwag
tayong manatiling mahiyain at sensitibo habang buhay dahil wala tayong
makakamtam sa buhay kapag mananatili nating bitbit ang ganitong pag-uugali. Dapat
rin tayong matutong huwag pairalin ang gantong ugali at ilugar natin ang ganitong
ugali. Kaya nating labanan at mabago ang ugaling ganito na nakakaapekto sa ating
kinabukasan. At sa huli, nakaramdam ako nang saya dahil mas nabuksan ang aking
isip at natutunan kong huwag hayaan ang ating ugali ang makasira sa tagumpay na
gusto nating makamit sa buhay.
Bisa sa lipunan
-Naibabatid ng tulang ito sa lipunan na mabuksan ang mga kaisipan ng mga taong may
ganitong pag-uugali na kaya nilang mabago at baguhin pa ang kanilang ugali para sa kanilang
kinabukasan at para sakanilang sarili. Mahalagang matutunan at maunawaan ng isang tao
ang mga bagay-bagay tungkol sa kanyang sarili at kung paano ito nakakaapekto sa lipunan
na kanyang ginagalawan. Ang pagkakaroon nang kaalaman sa kanyang paligid at sarili ay
nakakatulong hindi lamang sa kanyang sariling pag unlad ngunit nakakatulong rin ito sa ibang
tao.
Bisa sa kaasalan