Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ika-29 ng Agosto, 2023

Minamahal naming mga magulang,

Pagbati mula sa Pamunuan ng SPPECC!

Bilang pakikiisa sa taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wika na may temang “Filipino at


mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Inklusibong Pagpapatupad ng
Katarungang Panlipunan,” tayo ay magkakaroon ng simpleng selebrasyon na gaganapin sa ika-
31 ng Agosto, 2023, Huwebes, sa ganap na ika-8:00 ng umaga hanggang ika-3:00 ng hapon.
Kaugnay nito, magkakaroon ng patimpalak sa Paggawa ng Poster, Islogan, at Pagsulat ng
Sanaysay at paligsahan sa mga Laro ng Lahi.

Sa umuga ay magkakaroon po ng tayo ng Pista sa Nayon na kung saan ay magkakaroon


ng kaunting salu-salo ang mga mag-aaral. Ang bawat baitang ay naatasang magdala ng mga
sumusunod:
NURSERY 1: Pasta (pansit, bihon, sotanghon o palabok)
NURSERY 2: Mga Inihaw (isda, manok o baboy)
KINDER: Inumin (buko juice)
UNANG BAITANG: Dinuguan
IKALAWA BAITANG: Puto at Kakanin
IKATLO AT IKA-LIMANG BAITANG: Adobo (manok o baboy)
IKA-ANIM NA BAITANG: Kanin at Prutas
Bilang karagdagan, ang bawat mag-aaral ay kailangang nakasuot ng Baro’t Saya (babae)
o Camisa de Chino (lalaki) sa araw ng nasabing pagdiriwang.

Para po sa mga karagdagang katanungan, maaari po kayong makipag-ugnayan sa


tagapayo ng inyong mga anak.

Lubos kaming umaasa sa inyong pakikiisa. Maraming salamat po.

Lubos na gumagalang,

GLIZEL P. CLAVO
Filipino Coordinator

Nilagdaan ni:

ENGR. EMMANUEL L. LABANDA


CEO, SPPECC-Legazpi

You might also like