Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ligal na Pananaw ng Pagkamamamayan

Citizenship (Pagkamamamayan)

- ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado ay maaaring iugat sa
kasaysayan ng daigdig.

Tinatayang panahon ng kabihasnang Griyego nang umusbong ang konsepto ng citizen. Ang kabihasnang Griyego ay
binubuo ng mga lungsod-estado na tinatawag na polis.

*Polis - Ito ay isang lipunanna binubuong mga taongmay iisang pagkakakilanlan at iisang mithiin. Ang
polis ay binubuong mga citizen na limitado lamang sa kalalakihan.

Murray Clark Havens (1981),

- ang citizenship ay ugnayan ng isang indibiduwal at ng estado. Ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang
indibiduwal sa isang estado kung saan bilang isang citizen, siya ay ginawaran ng mga karapatan at tungkulin.

*Ang pagkamamamayan ay nangangahulugan ng pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa ayon sa itinatakda
ng batas.

SALIGANG BATAS 1987

- Ito ay ang pinakamataas na batas ng isang bansa at nakasulat dito ang mahahalagang batas na dapat sundin ng
bawat mamamayan.

Artikulo 4 Section 1 ng Saligang Batas 1987

Ang sumusunod ay mamamayan ng Pilipinas:

(1)yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng saligang-batas na ito;

(2) yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas;

(3) yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang
Pilipino pagsapit sa karampatang gulang; at

(4) yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.

Ayon din sa Seksiyon 4 ng Saligang Batas ng 1987, ang isang mamamayan ng Pilipinas na nakapag-asawa ng isang
dayuhan ay mananatiling isang Pilipino maliban na lamang kung pinili niyang sundin ang pagkamamamayan ng kaniyang
napangasawa.

Republic Act 9225

- Ang mga dating mamamayang Pilipino na naging mamamayan ng ibang bansa sa pamamagitan ng
naturalisasyon ay maaaring muling maging mamamayang Pilipino. Siya ay magkakaroon ng dalawangpagkamamamayan
(dual citizenship).

Mga Prinsipyo ng Pagkamamamayang Pilipino

Jus sanguinis - Naaayon sa dugo o pagkamamamayan ng mga magulang o isa man sa kanila.

Jus soli - Naaayon sa lugar ng kaniyang kapanganakan anuman ang Pagkamamamayan ng kaniyang mgamagulang

PAGKAWALA NG PAGKAMAMAMAYAN

Unang dahilan ay kung siya ay sasailalim sa proseso ng naturalisasyon sa ibang bansa

Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

1.) ang panunumpa ng katapatan sa Saligang-Batas ng ibang bansa;

2.) tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag may digmaan, at

3.) nawala na ang bisa ng naturalisasyon.

You might also like