Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

TEST REVIEW – FILIPINO 5

Unang Markahan

I. Basahing mabuti ang mga tanong at piliin at bilugan ang titik na tamang sagot.

1. Anong bahagi ng pananalita ang nagsasaad ng ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari?
a. pandiwa c. panghalip
b. pang-ukol d. pangngalan

2. Ano ang kahulugan ng pangngalang tahas?


a. Ang mga pangngalang ito ay tinatawag ding abstrakto.
b. Mga pangkaraniwang pangngalan na nakikita at nahahawakan.
c. Mga pangngalang tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari.
d. Mga pangngalang tumutukoy sa di tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari.

3. Ano ang kahulugan ng pangngalang basal?


a. Ang mga pangngalang ito ay tinatawag ding abstrakto.
b. Mga pangkaraniwang pangngalan na nakikita at nahahawakan.
c. Mga pangngalang tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari.
d. Mga pangngalang tumutukoy sa di tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari.

4. Alin ang pangngalang pambalana ng Japan?


a. bansa c. lungsod
b. lalawigan d. barangay

5. Alin ang pangngalang pantangi ng mang-aawit?


a. Bruno Mars c. Piolo Pascual
b. Mike Enriquez d. Apolinario Mabini

6. Ang aking mga magulang ay mababait. Alin ang pangngalang pambalana sa pangungusap?
a. magulang c. mababait
b. ang d. aking

7. Ako ay nagbibisikleta sa __________ . Aling pangngalan ang bubuo sa diwa ng pangungusap?


a. St. Joseph Church c. Grand Mosque
b. Dubai Mall d. Delma Park

8. Mag-uuwi ako ng Durian kapag nakauwi ako sa Davao. Anong uri ng pangngalan ayon sa tungkulin ang salitang
nakasalungguhit?
a. basal c. lansakan
b. tahas d. wala sa nabanggit

9. Ang daming tao sa kalsada kaya trapik . Anong uri ng pangngalan ayon sa tungkulin ang salitang
nakasalungguhit?
a. basal c. lansakan
b. tahas d. wala sa nabanggit

10. Ang mga sumusunod na salita ay halimbawa ng basal maliban sa isa.


a. kalungkutan c. buwig
b. pag-ibig d. talino

Filipino 5 (1)
Para sa bilang 11-14: Tukuyin kung ano uri ng pangngalan ayon sa tungkulin ang mga salita sa bawat hanay. Piliin ang
sagot sa loob ng kahon. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

a. tahas c. lansakan
b. basal d. wala sa nabanggit

_____ 11. tagumpay, kaluluwa, gutom

_____ 12. klab, klase, komonidad

_____ 13. kaibigan, simbahan, dahon

_____ 14. kalayaan, Pakso, panalangin

15. Ang __________ ng basketball ay magsisimula na bukas. Anong pangngalan ang kukumpleto sa diwa ng
pangungusap?
a. mayorya c. liga
b. pamilya d.hukbo

16. Ang buong __________ ng ikalimang baitang ay sasayaw sa entablado. Anong pangngalan ang kukumpleto sa diwa
ng pangungusap?
a. klase c. bahay
b. pagod d. krimen

17. Tumitilaok na naman ang alaga kong tandang. Anong kasarian ng pangngalan ang salitang may salungguhit?
a. panlalaki c. di-tiyak
b. pambabae d. walang kasarian

18. Narito na ang basket na puno ng atis. Anong kasarian ng pangngalan ang salitang may
salungguhit?
a. panlalaki c. di-tiyak
b. pambabae d. walang kasarian

19. Alin sa mga sumusunod na pangngalan ang hindi pangngalang di tiyak?


a. kamag-anak c. kaibigan
b. kapitbahay d. hardinero

20. Alin sa mga sumusunod na salita ang hindi pangngalang pambabae?


a. reyna c. kawani
b. beybi d, inahin

21. Dalawahan: magkaklase Maramihan: magkakaklase. Anong pamamaraan ng paggamit ng kailanan ng pangngalan
ang magkaklase at magkakaklase?
a. paglalapi c. mga pananda
b. pang-uring panlarawan d. pang-uring pamilang

22. Isahan: mabait na bata Maramihan: mababait na bata. Anong pamamaraan sa paggamit ng kailanan ng
pangngalan ipinahahayag sa mga salitang mabait at mababait ?
a. paglalapi c, mga pananda
b. pang-uring panlarawan d. pang-uring pamilang

23. Ang ama ang haligi ng tahanan. Ano ang kailanan ng salitang nakasalungguhit?
a. isahan c. maramihan
b. dalawahan d. wala sa nabanggit

Filipino 5 (2)
24. Kaming magkakaklase ay nag-aaral mabuti. Ano ang kailanan ng salitang nakasalungguhit?
a. isahan c. maramihan
b. dalawahan d. wala sa nabanggit

25. Ang magkasintahan aynagpunta sa bahay nina Aling Maria. Ano ang kailanan ng salitang nakasalungguhit?
a. isahan c. maramihan
b. dalawahan d. wala sa nabanggit

Para sa bilang 26-28: Tukuyin ang kailanan ng pangngalang kukumpleto sa talahanayan.

26. __________, mag-ina,mag-iina


a. ina c. kaibigan
b. ama d. pinsan

27. pinsan, magpinsan, __________


a. makakaibigan c.magpipinsan
b. magkakapitbahay d. magkakamag-anak

28. mabait na lola, __________


a. lola c. mababait na lola
b. maraming lola d. maglolola

29. __________ ay naging abala noong nagdaang panahon. Anong salita ang kukumpleto sa diwa ng pangungusap?
a. Ang nars c. Ang piloto
b. Ang mga nars d. Ang mag piloto

30. Sina Benny at Martha ay mga pabayang magulang. Ang salitang may salungguhit ay siya ring tumutukoy din
salitang Benny at Martha. Anong gamit ng pangngalan ito?
a. simuno c. pantawag
b. pamuno d. kaganapang pansimuno

31. Ang larawan ay hinggil sa isang dakilang ina. Ano ang gamit ng pangngalang nakasalungguhit sa pangungusap?
a. pantawag c. simuno
b. layon ng pang-ukol d. layon ng pandiwa

32. Gwyneth, kumain ka na ba?. Ano ang gamit ng pangngalang nakasalungguhit sa pangungusap?
a. simuno c. pantawag
b. pamuno d. kaganapang pansimuno

33. Sina Carmela at Yvonne ay sasama sa aming paglalakbay. Ano ang gamit ng pangngalang nakasalungguhit sa
pangungusap?
a. simuno c. pantawag
b. layon ng pang-ukol d. kaganapang pansimuno

Filipino 5 (3)
Para sa bilang 34-36: Tukuyin ang bahagi ng liham na isinasaad sa bawat bilang, isulat sa patlang ang tamang sagot.

a. lagda c. bating pangwakas


b. bating panimula d. katawan ng liham

Nagmamahal,
34. __________

Mahal kong Elaine,


35. __________

Yveth
36. __________

Para sa bilang 37-40, basahin ang tula sa ibaba at sagutin ang mga katanungan tungkol dito. Isulat ang iyong
sagot sa nakalaang mga linya.

Filipino 5 (4)
36. Tungkol saan ang binasang tula?

_______________________________________________________________________________________________

37. Ano ang palaging ginagawa ng langgam?

_______________________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________

38. Ano-ano ang dala ng langgam?

_______________________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________

39. Paano dinadala ng langgam ang mga pagkaing hakot-hakot niya?

_______________________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________

40. Sa iyong palagay, bakit naghahakot ng maraming pagkain ang langgam?

_______________________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________

Filipino 5 (5)

You might also like