Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V (Bicol)
City Schools Division of Ligao
LIGAO COMMUNITY COLLEGE
Ligao City

BANGHAY ARALIN 1
Ni Mar John Geromo
BSED 3 FILIPINO

I. LAYUNIN
A. Kasanayan sa Nasusuri ang maikling kuwento batay sa paksa,mga tauhan,
Pagkatuto pagkakasunod-sunod ng pangyayari, estilo ng pagsulat ng
awtor at iba pa. (F9PS-la-b-41)
II. PAKSA
 Pagtalakay sa isang alamat (Ang alamat ng butiki).
III. MGA KAGAMITANG PANTURO
A. Sangunian https://buklat.blogspot.com/2017/10/ang-alamat-ng-butiki.html
B. Mga Kagamitan 1. Pantulong na biswal, Projector, Laptop, Malaking aklat ng
alamat ng butiki, Mga larawan ng butiki.
IV. PAMAMARAAN
A. Pagganyak Pagsusuri sa Larawan:

Gagamit ang guro ng teknolohiya upang


maipamalas ang kahusayan sa paggamit ng
nito. Gagamit ng mga sikat na pang-
edukasyon na website upang gawing puzzle
ang larawan na makatutulong sa pagganyak
na gawain.

Gabay na tanong:
1. Ano ang inyong nakikita sa larawan?
2. Para sa inyo, nakakatakot o maamo ba isang butiki?
3. Nais nyo bang malaman kung saan nagmula ang mga butiki
batay sa isang kuwentong alamat?

B. Paglalahad Pagbabasa ng maikling kuwento sa harap ng klase gamit ang


kagamitang panturo na malaking libro ng Alamat ng Butiki.
Magbibigay din ang guro ng link ng website ng kopya ng
alamat bilang kasanayan sa paggamit ng teknolohiya.

Ang alamat ay isang uri ng kuwentong bayan


at panitikan na nagsasalaysay ng pinamulan
ng mga bagay-bagay sa daigdig.

Paggamit ng speaker at projector upang ipakita ang maikling


video patungkol sa alamat ng butiki matapos basahin ng guro
ang alamat.

C. Pagtalakay ng Gawain Blg. 1 (Isahan) – Tanong ko Hugot mo!


Aralin (Gawain) Pagbibigay katanungan sa mga mag-aaral na sasagutin sa
pamamagitan ng hugot o pick-up lines.
Gabay na tanong:
Republic of the Philippines
Department of Education
Region V (Bicol)
City Schools Division of Ligao
LIGAO COMMUNITY COLLEGE
Ligao City

1.Napakinggan mo ba ng malinaw ang kuwento?


2.Patungkol sa ano ang kuwentong ating binasa?
3.Kung ikaw si Kiko pag lalaruan mo rin ba ang mga itlog
ng bayawak?

D. Paglalahat I-Arte Mo!


Pagbibigay ng pangkatang gawain. Ang mga mag-aarla ay
hahatiin sa tatlong grupo upang isadula ang napakinggang
alamat. Bibigyan lamang ng 15 minutong paghahanda at 5
minuto sa pagtatanghal.

Note: Sa pamamagitan nito ay mahahasa ang SOCIAL SKILLS


ng mga mag-aaral sa pakikipagsalamuha aat pakikipag
talastasan sa kapwa mag-aaral.

Pamantayan:
Kaangkupan sa paksa………….40%
Pagkamalikhain…………………30%
Kahusayan………………………20%
Kolaborasyon…………………...10%
Kabuuan………………………...100%
E. Paglalapat Kahalagahan ko, I-aplay mo!
Pagbibigay ng kahalagan ng paksang tinalakay at paglalapat
nito sa buhay sa pamamagitan ng pag-post sa Facebook gamit
ang pahayag na ito:

Matapos kong mabasa ang Alamat ng Butiki ay natutuhan ko


na____________________________________________,
kaya _____________________________________________
__________________________________________________.

Gabay na tanong:
1. Ano ang iyong napulot na aral matapos mong mapakinggan
ang kuwentong alamat.
2. Paano mo ito maia-aaplay sa reyalidad ng buhay?
G. Pagtataya Tanong ko, I-print mo!
Pagsagot sa katanungan na ibibigay ng guro sa pamamagitan
ng paghahanap ng mga larawan sa internet na sumasagot o
naglalarawan sa katanungan ng guro. Matapos makasaliksik
ng mga larawan ay maaaring bigyan ng kaunting caption o
pag-papaliwanag.

1. Ano ang hayop na tinalakay sa kuwento.


2. Anong katangian ang meron si Kiko?
3. Sino ang nag bigay ng kaparusahan kay Kiko?
4. Naging anong hayop si Kiko matapos parusahan ng mga
duwende dahil sa pag sira nito sa mga itlog ng bayawak?
5. Ano ang bagay na pinaglaruan ni Kiko.

Pagsulat ng Repleksyon
1. Bakit Hindi dapat tularan si Kiko?
2.Tama ba ang naging pasta ng duwende na parusahan si
Kiko?
3. Ano kaya ang naramdaman ng Ina ni Kiko matapos makita
na ito ay nag babalat-kayo?

V. TAKDANG-ARALIN
1. Gumawa ng isang sariling alamat, napatungkol sa pinag mulan ng mga bagay-bagay na
maaari ninyong makita sa loob ng inyong tahanan. Ang alamat na gagawin ay dapat na
Republic of the Philippines
Department of Education
Region V (Bicol)
City Schools Division of Ligao
LIGAO COMMUNITY COLLEGE
Ligao City

kapupulutan ng aral.

You might also like