Week 1 A.P 8

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

8

ARALING PANLIPUNAN
KUWARTER 1: LINGGO 1

CapSLET
Capsulized Self-Learning
Empowerment Toolkit

Schools Division Office of Zamboanga City


Region IX, Zamboanga Peninsula
Zamboanga City

“Unido, Junto avanza con el EduKalidad Cree, junto junto puede!”


1
AP-K1-L1-A1

CapSLET
Araling Panlipunan
Asignatura at APG
KUWARTER 1 LINGGO 1 ARAW
Baitang 8 PETSA
NILALAMAN Katangiang Pisikal ng Daigdig
KASANAYANG Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig.
PAMPAGKATUTO

PAALALA: Huwag sulatan ang kagamitang ito. Isulat ang inyong sagot sa inilaang sagutang
papel para sa pagsasanay at pagtatasa.

ALAMIN AT UNAWAIN
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa interaksiyon ng tao sa kanyang
kapaligiran na nagbigay- daan sap ag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan na nagkaloob
ng mga pamanang humubog sa pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon.

TUKLASIN: Suriin ang katangiang pisikal ng daigdig.

Katangiang Pisikal ng Daigdig

Mahalagang pagtuunan ng pansin sa ating pag-aaral ang katangiang pisikal ng daigdig


sapagkat nakakaapekto nito nang malaki sa kilos at gawain ng tao.

Ang heograpiya ay binubuo ng mga pisikal na katangian ng daigdig. Kalupaan, klima,


katubigan, buhay-hayop, halaman, lupa at mineral. Nakaiimpluwensya ang bawat isa sa isa’t
isa. Ang behetasyon, halimbawa, ay nakasalalay sa nagbabagong klima na dulot ng
nagbabagong temperatura at presipitasyon. Ang mga buhay-hayop ay nabubuhay sa
pamamagitan ng direktang pagkain ng halaman o hindi direktang paraan sa pamamagitan ng
pagkain ng mga hayop na hervivorous.

Dumedepende ang lupa sa interaksyon ng klima, behetasyon, mga buhay-hayop at mga


material tulad ng tipak ng malalaking bato.

Produkto din ng klima ang tubig, nagmula sa ibabang lebel ng tubig sa ilalim ng lupa,
mga karagatan at ibang lawa sa presipitasyon matagal nang panahon ang nakalipas. Sa isang
dako, ang mataas na lebel ng tubig sa lupa, mga lawa at ilog ay resulta ng presipitasyon sa
kasalukuyan o di kaya, sa panahon ng kalipas lamang.

Nabuo ang mga kalupaan at mga mineral sa pamamagitan ng mga puwersang tectonic
noong unang panahon. Nagbabago sa pamamagitan ng mga salik ng klima sa kasalukuyang
porma ng mineral at iba pang kalupaan.

MARIA BLESSILDA G. ATILANO, MT – I


Pasonanca National High School
2
AP-K1-L1-A1
Limang Tema ng Heograpiya

1. Lokasyon: Tumutukoy sa kinaroroonan ng mga lugar sa daigdig na may dalawang


pamamaraan sa pagtukoy. Lokasyong Absolute na gamit ang mga imahinasyong guhit
tulad ng latitude line at longitude line na bumubuo sa grid. Ang pagkukrus ng dalawang
guhit na ito ang tumutukoy sa eksaktong kinaroroonan ng isang lugar sa daigdig
Relatibong Lokasyon na ang batayan ay mga lugar at bagay na nasa paligid nito.
Halimbawa ang mga anyong lupa at tubig, at mga estrukturang gawa ng tao.

2. Lugar: Tumutukoy sa mga katangiang natatangi sa isang pook na may dalawang


pamamaraan sa pagtukoy. Katangian ng kinaroroonan tulad ng klima, anyong lupa at
tubig, at likas na yaman. Katangian ng mga taong naninirahan tulad ng wika, relihiyon,
densidad o dami ng tao, kultura, at mga sistemang politikal

3. Rehiyon: Bahagi ng daigdig na pinagbubuklod ng magkakatulad na katangiang pisikal o


kultural

4. Interaksiyon ng Tao at Kapaligiran: Ang kaugnayan ng tao sa pisikal na katangiang taglay


ng kaniyang kinaroroonang kapaligiran bilang pinagkukunan ng pangangailangan ng tao;
gayon din ang pakikiayon ng tao sa mga pagbabagong nagaganap sa kaniyang kapaligiran.

5. Paggalaw: ang paglipat ng tao mula sa kinagisnang lugar pa tungo sa ibang lugar; kabilang
din dito ang paglipat ng mga bagay at likas na pangyayari, tulad ng hangin at ulan may
tatlong uri ng distansiya ang isang lugar
1. (Linear) Gaano kalayo ang isang lugar?
2. (Time) Gaano katagal ang paglalakbay?
3. (Psychological) Paano tiningnan ang layo ng lugar?

MAGAGAWA MO…
Nakapagsusuri ng katangiang pisikal ng daigdig

Magsanay tayo………..!

Gawain 1:

Panuto: Gumuhit ng isang larawan tungkol sa katangiang pisikal ng daigdig.Pumili lamang


ng isa: Lokasyon, Lugar, Rehiyon, Interaksiyon ng Tao at Kapaligiran at Paggalaw at suriin
ito.

Magsanay pa…………!

Gawain 2:

Panuto: Suriin ang mga sumusunod na larawan tungkol sa katangiang pisikal ng daigdig

MARIA BLESSILDA G. ATILANO, MT – I


Pasonanca National High School
3
AP-K1-L1-A1
at ibigay ang ginagampanang papel nito ayon sa napili mong bansa

___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________

___________________________ _____________________________
___________________________ _____________________________
___________________________ _____________________________
___________________________ _____________________________

TANDAAN MO…
Pangunahing Puntos

Nakaiimpluwensya o may kaugnayan ang bawat katangiang pisikal ng daigdig sa isa’t


isa.
 Ang buhay-hayop ay nabubuhay sa pamamagitan ng direktang pagkain ng
halaman.
 Ang tubig ay produkto ng klima.
 Ang mataas na lebel ng tubig sa lupa, mga lawa at ilog ay resulta ng presipitasyon
sa kasalukuyan o di kaya, sa panahong kalilipas lamang.
 Ang kalupaan at mineral ay nabuo sa pamamagitan ng puwersang tectonic.

NATUTUHAN KO…
Tingnan natin kung ano ang natutuhan mo ngayon!

Panuto: Suriin at ipaliwanag ang sumusunod na sitwasyon tungkol sa katangiang pisikal


ng daigdig na may kinalaman sa tema ng heograpiya.

MARIA BLESSILDA G. ATILANO, MT – I


Pasonanca National High School
4

AP-K1-L1-A1
1. Palipat- lipat ng tirahan ang mga taong dumidepende lamang sa kanilang hanap-
buhay.

2. Magkaiba ang kultura, paniniwala at kaugalian ng tao sa Asya dahil sa rehiyon na


kinaroronan nito.
3. Nakararanas ang mga tao ng natural na kalamidad dahil isa ito katangiang pisikal ng
daigdig

 Kasaysayan ng Daigdig, Modyul ng Mag-aaral.( 15-16). Kasaysayan ng


Daigdig Para sa Ikatlong Taon. (7-8).
SANGGUNIAN
 Retrieved from https.//www.pinterest.com, https.//loveenglish.org/types-
of-plants. https.//sciencenode.org.

DISCLAIMER:

This learning resource contains copyright materials. The use of which has not been
specifically authorized by the copyright owner. We are making this learning resource in our efforts
to provide printed and e-copy learning resources available for the learners in reference to the
learning continuity plan for this division in this time of pandemic. This LR is produced and distributed
locally without profit and will be used for educational purposes only. No malicious infringement is
intended by the writer. Credits and respect to the original creator/owner of the materials found in
this learning resource.

MARIA BLESSILDA G. ATILANO, MT – I


Pasonanca National High School
5
AP-K1-L1-A1

Sagutang Papel para sa Pagsasanay at Pagtatasa


Pangalan:___________________________________________________________________
Baitang at Seksiyon:__________________________ Petsa:___________________________
Paaralan:___________________________________________________________________

MAGAGAWA MO…
Nakapagsusuri ng katangiang pisikal ng daigdig

Magsanay tayo………..!

Gawain 1:

Panuto: Gumuhit ng isang larawan tungkol sa katangiang pisikal ng daigdig.Pumili lamang


ng isa: Lokasyon, Lugar, Rehiyon, Interaksiyon ng Tao at Kapaligiran at Paggalaw at suriin
ito.

Rubrik para sa pagmamarka sa pagguhit:

Napakahusay 4pts. Mahusay 3pts. Nalilinang 2pts. Nagsisimula 1pt.


Komprehensibo at Naipakita ang Hindi gaanong Hindi naipakita ang
mahusay ang mahusay na pagsusuri naipakita ang mahusay mahusay na
pagsususri sa tungkol sa katangiang na pagsususri tungkol pagsususri tungkol sa
katangiang pisikal ng pisikal ng daigdig sa katangiang pisikal kataniang pisikal ng
daigdig ng daigdig daigdig.

MARIA BLESSILDA G. ATILANO, MT – I


Pasonanca National High School
6

Magsanay pa…………!

Gawain 2:
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na larawan tungkol sa katangiang pisikal ng daigdig at
ibigay ang ginagampanang papel nito ayon sa napili mong bansa

__________________________ ___________________________
__________________________ ___________________________
__________________________ ___________________________
__________________________ ___________________________

___________________________ _____________________________
___________________________ _____________________________
___________________________ _____________________________
___________________________ ______________________________

MARIA BLESSILDA G. ATILANO, MT – I


Pasonanca National High School
7

NATUTUHAN KO…
Tingnan natin kung ano ang natutuhan mo ngayon!

Panuto: Suriin at ipaliwanang ang sumusunod na sitwasyon tungkol sa katangiang pisikal


ng daigdig na may kinalaman sa tema ng heograpiya.

1. Palipat- lipat ng tirahan ang mga taong dumidepende lamang sa kanilang hanap-
buhay.

2. Magkaiba ang kultura, paniniwala at kaugalian ng tao sa Asya dahil sa rehiyon na


kinaroronan nito.

3. Nakararanas ang mga tao ng natural na kalamidad dahil isa ito katangiang pisikal ng
daigdig

MARIA BLESSILDA G. ATILANO, MT – I


Pasonanca National High School
8

Rubrik para sa pagmamarka sa pagguhit


Napakahusay 4pts. Mahusay 3pts. Nalilinanang 2pts. Nagsisimula 1pt.
Komprehensibo at Naipakita ang mahusay Hindi gaanong naipakita Hindi naipakita ang
mahusay ang na pagsusuri tungkol sa ang mahusay na mahusay na pagsususri
pagsususri sa katangiang pisikal ng pagsususri tungkol sa tungkol sa kataniang
katangiang pisikal ng daigdig katangiang pisikal ng pisikal ng daigdig.
daigdig daigdig

Susi sa Pagwawasto

MAGSANAY PA

1. Klima- dahil sa klima na dulot ng nagbabagong temperatura at presipitasyon na bumuo ng iba’t


ibang anyong lupa at tubig
2. Katubigan –pinagkukunan ng yamang tubig at rutang pangkalakalan.
3. Halaman- ang mga uri at dami ng halamang nabuo ng kagubatan at damuhan na nagsilbing
direktang pagkain ng mga hayop at tao.
4. Mineral- ang mga yamang mineral sa ilalim ng lupa na may malaking pakinabang sa
sangkatauhan na ,maaaring mgamit sa ( kalusugan, palamuti, desenyo sa bahay o gusali at
marami pang iba)

SUBUKAN MO

1. Palipat- lipat ng tirahan ang mga taong dumidepende lamang sa kanilang


hanap-buhay.
Ang mga tao ay nakatira sa lugar kung saan sila ay may pinagkukunan ng
pagkain,tulad ng mga magsasakang nasa bukid upang magtanim ng mga halamang
nakakain, mga mangingisda na may nakatira malapit sa dagat upang mapadali ang
panghuhuli ng isda, mga negosyante naman sa lugar na maraming tao upang mabigyan
nila ng serbisyo at produkto ang pangangailangan ng mga tao.
( Ang sagot ay depende kung gaano kalawak ang pang-unawa ng isang mag-aaral)

2. Magkaiba ang kultura, paniniwala at kaugalian ng tao sa Asya dahil sa rehiyon


na kinaroronan nito.
Ang mga tao ay nahahati sa mga rehiyon sa Asya. Sinsabing, ang tao ay may iba’t ibang
kultura base sa lugar kung saan siya lumaki. Ang paniniwala, kaugalian at kaisipan ay
magkaiba din. ( Ang sagot ay depende sa paano isususri ng mag-aaral ang katangiang
pisikal ng daigdig)

3. Nakararanas ang mga tao ng natural na kalamidad dahil isa ito katangiang pisikal ng
daigdig
Nakararanas tayong mga tao ng mga natural na kalamidad dahil, sa paggalaw ng lupa nating
daigdig. Kahit na likas ito mayroon ding partisipasyon ang mga tao, kagaya ng pagbaha, dahil sa
walang tigil na pagputol ng kahoy sa gubat, mga basurang nagkalat at ang pagdami ng tao sa
mundo. (Ang sagot ay depende kung gaano kalwak ang pagkaunawa ng isang mag-aaral)

MARIA BLESSILDA G. ATILANO, MT – I


Pasonanca National High School

You might also like