Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Arellano University

Andres Bonifacio Campus

Pag-Asa St., Caniogan, Pasig City

Ikatlong Markahan

Araling Panlipunan 9

(Ekonomiks)

Aktibiti 5

I. Paksa: Ang Patakarang Pananalapi : Sektor ng Pananalapi - Bangko

II. Layunin:

A. Masuri ang kalakasan at kahinaan ng mga bahagi ng sektor ng pananalapi sa Pilipinas

B. Mabigyan ng pagpapahalaga ang mga bangko sa pang-araw-araw na buhay ng mga


Pilipino; at

C. Maisa-isa ang mga bahagi ng sektor ng pananalapi sa Pilipinas

III. Sanggunian:

Paglinang sa Kasaysayan 9 : Ekonomiks

DIWA Learning Systems Inc.

Type of Activity: Concept notes

Bilang ng Araw: 3 araw

IV. Konsepto:

Ang Patakarang Pananalapi ay tulad ng Patakarang Piskal na makakatulong sa pagpapatatag


at pagpapalago ng ekonomiya ng bansa. Sapagkat sa pamamagitan ng patakarang pananalapi,
matutulungan ang pamahalaan na maisaayos ang suplay ng salapi sa sirkulasyon. Ang pagkontrol sa
pananalapi ay maaring makaiwas sa implasyon at makadagdag sa empleyo sa bansa. Dahil dito
mahalagang malaman ng bawat mamamayan kung paano isinasagawa ng pamahalaan, sa
pangangasiwa ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang mapatatag ng pananalapi sa bansa.

Bangko
• institusyong pananalapi na nabigyan ng karapatan na tumanggap ng mga deposito ng mga
mamamayan upang itago at pangalagaan

• Institusyong tagapamagitan sa mga tao o kompanyang kulang ang puhunan at sa mga sobra sa
puhunan

• Tumatanggap ng iba’t-ibang uri ng deposito gaya ng savings, demand, at time deposit, at


nagpapautang ng iba’t-ibang uri ng utang gaya ng puhunan, pabahay, sasakyan at iba pa.

• Kumikita ang mga bangko mula sa interes na ipinapataw sa mga nangungutang at dito rin nila
kinukuha ang kanilang pambyad sa interes ng kanilang mga depositor.

• Maaring magsagawa ng iba pang transakyon ang mga bangko na may kinalaman sa pananalapi
tulad ng withdrawal, credit card, debit card, pagbebenta ng insurance, pagpapalit ng dayuhang
salapi, pamamahala sa kayamanan at pagbibigay payo sa stock market.

MGA URI NG MGA BANGKO


A. COMMERCIAL BANK (Bangkong Komersiyal o Unibersal) - pinakamalalaking bangko sa
bansa. Malaki batay sa 3 aspekto

1. Bilang ng mga account deposits ng mga mamamayan

2. Laki ng assets o pagmamay-aring yaman tulad ng salapi, pinuhunang negosyo at iba pa

3. Halaga ng reserve requirements

- tumatanggap ng lahat ng uri ng deposito tulad ng savings, demand, time at iba pa.

- nagpapautang din ito sa publiko at mga negosyante

(Hal. Metrobank, BPI, BDO, Citibank, UnionBank, ChinaBank, UCPB, RCBC at marami pang iba)

B. THRIFT BANK O SAVINGS BANK


- ang mga bangkong kabilang sa kategoryang ito ay may layunin na paigtingin ang pag-iimpok ng
mga nagdedeposito.

- layunin din nito ang pagpapautang sa matagal na termino at mas madali kaysa sa mga bangkong
komersiyal

- Kadalasang nagpapautang ang mga bangkong ito sa iba’t-ibang negosyo tulad ng agrikultura,
industriya at small-medium enterprises

- kabilang dito ang mga sumusunod:

1. Savings o Mortgage Bank - may layuning impukin ang mga salapi ng nag-iimpok sa kaniya

upang gawing puhunan at ipautang din sa mga nais umutang

2. Private Development Bank - layunin na tulungan ang sektor ng industriya at agrikultura sa

pamamagitan ng pagpapautang ng puhunan, na may mahabang panahon ng pagbabayad.

3. Stock Savings and Loan Association - pangunahing layunin nito na makalikom ng pondo
mula sa mga miyembro nito at magpautang din. Ang interes na ipinapataw sa mga pautang ay
naibabalik sa pamamagitan ng dibidendo sa mga miyembro nito.

C. RURAL BANK (Bangkong Rural)


- pinakamaliliit na uri ng bangko

- Kadalasang nakikita sa mga probinsiya o lugar na rural

- Hindi maaring magsagawa ng malalaking transaksyon

- Kadalasan maliliit na munisipyo o lungsod lamang ang sakop nito

- Pangunahing layunin nito ang matulungan ang mga mamamayan sa sektor ng agrikultura sa
pamamagitan ng pagpapautang at pagtanggap ng mga deposito

D. Bangko ng Pamahalaan - itinatag ang Bangko ng Pamahalaan upang mabigyan ng prayoridad


na paunlad ang mga nangangailangang sektor ng lipunan.

• Landbank - naitatag ang Landbank sa bisa ng RA No. 3844 , na naampyendahan ng RA No. 7907

- itinatag ito upang tulungan ang mga magsasaka sa mga pangunahing pangangailangan sa
pagsasaka, irigasyon at iba pa.

- ito rin ang pangunahing Bangko na ginagamit sa pagpapasweldo sa mga opisyal at kawani

ng pamahalaan.

• Development Bank of the Philippines o DBP (Bangko sa Pagpapaunlad ng Pilipinas)


- Layunin na mapatibay ang industriya ng small and medium enterprises upang mapalago ang mga
negosyo ng mga ordinaryong Pilipino

- Ito ay upang mapaunlad ang kabuhayan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagpapautang,


pagpapalago ng kapasidad ng mga negosyante, at pagsasagawa ng pangmatagalang plano ng
kaunlaran

• Al-Amanah Islamic Bank - itinatag ng RA No. 6848


- Ang pangunahing layunin ay mapaunlad ang pamumuhay ng mga Pilipinong Muslim

- Pangunahing gawain na magpautang sa mga Muslim sa bansa.

MGA INSTITUSYONG HINDI BANGKO


Kooperatiba
- Isang samahang may layunin na matulungan ang mga miyembro nito sa pamamagitan ng
pagtatag ng mga negosyo kung saan maaring paghati-hatian ng mga miyembro ang kita

- Ayon sa RA No. 6938 na naamyendahan ng RA No. 9520 o Cooperative Code of the Philippines,
ang kooperatiba ay isang samahan ng mga tao na may pare-parehong interes at pantay- pantay
na kontribusyon sa samahan, at boluntaryong naging miyembro upang makapgsulong ng maayos
na pamumuhay.

- Inaasahan sa kooperatiba na makapagbigay ng pinaghatiang kita mula sa mga negosyo, ito ay


tinatawag na DIBIDENDO.

Sanglaan / Pawnshop
- Isang negosyo na maaaring makapagbigay ng panandaliang lunas sa suliraning pampinansiyal ng
mga mamamayan.

- Tumatanggap ang mga sanglaan ng mga kagamitan bilang kolateral na kapalit ng pag-utang ng
salapi.

- Ang mga kolateral na ito ay panandaliaang pagmamay-ari ng mga sanglaan habang hindi pa
nababayaran ang salaping inutang

- Kadalasang kolateral ay mga alahas, titulo ng kotse, titulo ng bahay, titulo ng negosyo, appliances
at gadgets.

Insurance Companies
- Ayon sa RA No. 2427 o Insurance Act of the Philippines. Ang insurance ay isang paniniguro ng
mga mamamayan o kliyente ng kabayaran kung mayroong mangyaring hindi inaasahan tulad ng
pagkakasakit, pagkamatay, at pagkasira o pagkawala ng ari-arian.

- Ito ay epektibo lamang kung nababayaran ng kliyente ang kontrata na napagkasunduan sa


pagitan niya at ng kompanya

Pre-Need Companies
- Kompanya na pinapayagang magbenta ng mga produktong pananalapi

- Maari lamang na maituring na pre-need ang isang produkto kung ito ay babayaran sa
kasalukuyan, ngunit magagamit pa sa kinabukasan tulad ng college education fund, life plan,
internment plan.

- Ang kontrata ng mga pre-need companies ay nakabatay sa kontratang napagkasunduan kung


kailan ito mababayaran, nakaplano ang pagbabayad ng kompanya sa kliyente

Foreign Exchange Facilities


- Layunin ng mga (forex) na mapalitan ang dayuhang salapi sa piso bilang legal tender sa Pilipinas

- Ito ay rehistradong tagapalit ng salapi ng BSP

- Ang halaga ng pagpapalit ng dayuhang salapi sa piso ay nakabatay sa inilalabas na foreign exchange rate
ng BSP sa bawat araw.

Mga Salaping Dayuhan na kapalitan ng Piso

Australia - Australian dollar

Bahrain - Bahrain dinar

Brunei - Brunei dollar

Canada - Canadian dollar

China - Chinese renminbi

Hongkong - Hongkong Dollar

Europa - Euro

Japan - Yen

South Korea - Won

Kuwait - Kuwaiti Dinar

Oman - Omani Rial

Qatar - Qatari Riyal

Saudi Arabia - Saudi Riyal

Taiwan - New Taiwan Dollar

UAE - dirham

USA - US dollar

UK - British Pound

PENSION FUND
- Ito ay pampublikong pondong nakalaan para sa pagreretiro ng isang manggagawa.

- Ang mga pondo ay nagmumula sa kontribusyon ng bawat manggagawa at pinangangasiwaan ng kaniyang


pinagtatrabahuhan

SOCIAL SECURITY SYSTEM (SSS)


- Itinatag sa pamamagitan ng RA No. 1161 o The Social Security Act of 1954 na inampyendahan ng RA
No.8282.

- Ito ay isang GOCC na nangangasiwa sa pondong pensiyon ng mga manggagawa sa pribadong sektor

- Layunin ng SSS na mabigyan ng pensiyon ang mga retiradong manggagawa sa pamamagitan ng


pangongolekta ng salapi mula sa porsiyentong kita ng kasalukuyang manggagawa.

- Maari din silang magpautang sa mga miyembro, at magbigay ng tulong pinansiyal sa kanila kung sila ay
may karamdaman

GSIS
- Itinatag sa pamamagitan ng Commonwealth Act No. 186 na inamyendahan ng RA No. 8291 o
Government Service Insurance System Act of 1997

- Ito ay isang GOCC na nangangasiwa sa pondong pensiyon ng mga manggagawa ng pamahalaan

Pag-IBIG Fund
- Itinatag sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 1530

- Ito rin ay isang GOCC na nangangasiwa sa suliraning pabahay

- Ang pondong naipon ay maaring gamitin sa

1. Upang maging impok na pondo ng mga miyembro

2. Upang makapagbigay ng murang pabahay

Institusyong Gumagabay sa Sektor ng pananalapi - ang layunin nito ay gabayan ang iba’t-ibang
bahagi ng sektor ng pananalapi

• BSP - Itinatag sa pamamagitan ng RA No. 7653 na mas kilala bilang The BSP Charter.
Gumaganao ito bilang bangkero ng mga bangko. Ang layunin ng BSP ay:

- Paggabay sa lahat ng ahensiya at mga kompanya na bahagi ng sektor

- Pagpapanatili ng presyo ng mga produkto

- Pagsiguro sa integridad ng piso bilang salapi ng bansa

- Pangangalaga sa mga bangko at hindi bangkong institusyon sa bansa

• Insurance Commission o IC (Komisyon sa Seguro)


- Itinatag sa ilalim ng Presidential Decree No. 63

- Itinatag upang pamahalaan ang lahat ng insurance company sa bansa

- Layunin ng IC na siguraduhingh matatag ang pananalapi ng mga insurance company upang


maibigay ng mga ito nang patas ang insurance ng mga kliyenteng bumili ng kanilang produkto

• Philippine Deposit Insurance Corporation o PDIC (Korporasyon ng Pilipinas sa Seguro ng Deposito)


- Sa bisa ng RA No. 3591 na naamyendahan ng RA No. 9302, napasinayanan ang pagtatag ng PDIC.

- Layunin ng PDIC na siguraduhing mababawi ng mga nagdeposito ang perang idineposito sa mga
bangko sa oras na magsara o malugi ang kanilang Bangko

- Sinisigurado nitong ligtas ang mga depositor at matatag ang kakayahan ng salapi sa bansa

• Securities and Exchange Commission o SEC (Komisyon sa mga Panagot at Palitan)


- itinatag sa pamamagutan ng Commonwealth Act No. 83 na mas kilala bilang Securities Act.

- Layuning pangasiwaan at pangalagaan ang lahat ng rehistradong negosyo

- Maari din itong mag-imbesitiga sa mga negosyo na maaring lumalabag sa mga batas at
regulasyon ng bansa.

You might also like