Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philipines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IX, Zamboanga Peninsula

DEMONSTRATOR: CHARLYN BLANDO- DIAMANTE


TRACKS/ STRAND: ACADEMIC TRACK- FILIPINO
TOPIC: Tekstong Deskriptibo
Ikaapat na Markahan
Inihanda ni: CHARLYN BLANDO-DIAMANTE

I. LAYUNIN:

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa
kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Nasusuri ang kalikasan, katangian, at anyo ng iba’t ibang
teksto.
KASANAYANG PAMPAGKATUTO: Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa
(F11PS-IIIb-91)

LAYUNIN SA PAKSANG TATALAKAYIN:

Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang;

a. natutukoy ang kahulugan at layunin ng tekstong Deskriptibo,


b. naibabahagi sa klase ang katangian na mayroon ang tekstong
c. nakabubuo ng isang photo essay,
d. napahahalagahan ang tekstong deskriptibo kaugnay sa totoong karanasan
e. pinapabasa
II. PAKSANG - ARALIN

Paksa: Tekstong Deskriptibo


Sanggunian: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik, p89
Kagamitan: Kahon , newspapers , mga larawan , mga bagay na maaaring ilarawan, mga
Kartolinang may nakasulat na aralin
Pagpahahalaga: Napahahalagahan ng mga mag-aaral ang paglalarawan kaugnay sa
kanilang sariling pamumuhay.
III. PAMAMARAAN

A. Paghahanda
 Panalangin
 Pagbati
 Pagtala ng Liban
 Balik-aral
B. Pagtuklas
Pangkatang Gawain:

Papangkatin sa apat ang klase sa pamamagitan ng kulay na nasa ilalim ng upuan nilagay.

 Ipapakita sa klase ang isang kahon na may mga bagay sa loob


 Pipili ng dalawang representante ng bawat pangkat; ang isa ay ang hahawak ng bagay na nasa
ilalim ng kahon at magbibigay ng 5 paglalarawan lamang, at ang pangalawa ang huhula kung
anong bagay iyon.
C. Paglinang
Mga katanungan para sa pagproseso ng Gawain 1.
1. Ano ang inyong mga kasagutan?
2. Paano kayo nakapaglalarawan?
3. Tama ba ang inyong nahuhulang bagay?
4. Ano kaya ang tatalakayin natin ngayon?
 Ibibigay ang kahulugan ng Tekstong Deskriptibo. ( ilalahad sa klase ang nasa Powerpoint
na paksa)

D. Pagpapalalim
Gawain 1:
1. Ano ang Tekstong Deskriptibo?
2. Ano kaya ang layunin ng Tekstong Deskriptibo?
3. Paano gagawin ang paglalarawan?
Pangkatang Gawain: (parehong pangkat)
Babasahin ng guro ang isang talata ng tekstong deskriptibo habang iguguhit ng bawat pangkat
ang nilalaman ng paglalarawan nito.
 Ipapaskil ng bawat pangkat ang kanilang naguhit sa harap at suriin sa klase kung ano ang
nabuo.
Gawain 2: Pagbabasa ng Teksto
Panuto: Gamit ang bawat pangkat, babasahin ang tekstong Punong Kahoy ni Jose Corazon de Jesus.
 Ang bawat pangkat ay may isang representative upang ipapahayag kung ano ang katangian ng
tekstong Punongkahoy at ano-ano ang mga larawan o deskripsyon na matatanaw dito.

E. Paglalapat
Pangkatang Gawain: PAGGAWA NG PHOTO ESSAY
Panuto: Bumuo ng isang photo essay ayon sa mga materyales na ibibigay.
 Bigyan ng mga larawang galing sa newspaper ang bawat pangkat.
 Bubunot ng paraan ng pagpresenta ng kanilang photo essay ( paglalarawan gamit ang
Action song, Paglalarawan gamit ang love hugots, paglalarawan gamit ang spoken word
poetry at paglalarawan gamit ang rap)

Rubriks para sa Pagtataya ng PHOTO ESSAY


PAMANTAYAN PUNTOS

Angkop ang pagpili ng larawan sa nais 5


iparating na mensahe ng photo
essayessay
Malinaw at angkop ang paglalagay ng 5
mga caption sa larawan
Napapanahon at kapaki-pakinabang ang 5
napiling paksa
Malikhain at napupukaw ang 10
imahinasyon ang kabuuan ng photo
essay
Kabuuan 25

IV. REPLEKSYON
A.
 Paano mo mapahahalagahan sa totoong buhay ang paglalarawan?
 Itatanong ang tanong sa pamamagitan ng pagpili ayon sa mga sinusuot.
 Bilang isang mag-aaral paano mo maihahambing sa paksa ang pantay-pantay na pagtingin
sa katangian ng bawat tao?
 Ano ba ang madalas na nangyayari sa paligid ngayon ukol sa pagtingin sa katangiang
panlabas ng tao?

B. Ipapakita ang lawaran at may katanungan ukol sa paglalarawan

1. Ano ang inyong maaaring tala ukol dito? Paano mo milalarawan?

2. Ano naman ang maaaring mensahe ng larawang ito?

V. EBALWASYON
Gawain: PAGSUSULIT
Panuto: Isulat ang deskriptibo kapag ang pahayag ay naglalarawan at teksto kapag hindi.
1. Sa isang madilim na silid may nakatayong babaeng nagsusuot ng isang mala-prinsesang puting
damit.
2. Ang aking pangalan ay Ana.
3. Maliit pa lamang ay marunong na siyang sumayaw.
4. Tumakbo ang lalaki nang Makita sa pulis.
5. Nangingitim ang kalangitan, tila uulan ngayon.
VI. TAKDANG-ARALIN
 Mananaliksik kung ano ang katangian ng Tekstong Deskriptibo.

You might also like